You are on page 1of 1

Bainairah M.

Mindalano Grade V- Earth

Talambuhay ni Mother Teresa


Si Inang Teresa, Madre Teresa, o Teresa ng Kolkata (26 Agosto 1910 – 5
Setyembre 1997) (Ingles: Mother Teresa of Calcutta) ay isang madreng
Katolikong nakilala bilang isang "buhay na santo" noong nabubuhay
pa.
Ipinanganak siya bilang Agnesë Gonxhe Bojaxhiu (binabaybay ding
Agnes Gonxha Bojaxhiu) sa Skopje, Albanya (kasalukuyang nasa
Masedonya ang Skopje). Nag-aral siya sa Irlanda. Nagturo siya sa
Kolkata, Indiya. Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig
niya ang isang tinig na nagsasabing iwanan niya ang kanyang
kinaroroonang kumbento upang tulungan ang mga maralita.
Habang nasa Kolkata, nakasuot siya ng sari at nakatapak sa
pinakamahihirap na pook .
Noong 1948, pinahintulutan siya ng Simbahang Katoliko na magtatag
ng isang bagong samahan ng mga madre, ang Mga Misyonera ng
Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng 30 mga taon,
kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o
Inay Teresa ng mga sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng
mga ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at mga
malapit nang mamatay. Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang
samahan ng 200 mga sangay sa buong mundo. Biniyayaan siya ng
Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan.

You might also like