You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang Pang-abay sa Pangungusap

b. Nagagamit ang pang-abay sa pagbuo ng pangungusap; at

c. lumahok ng aktibo sa klase.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pang-abay
B. Sanggunian: Filipino 3
C. Kagamitan: Flashcard, cartolina, marker
D. Pagpapahalaga: Aktibong kooperasyon at pagtutulongan sa grupo

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
-Pagdarasal
- Pagbati
-Attendance

B. Balik-Aral
- Itanong: Ano ang itinalkay natin noong nakaraang linggo?
- Magbigay ng salitang kilos at gawin ang kilos.
C. Panlinang na Gawain
- Magbasa ng kwento
- Itanong: Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

Ano ang kilos na ginawa ng tauhan sa kwento?

Paano nya ginawa ang kilos?

Kailan nya ginawa ang kilos?

Saan nya ginawa ang kilos?


D. Paglalahad
- Pang- abay - naglalarawan sa salitang kilos
Paano ginawa ang kilos?
Mabilis na naglalakad ang mag-aaral.
Kailan ginawa o gagawin ang kilos?
Mag-aaral ako mamaya para sa pagsusulit.
Saan gagawin ang kilos?
Maghihintay ako sa silid-aklatan.
E. Pangkalahatan

F. Paglalapat
-Pangkatang Gawain

G. Paglalagom
Ano ang pang-abay?
Magbigay ng isang halimbawa

IV. Pagtataya

Salungguhitan ang Pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Maagang pumasok si Ana.


2. Tumakbo ng mabilis si lance.
3. Tuwing hapon, naglalaro ng basketball si Lee at Prince.
4. Kakain ako ng pananghalian sa kantina.
5. Masayang naglalaro ang mga bata.

V. Takdang Aralin

Sagutan ang Pahina


Paano ginawa ang kilos?

1. Magaling sumayaw ng tinikling si Ana.


2. Matulin tumakbo si Mang Ben.
3. Malakas tumawa ang magkaibigang Lee at Angel.

Kailan ginawa ang kilos?

1. Nagsisimba kami tuwing linggo.


2. Mamaya kami bibili ng pagkain.
3. Maglilinis ako pagkatapos ng klase.

Saan gagawin ang kilos?

1. Pumasok sa paaralan ang kambal.


2. Kumain ako sa kantina.
3. Magbabasa ako ng libro sa silid-aklatan.
4.

You might also like