You are on page 1of 3

ANG ASAWA NANG MANLALAKBAY SA ORAS

CLARE: Ang silid – aklatan ay malamig at amoy tulad ng panlinis ng karpet, bagaman ang nakikita
ko ay marmol. Pinirmahan ko ang log ng mga bumibisita: Clare Abshire, 11:15 10 – 26 – 91
espesyal na koleksyon. Hindi pa ako nakapunta sa silid – aklatan ng Newberry dati, at ngayon na
nalagpasan ko na ang dilim, sabik kong tinahak ang pasukan na hindi batid kung ano man ang
maaaring mangyari. Ang kinaumagahan ng pasko ay isang uri ng aklatan na ang kahulugan ay
isang malaking kahon na puno ng nag – gagandahang mga libro. Malamlam ang ilaw ng makinang
pangtaas, halos tahimik. Huminto ako sa pangatlong palapag, at aking pinunan ang aplikasyon
para sa isang kard ng mambabasa, pagkatapos ay pumunta ako sa taas patungo sa espesyal na
koleksyon. Tinuktok ng aking mga takong ang sahig na kahoy. Tahimik ang silid at masikip, puno
ng matitigas na bagay, mabibigat na mesa na may nakasalansan na mga libro at napapalibutan
ng mga taong nagbabasa. Kumikinang ang tag – lagas na umaga sa Chicago na umaabot sa
matataas na bintana. Lumapit ako sa pupitre at nangolekta ng salansan ng call slips. Nag – susulat
ako ng pananaliksik para sa klase ng kasaysayan ng sining. Ang aking paksa ay ang Kelmscott
Press Chaucer. Hinahanap ko ang libro mismo at pinunan ang isang call slip para dito. Ngunit nais
ko ring basahin ang tungkol sa pag – gawa ng papel sa Kelmscott. Nakakalito ang listahan. Bumalik
ako sa pupitre upang humingi ng tulong. Habang pinapaliwanag ko sa babae ang sinusubukan
kong hanapin ay sumulyap siya sa dakong balikat ko upang tingnan ang taong dumaan sa aking
bandang likuran. “Marahil ay si G. De Tamble ang makakatulong sa iyo,” sambit niya. Tumalikod
ako, handa na sanang magpaliwanag muli, at nakita ko na lamang ang aking sarili na kaharap si
Henry.
Hindi ako makapagsalita, narito si Henry, mahinahon, may maayos na kasuotan, mas bata kaysa
sa unang kita ko sa kanya. Nagta – trabaho si Henry sa silid – aklatan ng Newberry at nakatayo
sa harapan ko sa kasalukuyan. Ngayon at dito. Walang mapaglagyan ang aking kasiyahan habang
matiyaga niya akong tinititigan, may pag – aalinlangan ngunit magalang.
“May maitutulong ba ako sayo?” tanong niya
“Henry!” Hindi ko napigilan na ipulupot ang mga bisig ko sa kanya. Walang pag – aalinlangan na
hindi niya pa ako nakita sa tanang buhay niya.
“Nagkita na ba tayo? Pasensiya ka na, hindi ko…” Tumingin si Henry sa paligid, nag – aalala dahil
pinagtitingin na kami ng mga nagbabasa at mga katrabaho niya, hinahanap sa kanyang alaala at
napagtanto niya na ang sarili niya sa hinaharap na nakatagpo siya ng isang masigla at masayahing
babae na nakatayo sa harapan niya ngayon. Ang huli naming pagkikita ay isa pa lamang akong
maliit na bata sa parang.
Sinubukan kong magpaliwanag “Ako si Clare Abshire. Bata pa lamang ako ay kilala na kita…” Hindi
ko alam ang gagawin ko dahil ang lalaking mahal ko ay nakatayo sa harapan ko na walang
matandaang alaala sa akin. Ang lahat ay nasa hinaharap para sa kanya. Gusto kong tawanan ang
buong pangyayari. Maraming taon kong iniisip si Henry habang siya ay naguguluhan at natatakot
na nakatingin sa akin. Suot ni Henry ang pinag – lumaang pantalong ng aking ama sa pangingisda,
matiyagang itinatanong ang talaan ng multiplikasyon, Pranses na pandiwa, kabisera ng lahat ng
mga bansa; Tumatawa si Henry dahil sa hindi pangkaraniwang pananghalian, ang aking pitong –
taong gulang na sarili ay dinala sa parang; Nakasuot si Henry ng tuxedo, nanginginig ang kanyang
mga kamay habang tinatanggal ang butones ng kanyang damit sa ikalabing – walo kong kaarawan.
Nandito ka na rin naman! “Halika samahan mo akong magkape, o hapunan o kahit ano…”
Alam ko namang papayag siya, ito si Henry ang taong minahal ako sa nakaraan ay alam kong
mamahalin din ako sa hinaharap sa alingawngaw ng ibang oras.

Lumuwag ang aking aking pakiramdam nang pumayag siya. Plano naming magkita ngayong gabi
sa isang malapit na Thai restaurant, sa labis na pagtataka ng babae sa likuran ng pupitre ay umalis
na ako, nakalimutan ko na ang tungkol sa Kelmscott at Chaucer at bumaba sa marmol na hagdan,
sa pamamagitan ng lobi at lumabas patungo sa araw nang Oktubre ng Chicago, tumatakbo sa
kabilang dako ng liwasan kung saan marami ang maliliit na aso at ardilya, masayang lumulukso at
naghihiyawan.

HENRY: Karaniwang araw ng Oktubre, maaraw at presko. Nagta – trabaho ako sa ika – apat na
palapag ng Newberry, mallit walang bintana at kontrolado ng halumigmig, taga – ayos ng
koleksyon ng papel na marmol na kamakailan lang naibigay. Magaganda ang mga papel, ngunit
mahirap ang pag – aayos. Nababagot ako at nakakaramdam ng awa sa sarili. Sa katunayan,
pakiramdam ko ang tanda ko na sa paraang isang dalawampu’t walong taong gulang lamang ang
mananatili ng hanggang hating – gabi upang uminom ng bodka na labis sa presyo, sinubukan ko
ngunit walang tagumpay na ninanais na maibalik ang aking sarili upang magkaroon ng
magagandang biyaya para kay Ingrid Carmichel. Natapos ang buong gabi sa aming pag – aaway,
at hindi ko maalala ngayon kung ano ba talaga ang pinag – awayan namin. Sumasakit ang ulo ko,
kailangan ko nang kape. Iniwan ko ang mga papel na marmol nasa estado ng kontroladong
kaguluhan. Naglakad ako patungong opisina at nilagpasan ang tawag ng pupitre sa silid basahan.

Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi ni Isabelle, “Marahil ay si G. De Tamble ang makakatulong
sayo,” na ang ibig niyang ipahiwatig ay “Henry, saan ka pupunta?” Isang kabigha – bighaning
babae na matangkad balingkinitan, at may amber na buhok ang umikot at tumingin sa akin na tila
ba ako ang kanyang personal na Hesus.
Parang bumaliktad ang aking sikmura. Halatang kilala niya ako, ngunit hindi ko siya kilala. Diyos
lang ang tanging nakakaalam kung ano ang sinabi ko, ginawa ko o ipinangako sa nagniningning
na nilalang na ito, kung kaya’t napilitan akong magsalita bilang isang magaling na katiwala ng
aklatan,
“May maitutulong ba ako sayo?”
Natigilan ang babae “Henry!” Sa mga sandaling iyon napaniwala ako na tila ba mayroon kaming
magagandang alaala na pinagsamahan.
Mas pinapalala nito ang sitwasyon dahil wala akong kahit anong maalala tungkol sa kanya”, kahit
man lang ang pangalan niya. Kung kaya’t nasabi ko “Nagkita na ba tayo?” at binigyan ako ni
Isabelle ng tingin na nagsasabing baliw ka ba!. Ngunit sinabi ng babae, “Ako si Clare Abshire bata
pa lamang ako ay kilala na kita,” at inanyayaan ako para sa isang hapunan. Pumayag ako nang
hindi ko namamalayan.
Tuliro ako habang nakatayo ako sa pangtaas na makina, napagtanto ko isang napakalaking panalo
sa loterya sa hinaharap ang natagpuan ko ngayon sa kasalukuyan, at nagsimula akong matawa.
Nagtungo ako sa lobi at habang tumatakbo ako sa hagdan patungo sa kalye nakita ko si Clare na
tumatakbo patungo sa Washington square, masayang tumatalon – talon at bigla na lamang akong
naluha sa hindi maipaliwanag na dahilan.

You might also like