You are on page 1of 4

Quiz#1

I-Tukuyin ang inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag.Piliin ang sagot sa loob ng panaklong.
1.Ginamit ito ni Prince Henry upang malaman ang latitude o layo ng barko pahilaga o patimog mula sa
Equator.
(Compass,GPS,Astrolabe,Magnet)
2. Prinsipyong pang-ekonomiya kung saan ang batayan ng kayamanan ng bansa ay ang kabuuang dami ng
ginto at pilak na mayroon ito (Kalakalan,Merkado,Merkantilismo,Barter)
3. Natagpuan niya ang bagong Ruta patungo sa Asya.Dumaong siya sa Calicut sa kanlurang baybayin ng
India noong 1498. (Bartholomeu Dias,Marco Polo,Vasco da Gama,Magellan)
4. Sumalakay sila sa Silangang Rehiyon ng Mediterranean Sea (ika-14 hanggang ika-15 siglo) at ipinasara
ang daan ng mga mangangalakal.(Turkong Muslim,Seljuk Turk,Espanyol,Portuguese)
5. Serye ng mga kampanya ng mga Kristiyanong Kabalyero na ang layunin ay upang bawiin ang Jerusalem sa
mga Muslim.(Rennaisance,Constantinople,Krusada,Merkantilismo)
6.Ito ang kasalukuyang pangalan ng Constantinople.(Iran,Iraq,Turkey,Persia)
7. Aklat na ginawa ni Marco Polo.Inilarawan dito ang karangyaan at kayamanan ng mga bansa sa Asya.
(Travels of Marco,Travels of Marc Polo,Travels of Mark Polo,Travels of Marco Polo)
8. Isang kilusang pilosopikal na makasining. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang”.
(Merkantilismo,Renaissance,Repormasyon,Humanista)
9. Nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europe patungong India.China,at iba pang bahagi ng Silangan na
napasakamay ng Turkong Muslim noong 1453.(Alexandria,Cairo,Damascus,Constantinople)
10. Pangalan na nagpapahiwatig ng mataas na pag-asa na makakamit nila ang kanilang layunin. Natagpuan
ito ni Bartholomeu Dias sa kanyang paglalayag.(Canary,Azores,Cape Verde,Cape of Good Hope)

II-Punan ang patlang ng mga sumusunod na pangungusap.pumili ng sagot sa mga salitang nasa
kahon.

Samarkand Caspian Sea England Egypt Damascus Black Sea

Antioch France Peking Bokhara Portugal Netherlands Red Sea Ormuz

Persian Gulf Aleppo Gitnang Asya Spain Constantinople Alexandria

Ang Hilagang Ruta ay nagsisimula sa 1. _________(ngayon ay Beijing),Binabagtas ang mga disyerto ng


2.______,Dumaraan sa mga lungsod ng 3.________at 4.______,Tinatawid ang 5._________at ang
6.______,at nagtatapos sa lungsod ng 7. ___________.
Ang timog ruta ay paglalakbay Pandagat sa simula hanggang katapusan mula India,Babagtasin ang Indian
Ocean,Babaybayin ang Arabia tuloy sa 8. _______hanggang sa Cairo o 9.______ sa. 10._______
Ang gitnang ruta ay nagsimula ang paglalakbay mula India,hanggang sa 11. _______sa 12.______,Sasakay
ng Kamelyo patungo sa mga lungsod ng 13. ______,14. ______ at 15.________.
Hindi pinayagan ng mga Seljurk Turk ang mga taga 16________,17________,18________,19_______, at
20._________ na bumili ng kalakal na galling sa Asya.
Quiz #2
Tukuyin ang mga inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag.
1.Ang bansang karibal ng Portugal sa larangan ng paglalayag.(Spain,England,France,Netherlands)
2.Tumutukoy ito sa matinding pagmamahal sa inang bayan.
(Kolonyalismo,Imperyalismo,Nasyo.nalismo,Merkantilismo)
3.Ang bansang nanguna sa eksplorasyon.(Spain,Portugal,England,France)
4. Bilang ng ruta ng kalakalan na dinadaanan ng mga produkto ng Asya upang makarating sa Europa.
(Dalawa,Tatlo,Apat,Lima)
5. Ang unang nakarating na European sa Asya. (Espaῇol,Portuguese,Dutch,French)
6. Ang mga sumusunod ay naghangad ng bagong ruta papuntang Asya maliban sa _______.
(Portugal,Netherlands,Germany,France)
7. Ang mga sumusunod ay mga bansang sinakop ng England maliban sa _______.
(India,Burma,Malaya,Pilipinas)
8. Ang tulang _______ ay pagbibigay katwiran ng mga Kanluranin sa pananakop sa mga Asyano.
(Industriyalisason,Kapitalismo,White Man’s Burden,Nasyonalismo)
9. Ang unang lugar na narating ng mga Portuguese ay ang___.
(Kanlurang Asya,Silangang Asya,Timog Asya,Timog Silangang Asya)
10. Ito ay nangangahulugang command sa salitang Latin at ito ay ang paghahangad ng mga Kanluranin na
panghimasukan at sakupin ang mga bansang Asyano.
(Imperyalismo,Kultura,Nasyonalismo,Kolonyalismo)
11. Ang tinutukoy na banal na lupain para sa mga kristiyanong Europeo ay ang __________.
(Betlehem,Jerusalem,Judea,Palestine)
12. Hangganang ipinatupad ni Pope Alexander VI noong 1493 kung saang bahagi ng mundo dapat maggalugad
ang Portugal at Spain.
(Treaty of Tordesillas,Treaty of Zaragosa,Treaty of Versailes,Line of Demarcation)

13. Sa pamamagitan ng tratadong ito,nakuha ng Portugal ang Moluccas at ilang teritoryo sa India.
(Treaty of Tordesillas,Treaty of Zaragosa,Treaty of Versailes,Line of Demarcation)
14.Ayon sa kasunduang ito,ang Portugal ay maggagalugad sa bandang Silangan at ang Spain ay maggagalugad
sa bandang kanluran.( (Treaty of Tordesillas,Treaty of Zaragosa,Treaty of Versailes,Line of Demarcation)
15. Nagmula sa salitang Latin na COLONUS na ang ibig sabihin ay magsasaka.
(Imperyalismo,Kolonyalismo,Nasyonalismo,Merkantilismo)
16. Damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-Bayan.
(Nasyonalismo,Kolonyalismo,Merkantilismo,Imperyalismo)
17. Taga Viscenza,Italy na sumulat sa ekspedisyon na ginawa nila Magellan.
(Urdaneta,Pigafetta,Del Cano,Villalobos)
18. Isang manlalakbay na mula sa Genoa,Italy. Naglakbay siya sa ngalan ni Reyna Isabella.
(Columbus,Magellan,Legaspi,Saavedra)
19.Tanging barkong ginamit sa ekspedisyon ni Magellan na nakabalik sa Spain.
(Santiago,Concepcion,Trinidad,Victoria).
20. Ito ay isa sa apat na pangunahing salik sa panahon ng imperyalismo na isinulat ni Rudyard Kipling
ipinasailalim sa kaisipan ang mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga kanluraning bansa.
(Nasyonalismo,Kapitalismo,Industriyalisasyon,The White Man’s Burden)
21. Siya ay italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice.
(Vasco da Gama,Marco Polo,Bartholomeau Dias,Prinsipe Henry)
22. Ito ay tinaguriang banal na lugar sa Israel.(Betlehem,Jerusalem,Jerico,Palestine)
Ang mga Barkong ginamit sa paglalayag nila Christopher Columbus ay ang :
23.____________ 24.___________ 25.______________
Ang mga sumusunod ay mga barkong ginamit sa paglalayag ni Ferdinand Magellan:
26.____________ 27.____________28.__________ 29.____________ 30.____________
Quiz #3
I-Isulat ang E kung Ekonomiya,P kung Politika at S/K kung Sosyo-kultural ang epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Asya.
1.Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong kanluranin.
2.Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
3.Nagkaroon ng Fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
4.Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
5.Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang katapatan ng kolonya.
6.Pag-unlad ng Sistema ng transportasyon at komunikasyon.
7.Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling Sistema.
8.Nalipat sa Europe ang mga kayamanan ng Asya na dapat pakinabangan ng mga Asyano.
9.Nagtayo ng mga irigasyon,ospital,paaralan at simbahan.
10.Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na nagamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan,ekonomiya, at
iba pang aspekto ng buhay.
II- Piliin ang tamang sagot.
1.Pag-aalsa ng mga sundalong Indian dahil sa balitang pinahiran ng langis ng baboy at baka ang mga bala.
(Rebelyong Hindu,Rebelyong Muslim,Rebelyong Bala,Rebelyong Sepoy
2.Pagpatay sa mga Indian na kasama sa isang selebrasyon.
(Amritsar Massacre,Holocaust,Zionism,Racial Discrimination)
3.Tahimik at mapayapang paraan ng pakikipaglaban.(Ahimsa,Civil Disobedience,Sepoy,Nasyonalismo)
4.Hindi pagsunod sa pamahalaan na pinasimulan ni Gandhi.
(Ahimsa,Civil Disobedience,Sepoy,Nasyonalismo)
5. Kauna-unahang Hari ng Saudi Arabia. (Ali Jinnah,Gandhi,Ibn Saud,Nehru)
6.Nangangahulugang mapapasailalim sa patnubay ng bansang Europeo ang isang bansa bago maging Malaya.
(Sistemang Mandato,Sistemang Pang-ekonomiya,Sistemang Pangpolitika,Sistemang European).
7.Direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop na Bansa.
(Protectorate,Colony,Kaharian,Imperyo)
8. Itinanghal na kaunaunahang Gobernador Heneral ng Pakistan.(Ali Jinnah,Gandhi,Ibn Saud,Nehru)
9. Namuno upang matamo ng mga Indian ang Kalayaan noong Agosto 15,1947.
(Ali Jinnah,Gandhi,Ibn Saud,Nehru)
10. Mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga patakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang
bansa lalo na sa patakarang panlabas. (Protectorate,Colony,Kaharian,Imperyo)
11. Isa itong pamamaraan na ginamit ni Mohandas K. Gandhi upang maiwasan ang karahasan sa India.Ito ay
isinagawa sa pamamagitan ng pagboboykot sa mga produktong Ingles.
(Civil disobedience, Sistemang Mandato,White Man’s Burden ,New Culture Movement)
12. Tinagurian siyang “Dakilang Kaluluwa.”(Ali Jinnah,Reginald Dyer,Mohandas K. Gandhi,Mangal Pandey)
13. Ang imperyalismo ay hango sa wikang latin na “imperium” na nangangahulugang _____
(Colony,Civitas,Command,Colonus)
14. Isa itong pilosopiya na nilinang ni Mahatma Gandhi na nagtataglay ng kawalan ng karahasan sa anumang
pagtutol sa batas ng pamahalaan Britanya o hangaring pagbabago. (Ahimsa,Satyagraha,Samsara,Moksha)
15. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng mga Indian?
(Pagpapatupad ng Economic embargo ng mga Ingles ,Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi,
Diskriminasyon sa mga Indian)
16. Paano isinagawa ni Mohandas Gandhi ang kanyang paglaban sa mga Ingles?
(Mapayapang pamamaraan,Mga bata ang ginamit,Nagsulat ng mga aklat ,Gumamit ng dahas)
17. Namuno siya upang makamit ng bansang India ang kalayaan noong 1947.
(Mohammad Ali Jinnah,Jawaharlal Nehru,Ibn Saud ,Ali Khomeini)
18.Nagsanib puwersa ang mga magkakakamping bansa tulad ng Britanya,Pransya at Rusya at ito ang nag-
udyok sa iba pang bansa na lumikha ng pangkat na tinatawag na ____.(Alyansa,Kilos
protesta,Kabalikat,Kagrupo)
19. Italyanong Marinero na naging dahilan upang mapasailalim ang Nova Scotia,Canada sa England.
(Robert Clive,John Cabot,Columbus,Magellan)
20. Kasunduang nilagdaan na naghudyat sa pormal na pagtatapos ng unang digmaang pandaigdig.
(Treaty of Tordesillas,Treaty of Zaragosa.,Traety of Versailes,Treaty,Line of Demarcation)
Quiz # 4
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1.Isang anyo ito ng Demokrasya kung saan ang mga mamamayan ay pumipili ng kinatawan o representative
sa pamahalaan.
(Republika,Pederal,Komunismo,Totalitaryanismo)
2. Pinamumunuan ng isang diktador at hindi nalilimitahan ng anumang batas ang kaniyang desisyon. Masugid
siyang tagapagtaguyod sa isang ideolohiyang pinagbabatayan ng pamamahala gaya ng kumunismo
(Diktadurya,Pederal,Komunismo,Totalitaryanismo)
3. Sistemang Politikal na hawak ng estado,o ng pamunuang namamahala nito ang ganap na
awtoridad.Maaring minana ang kapangyarihan ng estado o pinipili ang lider ng isang grupong espesyal.
(Republika,Pederal,Komunismo,Totalitaryanismo)
4. Hawak ng mga lokal na pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaaring pakialaman ng pamahalaang
nasyonal.
(Republika,Pederal,Komunismo,Totalitaryanismo)
5. Hawak ng mga mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan.
(Demokrasya,Pederal,Komunismo,Totalitaryanismo)
6. Iisang partidong awtoritaryan ang may kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa.
(Demokrasya,Teokrasya,Komunismo,Totalitaryanismo)
7. Ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang kinatawan ng kanilang Diyos.
(Demokrasya,Teokrasya,Komunismo,Totalitaryanismo)
8. Isang kalipunan ng mga ideya,paniniwala,at kaisipan ng isang grupo o ng isang Partido political.
(Samahan,Damayan,Ideolohiya,)
9. Pinamunuan ni Sarojini Naidu ang pangangampanya upang mabigyan ng karapatang bomoto ang mga
kababaihan noong 1919.Iginawad ang karapatang bomoto ng mga kababaihan noong 1950.
(Women’s India Association,Factories Act,Mines Act,All Indian Coordination Committee)
10. Binigyang pansin ang mga isyu tulad ng benepisyo sa pagbubuntis,pantay na sahod,at mga pasilidad ng
daycare.
(Women’s India Association,Factories Act,Mines Act,All Indian Coordination Committee)
11. Nagtalaga ng hiwalay na palikuran para sa mga babae at lalaki.
(Women’s India Association,Factories Act,Mines Act,All Indian Coordination Committee)
12. Ipinagbawal ang pagtatrabaho ng mga kababaihan sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang
mga ito.
(Women’s India Association,Factories Act,Mines Act,All OIndian Coordination Committee)
13. Tinutulan ng mga samahang ito ang mga isyu gaya ng karahasan sa tahanan at hindi makatarungang
pagtaas ng bilihin maliban sa isa. (Shahada Shramik Sangatana,Self-Emplyode Women’s Association,United
Women’s Anti-Price Rise Front,Sindhian Tehrik)
14. Naging Instrumento sa pagkakaroon ng Women’s Action Forum at sa paglipas ng taon ay pinangalagaan
nila ang mga karapatan ng mga kababaihan ng mga samahang ito maliban sa isa.
(United Front For Women’s Rights,Women’s Front,Shirkat Gah,People’s Alliance)
15. Naitatag bilang Protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na naaresto at ikinulong ng mga
sundalo.
(People’s Alliance,Mother’s Front,Sindhian Tehrik,Sri Lanka”s Women’s NGO Forum)
16. Pinalakas ang probisyon ng Kodigo Penal na may kinalaman sa panggagahasa at sexual harassment.
(People’s Alliance,Mother’s Front,Sindhian Tehrik,Sri Lanka”s Women’s NGO Forum)
17. Naging aktibo sa pagtataguyod ng partisipasyon ng kababaihan sa politika.
(People’s Alliance,Mother’s Front,Sindhian Tehrik,Sri Lanka”s Women’s NGO Forum)
18. Isang Partido politikal sa Sindh na nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa at
poligamya,gayundin ang karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa mapapangasawa.
(People’s Alliance,Mother’s Front,Sindhian Tehrik,Sri Lanka”s Women’s NGO Forum)
19. Nagsilbing bantay sa militirisasyon ng Sri Lanka at naging aktibo sa pagtatanggol sa mga karapatang pantao at karapatang sibil.
(Women for Peace, Mahila Parishad,Women’s Front,People’s Alliance)
20. Nagtalaga ng hiwalay na palikuran para sa mga babae at lalaki.
(Mine’s Act of 1952,Factories Act ng 1948,Hindu Marriage act,Sindhian Tehrik)

You might also like