You are on page 1of 1

JMJ Marist Brothers

NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY


Integrated Basic Education Department – Senior High School
Koronadal City, South Cotabato

RABAC, Precious Mae N.


12 STEM – St. Paul of the Cross
42 July 30,2019

Replektibong Sanaysay
“Abakang Pera”

Sa dokumentaryong aming napanood tungkol sa “Abakang Pera” ni Kara David, aking


napagisipan na tunay nga na mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat
isa itong susi sa magandang kinabukasan. Katulad ni Christian, kahit sila ay hirap sa
buhay, ibinubuhos niya parin ang kanyang lakas sa pag-aani ng abaca para matustusan
ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan at magkaroon ng panggasto sa
eskwela. Sa dokumentaryong ito aking napagtanto na napakapalad ko dahil meron akong
magulang na responsable at ginagawa ang lahat na kahit papaano di ko naranasan yung
naranasan ng iba na naghihirap para lang may pangtustus sa kanilang araw-araw na
pangangailangan.

Lahat tayo ay naghahangad ng magandang buhay. Gayunpaman wag sana tayong


maging tamad, sapagkat ito ang pumapatay sa ating mga gawain, hanapbuhay o trabaho.
Ang katamaran ang pumipigil o humahadlang sa atin upang tayo ay magtagumpay. Kung
kaya’t dapat na puksain natin ang katamaran at huwag itong bigyan ng puwang sa ating
kalooban sapagkat wala itong maidudulot na maganda sa ating kinabukasan.
Bilang kabataan ay dapat lagi nating ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon ang ating
kasipagan sa bawat gawain. Ngunit lagi rin nating tatandaan na sa isang gawain ay tiyak
na makararamdam tayo ng hirap, pagod ng katawan at isipan, mga pagsubok at
mabibigat na problema ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi dapat sumuko
sapagkat ang pagsuko ay kaduwagan.

You might also like