You are on page 1of 1

Practice Teaching, kaalamang handog sa batang Osme

Buwang oktubre, simula ng paglalapat kaalaman na handog ng Practice Teachers.

Practice Teachers ng Osmena Colleges, inihahanda na sa pagsasalang kasama ang mga batang asignatura
para sa kanila. Hindi maitago sa mga bakas ng mukha ang mga isinanay na guro ang nalalapit na
pakikipagsalamuha sa mga bata.

“Nakaka excite kasi dito, ito na talaga ang tunay na mundo kasama ang aming kabataan” ani Frudel
Codilla, isa sa mga estudyante sa BEED.

Handog ng Osmena Colleges Practice Teachers ang magkaroon pa ng mas malalim na kaalaman ang mga
estudyante na bunga rin ng pagkakaroon ng team teaching sa kapwa guro rin. Malaking tulong ang
magkaroon ng Practice Teachers sapagkat mas masasanay at kahit papaano ay gagaan ang gawain ng
mga gabay na guro, hamon rin ito dahil dito sasanayin ang pasensya at iba’t-ibang tinatawag na
pormyula upang makuha ang kiliti ng mga bata.

Inaasam-asam rin ang kalidad na pagtuturo upang mas lalong mahubog at maging inspirado ang mga
kabataan, maipapamalas ng mga naghahangad bilang guro na maibgay sa abot ng kanilang kayanan para
sa mga estudyante.

“Nandito lang naman kami lagi upang gabayan, turuan at mas lalong mahubog at mas mahalin pa nila
ang propesyong produkto ng bawat kurso” komento ni G. Ian Zaragoza, guro sa ikatlonng baitang.

You might also like