You are on page 1of 7

Ang Banal na Oras

Tagapagdaloy:

Panimulang Pananalita

Pambungad na Awit

PAGTATANGHAL NG SANTISIMO SAKRAMENTO

The presider places the host in the monstrance. After placing


incense in the censer, the presider kneels and incenses the
Blessed Sacrament. Then the following invitation to praise is
said.

PAANYAYA SA PAGSAMBA

Pari:
Papuri sa Diyos Ama, hari ng sangkalupaan,
gayundin sa Espiritu Santo, karapat-dapat sa lahat ng
papuri.

Bayan:
Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.

Pari:
Papuri sa Bugtong na Anak,
ipinanganak ng Birheng Mahal para sa kaligtasan ng lahat.

Bayan:
Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Pari:
Papuri sa Espiritung Banal, gabay ng simbahan tungo sa
kaganapan ng katotohanan.

Bayan:
Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.

Sandaling katahimikan

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari:

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


Ikaw ang banal na nag-aanyayang
maging ganap sa pag-ibig ang tanan
at nagbubunsod sa marami upang ang Iyong Anak ay sundan.
Ipagkaloob Mong ang Iyong mga pinili para sa tanging
kapalaran
sa pagpupunyaging magbagong-buhay
ay maging tanda ng iyong paghahari sa sambayana’t
sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

A period of silence is observed.


2
Tagapagdaloy:

Tumayo po ang lahat at makinig sa pagpapahayag ng


Mabuting Balita.

MABUTING BALITA

Ang Mabuting Balita ayon kay Lucas


Lu 18:1-8

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga


upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalanging lagi at
huwag manghinawa.

“Sa isang lunsod,” wika niya, “may isang hukom na hindi


natatakot
sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lunsod ding iyon ay may
isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi
ng katarungan.

Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit


nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: “Bagamat hindi ako
natatakot sa Diyos, ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na
ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat
lagi niya akong ginagambala—baka pa ako mainis sa kapaparito
niya.’”

At sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang


hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang
mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila
nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa
3
kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa
daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa
kanya?”

A period of silence is observed.

Pari:
Kaisa ni Jesus na ating Mabuting Pastol, tumawag tayo sa
Ama sa pamamagitan ng panalanging itinuro Niya sa atin.

Koro: AMA NAMIN

After the Lord’s Prayer, the congregation kneels for the


Benediction.

PANGWAKAS NA PANALANGIN AT BENDISYON NG


BANAL NA SAKRAMENTO

Tagapagdaloy:

Magsiluhod po ang lahat.

Koro: TANTUM ERGO

Tantum ergo Sacramentum


Veneremur cernui:
Et antiquum documentum
Novo cedat ritui:
Praestet fides supplementum
Sensuum defectui.

4
Genitori, Genitoque
Laus et iubilatio,
Salus, honor, virtus quoque
Sit et benedictio:
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio.
Amen.

Pari:
Binigyan Mo sila ng tinapay buhat sa langit

Bayan:
Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat ng
katamisan

Pari

Manalangin Tayo.

O Diyos, na sa ilalim ng Kamangha-manghang


Sakramento, ay iniwan Mo sa amin ang ala-ala ng Iyong
hirap at sakit; ipagkaloob Mong sa pamamagitan ng
pagsamba namin sa Banal na Misteryo ng Iyong Katawan at
Dugo, ay madama namin sa aming sarili ang bisa ng
pagtubos Mo sa amin; Ikaw na nabubuhay at naghaharing
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:

Amen.
5
Mga Dakilang Papuri

Purihin ang Diyos.


Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Taong totoo.

Purihin ang Ngalan ni Hesus.


Purihin ang Kanyang Kasantu-santusang Puso.
Purihin ang Kanyang Kabanal-banalang Dugo.
Purihin si Hesus sa Banal na Sakramento sa Altar

Purihin ang Diyos Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.

Purihin si Maria, Dakilang Ina ng Diyos


Purihin ang kanyang pagiging Imaculada Concepcion
Purihin ang maluwalhating pag-akyat sa langit
kay Maria.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.

Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo.


Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang
mga santo.

After the prayer the presiding minister puts on the humeral


veil, genuflects, and takes the monstrance. He then makes
the sign of the cross with it over the people in silence.

PAGBABALIK NG SANTISIMO SAKRAMENTO SA


TABERNAKULO
PANGWAKAS NG AWIT
6
7

You might also like