Professional Documents
Culture Documents
Talumpati Script 12L Group 1
Talumpati Script 12L Group 1
Why and What: Hazing (Badal)
Albert, Tabtab, Honasan, Villa, Camaligan, Cahiyang, Domingo, Guzman,
Villanueva, Dela Cruz, Castillio, Domitorio. Labindawa sa apatnaput-apat na
pangalan na ibinalita ay namatay sa hazing. Ang hazing ay isang porma ng
“initiation” na tagapagtaguyod ng “brotherhood”. Itong “brotherhood” ay
nagtatayo ng pakiramdam ng pagkakapamilya at katapatan. Ang mga
biktima ay nakakaranas ng mental, emosyonal, at pisikal na abuso. Lahat ito’y
dinadaanan nila para lamang maging parte ng isang eksklusibong “pamilya”.
Ang anti Hazing Act of 1995 o Republic Act No. 8049 ay nagbabawal ng pisikal
na pananakit at karahasan sa mga “hazing practices” at mauuwi sa
pagkamatay ang mga mapaparusahan ayon sa batas.
Bionotes: Stella and Miggie (Elise)
Si Stella Miranda ay 17 taon lamang. Siya ay pinuno ng Human
Resources Deparment ng Mission Youth sa Zobel. Dati rin siyang tagasulat sa
Counterpoint.
Si Miggie Yee ay 17 taon din. Siya ay ang co captain ng United South
Floorball Club at ang pangulo ng 12L.
Hazing = Killing (Miggie & Stella)
Ang pinakasariwang balita ng hazing ay ang kuwento ni Darwin
Domitorio, isang dalawampu’t taong gulang (20) na estudyante sa Philippine
Military Academy. Noong Setyembre 18, 2019, namatay si Domitorio ng
“cardiac arrest” o atake sa puso dahil sa pangkaloobang pagdugo gawa ng
kanyang upperklassmen. Binalot ang kanyang mukha sa plastik na binabad
sa alkohol at pagkatapos siya ay suriin ng UTI ay kinuryente ang maselang
bahagi ng kanyang katawan.
Si Horacio Castillo III, isang dalawampu’t dalawang taong gulang (22)
na estudyante ng law sa Unibersidad ng Santo Tomas ay namatay
pagkatapos ng “welcome party” ng Aegis Juris Fraternity (AJF), isang
fraternity na nagsasabing hindi nagtitiis ng hazing. Sinabi ni Horacio sa
kanyang magulang na babalik siya ng Linggo ng Setyembre 17. Hindi siya
bumalik. Nahanap ang kanyang katawan na nakabalot sa isang makapal na
kumot at nakalapag lamang sa simento. Si Horatio ay dinala sa Chinese
General Hospital pero ipinabalitang “dead on arrival” ng 9:21 am. Nahanap ng
mga magulang niya ang kanyang katawan sa Arcangel Funeral Home sa
Sampaloc, Manila na mayroong itim at bayolet na pambubugbog sa kanyang
mga braso, mga binti, at may waks ng kandila at marka ng sunog sunog sa
buong katawan.
Si Guillo Servando ay isang first year na estudyante sa De La Salle -
College of Saint Benilde na namatay noong Hunyo 28, 2014, pagkatapos
makatanggap ng isang daang pambubugbog gamit ang isang sinturon at
sagwan. Isa lang ang pahayag ng kanyang magulang, ito ay, “Kung sino man
kayong pumatay at nagnakaw ay sana naman piliin ninyong mabuhay na
may kahulugan.”
Ang katotohanan ay na ang hazing ay nakakapatay ng katawan at
kaluluwa. Ang maling pangunawa na ang hazing ay isang “bonding activity”
lamang ay delikado at hinding hindi totoo.
Hazing = Negative Effects (Stella)
Pinahayag ng mga sikolohiyang pananaliksik na ang mga taong
nagtitiis ng hazing ay nagkakaroon ng negatibong epekto na tumutuloy sa
kanilang buhay pagkatapos ng kolehiyo. Ang konsepto ng “brotherhood” ay
gawa lamang sa “power-tripping” o sa pisikal, berbal, at emosyonal na
pang-aabuso na nakakahiya o bastos. Ipinakita ng isang pananaliksik na
gawa ng mga sikolohiyang major sa Ramapo College of New Jersey na ang
hazing ay hindi hangga’t pisikal lamang ang negatibong epekto, kundi
naapekto rin ang pagpapahalaga ng sarili, mental na kalusugan, at oberol na
buhay ng biktima at ng may kasalanan. Ayon sa insidehazing.org, ang mga
epekto ay maling pagkakain, problema sa pagtutulog, depresyon, PTSD,
anxiety, at pinakamasama, pagpapakamatay.
Hazing = Bullying (Miggie)
Ang pangatlo at pang huling detalye ay na ang konspeto ng hazing ay
maaaring tawaging “extreme bullying” dahil sa pagkapareho ng konsepto.
Ang bullying ay ang pagtutukso sa pamamagitan ng berbal, pisikal o online
na panliligalig. Tinuturo ng lahat ng eskwelahan na ito ay pinagbabawal.
Kung ang bullying palang ay bawal na, bakit ang hazing ay pinapayagan pa?
Conclusion (Miggie & Stella)
Hindi kailangan ilagay ang isang tao sa isang sitwasyon na
nararamdaman niya ang sakit sa utak at sa katawan para lang makita kung
sila ay malakas at tapat para sumali sa isang grupo. May ibang paraan para
makita ito na hindi nangangailangang umabot sa kamatayan. Ang gusto
lang ng mga gumagawa nito ay makamit ang pakiramdam ng
pangingibabaw o kataasan. Ang hazing ay hindi isang pagsusulit, ito ay isang
“power move” at pam-bubully na nakatago sa maling pagunawa ng
pagkapamilya. Kahit anong porma o kung kahit papaano tingnan, ang
pangaabuso ay parating mali at hindi dapat matuloy kahit kailanman.