You are on page 1of 153

Isang Sariling

Wikang Filipino
Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino
Isang Sariling Wikang Filipino
Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino

KRISCELL LÁRGO LABÓR


Editor

Pambansang Komisyon
Komisyon sa Wikang Filipino
para sa Kultura at mga Sining

Aklat ng Bayan
Metro Manila
2016
Isang Sariling Wikang Filipino
Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino

Karapatang-sipi © 2016 ng introduksiyon ni Kriscell Largo Labor, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S.
Almario at Dr. Purificacion G. Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór.

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin
o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Ang disenyo ng aklat at pabalat ay likha ni Kriscell Lárgo Labór.

Ang Pambansang Aklatan ng Filipinas CIP Data


Rekomendadong lahok:

ISBN

Inilathala ng

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


2F Watson Building, 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila 1005
Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525
Email: komisyonsawikangfilipino@gmail.com • Website: www.kwf.gov.ph

sa tulong ng grant mula sa

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING


633 General Luna Street, Intramuros, Maynila 1002
Tel. 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94
Email: info@ncca.gov.ph • Website: www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and
policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting
culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes
the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural
products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture
and its various expressions as dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that
standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National
Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).
v

Isang Introduksiyon

PAGPAPLANONG WIKA SA
PANAHON NG SIGWA

SAKLAW NG KATIPUNANG ito ang ilang pilîng artikulong pangwika ng hulíng tatlong
dekada at may layuning magtanghal ng sitwasyong pangwika ng Filipinas sa nabanggit na
mga panahon. Pinilì ang mga artikulo batay sa ambag nitó sa diskurso ng pambansang
wika, bukod pa sa mula ito sa mga nangungunang tagapagsúlong at kritiko ng wika.
Hinati sa tatlong bahagi ang mga artikulo at isinunod sa isang tema, sa halip na ihanay
lámang batay sa taón ng pagkakalathala ng mga ito. Ang mga tema ay ang sumusunod:
(1) teorya; (2) institusyon; at (3) kalikasán ng wika. Sa teorya, matutunghayan ang mga
makrong pagtingin sa pambansang wika gámit ang konseptong panlingguwistika gaya
ng “modernisasyon.” Hábang ang institusyon ay nagpokus sa gampanin ng dáting Surian
ng Wikang Pambansa (na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino) bílang natatanging
ahensiyang pangwika ng bansa sa pagpapaunlad ng pambansang wika alinsunod sa diwa ng
tadhanang pangwika ng Konstitusyon. Ang kalikasán ng wika ay mga artikulong matalik na
nagsuri sa katangian hindi lámang ng wikang pambansa, kundi maging ang paghahambing
nitó sa mga katutubong wika ng bansa, tungo sa isang lunggating armonisasyon ng mga
katutubong wika at ng wikang pambansa ng Filipinas.

Pangunahing diwa ng mga artikulo ang pagpaplanong wika—isang bagong


konseptong sabay na yumabong sa disiplina ng sosyolingguwistika noong 1960s. Si Einar
Haugen ang isa sa mga unang tumalakay sa konsepto at proseso ng pagpaplanong wika at
pinakahulugan niya itong: “Pagbabagong wika sa pamamagitan ng maláy na pagpapasiya"
(“Language change by conscious deliberation”). Sa isang bandá, nangangahulugan ito ng isang
pagpupunyagi ng mga gumagámit ng wika na patnubayan ang pag-unlad ng wika túngo
sa isang pagbabagong angkop sa tradisyon at sa kasalukuyan at pleksible’t tumutugon din
sa mga inaasahang pagbabago sa hinaharap. Ang bagay ding ito ay nangangahulugang
may tagapagsúlong at tagapagpatupad ng pagbabago. May tradisyon at may pagbabago.
May pagpapasiya at may pagtitimbang. May nananaig at may nawawaglit. Kung kayâ
itinatanong sa pagpaplanong wika kung sino ang tagapagbago, ano ang binabago, bakit at
kailan binabago, at paano binabago.
vi

May mga iskolar na duda sa isinusúlong ng pagpaplanong wika. Batayang tanong


pa rin kung napaplano nga ba ng tao ang wika. Sa kaso ng makapangyarihang mga wika sa
Europa—gaya ng French at German—ang matagal na tradisyon at kasaysayan na diumano
ang nagtakda ng estandardisasyon at modernisasyon ng mga ito. Sang-ayon pa dito,
hindi naman talaga kailangan ang tao upang pumagitna at magtakda sa mga nagaganap
na pagbabago. Isang simplipikasyon ang gayong pagtanaw at nagsasantabi sa dinamika
ng indibidwal na gumagámit ng wika at ng institusyon at lipunang nagpapakahulugan
sa wikang iyon. Ang pagsasantabing ito ang nais na punan ng disiplina ng pagpaplanong
wika. Bukod pa sa katotohanang ang panahon ng 1960s ay panahon ng deskolonisasyon
at pagsílang ng mga bagong estado, Cold War, at pag-usbong ng tataguriang Third World
o ang mga maliliit na bansang hindi tahasang umalyado sa ideolohiyang isinusúlong ng
First World (Estados Unidos at Kanlurang Europa) at ng Second World (Soviet Union at
China). Ang pangyayaring ito ay magbubunsod ng pagbuo ng konstitusyon at identidad ng
mga bansang ito—kasáma ang pagdeklara ng kaniláng wikang pambansa at wikang opisyal.
Sa gayon, naging patnubay ng mga estado ang pagpaplanong wika para sa kaganapan ng
kani-kaniláng wikang pambansa at wikang opisyal. Ang diwang ito ang iimpluwensiya din
sa sitwasyong pangwika sa papadevelop na bansang gaya ng Filipinas.

Sa Filipinas, panahon din ito ng mga sigwa para sa wikang pambansa. Sa proseso
ng pagbuo ng tadhanang pangwika ng 1935 Konstitusyon ay nagsagawa ng mga pagdinig
sa publiko at mga pag-aaral ang lupong pangwika ng Kumbensiyong Konstitusyonal.
Iminungkahi ng lupon na pagtibayin ng Kumbensiyon ang probisyong pangwika na
magdedeklarang ang wikang pambansa ay ibabatay sa isang katutubong wika. Binuo naman
ang isang National Language Institute (NLI) noong 13 Disyembre 1936 sa pamamagitan
ng Batas Komonwelt Blg. 184. Nagsumite ito pagkaraan ng rekomendasyong ibatay ang
wikang pambansa sa wikang Tagalog. Pinagtibay ni dáting Pangulong Manuel Quezon
ang nabanggit na rekomendasyon sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 134
noong 30 Disyembre 1937. Naging masigla ang pagsúlong ng isang Wikang Pambansa
batay sa Tagalog noong 1940s hanggang 1950s—nailathala ang ortograpiya, gramatika, at
diksiyonaryo para sa wikang ito. Sa bisà ng atas pangkagawaran noong 13 Agosto 1959 ni
Kalihim Jose E. Romero ay tinawag na “Pilipino” ang wikang pambansa.

Gayunman, nayanig ang wikang “Pilipino” nang ihain ni Kongresista Inocencio


Ferrer ng Negros ang isang kaso laban sa pinalalaganap na wika ng NLI at ibá pang ahensiya
ng pamahalaan noong 8 Pebrero 1963 sa Court of First Instance ng Maynila. Ipinawalang-
bisà ng Court of First Instance, Korte sa Apelasyon, at Korte Suprema ang kaso subalit
naging pagkakataón ito upang umani ng batikos ang wikang Pilipino sa mga di-Tagalog
dahil hindi ito ganap na kumakatawan sa kanilá.

Nagkaroon ng ibá’t ibáng panukala para lumikha ng isang wika na higit na


kumakatawan sa diwang pambansa—mula sa mga panukalang agad na maipatutupad
hanggang sa pinakaradikal ng hakbang. Panahon din ito ng pag-usbong ng mga
organisasyong pangwika gaya ng Modernizing the Language Approach Movement
(MOLAM) noong 1968 at Linguistics Society of the Philippines (LSP) noong 1969.
Sa pangalan pa lámang ng mga organisasyon na ito ay mahihinuha nang isinusúlong ang
vii

isang lingguwistiko’t “obhetibong” pagdulog sa usaping pangwika sa bansa kompara sa di-


siyentipikong pagdulog ng Surian. Ang lahat ng ito ay naglundo sa isang “alanganing”
probisyong pangwika pagdatíng ng 1973 Konstitusyon, na unti-unting nagsasantabi sa
wikang “Pilipino” upang bigyang-daan ang isang “Filipino”:

2. The National Assembly shall take steps towards the development and formal
adoption of a common national language to be known as Filipino.
3. Until otherwise provided by law, English and Pilipino shall be the official languages.

Pagkaraan pa, sa probisyong pangwika ng 1987 Konstitusyon, ganap nang binura


ang “Pilipino” at iniluklok ang isang wikang “Filipino” na payayamanin at pauunlarin batay
sa mga katutubong wika sa Filipinas.

Pagpaplanong Wika at Modernisasyon


Sa lumaking tungkuling pangwika at sa lubhang politikal na kalikasán ng usapin, bumaling
ang mga eksperto sa bansa sa lingguwistika at pagpaplanong wika upang “obhetibong”
lutasin ang mga dambuhalang sigalot. Naging sigaw ng mga iskolar ang “modernisasyon”
at “pagpaplanong wika.” Hinggil sa una—ang modernisasyon—ipinanukala ni Jose Villa
Panganiban ang isang “pagsasaanyong makabago” hábang isang “universal approach” ang
nais ni Dr. Ernesto Constantino. Si Panganiban, na patnugot ng Diksyunaryo-Tesauro
Ingles-Pilipino (1972), ay naghambing ng mga ortograpiya mula noong panahon ng mga
pananakop ng Español hanggang sa 1970s. Dagdag pa, ginawan niya ng pagyuyugto ang
wika batay sa ortograpiya nitó—makaluma hanggang makabago.

Si Constantino, isa sa mga tagapagtatag ng LSP, ay nagpanukala naman ng isang


modernisasyon ng wika batay sa language universals approach. Ang panimulang pormal
na pag-aaral sa language universals ay ginanap sa Conference on Language Universals sa
Gould House, Dobbs Ferry, New York noong 13-15 Abril 1961, at nag-ugat sa mas maagang
kolaborasyon ng kaniláng Social Science Research Council Committee noong 1958-1959.
Pinangunahan nina Joseph H. Greenberg, James J. Jenkins, at Charles E. Osgood ang
pagsulat ng isang memorandum na pumapaksa ng unibersalidad sa wika at magsisilbing
batayang teoretiko para sa imbestigasyon ng bagong larang na ito at para sa pagpaplano na
rin sa kumperensiya. Ang ulat naman ng kumperensiya ay isinaaklat bílang Universals of
Language (1961) sa patnugot ni Greenberg. Ayon kay Greenberg, ang language universals
ay “buod ng mga karakteristik o tendensiyang pinagsasaluhan ng lahat ng tao.” Kikilalanin
ni Constantino si Dr. Cecilio Lopez bílang unang tagapagsúlong ng language universals
sa Filipinas. Ang language universals na isinusúlong sa Filipinas ay isang paraang maláy sa
pagiging multilingguwal ng bansa, na:

[N]aglalayong dumebelop ng isang wikang pambansa para sa Pilipinas


batay hindi sa isang wika kundi sa maraming wika. Layunin ng paraang ito na
debelopin ang wikang pambansang ito sa pamamagitan ng paggamit unang-
una sa mga pangkalahatan o unibersal na mga sangkap at anyo ng mga wika at
viii

dayalek ng Pilipinas. Ang posibilidad ng pagdebelop ng isang wika sa paraang


ito ay isa sa mga pangunahing layunin at resulta ng mga reserts namin sa UP
tungkol sa pang-ilalim (“deep”) at pang-ibabaw (“surface”) na pagkakapareho at
pagkakaiba ng mga wika at dayalek sa Pilipinas. (Amin ang diin.)

Tatlong dekada pagkaraan, isa pa ring suliranin ang modernisasyon ng wika.


Idadagdag pa dito ni Pambansang Alagad ng Sining at KWF Tagapangulo Virgilio S.
Almario ang tungkulin ng “nasyonalisasyon” ng wikang Filipino na pagpapayaman ng
wikang ito sa pamamagitan ng mga katutubong wika ng Filipinas at sa pagpapatanggap sa
wikang pambansa sa mga pook na di-Tagalog. Ang hulíng aspekto—ang pagpapatanggap—
ay isang aspektong madalas na nawawaglit ng agham ng lingguwistika at siya namang isang
mahalagang tuon ng pagpaplanong wika. Nakapaloob dito ang ideang nagiging lehitimong
wikang pambansa at wikang opisyal ang isang wika kapag kinikilála nga itong gayon ng
taumbayan. At tatlong dekada pagkaraang ideklara ang wikang “Filipino” bílang wikang
pambansa at wikang opisyal ng Filipinas, nananatíling suliranin ang pagtanggap sa wikang
ito.

Hinggil naman sa pagpaplanong wika, na higit na tatalakayin sa ikalawang bahagi ng


aklat, sinuri ang gampanin ng dáting Surian ng Wikang Pambansa (na magiging Komisyon
sa Wikang Filipino sa taóng 1991) bílang tagabuo at tagapagpatupad ng mga planong
pangwika sa bansa. Mahihiwatigan sa mga artikulo nina Atty. Ponciano BP Pineda, Dr.
Bonifacio Sibayan, at Dr. Andrew Gonzalez ang suliraning institusyonal ng SWP bílang
tagapagpatupad ng mga programang pangwika sa Filipinas. Nagkakasundo ang lahat na
kailangang pangunahan ng SWP ang pagpapatupad at pagsubaybay sa kultibasyon ng
isang wikang panlahat at ang pagsulat ng mga aklat sa bawat larang ng karunungan sa
lahat ng antas ng edukasyon. Gayunman, nagkakaisa din ang lahat na hindi ito ganap na
nagagampanan ng SWP hindi lámang dahil sa suliranin sa pondo at moralidad (“hindi
binibigyan ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ng ganap na suportang moral at
pagganyak na kailangan nitó. Sa maraming pagkakataón, ang natatanggap nitó ay insulto
at kabiguan sanhi ng makasariling motibo, kamangmangan, at balighong hálagáhan at
prehuwisyo”) kundi maging ang pagdududa sa estadong legal nitó dahil sa nagbago ding
probisyong pangwika ng Konstitusyon.

Sa bandang dulo ng ikalawang yugto, muling ididiin ni Almario ang tungkulin


ng Komisyon sa Wikang Filipino sa gitna ng suliraning moral at legal ng ahensiya dulot
ng mga kapabayaan ng mga pinunò nitó sa hulíng dalawang dekada. Hinimay ang mga
programa at proyekto ng KWF mula 2013 hanggang 2015 na mahigpit na pinapatnubayan
ng isang malinaw na bisyon, misyon, at plano para sa wika. Sa pamamagitan ng artikulong
ito ay matutunghayan ang halaga ng pagpaplanong wika dahil dumaratíng ang panahong
yayanigin at paguguhuin ang mga naitatag na kaayusan ng isang wika. At ang pagyanig at
pagguhong ito ay lumalampas sa hanggahan ng wika—kung hindi matutugunan, magiging
banta ito sa lehitimidad ng Estadong kinakatawan ng wikang ito at magiging panganib sa
soberaniyang pambansa.
ix

Kalikasán ng mga Wika sa Filipinas


Kung ang usapin ng pagpapatupad ng mga planong pangwika ay tíla naburo dahil sa
kalikasán nitóng lubhang politikal (gaya ng inilarawang gampanin ng SWP), masigla
namang naisúlong ang diskurso sa pagbuo at pagpapatanggap ng isang wikang pambansa
batay sa mga pinaghalong wika sa Filipinas dahil sa mga saliksik panlingguwistika na
naghambing sa mga katutubong wika at sa noon ay wikang Pilipino. Ilan sa mga saliksik na
ito ang nakasáma sa aklat na ito gaya ng mga artikulo nina Dr. Cecilio Lopez, Dr. Alfonso
O. Santiago, Fermina G. Gatal, Vito C. Santos, at Dr. Purificacion G. Delima.

Sa kaniyang paghahambing ng mga pangunahing katutubong wika sa bansa, nakíta


ni Lopez na magkakapareho ang mga ito (alalahanin ang isinusúlong ng language universals
approach na tinalakay sa itaas):

May mga salitâng ang mga tunog at kahulugan ay magkatulad na magkatulad,


mayroon namang nagkakaibá nang bahagya ang mga tunog ngunit ang
kahulugan ay magkatulad rin o naiibá kayâ nang bahagya, at mayroong
nagkakaibá ang mga tunog at kahulugan. At kung hindi rin lámang namagitan
ang ibáng impluwensiya, gaya ng mga salitâng hiram, tabu, o analohiya kayâ,
ang mga salitâng pinaghahambing ay itinuturing na kognet at ang pinagmulang
anyong proto ng mga ito’y maaaring balangkasin. (Amin ang pagsasaayos ng
ortograpiya upang madalîng mabása sa siping ito.)

Gayong lagom din ang mga inihain nina Santiago, Gatal, at Santos sa kani-kaniláng
artikulo. Dahil may impit ang karamihan sa mga katutubong wika ng Filipinas, iminungkahi
ni Santiago na maituro ang katangiang ito sa wikang pambansa at maiugnay sa mga
katutubong wika upang mabisàng matutuhan ang wikang pambansa bílang pangalawang
wika. Para din kina Santiago at Gatal, mahalagang maging sensitibo ang guro sa katutubong
wika ng pook (“Lalong magiging mabisà ang pagtuturo ng Plipino kung isaalang-alang ng
guro ng unang wika o wikang kinagisnan ng mga mag-aaral, kung ang kaniyang gagawing
pagtuturo ay batay sa kinalabasan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika—wika ng
pook at ng Pilipino).

Ipinaaalala naman ni Santos ang pagtingin sa mga panlapi upang higit na


maunawaan ang isang wika—sa kaso ng kaniyang artikulo ay ang panlapi ng wikang
Tagalog (“[P]inagsikapan naming maipakilála na sa Tagalog ay mayroon táyong mga patay
at buháy na gitlaping hindi pa nangakilála, na kung muling bubuhayin at gagamítin, ay
malaki ang maitutulong sa pagpapayaman ng ating wika”). Isang magandang paalala ito sa
pagpupunyagi para sa isang komprehensibong saliksik at paghahambing sa mga panlaping
ginagámit sa ibá’t ibáng katutubong wika sa Filipinas túngo sa pagbubuo ng isang tunay na
Gramatikang Filipino.

Tatlong dekada pagkaraan, gayong lagom din ang ilalatag ni Delima sa pag-aaral ng
paggámit ng Filipino sa sampung lungsod na highly-urbanized at tinaguriang linguistically
diverse dahil “may mataas na pagkakaibá-ibá ang kultura.” Nakítang ang Filipino bílang
x

Ikalawang Wika at lingua franca, ay pinayayaman na ng ibá pang katutubong wika sa bansa.
Ang Filipino ay nagtataglay na ng mga katangian ng mga wikang di-Tagalog. Umalpas na
ang Filipino sa sumpa ng purismo. Salamin din ang pag-aaral sa nagbagong aktitud at
pananaw pangwika ng KWF na bukás at yumayakap sa mga ambag ng ibá’t ibáng wikang
katutubo sa bansa.

Ilang Talâ sa Editing


Sa pangkalahatan, isinunod ang mga artikulo sa ipinatutupad na Ortograpiyang Pambansa
(2013) ng KWF, maliban sa mga artikulo nina Ernesto Constantino at Cecilio Lopez.

Sa “Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas,” hindi binago ang pagbaybay
ni Lopez, na tinawag niyang “transkripsiyong ponemika” upang mapanatíli ang diwa ng
eksperimentong ortograpiko na isinagawa ng isa sa mga tagapagtatag ng lingguwistika
sa bansa. Ang transkripsiyong ponetiko ay isang biswal na representasyon ng tunog ng
pagsasalitâ. Karaniwang uri ng transkripsiyong ponetiko ay gumagámit ng alpabetong
ponetiko gaya sa International Phonetic Alphabet (IPA). Sinasabing ang transkrispsiyong
ponetiko ay tumutugon sa pagkakaibá-ibá ng mga ortograpiya sa mundo at isang paraan ng
estandardisadong pagdulog sa pagrerekord ng bigkas ng mga salitâ sa buong mundo.

Gayunman, makikítang may problema sa ipinapangakong estandardisasyon ng IPA.


Pangunahing halimbawa ang representasyon ng impit na tunog o glottal stop. Sa kaso ni
Lopez, ginamítan niya ito ng letrang q at itinuturing na konsonante o katinig (alalahaning
ang letrang q ay wala pa sa ipinatutupad na abakada noong panahon ni Lopez kayâ
maaaring hindi niya ito itinuring na sagwil o makalilito sa alpabeto). Hindi susundan ng
mga lingguwistikong gaya nina Santiago at Gatal ang letrang q at sa halip ay gumámit silá
ng apostrope (’) bílang simbolo ng impit. Sa kabilâng bandá, ibá-ibá din ang representasyon
ng impit sa mga wika sa mundo. Karaniwan ang apostrope at ang karakter na ʔ ng IPA.
Minsan ito ay baligtad na apostrope (‘), doble apostrope (“), letrang k, letrang aleph (‫ )א‬ng
Hebrew, letrang palochka (Ӏ) sa mga wikang Caucasian.

Mababása sa pasubali ni Lopez ang gabay sa pagbása ng kaniyang ipinatupad na


ortograpiya. Narito naman ang pinagaang bersiyon ng ortograpiya ng kaniyang pasubali:

Sa pag-aaral na ito’y gumámit ako ng pagbabago sa pagsulat na naiibá


sa pinagkaugalian; ang mga ito’y maaaring maging paksain ng isang
pagpapalitang-kuro. Mga halimbawa. Ang manga at nang ay isinulat ko nang
buo; ang y (pinaikling ay) at t (pinaikling at) ay isinulat kong kakabit nang
sinusundang salita, gaya baga ng nang (pinaikling na). Ang q (“glottal stop”) ay
siyá kong ipinalit sa tuldik na paiwa sapagkat ang glottal stop ay isang K at hindi
isang uri ng diin. Ginamit ko ang q sa hulihán lámang ng salitâ at hindi sa unahán
o kalagitnaan nitó maliban kung kapalit ng pinagkaugaliang gitling, halimbawa
sa pagsulat nang salitâng may unlaping nagtatapos sa –g at sinusundan nang
salitâng-ugat na sa pagsulat ay nagsasapol sa B. Sa inuulit o magkatambal na
salitâ ay hindi ko ginámit ang q. Ngunit sa mga salitâng pinaghahambing dito,
sa ponolohiya…ginámit ko ang q sa unahán, kalagitnaan, at hulihán sapagkat
xi

sa mga salitâng ito’y pinaghahambing ang bawat tunog sa tunog sa ibá’t


ibáng wika, at ang q ay dapat isaalang-alang na gaya din ng ibáng K. Hindi ako
gumámit ng tuldik (na maaaring pagmulan ng mga kamalian sa paglilimbag).
Ginámit ko ang tutuldok (:) sa mga pantig na may likás na haba ang bigkas
gayundin sa mga unlaping may ganito ring angking bigkas upang mailagan ang
hidwang pakahulugan…bagama’t itoy hindi ko sinunod sa inuulit na pantig sa
pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon ng mga pandiwa.

Hindi rin naman ganap na sinunod ni Constantino ang transkripsiyong ponetiko


ni Lopez, kahit pa kapuwa mga pangunahing tagapagsúlong ng lingguwistika ang dalawa.
Tanging nasunod ang pagkakabit ng y (pinaikling ay) at pagkakabit ng t (pinaikling at) sa
sinusundang salitâ, halimbawa “hanggat,”“kayat.” Hindi naman binago ang mga isinagawang
reispeling ni Constantino sa kaniyang mga artikulo, halimbawa “madiskas,” “mag-adap,”
“present,” “ipropos,” “prestijus,” “palisi,” at ibá pa. Ang reispeling ng mga salitâng Ingles
tungo sa palabaybayang Filipino ay tugon ni Constantino sa purismo ng wikang Pilipino
na pilit diumanong tinatakdaan ng katumbas sa Tagalog ang mga salitâng banyaga.

Pinanatíli ang tawag na “Pilipino” para sa wika dahil nabibílang ang mga artikulo
sa isang panahong “Pilipino” pa itinatadhanang wikang pambansa ng Konstitusyon (1960s
hanggang 1985). Makikíta namang “Filipino” na ito sa artikulong isinulat sa panahon
ng 1987 hanggang sa kasalukuyan upang itugma ito sa tadhanang pangwika ng 1987
Konstitusyon na kumikilála sa isang “Filipino” bílang wikang pambansa.

KRISCELL LÁRGO LABÓR


NILALAMAN
I

Ang Modernisasyon ng Isang Wika 1


Jose Villa Panganiban

Ang Hinaharap ng Wikang Pilipino 10


Ernesto Constantino

Ang Pilipino bilang Wikang Panturo 12


Ernesto Constantino

Ang “Universal Approach” at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas 14


Ernesto Constantino

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino 27


Virgilio S. Almario, National Artist

II

Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika 39


Ponciano B.P. Pineda

Pagpaplano ng Wika ukol sa Pambansang Pagsúlong 46


Ponciano B.P. Pineda

Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino 64


Bonifacio P. Sibayan

Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng 69


Wikang Pambansa
Andrew B. Gonzalez

Mga Misyon para sa Komisyon sa Wikang Filipino 76


Virgilio S. Almario, National Artist
III

Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas 82


Cecilio Lopez

Ang Tunog Glottal sa Pilipino 92


Alfonso O. Santiago

Ang Paghahambing sa Dalawang Wika 97


Alfonso O. Santiago

Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental 103


ng Pilipino at Ibanag
Fermina G. Gatal

Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay sa Tagalog 112


Vito C. Santos

Ang Gramatikang Filipino 121


Purificacion G. Delima
1
Dapat isipin ngayon ang “kultibasyon”
(cultivation) ng Filipino bílang kambal
at magkaagapay na gampanin ng
nasyonalisasyon at ng modernisasyon/
intelektuwalisasyon
Jose Villa Panganiban

ANG MODERNISASYON NG ISANG WIKA

DAHIL SA NOONG taóng 1967 ang mga bansang Asiano ay nagkatipon sa Kuala
Lumpur upang ipagdiwang ang “Taón ng Wikang Pambansang Melayu,” at sa pagtitipong
ito, ang pinag-usapan ay ang suliranin ng “modernisasyon” ng mga wikang pambansa sa
Silangang Asia, ang pag-aaral-suring ito ay ginanap upang maiambag sa kalipunan ng mga
kuro-kuro hinggil sa paksa. Iyan ang unang layunin ng papel na ito.

Ang ikalawang layunin ay ang hanapin ang kahulugan ng “modernisasyon ng


isang wika” at sa papaanong paraan mabisàng mailalapat ito sa sariling suliranin sa wikang
Pilipino. Kayâ nais alamin dito kung ano ang mga bagay na “moderno” na magagámit sa
“modernisasyon” sa tunay at tapat na kahulugan at paglalapat ng salitâ at gawa sa kapakanan
ng wikang Pilipino.

Ano ang Modernisasyon?


Ayon sa Merriam-Webster, ang salitâng Ingles na “modern” ay: “of a language belonging to
the present or most recent period of its development as contrasted with earlier period.”

Samakatwid, ang wikang moderno ay nása kalagayang kasalukuyan ng nasabing


wika na naiiba sa kalagayan ng nakaraan.

Ang salitâng Ingles na “modernization” kung hinggil sa wika, ay pinakahuluganang:


“act or process of conforming to modern modes of thinking or acting.”

At ang itinalagang kahulugan ng Ingles na “modernize” ay: “to cause to conform


to recent or present usage or taste; as, to modernizing a text, ie., to substitute modern forms
for them.”

Ang modernisasyon ng isang wika, samakatwid, ay pagpaalinsunod ng pagsulat sa


makabagong baybay at pahayag ng anyong makaluma, laon, lipás, o laos.
2

Kailangang Kaalaman
Kung ang modernisasyon ay ilalapat sa sarili, ito’y pagpapakamakabago. Kung ilalapat
naman sa mga bagay, gaya sa kasangkapan o wika, ito’y pagsasaanyong makabago¬—hindi
pagbabago. Ang ibig sabihi’y mayroon táyong alam sa anyong luma o makaluma at may
alam din táyong anyong bago o makabago. Itong hulí ay siyáng ipapalit sa una. Ngunit
alaming anyo ang palitan, hindi wika.

Ano-ano ang mga anyong pangwika na dapat isaalang-alang sa modernisasyon?


Kung pasalitâ, (1) tunog ng bigkas, (2) hagkis ng pantig, (3) pagbubuo ng mga salitâ, (4)
pagsasáma-sáma ng mga salitâ sa isang pangkat o parirala ayon sa daláng kahulugan, (5)
pagbabalarila sa impluho ng panahon, (6) wikaan o idiyoma, (7) paggámit ng tayutay o
pigura. Kung pasulat, (1) palabaybayang tumutugon sa tunog ng pasalitâ, (2) kayarian ng
pangungusap na higit na makabalarila kaysa pasalitâ, (3) anyo ng manuskrito na nakikibagay
sa pandaigdig.

Bago táyong maglapat ng modernisasyon ng wika, kailangang linawin natin sa isip


at unawa kung anong anyo ang luma (o laon, lipás, laos), at kung ano ang tiyak na moderno
o makabago sa mga anyong pangwika. Dapat táyong mag-ukol ng pansin, samakatwid, sa
“matanda, sinauna, o makalumang Tagalog,” sa “makabagong Tagalog,” at sa “makabagong
Wikang Pilipino.” Mayroon kayâng makalumang Wikang Pilipino? Ang modernisasyon ay
magiging paglalapat ng Makabagong Wikang Pilipino sa Makalumang Wikang Tagalog.

Kayâ, ilang tanong ang ninanais atuhing masagot sa pagsusuring ito:

1. Ano ang anyong makaluma ng Tagalog?


2. Ano ang anyong makabago ng Tagalog?
3. Ano anyong makabago ng Wikang Pilipino?
4. Ang modernisasyon ba ay nakapagpapabago sa buong wika o sa isang
bahagi lámang ng wika?
5. Ano ang kaugnayan ng buong aghamwika o lingguwistika sa modernisasyon?
6. Ano ang kaugnayan ng panghihiram ng salitâ sa banyaga sa modernisasyon
ng wika?

Makalumang Wikang Tagalog


Si Pedro Suarez Ossorio, taga-Ermita, Maynila, ay sumulat ng isang tulang nalathala noong
1617:

Salamat nang walang hoyang


Sa iyo Dios con maalam
Nitong iyong awang mahal
sa aming catagalogan.
3

Ycao paraluman naming


ang sucat nga naming sondin
hanggang di cami domating
sa lalawigang mahimbing

Ang susunod na nabalitang tula ay ang petsang 1708, isinulat ni Felipe Miguel
Bulakan:

Ybong camunti sa pugad


sa inang inaalagad
ay dili macalipad
hanggan sa di magcapacpac.

Loob ninyong masilacbo


parang ningas alipato
sa alapaap ang tongo
ay bago hamac na abo

Sa mga dákong 1750, ang paring Agustinong Francisco Bencuchillo (1710–1776)


ay naglathala ng aklat na Arte poetico tagalo. Dalawa ang pinilì naming maikling tula:

a. Yaong loclocang Masaya


walang catapusa’t hanga
sa langit natatalaga
dimasapit nang sala

b. Pagsisisi ang yacapin


ca awaang gaoa,i, gaouin
luha sa lupa,i, ytanim
nang sa langit mo anihin.

Mula sa Urbana at Feliza, edisyon ng 1854, ni P. Modesto de Castro, isang halimbawa


ay ang sumusunod:

At sa quinacamtang cong towa ang nacacaparis co,i, isang magsasacang cumita


ng alio, uupo sa isang pilapil, na nood ng caniyang halaman, at sa caniyang
palayan na parang inaalon sa hirap nang hangin at sa bungang hinog anaqui
butil na guintong nagbitin sa uhay, ay cumita ng saya.

Noon namang 1860, sa Vocabulario de la lengua tagalog nina Noceda at Sanlucar,


isang bugtong ang aming napansin sa ilalim ng kahulugan ng “bitoin” (ngayo’y bituin):

Nang matacpa,i, naquita


nang mabucsa,i, wala na.

Sa Claus (1871, tomo iv), aklat ng mga sermon sa Tagalog ni P. Benito Rivas OP, ay
may mga ganitong pahayag:
4

[U]ngmacyat sa pulpito’t, sungmermon nang ocol sa naguing buhay nang


gayong patay. Manga capatir con cristiano, aniya, ang ibang manga tauo,i,
nabubuhay dito sa mundo na parang cabayo, na samantalang nabubuhay
pinaquiquinabangan sila, at cun mamatay ay wala nang cabolohan.

Sa liham ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos noong 1889 ay ginámit na niya ang K
at W at maraming ibang pagsasaayos sa dáting panulatang Tagalog. Samakatwid, si Rizal
at mga kasáma ay nagdala sa Tagalog ng maaari nating masabing “modernisasyon” noong
kaniláng panahon. Ang ilang halimbawa ay:

diyan na dáting “dian”


akin na dáting “aquin”
ngayo’y iba na dáting “ngayo,i, iba”
ilaw na dáting “ilao”

Subalit may mga baybay siyáng inibá naman ngayon sa ating panahon (1968):

ala-ala na ngayo’y alaala


kalulua, kapua, luag, kuintas, tua na ngayo’y kaluluwa, kapuwa, luwag,
kuwintas, tuwa
ñg na dati’y nang at ngayo’y ng
nagdidiosdiosan na ngayo’y nagdidiyos-diyosan

Ang Diccionario hispano-tagalog (1889) ni Serrano Laktaw, kapanahon ni Rizal, ay


mayroon na ring K at W, at G, ngunit “monja” at “fraile” ang napansin namin, hindi gaya
ngayong “mongha” at “prayle” kung sulátin; sakâ, “nang” pa rin ang gámit sa halip na “ng” sa
kasalukuyan, gaya rin ng “manga tawo,” sa halip ng “mga tao” ng ating panahon.

Sa manuskrito ng sarsuwelang Lukso ng Dugo (1904) ni Severino Reyes, ang


napansing ibáng baybay kaysa kasalukuyan ay:

zarzuela
buan ng Julio-
comusta ka

Sa aklat ng Balarilang Tagalog (1911) ni Mamerto Paglinawan, ang katuturang


ibinigay sa “paglalakip” (na sintaksis daw, ani Paglinawan) ay: “bahagi ng balarila na
nagtuturo ng halaga at tungkulin ng mga pangungusap.”

Ang pananagalog ni Paglinawan ay katularing malapit ng kasalukuyan, ngunit


marami siyáng salitâng naging ibá na ang baybay sa kasalukuyan, gaya ng :

dalawangpu, labinglima, pangdiwa, pangturing


tinging, pangtinig, pangukol, komisionad
Nobiembre, Disiembre, siudad, kuaderno, kueba, Huebes, atbp.
5

Sa Diccionario tagalog-hispano (1914) ni Serrano Laktaw, ang “bitoin” ng Noceda-


Sanlucar ay naging “bitowin,” na sa kasalukuyan ay “bituin.” Sa pag-uulit ni Serrano Laktaw
ang anyo (1914) ay katulad ng sa ngayon 1968:

Nang matakpa’y nakita,


Nang mabuksa’y wala na.

Subalit may mga baybay na hindi pa rin kaayon ng kasalukuyan gaya ng makikíta sa
sumusunod na halimbawa:

lamang loob sa tian ng hayop


ang tawo kung magwiwika

Ang panahong nasasaklaw ng impluho ng diksiyonaryo ni Serrano Laktaw


ay umaabot hanggang sa panahon ng pagsapit ng kilusan sa pagtatatag, pagbubuo, at
pagpapalaganap ng wikang pambansang Pilipino (sirka 1938). Maaari nating sabihing
ang buong panahon ng nakaraan ng wikang Tagalog, na siyáng makalumang Tagalog, ay
nagtatapos sa mga dákong 1940, na taón ng unang pagtuturo ng Wikang Pambansa na
batay saTagalog sa mga paaralan.

Pansiníng ang wikang Tagalog ay unang nakítang may tula sa sulat-Romano noong
1697 sa sinulat ni Suarez Ossorio, ngunit ang pamamaraan ng pagsulat at ang pananagalog
ay di-halata sa anumang pagbabago kay Felipe de Jesus noong 1708, kahit halos isang
dantaon ang pagitan.

Ang halimbawa ng sirka 1750 ay may gámit na “catapusa,t,” “gaoa,i,” at “salupa,i.”


Nakikíta pa rin ito sa mga halimbawa ng 1860. Ang panimulang “y” (“ytanim”) ng panahon
ni Bencuchillo ay nanatíli hanggang sa panahon nina Rizal at Serrano Laktaw (sirka
1880) na ang “y” ay ginawang “i” sa “tanim.” Samakatwid, noon pa ma’y nangyayari na ang
modernisasyon, at ang modernisasyon ay kaunlaran, hindi paurong.

Ang mga unang taón ng pananakop ng mga Americano ay nagpasok ng maraming


pagbabago sa baybay, sa kabalarilaan, sa pilì ng salitâ, sa ikli ng pagpapahayag, sa pagtulad
sa estilong Americano sa Ingles, atbp. Ang mga ito’y nangyari sa impluho ng pag-aaral
na ginawa at pagkakaisang tinupad ng mga manunulat na kasapi ng Aklatang Bayan,
Akademyang Tagalog, at Ilaw at Panitik. Maraming dula (sarsuwela at drama), maraming
nobela, di-mabílang na mga tula ang kinatha, napalathala at isinaaklat nang panahong ito,
hanggang sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Makabagong Pananagalog
Ang tunay na maikli, ngunit malinaw na katuturan ng pagkamakabago o modernismo ay
kung ano ang naabot na katangian ng kasalukuyan, at ang kasalukuyang ito ay laging bunga
6

ng nakaraan. Ang anumang panukalang repormang hindi kaugnay at karugtong ng dinanas


na nakaraan o hindi kauri sa dugtungan ng nakaraan at ng ngayon ay madalîng maparam.

Ang makabagong anyo ng wikang Tagalog sa sapit ng hinog na panahon ng pag-


unlad, na sinusundan ng ating kasalukuyang panahon, ay siyáng anyong makabago ng wikang
Tagalog. Ang kalagayang yaon ay inabutan ng pambansang palatuntunan sa pagbubuo at
pagpapalaganap ng Wikang Pambansa ng Republika. Ang makabagong pananagalog na
nagsimula noong sirka 1940 ay siyá pa ring makabagong pananagalog ngayon, sapagkat
ang karamihan sa mga manunulat sa Tagalog ay bihasa at sanay sa kalagayan ng wikang
Tagalog na wala sa tiyak at tahasang impluho ng balarilang itinuro sa mga paaralan. Iilan sa
mga manunulat na may gulang na sa kasalukuyan ang nagpakaabalang mag-aral ng balarila.
Marami ang nanatíli sa dáting alam sa wika sa pagpapatuloy nilá sa panunulat, na may
kaunting pagbabagong pang-ibabaw lámang.

Dapat isaloob ng mag-aaral ng wika na ang kaalaman ng kung anumang


makabagong pananagalog ay hindi nangangahulugang nagpapawi at lumilimot sa dáting
pananagalog. Manapa’y isiping mabuti ang maláman ang bagong pananagalog upang
makilála at maunawaan ang dati at matandang paraan ng pagpapahayag. Itong hulí ay
bahagi ng kasaysayan ng kultura ng bansa. Tandaang ang pagtanggi sa katotohanan ng
kahapon ay pagwawalang-kasaysayan ng ngayon.

Makabagong Pilipino
Kung tunay na ang kasalukuyan ay siyáng modernisadong anyo ng isang bagay, lalo na ng
isang wika, ang larawan ng makabagong Pilipino ay hindi mapapagkamalan.

Bagama’t nang unang itinuro ang Wikang Pambansang Pilipino noong 1940 ay
hindi pa ito tinawag na Pilipino, kung hindi batay lámang sa Tagalog, ang makabagong
Pilipino ngayong 1968 ay masasabing bunga ng disiplina at kabihasnang inalagaan ng mga
pamamaraan ng pagtuturo ng Wikang Pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralan ng
bansa. Ang disiplina ay humantong muna sa pamamagitan ng maraming pagsasanay sa
pagpapahayag at pagsulat sa buong bansa, na saklaw ang lahat ng mga mag-aaral. Tagalog
man o di-Tagalog. Sabihan pa, sa mga unang salpok ng pagtuturo, ang mga mag-aaral at
guro ay nagdanas ng maraming balakid. Ngunit sa pamamagitan ng tiyaga at aral, ang mga
balakid ay unti-unting nahawi, kung hindi man lahat.

Ano ang kaibhan ng makabagong Tagalog at ng makabagong Pilipino? Ang


nasasapit na matayog na pamantayang kasalukuyan ng mga manunulat sa Tagalog na hindi
nag-aaral ni nagsasanay sa impluho ng balarilang 1940 ngunit nagpatuloy sa pag-akda na
ang ginámit ay sentido komun sa pagpapasiyá kung ano ang mabuti at naaayon sa mabuting
pananagalog—iyan ang makabagong Tagalog. Ang makabagong Pilipino, kung batay man
sa Tagalog, ay disiplinado sa anyo, sapagkat pinag-aralan at pinagsanayan ng angaw-angaw
na kabataang dumadami taon-taon mula pa noong 1940.
7

Ang mga nagsisipag-aral na ito ay nagdaos ng mga timpalak bigkasan at timpalak


panitikan kung ilang beses sa isang taóng pampaaralan. Ang mga ito ay nagsisipagsanay
sa pagpapahayag araw-araw sa kaniláng mga klase, pasalitâ o pasulat, sa patnubay ng guro.
Marami sa mga ito ang magaling na sa ngayo’t maayos nang bumigkas, bihasa nang magbuo
ng mga pangungusap na pasalitâ, marunong na at nagkakasining na sa pagkatha ng mga
sanaysay, kuwento, lathalain, at tula. Ang mga ito ay siyáng nagdadala ng makabagong
Pilipino, sapagkat ang mga ugaliin nilá sa pagpapahayag na lumalaganap sa bansa ay siyáng
magiging pamantayang pambansa.

Taón-taón, ang mga guro ng Wikang Pilipino ay nagdaraos ng mga seminar


panlokal, pandibisyon, at pangnasyon, sa mga palitang-kuro at napapagkasunduan sa mga
pagtitipong ito ay bago at bagong pamamaraan ng pagtuturo ang nagiging bunga—mga
pamamaraang may tatak ng impluho ng mga simulain ng ibá’t ibáng sangay at pananaw ng
aghamwikang nililinang sa Europa at America. Lumalabas na ang nagtitining na pahayag
ng pag-unlad ay ang simplipikasyon at pagkamabisà sa pananalitâ.

Sa pamamagitan ng mga libo-libong klase sa Pilipino sa mga paaralan ng bansa,


sa libo-libo ring mga guro, sa daan-daan libong mag-aaral na tumatanggap ng halos
unipormeng pagtuturo sa buong bansa, ang pamantayan at uri ng makabagong Pilipino
ay iisa sa lahat, ang paghakbang na paunlad ng lahat ay sabay-sabay. Ang mga mag-aaral,
anumang rehiyon ang kabilangan, ay may iisa at parehong pagkakataóng magpakabuti,
magpakagaling, magpakadalubhasa, at magpakatayog sa iisang pamantayan ng sining at
agham ng wika.

Kung may mga “repormista” mang lumitaw, ang kaniláng panukalang reporma
ay maaring makaimpluho o di-makaimpluho ayon sa lohika ng kaurian ng reporma na
kaagos ng pag-unlad ng wika sa simplipikasyon at pagkamabisà, sa linaw, bigat, at ganda ng
pagpapahayag. Ang kauri at kayari ay madalîng tangayin ng agos. Ang hindi kauri ni kayari
ay parang mga batong nililigiran ng agos na patuloy din, kung nabalam man nang kaunti sa
pag-agos.

Bagama’t may nibel na mataas at mababà sa lahat ng wika, ang ipinalalagay na


marapat ituro sa mga paaralan ay ang mataas, matayog, maayos, mahusay, at binuli. Ang
uring ito ng wikang Pilipino ay maaaring ilarawan sa mga sumusunod na pagtitiyak:

1. Ang pinakamakatwiran, organisado, at sistematiko sa mga alituntunin at


tuntuning hindi naman nakapipigil sa maluwag at magaang pag-unlad ng
wika sa buong bansa.
2. Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (o maugnayin) sa katupangkat
ng mga táong sadyang nag-aaral at nagpakadalubhasa sa nasabing wika sa
mga paaralan o sa sariling pagsasanay at pananaliksik.
3. Ang anyo ng wikang Pilipino na malinaw at mabisàng tumutugon sa ugaling
pambansa at pandaigdig sa pagpapahayag.
4. Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (o maugnayin) sa katutubong
katangian ng kasarinlan ng wika.
8

5. Ang anyo ng wikang Pilipino na sasakyang-pahayag ng mga dinadakila at


kinikilálang akdang pampanitikan ng mga pangunahing manunulat ng
bansa at ng mga makikinis na akdang pang-agham ng mga pangunahing
dalub-agham ng bansa.
6. Ang anyo ng wikang Pilipino na maaaring maipíling at maihanay na kapuri-
puri, hakot-dangal, at hakot-paghanga sa mga kinikilálang pangunahing
wika ng daigdig.
7. Ang anyo ng wikang Pilipino na bunga ng masinop, masusi, maingat,
mapagyayaman, at maagham na pangangalaga at paglilinang ng mga guro,
ng mga pantaswika, at ng mga makata’t manunulat ng bansa.
8. Ang anyo ng wikang Pilipino na nagpapanatíli sa katangiang pagka-Pilipino,
maging sa panghihiram ng mga salitâ at parirala, pati sa mga paglikha ng
mga kinakailangang talakay.

Impluho ng Aghamwika
Napasok ang aghamwikang gáling sa America dito sa atin upang matuklasan ang mabisàng
pagtuturo ng Ingles bílang “pangalawang wika” ng mga Pilipino. Ang mga aklat sa
aghamwika ay pawang ukol, hinggil, at tumutumbok sa pagtututro ng Ingles. Dahil dito,
inisip ng mga nagmamalasakit sa Pilipino na gamítin din ang mga simulain at tuntunin ng
pagtuturo ng “pangalawang wika” sa pagtuturo ng Pilipino sa mga di- Tagalog.

Malinaw na napapansin na sa mga pagtuturo ng Ingles bílang pangalawang wika


ay kakaunti pa hanggang ngayon ang tunay na nakakaunawang lubos sa mga pasikot-sikot
ng bagong pamamaraang ito. At hindi pa rin maaaring masabing may nakasulat na nang
buong kasiyahan sa bisà ng pagkaturo ng ilang gurong ito.

At wala pa ring nakapagbibigay-ulat na malinaw hinggil sa pagtuturo ng Pilipino


sa mga di-Tagalog sa pamamagitan ng pamamaraan ng pangalawang wika, na siyáng unang
iniisip kapag sinasabing ilalapat ang simulain ng aghamwika sa pagtuturo ng Pilipino.

Ang nagiging mabisàng impluho ng aghamwika sa pagtuturo ng Pilipino, hindi sa


pag-unlad ng wikang Pilipino, ay ang pagbabaling ng paningin ng mga guro at dalubwika
sa maagham na pagtuturo at sa lalong tapat at mahusay na paglalarawan sa kalagayan
ng wikang Pilipino, ayon sa katutubong katangian ng sariling konsistensiya at ayon sa
impluhong semantika mula sa labas. Ang bunga nitó’y hindi mapapansin nang biglaan,
sapagkat ang alinmang wika’y hindi biglaan, o agad-agaran kung umunlad, lumawak, at
malinang. Karaniwang nahahalata ang impluho ng kabihasnan ng isang salinlahi kapag
ito’y malápit nang magwakas at hinuhugpungan na ng mga makabagong pananaw ng
sumusunod na salinlahi na karaniwang sanib-sanib at sagu-sagunson.

Anuman ang sabihin, ang kasalukuyang kalagayan ng isang wika ay duluhan ng


sariling kalagayan na nagsimula ng pagkabuhay na mahabang panahon. Sa ibáng salitâ,
ang lahat ng wika ay may pinagmulan, may pinanggalíngan. Ang katangian ng pinagmulan
9

at pinanggalíngan ay mananatíling katutubo at tampok na katangian sa kasalukuyang


kalagayan, kahit ilang libong taón at patong-patong nang salinlahi ang nagbaón sa pamulaan.
Samakatwid, kung Kawi noong araw, na naghiwalay sa Indones at Malay, at itong hulí ay
nangalat sa Filipinas, na Tagalog ang kapatid ng mga binisaya, binikol, inilokano, atbp, ang
Pilipinong batay sa Tagalog ngayon ay dili ang hindi magtataglay ng katangian ng Kawi,
Malay, Tagalog, atbp, na katutubo sa sariling kasaysayan ng pagkalinang bílang wika.

Ano Ngayon ang Modernisasyon?


Ang lahat ng kasalukuyang kalagayan ng wika ay modernisasyon ng nakaraan. Ang Pilipino
ng 1968 ay modernisasyon ng Pilipino ng 1967 kung isang taunan ang pagsusuri. Ang
Pilipino ng salinlahi ngayon (ng mga hindi pa umabot sa 25 taóng gulang) ay modernisasyon
ng wikang Pilipinong alam ng mga táong mahigit kaysa 25 taóng gulang, at mga táong
lampas sa 50 taóng gulang.

Ang ibig sabihin nitó’y nangyayari ang modernisasyon ng alinmang wika, gustuhin
man o hindi at hindi ginagawa, bagama’t ang gawaing pagmomodernisa ay maaaring
makatulong na makapagpabilis sa panahon ng pagsapit ng modernisasyon. Maaaring
gumanap ang isang presentadong modernisador, ngunit ang katutubong hakbang ding
bagay sa katangian ng bansa ang masusunod, sa anumang pangyayari.

[TALA: Ang artikulong “Ang Modernisasyon ng Isang Wika” ni Jose Villa Panganiban na nalathala sa Ang
Supling, blg 1, 1970].
Ernesto Constantino

ANG HINAHARAP NG WIKANG PILIPINO

ANG WIKANG PAMBANSA ng Pilipinas, na tinatawag din ngayong Pilipino, ay


nagmula sa wikang Tagalog. Sa tiyakang pagsasabi, nalinang ito mula sa isang diyalekto
ng Tagalog, ang diyalektong Tagalog-Maynila. Mula sa Maynila, lumaganap ito gaya ng
patuloy nitong paglaganap sa pulo ng Luzon at sa iba pang mga pulo sa Pilipinas. Ito ang
wikang nangibabaw hindi lamang sa Maynila at mga karatig-pook kundi maging sa mga
siyudad na gaya ng Davao, Cotabato, at General Santos. Sa mga pook na hindi ito ang
nangingibabaw o katutubong wika, ginagamit ito bilang lingua franca, sa mga siyudad na
gaya ng Baguio, Naga, at Iloilo. Ang Pilipino sa ngayon, sa pagiging wikang pang-ugnay na
ginagamit sa iba’t ibang rehiyon (interregional language), ang pinakamabisang nag-uugnay
sa mga pulo at sa iba’t ibang pangkat ng wika sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, mahigit na 60 porsiyento ng mamamayan ang nagsasalita ng


Pilipino. Halos dalawang ikatlong bahagi nito ay hindi katutubong nagsasalita ng Pilipino
o ng Tagalog. Maaaring tayahin na sa loob ng sampung taon, mahigit na 80 porsiyento ng
mamamayan ang makapagsasalita ng Pilipino bilang una o pangalawang wika. Gayunman,
ang kakayahan ng marami o ng lahat ng Pilipino sa pagsasalita ng Pilipino ay hindi magiging
dahilan ng pagkamatay o pagkawala ng alinman sa iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang
karamihan sa mga nagsasalita ng Pilipino ay patuloy na magsasalita ng kanilang katutubong
wika.

Tulad ng alinmang buhay na wika, ang Pilipino ay patuloy sa pagbabago lalo na


ang bokabularyo nito dahil sa impluwensiya ng Kastila at Ingles at ng iba pang mga wika
sa Pilipinas. Ang mga pagbabagong ito ang lumilikha ng mga pagkakaiba ng Pilipino at
Tagalog at ng mga pagkakatulad ng Pilipino at ng mga wikang di-Tagalog. Kaya, habang
patuloy na lumalaganap ang Pilipino, patuloy itong manghihiram ng mga salita sa mga
wikang di-Tagalog at ito ang magiging sanhi ng pagkakaiba ng Tagalog sa Pilipino.

Ang tagumpay ng Pilipino bilang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas ay


nakasalalay sa dalawang mahalagang bagay. Ang una ay may kinalaman sa pagtanggap
ng mamamayan sa Pilipino bilang wikang pambansa nila; ang ibig sabihin, ang pag-aalis
sa paniniwalang ito ay nananatili pang isang wika ng rehiyon o ito ang wikang Tagalog.
Sumasaklaw naman ang ikalawa sa pagpapatatag ng wikang Pilipino sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng istandardisasyon.
11

Upang magtagumpay ang wikang Pilipino bilang wikang pambansa, iminumungkahi


naming isagawa ng pamahalaan ang mga sumusunod:

(1) Lahat ng pasiya o rekomendasyon tungkol sa gamit at anyo ng wikang


Pilipino at dapat ibatay sa isang masusing pagsisiyasat kung paano talagang
sinasalita ang Pilipino ng mga katutubong nagsasalita nito.
(2) Kailangang maihanda sa lalong madaling panahon ang isang siyentipiko
at makabagong balarila at diksiyunaryo ng Pilipino na batay sa sa gamit ng
wikang ito sa iba’t ibang pook na ito ang wikang nangingibabaw.
(3) Kailangang isagawa agad ang isang palatuntunan sa pagpaplano at
istandardisasyon ng wika na gagamitan ng pinakabagong siyentipikong
kaalaman, paraan, at pamamaraan.
(4) Ang Surian ng Wikang Pambansa ay kailangang magsagawa ng mga
pananaliksik, at maghanda at maglathala ng mga siyentipikong pag-aaral
tungkol sa pinagmulan, pagkaunlad, pagkakaugnay at kayarian ng Pilipino
at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Kailangang isagawa rin ng Surian ang
(a) paghahanda ng isang balarila at isang diksiyunaryo ng Pilipinas at ang (b)
pagbabalangkas ng isang palatuntunan sa pagpaplano at istandardisasyon ng
wika.
(5) Ang teksto ng alinmang kasulatan ng pamahalaan na dapat maging batayan,
lalo na ang bagong Saligang-Batas, ay kailangang nakasulat sa Pilipino.
(6) Kailangang Pilipino lamang ang gawing tanging wika opisyal ng Pilipinas.

[TALA: Lumabas ito kasáma ng artikulong “Ang Pilipino bilang Wikang Panturo” bilang isang sanaysay ni
Dr. Ernesto Constantino na nalathala sa Linggwistikang Pilipino, blg 3, 1971].
Ernesto Constantino

ANG PILIPINO BILANG WIKANG PANTURO

ANG UNANG PORMAL na pagsubok sa paggamit ng Pilipino sa pagtuturo ng mga


kurso (maliban sa mga kursong Pilipino) sa Unibersidad ng Pilipinas ay ginawa noong
1968-69 nang sinimulang gamitin ang wikang ito bilang wikang panturo ng ilang propesor
sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad. Ang interes na nilikha at pagtangkilik
na tinanggap ng “eksperimentong” ito sa mga propesor at mag-aaral ay nagbunga ng
pagpapatibay noong 1969 sa patakaran na lantarang nagpapahintulot na gamitin ang
Pilipino bilang wikang panturo sa Unibersidad.

Sa kasalukuyan ang Pilipino’y ginagamit bilang wikang panturo sa lahat ng


departamento ng Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas (gayundin
sa karamihan kundi man sa lahat ng ibang sangay na akademiko ng Unibersidad). Sa
Departamento ng Pisika na lamang ay apatnapu sa pitumpung seksiyong binuksan nitong
semestreng ito ang itinuturo’y hindi Pilipino, pinahihintulutan at ginaganyak ang mga
mag-aaral na gamitin ang Pilipino sa anumang oras at sa anumang bagay, halimbawa at sa
pagsagot sa klase at sa pagsulat ng kanilang pagsusulit, sulating-pananaliksik (term paper),
at tesis.

Simula sa pasukang ito, ang lahat ng mag-aaral na nasa unang taon sa Unibersidad
ng Pilipinas ay kinakailangan nang kumuha ng tatlong saligang kurso sa Pilipino. Ang mga
kursong ito ay naglalayong paunlarin ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa
Unibersidad alinsunod sa bagong Programa sa Pangkalahatang Edukasyon ng Unibersidad
na ang unang layunin ay: Ang pagbubuo, paglilinang, at papapaunlad sa mga mag-aaral ng
kakayahan sa pagsulat, pagsasalita, at pag-iisip sa Pilipino nang mabisa.

Batay sa malinaw na pagpapakita sa Unibersidad ng Pilipinas sa di-mapigilang


pananagumpay ng Pilipino bilang wikang panturo at batay din sa matatag na paniniwalang
ang Pilipino ay kasiya-siya at kanais-nais na gamitin bilang pangunahing wikang panturo
sa ating mga paaralan (bagama’t ang ilan sa ating mga guro ay maaaring kapos pa rin dito o
kulang ng lakas ng loob upang umpisahang gamitin sa kanilang pagtuturo), iminumungkahi
namin ang madalian at walang pag-aatubiling pagpapatibay ng isang bagong pambansa o
konstitusyonal na patakaran sa edukasyon na may mga probisyong nagsasaad na:

(1) Ang Pilipino ang gagawing pangunahing wikang panturo sa anumang


13

kurso o asignatura sa lahat ng paaralan sa Pilipinas pati na sa mga kolehiyo


at unibersidad;
(2) Ang pangunahing layunin ng pangkalahatang edukasyon sa Pilipinas ay ang
pagbubuo, paglilinang at pagpapaunlad sa mga mag-aaral ng kakayahan sa
pagsulat, pagsasalita, at pag-iisip sa Pilipino nang mabisa; at, alinsunod sa
mga probisyong (1) at (2);
(3) Lahat ng mga paaralan sa Pilipinas ay dapat na magpakuha sa lahat ng mga
mag-aaral ng mga kurso sa Pilipino na magpapaunlad at magpapayaman sa
kanilang kakayahan at kaalaman sa wikang ito.

Upang mapadali at mapabilis ang pagpapatupad sa mga layunin ng tatlong


probisyong ito, iminumungkahi pa rin namin na gumawa ang pamahalaan o anumang
pribadong organisasyon o indibidwal ng mga nararapat na hakbang tungo sa madaliang
paggawa o pagsasalin sa Pilipino at pamumudmod ng mga batayan at sangguniang aklat at
iba pang kagamitang pang-edukasyon, pati na ang gramatika at diksyunaryo ng Pilipino,
na angkop at sapat sa ating nagbabagong oryentasyon at pangangailangan sa edukasyon at
kultura.

[TALA: Lumabas ito kasáma ng artikulong “Ang Hinaharap ng Wikang Pilipino” bilang isang sanaysay ni Dr.
Ernesto Constantino na nalathala sa Linggwistikang Pilipino, blg 3, 1971].
Ernesto Constantino

ANG “UNIVERSAL APPROACH” AT ANG WIKANG


PAMBANSA NG PILIPINAS

TINUTUKOY NG TERMINONG “universal approach” o “paraang unibersal” ang paraang


iprinopos ng mga lingguwist ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa 1971 Kombensiyon
Konstitusyonal (Konkon) para sa pagdebelop ng isang wikang pambansa para sa Pilipinas.
Ang paraang ito ay inihaharap dito sa komperensiyang ito para madiskas at mapag-
aralan ng mga taong paris ninyo na interesadong makakita o makaalam sa kahalagahan o
kontribusyon nito sa solusyon sa problema ng Pilipinas tungkol sa wikang pambansa.

Paris ng alam na ng marami sa atin, ang “movement” o kilusan para sa pambansang


wika sa Pilipinas ay nagkaroon na naman ng isang napakapraktikal na problema. Malinaw
na ipinapakita ito ng probisyon tungkol sa wikang pambansa sa bagong Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas na inaprubahan ng Konkon noong 30 Nobyembre 1972. Ganito
ang sinasabi ng probisyong ito:

The National Assembly shall take steps towards the development and formal
adoption of a common national language to be known as Filipino (Art. XV, Sek.
3, Par. (2) )

[Ang Nasyonal Asembli ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagdebelop at


pormal na pag-adap ng panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.
(Art. XV, Sek. 3., Par. (2) ) ]

Base sa probisyong ito, masasabing hindi na Pilipino ang wikang pambansa ng Pilipinas
pagkatapos ng ratipikasyon ng bagong Konstitusyon—magiging Filipino na ang wikang
pambansa ng Pilipinas.

Kung paano at kailan dedebelopin ang bagong wikang pambansang ito ay


pagkakasunduan pa sa darating na Nasyonal Asembli. Maaari natin ipalagay na gagawa
ang Nasyonal Asembli ng batas na titiyak sa paraang gagamitin at mga hakbang na gagawin
tungo sa pagdebelop at pormal na pag-adap sa bagong wikang pambansa.

Ang paraang unibersal, bilang proposal ng mga lingguwist ng UP, ay nagbibigay


ng paraan na sa aming palagay ay magagamit para matagumpay at mabilis na madebelop
15

ang bagong wikang pambansa. Gaya ng aming prediksiyon, ang paraang ito ay masiglang
tinatanggap ng marami at mahigpit namang tinututulan ng iba. Katunayan, ito’y naging
kontrobersiyal, kung minsa’y proberbiyal, lalo na sa mga hindi nakakaalam kung ano ito.

Layunin ng papel na ito na ipaliwanag ang ilang misteryo ng paraang ito. Pagkaraan
ng mahigit na isang taon mula nang iharap ito sa Konkon, ipinasiya namin na ipaliwanag dito
sa komperensiyang ito na isang malaking obligasyon para sa amin na iharap ang paraang ito
sa publiko, lalo na sa komperensiyang ito ng mga eksperto sa wika mula sa iba’t ibang bansa
sa Asia, mga lingguwist, mga titser sa wika, at iba pang iskolar sa wika, dahil sa pangyayaring
ang paraang ito ang inindors o sadyang pinili ng Komite ng Wikang Pambansa ng Konkon
na gagamitin sa pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa wikang pambansa ng Pilipinas


ay pormal na iprinopos ni Dr. Cecilio Lopez, Emeritus na Propesor ng Lingguwistiks at
Oriental Studies sa UP, sa pinakahuling public hearing ng nasabing komite sa Manila
Hotel na ginanap noong 22 Disyembre 1971. Sa hiring na iyon, sinabi ni Dr. Lopez na ang
paggamit ng “language universals approach” ay maaaring siyang solusyon sa problema ng
Pilipinas sa wikang pambansa na nagbibigay hanggang ngayon ng malaking gulo sa buong
bansa. Sinabi rin niya na ang paraang ito ay isang mabuting alternatibo sa paraang batay sa
isang wika lang o kaya’y batay sa Tagalog lang. Agad tinanggap ng karamihan o halos lahat
ng mga miyembro ng komiteng present sa hiring ang proposal ni Dr. Lopez, at tinawag
itong “universal approach” imbis na “language universals approach.” Naging popular, sa
mabuti o masama, ang paraang ito sa maikli nitong pangalan.

May dalawang dahilan kung bakit ipinasiya ng mga lingguwist ng UP na ipropos


ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng
Pilipinas. Ang unang dahilan ay may kinalaman sa nakikitang patuloy na problema ng
wikang Pilipino na tanggapin o kilalanin ng mga Pilipino, lalo na ng mga di-Tagalog,
bilang wikang pambansa nila. Naniniwala kami na ito’y hindi magiging problema ng
wikang pambansang madedebelop sa pamamagitan ng paraang unibersal, at ito’y magiging
malinaw sa bandang huli ng papel na ito. Ang ikalawang dahilan ay bunga ng matatag
at di-matinag na determinasyon ng karamihan sa mga miyembro ng Komite sa Wikang
Pambansa ng Konkon at ng buong Konkon mismo (na magiging miyembro ng interim na
Nasyonal Asembli) na pigilin ang paggamit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas at palitan ito ng isang wikang batay sa ilan o nasunod ang gusto ng mga delegado
sa Konkon, ang paggamit sa paraang unibersal ay sisiguro sa mabilis na pagdebelop ng
wikang pambansa ng Pilipinas ay hindi para pigilin ang paggamit sa Pilipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas kundi para masiguro na kung sakaling hindi tatanggapin
ang Pilipino, maaaring dumebelop sa loob ng pinakamaikling panahon ng isang wikang
angkop na maging wikang pambansa—isang wikang aktuwal at natural na gagamitin at
hindi isang wikang mananatiling simboliko lamang at laging naghihingalo dahil hindi
natural na ginagamit.
16

Ang Pilipino sa U.P.


Siguro’y dapat kong gamitin ang pagkakataong ito para linawin na ang mga lingguwist ng
UP ay hindi kailanman kontra o galit sa wikang Pilipino bilang isa sa mga ginagamit na
wika sa Pilipinas o bilang wikang pambansa. Ang totoo, ginagawa namin sa UP ang lahat
ng aming magagawa nang mas masigasig kaysa alinmang institusyon sa buong bansa para
paunlarin ang pag-aaral, paggamit, at pagtanggap sa Pilipino hindi bilang wikang pambansa
lang kundi bilang pangunahing medium din sa pagtuturo sa lahat ng eskuwelahan, sa lahat
ng grado at sa lahat ng kurso dito sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, nagbibigay ang UP ng
Bachelor of Arts degree at Master of Arts degree sa Pilipino; hindi matatagalan, magbibigay
na rin ang UP ng Doctor of Philosophy degree sa Pilipino. Maraming mahahalagang
reserts (research) tungkol sa Pilipino ang nagawa na at ginagawa sa UP. Kahit ang gramar
ng kasalukuyang wikang pambansa ay sinusulat ngayon sa UP ng mga reserts asistant
na sinusuwelduhan ng Surian ng Wikang Pambansa sa ilalim ng superbisyon ng isang
miyembro ng faculty ng UP. Isang monolingguwal at isang bilingguwal na diksyunaryo
ang ginagawa sa UP. Mayroon ding inihahandang manwal at babasahin sa Pilipino sa UP.
Ang totoo, ang posisyon ng Pilipino sa UP sa ngayon ay kapantay na ng Ingles bilang isang
disiplina o larangan ng pag-aaral at bilang medium sa pagtuturo. Nasisiguro naming hindi
pa nangyayari ito sa mga ibang eskuwelahan.

Oposisyon sa Pilipino
Sa isang multilingguwal at naging kolonyang bansa na paris ng Pilipinas na dayuhang
wika ang dominanteng wika kahit na mayroon ditong ilang estabilisadong katutubong wika
na bawat isa’y may maraming ispiker kayat posibleng kandidato sa posisyon ng wikang
pambansa, maaaring mangyari na ang paggamit o pagpili sa alinman sa mga katutubong
wika bilang wikang pambansa o batayan nito ay lumikha ng malakas na oposisyon sa mga
ispiker o suporter ng ibang wika, pati na ng dayuhang wika. Nangyari ito sa Pilipinas. Ang
pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay lumikha ng malakas at patuloy
na oposisyon mula sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles. Madalas naipapahiwatig ang
oposisyong ito sa mga sulat sa mga editor ng mga peryodikal at sa mga paulit-ulit na
habla at salita laban sa Pilipino. Ang pagtawag ng Konkon noong 1971 ang nagbigay ng
pinakahihintay na pagkakataon sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles na baguhin o
patayin ang wikang pambansang batay sa isang wika.

Sa mga una pa lamang sesyon ng Konkon malinaw nang lumabas ang malakas na
pagkontra o pagtanggi ng karamihan sa mga delegado sa Konkon (na mga di-Tagalog) sa
patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang palagay namin
sa UP ay milagro na lamang ang makapipigil sa pagkontrang iyon.1 Kayat sa amin sa UP,

1 Isang “milagrong” sinubok naming gawin ay ang pagpapatanggap sa bago o ibáng depinisyon ng
(at pagtingin o atityud sa) wikang Pilipino. Kung tinanggap ng Konkon at ng Surian ng Wikang Pambansa
ang aming depinisyon ng Pilipino—ang depinisyon ng Pilipino ng UP (Constantino 1970–1971)—wala na
sanang malakas na dahilan para baguhin ang wikang Pambansa ng Pilipinas.
17

ang problema ay hindi na kung paano mapapanatili ang wikang Pilipino bilang wikang
pambansa kundi ito: Paano magpapatuloy na may wikang pambansa ang Pilipinas na mula sa
sariling wika o mga wika nito? Sa madaling sabi, nang ipropos namin ang paraang unibersal,
ang nangunguna naming layunin ay siguruhin na ang Pilipinas ay patuloy na magkakaroon
ng wikang pambansa na tubo o tunay na sa bansang ito, kahit na ang wikang ito’y hindi
ang wikang Pilipino. Ang totoo, natatakot kami na kung hindi epektibong masagot ang
opinyong ipinipilit ng isang patnugot at ng presidente ng isang samahan sa lingguwistiks
at ng mga kakampi nila na hindi maaaring bumuo ng isang wikang pambansang batay sa
higit sa isang wika at dito sa Pilipinas ang wikang Tagalog lang ang puwedeng batayan
ng wikang pambansa, ang wikang Ingles ang tuluyang magsilbing wikang pambansa ng
Pilipinas. Ganitong opinyon ang gusto ng mga pro-Pilipino (at ganoon din ng ilang pro-
Ingles na tumutulong sa kanila) na paniwalaan ng mga delegado sa Konkon para huwag na
nilang baguhin ang status quo.

Pero gusto ng Komite sa Wikang Pambansa ng Konkon na dumebelop ng isang


bagong wikang pambansa na tatawaging Filipino “batay sa mga umiiral na katutubong
wika at dayalek ng Pilipinas na hindi ipinupuwera ang asimilasyon ng mga salita mula
sa mga banyagang wika.” Ang layuning ito ng komite ay ipinasok bilang Seksiyon 2 ng
draft resolution na inaprubahan ng komite. Inihayag din ng komite sa mga komentaryo sa
seksiyong ito ang akademikong opinyon ng mga lingguwist ng UP na puwedeng bumuo
ng isang wikang pambansang batay sa higit sa isang wika at tiniyak dito ang paggamit
sa “universal approach” o paraang unibersal ng mga lingguwist na ito sa pagdebelop sa
bagong wikang pambansa ng Pilipinas. Dito tuluyang lumalim ang pagkasangkot ng mga
lingguwist ng UP sa peligroso at delikadong trabaho tungkol sa pagdebelop ng wikang
pambansa para sa Pilipinas.

Paraan ng Pagdevelop sa Wikang Pambansa


Ang paraang unibersal ayon sa pormulasyon nito sa UP ay naglalayong dumebelop ng
isang wikang pambansa para sa Pilipinas batay hindi sa isang wika kundi sa maraming
wika. Layunin ng paraang ito na debelopin ang wikang pambansang ito sa pamamagitan
ng paggamit unang-una sa mga pangkalahatan o unibersal na mga sangkap at anyo ng mga
wika at dayalek ng Pilipinas. Ang posibilidad ng pagdebelop ng isang wika sa paraang ito
ay isa sa mga pangunahing layunin at resulta ng mga reserts namin sa UP tungkol sa pang-
ilalim (“deep”) at pang-ibabaw (“surface”) na pagkakapareho at pagkakaiba ng mga wika at
dayalek sa Pilipinas. Ipinapakita ng mga resulta ng mga reserts na ito sa nakakakumbinsing
paraan na maaaring dumebelop ng isang wika sa pagsasama-sama sa base o buod nito ng
mga magkakapareho o unibersal na sangkap at anyo ng mga wika at dayalek ng Pilipinas
(Tingnan ang Constantino, 1970).

Ilan sa mga nagpalakas ng loob naming mga lingguwist sa UP para ipropos ang
paraang unibersal ay ang mga bagong debelopment sa lingguwistiks, sa edukasyon, at sa
mas media na lalong nagpapalaki sa posibilidad ng paggamit hindi ng isang wika lang
kundi ng isang grupo ng mga wika bilang batayan ng isang wikang pambansa kung
18

matutugunan nito ang paghahangad ng mga mamamayan para sa pambansang identidad


o integrasyon. Nagpalakas din ng loob namin ang obserbasyon ng isang iskolar na may
malawak na kaalaman tungkol sa mga wikang pambansa na kung punto ng lingguwistiks
ang kokonsiderahin, ang paglikha ng isang wikang pambansa na batay sa isang wika o sa
ilang wika o ang pagtanggap ng isang bagong wikang pambansa ay magpapatuloy nang
walang limit hanggat epektibo ang mga pang-ikonomikong posibilidad at ang mga pulitikal
o nasyonalistikong paghahangad dito (Deutsch, 1962: 605). Sumasang-ayon din kami sa
sinabi ng iskolar na ito na mapapalitan anumang oras ng mga mamamayan ang kanilang
wikang pambansa para bagayan o sundin ang kanilang nasyonalistikong hangaring mapaiba
o magkaisa (p. 604).

Alam na alam ng mga tagapagplano ng wika na may dalawang paraang puwedeng


gamitin sa pagdebelop ng isang wikang pambansa. Ang unang paraan ay ang paggamit ng
isang wika, at ang ikalawang paraan ay ang pagsasama-sama ng mga sangkap at anyo mula
sa dalawa o higit pang wika. Ang unang paraan ang ginamit sa pagdebelop sa Pilipino;
nabuo ang wika pero lumilitaw ngayon na hindi ito tinatanggap ng maraming Pilipino
bilang wikang pambansa nila. Ang totoo, hindi humihinto ang malakas na oposisyon sa
Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Dahil dito, naisip namin sa UP na dapat
nang gamitin ang ikalawang paraan sapagkat naniniwala kami na ang wikang madedebelop
sa paraang ito ay tatanggapin at gagamitin ng mga Pilipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas. Kayat iprinopos namin sa Konkon nang malaunan ang aming paraang unibersal
para sa pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas. Ikinatutuwa at ikinararangal
namin ang pagtanggap agad ng Konkon sa aming proposal na ito kahit magbibigay ito
ng mabigat na responsibilidad at malaking trabaho sa amin. Isa sa aming responsibilidad
na nais kong gawin ngayon ay ang pagpapaliwanag sa mga interesadong paris ninyo ng
kung ano ang “universal approach” o paraang unibersal at kung paano ito magagamit sa
pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas na paris ng hinihingi ng bagong
Konstitusyon.

Prinsipyo at Metod ng Paraang Unibersal


Tatlong magkakaugnay na prinsipyo ang sinusunod ng paraang unibersal.

1. Ang unang prinsipyo ay nagsasabi na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


dapat ibatay hindi sa isang wika lang kundi sa maraming wika ng Pilipinas;
pero hindi nito ipinupuwera na isa sa mga wikang ito ang gawing nukleus
o simula ng wikang pambansa. Sa madaling sabi, sa pagdebelop sa wikang
pambansa ng Pilipinas batay sa prinsipyong ito, maaaring mag-umpisa sa
ilang wika nang sabay-sabay at maaari ring mag-umpisa sa isang wika lang.

2. Ang ikalawang prinsipyo ay nagsasabi na sa pagpili ng mga sangkap o anyo


ng isasama sa wikang pambansa (halimbawa, mga tunog, salita, panlapi,
konstruksiyon, atbp), dapat bigyan ng preperensiya ang mga sangkap o
anyong ginagamit ng mas maraming wika. Halimbawa, kung ang x at y ay
19

dalawang salitang ginagamit sa mga wika ng Pilipinas na may parehong


kahulugan (pero magkaiba sa anyo) at ang x ay ginagamit sa 50ng wika
samantalang ang y ay ginagamit sa 30, dapat bigyan ng preperensiya ang x
sa pagbuo sa bokabularyo ng wikang pambansa.

3. Ang ikatlong prinsipyo ay nagsasabi na ang wikang pambansa ay papayagang


gumamit, lalo na sa umpisa, ng mga grupo ng salitang magkakapareho ang
kahulugan (mga sinonim) at hanggat maaari, hindi sosobra sa apat ang
miyembro ng bawat grupo.

Sa paraang unibersal, dalawang metod ang maaaring gamitin sa pagbuo ng wikang


pambansa: Metod A at B. Nag-uumpisa ang Metod A sa ilang wika nang sabay-sabay sa
pagbuo ng wikang pambansa; ang Metod B ay nag-uumpisa sa isang wika lang. Ganito ang
paraang sinusunod ng dalawang metod na ito sa pagbuo ng wikang pambansa:

1. Bilang unang hakbang, mag-aadap ng unibersal na alpabet para sa wikang


pambansa na paris ng bagong alpabet na inadap ng Surian ng Wikang
Pambansa. Sa ngayon, gagamitin ang alpabet na ito pati na ang mga
tuntunin sa pagbabaybay o ispeling para madaling mabasa at matanggap ng
mga Pilipino ang baybay o ispeling ng mga salita sa wikang pambansa.

2. Ang ikalawang hakbang ay ang pagsulat ng isang unibersal na gramar ng


mga wika ng Pilipinas. Para maisulat ang gramar na ito, kailangang malaman
o mailista nang maayos ang pang-ilalim at pang-ibabaw na gramar ng mga
wika at dayalek ng Pilipinas. Hindi na ito mahirap gawin ngayon. Sa ngayon,
nakolekta na namin sa wika at dayalek ng Pilipinas. Kung mabibigyan kami
ng kailangang pondo, tauhan, at kagamitan, ang unibersal na gramar na ito
ay matatapos sa loob ng dalawang taon.

3. Ang ikatlong hakbang ay gagawin pagkatapos maisulat ang unibersal na


gramar. Kung gagamitin ang Metod A, gagawa ng unibersal na diksyunaryo
o tesaurus ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Ang diksyunaryong ito’y
bubuuin sa umpisa ng lahat ng mga salitang nakolekta sa mga wika at dayalek
ng Pilipinas; pagsasama-samahin ang mga sinonim sa isang entri sa ayos na
ipapaliwanag sa sumusunod na hakbang. Kayat sa umpisa, halos lahat ng
mga salita sa unibersal na diksyunaryo ay may sinonim at karamihan sa mga
grupo ng sinonim ay may sobra sa limang miyembro. Ang pagbabawas ng
miyembro sa bawat grupo ng mga sinonim ay ipapaliwanag sa sumusunod
na hakbang. Sa ngayon, nakakolekta na kami sa UP ng hindi kukulangin sa
5,000ng salita na binubuo ng mga istem (“stem”), salitang-ugat (“root-word”)
at partikel (“particle”) mula sa hindi kukulangin sa 300ng wika at dayalek
ng Pilipinas. Ang mga salitang ito ay ipapasok sa unibersal na diksyunaryo
habang ipinagpapatuloy ang pagkolekta ng mga karagdagang datos sa iba’t
ibang wika at dayalek ng Pilipinas. Kung mabibigyan ng kailangang pondo,
tauhan, at kagamitan, gaya ng gramar ay matatapos ang diksyunaryong ito
20

sa loob ng dalawang taon.

Kung gagamitin ang Metod B, ang mga salita sa wikang pinili bilang simula o
nukleus ng wikang pambansa ang bubuo sa inisyal na diksyunaryo ng wikang
pambansa. Para maging unibersal na diksyunaryo ang diksyunaryong ito,
payayamanin o daragdagan ito sa susunod na limang taon ng mga salitang
mula sa ibang wika at dayalek, katutubo at banyaga, na laging gagamitin ang
mga tuntunin sa sumusunod na hakbang.

4. Ang ikaapat na hakbang. Pagkatapos magawa ang unibersal na diksyunaryo,


o kahit na habang ginagawa pa ito, susundin ang mga sumusunod na tuntunin
para sa istandardisasyon ng diskyunaryo: (a) Aalisin sa diksyunaryo ang lahat
ng mga sinonim na ginagamit sa kulang ½ o 1/3 ng mga wika at dayalek
na kasama sa pagbuo ng isang diksyunaryo, puwera ang mga sinonim na
ginagamit sa isang malaking wikang rehiyonal, paris ng Tagalog, Cebuano,
Ilokano, o Tausug. Puwede ring sundin ang tuntuning ito para sa isang grupo
ng sinonim na may dalawang miyembro lang; (b) Hanggat maaari, hindi
dapat sumobra sa apat ang miyembro ng isang grupo ng sinonim; (c) Hindi
dapat magkaroon ng mga sinonim ang mga salitang madalas na gamitin,
paris ng mga artikulo at iba pang pananda ng gramatikal na relasyon.

Sa isang grupo ng mga sinonim sa unibersal na diksyunaryo, bibigyan ng preperensiya


ang miyembro na ginagamit sa mas maraming wika o sa simulang wika. Ang salita lang na
bibigyan ng preperensiya ang bibigyan ng depinisyon at bawat isa sa mga sinonim nito ay
kikilalanin lang na sinonim ng salitang ito.

Bibigkasin ang mga salita sa unibersal na diksyunaryo sa paraang binibigkas ang mga
ito sa mga wikang pinagmulan. Sa isang grupo ng mga sinonim na nagkakaiba nang kaunti
sa ispeling (kahit na pareho sa bigkas), isa sa mga ispeling ang bibigyan ng preperensiya at
ang ibang ispeling ay kokonsiderahing baryant ng ispeling na ito. Ang ispeling na bibigyan
ng preperensiya ay iyong ispeling na ginagamit sa mas maraming wika o kaya’y iyong
ispeling na sumusunod sa mga tuntunin sa ispeling na kasama ng unibersal na alpabet.

Ang gramar at diksyunaryo ay dapat rebisahin o rebaysin pagkatapos ng hindi


sosobra sa sampung taon para isunod sa mga debelopment sa wika at para pagyamanin o
lalong paghusayin.

Maaari ring gumamit ng ikatlong metod sa pagbuo ng wikang pambansa na


lumalagay sa pagitan ng Metod A at B; tatawagin natin itong Metod C. Sa Metod C,
maaaring gumamit ng dalawa hanggang walong wika bilang base ng wikang pambansa.
Ang mga salita sa mga ibang wika ay idaragdag sa diksyunaryo nito sa loob ng limang taon.
21

Karakteristik ng Bagong Wikang Pambansa


Narito ang ilang sa mga karakteristik ng wikang mabubuo sa pamamagitan ng alinman sa
tatlong metod ng paraang unibersal:

1. Una, ang wikang mabubuo sa paraang unibersal ay tiyak na isang wika ng


Pilipinas. Kaparehong-kapareho nito ang mga wika ng Pilipinas sa tunog,
bokabularyo, at gramar. Ang pang-ilalim na balangkas nito’y kapareho ng
pang-ilalim na balangkas ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Maiiba lang
ito sa mga ibang wika ng Pilipinas sa pang-ibabaw na balangkas.

2. Ikalawa, ang wikang mabubuo ay hindi magkakaroon ng anumang sangkap


o anyo na wala sa mga wika ng Pilipinas. Pero may mga (pang-ibabaw na)
sangkap at anyo ng isang partikular na wika na posibleng wala sa wikang ito.

3. Ikatlo, paris ng alinmang wika, ang wikang bubuuin sa paraang unibersal ay


magkakaroon ng sariling buhay sa oras na ito’y gamitin. Hindi ito magiging
isang artipisyal o patay na wika.

4. Ikaapat, kung susundin ang Metod A o Metod C, maaaring sa simula’y


walang katutubong ispiker ang wikang mabubuo, at dahil dito masasabing
artipisyal na wika ito. Pero kung susundin ang Metod B, ang wikang
mabubuo ay isang natural na wika na aktuwal na sinasalita na ngayon ng
maraming Pilipino, lalo na kung ang basehang wika ay ang tinatawag naming
Pilipino ng UP. Ito ang Pilipinong ginagamit hindi lang sa katagalugan at
kamaynilaan kundi pati sa mga rehiyon na ang katutubo o dominanteng
wika ay hindi Tagalog.

5. At ikalima, mapapansin sa nakaraang diskasyon na walang salita o anumang


sangkap na iimbentuhin para isama sa bubuuing wikang pambansa. Ang
pag-iimbento ng mga salita at iba pang sangkap ng wika ay hindi kailangan
sa paraang unibersal. Hindi rin kailangang gamitin o buhayin pa rito ang
mga patay nang salita at iyong mga salitang ginagamit noong unang panahon
na hindi na ginagamit o naiintindihan ngayon. Lahat ng mga tunog, salita,
konstruksiyon, at iba pang bagay sa wikang pambansa na dedebelopin sa
paraang unibersal ay buhay at natural sapagkat kasalukuyang ginagamit ang
mga ito sa mga wika at dayalek ng Pilipinas na sinasalita ngayon ng mga
Pilipino.

Pagdebelop sa Wikang Pambansa sa U.P.


Makikita sa katatapos na diskasyon na ang aktuwal na pagdebelop ng isang wikang
pambansa sa pamamagitan ng alinman sa tatlong metod ng paraang unibersal ay hindi
22

mahirap o imposible. Sa katunayan, kung mayroon lang mga kailangang pondo, tauhan, at
kagamitan, madedebelop ang wikang ito sa loob ng dalawang taon. Ang madedebelop na
wika ay masasalita, maisusulat, at mababasa ng kahit anong wika. Maituturo ito at mapag-
aaralan paris ng anumang wika at nang mas madali kaysa Ingles, Kastila, o anumang
banyagang wika. Sa madaling sabi, paris ng alinmang buhay na wika, magagamit ito sa
pagkokomunika mula sa henerasyong ito hanggang sa mga darating pang henerasyon. At
ipinipredik namin na ang wikang ito ay mas tatanggapin ng mga Pilipino bilang wikang
pambansa nila sapagkat hindi lang ito nagmumula sa kanilang iba’t ibang wika at dayalek
kundi ito’y konkreto at buhay na simbolo rin ng kanilang pagkakapare-pareho at pagkakaisa
at ng kanilang matagal nang pinakahahanap na pambansang identidad o nasyonal aydentiti.

May mga magtatanong siguro kung alin sa tatlong metod ng paraang unibersal na
katatapos na diskasin ang pinipili o pinapaboran ng UP. Pinipili namin sa Departamento
ng Pilipino at Literatura ng Pilipinas [ngayo’y Departamento ng Filipino at mga Wika ng
Pilipinas] ng UP ang Metod B. Ngayon pa’y inuumpisahan na namin ang pagdebelop sa
UP ng wikang pambansa simula sa isang wika. Ang simulang wika ay hindi ang wikang
Tagalog kundi ang tinatawag naming Pilipino ng UP. Iba ang Pilipino ng UP sa Pilipinong
pinalalaganap at gustong palaganapin ng Surian ng Wikang Pambansa at itinuturo sa mga
public school sa Pilipinas. Ang Pilipino ng UP ay ang uri ng Pilipino na ginagamit sa
buong bansa, hindi lamang ng mga Tagalog o sa mga lugar na Tagalog ang katutubo o
dominanteng wika kundi pati ng mga di-Tagalog o sa mga lugar na mga ibang wika ang
katutubo o dominante.2

Para makita ang aktuwal na anyo at gamit at halimbawa ng Pilipino ng UP, inisip
at hinarap namin agad ang magsalin sa wikang ito ng mga obrang nakasulat sa ibang wika,
lalo na ng mga obra sa iba’t ibang literatura ng Pilipinas. Nakita namin na ang katipunan ng
mga obra sa iba’t ibang wika ng Pilipinas na naisalin at maisasalin sa wikang pambansang
aming dinedebelop ay maaari at dapat na maging simula ng pambansang literatura ng
Pilipinas. Ang aktuwal na pagbuo ng pambansang literatura ng Pilipinas sa ganitong paraan
ay aming ihaharap sa ibang papel. Masasabi lang namin dito na naniniwala kami (at ganoon
din ang ibang nakarinig sa proposal naming ito) na ang pagdebelop ng wikang pambansa
at ng pambansang literatura ng Pilipinas ay mas mabuti at mas madaling magawa kung
mapagsasabay batay sa mga prinsipyo ng paraang unibersal. Masasabi rin namin dito nang
walang pag-aalinlangan na ang wikang pambansang madedebelop sa paraang unibersal ay
siyang pinakamabisa at pinakaangkop na wika ng pambansang literatura ng Pilipinas, hindi
ang wikang Ingles o Tagalog at hindi rin ang puro o puristang Pilipino.3

2 Ang Pilipino ng UP ay tinatawag nang “Filipino” (o “Filipino ng UP” para huwag mapagkamalang
kapareho nitó ang Filipino ni Lacuesta). Tingnan Constantino at Sikat (1974). Ang apat na kurso sa
Pilipino sa Programa sa Masaklaw na Edukasyon (“General Education Program”) ng UP ay ginawa
nang Filipino. Ang pangalan ng Departamento ng Pilipino at Literatura ng Pilipinas ay pinalitan ng
Departamento ng Filipino at mga wika ng Pilipinas noong 28 Pebrero 1974.

3 Tingnan Constantino at Sikat (1974) at ang ibá pang artikulo sa unang labas ng jornal na
LITERATURA ng Filipinas; Jornal para sa mga Literatura ng Filipinas (Enero 1974).
23

Argumento para sa Pilipino


Ngayon, tingnan natin ang mga panagunahing argumentong ginagamit bilang suporta sa
palagay na ang wikang Pilipino ang nasa pinakamabuting posisyon para maging wikang
pambansa ng Pilipinas. Ang mga argumentong ito ay ang sumusunod: (a) Pilipino ang
wika ng Manila, ang pinakaimportanteng siyudad sa buong Pilipinas, kayat mas prestijus
(“prestigious”) ito kaysa mga ibang wika ng Pilipinas; (b) Pilipino ang dominanteng wika
sa mas media; (c) Mas marami ang ispiker ng Pilipino kaysa alinman sa mga ibang wika ng
Pilipinas; (d) Batay ang Pilipino sa pinakadebelop na wika ng Pilipinas at hindi magtatagal
at aktuwal nang sasalitain ito ng lahat ng mga Pilipino.

Nakikita namin ngayon na ang mga argumentong ito na matagal nang inuulit-
ulit ng mga pro-Pilipino ay hindi naging sapat para magtagumpay ang Pilipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas. Sa kabilang dako, ang mga argumentong ito mismo at
ang “puristang” palisi (policy) na sinusunod sa pagdebelop, pagpapaunlad, at pagtuturo sa
Pilipino ang mga aktuwal na dahilan ng pagkabigo ng Pilipino bilang wikang pambansa
ng Pilipinas. Pero ito’y hindi na saklaw ng papel na ito. Masasabi lang dito na marami sa
mga sumusuporta sa Pilipino ang nagtaka nang atakihin nang matindi at pagkatapos ay
tuluyang itakwil ng Konkon ang Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Hindi nila
nakita na ang pagkalat ng Pilipino sa buong bansa at ang pagtuturo ng puristang anyo nito
sa lahat ng eskuwelahan ay ilan sa mga nagpalakas sa etnikong kamalayan ng mga grupo
sa Pilipinas at ang kamalayang ito sa parte ng mga di-Tagalog na grupo ay tumanggi sa
Pilipino (na ipinalagay nilang Tagalog) bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Kritisisim sa Paraang Unibersal


Balikan natin ang paraang unibersal. Mula nang banggitin ito sa Konkon, tumanggap ito
ng maraming kritisisim o puna, kahit noong hindi pa natitiyak ng mga kritik kung ano ito.
Dalawa ang pinakamadalas na kritisisim. Una, may mga kritik na nagsasabi na imposible
raw, hindi matino, o kaya’y “kaululang lingguwistik” (Nakpil, 1972) ang bumuo ng isang
wikang batay sa higit sa isang wika o batay sa maraming wika. Ito ang sinabi ng isang kritik
ng paraang unibersal (Roces, 1972):

But to expect that 87 separate branches make a language tree is absurd because
there have to be roots and a trunk where diverse branches can be grafted.

[Ngunit isang kalokohan na asahang 87ng magkakahiwalay na sanga ang


bubuo sa isang language tree sapagkat kailangang magkaroon ito ng mga ugat
at katawan na pagpapatubuan ng magkakaibang sanga.]

Ikalawa, kahit na raw makabuo ng wika sa paraang unibersal, imposibleng mapakalat


ito sapagkat ito’y isang artipisyal na wika at dahil dito hindi ito pag-aaralan o matututuhan
ng mga Pilipino. Ito naman ang sinabi ng isa pang kritik (Nakpil, 1972):
24

One of the most irrefutable principles of linguistics is that a language that is


nobody’s mother tongue will be extremely difficult to teach or learn and almost
impossible to implant. One can propagate, or enrich with loan words, an existing
language, but one cannot invent one out of thin blue air, or even out of 8
“mutually unintelligible” rival languages, without courting muteness. An artificial
language with no naive speakers—as Esperanto, Orbis, Frate, Universalia, Paria
all in their own good time have shown—just won’t take. To impose one on
Filipinos now is to court muteness, total illiteracy and ineradicable ignorance.

[Isa sa mga di-makokontrang prinsipyo ng lingguwistiks ay ito: Ang wika na


hindi inang wika ng sinuman ay totoong napakahirap ituro at pag-aralan at
halos imposibleng itanim sa isip. Puwedeng palaganapin, o payamanin sa mga
hiram na salita, ang isang umiiral na wika ngunit hindi puwedeng umimbento
ng isang wika mula sa manipis na hanging asul (“thin blue air”) o kahit sa
walong “di-nagkakaintindihang” magkakaribal na wika nang hindi tutungo sa
pagkapipi. Ang isang wikang artipisyal na walang katutubong ispiker—gaya
ng ipinakita ng Esperanto, Orbis, Frate, Universalia, Paria sa kani-kanilang
panahon—ay talagang di pupuwede. Ang ipilit ang isang wikang ganito sa
mga Pilipino ngayon ay patungo sa pagkapipi, total na iliterasi, at di maaalis na
ignoransiya.]

Naipaliwanag na namin na hindi imposibleng bumuo ng isang wika batay sa ilang


wika. Ginagawa ito ngayon sa Norway (Haugen, 1968). Nagawa na ito sa Southern Rhodesia
at sa Macedonia (Lunt, 1959). Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito pupuwede sa
Pilipinas lalo na kung iisipin na ang mga wika at dayalek sa bansang ito ay magkakapareho
sa isa’t isa sa tunog, bokabularyo, at gramar.

Nasabi rin na maaaring ang wikang madedebelop batay sa paraang unibersal ay


artipisyal—nangangahulugang hindi ito inang wika ng sinuman sa umpisa, pero maaari ring
ang wikang mabubuo sa pamamagitan ng paraang unibersal ay natural—nangangahulugang
may mga nagsasalita nito sa simula pa. Ito’y depende sa metod na gagamitin sa pagbuo sa
wika. Ngayon, tungkol naman sa pagiging artipisyal ng isang wika, gusto kong basahin sa
inyo ang sumusunod na obserbasyon (Pei, 1968: ix):

The charge of “artificiality” often leveled at constructed [or artificial] languages…


is no charge at all. A horse is “natural,” an automobile is “artificial.” For purposes
of present-day travel under present-day conditions, no one seriously questions
the superiority of an “artificial” automobile.

[Ang bintang na “pagiging artipisyal” na karaniwang iniuukol sa binalangkas


[o artipisyal] na mga wika…ay di tunay na bintang. Ang kabayo ay “natural,”
ang automobil ay “artipisyal.” Sa mga pagbibiyahe ngayon sa kasalukuyang
kondisyon, walang sinumang seryosong kukuwestiyon sa superyoridad ng
isang “artipisyal” na automobil.]

Tagumpay ng Wikang Pambansa


25

Sa pinal na analisis, ang tagumpay ng isang wika na maging wikang pambansa ng isang
bansa ay depende hindi sa pagiging artipisyal o natural nito kundi sa pagtanggap o atityud
(attitude) ng mga taong pinag-uukulan nito o dapat na gumamit nito. Kami sa UP ay
matatag na naniniwala na ang wikang madedebelop sa pamamagitan ng paraang unibersal
ay mas madaling tanggapin at gamitin kaysa sa wikang Pilipino, lalo na iyong Pilipinong
itinuturo ngayon sa mga public school, bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang paniwala
naming ito ay batay sa mga sumusunod na dahilan:

(1) Ang wikang mabubuo sa pamamagitan ng paraang unibersal ay hindi batay


sa Tagalog lang o sa isang wikang inaari o inaangkin ng isang malaking
etnikong grupo;
(2) Ang wikang ito ay base sa marami kundi man sa lahat ng mga wika at
dayalek ng Pilipinas;
(3) Hindi papaboran ng wikang ito ang alinman sa mga etnikong grupo ng
Filipinas;
(4) Ang pagbuo at pagpapayaman sa wikang ito ay magiging responsibilidad ng
lahat ng mga etnikong grupo sa Pilipinas, hindi ng isang grupo lang.

Sa kabuuan, nakikita namin na ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa


pambansang wika ng Pilipinas ay magbubunga ng malaking epekto o pagbabago sa atityud
ng mga Pilipino, hindi lang sa kanilang wikang pambansa kundi pati na sa kanilang kultura
at literatura at sa kanilang bayan at kapwa Pilipino. Sa paggamit nila ng wikang pambansang
dinebelop sa paraang unibersal, na binubuo ng mga sangkap at anyong nagmumula sa iba’t
ibang wika at dayalek ng Pilipinas, malalapit sila sa iba’t ibang kultura, literatura, tao, at
rehiyon ng Pilipinas. Lalaki ang kaalaman at interes nila sa mga ito at ang atityud nila sa
mga ito ay magiging masigla at positibo, imbis na laging malamig o paiwas at negatibo. Sa
paggamit nila ng wikang pambansang dinebelop sa paraang unibersal, makikita nila na ang
wikang ito’y mula at para sa lahat ng Pilipino, at ito’y nagbigay ng pabor sa lahat ng Pilipino,
hindi sa mga miyembro ng isang etnikong grupo lang. Makikita rin nila na ang wikang ito’y
mas madaling matutuhan at mas epektibong magagamit ng mga Pilipino kaysa wikang
Ingles, at ang wikang ito ang tunay na tatak at daluyan ng pambansang kultura at identidad
ng mga Pilipino. Kayat naniniwala kami na hindi na kailangang maghintay pa ang mga
Pilipino ng 100 o 50 o kahit 25ng taon para makita nila na ang kanilang wikang pambansa
ay isang wika ng kanilang pagkakaisa at pagkakaiba, ang wika ng kanilang identidad, at ang
wikang magpapalaya sa kanila sa mga banyaga at alyenadong isipan at oryentasyon.

Bibliyograpi
Constantino, Ernesto. “The deep structures of the Philippine languages.” The Archive,
tomo 1, blg 2, mp. 65-79, 1970.
__________________. “Ang hinaharap ng Pilipino.” General Education Journal, tomo
26

19-20, mp. 1-3, 1970-1971.


__________________ at Rogelio Sikat. “Ang pagbuo ng pambansang literatura ng
Filipinas.” Literatura ng Filipinas, tomo 1, blg 1, mp. 1-25, 1974.
Deutsch, Karl W. “The trend of European nationalism – the language aspect.” Nása
Fishman 1968, mp. 598-606.
Fishman, Joshua A., ed. Readings in the sociology of language. The Hague: Mouton, 1968.
Haugen, Einar. “Language planning in Norway.” Nása Fishman 1968, mp. 673-687.
LITERATURA ng Filipinas; Jornal para sa mga Literatura ng Filipinas. Bolyum
I, Numero 1, Enero 1974. Publikasyon ng Samahan para sa mga Literatura ng
Pilipinas (SALIPI), Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.
Lunt, Horace G. “The creation of standard Macedonian: Some facts and attitude.”
Anthropological Linguistics, tomo 1, blg 5, mp. 19-26, 1959.
Nakpil, Carmen Guerrero. “Happy but mute.” The Manila Chronicle, 7 Abril 1972, p.4.
Pei, Mario, “Foreword.” Nasa Esperanto: A complete grammar, ni Ivy Kellerman Reed, pp.
vii-x. Metuchen, N.J.: The Scarecrow Press, 1968.
Roces, Alfredo. “Light and shadow: Legislated languages.” The Manila Times, 18 Abril
1972, p.5.

[TALA: Sa “Universal Approach at ang Wikang Pambansa ng Filipinas” ni Dr. Ernesto Constantino at may
itinalang ganito sa artikulo: “Batay sa papel na binása sa Ingles noong 22 Disyembre 1972 sa unang
Conference on Language Policy and Language Development of Asian Countries na ginanap sa Maynila,
18–22 Disyembre 1972. Ang unang bersiyon na ito ay lumabas sa Sicat, Rogelio at Pamela D. Cruz, ed., Mga
bagong pananaw sa wika, literatura at kultura (=Jornal ng Masaklaw na Edukasyon nos. 23-24 [General
Education Journal nos. 23-24]), Maynila: Kolehiyo ng Sining at Agham, UP Diliman, 1972-73. Gusto kong
magpasalamat kay Mis Pamela D. Cruz at kina Rogelio R. Sicat at Mr. Jesus F. Ramos sa pagtulong nilá sa
pag-edit sa papel na ito. Kabílang sa mga lingguwist ng UP na nagpropos sa ‘universal approach’ sina
Propesor Consuelo J. Paz, Mis Emelita L. Cruz at ang sumulat ng papel na ito. Ang pagsama ni Dr. Cecilio
Lopez sa grupong ito ay nagbigay ng ibayong lakas sa universal approach.”]
Virgilio S. Almario

NASYONALISASYON AT MODERNISASYON
NG FILIPINO

MAGANDANG BALIKÁN bílang panimula ang isang pahayag noon ni Saussure


hinggil sa tungkuling patuloy na baguhin ang wika. “Hindi táyo dapat mapiit,” sabi niya,
“sa kung ano ang wika ngayon.” Walang wikang perpekto; kailangang isunod ang wika
sa nagbabagong pangangailangan ng mga gumagámit nitó; kailangang baguhin ang wika
upang maging higit na episyente at kapaki-pakinabang sa mga gumagámit nitó. Ang
mga katotohanang ito ang pangunahing motibasyon para sa tinatawag na pagpaplanong
wika—na walang iba kundi ang metodiko at sistematikong gawain upang mapangasiwaan
at mapaunlad ang isang wika, lalo na ang paglikha, pagpapalaganap, at pagpapayaman sa
isang napagkaisahang panrehiyon, pambansa, o pandaigdigang wika.

Kaugnay nitó, may pananaw na nasyonalisasyon at modernisasyon ang kambal


ngunit nagtutunggaling oryentasyon ng pagpaplanong wika sa mga bansang umahon
mula sa matagal na panahon ng kolonyalismo at nagpasiyang magkaroon ng sarili at
katutubong wikang pambansa nitóng nakaraang siglo. Napakatotoo nitó sa Filipinas mula
nang itadhana ng 1935 Konstitusyon ang isang wikang pambansa batay sa isang wikang
katutubo. Pinatutunayan naman ng mga pangyayari sa loob ng nakaraang 80 taón na
lubhang mabigat na tungkulin ang nasyonalisasyon at modernisasyon bílang tambalan at
magkaagapay na direksiyon sa pagsusúlong ng wikang pambansa. Bukod pa, ang kawalan
ng sapat na tangkilik ng pamahalaan—na malinaw na makikíta sa kawalan ng pondo
para sa kailangang gawin ng pambansang ahensiyang pangwika at sa nawawalang target
pangwika sa kabuuang pambansang planong pampolitika at pangkabuhayan—ay malimit
na magdulot ng problema kung alin sa kambal na direksiyon ang dapat unahin at asikasuhin.

Sa kabilâng dako, maaari ding sabihin ngayon na hindi napag-ukulan ng mga


namahala sa pagsúlong ng Wikang Pambansa ang pagbalangkas ng isang pangmatagalang
plano para matupad ang tadhana ng 1935 Konstitusyon. May mga tungkuling inilista ang
Batas Komonwelt Blg. 184 para sa National Language Institute, ang naging Surian ng
Wikang Pambansa (Institute of National Language), ngunit hindi ito naisalin túngo sa isang
kongkretong programa para palaganapin ang Tagalog at maging wikang opisyal at wika ng
edukasyon. Ito rin ang maaaring gamíting pangunahing kahinaan ng nakaraang mahigit 20
taón ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) pagkaraang itatag sa bisà ng Batas Republika
28

Blg. 7104. Hindi nakawala ang KWF sa nakagawiang trabaho ng Surian. Kapag nilimi ang
mga pahayag ng ating mga tagapangasiwa ng Wikang Pambansa sa nakaraang panahon,
wari ngang hindi nilá matalakay nang sabáyan ang nasyonalisasyon at modernisasyon. O
kayâ, malimit na ipanukala niláng kailangang itutok muna ang pansin sa isa—malimit ding
sa nasyonalisasyon—upang balingan ang ikalawa pagkatapos. Hindi naharap nang epektibo
ang problema sa nakalipas na panahon sapagkat hindi napatnubayan ng isang malinaw na
planong wika ang naging pagkilos ng mga alagad at kapisanang pangwika.

Ipinahiwatig mismo ng 1987 Konstitusyon ang naturang tambalang tungkulin para


sa pagsusúlong ng wikang Filipino. Alinsunod sa Seksiyon 6, Artikulo XIV:

The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further


developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages.

Titigan ang ikalawang pangungusap at malilinawan ang iniaatas na paraan ng pagdevelop


at pagpapayaman sa Filipino: “(B)atay sa mga umiiral na (mga wika ng) Filipinas at ibáng
mga wika.” Ang nasyonalisasyon ay magaganap sa pamamagitan ng pagpapayaman sa
Filipino sa pamamagitan ng mga wika ng Filipinas. Ang modernisasyon ay mapapabilis
sa pamamagitan ng ibá’t ibáng pandaigdigang wikang sinasangguni at hinihiraman ng
edukasyong Filipino. Tinutukoy mismo, sa gayon, ng ikaanim na seksiyon ng Artikulo
XIV ang kaliwa’t kanang pagpangitain sa dalawang pangunahing tungkulin túngo sa
pagpapaunlad sa Filipino bílang wikang pambansa. Ang pagpapangalang “Filipino” sa
Wikang Pambansa ay nakabatay sa isang bisyon ng nasyonalisasyon at modernisasyon nitó.

Ano ba ang mga problema at hindi nagaganap ang naturang mga gampanin?

Sinasabing ang pagpaplanong wika sa katotohanan ay isang pagsisiyasat sa problema


ng isang wika. Ngunit tulad ng naipaliwanag ko na, ipinahiwatig na ng Artikulo XIV ng
1987 Konstitusyon ang problema ng Filipino. Ang tambalang gampaning “nasyonalisasyon
at modernisasyon” ang siyá mismong mga problemang dapat harapin sa pagpapalaganap
at pagpapayaman ng Filipino bílang wikang pambansa. Subalit hindi sapat ang pagtukoy
sa problema sa pagpaplanong wika. Ang higit na mabigat na gawain ay ang paghahanay
ng mga tiyak at malawakang aktibidad at proyekto upang malutas o maigpawan ang
anumang tinukoy na problema. Iyon ang higit na kahulugan ng pagpaplanong wika. Ngunit
malungkot na hindi nakapag-organisa ang KWF sa nakaraang panahon ng isang pulong o
kumbensiyon upang sangguniin man lámang ang mga alagad ng wika hinggil sa bagay na
ito.

Maaaring may lumabas nang mga pagsusuri hinggil sa isa o sa dalawang gampanin.
Maaaring may nakapagdulot na ng mga mungkahi upang dibdibang harapin ang mga
problema sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Wikang Pambansa. Subalit hindi iyon
natipon ng KWF, nabigyan ng kaukulang analisis, at naisalin sa mga kongkretong hakbang
at proyekto sa loob ng isang takdang panahon at sa kabilâ ng maaaring limitadong pondo
at tauhan.
29

Unahin nating balikán ang mga hadlang túngo sa planong nasyonalisasyon.


Sa praktika, nangangahulugan ang nasyonalisasyon ng pagsusuri sa mga problema ng
pagpapatanggap sa Wikang Pambansa sa mga pook na di-Tagalog at pagdudulot ng
kaukulang gawain upang maigpawan ang mga natukoy na problema. May mga historikong
impormasyon hinggil dito. Noon pang 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal ay halatang-
halata na ang tinatawag na “rehiyonalismo” bílang pangunahing balakid upang mabigkis
ang kapuluan ng isang wikang pambansa. Sa kabilâ ng mga iniharap na bentaha ng Tagalog
ay iginiit ng ilang delegadong di-Tagalog ang katangian ng kani-kaniláng sariling wika.
Anupa’t pagdatíng ng botohan, dinaig ng rehiyonalismo ang resolusyon na noon pa’y
itadhana ang Tagalog bílang batayan ng wikang pambansa. Nagpatuloy ang bagay na ito sa
anyo ng mga batikos na inilalathala sa peryodiko’t magasin hanggang matapos ipahayag ni
Pangulong Quezon ang paghirang sa Tagalog bílang batayan. Noong 1965, naging isang
tahasang habla ito ng isang kongresista na naniniwalang nanatíling Tagalog ang sinimulang
tawaging “Pilipino” noong 1951 at kayâ labag sa tadhana ng 1935 Konstitusyon. Naging
umpisa ito ng tinaguriang “language war” at humantong sa panukalang pagbuo ng “Filipino”
bílang wikang pambansa alinsunod sa naging tadhana ng 1973 Konstitusyon.

Sinasabi lagi ng mga tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa na mga politiko lámang


ang gumagámit ng isyung kontra-Wikang Pambansa para umakit ng boto sa kaniláng
rehiyon. Sinasabi rin niláng itinataguyod ang isyung kontra-Wikang Pambansa ng mga
edukadong nagnanais na Ingles ang manatíling wika ng edukasyon. Iilan lámang diumano
ang tunay na kaaway ng Wikang Pambansa. Subalit naubos ang panahon at talino ng mga
tagapagtaguyod, pati na ang mga pinunò ng Surian, para patunayan ang birtud ng Pilipino
at pagkatapos ng 1973, ng Filipino. Nakatanghal ito sa manaka-nakang nalalathalang
debate ng mga salungat at ng mga tagapagtaguyod noon at hanggang ngayon. Mahahalata
namang hindi umuusad ang balagtasang pangwika dahil inuulit lámang ng magkabilâng
panig ang kaniláng mga argumento.

Kung magulo ang isyu ng nasyonalisasyon, gayundin ang modernisasyon. Sa bagay


na ito ay mga tagapagtaguyod lámang ng Wikang Pambansa ang kasangkot sa pagtatálo.
Ang paksa: Paano ba pauunlarin ang Pilipino/Filipino? Kompara sa nasyonalisasyon,
may higit na malusog na aspekto ang tunggalian para sa modernisasyon. Noong 1987,
naglundo ang tunggalian sa isang modernisadong alpabetong pambansa na may 28 titik
at ganap na nagwawaksi sa abakadang Tagalog/Pilipino. Subalit maraming tinik ang
landas sa implementasyon ng bagong alpabeto. Mga tinik na iniuumang mismo ng mga
nagsasalungatang pangkatin ng tagapagtaguyod. Ang politika, sa gayon, sa loob ng hanay
ng mga tagapagtaguyod ang bumibimbin sa kailangan at tulong-tulong na pagsusúlong
sa Wikang Pambansa. Maaari ngang pag-aawayan pa nilá kung alin ang higit na angkop
gamítin sa “modernisasyon,”“intelektuwalisasyon,” o “elaborasyon” bagaman magkakatulad
namang banyagang aklat sa sosyolingguwistika ang kaniláng binása.

Bunga ng malaking kontrobersiya hinggil sa “purismo” noong dekada 60 ay nawalan


naman ng awtoridad ang opisyal na ahensiyang pangwika [ang Surian at hanggang ang
KWF] kayâ halos hindi madisiplina ang mga teksbuk sa wika na may kani-kaniyang
pinalalaganap na paraan ng paggámit sa bagong ortograpiya. Ni hindi pinaiiral ng KWF
30

ang legal na kapangyarihan nitóng mamahala sa anumang gawain kaugnay ng Filipino


at ibáng wikang katutubo upang sawatain, halimbawa, ang naganap na paglikha ng kani-
kaniyang ortograpiya ng mga “sariling wika” na ginamit sa K–3 at sa tulong ng mga
banyagang tagapayo. Gayunman, maaaring sabihin ngayon na nag-uugat ang kawalan ng
awtoridad ng KWF sa kawalan nitó ng maihahandog na pangkalahatang plano tungo sa
mabilisang kultibasyon ng Filipino.

Dapat isipin ngayon ang “kultibasyon” (cultivation) ng Filipino bílang kambal at


magkaagapay na gampanin ng nasyonalisasyon at ng modernisasyon/intelektuwalisasyon.
Nakaukol ang isang panig o direksiyon para sa pagpapalaganap ng Filipino bílang wikang
pambansa at sa mataimtim na paglalahok ng anumang natatanging sangkap mula sa mga
katutubong wika upang higit na maitatag ang pagiging pambansa nitó. Sa kabilâng dako,
idinidiin ng ikalawa ang halaga ng pagpapaunlad sa Filipino bílang wika ng karunungan
at makabagong kaunlaran. Kailangang magkasabay na isúlong ang dalawang lunggating
kaganapan ng Filipino. Na ang ibig sabihin sa pagpaplanong wika ay kailangang magkaagapay
at magkasanib na asikasuhin ang taunan at pangmatagalang mga target sa magkabilâng
panig tungo sa isang pangkalahatang pagpangitain sa isang malusog at episyenteng wikang
pambansa sa loob ng isang takdang panahon, halimbawa’y lima o sampung taón.

Nais ko ngayong magpanukala ng ilang hakbang upang maisakatuparan ang


dalawang naturang gampanin.

Isang Mapa ng mga Wika ng Bansa


Saliksik pangwika ang isang pangunahing kasangkapan sa pagpaplanong wika. Kailangang
itanim ang kultura ng saliksik lalo na sa hanay ng mga guro sa Filipino. At isang pangunahing
layunin ng saliksik ang pagbuo ng isang bagong mapa ng mga wika ng Filipinas. Bakit?
Dahil luma na at hindi mapagtitiwalaan ang kasalukuyang mapa na ginagámit sa mga
kagawaran ng lingguwistika. Dahil nagbago na ang heograpiya at populasyon ng mga wika
ng Filipinas dahil sa migrasyon, edukasyon, at makabagong pamumuhay. At dahil kailangan
ang isang malinaw na larawan ng bílang at distribusyon ng mga wikang katutubo upang
maialinsunod ang mga ipaplanong proyekto at kaukulang materyales.

Bahagi ng mapa ang nangyari nang paglaganap ng Filipino sa ibá’t ibáng pook
at rehiyon. Tiyak na may ibá’t ibáng uri ito, may ibá’t ibáng antas ng pagtanggap, kayâ
makapagmumungkahi ng kailangang interbensiyon, sa pamamagitan man ng karaniwang
midyum—ang paaralan at ang ugnayang madla (mass media)—bukod sa maaaring tukuyin
kung alin sa paaralan, brodkast, o espesyal na seminar ang higit na epektibo at matipid na
pamamaraan upang mabago ang isang sitwasyong pangwika sa isang pook, probinsiya, o
rehiyon. Maaari ding makatulong ang mapa sa pagtukoy sa mga partikular at sensitibong
problema na nangangailangan ng mga tiyak na hakbangin sa panig ng mga tagaplanong
wika.
31

Isang malaking gámit ng mapa ang nauugnay sa pangangalaga ng mga katutubong


wika ng Filipinas. May nagkakaisang problema ang mga ito ngunit may tanging problema
ang ilan, lalo na ang mga maliit ang katutubong populasyon, na hindi makikíta sa malalaking
wikang rehiyonal. Sa kabilâ nitó, kailangan ang pantay na pagtingin sa lahat ng katutubong
wika bílang mga pambansang pamanang yaman. Ang mga impormasyon mula sa mapa ay
kailangang masuri, masundan ng mga panukalang proyekto, at kung kailangan ay itawag
ng pakikiisa mula sa ibáng organisasyong pribado at pampamahalaan. [Ang pakikiisa ng
ibáng sektor ay kailangang mag-umpisa sa pagpaplano pa lámang ng mapa ng mga wika
ng Filipinas.] Kailangang unang-unang isangkot sa gampaning ito ang pamahalaang lokal.
Sa panig ng KWF, dapat idagdag na tungkulin ito ng mga itinatatag na Sentro ng Wika at
Kultura (SWK).

Ang programang MTB-MLE ngayon ng DepEd ay maaaring makinabang sa mapa.


Matutukoy nitó ang aktuwal na “sariling wika” (mother tongue o MT) na kailangang pairalin
at gamítin sa isang probinsiya o rehiyon. Ang demograpikong impormasyon ng mapa ay
higit na mapagtitiwalaan kaysa rekomendasyon at presyur pampolitika na napapansin nang
umiimpluwensiya sa seleksiyon ng unang 20 MT. Sa kabilâng dako, ang produksiyon ng
mga materyales panturo sa mga naturan at sa mga mapipilì pang MT ay makabuluhang
pag-anihan ng mga katangian at birtud ng mga “sariling wika” upang maisanib túngo sa
nasyonalisasyon ng Filipino.

Pambansang Gramatika at Diksiyonaryo


Makabuluhang gawain sa nasyonalisasyon ang saliksik upang makabuo ng isang pambansang
gramatika at pambansang diksiyonaryo sa Filipino. Ang mga ito ang pangunahing kabiguan
ng Surian at ng KWF. Hindi ito nakalikha ng isang gramatika na malinaw na nagsasanib
sa mga katangian ng mga wikang di-Tagalog. Hindi naman ito nakatipon ng isang kahit
mapagtitiwalaan at monolingguwal na diksiyonaryong Filipino, pagkaraan ng saliksik ng
Surian na Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles (1972) at ipinangalan sa dáting direktor
nitóng Jose Villa Panganiban.

Ang saliksik túngo sa mga nabanggit na kailangang produktong pangwika ay


maaaring simulan sa pamamagitan ng pagtipon sa mga naisagawa nang saliksik kaugnay
nitó. Samantala, kailangan ang isang mekanismong mistulang “bantay-wika” para sa mga
pagmamapa ng aktuwal na paggámit sa Filipino sa ibá’t ibáng pook, lalo na sa mga lungsod
at pook tagpuan ng mga migranteng Filipino.

Isang aspekto ng bantay-wika ang pagsisiyasat sa nagaganap na pagsasanib ng


Filipino at ng ibáng katutubong wika, lalo na sa oral at pang-araw-araw na pag-uusap. Sa
katunayan, kailangang matukoy agad ang mga naturang pagsasanib sa leksikon, estruktura
ng pangungusap, at entonasyon upang mabigyan din ng karampatang motibasyon bílang
isang senyas ng nasyonalisasyon sa Filipino. Babaligtarin ng saliksik na ito ang nagaganap
ngayong pagtatawa [at pagmaliit] sa mga “naiibáng” bigkas at salitâ na pumapasok
sa pangungusap ng mga di-Tagalog. Ang ganitong uri ng lehitimasyon ay tiyakang
32

makagaganyak sa mga di-Tagalog upang higit na gamítin ang Filipino sa kaniláng pabigkas
o pasulat mang komunikasyon.

Pasisiglahin din nitó ang pagpasok ng mga salitâ mula sa mga katutubong wika
at magpapayaman sa bokabularyong Filipino. Totoo namang bukod sa singkahulugan
ay may mga salitâ ukol sa mga danas at dalumat ang mga katutubong wika na wala sa
kasalukuyang talasalitaan ng Filipino. Ibá ang “búwot” ng Kalinga sa karaniwang “dagâ”
at kahit na sa “ilagâ” ng mga Ilonggo. Kamakailan, lumilitaw na may espesyal na gámit
pangmilitar ang mga Magindanaw sa “pintakasì” at naiibá sa alam ng mga Kristiyanong
Tagalog. Ang “jambángan” sa Tausug at “vakul” sa Ivatan ay simpleng patunay na may mga
tunog sa naturang mga wika na wala sa Tagalog, Bisaya, Ilokano, at ibáng malaking wika
ng Filipinas. Ang “pangát” sa Legazpi ay ibá sa “pangát” sa Metro Manila. At bakit hindi
naidadagdag ang panlaping “gi–“ o “gin–“ at “–on” ng Bisaya at Bikol samantalang naririnig
na itong malimit sa Cubao at Navotas?

Ang pagbalangkas at pagbuo sa isang pambansang gramatika at pambansang


diksiyonaryo ay mga tiyak na produkto ng nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino.

Isa rin itong patuloy na trabaho. Ang ibig sabihin, kailangang isipin na magbabago
ang kompleksidad ng wikang Filipino hábang patuloy itong lumaganap at higit na tumitiim
sa mga pook na di-Tagalog. Ang gramatika o diksiyonaryong mabubuo ngayon ay tiyakang
mangangailangan ng rebisyon pagkatapos ng lima o sampung taón. Kaugnay nitó, dapat
ding pagbutihin ang pagbuo ng mga gramatika at bokabularyo sa ibá’t ibáng wikang
katutubo. Bahagi ito ng higit na sistematikong pangangalaga sa mga wikang katutubo, ng
pagsusúlong sa mga ito bílang wika ng panitikan, at ng higit na malinaw na paggámit sa
mga ito bílang bukal ng pagpapalusog sa Wikang Pambansa. Malaki ang papel ng SWK
ng KWF hinggil sa pagsasagawa ng ganitong mithiin bukod sa maaari itong gumanyak sa
mga lokalisadong inisyatiba.

Mga Pangunahing Alagad ng Wika


Wala ito sa mapang pangwika, subalit napakahalagang maituon ang limitadong lakas ng
pagpaplanong wika sa mga pangunahing tagapagpalaganap ng Filipino ngayon. Upang
maorganisa silá bílang nagkakaisang tinig at disiplinadong mga disipulo ng anumang
kailangang tuntunin at pagbabago. Dalawa ang pinakaepektibong tagapagpalaganap ng
Filipino ngayon: ang mga guro at ang naglilingkod sa ugnayang madla. Ang mga guro
sa batayang edukasyon ang tagahubog ng uri ng wikang isasaloob at gagamítin ng mga
kabataan. Ang mga peryodista at brodkaster ang tagapagbalita ng pagbabago bukod sa silá
rin ang tagapagpalaganap ng estandardisadong anyo ng pabigkas at pasulat na Filipino.

Kailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng KWF at ng DepEd hinggil sa reedukasyon


ng mga gurong kasalukuyang nagtuturo at sa rebisyon ng mga materyales panturo.
Sa nakaraang panahon ng Surian at ng KWF, hindi naging obligado ang mga guro sa
pagbása at pagsunod sa mga manwal pangwika. Gayundin ang nangyari sa mga manunulat
33

at editor ng teksbuk. Nagresulta ito ng ilang problema túngo sa estandardisasyon. (1)


Sinasalungat mismo ng mga manunulat ng teksbuk ang simulain ng estandardisasyon. (2)
Kani-kaniyang estilo ng pagsusulat ang ipinasusunod. (3) May ilang mahalagang sangkap
sa wastong pagtuturo ng wika, gaya ng tuldik, ang kinaligtaan, samantalang inihilig ang
mga guro sa mga leksiyong panlingguwistika na hindi kailangan sa batayang edukasyong
pangwika. Sa gayon, kailangang palaganapin ang mga pundamental na simulain túngo sa
estandardisasyon sa hanay ng kaguruan. Bukod pa rito, kailangan ang pagpaplano ng higit
na epektibong paraan ng pagtuturo ng Filipino, lalo na sa mga pook na di-Tagalog.

Apektado din ng nabanggit na aktitud sa wika ang mga naglilingkod sa ugnayang


madla. Walang manwal sa estilo ang mga peryodiko at gayundin ang mga estasyon ng radyo
at telebisyon. Ni hindi sumasangguni sa isang mahusay na diksiyonaryo ang mga peryodista
at brodkaster. Samakatwid, kailangang makampanya ng KWF ang sektor na ito upang
maging mabisàng katulong sa pagpapalaganap ng isang pangkalahatang ortograpiya at ibá
pang manwal hinggil sa maayos na paggámit ng Filipino.

Maisasabay na sa ganitong kampanya túngo sa estandardisasyon ang pagbúhay sa


diwa ng Executive Order No. 335 sa hanay ng mga empleado at opisyal ng gobyerno.
Makabuluhan din ang pagbubukás ng diyalogo sa hanay ng mga malikhaing manunulat
upang akitin siláng tumulong sa estandardisasyong pangwika. Higit na magaang ang
pagtataas ng kampanyang pangwika kapag may matibay na pagkakaisa ang ibá’t ibáng
sektor ng lipunan sa ilalim ng pamumunò ng KWF. Walang modernong wika ng
karunungan na hindi muna isinaayos ang ortograpiya. Na nangangahulugan ding isang
makabuluhang kampanya ang estandardisasyon túngo sa higit na mabilis na kultibasyon
(intelektuwalisasyon o modernisasyon) ng Filipino.

Higit na Episyenteng Ortograpiya


Ang isinagawang reporma sa abakadang Pilipino, na naging 28-titik na alpabetong Filipino
nitóng 1987, ay isang makabuluhang instrumento sa nasyonalisasyon at modernisasyon
ng Wikang Pambansa. Pundamental na kasangkapan sa tinatalakay na mga pambansang
gampanin ang isang higit na episyenteng ortograpiya. Ang F, J, V, at Z ay kumakatawan
sa mga tunog na matatagpuan sa maraming wika ng Filipinas ngunit wala sa Tagalog at
ibáng malaki’t Kristiyanisadong wika. Samantala, ang naturang apat at ang C, Ñ, Q, at X
ay dagdag na mga titik upang higit na mabilis maipasok sa pagsulat sa Filipino ang mga
salitâng hiram sa banyagang wika. Kung bagá sa ekonomiya, ang mga dagdag na titik ay
pagluluwag sa importasyong pangwika, lalo na sa larangan ng agham at teknolohiya at siyá
namang mithi ng modernisasyon.

Ang bagong lathalang Ortograpiyang Pambansa (2013) at Manwal sa Masinop na


Pagsulat (2014) ng KWF ay mga dagdag na instrumento upang higit na maitanghal ang
bisà ng alpabetong Filipino. Nakasaad mismo sa naturang proyekto ang di-tapos na misyon
sa pagbibigay ng kaukulang patnubay sa isang aktibo at nagbabagong wika. Pansamantala
ang bawat tuntunin ngunit nangangailangan ng higit na pagbubukás ng isip ng guro at
34

alagad ng wika upang unawain ang mga pagbabago.

Halimbawa, ang pagluluwag sa importasyong pangwika ay maaaring isagawa sa pamamagitan


ng tahasang paggámit sa orihinal na anyo ng isang hiram na salitâ hangga’t hindi ito
nasasalungat at nalalapastangan ang dati. O kayâ hanggang dumatíng ang panahon na
ireispel ito alinsunod sa palabaybayang Filipino o matumbasan ng isang likhang salitâ. Sa
Ortograpiyang Pambansa ay nakapaliwanag na isang taktika ito upang higit na mapabilis
ang modernisasyon at hindi maging sagwil ang maramihang paghiram para sa pagtuturo
ng makabagong agham at teknolohiya at produksiyon ng mga aklat at ibáng materyales
ukol dito. Subalit nangangahulugan din ito ng alterasyon sa dáting paraan ng panghihiram.
At pangunahing mahihirapang tumanggap ng pagbabago ang mga “Tagalísta” na nahirati
na sa reispeling na paabakada ng mga pangngalang pantangi. Kung tumututol silá sa anyo
ng “Filipinas” at sa paggámit ng “Filipino” upang ipantukoy din sa mga tao at kultura,
tiyak na ikamamangha nilá ang “Español,” “Americano,” at “Jesucristo.” Matagal bago nilá
maisasaloob ang lohika at pangmalawakang episyensiya ng ganitong pagbabago.

Kailangan ang masipag na pagsubaybay sa Filipino upang maging estandardisado


ito at maging modelo ng mga wikang katutubo. Subalit hindi dapat tumigil sa mga alagad
ng wika sa mga eksperimento upang higit na maging episyente ang ortograpiya nitó. Sa
tingin nga ni Johannes Aavik, pasimuno ng mga reporma sa wika ng Estonia, maaaring
maghalò ng mga bagong tunog upang lumikha ng mga bagong salitâ. Hindi ito gawain
ng mga makata lámang. Salitâ ang sentro ng wika at hindi kailangang hiram lagi ang
pampayaman sa bokabularyo ng Filipino. Maaaring mag-eksperimento sa mga bagong
konstruksiyong sintaktiko, paunlarin ang lawas ng mga panlapi, at—sapagkat karaniwang
pinupuna na mahabà ang salitâ at pangungusap sa Filipino—sikilin ang mabulaklak na
pangungusap, iwasan ang mapagparaming panlapi, tipirin ang gámit ng “ng” kung hindi
naman masisira ang kahulugan ng prase o pangungusap, atbp, upang higit na umangkop ang
Wikang Pambansa sa modernisadong (siyentipiko at teknikál) uri ng pahayag. Sa yugtong
ito ng kultibasyon, higit na kailangan ang isang payak, malinaw, at eksaktong pahayag kaysa
komplikado, elegante, at mahirap maintindihang pangungusap.

Mga Uri ng Modernisasyon


Dapat ding malinaw sa pagpaplanong wika ang nagaganap at ang dapat pang maganap
na kultibasyon ng Filipino. Araw-araw ay may nagaganap na pagbabago sa wika, lalo na
sa daigdig ng kulturang popular. Mabilis na pumapasok at tumitiim sa dila ng madla ang
mga imbento at hiram na salitâ na ibinobrodkast ng radyo at telebisyon at inilalathala ng
mga tabloyd. [Huwag kalimutan ang lakas ng internet sa makabagong kabataan.] Nagiging
modelo ang bigkas at bokabularyo ng mga sikát na artista, anawnser, at politiko, at malimit
ngayong pagmulan ng mga “di-kailangang” varayti at siyokoy.

Ang pagsubaybay at disiplina sa wika ng kulturang popular ang isang mahigpit na


hámon sa pagpapalaganap ng isang estandardisadong modernong wika.
35

Samantala, dapat pasiglahin ang modernisadong Filipino para sa mga diskursong


akademiko. Noon pa inirereklamo, halimbawa, kung bakit hindi ginagámit ang Filipino
sa hukuman. Hindi ito maaaring biglang mangyari ngayon. Kahit noong panahon ng
Americano at sa kabilâ ng mabilisang paglalatag ng isang sistema ng pambansang edukasyon
sa Ingles ay hindi agad naganap ang pagpapalit ng wika ng hukuman mulang Español. Sa
halip, nagtakda ng palugit na ilang dekada bago sapilitang ipinagámit ang mga kodigo ng
batas na nakasulat sa Ingles. Nangangailangan ng ganitong matagalang plano ang pagsasa-
Filipino sa mga wika ng dominyo ng kapangyarihan at larang akademiko.

Hindi ito naisaad sa alinmang batas na nagtataguyod sa paggámit ng Filipino. Ni


walang takdang panahon ang pagpapahayag sa Wikang Pambansa ni Pangulong Quezon
kung kailan inaasahang katuparan ng pangarap na opisyal na wika ng pamahalaan at wika
ng edukasyon ang Tagalog. Sa 1987 Konstitusyon, hindi tinakdaan ang Kongreso kung
hanggang kailan maghihintay bago ipahayag ang Filipino bílang nag-iisang opisyal na
wika ng komunikasyon at instruksiyon. [O bakâ wala ito sa isip ng sinuman sa ating mga
mambabatas?] Kung gayon, kasáma sa adyendang pampolitika ng pagpaplanong wika ang
mga hakbang upang gisíngin ang mga lider politiko hinggil sa tungkuling ito.

Salamin lámang ang ating ordinaryong mga mambabatas ng malaganap na


pagbalewala ng buong dominyo ng kapangyarihan sa kabuluhan ng Wikang Pambansa.
Mababà ang tingin nilá sa Filipino; sa tingin nilá hindi kailangan ang wikang Filipino sa
búhay ng mga Filipino. At narito ang isang problema na dapat harapin sa pagpaplanong
wika: Kailangang patunayan ng Filipino na makabuluhang kasangkapan ito sa pambansang
kaunlaran. Pangunahing susi dito ang mabilisan at malawakang pagdevelop sa Filipino
bílang Wika ng Karunungan, lalo na bílang wika sa ibá’t ibáng diskursong akademiko.
Hindi dapat mapiit ang Filipino sa bartolinang pinagsadlakan ng patakarang bilingguwal
sa edukasyon. Ang ibig sabihin, hindi ito dapat manatíling wika lámang ng panitikan,
humanidades, at agham panlipunan. Kailangang makalabas ito ng bartolina upang maging
wika din ng agham, matematika, at makabagong teknolohiya.


Filipino: Wika ng Karunungan
Paano isasagawa ang modernisasyong akademiko? Nangangailangan ito unang-una ng
pagbabago ng pananaw sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersiyarya. Ang ibig sabihin,
kailangan ang paradigm shift sa hanay mismo ng mga alagad ng wika sa mga kolehiyo
at unibersidad. Ang mga programa sa mga kagawaran ng Filipino ay pawang biktima ng
patakarang bilingguwal sa edukasyon at kayâ limitado sa paghahandog ng kaalaman at
kasanayán sa wika, panitikan, at agham panlipunan. Kailangan, sa gayon, ang ribyu ng mga
direksiyon ng programa at nilalamang kurikular upang makapagbukás ng malaking espasyo
sa pagtuturo ng ibáng disiplina gámit ang Filipino. At nangangahulugan ito ng re-bisyon
ng layunin ng edukasyon sa Filipino, ng dagdag na kasanayán at kaalaman para sa mga
propesor sa Filipino, at ng rebalidasyon ng Filipino sa buong gawaing akademiko.
36

Kaugnay nitó ang mahigpit na pakikipagtulungan sa CHED (at maging sa TESDA)


upang maipanukala ang mga kaukulang pagbabago sa pagtanaw sa Filipino bílang Wika
ng Karunungan. Hindi maaaring ipag-utos agad ang paglilipat ng wikang panturo mulang
Ingles túngong Filipino. Kailangan ang sistematikong preparasyon. Pangunahing dapat
ihanda ang (1) reoryentasyon ng mga propesor sa ibá’t ibáng disiplina upang magsanay sa
paggámit ng Filipino, at (2) produksiyon ng mga aklat at materyales panturo sa ibá’t ibáng
larang akademiko at nakasulat sa Filipino.

Kaugnay ng naturang pangunahing gampanin, kailangan ang kaukulang kampanya


katulong ang ugnayang madla upang ibukás ang kalooban ng mga pinunò ng mga
kolehiyo’t unibersidad at akitin ang pakikiisa ng mga propesor. Kailangan ang isang hukbo
ng tagasalin para sa produksiyon ng mga teksbuk at sangguniang aklat. [Narito ang isang
malaking rationale para magtatag ng isang Pambansang Sentro o Kawanihan sa Pagsasalin.]
Kailangan siyempre ng mga kaukulang insentibo—grant, iskolarsip, premyong salapi,
gawad parangal, atbp—para sa mga indibidwal at institusyong magpakíta ng inisyatiba
at magandang proyekto para sa modernisasyong akademiko ng Filipino. Kailangan ang
malaking pondo para sa lahat ng ito at kailangan ang mga malikhaing estratehiya upang
makalikom ng salaping sasapat sa mga nabanggit na gawain.

Sa kabilâ ng inaasahang mga balakid, napakahalaga ang pagpaplanong wika


upang maihanay ang mga takdang gawain sa bawat takdang panahon at mapasimulan
ang sáma-sámang pag-iisip at pagkilos ng mga alagad ng wika túngo sa pangkalahatan at
pangmatagalang misyon ng Filipino—nasyonalisasyon at modernisasyon. Kailangan ang
patnubay sa pagkilos ng bawat isa. Hindi tulad ngayong natatapos ang mga kumbensiyon
at kumperensiya sa mga himutok dahil sa pagwawalang-bahala ng mga mariwasa at
makapangyarihan. Ang totoo, at maaaring mangyari, kapag may malinaw na plano para
sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino ay bakâ makumbinsi din ang mga
dominyo ng kapangyarihan upang tanggapin ang kabuluhan ng Wikang Pambansa para sa
pagkakaisa at kaunlaran ng Filipinas. Sapagkat sa totoo lang, ang pagpaplanong wika ay isa
lámang pagsisikap na makaimpluwensiya nang higit na mabilis, nang higit na organisado
at sistematiko, sa pinakamalaking bílang ng tao sa lahat ng sektor ng lipunan.

At dapat ding ipahayag: hindi ang nasyonalisasyon at modernisasyon ng wikang


pambansa ang pangwakas na lunggati ng pagpaplanong wika para sa wikang Filipino.
Hindi rin ang pagsusúlong ng Filipino bílang Wikang Pambansa. Deklarado nang Wikang
Pambansa ang Filipino sa 1987 Konstitusyon. Ang higit na makabuluhang mithi ay ang
higit na malinaw na pagkilála at pagpapatupad sa isa pang tadhana ng Seksiyon 7, Artikulo
XIV ng Konstitusyon na:

For purposes of communication and instruction, the official languages of the


Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English.

Ang sabi ng Konstitusyon, isa sa dalawang “wikang opisyal” ang Filipino. Kasáma ng
Filipino ang Ingles bílang “wikang opisyal,” at may pasubali pa, na mangyayari lámang ito
hanggang sa panahong ipasiya ng Kongreso na alisin ang Ingles. Ngunit ano ang umiiral?
37

Sa katotohanan, ang umiiral ay ang kabaligtaran ng nakasaad sa Konstitusyon.

Bakit?

Sapagkat sa katotohanan, Ingles ang naghaharing “wikang opisyal” sa pamahalaan


at itinuturing na ikalawang wika at pansalin lámang ang Filipino. Nása Ingles ang lahat ng
opisyal na dokumento sa dominyo ng kapangyarihan, sa pangunguna ng lahat ng sangay ng
gobyerno, at nagkakaroon lámang ng opisyal na bersiyon sa Filipino kapag isinalin mulang
Ingles.

Ano ang halaga ng Wikang Pambansa na hindi naman Wikang Opisyal? Ang praktikang
pangwika sa dominyo ng kapangyarihan ay tahasang sumusuway sa atas ng Konstitusyon.
Ito ang malaking hadlang sa pagpapatupad ng EO No. 335. Kung susundin ang 1987
Konstitusyon, kailangang bilingguwal kahit paano ang bawat opisyal na dokumento:
nása Filipino at nása Ingles, magkapantay na mga orihinal, at kapuwa mapagbabatayan
ng legal na interpretasyon at desisyon. Ngunit uulitin ko, malinaw na sinusuway ng
dominyo ng kapangyarihan ang tadhana ng Konstitusyon. At bunga ito ng mapangmaliit
niláng impresyon sa Wikang Pambansa. Ang tinalakay na panukalang planong wika, sa
gayon, ay may lunggating nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino upang igálang
ito ng dominyo ng kapangyarihan bílang wika ng karunungan at kaunlaran at, sa wakas,
upang gamítin itong Wikang Opisyal sa gobyerno, sa hukuman, sa batasan, sa negosyo’t
pagbabangko, sa mga eksameng propesyonal, at sa mataas na edukasyon. Bakâ nga ipasiya
pa niláng mariwasa’t makapangyarihan, sa ngalan ng pagtitipid, na iwaksi na ang Ingles
bílang wikang opisyal at isa-Ingles lámang ang opisyal na dokumento sa Filipino kung
kailangan ang salin para sa mga dayuhan.

[TALA: Sa “Modernisasyon at Nasyonalisasyon” ni KWF Tagapangulong Virgilio S. Almario na nalathala


bilang bilingguwal (Ingles at Filipino) na polyetong babasahín na Pagpaplanong Wika at Filipino noong
2015.]
2
Dapat isipin ngayon ang “kultibasyon”
(cultivation) ng Filipino bílang kambal
at magkaagapay na gampanin ng
nasyonalisasyon at ng modernisasyon/
intelektuwalisasyon
Ponciano B.P. Pineda

PAGDEVELOP NG WIKA AT EDUKASYONG PANGWIKA

Usapin Blg. 1 Ang gámit sa Tagalog bílang wikang pambansa, laban sa


panukalang inihahapag, upang magdevelop ng isang pinaghalong wikang
pambansa mula sa mga pangunahing bernakular (ipinagpapalagay na
Tagalog, Sebwano, Ilokano, Waray, Bikol, at ibá pang pangunahing wika)

Sa legal na paliwanag, Tagalog ang batayan ng wikang pambansa na nadevelop alinsunod


sa probisyon ng Commonwealth Act No. 184, na nagpapatupad ng mandatong pangwika
ng 1934 Konstitusyon. Sa atas administratibo noong 1959, ang wikang pambansa na
batay-sa-Tagalog ay naging “Pilipino.” Ang katawagang ito ay ipinantutukoy sa alinman
sa mga ekspresyong “Wikang Pambansa,” o “Wikang Pambansa ng Filipinas,” o “Wikang
Pambansang Pilipino,” o “Pilipino,” mga nomenklaturang ginagámit ng ibá’t ibáng
institusyon bago ang 1959. Isa sa mga layunin ng atas ay iwasto ang paratang na ang wikang
pambansa ay “walang ibá kundi purong Tagalog.” Sa katunayan, hanggang sa puntong ito,
ang isang grupo sa pangunguna ni Demetrio Quirino Jr ay nagpipilit na ang Pilipino ay
100% Tagalog pa rin, na walang ibang layunin kundi ang manligáw.

Ang bagong Konstitusyon (1973), sa kabilâng bandá, ay naglalayong “magdevelop


ng isang wikang pambansa na kikilaláning Filipino.” Ipinahahayag din ng naturang
Konstitusyon na ang Pilipino (ang wikang pambansang batay-sa-Tagalog), kasáma ang
Ingles, “ang magiging wikang opisyal…hangga’t walang itinatadhanang ibá ang batas.”

Ang mga tagasúlong ng Filipino ay lumikha ng isang wikang ideal na bubuuin o


lilikhain sa pamamagitan ng isang konglomerasyon ng lahat ng umiiral na mga katutubo
at banyagang wika, sa bansang ito. Minsan ang katawagang gámit sa paglarawan ng
“pinaghalong wikang pambansa” ay “amalgama” o “amalgamasyon” ng lahat ng mga wika.

Sa proseso ng paglikha at/o amalgamasyon ng lahat ng mga wika sa pagbuo ng


Filipino, nais ng mga proponent ang isang patas na kontribusyon sa paraan ng persentahe
(mula sa bawat wika batay sa populasyon) ng mga elementong lingguwistiko sa nibel ng
ponolohiya, gramatika (morpolohiya, morpoponemiko, at sintaksis), at leksikon.

Kung kayâ, lumilitaw ang sumusunod na tanong: Gaano, at kailan, hahanguin ang
mga bahagi ng pananalitâ ng isang wika? Dapat bang isáma ang lahat ng pekulyaridad ng
mga tunog, diin, at intonasyon ng bawat wika? O kailangang isakripisyo ang ibá para sa
40

preperensiya? Alin sa mga nagsasalungatang sistema ng paglalapi—halimbawa Tagalog,


Sebwano, Ilokano, Pampango—ang dapat na gamítin? Paano at gaano katagal na maisusulat
ang panitikan ng naturang wikang sintetiko at maging bahagi ng búhay at kultura ng isang
di-umiiral na komunidad ng mga tagapagsalitâ (ang komunidad ng pinaghalong wikang
pambansa?)

Ang gayong uri ng wika ay walang ugat; walang masasabing tagapagsalitâ. Walang
retorika ni idiyoma; walang panitikan. Ang Filipino, na umusbong sa gayong sistema ng
inhenyeriyang pangwika ay walang kultura. Nakatakda itong mabigo gaya ng Esperanto,
Volapuk, at ibá pang wikang artipisyal.

Sa kabilâng bandá, nagdevelop nang malayo at malawak ang Pilipino mula sa


nanayunin at masunuring Tagalog sa pagsisimula ng proyekto para sa pagdevelop ng wikang
pambansa, tungo sa isang masigla at kosmopolitang wika sa kasalukuyan. Ang Pilipino ang
naging midyum ng Pop-Tech na lumalaganap nang walang tulong sa sistema ng edukasyon
lalo sa tinatawag na paaralang teknikál na yamot sa paggámit ng Pilipino sa matematika,
agham, at teknolohiya. Nagsimula ang intelektuwalisasyon ng Pilipino sa mga paaralan sa
pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal, kahit pa sa matamlay na pagpapatupad nitó. Ang
pagpipilit na ang Pilipino ay 100% Tagalog ay pagbubunyag ng malinaw na kamangmangan
sa kalikasán ng isang buháy na wika.

Ang posisyon ng mga kampeon ng multilingguwal-na-Filipino ay hindi sinususugan


ng kasaysayang pangwika. Ni hindi ito mapananatíli ng lohika at praktika. Walang mahusay
na iskolar o edukador na magsasagawa ng gayong kalokohang ipinangangalandakang
mainam at dakila ng mga anti-Pilipino.

Ang “paghahalo” o “amalgamasyon,” kung mayroon nga nitó, ay makikítang resulta


ng pagpapayaman at pagpaparami ng bokabularyo, at sa gramatika sa ilang pilîng kaso. Ito
ang naganap, at patuloy na nagaganap, dahil dinamiko ito, sa Ingles, Niponggo, Russian, at
ibá pang mauunlad na wika.

Mayroong isang mahalagang pagdevelop na nais naming itawag sa inyong pansin.


Ito ang paghain sa Batasang Pambansa ng Parliamentary Bill No. 7199 na inakda ni
MP Pacificador at sampu pang MPs. Ang panukalang ito ay pagpapaliwanag ng idea ni
Demetrio Quirino Jr. Ang interesante sa panukalang-batas ay ang probisyong nagsasaad
na: “The Commission shall take steps to develop a common national language to be
known as Filipino with Pilipino as the nucleus…” (Sek. 7). Ang katwiran sa pagkambiyo
ng mga nagpanukala kasáma sina Quirino Jr at Co. ay nasasaad sa talâng paliwanag ng
panukalang-batas, na: “To hasten the development of the national language, Pilipino has
to be the nucleus because it is now widely spoken and it is estimated that at least one-
half of our population can articulate in Pilipino.” (Amin ang diin.) [Tala: Ang estadistika,
hindi kinakailangang mula sa SWP, ay nagpapakíta na mahigit 77% ng mga Filipino ang
nakauunawa at nakapagsasalitâ ng Pilipino.]
41

Hanggang doon lámang ang kainaman ng panukalang-batas. Ang ibang probisyon


ay sumisikil sa pagdevelop, pag-intelektuwalisa, at pagpapalaganap ng “Filipino with
Pilipino as nucleus.” Sa katunayan, layon ng Parliamentary Bill No. 7199 na isabatas ang
Ingles bílang “perpetual national and international language of the country,” at bílang “sole
medium of instruction in the whole educational system more particularly in the tertiary
level.” (Sek. 7-8)

Mainam na pagpunyagian ang wikang “Pilipino bílang nukleo.” Ito ang aming
matagal nang sinasabi. Praktikal ito, isang realistikong pagdulog sa Filipino (i.e. kung ang
prinsipyo ng kultibasyon ng SWP ang susundin). Ang “handog” na ito ang susubok sa
sinseridad ng mga nagpanukala. Nais ba talaga nating magkaroon ng isang katutubong
wikang pambansa? Kung gayon, magkaroon táyo ng mabuting pagtitimbang ng politika,
siyensiya, at praktikalidad. Kailangan táyong humango ng inspirasyon mula sa mga tagumpay
sa kasaysayan sa wika sa halip na mula sa gilalas ng malinaw na kabiguan sa eksperimento
sa unibersal na wikang sintetiko, wala táyong mararatíng sa mga mitolohiya at kakatwang
paniniwala. Magiging mabunga kung isasaalang-alang nating ang wika ay isang dinamiko’t
buháy na organismo na may sariling pamamaraan.

Usapin Blg. 2 Ang pagsaalang-alang sa paggámit ng Tagalog bílang


midyum ng instruksiyon hábang hinihintay ang pagdevelop ng isang
pinaghalong wikang pambansa.

Ipinapakahulugan namin ang “rekonsiderasyon” bílang posibleng pagbubura ng Pilipino—


hindi Tagalog—bílang midyum ng instruksiyon sang-ayon sa atas ng D.O. No. 25, s. 1974
na tumutupad sa diwa ng NBE Resolution No. 73-7.

Napakarami nang oras at lakas ang ibinuhos sa programang bilingguwal. Nagdevelop


na ng mga materyales pang-instruksiyon, sanáy at/o muling-sinanay na ang mga guro.
Pinahusay din ang mga BSSED at ang BSE kurikulum at programa sa elementarya
at sekundaryang paaralan upang tugunan ang mga pangangailangan ng programang
bilingguwal na may layon na “develop a bilingual nation competent in the use of both
English and Pilipino.”

Ang kailangan sa puntong ito ay hindi ang pagbasura sa Pilipino bílang midyum
sa instruksiyon, sa halip ay ang ganap, wasto, at hustong pagpapatupad ng patakaran sa
edukasyong bilingguwal, na halos nanatíling isang “patakaran sa papel” lámang pagkaraan
ng 11 taóng implementasyon.

Di-makatwirang isantabi ang programa sa paggámit ng Pilipino bílang midyum


sa instruksiyon sa ilang pilîng asignatura, hábang kasalukuyan ang Filipino ay binubuo o
nililikha sang-ayon sa isang teoryang walang-saysay.

Ipinaliwanag na namin sa Usapin Blg. 1 ang suliraning kinakaharap ng alkimiya ng


paglikha ng Filipino. Dahil, kahit sabihing alang-alang sa katwirang ang Filipino ay nilikha
sa pamamagitan ng isang lubos na sopistikadong teknolohiyang lingguwistiko, ang wikang
42

iyon ay hindi magkakaroon ng mga tagapagsalitâ simula’t simula. Natitiyak namin na kahit
ang mga inhenyero ng Filipino, pagkaraan ang maraming taón ng pagsusumikap, ay hindi
gagamítin ang wikang kaniláng pinagsáma-sáma. Tulad ng naipaliwanag na sa naunang
bahagi, kailangang balangkasin ang isang bagong gramatika, kailangang idisenyo ang isang
masinsing diksiyonaryo, kailangang idevelop ang isang kakatwang idiyoma at retorika.

Kailangang mag-ingat táyo sa mga mungkahi niláng kumakalaban sa papausbong


na wikang Pilipino. Sinasabing ang Pilipino ay walang kakayahang maglingkod sa matataas
na akademikong asignatura at/o disiplina. Sinasabing ang mga detraktor mismo ang hindi
nakapagdevelop ng kaniláng kompetensi sa wika, sa halip na ang Pilipino na, sa kabilâng
bandá, ay nagpamalas ng pagkamalikhain, kapangyarihan, at silbi nitó. Ang pagbigyan ang
mga demand ng mga kaaway ng Pilipino ay pagpapatihulog sa patibong ng paggupo sa
isang wikang pambansa.

May isa pang mahalagang puntong isasaalang-alang. Ang isang wikang pambansa
na idedevelop bílang isang nasyonal o supra-etnikong wika, tawagin man itong Filipino
o anuman sa isang lehislatibong atas, ay kailangang magagámit sa pambansa, isang
mapauunlad na wika, at mapayayaman sa linguistic progression. Ang wikang karapat-dapat
sa posisyong ito ay ang yumayabong na Pilipino.

Panghulí, ang kompetensi sa Ingles ng mga mag-aaral ay hindi mapabubuti sa


pamamagitan lámang ng pagtatanggal ng Pilipino. Ang pagpupunyaging pahusayin ang
Ingles ng ating kabataan ay kinakailangang maláy sa kasalukuyang realidad. Mayroon
táyong tinatawag na kalayaan, kasarinlan!

Usapin Blg. 3 Ang muling-pagsaalang-alang sa paggámit ng Tagalog


bílang midyum ng instruksiyon kaugnay ng paghina ng kakayahan ng
mga mag-aaral na makipagtalastasan sa Ingles.

Ipinapalagay nitóng ang mga mag-aaral ay napakahusay sa wikang Ingles bago ang
pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong bilingguwal. Walang hustong pag-aaral na
sumusuporta dito.

Alam ng lahat ng nása edukasyong hindi pa ganap na naipatutupad ang programang


bilingguwal. Paano ito sisisihin sa ipinagpapalagay na paghina ng kakayahan ng mga mag-
aaral na makipagtalastasan sa Ingles?

Marahil mahalagang suriin ang apat na baryabol sa pagkatuto sa wika, viz,


metodolohiya, distansiyang sosyal, salik pangguro, at aktitud. Isa-isahin natin ang mga ito.

Una, paano itinuturo ang Ingles sa mga paaralan? Anong metodolohiya ang gámit
sa pagtuturo ng Ingles? Marahil dapat na muling-suriin at rebisahin ang metodolohiya
upang umangkop sa pangangailangan ng mga kasalukuyang mag-aaral na Filipino. Kung
depektibo ang metodolohiya, hindi maaaring asahang matututo ang mga mag-aaral sa
banyagang wika.
43

Ikalawa, banyagang wika ang Ingles. Ngunit inaaral ito bílang unang wika, ibig
sabihin, inaaral ito sa Filipinas na may ibáng kaligirang sosyo-kultural kompara sa lugar na
katutubong sinasalitâ ang Ingles. Ang pakikihalubilo o pakikipag-usap sa mga gumagámit
ng target na lengguwahe bílang unang wika ay isa ring salik sa pagtamo ng kompetensing
komunikatibo sa wikang inaaral, i.e., Ingles para sa mga Filipino. Nahahadlangan ang
kahusayang komunikatibo sa Ingles ng nakararaming Filipino dahil hindi pinahihintulutan
ng sitwasyon.

Ikatlo, mismong ang mga guro ay nangangailangan ng pagpapahusay ng kaniláng


kompetensi sa Ingles. Upang makapagturo ng anumang wika, kinakailangang mahusay ang
mga guro sa wikang iyon. Sa kasawiampalad, isang katotohanang ang ilan, kung di man
ang karamihan, sa mga guro sa Ingles sa bansa ay hindi mahusay na nakapagsasalitâ sa
Ingles; kayâ hindi silá makapaglaan ng isang modelo ng kompetensing kailangan ng mga
estudyante upang mahusay na matuto sa Ingles.

Pinakahulí, mahalaga ang aktitud sa pagkatutong pangwika. Kinakailangang


ganyakin ang mga estudyante na matuto ng Ingles na, sa kasawiampalad, walang gámit sa
labas ng klase.

Sa kabilâng bandá, madalîng matutuhan ang Pilipino hindi lámang sa mga paaralan
kundi maging sa labas nitó. Wika ito ng midyang pangmadla at ng entertainment. Wika
itong ginagámit sa mahigit 5,000,000 magasing komiks na kinokonsumo linggo-linggo
ng taumbayan. Pilipino din ang wika ng pelikula na pinanonood ng mga tao sa buong
Filipinas.

Gayundin, madalîng iangkop ang Pilipino dahil nagtataglay ng maraming


pagkakatulad sa ibá pang wika sa Filipinas sa antas ng ponolohiya, gramatika, at leksikon.
Natural na napagtitibay ang Pilipino sa labas ng paaralan.

Kung “humina” sa Ingles ang mga estudyante, gaya ng sinasabi, hindi dahil mahusay
na ngayon sa Pilipino ang mga kabataan. At kung magkagayon nga, tanging ang mga utak-
kolonyal na edukador ang desmayado sa sitwasyong ito.

Bakit ipinipilit ng ilang tao na manatíli ang Ingles bílang tanging midyum ng
instruksiyon, gaya noong panahong kolonyal? Dahil ba napagtanto niláng nakapagpapalaya
ang wika, at kasangkapan din sa pang-aalipin? Ano na nga ba ang nalikha ng ating
edukasyong maka-Ingles? Murang paggawa para sa eksport? Propesyonal o empleadong
teknisyan para sa mga kompanyang banyaga at multinasyonal?

Kapuwa sinira ng Ikalawaang Digmaan ang Taiwan at Korea. Ngunit tingnan ang
kaniláng pagbangon, hindi dahil sa Ingles, kundi sa di-paghahari’t halos di-pag-iral ng
Ingles sa mga bansang ito. Napag-iwanan na nilá ang Filipino sa pagdevelop ng ekonomiya.
Malinaw na pinabubulaanan nitó ang paniwalang taglay ng Filipino ang bentahang
kompetetibo sa mga Korean at Chinese dahil sa kaniláng (sa Filipino) kakayahan sa Ingles.
44

Usapin Blg. 4 Mga dulog sa “intelektuwalisasyon ng Tagalog,” i.e. ang


gámit nitó sa malawak na kaalaman upang ang isang táong nagsasalitâ
lámang sa Tagalog ay hindi mahihirapan sa pagbása ng mga aklat sa
anumang sabjek na interes niya.

Mayroong isang batayang rekisito sa intelektuwalisasyon ng anumang wika, at iyon ang


paggámit ng wika sa akademya at sa mga araling iskolarli. Upang maintelektuwalisa,
kailangang magámit ang Pilipino bílang midyum sa pagtuturo at pagkatuto hindi
lámang sa antas elementarya at sekundarya, kundi maging sa tersiyarya din, sa ibá’t ibáng
disiplina lalo sa matematika, siyensiya at teknolohiya, sa humanidades, at sa mga sining.
Sa kasawiampalad, ipinapanukala ng ilang sektor na tanging ang Ingles ang gamítin sa
antas tersiyarya, kayâ hinahadlangan ang pagkakataón ng Pilipino upang itaguyod ang
sarili nitó. Isang opisyal na atas ang Department Order Blg. 25, s. 1974 na pumigil sa
intelektuwalisasyon ng Pilipino sa buong panahon na ipinatutupad ito. Ipinag-utos na ang
matematika at siyensiya ay maging ekslusibong larang ng Ingles.

Ipinapataw ng ilang edukador na maintelektuwalisa muna ang Pilipino bago ito


gamítin bílang midyum sa pagtuturo, nang hindi natatantong anumang buháy na wika
ay maiintelektuwalisa lámang sa pamamagitan ng isang malawakang gámit sa lahat ng
posibleng dominyo. Ang subok-sa-panahong prinsipyo sa lingguwistika na “pagdevelop ng
wika sa paggámit nitó” ay nananatíling totoo.

Nangangailangan ang intelektuwalisasyon ng Pilipino ng paggámit ng wikang ito sa


orihinal na saliksik at pag-aaral, sa lahat ng antas ng akademya, sa pagsasalin, at sa orihinal
na malikhaing gawain. Nananawagan ito ng malawakang produksiyon ng mga aklat,
magasin, pamplet, brosyur, at ibá pang babasahín sa wika. Kapag nalikha na ang demand
para dito, matutulungan ng pribadong sektor ang pamahalaan sa pagpoprodyus ng mga
kinakailangang aklat. Masusuportahan ng gobyerno ang intelektuwalisasyon ng Pilipino sa
pag-aatas ng paggámit ng Pilipino sa lahat ng antas. Hindi lámang iyon. Dapat maglaan ito
ng pondo para sa mga proyektong idinisenyo para maintelektuwalisa ang Pilipino. Maaari
nating banggitin ang semi-ensiklopedikong Pupil’s Handbook sa Pilipino na inihahanda at
pinopondohan ng MECS, at ang Junior Encyclopedia of Science sa Pilipino na dinevelop
at inilathala ng NSTA. Idagdag pa dito ang mga materyales sa teknolohiyang popular sa
Pilipino na ipinamamahagi sa madla ng Technology Resource Center at University of Life.

Usapin Blg. 5 Ibá pa

Suporta ng gobyerno sa mga hakbang para sa pagdevelop ng wikang pambansa. Sa ibáng


bansang ASEAN na tulad sa atin ang suliraning pangwika, gaya ng Malaysia at Indonesia,
nagbibigay ng ganap na suporta ang gobyerno sa ahensiyang may atas na magdevelop at
magpalaganap ng wikang pambansa. Sa mga nabanggit na bansa, ang ahensiyang pangwika
ay lumilikha ng mga patakaran na ipinatutupad ng gobyerno sa pamamagitan ng mga batas.
45

Sa ating kaso, hindi binibigyan ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ng


ganap na suportang moral at pagganyak na kailangan nitó. Sa maraming pagkakataón, ang
natatanggap nitó ay insulto at kabiguan sanhi ng makasariling motibo, kamangmangan,
at balighong hálagáhan at prehuwisyo. Nakalulungkot sabihing mismong ang MECS
ay walang ganap na suporta. May dalawang pagkakataón: may kalabuan ang ibá’t ibáng
kautusang sinasabing suporta sa patakarang bilingguwal sa edukasyon at sa gayong
kalikasán nitó ay nagpapahintulot ng tahasang paglabag; nása Ingles lámang ang letterhead
ng MECS, isang paglabag sa Presidential Memorandum Circular Blg. 172, na pinagtibay
noong 27 Marso 1968.

Kakulangan sa pondo. Paulit-ulit na hadlang sa SWP ang kakulangan sa pondo.


Kayâ ang mga natapos nang proyekto ay hindi nagiging available sa mga target audience
dahil napupunta sa sahod ng mga empleado ang malaking bahagdan ng badyet ng opisina.

Mahalaga ang mga diksiyonaryo at ibá pang katulad na kasangkapang pangwika.


Ngunit hindi makabili ang SWP ng kinakailangang teknolohiya, tulad ng computer, upang
tumulong sa paggawa ng diksiyonaryo at katulad na gawain.

Re-ebalwasyon ng sistema ng edukasyon. Nalikha sa higit tatlong daang taón ng pagkaalipin


sa mga mananakop ang suliraning pangwika sa Filipinas. Binigyan táyo ng America ng
‘mis-edukasyon’ gaya sa wika ng historyador na Renato Constantino, na kontrolin ang
ating bansa at gawin táyong tagakonsumo at tagagámit ng kaniláng mga produkto hábang-
búhay. Hindi uusbong ang lahat ng usaping ito ukol sa ating wika kundi dahil sa ating
kolonyal na pag-iisip na ipinataw sa atin ng ating edukasyon. Panahon na upang muli nating
suriin ang sistema ng edukasyon sa Filipinas. Ilapat natin ito sa idyosingkrasiya, karakter,
pangangailangan, ideal, at lunggati ng ating malalaya at nakapagsasariling mamamayan.

Salin ni Kriscell Largo Labor


[TALA: Ang “Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika” ay salin sa Filipino ng artikulong Ingles na
“SWP Direktor Ponciano BP Pineda’s Analysis of Certain Issues on Language Development and Language
Education Raised By Then MECS Minister Jaime C. Laya” noong 13 Nobyembre 1985. Lumabas ang artikulo
bílang Apendiks C sa Limampung taon ng Surian ng Wikang Pambansa: Hulíng Isa’t Kalahating Dekada
(1970- 1987) at inilathala ng SWP. ]
Ponciano B. P. Pineda

PAGPAPLANO NG WIKA UKOL SA PAMBANSANG


PAGSÚLONG

ANG TERMINOLOHIYANG “pagpaplanong wika” (PW) ay unang ginámit ni Haugen


noong 1959. Bago ito, noong 1953, ang pagsisikap ni Assen na makalikha ng bagong
wikang Norwegian ay tinagurian ng ekspresyong metaporikal na “pag-aalsang pangwika”
(“linguistic revolt”). At lalo pang una kaysa rito ang mga katawagan sa Czech na ginamit
ng Prague School noong mga ’30.

Ang terminolohiyang ito ay nagsimulang maging popular sa mga deskriptibista sa


Filipinas nitó lámang hulíng yugto ng dekada ng mga ’70. Gayunman, ang katotohanang
ito’y hindi nangangahulugang walang pagpaplano ng wika sa Filipinas kailanman.

Ang Batas ng Wikang Pambansa


Kung susuriin natin ang Batas Komonwelt Blg 184, ang batas na lumikha sa Surian ng
Wikang Pambansa (SWP) at nagtakda ng mga tungkulin at kapanagutan nitó, mapagsisino
ang hugis ng planong naaangkop sa patakarang pangwika—ang pagpilì ng isang umiiral na
katutubong wika na mapagbabatayan ng lilinanging wikang pambansa (WP). Ito’y nilinaw
noong Mayo 1937 ni Mahistrado Norberto Romualdez, ang ama ng Batas ng WP. Ang
sabi niya:

The three factors in the formation of the Greek national language are present
in our actual case: firstly, the necessity of a national language; secondly, official
support; and thirdly, the possibility of finding a native dialect which is sufficiently
developed and which will satisfy the exigencies of a national language.

The execution of the plan is placed mainly in the hands of the Institute created
by law as the technical body.

The work of the institute comprises three steps: preparation, development, and
supervision as outlined in the National Language Act No. 184. (Note: Emphasis
mine)
47

Para sa layunin ng pagtalakay na ito ang tatlong terminolohiyang italiko ay


tinutumbasan namin ng Paghahanda, Paglilinang/Pagpapaunlad, Pamamanihala, ayon
sa pagkakasunod-sunod. Ang tipolohiya ng pagpapasiyang ito sa suliraning pangwika
na inilahad ni Romualdez, na tinatagurian naming Modelo ng SWP, ay may ganitong
representasyong grapiko:

Ang tipolohiya ni Haugen, 1966, ay ganito:

Ang mga aytem 1 at 2, sa tipolohiya ni Haugen ay napapaloob sa Paghahanda


ng SWP; ang 3 ay sa Paglilinang/Pagpapaunlad; at ang 4, ay isa sa mga komponent ng
Pamamanihala.

Lalong malapit sa eskema ni Jernudd ang modelo ng SWP. Ganito ang


representasyong grapiko ng tipolohiya ng pagpapasiyang pangwika ni Jernudd (1971):
48

Tungkol sa kinalabasan ng mga unang hakbang sa implementasyon ng plano, narito


ang pahayag noong 30 Disyembre 1939 ng kauna-unahang Direktor ng SWP, si Jayme C.
de Veyra:

Tagalog has been elected (it has been taken) as the language-type, the
language-nucleus, the language-axis, the language-soul.

Proceed to put on particles and words, go on adding and mounting up more


terms, and although the purpose has been originally to cast various materials
over the forge in order there from to fashion a new product, of distinct purity
and splendor, the basal element, the sediment, the seed, the leaven what you
will becomes manifest at the surface, it develops, it permeates everything. And
the outcome? The Tagalog language embellished with all the jewelry of her
sister-languages—the princess invested and adorned by her own handmaidens.

This is a case of the conqueror herself conquered.

Ang pangalawa (Paglilinang/ Paghahanda) at pangatlo (Pamamanihala) sa tungko


ng tipolohiya ng SWP ay magkaalinsabay sa pagpapairal kung mamalasin sa obhetibong
pananaw ng isang sayantist ng wika. Sa patnubay ng ganitong plano ng WP ay umigpaw
nang napakatayog hanggang sa ito’y inambilang “Pilipino” (PIL).

Ang tagumpay ng PIL ay nakasalalay sa sistematikong implementasyon sa sistema


ng edukasyon, at sa pangangasiwang pambayan sa loob ng humigit-kumulang sa apatnapu’t
limang (45) taón, i.e., mula nang ideklarang Tagalog ang batayan ng WP noong 31
Disyembre 1939.

Bagong Pananaw
Ang kalagayang ito’y naligalig nang maratipikahan ang Saligang Batas (SB) ng 1972. At sa
layunin ng bahaging ito ng pagtalakay, sisipiin ko ang mga pertinenteng probisyon ng SB:

Sek. 3 (2) Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng hakbang túngo sa


pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng panlahat na wikang pambansa na
makikilalang Filipino.

Sek. 3 (3) Hangga’t walang ibáng itinatadhana ang batas, English at Pilipino ang
dapat na mga wikang opisyal. (NB: Amin ang empasis.)

Sa dahilan na ang PW na bahagi ng sosyolingguwistika ay kaugnay ng mga


realidad na panlipunan, hindi kalabisang humanap ng kalutasan, sa layuning pamalagian
o pansamantala man, sa awtoridad legal. Sa isang bahagi ng Opinyon 73-7 ng kalihim
(Minister ngayon) ng Katarungan, sinabi niyang walang isinasaad ang SB na kagyat
itinatakwil ang PIL na wikang pambansa, bagaman itinatakda sa sub-talataan (2) ang
paglilinang ng isang wikang pambansa na tatawaging “Filipino” (FIL). Malinaw at walang
49

alinlangang opisyal na wika ang PIL. Bukod dito, ang SB mismo ay sinulat at ipinahayag sa
PIL at Ingles.

Sa pagkilálang konstitusyonal na opisyal ang PIL, ito’y tumibay nang higit pa


sa kalagayan nitó bago sinulat ang tadhanang pangwika sa bagong SB. Ang patakarang
pambansa ay malinaw: Magsagawa ng mga hakbangin para sa pagbuo ng FIL hábang
patuloy na gagamítin ang PIL hindi lámang ng pamahalaan kundi ng bansa. Walang
anuman sa batas na nagbabawal sa alinmang sektor ng lipunang pribado sa paggámit ng
opisyal na PIL.

Makatwiran ngayong itanong: Ano bang talaga ang suliraning dapat isaalang-alang
sa pagpaplano ng wika sa yugtong ito ng ating kasaysayan?

Batayan ng Bagong Oryentasyon


Sa aming pag-aaral, ang suliranin ay kung anong uri ng wikang PIL—hindi FIL—ang
dapat gamítin sa paaralan, sa pamahalaan, sa lipunan, sa midya, atbp. Sinikap naming
tugunin ang katanungan sa liwanag ng aming simulain na ang FIL ay transpormasyon
ng PIL, viz: P F. Hindi dapat magkaroon ng salungatan o ng dikotomiya: Wikang
Pambansa (WP) vs. Wikang Opisyal (WO). Sa tingin ay agad nang nakalalamáng ang hulí
sapagkat ito ngayon ang behikulong nag-uugnay sa pamahalaan sa isang dáko at sa mga
mamamayan sa kabilâng dáko naman.

Ang henesis ng planong ito ay nag-uugat sa pananalig na hanapin ang isang


puntong maaaring mapagkasunduan. Ito’y ang uri ng PIL na dapat isailalim ng paglilinang/
kultibasyon para sa ibubungang FIL, ang wikang konseptuwal ng SB. Dahil dito’y
nagsagawa kami ng isang pambansang pananaliksik noong taóng-aralan 1978–1979.

Ang punong problema ay ito: Anong modelo ng Wikang Pilipino (PILM) ang
kanais-nais sa lahat ng modelo sa persepsiyon ng mga respondent mula sa ibá’t ibáng
larangan ng búhay sa Filipinas nang taóng-aralan 1978–1979? Ang mga sub-problema ay
gaya ng sumusunod:

1. Anong mga PILM na ginagámit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan


sa kasalukuyan ang maaaring matiyak?
2. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo para sa pakikipagtalastasang
pasalitâ at pasulat, sa mga kalagayang pormal at impormal?
3. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo na gamítin sa pagtuturo
ng ibá’t ibáng paksang-aralin?
4. Anong mga hakbang ang kanais-nais sa lahat ng hakbang sa pagpapayaman
at modernisasyon ng PILM?
5. Ano ang pagkakatulad at/o pagkakaibá ng persepsiyon ng mga tinanong
tungkol sa mga PILM?
50

(Sa ilalim nitó’y ang ibá pang mga kaugnay na katanungan sa ibá’t ibáng pangkat ng mga
táong tinanong, at gayundin ang mga baryabol).

Deskriptibong metod ang pamamaraan na ginámit sa pananaliksik. Sa tiyakan, ang


survey metod.

Balangkas ng sampling at deskripsiyon ng mga sabjek. Ang mga sabjek ng pag-


aaral ay kinuha sa ibá’t ibáng pangkat sektoral upang mahugot ang mga representatibong
idea at damdamin tungkol sa WP. Ginámit ang porposib sampol ng magkatulad na
alokasyon mula sa bawat grupong etniko. Animnapung porsiyento (60%) ng mga sabjek
ang gáling sa mga pangkat etniko na nagsasalitâ ng walong wikang mayorya, at apatnapung
porsiyento (40%) ang mula sa mga grupong etniko na nagsasalitâ ng mga wikang minorya.
Walundaan (800) ang grand total ng mga sabjek.

Lugar. Ang mga tinanong sa pag-aaral ay pinag-ayaw-ayaw hindi lámang alinsunod


sa gulang, sex, edukasyon, naabot sa pag-aaral, hanapbúhay, at pangkat etniko kundi sa
termino rin ng lokasyong heograpiko.

(Hindi na namin iisa-isahin ang nilalaman ng Questionnaire-Checklist, at gayundin


ang mga hakbang na sinunod bago isinaanyong pangwakas. Hindi na rin isináma rito
ang hakbang sa pangangalap ng datos. Wala ring banggit tungkol sa oryentasyon ng mga
mananaliksik).

Kung ano ang ginawa sa datos. Para sa balidong interpretasyon ng datos, ginámit
ang sumusunod na mga istatistikal teknik at metod: 1) frequency and percentage distribution,
2) ranking, 3) Friedman’s analysis of variance, at 4) Chi-square test.

Modelo ng Pilipino para sa Filipino1

PILM1:

Isang elektronik gadyet na inimbento ng isang Filipino na magsasaayos sa


pagtulong ng mga táong hindi mapagkatulog ang malapit nang ipakilála sa
publiko.

Ang elektronik gadyet na nginalanang “Dormitron 922” ay may patente ng


pamahalaan.

Ipinakikíta sa mga pagsusuring klinikal ng “Dormitron 922” na ang mga


karamdamang insomniya, isterya, hindi mapalagay dahil sa labis na pag-iisip,

1 Ang mga paglalarawang ito ng ibá’t ibáng modelo ng Pilipino, na umiiral nang isagawa ang
pananaliksik, ay batay sa isang maikling balita sa Ingles. Sarili ng sumulat ang naritong mga bersiyon na
isinalig naman sa katularing mga uri ng pagpapahayag na makikita sa literatura ng mga isyung pangwika.
51

altapresyon, pabago-bagong tibok ng puso, at hika ay mabisàng tinatalaban ng


elektronik terapi.

PILM2:

Isang elektronik gadyet na inimbento ng isang Filipino na magsasaayos sa


pagtulong ng mga táong di mapagkatulog ang ipakikilála sa madla.

Ang kagamitang-dagisik na kilalá sa ngalang “Dormitron 922” ay ikinuha ng


karapatang-tuklas sa pamahalaan.

Ipinakikíta ng mga panggamutang siyasat sa “Dormitron 922” na ang mga kaso


ng di-pagkatulog, pagkabaliw, humaling ng kaayusang dagandam, mataas na
diin ng dugo, di-matatag na puso, at hika ay tumutugong mabuti sa dagisik-
ning panggagamot.

PILM3:

Isang gadyet na elektronik ng inimbento ng isang Filipino na magnonormalays


sa patern ng pagtulog ng mga taóng nagsasaper sa mga dis-order ng pagtulog
ang di magtatagal at iyiintrudyus sa pablik.

Ang gadyet na elektronik na kinikilálang “Dormitron 922” ay pinatent na ng


gobernment.

Ang gadyet na elektronik na kinikilálang “Dormitron 922” ay nagpapakíta na


ang mga kaso ng insomniya, isterya, obsesyonal na neurosis, haypertensiyon,
instability na kardyak, at astma ay nagrerespond na mabuti sa terapi na
elektronik.

PILM4:

Metung na electronic gadyet nga ininvento ti usa a Filipino nga magapanormal


sang kinandaan nga panagturog ng mga tawo na nagsa-suffer sa aga makaugip
ang saan a agbayag ket mo-introducir sa public.

Ang electronic gadyet na ginatawag na “Dormitron 922” ay napatented na ng


government.

Ang clinical findings ng “Dormitron 922” ay manpapanengneng ya amay


ang mga balatiang insomnia, hysteria, neurosis ya obsessional, alta presion,
instability sa kasing-kasing, ug hika ay rumirespond na nalaing sa therapy na
electronica.

PILM5:

Isang Filipino-invented electronic gadget na magno-normalize sa sleeping


pattern ng mga táong suffering from sleep disorders ang malapit nang
i-introduce sa public.
52

Ang electronic gadget known as “Dormitron 922” ay patented na ng government.

Ipinakikíta ng clinical findings ng “Dormitron 922” na ang cases of insomnia,


hysteria, obsessional neurosis, hypertension, cardiac instability, and asthma ay
nagrerespond well sa electronic therapy.

Rasyonal
Narito ang rasyonal ng bawat isa sa limang PILM:

PILM1—Ang ubod ng bokabularyo ng modelong ito ay Pilipino. Ginagámit


sa sukdulang mapaggagamítan ang mga katutubong leksikon nang di nakasasagabal sa
daloy ng komunikasyong pasalitâ at pasulat. Humihiram sa mga sarili at dayuhang batis.
Sa pangkalahatan, ang mga inangking talasalitaan ay isinusulat alinsunod sa sistema
ng ortograpiyang Pilipino. Pinananatíli ang orihinal na ispeling lakip ang progresibong
paghihigpit.

PILM2—Sinisikap ng modelong ito na dalisayin ang wika. Hangga’t maaari’y


itinatakwil nitó ang lahat ng mga dayuhang elemento sa bokabularyo. Ang mga salitâng-
ugat, pantig at/o mga tinilad na morp ay pinagkokombina upang magpahayag ng idea.
Binubúhay na mag-uli at pinagpapanibagong-lakas ang mga salitâng sinauna at lipás na.
Ang pagpapaunlad at/o pagpapayaman ay nangangahulugan na ang wika’y kailangang
hubaran ng mga impluhong dayuhan.

PILM3—Ang nangingibabaw na bokabularyo ng modelong ito ay Ingles. Ang


batayang simulain ay nanghahawakan sa gámit ng mga salitâ at pariralang Ingles na
naiintindihan na ng mga nagsasalitâ ng Ingles, at hindi nararapat palitán ng kahit na mga
katutubong leksikon. Sa pangkalahatan, mga pananda lámang sa Pilipino ang pinananatíli.
Ang mga elementong lingguwistiko sa Ingles ay isinusulat nang sang-ayon sa tradisyonal
na ortograpiya ng Pilipino.

PILM4—Ang rasyonal ng modelo ay ganito: Ang mga salitâ, kataga, at anumang


morp ng Ingles at Castilla pati na mga sangkap ng alinman at lahat ng katutubong wika
ay kailangang gamítin nang malaya depende sa kagustuhan o preperensiya ng gumagámit.
Ang pagpapasok ng mga salitâ at parirala ay walang patumangga, at hindi sistematiko. Ang
modelong ito’y may pretensiyon na ang wikang pambansa ay amalgama ng mga katutubong
wika sa lahat ng kaantasan ng pagsusuring lingguwistiko, i.e., sa palatunugan, palabuuan,
palaugnayan, at talasalitaan. Hinihingi sa modelo ang kaalaman ng lahat ng ibá pang wika.

PILM5—Nalalapit ang modelong ito sa inaambilan ng ilang pulutong ng


“Enggalog,” na ang ibig sabihin ay higit na marami ang mga elementong lingguwistiko sa
Ingles kaysa sa Tagalog. Kaunting-kaunti lámang ang mga panandang Pilipino na ginagámit
sa modelong ito. Ang ponolohiya at sintaks ng mga elemento ng Ingles ay pinananatíli sa
53

mga anyong pasalitâ at pasulat. Malinaw na Ingles ang batayang wika ng modelong ito.

Ang limang PILM sa unahán ay napagsino ng mga respondent sa pag-aaral.

Ang Kinalabasan
Ipinamamalas ng pag-aaral ang mga sumusunod:

1. PILM1 ang modelong kanais-nais sa lahat para sa pakikipagtalastasan ayon


sa 398 respondent ng pangkat ng wikang mayorya, na binubuo ng 82.92
porsiyento. Ang trend ng opinyon ay mahalaga (significant) tulad ng ipinakíta
ng computed chi-square value na 862.379. Bukod dito, ang computed
chi-square value na 208.00 ay nagpamalas ng mahalagang proporsiyon
ng mga respondent sa pangkat ng wikang mayorya ang tumanggap nang
buong-buo sa PILM1. Sa panig ng mga pangkat ng wikang minorya, ang
pinakamalaking pangkat ng mga respondent na bumibílang ng 335 o 73.44
porsiyento ay humilig sa gámit ng PILM1.

2. Sa pangkalahatan, ang mga respondent mula sa mga grupo ng mga wikang


mayorya at minorya ay pabor na gamítin ang PILM1 sa pormal na talastasang
pasalitâ tulad ng ipinakikíta ng 458 respondent o 95.42 porsiyento; 343 o
71,46 porsiyento ang pabor sa PILM na gamítin sa impormal na talastasang
pasalitâ. Mayroon ding 430 respondent o 89.68 porsiyento ng grupo ang
pabor sa paggámit ng PILM1 para sa pormal na talastasang pasulat; at 321
o 66.88 porsiyento para sa impormal na talastasang pasulat.

3. Ipinakíta ng kinalabasan na ang PILM1 ay pinilì ng malaking grupo na


kanais-nais sa lahat ng PILM para sa pagtuturo ng araling panlipunan, agham
panlipunan, edukasyong pangkatauhan, edukasyong panghanapbuhay,
edukasyong pangkalusugan, at edukasyon sa pagpapalakas ng katawan.
Kapansin-pansin ang pagbabâ ng bílang ng mga respondent sa mga
asignaturang likás na agham at sa matematika. Malaking grupo ng mga
respondent ang pumilì sa PILM5 na kanais-nais sa lahat ng modelo para
sa pagtuturo ng matematika. Ito’y ipinakíta ng 238 respondent o 49.58
porsiyento ng grupo. Ang computed chi-square value na 98.00 porsiyento
ay nagpakíta na ang mahalagang kinahahapayan ng opinyon ay nabuo
para sa gámit ng PILM1 sa ibá’t ibáng asignatura o mga kurso, matangi
sa matematika. Sa panig ng mga grupo ng wikang minorya, PILM1 ang
modelong kanais-nais sa lahat ng mga modelo.

4. Ang kanais-nais sa lahat ng mga hakbang sa pagpapayaman at modernisasyon


ng Pilipino ay ang Metod 3, na panghihiram sa mga nakaiimpluhong wikang
dayuhan. May malaking grupo ring pumabor sa Metod 1 sa pagpapayaman
at modernisasyon ng Pilipino.
54

(Hindi na inilakip dito ang resulta ng paghahambing ng persepsiyon ng mga respondent


ayon sa ibá’t ibáng baryabol).

Kongklusyon
Sa liwanag ng mga natuklasan, narito ang aming pangwakas na kuro:

1. May ibá’t ibáng PILM sa pagpapaunlad ng WP.

2. Para sa mga respondent, PILM1 ang kanais-nais sa lahat ng modelo.


Ginagámit ng modelong ito bílang ubod ng talasalitaan ang bokabularyong
Pilipino.

3. PILM1 ang kanais-nais sa lahat ng modelo para sa lahat ng anyo ng


komunikasyon.

4. Ang modernisasyon ng Pilipino ay higit na maisasagawa sa pamamagitan ng


magkasanib na Metod 3, o panghihiram sa mga nakaiimpluhong wikang
dayuhan, at Metod 1, o mahigpit na pamimilì ng mga elementong leksiko
sa katutubo o lokal na mga wika.

a. Di gaanong naiibá ang persepsiyon ng mga babae tungkol sa


PILM na kanais-nais sa lahat para sa ibá’t ibáng sitwasyon
ng talastasan, at para sa pagtuturo ng ibá’t ibáng asignatura o
kurso.

b. Ang pagpilì ng PILM na kanais-nais sa lahat ng modelo para


sa talastasang pasalitâ at pasulat at para sa pagtuturo ng ibá’t
ibáng asignatura o kurso ay di tunay na naiimpluwensiyahan
ng mga kalipikasyong pang-edukasyon.

k. Wala ring napansin na baryasyon ng mga tugon sa bahagi ng


mga grupong agrikultural at di-agrikultural.

d. Ang kalipikasyong pang-edukasyon ay di mahalagang


baryabol ng respondent na maaaring naging dahilan ng
mahalagang baryasyon sa persepsiyon ng mga tugon.

Samakatwid, sa liwanag ng mga natuklasan sa pag-aaral, ipinasiya namin ang ganito:

1. Ang kultibasyon ng wikang panlahat para sa mga mamamayan ay kailangang


magsimula sa nukleong PILM1 na ang ubod na talasalitaan at kayarian ay
Pilipino.
55

2. Ang PILM1 ay dapat gamítin sa pagtuturo ng mga asignaturang araling


panlipunan, edukasyong panggawain, atbp, samantalang ang PILM5 ay
dapat gamítin sa pagtuturo ng likás na agham at sa matematika.

3. Ang pagpapayaman at modernisasyon ng Pilipino ay kailangang sa


pamamagítan ng magkasanib na Metod 3 at Metod 1.

4. Ang mga materyales pangkurikulum ay kailangang sulátin at ilathala sa


wika ng PILM1 na ginagámit sa ibá’t ibáng sitwasyong pangkomunikasyon,
at sa pagtuturo ng ibá’t ibáng asignatura o kurso.

5. Ang PILM5 ay dapat gamítin sa paghahanda ng mga materyales


pangkurikulum para sa pagtuturo ng matematika at mga likás na agham.

Ang Makro Plan


Batay sa kalalahad na ebidensiyang empiriko, nilikha namin ang ganitong tipolohiya ng
pagpapasiya tungkol sa kultibasyon ng wikang panlahat.

Makikíta sa Kolum A ang mga larangang sumasailalim ng pagpaplano (Kolum


B). Ito ang mga aktibidad ng ahensya, institusyon, o grupong tagapagplano sa kaantasang
makro. Ang kabuuan ng kultibasyon ay nahahati sa dalawang kategorya. Una, sa korpus ng
wika at pangalawa, sa larangan ng gámit ng wika. Sa ibabaw ng dalawang kategorisasyon
ay iniluluklok namin ang retorika (hindi nakalakip sa eskema). Ito’y isang aspekto ng
kultibasyon na nag-uugnay sa dalawa: wika per se, at sitwasyon ng gámit. Ang totoo, sa
proseso ng paggámit ng wika, ito’y nagkakaroon ng pagpapanibagong-ayos o adyastment
na kailangang subaybayan ng ahensiya o pangkat na tagapagplano. At ito’y naisasagawa sa
anyong pidbak na kasangkapan ng ebalwasyon.

Sa panahong ito sa búhay ng wika bílang kasangkapang panlipunan nagkaroon


ng kabuluhan ang pananaw na mahubuging katatagan (flexible stability). Kung pag-
aaralang mataman, ito ang isang sukatan ng pagiging katanggap-tanggap at awtentiko ng
pagsasakatuparan ng plano.

Sa paninging makro, ang kultibasyon ay sabay-sabay sa lahat ng kaaantahan. Ito’y


dapat sapagkat ang wikang ito na pinaiinam pa (upang maging higit na komprehensibo,
episyente, produktibo, at matipuno) ay maging tunay na kasangkapan ng pambansang
pagsúlong. Sa ibáng pananalitâ, ang wikang tinutukoy ay batis. At hindi maaaring
maging batis ang wikang konseptuwal lámang. Sa pormulasyong ito, ang isinasailalim
sa pagpaplano’y isang buháy na wikang nangangailangan ng ibayong pagpapainam gaya
ng nasabi na, upang higit na maging mabisàng instrumento ng pagbabago. Mahalagang
bigyang-diin dito na kailangang pagpunan ang mga kakulangan ng wika, at gayundin ang
mga kakulangan ng tagagámit ng wika.
56

Pig. 4. Tipolohiya ng Kultibasyon ng Wikang Panlahat

Paglikha ng Terminolohiya: Ang Landas


Tingnan natin ang mga hakbangin sa “paglikha” ng terminolohiya. Narito ang isang
pansamantalang pormulasyon.

Leksikon

1. larangan ng pangangailangan—saan kailangan ang dagdag na salitâ;


anong salitâ ang kailangan.
1.1 teknikál—pinakakrusyal sa elaborasyon; ito’y kaugnay ng
mga gawaing pangkaunlaran
1.2 karaniwan—kinakailangan sa pagpapalawak ng wika sa ibá
pang larangan
1.2.1 katutubo—ang nagpapahayag ng unikong katangian
ng kalinangang etniko
1.2.2 dayuhan—kung may kakulangang mapagpupunan

2. mga aspektong kaugnay


2.1 balarila
2.1.1 kayariang morpolohika
2.1.1.1 batayang salitâ
2.1.1.2 anyuing hango
2.2 palatunugan
2.3 palabigkasan
57

3. ortograpiya—sa paglikha ng mga terminolohiya’y mahalagang


magkaroon ng pagpapasiya ang tagapagplano. Maaaring magkaroon
siyá ng mapamimilian sa ayos ng kahalagahan.

Halimbawa:

1. transliterasyon
1.1 tradisyong Castilla
1.2 tradisyong Ingles

2. traduksiyon
2.1 ng salitâ
2.2 ng kahulugan

3. ganap na pagtutumbas
3.1 ng salitâ
3.2 ng diwa

Maaari ring mabago ang pagkakasunod-sunod ng kahalagahan depende sa larangan at/o


paksang pinag-uukulan. At sapagkat sa pagsisimula ng paglikha, natitiyak na ang larangang
nangangailangan ng partikular na bokabularyo, hindi suliranin ang paglalapat ng likhang-
anyuin.

Kaugnay nitó, ang SWP ay may patnubay na pamantayan sa pagbuo ng mga


katawagan sa edukasyong bilingguwal, sa mga katawagang panghanapbuhay, at ibá pang
mga lathala.

Pagpapatupad at Pagpapahalaga
Ang mekanismo ng implementasyon ay “built-in.” Ito’y ang sistema ng edukasyong
pambansa. At sapagkat ang wikang pinabubulas ng estado ay gámit sa mga gawaing
pagpapaunlad sa ibá’t ibáng larangan, ang mga tanggapan ng pamahalaan na rin ang mga
implementor sa subaybay ng awtoridad ng wika: ang SWP.

Sa kasalukuyan, mula noong Agosto 1979, ang SWP ay may dalawang pangkat
ng mga kasangguni. Ito’y ang Sanggunian ng Wika sa Pambansang Pagpapaunlad
(SANGGUNIN sa maikling tawag), na binubuo ng mga pinuno ng Lupon sa Pilipino ng
mga Ministri at mga tanggapang konstitusyonal, na may pagkilála ng kinauukulang Minister,
Tagapangulo/Tagapangasiwa, atbp. At ang Lupon sa Estandardisasyon ng Pilipino sa Mass
Media, na binubuo ng mga editor (sa panig ng print midya) at mga manedyer (sa panig
naman ng electroniks midya) o ng kaniláng kinatawan. Sa pamamagítan ng mga impormal
na organisasyong ito na binuo ng SWP ay napag-uusapan ang mga pangangailangang
pangwika na ginagámit sa mga aktibidad ng pambansang development ng bawat Ministri
at kawanihan, tanggapan, o ahensiyang nása ilalim ng mga ito. Silá’y tinutulungan ng SWP
58

sa kaniláng “Pilipino language needs.” Mababanggit din na sa loob ng humigit-kumulang


sa limang taon na ngayon, itinatag namin ang mga Lupong Ad Hoc ng Wikang Pambansa
sa ibá’t ibáng tanggapan. Ito’y binubuo ng mga pilîng tauhan ng karampatang tanggapan at
ng SWP. Sa pana-panahon ay nagdaraos ang mga Sangguniang naturan ng pangkalahatang
pulong. May ilang proyekto na ng pagtutulungan ang midya at SWP.

Ang landas ng likhang terminolohiya o anumang proposal at nailagdang pasiya ng SWP ay


mailalarawan sa ganitong pansamantalang balangkas.

Pig. 5. Representasyong Grapiko ng Implementasyon


ng Terminolohiyang Ipinapanukala ng SWP

Pagsubaybay
Ang pidbak ay ginagawa sa patuluyang pakikipagtalastasan sa mga superbisor ng
wika, sa panig ng paaralan; at sa mga kinauukulang pinuno ng pamahalaan, sa bahagi ng
lingkurang bayan; at sa mga superbisor ng pagbobrodkast, sa bahagi ng elektroniks midya;
at sa editor, sa panig ng print midya. Katulad ng nabanggit na sa unang dako ng panukalang
ito, ang pidbak ay isang landas túngo sa pagtatáya o ebalwasyon ng mga mungkahi o
panukalang anyuin at ibá pang hakbanging lingguwistiko ng SWP. Ang sistema’y makikíta
sa sumusunod na ilustrasyon.
59

Pig. 6. Sistema ng Pidbak

Ang SWP ay may paraang ginagámit sa pagtáya ng “init” at/o “lamig” ng pagtanggap
sa iminumungkahi nitóng mga terminolohiya sa mga boletin at publikasyong inilalabas sa
pana-panahon. Noong 1980 ay may isinagawa ang SWP na isang pambansang pag-aaral sa
“degree of survival” ng mga katawagang inihanda nitó.

Rekapitulasyon
Katulad ng nasabi na, ang elaborasyon ng talasalitaan ang nararapat harapin una sa lahat
sa pagpaplano ng korpus, gaya ng ginagawa ng SWP. Ang mapilíng paglalakip at/o pag-
aangkin ng gamitín at krusyal na talasalitaan mula sa mga katutubo at dayuhang batis
ay kinakailangang mabigyan ng sistematikong inspirasyon. Kailangang isaayos ang ilang
feature ng balarila para sa layunin ng episyensi, presisyon, at pagkapraktikal sa diwa ng
akomodasyon. Tungkol sa ortograpiya, ang anino sa reporma sa ispeling, at sa abakada
na rin, na ibinunsod ng SWP noong 1971 ay sinisikap na mapawi sa pamamagitan ng
Repormang Ortograpiko (1984) na isinasagawa ng SWP.

Ang malikhaing pagsulat at ang pagsasalin ay mga aktibidad na maiuugnay rin sa


korpus ng wika. Ang dalawang larangang ito, sa isang paraan, ay may epekto ng paglikha
ng naiibá o nababagong lengguwahe sa loob ng lengguwaheng isinasailalim ng kultibasyon.

Ang isa pang kritikal na hakbang sa kultibasyon ay ang palawak nang palawak na
alokasyon ng gámit ng wika, na nakahahambing ng edukasyong bilingguwal ng pamahalaan,
at gayundin sa mga pagpupunyaging developmental ng estado. Maglilimang taón na
ngayon, ang dáting Pangulo ay bumigkas ng pahayag na nakahapay sa gámit ng WP sa mga
gawaing pambatasan. Sabi niya: “Kung may mga kagawad na hindi nakauunawa sa Wikang
Pilipino, panahon na upang silá ay mag-aral…Ang Pilipino, sang-ayon sa batas, ay isa sa
mga opisyal na wika ng ating bansa.”
60

Pangwakas na Kuro
Ang PIL ay kailangang igitna sa maraming aktibidad sa larangan ng pangangasiwang
pambayan, pagbabatas, katarungan, politika, lipunan, midyang pangmadla, sa agham, at sa
maraming disiplina ng karunungang pantao.

Ang kagyat na mahalaga sa bahaging ito ng ating pakikipaglaban para sa karangalang


pangwika ay ang pagtiyak at pagkakaisa sa PILM na kanais-nais sa lahat ng modelo ng
PIL na malilinang nang buong tagumpay. Mula roon ay makapagbubunsod na ng mga
patakarang mulat at progresibo, mga programang maisasakatuparan, at mga proyektong
mahigpit na inihanda para sa pagkakamit ng mga kaiga-igayang layunin.

Ang paraan ng SWP sa kultibasyon ng wika—tulad ng ipinamalas sa tentatibong


banghay na ito—ay may malaking kabuluhan sa pagpapabulas ng dalawang wika: una, sa
PIL na wika ng estado; at pangalawa, sa FIL, na wikang panlahat na pangarap ng bagong
SB.

Ang PIL at FIL, pagsapit ng panahon, sa puwersa ng pangangailangan, ng katwiran,


ng pagkakaisa, at ng kapakanang pampolitika, ay madadalisay at magtitining sa isang
pangalan: sa Filipino, gaya ng itinatakda ng batas.

Mga Sanggunian
A. MGA AKLAT

Das Gupta, Jyotirindra. Language Conflict and National Development. Berkeley,


Los Angeles: University of California Press, 1970.
Fishman, Joshua A. Language and Nationalism. Bowley, Massachesetts:
Newbury House Publishers Inc, 1975.
___________. Advances in Language Planning. The Hague: Mouton and
Company, 1974.
___________. The Sociology of Language. Bowley, Massachusetts: Newbury
House Publishers, Inc, 1972.
LUPON SA AGHAM. Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino.
Maynila: Pambansang Patnugutan sa Paunlarang-Agham (NSDB), 1969.
Neustupny, J.V. Post-Structural Approaches to Language. Tokyo: University of
Tokyo Press, 1978.
Omar, Asmah Haji. Essays on Malaysian Linguistics. Kuala Lumpur: Dewan
Bahasa dan Pustaka, 1975.
Pineda, Ponciano B.P. Bato sa Katedral. San Juan, Rizal: Limbagang Pilipino,
1971.
Rubin, Joan and Bjorn H. Jernudd. Can Language be Planned? Honolulu: The
University Press of Hawaii, 1971.
61

Rubin, Joan and Roger Shuy, mga ed. Language Planning: Current Issues and
Research. Washington D.C.: Georgetown University Press, 1973.
The National Board of Education. General Policies on Education 1973 and
1974. Manila: National Board of Education, mp. 2-5; 67-69; 88-99, 1975.

B. MGA PERYODIKAL

Dahong Pang-Alaala. Maynila:Surian ng Wikang Pambansa, 13-19 Agosto


1976.
Dahong Pang-Alaala. Maynila:Surian ng Wikang Pambansa, 13-19 Agosto
1978.

C. MGA PERYODIKAL, TALUMPATI, REPORT, PAMPLET,


POSITION PAPER

Constantino, Ernesto. “Ang Kodipikasyon ng Pambansang Linguwa Prangka.”


A report on a research project (NSDB-UP 7709 So), 1978.
De Veyra, Jaime C. 1939. “The Anniversary of the Language.” Manila: The
Tribune, 30 Disyembre 1939.
Otanes, Fe T., Alfonso O. Santiago, at Gloria V. Baylon. “Translation Preferences
of Educators.” Philippine Journal of Education, VII:5-5, Mayo 1974.
Pineda, Ponciano B.P. 1978. “Ang Wika ng mga Aklat-Pampaaralan.” Position
paper na binása sa “Diyalogo Tungkol sa Wika ng mga Aklat Pampaaralan”
na inisponsoran ng MLQU School of Graduate Studies and the INL, 11
Nobyembre 1978.
________. “Agham at Teknolohiya: Maaari sa Pilipino.” In INL Lecture series,
1:1, Agosto 1977a.
________. “Treatment of the Tagalog Language.” Discussion paper, ipinresenta
sa Linguistic Institute, University of Hawaii, Honolulu, Hawaii, 1977b.
________.“Lexical Elaboration—Harnessing the Resources of Ethnic Languages
in the Cultivation of the National Language (Pilipino).” Discussion paper na
ipinresenta sa seminar-workshop sa pagpaplanong wika. East-West Center,
Honolulu, Hawaii, 1977c.
Romualdez, Norberto. “The National Language Problem” sa Dahong Pang-alaala
sa Linggo ng Wika, Surian ng Wikang Pambansa. Maynila: Kawanihan ng
Palimbagang Bayan, 13-19 Agosto 1958.
Rosario, Gonzalo del. “A Modernization-Standardization Plan for the
Austronesian-Derived National Languages in Southeast Asia” sa Asian
Studies, tomo VI, blg 1-18, Abril 1968.
Surian ng Wikang Pambansa. “The Manila Dialect Survey” Special Monograph
Issue No. 1 (Mimeoscript), 1978.
________. Patakarang Pangwika sa Edukasyon at Kultura. (Mga talumpati
ni Ferdinand E. Marcos, Pangulo ng Filipinas). Maynila: Palimbagan ng
Pamahalaan, 1978a.
62

D. TESIS

Pineda, Ponciano B.P. “Evolving a Pilipino Language Model: Nucleus for the
Cultivation of a Common Language for the People.” Di-nalathalang Tesis
Doktoral, University of Sto. Tomas, 1979.
Santiago, Alfonso O. “The Elaboration of a Technical Lexicon of Pilipino.”
Di-nalathalang Tesis Doktoral, Ateneo-Philippine Normal College
Consortium, 1979.

E. MGA ORDER, DIKRI, AKTA, BATAS, MENSAHE

Constitution of the Philippines. Manila. Bureau of Printing, 1934.


Constitution of the Republic of the Philippines. Manila: Bureau of Printing,
1972.
Department of Education and Culture. “Rules in Orthography of Pilipino.” D.O.
No. 194, s. 1976 ( Juan L. Manuel, Secretary of Education and Culture, may
petsang 30 Hulyo 1976).
_______. “Supplemental Implementing Guidelines for the Policy of Bilingual
Instruction at Tertiary Institutions.” D.O. No. 50, s. 1975 ( Juan L. Manuel,
Secretary of Education and Culture, may petsang 14 Nobyembre 1975).
_______. “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.”
D.O. No. 25, s. 1974 ( Juan L. Manuel, Secretary of Education and Culture,
may petsang 19 Hunyo 1974).
_______. “Using ‘Pilipino’ in Reference to the National Language.” D.O. No. 7,
s. 1959 ( Jose E. Romero, Secretary of Education and Culture, may petsang
August 13, 1959).
Department of Public Instruction. “Authorizing the Teaching of the National
Language beginning 19 June 1940, in the Fourth Year of All Public and
Private Schools and Private Teacher Training Institutions.” D.O. No. 1, s.
1940 ( Jorge Bacobo, Secretary of Public Instruction, may petsang 12 Abril
1940).
Executive Order No. 134. “Proclaiming the National Language of the Philippines
based on the ‘Tagalog’ Language.” (Manuel L. Quezon, President of the
Philippines, may petsang 30 Disyembre 1937).
_______ 263. “Authorizing the printing of the dictionary and grammar in the
national language, and fixing the day from which said language shall be
used and taught in the public and private schools of the Philippines,” may
petsang 1 Abril 1940.
Justice Department Order No. 73, s. 1973. “Pilipino may continue to be a subject
or major field of study or medium of instruction in the schools.” (Vicente
Abad Santos, Secretary of Justice, may petsang 17 Mayo 1973).
Ministry of Education and Culture. “Pilipino as Curricular requirement in the
tertiary level.” MEC Order No. 22, may petsang 21 Hulyo 1978).
_______. “Accelerating the attainment of the goals of bilingual education.” MEC
Memorandum No. 203, s. 1978 ( Juan L. Manuel, Ministry of Education
63

and Culture, may petsang 24 Hulyo 1978).


Philippine Commonwealth Act No. 184. “An Act to establish a National
Language Institute and define its powers and duties.” (First National
Assembly, Special Session, 30 Nobyembre 1936).
_______ 333. “An act to amend Commonwealth Act Numbered one hundred
and eighty-four, entitled an Act to Establish a National Language Institute
and define its powers and duties.” (First National Assembly–Third Session,
may petsang 18 Hunyo 1938).
_______ 570. “An act making the Filipino National Language as official
language from the fourth of July, nineteen hundred and forty-six.” (National
Assembly, may petsang 7 Hunyo 1940).
Presidential Decree No. 1. “Reorganizing the Executive branch of the national
government” (Ferdinand E. Marcos, President of the Republic of the
Philippines, may petsang 24 Setyembre 1972).
Supreme Court of the Philippines. L-32167 – Incocencio V. Ferrer vs. Court of
Appeals, et. al. (Celso L. Magsino, Clerk of Court), 1970.
Quezon, Manuel L. “Creation of an Institute of National Language.” Mensahe
ng Pangulo ng Filipinas sa Unang Pambansang Asamblea, 27 Oktubre 1936.

[TALA: Ang “Pagpaplano ng Wika ukol sa Pambansang Pagsulong” ni Ponciano BP Pineda ay lumabas
bílang Apendiks F sa Limampung taon ng Surian ng Wikang Pambansa: Hulíng Isa’t Kalahating Dekada
(1970-1987) at inilathala ng SWP. May ganitong talâ ang naturang artikulo:

Nalathala sa Santiago, Batnag, at Villafuerte, mga editor, Linggwistika at Panitikan, Maynila: Rex Printing
Co., 1985. Tinatalakay nitó ang buod ng plano sa pagpapayabong ng Filipino na iniharap kay Dr. Onofre
D. Corpuz na noo’y Minister ng Edukasyon at Kultura.

Ang unang bersiyon ng artikulong ito’y isang panayam na binigkas noong 5 Hunyo 1980 sa Ikalawang
Kongreso ng Lingguwistiks sa Filipinas (2–6 Hunyo 1980) na may paksang-diwang “Language Planning,”
na itinataguyod ng Kagawaran ng Lingguwistiks at mga Wika sa Asia, Kolehiyo ng Agham at Sining,
Pamantasan ng Filipinas, Diliman, Lungsod Quezon. Ginanap sa Bulwagang Pulungan ng Faculty Center.]
Bonifacio P. Sibayan

PAGPAPLANONG WIKA AT PAGDEVELOP NG PILIPINO

NOONG HILINGIN NI Dr. Fe A. Yap na magsalitâ ako sa harap ninyo, sabi niya, maaari
daw akong magsalitâ tungkol sa alinmang paksang nais kong talakayin. Pero iminungkahi
ko noon (sa pag-uusap namin sa telepono) na magsasalitâ ako tungkol sa mga mungkahing
proyekto para sa pagpapaunlad ng wikang pambansa na siyáng pamagat na nakasaad sa
iskedyul. Sapagkat mas inisip ko ang tungkol sa paksa at pagkatapos makíta ang mga paksa
ng mga tagapagsalitâ, waring nagbago ang isip ko at sa halip ay pinilì kong magsalitâ tungkol
sa Pagpaplanong Wika at Pag-unlad ng Wikang Pambansa (pansinin na sinadya kong
gamítin ang wikang pambansa sapagkat ang “Pilipino” at “Filipino” ay waring nagdudulot
ng dalahing emosyonal sa panig ng mga responsable at iginagalang na pangkat ng mga
Filipino). Samakatwid, pinilì kong magsalitâ tungkol sa Pagpaplanong Wika (PW) ngayon
sapagkat ito ang larang ko, marami na akong naisulat tungkol dito at dahil dito kayâ ako
naimbitahang magtúngo sa Honolulu sa Agosto upang magbigay ng serye ng panayam sa
kagandahang-loob ng East West Center. Higit pa rito, sa palagay ko, ang larang ng pag-
aaral na tinatawag na PW ay mahalaga sa Surian ng Wikang Pambansa, isang larang na
hinihimok kong paglaanan ninyo ng interes.

Ang Pagpaplanong Wika (PW) bílang gawain ay hindi na bago ngunit ang
katawagang Pagpaplanong Wika ay bago pa lámang. Sa katunayan sa mga tomong Current
Trends in Linguistics, inedit ni Thomas Sebeok, ito ay tinukoy na inhenyeriya ng wika. Ang
katawagang Pagpaplanong Wika ay utang sa kilaláng iskolar, si Einar Haugen (Tingnan
ang Haugen, Einar, 1966 “Linguistics and Language Planning” sa Bright, William, ed.
Sociolinguistics, The Hague: Mouton, mp.50-71, 1966).

Makapaglilista táyo ng maraming halimbawa dito ng PW ngunit sa halip na gawin
natin ang gayon, sisikapin nating sundin ang balangkas na iminungkahi ni Haugen sa
kaniyang 1966 na papel na binanggit sa itaas. Gagámit táyo ng mga halimbawang mula sa
Filipinas at mula sa ibáng bansa kung kailangan. Sa paraang ito umaasa akong mabibigyang-
diin ko kung paano natin matutugunan ang ilan sa lalong mahahalagang suliranin ng wika
at kung ano ang dapat gawin sa mga iyon.

Kung ilalapat sa isang sitwasyon sa Filipinas, ang sumusunod ay isang elaborasyon
ng modelong Haugen:
65

1. Pagtukoy sa suliraning may kaugnayan sa wika


a. ekstensibong saliksik ng mga katibayan
b. saklaw ng suliranin
c. paggámit ng mga pag-aaral, survey, atbp.
d. pagbuo ng ipotesis
2. Pagsasaalang-alang ng mga alternatibong plano ng aksiyon—pinatibay o
kininis na ipotesis
a. konsultatibo
b. paggámit ng karanasan ng ibáng mga bansa (nangangailangan ng
kaalaman sa mga pag-aaral—maaaring hawig ito sa 1c sa itaas)
3. Pagpapasiya
a. ng mga pribadong tao o grupo
b. ng mga opisyal o tanggapan ng pamahalaan
4. Pagpapatupad ng mga pasiya sa tiyak na paraan
a. matagalan—madalian
b. nino—para kanino—sino ang target na populasyon
c. kinabibílangan ng badyet, talatakdaan, atbp
d. ebalwasyon—pana-panahon o kasalukuyang isinasagawa at pinal
(na awtput, atbp)

Halimbawang ilapat natin ang mga hakbang na nása itaas sa mga aktuwal na
problema sa wika sa Filipinas na nangangailangan ng PW.

Bakit di natin gawing halimbawa ang problema sa paggámit ng Pilipino bílang


midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan sa Filipinas sa lahat ng aralín maliban sa agham
at matematika? Una, isipin nating lumitaw ang suliraning ito mula sa mga dati nang pasiya
tungkol sa lalong komplikadong suliranin. Alalahanin nating ang pasiyang gamítin ang
Pilipino bílang wika ng pagtuturo ay ginawa noong 1974 ngunit ang pag-aalinlangan
sa paggámit nitó ay nag-ugat noong 1967 nang may isang mungkahi sa NBE na dapat
unti-unting gamítin muna nang bai-baitang hanggang baitang apat ang Pilipino bílang
midyum ng pagtuturo. Hindi na kailangan sa ating paksa ngayon na isa-isahin ang lahat ng
masalimuot na proseso at hakbang kung paano nauwi sa gayong pasiya. Mahalaga lámang
na alalahanin natin na ang PCSPE ay may rekomendasyon ngunit inirekomenda nitó na
ang dapat magpasiya ay ang “nása matataas na katungkulan.” Subalit ang mahalaga ay ang
katotohanang kinilála ng PCSPE na ang bilingguwalismo (bilingguwalismo sa Ingles at
Pilipino) ay bahagi na ng pamumuhay ng mga Filipino. Ang pasiyang gamítin nang lubos
ang Pilipino mula sekundarya hanggang baitang 1 (nang lumao’y sinusugan mula lalong
mataas na edukasyon hanggang Baitang 1) ay ginawa noong 1974 na inaasahang pagsapit
ng 1982, ang mga nagtapos sa kolehiyo ay dapat na makapasá sa mga pagsusulit sa Ingles
at Pilipino.

Gusto kong pansinin ninyo ang katotohanang sinabi ko na mula sa antas tersiyarya
hanggang Baitang 1, at hindi ang kabaligtaran nitó—Baitang 1 hanggang lalong mataas
na edukasyon. Isa ako sa mga unang sumuporta dito sa Filipinas na sabay na gamítin
ang Pilipino bílang wika ng pagtuturo sa kolehiyo at mataas na paaralan at dapat na
66

bigyang-diin doon upang (1) maging prestihiyosong wika ang Pilipino, (2) ang iskolarsip
sa ibá’t ibáng disiplina ay isusulat at tatalakayin sa wikang ito—sinuportahan ko ito sa
pamamagitan ng pagiging tagapayo sa unang tesis sa Philippine Normal College (PNC)
na isinulat sa Pilipino, at (3) ang mga kinakailangang aklat, lalo na yaong mga tungkol sa
ibá’t ibáng disiplina ay dapat isulat sa Pilipino, kung di man ang orihinal, kahit sa salin man
lámang. Ipagmamayabang ko ngayon na bago ang 1974 patakarang bilingguwal, sinimulan
na namin sa PNC ang isang maliit na programa sa pagsasalin ng mga aklat sa agham at
matematika na sinulat sa Ingles ng UP Science Education Center. Isinalin sa Pilipino ang
mga ito ng isang pangkat sa LSC (direktor ako noon ng aming LSC, iyon ay bago ako
naging Pangulo). Natapos namin ang Baitang III ngunit kinailangan naming ihinto iyon
dahil sa patakaran.

Pahapyaw nating ibuod kung ano ang nangyari. At dito, maaaring mabakas natin
ang mga proseso ng PW mula 1935.

Magsasarili na táyo at sa pagsasarili, kailangan natin ang wikang sariling atin.


Kayóng mga pamilyar sa mga pagkilos na makabayan, alam ninyo na ang wika ay isang
sangkap ng nasyonalismo. (Para sa mga interesado, tingnan halimbawa ang Hans Kohn,
The Idea of Nationalism, Toronto: Collier-Mcmillan, 1967). At hindi eksepsiyon ang
Filipino, na may ganito ring katangian bílang tao. Hindi ko na uulitin dito kung ano ang
nangyari pagkatapos noon. Isa sa mga solusyon sa suliranin sa pagbuo ng isang wikang
pambansa ay ang pagtatayô ng isang suriang pangwika—na nang lumaon ay SWP. Kayâ
ang SWP ay isang solusyon sa isang problema. Kung ito man ang angkop na solusyon o
hindi, hindi natin ito dapat husgahan dito ngayon. Nais kong bigyang-pansin dito na ang
isang solusyon ay may nakakaharap na mga problema—o nakatutulong ito upang makilála
ang mga sub-problema. Ito ang nangyayari sa SWP.

Sa umpisa, ang pangunahing layunin ay ang makabuo ng isang wikang pambansa—


una, upang maging simbolo kaysa sa mga layuning utilitaryo. Halimbawa, hindi intensiyon
ng mga orihinal na tagapagplano na ang wikang pambansa ay gagamítin bílang wika ng
pagtuturo. Ang nosyong midyum ng pagtuturo ay totoo sa wikang bernakular. Sa katunayan,
noon pang 1957 ay ginagámit na natin ang bernakular bílang wika ng pagtuturo. Ang ideang
gamítin ang Pilipino bílang wika ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ay nagsimula lámang
noong mga 60s. At naging opisyal ito noong 1974. Mas mabilis ito kaysa inaasahan. Sa
katunayan, may sospetsa akong marami sa mga nása SWP ang hindi inaasahan ang gayong
kabilis na pangyayari. Marami ang hindi umaasa na gayon kabilis. Katibayan: Hindi táyo
handa sa maraming aspekto para sa ganap na pagpapatupad. Inaasahan kong marami ang
magtatanong tungkol dito at tinitiyak kong sasagutin ko ang tanong ninyo.

Ngunit balikan natin ang ating orihinal na planong pag-aralan ang PW at gamítin
ang balangkas ni Haugen upang himayin ang problema.

1. Magsimula táyo sa problema. Ang mga suliraning dulot ng paggámit


ng Pilipino bílang midyum ng pagtuturo sa lahat ng sabjek maliban sa
matematika at agham.
67

Alamin natin ang mga sub-problema.

a. Kakulangan ng materyales pampagtuturo at sanggunian. Walang


tiyak na materyales sa Pilipino.
b. Sa maraming lugar na di-Tagalog, maraming guro ang hindi handang
magturo sa Pilipino.
c. May mga umiiral na pagtutol sa mga tiyak na lugar.

Huminto táyo doon.

2. Mga mungkahing alternatibong plano ng aksiyon—ilang ipotesis.

May kagyat na pangangailangan para sa mga teksto at sanggunian (hindi


mga teksbuk na tulad ng inihahanda ng Mga Sentro sa Pagpapaunlad ng
Kurikulum—mga aklat sa lahat ng larang. Maaaring ihanda ang mga ito
ng mga iskolar sa larang—isang teksto halimbawa sa heograpiya o bílang
isang sangguniang aklat. May pangangailangan para sa ensiklopedya—mga
pangkalahatan at tanging larang—mga halaman, hayop, atbp.

a. Ipotesis: Ang mga teksto at sangguniang ito ay mahusay na


maihahanda sa SWP—may panahon kayó, (Maaaring sabihin
ninyong wala kayóng pondo, ngunit hindi kayó ang mag-iimprenta
ng mga iyon; may ibáng mag-iimprenta noon).
b. Pasiya: Dapat pangunahan ng SWP ang paghahanda ng mga aklat
na ito.

3. Pagpapatupad
a. Planong aksiyon

Sa pangunguna ng SWP—sa pakikipagtulungan sa BEE, BSE, BHE, mga kolehiyo


at mga unibersidad—ang mga aklat ay dapat sulátin sa bawat larang ng karunungan—mga
salin muna—sa lahat ng antas.

Ang mga kailangan niláng (mga guro at superbisor) teksto at sanggunian ay maaaring
ihanda ng SWP sa pakikipagtulungan sa mga kolehiyo at unibersidad at maaaring maging
ng mga imprenta.

Ngayong nakapagpasiya na táyo at may pahapyaw na plano para sa pagpapatupad,


makakaharap natin ang tunay na problema. Paano natin ipatutupad ito? Hindi nalulutas
ng isang pasiya ang isang problema. Lumilikha lámang ito ng dagdag na problema—mga
problema ng pag-aksiyon—ng tunay na gawain. Iyan ang problema sa pagpaplanong
wika. Parang walang katapusan ang mga problemang dapat lutasin. Ngunit iyan din ang
kagandahan. Dahil may gagawin táyo. Kung ang mga problema ay lahat nalulutas, problema
naman natin ay wala na táyong gagawin.
68

Para sa natitirá pang oras, iminumungkahi kong talakayin natin ang ilang problema.
Pagkatapos ay talakayin ang proseso ng PW gaya nang ginawa natin sa halimbawang
ibinigay ko.

Narito ang ilan:

1. Edukasyon ng mga guro upang maging mahusay sa pagtuturo kapuwa


sa Ingles at Pilipino (tulad ng nalalapit na pag-aaral sa bilingguwal na
edukasyon na isasagawa ng PNC para sa INNOTECH).
2. Ang sikolohikong pagtutol sa P bilang wika ng pagtuturo sa ilang lugar.

Ngayon, kayó mismo ang magbigay ng ibá pa. Mula sa mga ito, pipilì táyo ng isa na
hihimayin natin gámit ang modelo ni Haugen.

Pagtatakda ng mga Gampanin


Isa sa pinakamahahalagang “natuklasan” ng sosyolohiya ay yaong malayà táyo sapagkat
umaasa táyo sa ibá para sa ibang mga bagay.

Ano ang itinuturing ninyong gampanin sa PW, ibig sabihin, ano ang dapat ninyong
gawin? Maaaring nabago na ang patutunguhan sa ngayon. Nabago nga ba? Maaaring
kailangan ang pagtunton mula sa orihinal túngo sa kasalukuyang mithiin.

Salin ni Minda Blanca Limbo

[TALA: Ang “Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino” ay salin sa Filipino ng artikulong Ingles na
“Language Planning and the Development of Pilipino” ni Bonifacio P. Sibayan at nalathala sa aklat na
The Intellectualization of Filipino and other essays on education and sociolinguistics (1999) ni Bonifacio P.
Sibayan.]
Andrew B. Gonzalez, FSC

ANG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA SA


PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA

PARA SA ISANG hindi miyembro ng tanggapan, ang magsalitâ sa harap ng pilîng grupo
ng mga espesyalista sa wika ngayong umaga tungkol sa SWP, na dito ay tutukuyin bílang
Surian, tungkol sa pag-unlad ng wikang pambansa sa Filipinas ay waring isang pag-uulit
lámang.

Higit sa lahat, hindi ba’t ang pangunahing dahilan ng pag-iral ng Surian ay upang gumanap
ito bílang isang ahensiya para sa pagpapaunlad ng wikang pambansa? Kung gayon, bakit
kailangang pag-usapan ang tungkulin nitó na malinaw naman at simple.

Gayunman, hindi ako tiyak kung gayon talaga kasimple at kalinaw iyon, sapagkat may mga
pangyayari nitóng nakaraan na bumabatikos sa estadong legál ng Surian at kung gayo’y sa
layunin ng patuloy nitóng pag-iral.

Pangkalahatang Pananaw Pangkasaysayan


Mangyari pa, alam nating inatasan ng 1935 Konstitusyon ng Filipinas ang Komonwelt
na magsagawa ng mga hakbang túngo sa pagbuo ng isang wikang pambansa na batay sa
isa sa mga umiiral na wika. Ang Surian ay itinatag noong 1936 sa pamamagitan ng isang
Batas Komonwelt. Alinsunod sa mga rekomendasyon nitó, iniutos ni Pangulong Quezon
na ang Tagalog ang maging batayan ng wikang pambansa. Mula 1940 hanggang 1959,
tinawag natin ang wikang ito na “Wikang Pambansa” o simpleng “Wika.” Noong 1959, sa
pamamagitan ng isang kautusan mula sa Kalihim ng Edukasyon, sinimulan nating tawagin
itong “Pilipino.” Pagkaraan ng 37 taón, noong 1973, inatasan ng bagong Konstitusyon ng
Filipinas ang Pambansang Asamblea na magsagawa ng mga hakbang túngo sa pagpapaunlad
ng isang wikang pambansang tatawaging “Filipino,” na sa konsepto at sa intensiyon ng mga
mambabatas, ay naiibá sa “Pilipino” na alam natin.

Nagkaroon ng mga pagdududa hinggil sa kasalukuyang estadong legál ng Surian,


dahil sa bagong tadhanang ito ng konstitusyon; ang estadong legál nitó bílang kapulungang
interim ay kinumpirma ng Kalihim ng Katarungan, Vicente Abad Santos, hábang hinihintay
pa ang pagtatayô ng Pambansang Asamblea ng isang akademya ng wika.
70

Kung gayon, kung tungkol sa inyong gawain bílang Surian, ang tanging kongklusyong
mabubuo ko ay ito, na bílang isang kapulungang interim, kailangang suriin ninyong
muli ang inyong mga gawain mula 1936 hanggang 1973, at batay sa 1973 Konstitusyon,
maghanda para sa pagsasagawa ng mga kailangang hakbang túngo sa pagbuo ng isang
wikang pambansang tatawaging Filipino.

Sa pagkaintindi ko, bagama’t kayó ay isang kapulungang interim sa legál na


pananaw, malinaw ang inyong gawain: gumawa ng mga hakbang túngo sa pagbuo ng
Filipino hanggang sa ang akademya ng wika, ang legál na kapalit ng Surian, ay itadhana ng
Pambansang Asamblea, na sa ngayon ay hindi pa pinupulong ni Pangulong Marcos.

Bagama’t ako mismo ay may mga negatibong pananaw sa probisyong legál na ito ng
konstitusyon, realista ako. Wala akong makítang dahilan upang salungatin ang itinadhana
ng batas. Waring ang 37 taón ng pagtatrabaho na nagbigay-daan sa pagkapilì sa Tagalog,
ang estandardisasyon nitó sa pamamagitan ng gramatika ni Lopez at ng balarila ni Santos
at ng maraming talaan ng bokabularyo na ginawa ng inyong mga tauhan (lalo na ang
diksiyonaryo at tesawro ni Panganiban), ang diseminasyon nitó sa pamamagitan ng sistema
ng edukasyon at sa pamamagitan ng midyang pangmadla, at ang panimulang eleborasyon
nitó bílang wika ng diskursong iskolarli sa mga unibersidad na gaya ng Unibersidad ng
Pilipinas, ng Ateneo de Manila University, at ng Araneta University, ay bigo kung ang pag-
uusapan ay ang pagpapaunlad ng wikang pambansa. Pansinin ninyo, hindi pa nawawala
ang Pilipinong batay sa Tagalog. Napalitan lámang ang kalagayan nitó mula sa kalagayan
nitóng pagpapaunlad ng wikang pambansa túngo sa pagiging wikang opisyal (isa sa tatlo,
ang dalawa pa ay ang Ingles at ang Español). Bukod dito, ang isang buháy na wika na
sinasalitâ ng isang komunidad ay may sariling búhay, anuman ang kalagayang legál o tawag
dito. Hindi talaga maaaring isabatas ang pagbabawal sa wika nang hindi pinupuksa ang
buong lingguwistikong komunidad na nagsasalitâ nitó. Kayâ, nagpapatuloy ang Pilipino na
batay sa Tagalog; tanging ang kalagayang legál lámang nitó bílang wikang pambansa ang
hindi.

Ngunit ito ang problema: Kailangang simulan muli ng Surian, na ngayo’y isang
kapulungang interim bago pa ang pagtatatag ng isang mas permanenteng akademya ng
wika, ang gawaing pagpapaunlad ng isang wikang pambansa.

Di tulad ng ibáng mga bansang kinaharap ang problema sa wikang pambansa


sa pamamagitan ng pagpilì ng isang umiiral na baryedad ng sinasalitâng wika mula sa
ilang baryedad ng wika na sinasalitâ ng isang pangkat ng nabubúhay na komunidad na
nagtatangkang bumuo ng isang nasyon, ang inyong gawain ay bumuo ng isang wika mula
sa mga umiiral na wika ng Filipinas, na sa pagkaalam ko, kahit na may mga suliranin sa
paglago at pag-unlad, ay nagkakaisa upang bumuo ng isang bansa, maliban sa mga ating
mga kapatid na minoryang Muslim.
71

Isang Pahambing na Pagtingin sa mga Akademya


ng Wika sa Ibáng mga Bansa
Salig sa kasaysayan, posible na magkaroon ng isang wikang pambansa nang walang isang
ahensiyang namamahala o nangunguna sa pagpapaunlad ng gayong wika. Ipinalalagay
kong ang mga pinakahalimbawa ay ang Great Britain at ang Estados Unidos na hindi
kailanman nagkaroon ng akademya. Gayundin ang Germany. Samantala, mayroon
táyong bansang tulad ng France na may napakamakapangyarihan, mapanghimok, at
maimpluwensiyang Académie Francaise. Mayroon ding Spanish Academia na mula pa
noong ika-17 siglo ngunit hindi kasinlakas sa French Académie. May malapit sa atin, gaya
ng ating mga kapitbahay sa Asia: Nariyan ang Dewan Bahasa dan Pustaka ng Malaysia,
ang Lembaga Bahasa ng Indonesia. Kapuwa makapangyarihang ahensiya ang mga ito,
nagsasapamantayan at nagkokodipika ng Malay; may gawaing pagsasalin at diseminasyon;
gumagawa ng elaborasyon ng wika sa pamamagitan ng mga terminolohiya o yaong tinatawag
niláng “istilahs”; nangangalaga sa pagiging dalisay ng gámit. Samantala, may kaparehong
akademya sa Thailand, na ang impluwensiya ay waring kakaunti lámang. Ang Singapore
ay walang tunay na akademya. Mayroon táyong Surian ng Wikang Pambansa, gumagawa
ng mga gampanin ng isang akademya. May isang departamento ng wika sa Ministri ng
Edukasyon ng People’s Republic of China na siyáng nangangasiwa sa diseminasyon at
elaborasyon ng pû tõng huà (o ng Unibersal na Wika o ng Istandard na Wikang Peking),
na lalong kilalá bílang Mandarin sa mga hindi Marxists.

Ang nakatatawag-pansin tungkol sa mga akademyang ito ay ganito: na sa pagtupad


sa kaniláng mga gampanin túngo sa pagpapaunlad ng wika (hindi na pagpilì o pagbuo
kundi estandardisasyon, diseminasyon, at elaborasyon), ang ilan ay tuwirang nása ilalim
ng pamahalaang sentral bílang mga hiwalay na ahensiya o kayâ’y bahagi ng Ministri ng
Edukasyon. Ang Surian sa Filipinas ay lagi nang nása ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon,
hindi ito naging awtonomo. Samantala, ang French Académie at ang Spanish Academia ay
malayà at hindi napailalim sa Ministri ng Edukasyon. Ang ating mga kapitbahay sa Asia ay
tulad natin: ang kaniláng mga akademya ay bahagi ng Ministri ng Edukasyon.

Sa kayarian, ang gayong estruktura ay may mga bentaha at desbentaha. Ang


bentahang nakikíta ko sa pagiging awtonomo ay hindi silá nakatali sa mga problemang
burukratiko ng Ministri ng Edukasyon; maaaring tingnan sa pambansang perspektiba at
tingnan ang pagsisikap sa estandardisasyon, diseminasyon, at elaborasyon, sa holistikong
pananaw at hindi lámang sa punto ng sistema ng edukasyon, na maaaring makalikha ng
makitid na pagtingin sa mga gawain at mga paraang kailangang gawin upang maisagawa
ang gawaing ito. Ang naiisip ko ay ang pagkawaglit sa sistematikong paggámit ng midya
sa diseminasyon ng Pilipino sa nakalípas dahil lámang sa ang Surian ay walang pakialam
sa midyang pangmadla. Sa kasalukuyan, nakikinita ko ang natatanging oportunidad para
sa Kagawaran ng Impormasyon, ng National Media Production Center, at ng Surian na
magtulungan, bukod pa siyempre, sa kasalulukuyang kooperasyon ng mga kagawaran ng
Edukasyon at Kultura at ng Surian. Sa kabilâng bandá, nakikinita ko rin ang bentaha
ng pagkakaroon ng mga network ng komunikasyon gaya ng iniharap ng Ministri ng
72

Edukasyon para sa mabilis at madalîng paggámit at mahusay na sistema ng paghahatid ng


impormasyon. Ito ang nangyari sa Pilipino noong nakalípas.

Ang Papel ng Akademya sa Filipinas


Maraming beses ko nang binanggit na ang pagpapaunlad ng wika, kung susundin si
Haugen, ay kinabibilángan ng apat na aktibidad na maaaring isagawa nang sabay-sabay
maliban sa una. Ang iniisip ko ay ang hindi pagsasáma sa code, na siyáng dapat unang
gawin ng akademya, ang pagpilìng ito na niratipikahan ng mga miyembro ng lipunan sa
pamamagitan ng referendum; ang estandardisasyon at elaborasyon ay maaaring sabay.

Ang mga gawaing may kaugnayan sa Filipino ay dapat isagawa ng Surian mula sa
umpisa sa atas ng 1973 Konstitusyon.

Ang inyong problema ay seleksiyon. Karamihan sa mga akademya ng wika ay


nadalian sa pagpilì ng isang wika: pinilì nilá ang wika ng komunidad o lungsod na siyáng
sentro ng kultura/pamumuhay/ekonomiya ng bansa. Ito ang nangyari sa East-Midland
Dialect of London, na naging batayan ng Queen’s English. Ang wikang sinasalitâ sa paligid
ng Ile de France, na ngayo’y tinatawag nating Paris, ang namayani sa ibá pang mga patois,
kahit na ang wikang pampanitikan ay Midi (Southern France), dahil sa impluwensiya ng
kabesera. Gayundin ang Madrileños Castillan na namayani sa Andalucian at Catalan.
Nakawiwiling isipin na ang malawakang paggámit bílang wika ng kalakalan at hindi ng
elaborasyong kultural ang pangunahing dahilan ng mga Indonesian noon pang 1927 kung
bakit mas pinilì nilá ang Bazaar Malay (ngayon ay Bahasa Indonesia) kaysa Javanese, ang
wika ng pinakamalaking pangkat ng pulo sa arkipelago, kahit na sa katunayan ang Javanese
ay may mayamang panitikan at ginámit na sa kulturang higit na superyor sa isang creole
na nagsimula bílang isang pidgin, ang wika sa palengke sa buong Malay Peninsula at ng
mga kalapit na pulo, at orihinal na wika ng minorya ng Pulong Riau. Dito, nanaig ang
praktikal at malawakang gámit sa konsiderasyong pangkultura at pampanitikan sapagkat
ang Jakartans at Northern Javanese ay nagsasalitâ ng katutubong wikang ibá sa Malay, na
sa katunayan ay hindi Javanese kundi isang baryedad ng Sundanese. Ang Kuala Lumpur ay
orihinal na nagsasalitâ ng diyalektong Selangor ng Malay, kayâ kahit ang Selangorians ay
kailangang matuto ng Bahasa Malay.

Binanggit ko ang lahat ng pangyayaring ito sapagkat ang mga ganitong konsiderasyon
ang naging daan ng unang grupo ng Surian, noo’y tinatawag na Surian ng Wikang
Pambansa, sa ilalim ng pangungulo ni Don Jaime de Veyra, isang Waray, at ng kalihim
nitóng si Cecilio Lopez, isang Tagalog, upang piliin ang Tagalog simula pa noong 1937,
na bagaman hindi Tagalog ang katutubong wika ng nakararaming minorya (pinagsámang
Bisayang Sebwano at Hiligaynon ang nakararaming minorya), ang Tagalog ang wika ng
sentro ng bansa noon at ngayon, Maynila, at sentro ng ekonomiya. Higit sa lahat, ito ang
wikang may pinakamalawak na pag-aaral ng mga gramaryang Castilla, at nang lumao’y
mga Filipino at Americano; mayroon itong malawak at maraming diksiyonaryo, maraming
sining, at kahit na walang monopolyo sa panitikan ay may nakasulat at pasalitâng panitikan
na tanyag at nababása ng marami. Bukod dito, sa wikang ito nagsusulat ang ilustrados ng
73

kaniláng mga klasikong akda tungkol sa kalayaan at Kilusang Rebolusyonaryo kung hindi
silá nagsusulat sa Español.

Gayunman, waring hindi pa rin natatanggap ng mga di-Tagalog, na kinakatawan


ng mga delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1971, kahit na 34 na taón na ang
pagsisikap, ang pagkakapilì ng Surian at ni Quezon.

Ang nakatatawag-pansin sa kasong ito ng Filipinas, gayunman, ay ang pangyayaring


ang mga delegado ng kumbensiyong konstitusyonal, tulad ng mga tunay na politiko, ay
nakipagkasundo, na salig sa emosyon at kung gayo’y katanggap-tanggap sa politikal na
usapin ngunit hindi sa usaping lingguwistiko: pumilì silá ng isang hindi pa wika, isang
wikang bubuuin pa, isang pangalang may diwa ngunit walang tinutukoy, Filipino, na
bubuuin ng mga elementong mula sa lahat ng wika sa Filipinas. Hindi ganap na malinaw
kung ang gusto ng mga delegado ay ponolohiya, leksikong batay sa isang wika. Ayon sa mga
talakayan, ang nais nilá ay pinaghalong sintaksis na rin, na para sa akin, ay hindi katanggap-
tanggap sa sosyolingguwistika. Maaaring magkaroon ng lingguwistikong paghahalo ng
sintaksis, ngunit duda ako kung may gagámit sa natapos na produkto: Ito ang ibig kong
sabihin sa pagsasabing hindi katanggap-tanggap ang gayon sa sosyolingguwistika.

Magkagayunman, ang kinakaharap ninyo ay hindi ang gawaing seleksiyon na sa


aspektong lingguwistiko ay medyo madalî ngunit maaaring napakahirap sa aspektong
politikal, kundi ang gawaing pagbuo, na bagaman maaaring mangyari sa aspektong
lingguwistiko, at imposible sa aspektong sosyolingguwistiko (sa aking palagay) ngunit
maaaring katanggap-tanggap sa intensiyong pang-emosyon at pampolitika.

Ang inyong pangunahing gawain para sa susunod na mga taón, na nakikinita ko, ay
hindi ang ipatupad ang patakarang Bilingguwal na Edukasyon (hayaang ang Kagawaran
ng Edukasyon at Kultura sa pamamagitan ng mga panrehiyong direktor, superintendent,
at superbisor ng Ingles at Pilipino ang gumawa noon) kundi ang magsagawa ng
kinakailangang pananaliksik lingguwistiko upang mabuo ang Filipino, na kung batay sa
umiiral na mga wika sa Filipinas (na umaabot sa hindi kukulangin sa 70-100 at hindi
hihigit sa 300, sang-ayon sa ilang pagtatáya) ay dapat na sistematikong mailarawan sa
kaniláng ponolohiya, leksikon, at sintaksis at maaaring sistematikong maikompara gámit
ang pamamaraang isinapamantayang ginagámit sa lingguwistika: ang komparatibong
paraan ng rekonstruksiyong historiko, internal na rekonstruksiyon, leksiko-istatistiks, at
komparatibong sintaksis gámit ang isang modelo ng proseso (naglalatag ng mga patakaran
ng pormasyon at transpormasyon ng mga pangungusap). Mangyari pa, karamihan ng
gawaing ito ay makikíta sa ibá’t ibáng disertasyong teoretiko at deskriptibo (masteral at
doktorado) dito at sa ibáng bansa, sa Filipinas sa mga sentrong tulad ng Philippine Normal
College, Ateneo de Manila University, Unibersidad ng Filipinas, Unibersidad ng San
Carlos, Central Philippine University, Divine Word University, at Saint Louis University,
gayundin sa mga sentro ng pananaliksik sa mga wikang Austronesian gaya ng makikíta sa
University of Hawaii, Cornell University, at maaaring sa Chicago University.

Nangangailangan ng mahabà-habàng panahon at magiging mahirap na matutuhang


74

mabuti ang materyales na ito. Pagkatapos, ang pagsisikap na makabuo ng isang karaniwang
wikang pambansa mula sa mga elementong ito ay mahirap din bagaman maaari ding
mangyari.

Mula sa pananaw lingguwistiko, ang pagbubuo ng mga tuntunin, bokabularyo, at


deskripsiyon ay maaaring mangyari.

Ang pinag-aalinlanganan ko ay ang posibilidad na magkaroon ng gayong konstrak


na tatanggapin ng mga kasapi ng lipunan. Ang mga lingguwista ay hindi magkakasundo-
sundo kung anong mga katangian ang dapat at hindi dapat isáma, batay sa madalas na
pagtatalo namin sa mga pulong ng Linguistic Society of the Philippines. Sa wika, walang
katapusan ang mga pagpipilian, mga pagpipiliang dulot ng indibidwal na panlasa. At
ang wika ay napakalapít sa tao (napakahalaga sa kaniya tulad ng kaniyang karangalan at
pagpapahalaga at pagkakilála sa sarili) kayâ duda akong makakukuha kayó ng maraming
sasang-ayon sa magiging batayang katangian nitó.

Ang pinakamasamâ pa nitó, kahit na sang-ayunan pa, lubha ko ring pinag-


aalinlanganan kung ang mga kasapi ng komunidad ay may tiyagang matuto ng bagong
wikang ito upang magámit ito, at sa hulí ay mapayabong.

Matagal nang may tagasuporta ang Esperanto—mga apatnapung taón na. May
mga samahán, organisasyon, nasyonal at internasyonal; dinalaw ko ang punòng-himpilan
sa Vienna. Mayroon pa ngang mga taunang pulong at pagtatangkang turuan ang mga batà
ng sinasabing unibersal na wikang ito. Ngunit hanggang sa ngayon, mayroon lámang mga
100,000 panatikong tagasuporta pagkaraan ng apatnapung taón—at ang itinatanong ko,
ilan sa 100,000 na ito ang tunay na natuto ng Esperanto. Sapagkat ako’y isang suskritor
at miyembro ng Esperanto Society, tiyak na nakalista ako bílang isa sa 100,000 ngunit
ni hindi ako makapagsalitâ ng isang pangungusap sa Esperanto. Natatakot akong kung
mabuo ang Filipino, ay bakâ danasin nitó ang nangyari sa Esperanto.

May mga pag-aaral na may wikang hindi gaanong alam, na natutuhan ng mga
táong nagsasalitâ ng kaniláng unang wika, at naging wikang pambansa nilá; ang klasikong
halimbawa ng isang matagumpay na pagkilos para sa diseminasyon ay yaong pinangunahan
ni Yehosue Ben-Yehuda para sa Biblical Hebrew, na naging batayan ng Makabagong
Hebrew. Gayunman, ang Biblical Hebrew ang wika ng pagsamba ng mga nagtatag nitó at
mga unang miyembro ng Estadong Jewish; may tradisyon ng pag-aaral sa dáting isang buháy
na wika; ang mga miyembro ng Estadong Jewish ay mula sa ibá’t ibáng bansa na may kani-
kaniyang katutubong wika at may pangangailangan para sa iisang kodigo upang manatíling
buháy, sapagkat ang estadong Jewish ay nanganganib sa lahat ng dako. Kinailangan nilá ang
Hebrew upang likhain ang kaniláng identidad na kailangan nilá upang mabúhay. Hindi
ko tiyak kung ang mga ganitong kalagayang panlipunan ay mauulit sa Filipinas, kayâ nag-
aalinlangan ako sa kainamang sosyolingguwistiko ng Filipino.

Bahagi ng inyong problema bílang isang akademya ay ang patunayan kung mali o
tama ako ngunit alinman doon, kailangang suriin ang dimensiyong sosyolingguwistiko ng
75

inyong gawaing bumuo ng isang wika at pumilì ng mga elemento at katangian ng mga wika
sa Filipinas.

Ang pagbuo ng Filipino ay nangangailangan ng estandardisadong mga gramatika


(na may ibá’t ibáng uri, karamihan reperensiya at pedagohiya para gamítin sa ibá’t ibáng
antas ng sistema ng edukasyon at ng ibá’t ibáng uri ng guro at estudyante, kabílang ang
mga tigulang, maaaring kahit mga gramatika na magagámit ng midyang pangmadla), mga
diksiyonaryo, mga tanging leksikon para sa intelektuwalisasyon. Pagkatapos ay diseminasyon:
Ang inyong gawain ay ikalat hindi ang Pilipinong batay sa Tagalog kundi ang Filipino
kapag nabuo na ito. Hinggil dito, kapag dumatíng na ang gayong sitwasyon sa hinaharap,
ipinapayo ko sa inyo na huwag na ninyong uulitin ang mga pagkakamali noong nakaraan
na pagwawalang-bahala sa midyang pangmadla. Anumang uri ng pagpapalaganap ng wika
ay maisasagawa nang mahusay, para sa akin, sa pamamagitan ng midyang pangmadla at ng
sistema ng edukasyon, na isinasapriyoridad ang una kaysa hulí.

Pagbubuod at mga Kongklusyon


Samakatwid, para sa susunod na mga taón, ang inyong bagong papel na gagampanan bílang
mga unang kawani ng akademya na itatatag ng Pambansang Asamblea ay ang pagsasagawa
ng saliksik—pagsasaliksik ng mga karaniwang elemento at katangian ng mga wika sa
Filipinas na may pananaw para sa preskripsiyon at kodipikasyon sa pamamagitan ng
paghahanda ng ibá’t ibáng gramatika na kakailanganin para sa diseminasyon at elaborasyon.

Gayunman, bago ang kodipikasyon, dapat ay maging lehitimo at higit sa lahat,


maging katanggap-tanggap para sa inyong anak, ang produkto ng inyong saliksik. At dito,
dapat ninyong tingnan ang mga baryabol at dinamikang panlipunan, ang buong saklaw ng
etnikong identidad, motibasyong panlipunan–sikolohiyang panlipunan—ang pinagsámang
sosyolohiya at lingguwistika na tinatawag nating sosyolingguwistika—upang matiyak ang
inyong produkto, itong Filipino, ay tatanggapin at hindi tatanggihan.

Ngunit upang maisagawa ang malahiganteng gawaing ito ng pananaliksik, dapat


ninyong patunayan ang inyong kredibilidad bílang isang pangkat ng mga intelektuwal sa
pamamagitan ng inyong kakayahan at dedikasyon at sa pamamagitan ng kalidad ng inyong
mga produkto, ng inyong saliksik.

Kung gayon, sa inyo nakasalalay ang responsabilidad ng pagpapalayà sa ating mga


mamamayan at pagtulong na matupad ang kaniláng hangaring magkaroon ng isang wikang
tunay na magpapahayag ng kaluluwang Filipino.

Salin ni Minda Blanca Limbo

[TALA: Salin sa Filipino ng artikulong “The Surian ng Wikang Pambansa in National Language Development”
ni Dr. Andrew Gonzalez na nalathala sa sa Institute of National Language, tomo 1, blg 1, 1977.]
Virgilio S. Almario

MGA MISYON PARA SA KOMISYON


SA WIKANG FILIPINO

NAPAKAHALAGA NG PAGPAPLANONG WIKA ngunit waring nawala ito sa isip


ng nagdaang mga tagapamahala ng Surian ng Wikang Pambansa at hanggang Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF). Mahirap tuloy mabalikan ngayon kung ano ba ang direksiyong
ninais abutin para sa Wikang Pambansa sa loob ng nakaraang mahigit 65 taón. Nang mabuo
ang kasalukuyang Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF nitóng Marso 2013, naging
unang hakbang namin ang pagtawag ng isang seminar upang konsultahin at ganyakin ang
ilang pinilìng alagad ng wika sa pagbuo ng isang Medyo Matagalang Plano (Medium Term
Plan) para sa wikang Filipino. Sagot ang plano sa mga lumitaw na analisis hinggil sa naging
mabagal na pagsusúlong sa Filipino at sa mga posibleng gawin ng KWF upang mabisàng
matupad ang atas ng 1987 Konstitusyon at ng Batas Republika Blg. 7104.

Sa patnubay ng bisyon na—Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran—


inihanda ng Kalupunan ang buong komisyon para sa tatlong taóng masugid na pagkilos
upang pasiglahin ang pagtataguyod sa Wikang Pambansa at ibáng wikang katutubo at
makapagdulot ng pambansang patnubay sa wastong paggámit, pagtuturo, at pagpapahalaga
sa Filipino.

Sa ilalim ng programang Súlong: Dangal ng Filipino, unang naganap ang


reorganisasyon ng KWF. Binago ang komposisyon at tungkulin ng mga sangay upang
umangkop sa mga bagong adhika sa Medyo Matagalang Plano. Nagkaroon ng bagong
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) at Sangay ng mga Literatura at Araling
Kultural (SLAK) samantalang binigyan ng mga tiyak na gawain at proyekto ang Sangay
ng Salita at Gramatika (SSG) at Sangay ng Salin (SS). Sinundan ito ng mga regular na
pag-aaral at palihan upang mapataas ang antas ng kaalaman at kasanayán ng mga kawani.
Nirebisa din ang organisasyon at programa ng mga sangay ng KWF sa mga rehiyon at
lalawigan sa ilalim ng bagong pangalang Sentro ng Wika at Kultura (SWK). Bago matapos
ang 2013, naaprobahan din ang bagong logo ng KWF upang maging sagisag ng nagbagong
misyon ng komisyon para sa sarili at para sa Filipino.

Mula naman sa isang serye ng mga forum at konsultasyon ay nabuo ang Ortograpiyang
Pambansa, na hindi nagluwat ay nadugtungan ng Manwal sa Masinop na Pagsulat.
77

Natapos din ang pagrebisa sa Patnubay sa Korespondensiya Opisyal na siyang pangunahing


instrumento para sa pagpapatupad ng Atas Tagapagpaganap 335 ni Pangulong Corazon C.
Aquino. Samantala, sinimulan ang publikasyon ng jornal na Pandiwa at lathalaang Aklat
ng Bayan, na may kaukulang tulong mula sa National Commission for Culture and the
Arts (NCCA), upang pasiglahin ang saliksik, pagsasalin, at paglalathala ng mga aklat na
makapagpapalaganap ng bagong kaalaman at magtatanghal sa kapasidad ng Filipino bílang
wikang modernisado at intelektuwalisado.

Pambansang Kaisahan
Ang mga aklat at manwal ang naging kasangkapan sa kampanyang Filipino: Wika ng
Pagkakaisa para sa taóng 2014. Adhika ng KWF na maging sagisag ang wikang Filipino
ng diwang maugnayin (inclusive) hinggil sa pangangalaga ng mga wika at kulturang
katutubo samantalang pinauunlad ang Wikang Pambansa bílang modelo ng pagpapaunlad
at pagkakaisa. Sa loob ng kampanyang ito isinagawa ang malawakang seminar hinggil
sa Ortograpiyang Pambansa at Manwal sa Masinop na Pagsulat para sa mga guro at
hinggil sa Patnubay sa Korespondensiya Opisyal para sa mga pinunò at empleado ng mga
ahensiya ng pamahalaan. Naging pangunahing layunin sa mga seminar at workshop ang
estandardisasyon o pagkakaisa sa anyo ng Filipino sa pagsulat. Ang layuning ito ay naging
armonisasyon nang tumulong ang KWF sa pagsasaayos ng mga ortograpiya ng 19 sariling
wika (mother tongues) sa programang MTB-MLE ng DepEd.

Inilunsad din ng KWF ang proyektong Atlas Filipinas na may dalawang sanga.
Ang unang sanga ay nauukol sa pagbuo ng isang bagong mapa ng bansa na nagtataglay
ng kaukulang pagbabago sa ispeling ng mga pook na katutubo ang pangalan alinsunod sa
palabaybayang Filipino. Ikalawang sanga ang pagmamapa sa mga wika ng Filipinas, na
isang saliksik hinggil sa tunay na bílang ng mga katutubong wika at sa sitwasyon ng mga
komunidad na nagsasalitâ ng mga ito. Mahigpit na katulong ng KWF sa proyektong ito
ang DILG at ang NCIP.

Kaugnay ng pangangalaga sa mga wikang katutubo ang idinaos na malaking Summit


sa Wika ng Kapayapaan na dinaluhan ng mga lider ng umaabot sa 100 wikang lumad at
pinagmulan ng kasalukuyang saliksik hinggil sa mga nanganganib na wika, simula sa wikang
Agta. Itinataguyod din ng KWF ang mga taunang proyektong Ambagan at Sawikaan,
bukod sa nagbibigay ng pondo para sa pagsasalin at paglilimbag ng mga bokabularyong
sinulat sa panahon ng Español upang maging saligan sa mga manigong pagsusúlong ng
mga wika ng Filipinas.

Itinuturing na makabuluhang aspekto ng wika ang paggámit nitó sa panitikan. Sa


ngayon, binabalikat ng KWF ang pangangalaga sa mga wika at panitikang katutubo sa
pamamagitan ng sumusunod: (1) kumperensiya ukol sa mga wika at panitikang rehiyonal,
(2) antolohiya ng mga akdang pampanitikan sa katutubong wika na may katapat na salin
sa Filipino, at (3) Timpalak Uswag Darepdep, isang kontest sa pagsulat ng tula at kuwento
para sa mga kabataan at gámit ang kaniláng katutubong wika. Sa kabilâng bandá, may
78

kilos din ang KWF upang palusugin pa ang imahen ng pambansang panitikan. Isa rito ang
Timpalak Salin (Na) na kontest sa pagsasalin at paglilimbag ng mga makasaysayang akda
at dokumento.

Pambansang Kaunlaran
Nagpapatuloy ang kampanyang binuksan noong 2013 at 2014. Ngunit itinuon ng KWF
ang kampanya sa Filipino: Wika ng Kaunlaran nitóng 2015. Kaugnay ng bagong diin,
binago ang islogang Súlong: Dangal ng Filipino tungo sa Uswag: Dangal ng Filipino.
Nangangahulugan ito ng pagpangitain sa isang pinalawak na saklaw ng paggámit sa
wikang Filipino at ang pananalig na ang pag-unlad ng wikang Filipino ay kaagapay kung
hindi man salamin ng pag-unlad ng Filipinas sa ekonomiya at ibáng larangan. Binigyan
ng bagong tuon ngayon ang saliksik pangkultura at pagsasalin, lalo na kaugnay ng higit
na matalik na pakikiisa sa K–12 at sa implementasyon ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013
hinggil sa paglikha ng walong bagong core courses sa kolehiyo.

Dalawang proyekto kaugnay ng saliksik pangkultura ang nasimulan nitóng 2015.


Una, ang Gawad Julian Cruz Balmaseda na nagpaparangal sa pinakamahusay na tesis at
disertasyon ng nakaraang taón at may tuon sa mga pag-aaral na nása ibáng disiplina. Ikalawa,
ang Lekturang Norberto Romualdez na may layuning makaipon ng mga bagong pagtingin
at saliksik sa ibá-ibáng larang sa pamamagitan ng mga lektura ng mga pangunahing
intelektuwal.

Kaugnay nitó ang bagong tuon ng pagsasalin. Idinagdag sa pagsasaling pampanitikan


ang pagsasalin ng mga bantog na akdang banyaga, lalo na upang magámit sa pagtuturo ng
panitikang pandaigdig. Nangampanya din sa mga embahada hinggil sa isang Programa ng
Palítang Salin sa layuning maipakilála ang panitikan ng Filipinas sa ibáng bansa samantalang
ipinakikilála sa mga mambabasáng Filipino ang mga huwarang akdang banyaga. Pinatindi
naman ang gawain ng Sangay ng Salin túngo sa pagsasaling teknikál. Bukod sa mga batas
at regulasyong kailangang isa-Filipino, naghahanda ang sangay ng isang serye ng palihan
para sa pagsasaling teknikal at túngo sa propesyonalisasyon ng hanay ng mga tagasalin.

Katulong ang WIKA, Inc., nagsagawa ang KWF ng isang konsultasyon hinggil sa
kurikulum sa Filipino ng K–12. Ang resulta ng pagsusuri at mga rekomendasyon ay ipinadalá
sa DepEd para sa kaukulang pagsasaalang-alang. Sinundan pa ito ng seminar-workshop
hinggil sa reoryentasyong pampanitikan na isinagawa sa Luzon, Visayas, at Mindanao
upang makabuo ng isang listahan ng mga akdang mairerekomendang gamítin para sa mga
teksbuk sa panitikan ng mga paaralang elementarya at sekundarya. Isang workshop na rin
ang naidaos sa Bacolod para sa mga guro at artist ng rehiyon upang matulungan siláng
sumulat at gumuhit ng mga kuwentong pambatà.

Kaugnay ng pagtuturo sa batayang edukasyon, inaasahang matapos ang isang


bagong Gramatikang Pambansa bago matapos ang 2015. Ipapanukala ng naturang aklat
ang bagong pagtingin sa wikang Filipino bílang bahagi ng mga wikang katutubo. Ilulunsad
79

din ang proyektong Pagtuturo ng Filipino bílang Ikalawang Wika upang higit na maging
epektibo ang pagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog.

Pinakamabigat na misyon ngayon ang Pambansang Programa sa Intelektuwalisasyon


ng Filipino (PPIF) na ipinanukala ng KWF para sa pakikipagtulungan ng CHED.
Nagsimula ito sa inisyatiba ng KWF kasáma ang NCCA, na tumulong sa retooling ng mga
guro sa Filipino na apektado ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013. Sa naturang inisyatiba,
pumili ng apat sa panukalang bagong core courses ang KWF, ipinagpagawa ng silabus at
sangguniang aklat bawat isa, at upang mabigyan ng bagong kaalaman at kasanayan ang
mga guro sa Filipino. Sa isang pulong sa pamunuan ng CHED, nagpahayag ng suporta ang
CHED para sa isang organisadong pagpapasigla ng paggámit ng Filipino sa mga disiplina
at kurso sa antas tersiyarya. Nagresulta ito sa panukalang PPIF na binubuo ng mga kurso,
palihan, at seminar upang maituro ang paggámit ng Filipino lalo na sa pagtuturo ng agham
at matematika, mga insentibo sa mga guro na gaya ng grant para sa gradwadong pag-aaral,
at pagbuo at paglalathala ng mga kailangang materyales panturo.

Wika ng Karunungan
Ang lahat ng mga nabanggit na gawain at proyekto ng KWF ay hindi lámang para sa
pambansang kaisahan at kaunlaran. Higit pa. Sapagkat ang tugatog ng pagpapalaganap
at pag-aangat sa “Dangal ng Filipino” ay ang pagkilála at paggálang dito bílang Wika ng
Karunungan. Na maaari itong gamítin sa anumang uri ng edukasyon ng sinumang Filipino;
na maaari itong kasangkapan ng bayan sa anumang uri ng diskurso at anumang uri ng
usapin sa lahat ng dako ng bansa. Kailangang patunayan para sa lahat na: “Hindi Ingles
lang ang wika ng karunungan” bukod pa sa pagtatanghal na “Hindi wika lang ng mangmang
ang Filipino.”

Hindi naman bago, bagaman sistematiko, ang pamamaraang kinasangkapan


ng KWF upang tupdin ang mga itinakdang misyon sa Medyo Matagalang Plano nitó.
Nangunguna siyempre ang mga serye ng forum, konsultasyon, at seminar na naging daan
upang sa isang bandá ay makakuha ng mga opinyon at mungkahi mula sa mga guro at
alagad ng wika, at upang sa kabilâng bandá ay mapalaganap ang mga binagong tuntunin
at patakarang pangwika. Kasáma ng ganitong mga pagtitipon ang taunang Kongreso sa
Wika upang matalakay at mapag-usapan ng lahat ang mga pangunahing isyu, problema,
at tungkulin para sa wikang Filipino. Ipinaplano ding mabuti kahit ang mga dáting
pagdiriwang, gaya ng Araw ni Balagtas at Buwan ng Wika, upang magtanghal ng ibáng
karanasang edukasyonal at makaahon sa nakababagot na’t nakamihasnan.

Naging malaking tulong ang reorganisasyon ng hanay ng KWF upang maging


epektibong makinaryang pangwika. Halimbawa, ang pagbuo sa SEN upang aktibong harapin
ang networking. Agresibo ang SEN sa paghahanap ng panahon upang makapagsalitâ ang
KWF sa radyo at telebisyon, bukod pa sa regular at buwanang Kapihan sa Wika upang
kausapin ang mga miyembro ng mass media at makatulong ang mga ito sa pagbabalita ng
mga aktibidad ng KWF.
80

Bahagi ng promosyong pangwika ang mga gawad at parangal. Sa ngayon, hinigpitan


ng KWF ang pagbibigay ng dáting parangal, gaya ng Dangal ng Wika at Dangal ni Balagtas,
upang higit na maging prestihiyoso. Idinagdag naman ang gawad na gaya ng pambansang
Gawad Ulirang Guro sa Filipino upang kilalánin ang pagpapakasakit ng mga guro sa
Filipino. Nagiging paraan naman ang pagpilì ng mga Kampeon ng Wika sa pana-panahon
at sa ibá’t ibáng larang at rehiyon upang lumaki ang hanay ng mga tagapagtaguyod ng
Filipino. Napakalaki ng posibilidad ng bagong deklarang Buwan ng Pambansang Panitikan
túngo sa higit na pag-akit ng madla sa halaga ng wika at panitikan ng Filipinas. Ang
totoo, nakasalalay ang tagumpay ng mga misyon ng KWF sa wastong pagpapakilos ng mga
kaalyadong tao, organisasyon, at institusyon.

Sa loob ng nakaraang dalawang taón, sinikap itaguyod ng KWF ang isang organisado
at planadong pagkilos, at dahil organisado at planado ang pagkilos ay natupad nitó ang mga
misyong hindi isinagawa ng mga nakaraang administrasyon. Ngunit napakaikli ng tatlong
taón para matupad ang lahat. Kung sakali, nagsisimula pa lámang ngayon ang KWF at
kailangan pa marahil ang isang bagong set ng pamunuan na magpapatuloy sa sinimulan
ngayon upang maging kaganapan ang atas ng 1987 Konstitusyon. Gayunman, humaharap
ang KWF sa 2016, sa ika-25 anibersaryo nitó, nang may matatag na paninindigan para sa
Filipino bílang wika ng pinagsanib na pambansang Kaisahan, Kaunlaran, at Karunungan.
Maipagmamalaki na ngayon ng sinumang na “Filipino ako, Filipino ang wika ko, Filipinas
ang bansa ko.”

[TALA: Ulat panayam para sa Kongreso ng Pagplanong Wika, 5 Agosto 2015, na ginanap sa Lingayen,
Pangasinan.]
3
Dapat isipin ngayon ang “kultibasyon”
(cultivation) ng Filipino bílang kambal
at magkaagapay na gampanin ng
nasyonalisasyon at ng modernisasyon/
intelektuwalisasyon
Cecilio Lopez

ANG PAGHAHAMBING NANG MANGA WIKAQ


SA PILIPINAS

Mga Daglat at Pasubaliq


Akl Aklan Mal Malay Skt Sanskrit
Apa Apayaw Mar Maranaw Tag Tagalog
Bgb Bagobo Mgd Magindanaw Tao Taosug
Bkl Bikol Nbl Nabaloy B bokal
Btk Bontok Pmp Pampangan K konsonante
Cuy Cuyunon Png Pangasinan
Hil Hiligaynon P-Neg Pinatubo-Negrito
Ibg Ibanag PMP Proto-Malayopolinesiyo
Ilk Iloko Sbl Sambales
Ilt Ilonggot Seb Sebu
Ivt Ivatan S-L Samar-Leyte

ANG MANGA SALITAQ sa “Talaq nang manga salitaq” ay naisusulat sa maluwag na


transkripsiyong ponemika. Sa Btk Cuy Ivt Mar Nbl Png Sbl, ang e ay dapat basahing
“pepet.” Ang malaking L sa Akl “baLay” ay dorso-lateral na prikatiba. Ang ñ sa Ivt “ñipen”
ay palatal-nasal. Ang ch sa Nbl “chanum” ay walantinig na aprikata, at ang malaking I sa
P-Neg “lanIm” ay mataas nang kauntiq ang bigkas kaysa pepet.

Kapag ang hanay nang manga wikaq ay nagsasapol sa Tag at ang manga salitaq
sa ibang wikaq ay singkahulugan nito, ang kahulugan ay sa huling salitaq nang huling
wikaq sumusunod. Kapag walaq nakamang Tag sa hanay nang wikaq at ang mga salitay
magkakasingkahulugan, ang kahulugan ay sa salitaq nang huling wikaq sumusunod. Ang
manga kahulugan ay Tag.

Sa pagqaaral na itoy gumamit ako nang pagbabago sa pagsulat na na:iiba sa


pinagka:ugalian; ang manga itoy maaaring maging paksain nang isang pagpapa:litangkuroq.
Manga halimbawaq. Ang manga at nang ay isinulat ko nang buoq; ang y (pinaikling ay)
at t (pinaikling at) ay isinulat kong kakabit nang sinusundang salitaq, gaya baga nang
83

nang (pinaikling na). Ang q (“glottal stop”) ay siyá kong ipinalit sa tuldik na paiwaq
sapagkat ang ‘glottal stop’ ay isang K at hindiq isang uriq nang diin. Ginamit ko ang q
sa hulihan lamang nang salitaq at hindiq sa unahan o kala:gitnaan nito ma:liban kung
kapalit nang pinagka:ugaliang gitling, halimbawaq sa pagsulat nang salitang may unlaping
nagtatapos sa –g at sinusundan nang salitangqugat na sa pagsulat ay nagsasapol sa B. Sa
inuulit o magkatambal na salitaq ay hindiq ko ginamit ang q. Ngunit sa manga salitang
pinaghahambing dito, sa ponolohiya (1-15b*), ginamit ko ang q sa unahan, kala:gitnaan,
at hulihan sapagkat sa manga salitang itoy pinaghahambing ang bawat tunog sa tunog
sa ibat ibang wikaq, at ang q ay dapat isaalangalang na gaya din nang ibang K. Hindiq
ako gumamit nang tuldik (na maaaring pagmulan nang manga kama:lian sa paglilimbag).
Ginamit ko ang tutuldok (:) sa manga pantig na may likas na habaq ang bigkas gayon din sa
manga unlaping may ganito ring angking bigkas upang mailagan ang hidwang pakahulugan,
halimbawaq, nasusulat : na:susulat, bagamat itoy hindiq ko sinunod sa inuulit na pantig sa
pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon nang manga pandiwaq.

Pambungad
Walang nakatitiyak nang bilang nang manga wikaq sa Pilipinas; tinatayang may manga
pitumpuq hanggang walumpuq, humigit kumulang. Ang paghahambing na ito’y kina:
bibilangan nang manga wikaq buhat sa kahilagaan sa katimugan nang bansaq.

Ang paghahambing nang manga wikaq ay maaaring itakdaq lamang sa ponolohiya,


sa pala:buuan o sa pala:ugnayan kaysaq (at kung iibigin ay maaaring idagdag pa ang
leksikograpiya). Totoo ngaq na ang paghahambing na magkakasama ang ponolohiya,
pala:buuan at pala:ugnayan ay siyáng ganap na uriq nang paghahambing, ngunit itoy sa ilang
pamilya lamang nang manga wikaq na isa:sagawaq.1 Sa tatlong sangay, ang ponolohiya ang
unang na:pagquukulan nang pagqaaral dahil sa kaginhawaan at kada:lian nang pagqiipon
nang manga salitaq.2 Ang maikling pagqaaral na itoy pasimulaq lamang at ma:ituturing
na isang paghahambing na pahapyaw. (Ang sa pala:buuan at pala:ugnayan ay maaaring
isagawaq sa manga darating na panahon.)3

Piniliq ko ang manga labinlimang salitaq lamang upang maging saligan sa


ma:paghahanguan nang paghahambing nang manga tunog at kahulugan. May manga
salitang ang manga tunog at kahulugan ay magkatulad na magkatulad, mayroon namang
nagkaka:iba nang bahagyaq ang manga tunog ngunit ang kahulugan ay magkatulad rin o
na:iiba kayaq nang bahagyaq, at mayroong nagkaka:iba ang manga tunog at kahulugan.
At kung hindiq rin lamang namagitan ang ibang impluwensiya, gaya nang manga salitang
hiram, tabu o analohiya kayaq, ang manga salitang pinaghahambing ay itinuturing na
kognet at ang pinagmulang anyrong proto nang manga itoy maaaring balangkasin.
84

Talaq nang manga salitaq


1 Tag Mgd “bago,” Seb Hil Akl S-L “bagqo,” Bkl “baqgo,” Png “balo,” Pmp
“bayu,” Ibg “bagu,” sbl “bayo,” Btk “falo,” Ivt “bayu, vago,” Cuy “bagoq,” Nbl
“bado” “(bago); Ilk “bago” (bagundating), “baro” (bago; binataq); Apa “bago”
(binataq), “baro” (diq pa natatagalan), “bagbago” (bago); Ilt “bago” (sariwaq);
Tao “bago” (bago; katakataka; kakaiba), “baqgu” (bago; bataq; sariwaq; diq pa
natatagalan); Mar “bago” (bago; hilaw; dilutoq).

2 Tag “bahay,” Seb Hil Ilk S-L Cuy “balay,” Pmp Sbl “bale,” Akl “baLay,” Ibg
“balay, bale,” Mgd “walay, baay,” Ivt “bahay, vahay,” Tao “baay” (bahay); Bkl
“baloy” (bahay), “balayan” (kubo, habong); Png “baley” (baryo); Btk “baqey”
(bahay), “fali” (busloq); Nbl “baley, faley” (bahay; baryo); P-Neg “bali”
(balangkas nang bahay); Mar “walay” (bahay), “mbalay” (gumawaq).

3 Tag “bigas,” Seb Hil S-L Akl Tao “bugas,” Ilk Bkl “bagas,” Png “belas,” Pmp
“abyas,” Ibg “baggaq,” Sbl “buyah,” Apa “baggat,” Btk “fakas,” Cuy “begas,”
Nbl “bekas,” P-Neg “buya” (bigas); Mar “begas” (sinaing).

4 Tag “bili,” Ibg “balli,” Tao “bii” (bili); Png “bili,” Sbl “mabli,” (mahal); Pmp
“abli” (kabayaran sa kalakal na pinamili).

5 Tag Seb Hil Bkl “buhok,” Ilk “buqok,” S-L “bohok,” Png “bwek,” Pmp
“bwak,” Ibg “vuq,” Mgd “buhuk, buk,” Ivt “book, buk,” Btk “book,” Apa
“abok,”4 Tao “buhuk,” Mar “bok” (buhok).

6 Tag Seb Hil Ilk Bkl S-L Png Pmp Ibg Sbl Ivt Nbl Apa Tao Mar “mata”
(mata).

7 Tag “ngipin, qipin,” Seb Hil Bkl S-L Akl “ngipon,” Ilk “ngipen,” Png Sbl
Mar “ngipen,” Pmp “ipan,” Ibg “ngipan,” Ivt “ñipen,” Cuy “ipen,” Tao “ipun”
(ngipin).

8 Tag “qagos,” S-L Png Pmp Mgd Mar “agos,” Ilk “agos, ayos,” Sbl “agoh,” Nbl
“ayus” (agos); Ilt “ayut” (agos; sapaq); Ivt “ayus” (lunas nang ilog); Tao “haus”
(malakas na agos sa lagusang Sibutu kung humihihip ang unos na hilagang-
silangan).

9 (Matandang) Tag “qalog,” Pmp “alog” (bumatis); Ilk Png “alog” (libis; maliit
na kanal na may tubig); Apa “manalog” (lumangoy); Mgd “alug” (libis); Mar
“alug” (libis); “arur” (balsa).

10 Tag “qatip,” Seb Hil Bkl S-L Mgd Tao “atup,” Ibg “atoq,” Png Sbl Cuy
85

Mar “atep,” Pmp Apa “atap,” Btk P-Neg “atip” (bubong laloq na kung pawid
o kugon); Nbl “atip” (sahaq); Ilt “atap” (bubong na pawid o kugon); “atep”
(anoq pa mang uriq nang bubong).

11 Tag “qugat,” Seb Hil Bkl S-L Tao Mar “ugat,” Ilk “urat,” Png Nbl “ulat,”
Pmp Sbl Ivt “uyat,” Ibg “ugaq,” Apa “uhat,” Mgd “ugad” (ugat); Ilt “ulat”
(ugat), “olat” (litid; lastiko).

12 Tag Seb Hil Bkl S-L Akl Sbl “tubos,” Ilk “subbot,” Png “sebet,” Pmp “atbus,”
Ibg “tabbuq, tavvuq,” Ivt “tuvvutan,” Bgb “tubbos” (tubos).

13a Ilk Apa “adda,” Png “wala,” Ibg “uwad,” Bkl “igwa,” Ivt “ara,” Btk “wadaq,
waday, waay,” Ilt “wadey,” Mar “aden” (mayroon).

13b Ilk “awan,” Apa “awan, attan” Ilt “awan, wan” (walaq).

13c Tag Seb Hil “walaq,” Bkl “waraq,” S-L “waraq, waray,” Pmp “alaq,” Ivt
“araya,” Nbl “gwara,” Mgd “ada,” Tao “waay,” Mar “da” (walaq).

14a Ilk Png Pmp Ibg Ivt Btk “danum,” Sbl “lanum,” Nbl “chanum,” P-Neg
“lanIm,” Apa “danon,” Ilt “denom” (tubig).

15a Bkl “banggi,” Pmp “bengi” (gabi).

15b Tag Apa Mgd “gabi,” Seb Akl “gabiqi,” Hil S-L “gabqi,” Ilk “rabii,” Png
“labi,” Ibg “gabi, gavi,” Sbl “yabi,” Btk “lafi,” Cuy “gabiq” (gabi); Nbl “kalbian,
kaabiqi” (kagabi); Mar “gawii” (araw), “magabi” (hapon).

Pagsusuriq
Ang mata ay kilala sa lahat nang wikaq. (6).

Ang B ay nagkaka:ibaiba: Tag Nbl i, Seb Hil Bkl S-L Akl Mgd Tao u (o), Ibg o, Png
Sbl Cuy Mar e, Pmp Apa a, Ilt a, e (10).

Kung ang ibang wikaq ay may –p, itoy nagiging –q sa Ibg (10). Ang ganitong
pagpapalit nang K na walantinig sa hulihan nang salitaq ay kakanyahan nang Ibg (4, 6, 11,
12).

Ang K ay nagkaka:ibaiba sa Tag Seb Hil Ilk Bkl S-L Akl Cuy Tao Mar g, Png
l, Pmp Sbl P-Neg y, Btk Nbl k. Ang K ay g rin sa Ibg Apa ngunit dahil sa bisaq nang
dyeminesiyon, itoy isinusulat nang maka:lawa, na ang ibig ay binibigkas nang mahabaq
(3).5 Ang dyeminesiyon ay umiiral sa kahilagaan nang Luson, kabilang na ang Ilk (12, 13a)
86

at sa Bgb (12).6 Kung ang ibang wikaq ay may magkasunod na bB-, samakatuwid KB-, sa
Pmp ang bB- ay nagkaka:palit at magiging Bb-; itoy kakanyahan nang Pmp (4, 12). Ang
s sa ibang wikay nagiging h sa Sbl sapagkat sa wikaing itoy (Iba) walang tunog na s: kung
bagamat may s ang ilang salitaq sa Sbl, itoy maaaring hiram, malamang sa kalapitwikaq
(12). Ang Btk ay may f (1, 3) na kung minsan ay bariyante nang b, gayon din sa Nbl (2).
Ang k sa Btk Nbl ay ang walantinig na katumbas nang g sa ibang wikaq (3).

Ang ng- sa ibang wikaq ay katumbas sa Ivt nang ñ, isang tunog na sa wikang ito
lamang ginagamit (sa manga wikang ditoy pinaghahambing) (7). Ang manga bariyanteng
nagsasapol sa –ng at –q ay na:ririnig sa manga wikaing Tag (3).

Ang a sa Sbl sa halip na nang hinihintay na e at ang nagka:palit na KB na naging


BK- ay maaaring hiram sa kalapit na Pmp (4). Ang magkasunod na -B11B1- sa ibang
wikaq, alalaong bagay dalawang magkamukhang B na may l sa pagitan at nasa kala:gitnaan
nang salitaq, ay nagiging isang B na lamang na mahabaq ang bigkas (ditoy isinusulat na
dalawang B na magkasunod) sa Tao matapos makaltas ang l; ito’y kakanyahan nang Tao (2,
4, 13c).7

Kung may h sa pagitan nang dalawang magkamukhang B, itoy maaaring maging


q, gaya sa Ilk, o kayay mawalaq, gaya sa Ivt Btk, at ang dalawang B ay nagiging isang B
lamang, gaya sa Ibg Mgd Ivt Mar (5). Ang walantinig na f sa Btk (1, 2 ,3, 15b) ay may
katumbas na maytinig na v sa Ivt (1, 2, 12), na ginagamit din sa Ibg (5, 12, 15b). Matapos
mawalaq ang h sa Png Pmp at ang hinihintay na pagbabago nang B sa Png e, Pmp a, sa
mabilis na pagbigkas ang dadalawahimpantig ay nagiging salitang iisahimpantig lamang,
halimbawaq, Png -ue- Pmp -ua- nagiging ¬-wa- (5). Sa Apa (5) ang KB- ay nagkaka:palit
na BK-, gaya sa Pmp. Ang pagpapalitang itoy nangyayari hindiq lamang sa magkatabing
tunog na K at B kundiq sa dalawang K rin kahit na nasa unahat hulihan nang isang salitaq.
Halimbawaq, ang t- ... -s sa Tag at sa iba pang wikaq, sa Ilk Png ay nagiging ¬s- ... –t (12).
Bukod pa sa pagpapalitang ito, nang dalawang K sa unahat hulihan nang salitaq at ang KB
na nagiging BK-, gaya ng Pmp Apa itong huli, ay may pangyayari ding ang dalawang K
ay nagkaka:palitan sa kala:gitnaan nang salitaq, gaya nang adlaw sa Seb Hil S-L Akl Mgd
Tao na may -dl-, na aldaw sa Ilk Bkl Apa na may -ld-, at sa Pmp aldo (ang diptonggong
-aw- ay naging isang B lamang na -o.) At may pagpapalitan pa rin namang dalawang K
na pinamamagitanan nang isang B, gaya nang gatus “sandaan” sa Seb Hil Bkl S-L Tao,
gatus “sandaang libo” sa Pmp, na may -tus, ngunit gasut sa Ilk, na may -sut. Ang gang-
ganitong uriq nang pagpapalitan nang manga tunog ay laganap sa halos lahat nang wikaq
sa kapuluan.

Ang manga bariyante sa ponolohiyat pala:buuan na may magkakawangis na


kahulugan ay ma:kikita sa manga halimbawang 1, 8, 9, 11, 15b. Ang magkasunod na -gq- sa
Seb Hil S-L Akl ay -gg- naman sa Bkl Tao (1). Ang kontrasteng itoy kitangkita sa manga
wikang Bisayaq sa isang dako at sa Bkl sa kabilaq. Ang manga bariyanteng g, l, r, y, h ay
masasaliksik pa nang ma:sinsinan at maaaring maging saksi sa teoriyang ang manga itoy
naggaling sa mahigit na isang tunog na *R sa wikang proto.8 Ang Bkl banggi at Pmp bengi
87

(15a) ay manga repleks nang doblet sa wikang proto, na diliq ibat *beNih, na kadoblet nang
*Rabih na sa Tag ay gabi, atbp. (15a, b).

Sa mga doblet, ang isay umiiral sa isang pangkat nang manga wikang magkakanugnog
at ang iba naman ay sa ibang pangkat, gaya halimbawaq nang manga doblet sa 13a, c, 14a,
b at 15a, b. Isa pang halimbawaq nang doblet na nagpapatibay sa pagkaka:pangkatpangkat
ay ang Ilk dara, Png dala, Pmp P-Neg daya, Ibg daga, Ivt rayag, Nbl chala, PMP *(dD)
aRah “dugoq” sa dakong kala:gitnaan at kahilagaan nang kapuluan at ang Tag Seb Hil Bkl
S-L Akl Cuy dugoq, Mgd Tao duguq, Mar rogo “dugoq,” PMP *duRuh “lusaw” sa dakong
katimugan naman.

Ang ilang magkakawangis na ponolohiko ay kabaligtaran ang kahulugan kung


minsan (13a, c), at itoy maaaring naging dahilan sa pagsilang nang manga bagong salitaq
upang matugunan ang kabaligtarang kahulugan na na:lipat sa na:kakawangis (13b).

Ang belar na g- (isinatitik na gw-) ay kakanyahan nang Nbl (13c), labiobelar na


na:ririnig din sa Chamorro sa Guam, halimbawaq, gwaha “mayroon.”

Sapagkat ang manga halimbawang inilahad sa itaas ay diq mapasusubalian na


magkakawangis sa ponolohiyat kahulugan, ang manga anyong proto nang manga itoy
maaaring balangkasin. Dapat tandaan na ang binalangkas na anyong proto sa pamamagitan
nang paghahambing nang magkakawangis na salitaq sa manga ‘anak’ na wikaq, ay bilang
isang saligan lamang. Ang binalangkas na anyong proto (na pinagkaugalian nang ititik nang
may isang tila bituin o asterisk sa dakong itaas sa unahan nito) ay di mabibigkas sapagkat itoy
walang realidad na obhetibo. Ang manga anyong PMP nang manga halimbawaq sa talaq
ay ang manga sumusunod: 1*b/ah/aRuh9 (bago); 2 *balay (bahay); 3 *belih (bili); 4 *beNih
(gabi); 5 *beRas (bigas); 6 *buhok (buhik); 7 *(dD)anum (tubig); 8 *haluR (katubigan);
9 *haRus (agos); 10 *hatep (bubong); 11 *(h)ipen (ngipin); 12 *huRat (ugat); 13 *matah
(mata); 14 *Rabih (gabi); 15 *tebus (tubos); 16 *(t)ubiR (kanal na may tubig); 17 *waDah
(mayroon; hindiq).

Sa mga salitang repleks nang anyong proto ay ma:idaragdag ang ilang naturalisado
na buhat sa Skt na ginamit na nang ating manga ninunoq noon pa mang panahong
preistoriko, at sapagkat ang manga salitang itoy bahagi na nang tala:tinigan noon pa man
kayat binalangkas din ang anyong proto nang manga ito. Ilang halimbawaq: Tag baroq,
Ibg bagi, Skt bhagi-, Ngadyu-Dayak (sa Borneo) bagi, PMP *bagih (bahagi); Tag Seb Apa
basa, Sbl baha, Skt bhasa (wikaq), Mal bahasa (wikaq), PMP *bacah (basa); Hil gadyaq,
(Matandang) Tag gadya (elepante), Bkl gadya (aso), Skt gaja (elepante), PMP *gazah
(elepante).

Buhat pa man noong ikapitong siglo ang manga mangangalakal na Insik ay


naghatid na sa ating manga baybayin nang na:pakaraming salitaq nila, lalunlaloq na nang
manga na:uukol sa pagkakamagqanakan at paglulutoq. Ang kabihasnang Islam, noong
manga ikalabinlimang siglo, ay naghatid naman dito, direkto man o hindiq, nang manga
salitang gaya nang manga sumusunod: Tag Seb alam “alam,” Ilk alam “ugaliq,” Bkl alam
88

“kahinhinan,” aram “alam,” Pmp alam “kagandahanloob,” Akl maqalam, Cuy maqelam
“marunong,” Arabe alamin “ang uniberso,” Tag Seb Hil Bkl S-L Png Pmp Akl Sbl Cuy
Apa Ilt salamat “salamat,” Tao salaamat “kapayapaan; kaligtasan”; ginagamit ding katagang
“pagbatiq.” (Hindiq na ako babanggit nang manga salitang hiram sa Kastilat Inggles na
na:pakaramit karapatdapat na pagqukulan nang masusing pagsasaliksik.)

Higit na lalong na:rarapat na banggitin ay ang manga hiram sa manga


kanugnugbansaq. Sa manga itoy magbibigay ako nang dalawang halimbawaq lamang: Tag
dalamhatiq at tanghaliq. Ang PMP *Dalem “loob; lalim’ ay Tag lalim “lalim,” Png Nbl altey,
Pmp ate, Ibg attay, Mgd atay, hatay, Sbl Apa agtay, Btk atey, Ilt agse, Tao atay, hatey, haqti
“atay,” Mar atay “atay”; pusoq’, Mal hati “atay.” Sa pinaghambinghambing na manga salitaq,
ang Mal lamang ang may repleks na dalam at hati.

Ang Tag dalamhatiq ay binubuoq nang dalawang kostituyenteng *dalam at *hatiq


na walang kahulugan ang isat isat at hindiq ginagamit sa Tag nang nangagqiisa kundi
isang salitang aapatimpantig. Ang Pagkaka:bago nang kahulugan ay ma:ipaliliwanag
nang matandang paniniwalaq na ang katapangan ay nasasa “atay” at walaq sa “puso,” diq
gaya nang pangkaraniwang paniniwalaq. Samakatuwid, kung ‘may anumang bagay ang
nasasaloob nang atay’, ang lamanloob na ito ay nababagabag at iniiralan nang ‘matinding
kalungkutan’. Ang –q ay isang pagbabago sa Tag, bunga marahil nang analohiya. (tingnan
ang tanghaliq sa dakong ibabaq.) Ang katumbas nang Tag dalamhatiq sa Mal ay dukatjita, sa
Bahasa Indonesia ay duka, ngunit ginagamit sa Mal ang dalamhati sa pariralang membatja
dalamhati “bumasang pansarili.” Sa Mal pa man, ang manga repleks na dalam at hati na may
kahulugan ang bawat isa, ay nagbabago nang kahulugan kung ginagamit na magkatambal,
dalamhati “pansarili,” kahalintulad nang dalamhatiq sa Tag na ma:ituturing na “pansarili”
rin.

Ang tungkol naman sa Tag tanghaliq: Seb S-L Akl tungaq, Cuy tengaq ‘sentro’, Ibg
tangnga, Mgd tungaq “tanghaliq,” Mal tengah “gitnaq,” PMP *teNah “gitnaq.” Sa PMP ay
may dalawang anyoq, doblet, ang may kahulugang “araw (24 na oras at ang nasa kalawakang
nagbibigay nang liwanag at pinaiinugan nang manga planeta),” at ang manga itoy *waRi
at *ha(n)Daw. Ang unay may repleks sa Tao na ginagamit sa magkatambal na haarii raaya
(haarii “24 na oras”) “piyesta; kapistahang araw,” Mal hari “24 na oras,” at ang pangalawa
naman ay may repleks sa Tag qaraw, Seb Hil S-L Akl Mgd adlaw, Bkl aldaw “24 na oras
at ang nasa kalawakan...,” Ilk aldaw “24 na oras” (“ang nasa kalawakan...” ay init sa Ilk). Sa
Mal “ang nasa kalawakan...” ay matahari (lit. ‘mata nang araw na 24 na oras), Batak mata-
ni-ari, Bali mati-n-ai, Dayak mata-n-andau). Ang pinanghiraman, samakatuwid, nang Tag
tanghaliq ay ang Mal tengah hari (lit. “gitnaq nang araw”), alalaong bagay “tanhaliq.” Ang
PMP *teNah “gitnaq” ay walang repleks sa makabagong Tag bagamat ginamit nina Noceda
at Sanlucar (d. 340) ang tinga “medio tahel de oro, que es el peso de cinco reales de plata,”
na maaaring tanggapin na repleks nang *teNah at alinsunod sa pagbabago nang manga
tunog, ang *e ay naging Tag i at ang *-h ay nakaltas. Gayon pa man, sa pakahulugan nina
Noceda at Sanlucar ay mahirap tanggapin na ang tang- nang tanghaliq sa Tag ay tinga,
unay walang matibay na pagbabatayan sa pagbabago nang manga tunog, ikalaway may
kalayuan ang kahulugan. Walaq ngang na:lalabing paliwanag kundiq ang tanggapin na ang
89

tang- ay buhat sa tengah; sa isang pansamantalang paliwanag, ang masasabi ko lamang ay


ang Mal e ay naging a sa Tag at na:pasama na ang Mal a sa pagkakaltas nang –h. (Ako ay
hindiq gaanong nasisiyahan sa paliwanag na ito, ngunit tanggapin na muna natin hanggang
walang lalong matibay na saligan.)

Karaniwan nang kapag ang Mal ay may r ang Tag naman ay may l, halimbawaq,
Mal arak, Tag galak, Mal djari “daliriq,” Tag daliq “sukat na sinlapad nang daliriq” atbp.,
kayaq ngat ang Mal hari ay naging haliq sa Tag. (Ang –q ay gaya nang –q sa dalamhatiq).
Ang *tang- at *haliq, gaya nang *dalam at *hatiq, ay hindiq ginagamit na nangagqiisa sa
Tag, at ang pariralang tengah hari sa Mal na apat na pantig ay naging tatatluhimpantig na
tanghaliq sa Tag.

Ang manga wikaq sa Pilipinas ay humiram din sa isat isa. (Tingnan ang manga
binaggit na maaaring hiram nang Sbl, 4, 12.) Itoy isang malawak na paksaq, gaya rin
nang manga hiram sa Kastilat Inggles. Kayat isa lamang gamiting halimbawaq ang aking
babanggitin, ang Tag ka:lulwang bengeq. Ang bengeq na sa magkatambal na ito lamang
ginagamit sa Tah ay hiram sa Pmp bengi (15a); ang mataas na i sa Pmp bengi ay na:babaq
sa kala:gitnaang a sa Tag, isang karaniwang pangyayari sa huling pantig nang salitaq o
kayay dahil sa asimilasiyon sa e nang unang pantig, at ang –q ay idinagdag sa Tag, gaya nang
dalamhatiq at tanghaliq.

Manga Talaq
1
Gaya nang manga sumusunod: Brugmann, K. and Delbrueck, B., Grundiss
der vergleichenden Grammatik der indogermanischen Sprachen
(Balangkas nang pinaghambing na balarilaq nang manga wikang Indo-
Germaniko). Strassburg. 1886-1902. Second edition, 1897-1911; Diex,
F., Grammatik der romanischen Sprachen (Balarilaq nang manga wikang
Romanse). Bonn, 1836-44 Fifth edition, 1882; Pedersen, H., Vergleichende
Grammatik der keltischen Sprachen (Pinaghambing na balarilaq nang
manga wikang Seltiko). Goettingen, 1909-13; Brockelmann, C., Semitische
Sprachwissenschaft (Lingguwistikang Semitika). Leipzig, 1906, atbp., at si
Blake sa manga wikaq sa Pilipinas.

2
Nangunguna na rito si Dempwolff sa manga wikang Malayopolinesiyo, si
Bandstetter sa Indonesia at si Conant (1908, 1910, 1912, 1916) sa manga
wikaq sa Pilipinas.

3
Wala pang ma:ituturing na gaanong malawaklawak na pagkakahambing
sa pala:buuan nang manga wikaq sa Pilipinas, ngunit sa pala:ugnayan ay
may nagawaq na si Blake at si Constantino, itong huliy sa makabagong
pamamaraan.
90

4
Sa Talaq ... ang q sa unahan nang salitaq ay sa Tag ko lamang ginamit: hindiq
ko pa tiyak ang sa ibang wikaq.

5
Ang mahabang K na bunga nang dyeminesiyon ay binibigkas nang halos
dalawang habaq nang nagqiisang K. Ang dyeminesiyon at hindiq dapat
ipagka:maliq sa isinusulat na dalawang K rin na mahabaq rin ang bigkas, na
ito ay bunga naman nang asimilasiyon. Halimbawaq, sa Ilk ang pangmarami
nang balasang “dalaga” ay dapat sanang balbalasang kung susundin ang
pala:buuan nang wikang ito. Ngunit dahil sa bisaq nang asimilasiyon, ang l
nang –lb- ay nagiging b rin, kayat ang balbalasang ay naging babbalasang.

6
Ma:idaragdag pa sa Bgb ang gobba “gibaq,” tuggas “tigas” (Conant 1910, dd.
75, 76).

7
Tingnan din ang Mgd (2). Sa Seb. bagamat isinusulat na walaq, na may -l-,
ang karaniwang bigkas ay waaq na may mahabang aa (13c).

8
Tingnan ang Isidore Dyen, ‘Dempolff ’s *R,’ Language 29 (1953) : 359-66.

9
Ang nakukulong nang dalawang hilis na guhit at gitlapiq at ang nang dalawang
panaklong naman ay pansamantala, alalalong bagay diq pa tiyak na balangkas.

Mga Sanggunian
Blake, Frank R. ‘Contributions to a comparative Philippine grammar.’ Part I:
General features, phonology, pronouns, JAOS tomo 27, mp. 317-396, 1906
: Part II: Numerals, JAOS tomo 28, mp 199-253, 1907.
Brandstetter, Renward. Die Lauterscheinungen in den indonesischen Sprachen.
(Ang manga anyoq nang manga tunog sa manga wikang Indonesiyo.)
Luzern, 1915..
Conant, Carlos Everett. ‘ “F” ‘ and “V” in Philippine languages.’ Bureau of
Science Ethnology Publications tomo 5 blg 2, mp. 135-141, 1908.
--------------------. “The RGH law in Philippine languages.’ JAOS tomo 31,
mp. 70-85, 1910.
--------------------. “The pepet law in Philippine languages.’ Anthropos tomo
7, mp. 920-947, 1912.
--------------------. “The RGH law in Philippine languages.’ JAOS tomo 36,
mp. 181-196, 1910.
91

Dempwolff, Otto. Vergleichende Lautlehre des austronosischen Wortschatzer.


(Ang paghahambing nang ponolohiya nang manga salitang Austronesiyo.)
3 tomo. (Beihefte zur Zeitschrift fuer Eingeborenen Sprachen). Hamburg,
1934, 1937, 1938.
Lopez, Cecilio. ‘Origins of Philippine languages.’ Philippine Studies (Beyer
Memorial Issue on the Prehistory of the Philippines) tomo 15, mp. 130-
166, 1967.
-------------------- A comparative Philippine word-list. Ms.
Alfonso O. Santiago

ANG TUNOG GLOTTAL SA PILIPINO


(AT SA IBÁNG PANGUNAHING WIKA SA PILIPINAS)

ANG WIKANG PILIPINO ay may 21 ponema (may kahulugang tunog): 16 sa mga ito
ang ponemang katinig at 5 naman ang ponemang patinig. Ang mga ponemang katinig
ay ang mga sumusunod: /p, t, k, ’, b, d, g, m, n, ŋ s, h, l, r, w, y /. Ang mga ponemang
patinig naman ay ang mga ito: /i, u, e ,o, a /. (Tandaan: ang pinag-uusapan dito ay hindi
palabaybayan o ang mga letrang ginagámit sa pagbabaybay). Ang simbolong nása loob ng
dalawang guhit na pahilis ay kumakatawan sa ponema. Ang sistematiko ang palabaybayan
ng wikang Pilipino kayâ’t ang mga simbolo o letra ay nagkakaroon ng halos isa-sa-isang
pagtutumbasan. Hindi ito katulad ng napakagulong palabaybayan ng Ingles. Mapapansin
na sa mga simbolong ginagámit sa transkripsyon ay dalawa lámang sa mga ito ang naiibá sa
mga letrang ginagámit sa ating palabaybayan—ang mga simbolong / ŋ / at / ’ /.

Ang nabanggit na 21 ponema ay iniayos sa tsart sa ibabâ ayon sa punto at paraan ng


artikulasyon:

Talahanayan 1 Ponemang Katinig

Talahanayan 2 Ponemang Patinig


93

Dalawa ang ponemang Glottal: / ’ / at / h /


Dalawa ang ponemang katinig na tinatawag na glottal ayon sa punto ng artikulasyon
(tingnan ang tsart sa itaas)—ang / ’ / at / h /. Ang / ’ / ay tawagin nating glottal na
pasara at ang / h / naman ay glottal na pahinga. Glottal na pasara sapagkat ang glottis ay
bumubukas sa pagbigkas nitó upang daanan ng hangin kayâ lumilikha ng pahingang tunog.
Tatangkaing talakayin dito ang ponemang glottal na pasara—/ ’ /—papaanong nagkakatulad
at nagkakaibá ang pagbigkas ng ponemang ito sa 8 pangunahing wika sa Filipinas: Tagalog
(o Pilipino), Sebwano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Pampango, at Pangasinan.

Ang / ’ / sa Salitâ
Sa ating kasalukuyang palabaybayan, ang / ’ / ay inirerepresenta sa dalawang paraan:

1. Nakasáma ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng “tuldik” na paiwa ( ` ) kung


nása hulihán ng salitâ. Ang mga salitâng may ganitong tunog sa hulihán
ay ang tinatawag nating mga salitâng malumi o maragsa. Halimbawa:
malumi—bagà, pusò, saganà, talumpatì; maragsa—bagâ, kaliwâ, saliwâ,
dukhâ. (Pansinin na ang tandang pakupya ( ^ ) ay pinagsámang tandang
pahilis ( ´ ) at paiwa ( ` ) kayâ ang kumakatawan sa ponemang / ’ / ay ang
tandang paiwa pa rin.)

2. Inirerepresenta ito ng gitling ( - ) kapag ito’y nása loob ng isang salitâ sa


pagitan ng katinig-patinig. Halimbawa: may-ari, mag-alis, pang-ulo, atbp.
Pansinin na kapag inaalis ang gitling na kumakatawan sa ponemang / ’ /
ay mag-iibá ang kahulugan ng mga salitâ: mayari, magalis, pangulo. Ang
ponemang / ’ / ay hindi natatagpuan sa wikang Ingles. Kayâ nga’t ang
dinig ng isang karaaniwang Americano sa mga salitâng batà, tabâ, pasò ay
batak, tabak, pasok, sapagkat ang dinig niya sa / ’ / ay / k /. (Tingnan ang
tsart ng mga ponema at mapapatunayang malaki ang pagkakahawig ng
dalawang ponemang ito sa paraan ng artikulasyon. Kung sabagay may mga
pagkakataóng mga Filipino man ay napapagpalit ang dalawang ponemang
ito. Kayâ nga ba’t iniiwasan sana ng manunulat na ito ang paggámit ng
salitâng titik, lalo na sa pasalitâ—malaking titik, maliit na titik!)

Nabanggit sa unahan nitó ang mga ponemang / ’ / ay matatagpuan sa gitna


at sa hulihán ng salitâ, bagama’t sa ganitong posisyon ay maituturing na prediktabol o
mahuhulaan sapagkat sa pagbigkas natin ng alinmang ponemang patinig sa Tagalog ay
kasáma na ang gayong tunog. Subalit sa transkripsiyon ay makakabuting irepresenta ang
ponemang ito kahit saang posisyon sapagkat ang transkripsiyon ay hindi para sa mga likás
na Tagalog kundi para sa mga táong nag-aaral pa lámang ng wikang ito. Magkakaroon
ng suliranin sa pagbigkas ang isang mag-aaral kung sa kaniyang unang wika ay binibigkas
ang mga ponemang patinig nang hindi pinangungunahan ng / ’ /. Ang mga sumusunod na
94

pares ng mga salitâ ay nagpapatunay na ang / ’ / ay sadyang ponemika:

Baybay Transkripsiyon
hanay /ha : nay/
anay /’a : nay/
tiyo /tiyoh/
iyo /’iyoh/
laway /la :way/
away /’a: way/

(Pansinin na ginámit dito ang kolon o tutuldok upang magrepresenta o kumatawan sa haba.
Kung minsan ang ginagámit ng ibá ay tuldok. Tungkol sa haba, naniniwala ang manunulat
na ito na sa isang salitâ sa Pilipino, ang pagpapalakas ng bigkas o pagtataas ng tono ay
sumusunod lámang sa pagpapahaba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.)

Sapagkat prediktabol o mahuhulaan ang ponemang / ’ / sa unahan ng salitâ, hindi


na ito nagkakaroon ng anumang representasyon sa palabaybayan sa gayong posisyon.
Prediktabol rin ito sa gitna ng salitâ sa pagitan ng magkatulad o di-magkatulad na patinig.
Halimbawa: paalam /pa’a:lam/, maliit /mali’it/, tao /ta:oh/, noo/no’oh/, bait /ba’it/.

Lumilitaw, samakatwid, na ang ponemang / ’ / ay matatagpuan at ponemika sa


lahat ng posisyon sa isang salitâ sa Pilipino: unahan, gitna, hulihán tulad ng ponemang
/ h /. Dahil dito, masasabi na rin natin na, sa katotohanan, lahat ng salitâ sa Pilipino ay
nagsisimula at nagtatapos sa ponemang katinig. (Tandaang muli na ang pinag-uusapan
dito ay mga ponema at hindi mga letra o ortograpiya). Ang salitâng aso, halimbawa,
bagama’t nagsisimula at nagtatapos sa patinig kapag isinusulat ayon sa ating palabaybayan,
ay nagkakaroon ng ganitong transkripsiyon: /’a:soh/—nagsisimula sa ponemang katinig / ’
/at nagtatapos sa ponemang katinig / h /.

Ang / ’ / sa Pangungusap
Tinatalakay sa itaas ang kalagayan ng ponemang / ’ / sa ibá’t ibáng posisyon sa isang salitâ.
Talakayin naman natin ang nagiging kalagayan nitó kung ito’y nása hulihán ng isang salitâ
at kung ang nasabing salitâ ay nása loob ng pangungusap. Halimbawa:

Hindi pô matabâ si Nanay.


/hindi: pu mataba: si na:nay/

Pansinin ang pagkawala ng ponemang / ’ / sa mga salitâng /hindi’/, /po/, at /mataba’/


at ang pagkakapalit sa lugar nitó sa haba (/ : /). Sa ganitong pagkakataón mapapansin ang
kahinaan ng ating kasalukuyang paraan ng pagtutuldik. Papaano babasáhin ng isang di-
Tagalog ang halimbawang pangungusap na ito? (Hindi pô matabâ si Nanay.)
95

Ang / ’ / sa Ibáng Prinsipal na Wika


Sa mga wika na gawing Bisaya, tulad ng Sebwano, Hiligaynon, at Waray (maipapangkat na
rin dito ang Bikol), ang ponemang / ’ / ay hindi nawawala o inilalaglag kahit ang salitâng
nagtataglay nitó ay maging bahagi ng pangungusap. Pansinin ang sumusunod na mga
halimbawa:

Sebwano
Ikaw ba ang niadò sa amò? “Ikaw ba ang nagpunta sa amin?”
/’ikaw ba ‘ang ni’adtu’ sa ‘a:mu’/

Hiligaynon
Puti ang dakû nga idû. “Puti ang malaki kong aso.”
/puti’ ‘ang daku’ ku nga idu’/

Bikol
Ang akì nag- ulî. “Ang batà ay umuwi.”
/’ang ‘ a:ki’ nag’uli’/

Waray
Damù an dugô nga tinurò. “Marami ang dugong tumulo.”
/da:mu’ ‘an dugu’ nga tinu:ru’/

Samantala, mapapansin naman sa mga wika sa gawing Hilagang Luzon, tulad ng


Pangasinan at Ilokano, na ang ponemang / ’ / ay hindi natatagpuan sa hulihán ng mga salitâ.
Halimbawa:

Tagalog Ilokano Pangasinan


balità /bali:ta’/ /bali:tah/ /bali:tah/
kampanà /kampa:nah’/ /kampa:nah/ /kampa:nah/
pusà /pu:sa’/ /pu:sah/ /pu:sah/

Kung hindi natatagpuan ang ponemang / ’ / sa hulihán ng mga salitâng Ilokano at


Pangasinan, halos mahuhulaan na ng guro na isa ito sa magiging suliranin niya sa kaniyang
pagtuturo ng Pilipino.

Samantala, sa Pampango naman ay nagkakaroon ito ng kapalit na tunog na kahawig


ng ponemang / y /. Halimbawa:

Sinali yang lagari king tindahan. “Binili niya ang lagari sa tindahan.”
/si:nail yang laga:ri king tinda:han/

Ang isa pang kapansin-pansin sa mga Pampango ay ang pagpapalit ng / ’ / sa /


h / sa mga salitâng Tagalog, tulad ng hangin, tahi na binibigkas nilá ng /’a:ngin/, /ta’i/.
Kung susuriing mabuti ang kaniláng ginagawang pagpapalit ng tunog sa ponemang / h
/, mapapansing hindi ito likás na ponemang / ’ / kundi isang uri ng tunog na waring nása
96

pagitan ng / ’ / at / h /.

Paglalagom

Mahalaga para sa isang guro na mauunawaan ang kakanyahan ng ponemang / ’ / hindi lámang
sa Pilipino kundi gayundin sa wika ng pook ng kaniyang pinagtuturuan. Makatutulong sa
kaniya ang ganitong kaalaman sa pagtuturo ng Pilipino bílang pangalawang wika.

Sa isang batàng di-Tagalog na nag-aaral ng Pilipino, matitiyak halos ng guro na ang


batàng ito’y magkakamali sa wastong paggámit ng ponemang / ’ / dahil sa impluwensiya
ng ganito ring tunog sa kaniyang nang wika. Kayâ kung ang suliranin ng batà, halimbawa,
ay ang paglalatag ng / ’ / at pagpapalit pagkatapos ng haba—/ : /—sa lugar nitó (magiging
suliranin ito ng mga batàng ang unang wika ay Sebwano, Hiligaynon, Waray, Bikol,
Pampango) o kayâ ang pagkakabit naman ng ganitong tunog.

Sa hulihán ng mga salitâ (magiging suliranin naman ito ng mga batàng Pangasinan
at Ilokano), hinihingi lámang ng pangangailangan ng mga batà na maghanda ang guro
ng mga angkop na pagsasanay na makatutulong sa madalîng pagkatuto nilá sa wastong
paggámit ng ponemang ito.

Paliwanag: Sinikap ng manunulat na ito na maging payak ang kaniyang pagtalakay


sa paksa. Iniuukol ang artikulong ito sa mga gurong nagsisimula pa lámang magkahilig sa
aghamwika. Dahil sa layuning ito ay makapagpapaumanhin marahil ang mga gurong may
malawak-lawak nang kaalaman sa larangang ito.
Alfonso O. Santiago

ANG PAGHAHAMBING SA DALAWANG WIKA

ANG ARTIKULONG ITO ay sadyang inihanda para sa mga nagtuturo ng Pilipino sa mga
di-Tagalog. Sinikap ng sumulat na maging payak na payak ang paglalahad upang madalîng
maunawaan kahit ng mga gurong hindi pa nakakukuha ng kurso sa Lingguwistika. Dito’y
tinatalakay kung ano ang kahulugan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika at kung
paano makakatulong ito sa isang guro ng Pilipino upang maging mabisà ang kaniyang
pagtuturo. Inilalahad dito ang payak na paraan ng paghahambing sa dalawang wika.

Pagtuturo ng mga Pilipino sa mga Di-Tagalog


Isang guro ang magtuturo ng Pilipino sa mga batàng di- Tagalog. Ang gurong ito ay
maaaring isang taal na Tagalog. Ang kaniyang pagsasalitâ ay isang mabuting huwaran.
Maaari rin namang ang gurong ito ay hindi taal na Tagalog. Tagaroon siyá sa pook na iyon
kayâ alam na alam niya ang wika ng pook. Maayos na rin naman ang kaniyang pagsasalitâ ng
Pilipino. Ano pa kayâ ang dahilan upang siyá’y hindi magtagumpay sa kaniyang pagtuturo
ng Pilipino?

Isa sa mga pangunahing prinsipyo sa mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo


ng pangalawang wika ay ito: Kailangang ang pagtuturo ng guro ay masalig sa isinagawang
pahambing na pagsusuri sa unang wika ng mga batàng kaniyang tinuturuan at ng Pilipinong
kaniyang itinuturo bílang pangalawang wika.

Alinmang dalawang wika, gaya ng pagkakaalam natin, ay maraming mga


pagkakatulad—sa mga ponema, sa mga salitâ at pagbubuo ng mga ito, sa pag-uugnay- ugnay
ng mga salitâ, atbp. Ngunit tiyak na may pagkakaibá ang dalawang wikang ito. Maaaring
may ponema sa Pilipino na wala sa unang wika ng mga mag-aaral o ang kabaligtaran nitó.

Halimbawa: Sa Pilipino ay may ponemang patinig na / e / at / o / na wala sa


Ilokano. Bagama’t sa ortograpiya o sistema ng pagsulat ng mga Ilokano ay gumagámit ng
mga titik na “e” at “ o,” ang mga ito ay hindi nagrerepresenta ng ponemang / e / at / o /
kundi ng / i / at / u /. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:
98

Pilipino Ilokano Baybay


/ o/
/lo : ko/ /lu : ku/ loko
/bo : mba/ /bu : mba/ bomba
/e/
/tse : ke/ /tsi : ki/ tseke
/be : rde/ /bi : rdi/ berde

Hindi na kailangan pang matutuhan ng guro ng Pilipino ang wika ng pook na


kaniyang pinagtuturuan. Ibá ang pag-aaral kaysa pagsusuri. Ang kailangan niya ay
pagsusuri sa wika ng pook at hindi pag-aaral makapagsalitâ nitó, bagama’t lalong mabuti
kung matututo siyáng magsalitâ nitó.

Ngunit masusuri ba ng isang guro ng Pilipino ang wika ng pook kahit hindi siyá
marunong magsalitâ ng wikang ito? Maaari. At ito ang ating tatalakayin ngayon sa isang
payak na pamamaraan—ang pagsusuri nang pahambing sa dalawang wika: wika ng pook
at ng Pilipino.

Sa payak na katuturan, ang paghahambing sa dalawang wika ay tumutukoy sa pag-


alam sa pagkakatulad at pagkakaibá ng dalawang wika. Ang pagsusuring tulad nitó ay
tumutukoy lámang sa wikang binibigkas at hindi sa ortograpiya nitó.

Kung pag-aagapayanin natin ang dalawang wikang sinusuri at subuking pagtapat-


tapatin ang mga ponema ng mga ito, mapapansing bagamat maraming ponemang
nagkakatulad sa dalawang wika, mayroon din namang nagkakaibá. Halimbawa:

Wika ng pook Pilipino

1 1
2 2
3 3
4
5

Kung ang mga ponema, halimbawa, ng Pilipino ay 1, 2, 3, at 5 at ang wika naman


ng pook ay 1, 2, 3, at 4, madalî nating maibibigay ang mga sumusunod na palagay:

1. NA ang mga mag-aaral ay hindi magkakaroon ng suliranin sa mga ponemang


1, 2, at 3;
2. Na silá’y magkaroon ng suliranin sa pag-aaral ng ponemang 5 sapagkat ito’y
walang katulad sa mga ponema ng kaniláng wika;
3. Na malamang na magkaroon din silá ng suliranin sa ponemang 4 sapagkat
ito’y nása “dila” na nilá, samakatwid ay dala-dala nilá sa pag-aaral ng Pilipino.

Ang halimbawa sa itaas ay payak na payak bagaman sa katotohanan, ang pagsusuri


sa wika, lalo na ang mga isinasagawa ng mga “linguist” o dalubwika, ay higit na masalimuot.
99

Ngunit dapat linawin dito na ang isang guro ng Pilipino ay hindi na kailangang maging
isang paham sa wika upang makapagsagawa ng pahambing na pagsusuri upang lalong
maging mabisà ang kaniyang pagtuturo ng Pilipino bílang pangalawang wika.

Ang pahambing sa pagsusuri sa dalawang wika, wika ng pook at Pilipino, ay


maaaring isagawa ng isang guro pagdatíng niya sa pook na kaniyang pagtuturuan o bago
magsimula ang aralang taon. Higit na mabuti kung makapagsasaliksik siyá sa mga naisagawa
nang pagsusuri (kung mayroon) ng mga dalubwika tungkol sa wika ng pook. Sa gayon ay
mahuhulaan na niya kaagad kung saan-saang bahagi ng Pilipino mahihirapan ang mga
batà sa pag-aaral nitó, na dapat niyang bigyang-diin sa kaniyang gagawing pagtuturo.

Maaari rin namang magsagawa ng pagsusuri ang isang guro hábang siyá’y nagtuturo.
Kung sa kaniyang pagtuturo ay makapansin siyá ng mga karaniwang mali ng mga batà, ang
una niyang dapat alamin ay kung bakit nagkakamali nang gayon ang mga bata. Alamin
niya kung ang mga pagkakamaling yaon ay dahil sa impluwensiya ng unang wika ng mga
bata. Pag-aralan niya kung bakit nagkakagayon. At pagkatapos niyang matiyak ang dahilan,
maipaplano niya ang kaniyang gagawing pagtuturo sa sumusunod na mga araw upang
bigyang-diin sa pagtuturo ang mga bahaging nagdudulot ng suliranin sa mga batà.

Upang hindi maging masalimuot ang pag-aaral, maaaring hatiin ang wikang sinusuri
sa tatlong lawak: palatunugan (ponolohiya), palabuuan (morpolohiya), at palaugnayan
(sintaksis). Maaari ring gawing hati ang mga sumusunod: palatunugan, talasalitaan,
palaugnayan. Ngunit ang dapat linawin dito ay ang katotohanang kahit magkahiwalay na
tinatalakay ang bawat lawak, sa aktuwal na pagsasalitâ, ang mga ito ay sáma-sáma at sabay-
sabay na ginagámit ng isang nagsasalitâ. Isa pa, may ibá pang kakanyahan o katangian ang
wika na kailangang maunawaan ng guro tulad ng po, ho, opo, ay tatak ng kultura ng mga
táong nagsasalitâ ng Tagalog. Karamihan ng mga wika sa kapuluan ay hindi gumagámit ng
ganitong mga salitâ ng paggalang.

Sa artikulong ito ay binibigyang-diin lámang ang tatlong lawak: palatanungan,


palabuuan, at palaugnayan.

Palatunugan. Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng mga katangian o kakanyahan ng mga


tunog, may kahulugan o wala, sa isang wika. Sa pag-aaral ng palatunugan ng Pilipino at
Pangasinan, halimbawa, ay matutuklasang:

1. May mga ponema sa Pangasinan na wala sa Pilipino;


2. May mga ponema sa Pilipino na wala sa Pangasinan; at
3. Higit na marami ang mga ponema sa Pilipino kaysa Pangasinan.

Ang halimbawa ng bílang 1 ay ang ponemang / a / sa Pangasinan na wala sa Tagalog.


Mapatutunayang ang tunog na ito ay isang ponema sa Pangasinan sa pamamagitan,
halimbawa, ng mga sumusunod na set o pares ng mga salitâ:

/saksak/ (stab)
100

/suksuk/ (insert)
/siksik/ (loaded to capacity)
/saksak/ (scales)

Ang maibibigay na halimbawa rito ay ang ponemang /o / at / e / sa Filipinas na
wala sa Pangasinan. Halimbaawa:

Tagalog Pangasinan

/lo : bo/ /lu : bu/ (balloon)


/go : ma/ /gu : ma/ (rubber)
/be : rde/ /bi :rdi/ (green)
/se : ksi/ /si : ksi/ (sexy)

Sapagkat may mga ponema sa Pilipino na wala sa Pangasinan at may mga


ponema din naman sa Pangasinan na wala sa Pilipino, halos nakatitiyak ang guro na dito
magkakaroon ng suliranin ang mga batàng Pangasinan sa pag-aaral ng Pilipino. Ang mga
ponema sa Pangasinan na wala sa Pilipino ay tiyak na dala-dala ng mga batà sa pag-aaral ng
Pilipino. Gayundin, mahihirapan silá sa pagbigkas ng mga ponema sa Pilipino na wala sa
Pangasinan. Kalimitan, ang isang ponema sa Pilipino na wala sa Pangasinan ay papalitan ng
mga batà ng ibáng kahawig na ponema sa kaniláng wika. Halimbawa, ang salitâng téla ay
karaniwang magiging tíla; ang babaeng Móra ay magiging babaing múra, atbp. Sa kabilâng
dáko naman, kung hindi magkakaroon ng pagbabawas, halimbawa: ang batà (child) ay
magiging batá (bathrobe), ang baga (lung) ay magiging baga (live ember), atbp.

Palabunuan. Morpolohiya ang tawag sa pag-aaral sa kayarian o sistema ng paglalapi sa


mga salitâ. Bawat wika ay may sariling paraan ng paglalapi o pagkakabit- kabit ng mga
morpema.

Halimbawa: Maaaring ang dalawang wikang sinusuri nang pahambing ay kapuwa


gumagámit ng unlapi, gitlapi, at hulapi o kayâ kapuwa nag-uulit ngunit may pagkakaibá sa
paraan ng pagkakabit-kabit ng mga morpema.

Tingnan ang sumusunod na paghahambing sa paraan ng pagbabanghay sa Pilipino


at Ilokano. Gamítin natin ang mga pandiwang ginagámit nang magkakahulugan sa
dalawang wikang ito upang madalîng makíta ang pagkakatulad at pagkakaibá:

Pilipino Ilokano

Pangkasaukuyan:
naglalaba aglablaba
naglalampaso aglamlampaso
nagluluto aglutluto
101

Pangnakaraan:
naglaba naglaba
naglampaso naglampaso
nagluto nagluto

Panghinaharap:
maglalaba aglaba
maglalampaso aglampaso
magluluto agluto

Sa banghay pangnakaraan ay walang magiging suliranin. Ngunit sa pangkasalukuyan


ay agad mapapansin ang magkaibáng paraan ng pag-uulit sa bahagi ng salitâng-ugat. Sa
Pilipino, ang inuulit lámang sa mga salitâng “laba,” “lampaso,” at “luto” ay ang unang katinig-
patinig, samantalang sa Ilokano ay ang unang katinig-patinig-katinig. Sa panghinaharap
naman ay mapapansing hindi nag-uulit ng anumang bahagi ng salitâng-ugat. Dahil dito’y
mahuhulaan natin kung saan-saan magkakamali ang mga batà sa pagbabanghay sa mga
salitâng ganito sa Pilipino:

Pangkasalukuyan: Maaaring maging mali:

Naglalaba si Rosa. Naglablaba si Rosa.


Naglalampaso si Ana. Naglamlampaso si Ana.
Nagluluto ang Nanay. Naglutluto ang Nanay.

Panghinaharap: Maaaring maging mali:

Maglalaba si Rosa. Maglaba si Rosa


Maglalampaso si Ana. Maglampaso si Ana.
Magluluto ang Nanay. Magluto ang Nanay.

Totoong di-iilang guro ang kahit hindi pa nakakukuha ng kurso sa lingguwistika o


sa pagtuturo ng Pilipino bílang pangalawang wika ay nagsasagawa na ng ganitong simpleng
mga pagsusuri. Ngunit ito’y simula lámang at lalong magiging mabuti kung magpapatuloy
ang mga gurong ito sa lalo pang malawak ngunit makaagham na pamamaraan sa
paghahambing ng una at pangalawang wika ng mga mag-aaral na kaniláng tinuturuan.

Palaugnayan. Sintaksis ang tawag sa pag-aaral sa balangkas o pagkakaugnay-ugnay ng


lipon ng mga salitâ. Gamítin nating halimbawa rito ang wikang sa Sebwano. Subuking
bigyan ng diksiyonaryong Sebwano-Pilipino ang isang batàng mag-aaral na hindi pa
gaanong nakapagsasalitâ sa Pilipino. Kung walang diksiyonaryo ay igawa siyá ng talaan
ng mga salitâng gagamítin niya sa ipakikitang larawan—halimbawa ay larawan ng isang
batàng naglalaro. Pagkatapos ay pagbigayin ng pangungusap tungkol salarawan. Halos
nakatitiyak ang guro na ang balangkas ng pangungusap na ibibigay ng batà ay Sebwano!
102

Mapatutunayan lámang dito ang nagiging impluwensiya ng unang wika sa pag-aaral ng


pangalawang wika.

Kung ang ibibigay na pangungusap ng batà ay “Naglalaro ang batà,” walang


makikítang suliranin dito. Ngunit kapag ang ibinibigay na pangungusap ay “Ang batà
naglalaro,” malinaw na makikíta ng guro ang suliranin ng bata—ang paggámit ng panandang
ay na wala sa Sebwano kapag nauuna ang simuno.

Ang isa pang maibibigay na halimbawa sa mga suliranin ng mga batàng Sebwano sa
pag-aaral ng Pilipino ay ang wastong paggámit ng -um dahil marahil sa mga sumusunod:
(1) walang panlaping ganito sa kaniláng wika, (2) walang malinaw na alituntunin sa Pilipino
tungkol sa wastong gámit ng panlaping ito, kayâ ang batà ay medyo nalilito. Kung minsan
ang mga pandiwang dapat gamítan ng -um ay ginagamítan ng mag- o ang kabaligtaran
nitó. Halimbawa:

Magkain na tayo.
Si G. Santos ang tumuturo sa amin.

Paglalagom
Ang Pilipino ay pangalawang wika ng mga di-Tagalog. Ngunit ang Pilipino bílang
pangalawang wika, ay hindi kasinghirap iturong tulad ng Ingles sapagkat ito’y malaki ang
pagkakahawig sa ibá’t ibáng wika sa Kapuluan—sa palatunugan, talasalitaan, atbp.

Lalong magiging mabisà ang pagtuturo ng Plipino kung isaalang-alang ng guro ng unang
wika o wikang kinagisnan ng mga mag-aaral, kung ang kaniyang gagawing pagtuturo ay
batay sa kinalabasan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika—wika ng pook at ng
Pilipino.
Fermina G. Gatal

ISANG PAHAMBING NA PAGSUSURI SA MGA


PONEMANG SEGMENTAL NG PILIPINO AT IBANAG

KAALINSABAY NG MGA PAGBABAGO sa kapaligiran ang tandisang pagsasakatuparan


ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa, ang Pilipino, at ang paggámit nitó bílang
wikang panturo sa mababang paaralan. Nagsimula ang paglinang sa isang wikang
pambansa noong taóng 1935 bílang pag-alinsunod sa itinagubilin sa Saligang-batas na
naglalayong mapadalî ang pakikipaghatirang-diwa sa pamamagitan ng kaisahan sa wika.
Batay dito’y inirekomenda ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1937 at napagtibay
naman ang Tagalog ang maging batayan ng wika ng ating bansa (alinsunod sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 137). Nabigyan ng ibayong diin ang paglinang sa wikang pambansa
nang ipatupad ang kautusang pangdiwa noong 1940.

Ang wikang Pilipino ay Tagalog na pinayaman ng mga subok at kinikilálang


hiram na salitâ mula sa ibá’t ibáng wikain sa buong kapuluan, mula sa Castilla, Ingles,
Chino, Griego, Latin, at ibá pang mga likha at binagong salitâ na nagkaroon ng ibá’t ibáng
kaantasan ng tagumpay ayon sa naging gámit ng mga tao. Bagama’t maraming naging
sagwil, tulad ng kakulangan ng mga aklat at patnubay at pagwawalang-bahala ng maraming
guro at mamayan, ang wikang Pilipino ay patuloy pa ring humanap ng puwang upang ito’y
mapalapit sa puso’t damdamin ng bawat mag-aaral.

Noong 1957, bílang pagpapatupad sa Batas Republika 1124 at sa Binagong


Palatuntunan ng Edukasyon, ay itinagubilin ang paggámit ng Pilipino bílang isang
asignatura mula sa Baitang 1, pataas. Naging puspusan, mula noon, ang ginagawang mga
hakbang túngo sa ikauunlad ng wika. Pinagtagisang-diwa at pinag-ubusan ng matalinong
pagpapasiya ng Lupon ng Pambansang Edukasyon noong 1963 na gamítin ang Pilipino
bílang wikang panturo sa Baitang 1 sa mga purok na di-Tagalog at sa Baitang 2 sa mga
purok na Tagalog simula sa taóng pampaaralan 1970–1971 at patuloy itong gagamítin
hanggang sa Baitang 4 sa taóng 1973–74.

Ang pasiyang ito ng Lupon ay pinag-ukulan ng sukdulang diin at tangkilik ng


itinalagang pangkat pangkurikulum. Naglunsad ito ng apat na taóng masinsinang
pagsasanay ng mga guro sa Pilipino at paghahanda ng mga kagamitan pangkurikulum sa
bawat baitang.
104

Kaugnay ng kasalukuyang kalakaran sa pagpapatupad ng paggámit ng Pilipino


bílang wikang panturo, makabuluhang bigyan ng kaukulang pansin ang pagkakahawig at
pagkakaibá ng mga wikain at ng wikang pambansa túngo sa kaisahan ng wika. Ang payak na
payak na pag-aaral na ito, ang pahambing na pagsusuri sa Pilipino at Ibanag , ay maaaring
makapagpasigla sa mga palaaral upang gumawa ng ibá pang mga pag-aaral at pananaliksik
sa ibá’t ibáng diyalekto túngo sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng pambansang wika at
upang ito’y mabisàng maituro sa mga di-Tagalog.

Sa pag-aaral na ito ay tinangkang paghambingin ng mananaliksik ang mga


ponemang segmental ng Pilipino at Ibanag sa layuning matagpuan ang pagkakatulad-
tulad at pagkakaibá-ibá ng mga ito. Ang naging resulta ng pag-aaral ang siyang naging
batayan ng mananaliksik sa pagmumungkahi ng mga kaukulang lunas sa mga suliraning
kinakaharap ng mga mag-aaral sa Lallo, Cagayan, sa kaniláng pag-aaral sa Pilipino.

Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga guro ng wika upang maunawaan
ang katangian ng Pilipino bílang pangalawang wika. Makabuluhan din ito upang maging
sanggunian sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo na napapanahon at angkop
sa purok ng Lallo.

Ang mga suliraning tinalakay ay ang sumusunod:

1. Alin-alin sa mga ponemang segmental ng Pilipino at Ibanag ang


magkakatulad?
2. Alin-alin sa mga ponemang segmental ng Pilipino at Ibanag ang magkakaibá?
3. Ano-ano ang magiging kamalian ng isang mag-aaral na Ibanag sa kaniyang
pag-aaral ng Pilipino?
4. Anong pamaraan ang mabuting gamítin sa pagtuturo ng Pilipino sa mga
mag-aaral na Ibanag?

Ang naging pagpapalagay sa likod ng ganitong uri ng paghahambing ay ito: Kapag


ang mga ponema sa katutubong wika ng mga mag-aaral at ang mga kayarian at pamamahagi
ay katulad ng Pilipino, ito’y hindi magiging suliranin sa pagtuturo ng wika. Sa kabilâng
dako, ang mga ponema na kaibá sa Pilipino ay magdudulot ng suliranin.

Pagbibigay-kahululugan sa mga Datos


Ang Ibanag ay may 25 ponemang segmental. Ang mga ito ay binubuo ng 20
ponemang katinig at 5 ponemang patinig. Ang mga ito ay ang mga susmusunod:

Mga ponemang katining: / p, b, t, k, g, ’, c, f, v, h, s, z, l, m, n, ng, w, r, y/


Mga ponemang patinig: /i, e, a, o, u/
105

Matutunghayan sa tsart sa ibabâ ang nasabing mga ponemang katinig:

Talahanayan 1 Mga Ponemang Katinig ng Ibanag

Mga Ponemang Katinig


/ p / - Walang boses na bilabyal istap. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal
ng salitâ. Hindi ito makikíta sa posisyong pinal. Halimbawa: /plu.ma/ (pluma); /’apan/
(kunin)

/ t / - Walang boses na dental istap. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal ng
salitâ. Halimbawa: / tuggi/ (tugi); /bituin/ (bituin)

/ k / - Walang boses na belar istap. Ito ay nása posisyong inisyal, midyal at pinal ng salitâ.
Halimbawa: /kami/ (kami); /dakal/ (malaki); /vuki/ (bundok)

/ ’ / - Walang boses na glottal istap. Ito ay maaaring nása unahán, midyal, at hulihán ng
patinig. Halimbawa: /’aya’/ (pag-ibig); /ke’annungan/ (maging bagay)

/ b / - May boses na bilabyal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal ng salitâ.
Halimbawa: /bituin/ (bituin); /be. bay/ (dagat)

/ d / -May boses na dental istap. Ito ay maaaring nása posisiyong inisyal ng salitâ. Halimbawa:
/dagun/ (taón)

/ g / - May boses na belar istap. Ito ay maaaring nása posisiyong inisyal at midyal ng salitâ.
Halimbawa: /gafu/ (simula); /la.gum/ (loob)
106

/ c / - Walang boses na albyopalatal na aprikante. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at


midyal ng salitâ. Halimbawa: /ch. Nda/ (tinda); /rigacha/ (tawad)

/ f / - Walang boses na labyo-dental na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at


midyal ng salitâ. Halimbawa: /futu/ (puso); /’afi/ (ilaw)

/ h / - Walang boses na glotal na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal.
Halimbawa: (Mga salitâng hiram sa Castilla) /hi.nmo/ (hinmo); /ahe.nte/ (ahente)

/ v / - May boses na labyo-dental na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong midyal ng


salitâ. Halimbawa: /ka.vu’/ (kapos)

/ s / - Walang boses na abyolar na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at


midyal lámang. Halimbawa: /sitta/ (kita)

/ z / - May boses na abloyar na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal lámang.
Halimbawa: /zitta/ (dirt)

/ l / - May boses na abyolar na lateral. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at
pinal ng salitâ. Halimbawa: /lwa/ (luha); /’ali’/ (lipat); /dappal/ (tapal)

/ m / - May boses na bilabyal na nasal. Ito ay maaaring nása posisiyong inisyal, midyal, at
pinal na salitâ. Halimbawa: /meddu’/ (mahal); /nga.min/ (lahat); /ngem/ (ngunit)

/ n / - May boses na albyolar na nasal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at
pinal ng salitâ. Halimbawa: /nira/ (kanilá); /ya.na/ (ina) /davvun/ (lupa)

/ r / - May boses na albyolar tril. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at pinal ng
salitâ. Halimbawa: /rigacha/ (tawad); /ira/ (sila); /lugar/ (lugar)

/ w / - May boses na malapantig na bilabyal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal,
at pinal ng salitâ. Halimbawa: /mawa.wan/ (mawala); /aggaw/ (araw)

/ y / - May boses na abyo-palatal na malapatinig. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal,


midyal, at pinal. Halimbawa: /ya.ma/ (tatay); /yo.ye/ (ito); /ka.kay/ (ingkong)

/ ŋ / - May boses na belar nasal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at pinal ng
salitâ. Halimbawa: /yem/ (ngunit); /’ina.ngol’/ (hininga); /annun/ (tungkulin)


Mga Heminato sa Ibanag
Heminato ang tawag sa mga kambal-katinig na binibigkas nang waring isang ponema. Ang
ganitong tunog ay maituturing na prominente sa Ibanag, tunog na matatagpuan lámang sa
posisyong midyal ng salitâ. Pansinin ang sumusunod na mga pares minimal:
107

/p/ /apa/ kunin


/pp/ /appan/ pain
/t/ /lutu/ lingos
/tt/ /luttu/ tugi
/k/ /ba.ka/ baka
/kk/ /bakka/ labangan ng baboy
/b/ /babay/ babae
/bb/ /babbay/ mga babae
/d/ /adan/ Adan
/dd/ /addan/ hagdan
/g/ /’aga’/ hanguin (alisin sa pagkakasalang sa apoy)
/g/ /’aga’/ butil
/f/ /’afu’/ apo
/ff/ /’affu’/ panalunan
/v/ /ka.vu’/ kapos
/vv/ /’avvu’/ abo
/s/ /asin/ asin
/ss/ /assi’/ tutong
/z/ /ziga’/ hirap (wala sa posisyong midyal)
/zz/ /kazzing/ kambing
/l/ /’ali/ lumipat (ng lugar)
/ll/ /alli’/ mabantot
/m/ /’a.mu/ amo
/mm/ /’ammu/ alam
/n/ /anung/ Anung (palayaw)
/nn/ /annung/ tungkulin
/r/ /gari’/ stayp o raya
/rr/ /garri’/ guhit (ng matalim na bagay)

Mga Ponemang Patinig


May limang ponemang patinig ang Ibanag. Tingnan ang tsart sa ibabâ:

Talahanayan 2 Mga Ponemang Patinig ng Ibanag


108

/ i / - May boses, mataas, harap, at di-bilog. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal,
at pinal. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog na glotal istap.
Halimbawa: /’ina . ngo’/ (hininga); /kazzing/ (kambing); /wagi/ (kapatid)

/o / - May boses, gitna, harap, at di-bilog. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal,
at pinal ng salitâ. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog ng
glottal istap. Halimbawa: /egga/ (mayroon); /ngem/ (ngunit); /kulle’ / (sigaw)

/a / - May boses, mababà, bukás na sentral at di-bilog. Ito ay maaaring nása posisyong
inisyal, midyal, at pinal ng salitâ. Kapg ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito
ng tunog na glottal istap. Halimbawa: /’ata.wa/ (asawa); /lagum/ (loob); /’ira/ (sila);

/ e / - May boses, gitna, harap, at di-bilog. Ito ay nása posisyong inisyal, midyal, at pinal
ng salitâ. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog glottal istap.
Halimbawa: /’olu/ (una); /uvovuk/ (salitâ); /’uto’/ (utak);

/u/ - May boses, mataas, likod, at bilog. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at
pinal ng salitâ. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog na glotal
istap. Halimbawa: /’uru/ (gamot); /tulu/ (sulo); /’arayyu/ (malayo).

Mga pantig
1. Ang mga pantig sa Ibanag ay binubuo ng mga sumusunod:

Katinig-Patinig (KP) -/mu/ (ikaw)


KPK- /fun/ (puno)
KKP-/sastri/ (sastre)
KKPK- /allampran/ (ilawan)

2. Walang dalawang patinig na magkasunod sa isang salitâng-ugat.

3. Matatagpuan ang mga katinig sa mga sumusunod na posisyon:

Inisyal - lahat ng mga katinig


Midyal - lahat ng mga katinig
Pinal - lahat ng mga katinig maliban sa /p, t, g, f, h, v, z/

4. Ang mga diptonggong /ay/ at /aw/ ay matatagpuan sa Ibanag sa posisyong


pinal ng salitâ. Halimbawa:

/babay/ (babae)
/aggaw/ (araw)
109

5. Matatagpuan ang sumusunod na mga klaster sa posisyong inisyal ng mga


salitâ: /tr, fr. br, gr, pl, pr, kl, bl, gl/. Ang mga salitâng may ganitong klaster
ay mga salitâng hiram. Halimbawa:

/trak/ (trak)
/fri.tu/ (prito)
/gru.po/ (grupo)
/bra.so/ (braso)
/plu.ma/ (pluma)
/pre.no/ (preno)
/kle.riko/ (kleriko)
/blusa/ (blusa)
/gloryo.so/ (gloryoso)

Pagkakatulad at pagkakaibá
Pilipino Ibanag

/p / nása lahat ng posisyon ng salitâ wala sa posisyong pinal ng salitâ


/pp/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/b / nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal
/bb / wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/k/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon
/kk/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/g/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal
/t/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal
/tt/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/d/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon
/dd/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/ch/ tinutumbasan ito ng ts kayâ’t nása posisyong inisyal at midyal
maituturing na klaster
/ f/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal ng
salitâ
/ff/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/h/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal
/v/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal
/vv/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/s/ nása lahat ng posisyon bihirang makíta sa posisyong pinal
/ss/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/z/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal
/zz/ wala sa lahat ng posisyon bihirang makíta sa posisyong pinal
/l/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon
/ll/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/m/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon
110

/mm/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang


/n/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon
/nn/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang
/r/ nása lahat ng posisyon; ngunit nása lahat ng posisyon; ngunit
bihira sa inisyal at pinal bihira sa inisyal at pinal
/w/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon; bihira sa inisyal
/y/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at pinal
/’/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon

Magiging Kahirapan ng mga Ibanag sa Pag-aaral ng Pilipino


Iilan sa mga magiging kahirapan sa pagbigkas ng mga Ibanag sa pag-aaral ng Pilipino ay
ang mga sumusunod:

1. /p/ - wala ng ponemang ito sa posisyong pinal ng salitâ sa Ibanag kayâ’t


mahihirapan ang mag-aaral sa pagbigkas ng mga salitâ sa Pilipinong tulad
ng atip, usap, lasap, inip, atbp.

2. Magkakaroon ng impluwensiya ang mga kambal-katinig o heminatong /pp,


bb, kk, tt,dd, ss, ll, mm, rr/ sa pagbigkas ng mga ponemang /p, b, k, t, d, s, l,
m, r/ sa posisyong midyal sapagkat karaniwan sa Ibanag ang kambal-katinig
sa ganitong posisyon.

3. Ang karaniwang gámit ng mga ponemang /f, v, z/ sa Ibanag ay


magkakaimpluwensiya sa pagbigkas ng mga ponemang /p, b, s/.

4. Sapagkat walang magkasunod na ponemang patinig sa Ibanag. Ito’y


magdudulot ng bahagyang suliranin sa pagbigkas ng mga salitâng tulad ng
aasahan, nagsiawit, Poon, babae, daan-daan, atbp.

5. Ang sistema ng pagbaybay sa Ibanag ay makalilito sa pagbása sa Pilipino.


Ang ortograpiyang Ibanag ay may mga bakas pa ng sinaunang pamamaraan
na nakalilitong lubha sa mga mag-aaral. Halimbawa:

a. Ang panghulíng tunog ay bibigkasin ng /k/


dorob /do. rok/ (batas)

b. Ang panghulíng tunog /k/ ay bibigkasin ng / ’ /


turak /tu. ra’/ (letter)

k. Ang panghulíng tunog / g / ay bibigkasin ng /k /


paddag /paddak/ (hangin)
111

d. Ang panghulíng tunog / d / ay bibigkasin ng /t /


lagud /lagut/ (upang)

Ilang Rekomendasyon ayon sa Kinalabasan ng Pag-aaral


1. Sapagkat lahat ng palatandaan ay patúngo sa paggámit ng Pilipino bílang
wikang panturo sa mga paaralan, nangangailangan ng puspusang pagtuklas
ng mga kaalaman at pamamaraan túngo sa higit na mabisàng paglinang at
pagpapalaganap ng wikang ito;

2. Ang pahambing na pagsusuri ay isa sa mabubuting paraan upang maging


higit na sistematiko ang pagtuturo ng Pilipino sa mga di-Tagalog. Sa
pamamagitan ng paghahambing sa Pilipino at sa unang wika ng mag-aaral
ay matitiyak ng guro ang magiging suliranin ng mga mag-aaral upang siyá
niyang mabigyan ng diin sa kaniyang pagtuturo.

3. Rebisahin ang mga kurso sa mga dalubhasaan at pamantasan upang magkaroon


ng puwang ang pagpasok ng lingguwistika;

4. Ipagpatuloy ang nasimulang palatuntunan para sa mga iskolar dito at sa


ibáng bansa tungkol sa wika;

5. Maglathala ng mga pinakahulíng kaalaman tungkol sa pagtuturo ng Pilipino


sa liwanag ng mga bagong prinsipyong bunga ng ibá’t ibáng disiplina sa
lingguwistika;

6. Akitin ang mga guro sa malimit na pagdalo sa mga seminar, kumperensiya, at


mga gawaing-kapulungan ukol sa lingguwistika.

Kongklusyon
Ngayon, higit kailanman, natatadhana ang maselan at napakahalagang bahagi o punto ng
kasaysayang pang-edukasyon sa ating bayan sa paggámit ng Pilipino bílang wikang panturo.
Nagbabadya ito ng isang bagong pananaw, isang matibay na paninindigan at marubdob na
paghahangad sa makabagong pagtuturo ng wika.

Naniniwala ang mananaliksik na ito na ang isinagawang pahambing na pagsusuring


ito, bagama’t pahapyaw lámang, ay magiging panimula ng ibá pang pagsusuri na higit
na masusi at maalam upang mapataas ang uri ng pagtuturo at maging daan túngo sa
matagumpay na kaisahan ng wikang pambansa sa isang tahimik at maunlad na bansa at ng
kaniyang mga mamamayang balanse ang pagkatao, matalino, makabuluhan, marangal.
Vito C. Santos

PAGPAPAKILÁLA SA ILANG GITLAPING PATAY


SA TAGALOG

ITO’Y ISANG PANIMULANG pag-aaral tungkol sa ipinalalagay naming “bagong


tuklas” na mga gitlaping Tagalog. Bagong tuklas, ang sabi namin, sapagkat kung hindi kami
nagkakamali, wala pang sinumang kumikilála, ni nag-ukol ng pag-aaral sa mga tipik na
papaksain namin sa papel na ito. Maging sa opisyal na Balarila ng Wikang Pambansa ay
hindi nangabanggit ang mga ito. Dalawa lámang ang gitlaping pinag-ukulan ng pag-aaral
ng Balarila, ang “-um-” at “-in-,” na kapuwa isinisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik
ng salitâng nagsisimula sa katinig, gaya sa mga salitâng lumakad, sumama, kumain, tinapà,
sinaing, at marami pang ibáng kauri ng mga ito. Nabanggit din ang gitlaping “-al-” sa
hanay ng mga panlaping malabuháy, ngunit maliban sa pagkakabigay ng dalawa o tatlong
halimbawang salitâng kinapapalooban nitó, ay wala namang ginawang anumang pagsusuri.

Ang gitlaping “-al-” ay naging paksa na rin sa isang pag-aaral ng nasirang Julian C.
Balmaseda, isang dalubwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa, ngunit
dahil sa pagkakahawig-hawig ng itinalâng mga kahulugan, yao’y lalong naging malabo at
masalimuot, sa halip na maunawaan. Gayunman, ang pag-aaral na iyon ay naging kapaki-
pakinabang, hindi lámang dahil sa nagbukás ng landas sa pagtuklas ng ibá pang mga
panlaping patay sa tagalog, kundi lubos pa ring nagpasinungaling sa naging paniwala ni
Louis B. Wolfenson, na sa Tagalog ay may mga gitlaping “la”, “li” at “lo,” nang talakayin niya
ito sa isang pag-aaral na nalathala sa Journal of American Oriental Society noong 1906, sa
ilalim ng pamagat na “The Infixes LA, LI, LO in Tagalog.”

Madalîng mauunawaan ang kahalagahan ng pagsusuri at muling pagbúhay, hangga’t


maaari, sa mga patay na panlaping Tagalog, kung isasaalang-alang na sa Tagalog, ang mga
panlapi’y siyáng pangunahing batis ng pagpapayaman. Walang pandiwang salitâng-ugat sa
Tagalog, maliban sa ilang halimbawang ginagámit sa anyong pautos sa gámit na kolokyal,
ngunit dahil sa mga panlapi, ang lahat ng salitâ ay, maging hiram o likha, ay maaaring
magawang pandiwa. Ito, marahil, ang ikinahihigit ng Tagalog sa ibáng mga wika, kasáma
na ang Ingles at Castilla. Sa pamamagitan ng mga panlapi ay maaari táyong makabuo ng
ibá’t ibáng anyo ng mga salitâ, batay o hango sa isang salitâng-ugat, maging ito’y hiram
o likha. Kunin nating halimbawa ang salitâng “araw.” Mula sa salitâng ito, ay subukin
113

ninyong magtalâ ng mga salitâng maaaring bumuo sa pamamagitan ng mga panlapi at


kayó’y magugulat sa dami ng inyong maitatalâ.

Gitlapi rin ang “a” sa Tagalog


Sa pagkaunlapi (prefix), ang kahulugan ng “a-” ay kilalá na. Sa mga salitâng ani, anila, anang,
aniya, anito, aniyon, at ibá pa, halimbawa, ang kahulugan ng unlaping “a-” ay “sabi o wika,”
ngunit bálang gitlapi, ang kahulugan nitó ay hindi pa nakikilála, kayâ ito ang sisikapin
naming ipakilála sa pag-aaral na ito. Ngunit bago kami magpatuloy sa gagawin naming
pagsusuri, marahil ay hindi masamâng malaman muna natin kung ano itong tinatawag
na mga panlapi. Ganito ang sinasabi ng Balarila: “Tinatawag na panlapi ang isa o ilang
pantig na ikinakama sa salitâ upang ito’y mabigyan ng ibá-ibáng hinggil at tungkulin sa
pananalita.” Hinggil sa kalagayan, ang mga panlapi’y tinatawag na unlapi kung nása unahán
ng salitâ, gitlapi kung nása gitna o nása loob, hulapi kung nása hulihán, kabilaan kung nása
una’t hulihán, at laguhan kung bukod sa nása magkabilâng panig ng salitâ, ay mayroon pa
ring nása loob. At sapagkat ang “a,” na pag-aaralan natin ngayon, ay nása loob ng salitâ, ito’y
ituturing natin na isang gitlapi.

Ang isang panlapi, upang matawag na ganito, ay kailangang magkaroon ng sariling


tiyak na kahulugang dapat makilála agad sa kinalalangkapang salitâ, batay sa kahulugan ng
salitâng-ugat. Ngayon, itanong natin ito: Ang “a” ba, halimbawa, sa mga salitâng lubalob,
ligalig, tigatig, sibasib, subasob, at sugasog, ay may ibinibigay na kahulugan, hinggil o
tungkulin sa mga salitâng kinapapalooban? Kung mayroon, ano-ano ang mga salitâng-
ugat?

Gawin natin ang pagsusuri. Batay sa mga halimbawang salitâng nása itaas nitó,
at sa pagpapalagay, sa simula, na gitlapi nga ang “a,” ang lumilitaw na mga salitâng-ugat,
ayon sa pagkakasunud-sunod, ay lublob, liglig, tigtig, sibsib, subsob, at sugsog, mga salitâng
pawang kilalá at ginagámit sa buong kalalawiganang Tagalog. Samakatwid, kung galing sa
lublob ang LUBALOB, sa liglig ang LIGALIG, sa subsob ang SUBASOB, at sa sugsog
ang SUGASOG, ang panimulang pagsusuri ay maaari nating gawin sa pamamagitan ng
paghahanay sa mga halimbawa, na gaya ng makikíta sa sumusunod:

LUBALOB (galing sa lublob, ang paglulubog at madalîng pag-aalis ng isang


bagay sa tubig o putik): Labis na paglulunoy sa tubig o putik; paglulublob
nang matagal at paulit-ulit; pagkagumon nang lubusan sa bisyo o anumang
masamâng hilig.

LIGALIG (galing sa liglig, ang pag-alog sa sisidlan upang masiksik na mabuti


ang laman; pagkaalog ng laman o lulan ng sasakyan): Gulo, kaguluhan o
pagkakagulo; anumang nagdudulot ng bagabag, o ang bagabag na nga.

TIGATIG (galing sa tigtig, ang pagkasiksik ng laman dahil sa pagkaalog ng


sisidlan upang masiksik ang laman): Hindi pagkapatahimik; ligalig na kalagayan
ng loob o damdamin.
114

SIBASIB (galing sa sibsib: dahan-dahang paglubog, halimbawa’y ng araw;


mahinay na pagsipsip ng sabaw ng pagkain, gaya ng ginagawa ng baboy
na walang gana sa pagkain): Daluhong ng mabangis na hayop; pasinghal na
paglusob.

SUBASOB (galing sa sugsog: pagtalunton sa landas o daan): Masigasig na


pagtalunton sa landas o dinaanan ng isang hinahanap; masusing paghahanap
sa lahat ng dako sa isang bagay na nawawala.

Mapapansin agad sa mga halimbawa, ang pagkapasingit ng “a” sa pagitan ng


dalawang pantig na magkatulad, na bagaman hindi siyáng laging nangyayari, gaya ng
makikíta sa ilang halimbawang nása dakong hulihán nitó, ay pinatutunayan namang siyáng
nakararami. Ngunit ang makikíta, na waring hindi nababago, ay ang pagkapatambal ng
“a” sa bigkas ng hulíng katinig ng unang pantig ng salitâng-ugat. Wala kaming makítang
halimbawa ng mga salitâng-ugat na bukás ang unang pantig na kinagigitlapian ng “a”.

Batay sa mga kahulugang nakíta na natin sa mga halimbawang nása itaas nitó,
maaaring hatiin sa dalawang uri ng kahulugan ang ibinibigay ng “a” sa pagkapagitlapi sa
mga salitâng-ugat. Una: sa lubalob, sibasib, subasob, at sugasog, ay madalîng makikítang
ang “a” ay nagbibigay ng pasidhi o palawak na kahulugan ng salitâng-ugat. Ikalawa: sa
ligalig at sa tigatig, ang ibinibigay namang kahulugan ay resulta o bunga o ang nangyayari
matapos maganap ang ipinahihiwatig na kahulugan ng salitâng-ugat.

YUGAYOG ( < yugyog) SULASOL ( < sulsol)


DULADOL ( < duldol) SAGASAG ( < sagsag)
SULASOD ( < sudsod) LIBALIB ( < liblib)
LAGAMAK ( < lagamak) UGAOG ( < ugog)
IGAIG ( < ig-ig) BUTABOT ( < butbot)
DALAHAK ( < dalhak) TIBATIB ( < tibtib)
PUGAPOG ( < pugpog) LUGALOG ( < luglog)
GUTAGOT ( < gutgot) BULABOD ( < bulbod)
KUBAKOB ( < kubkob) SAGASAG ( < sagsag)
PALATAK ( < paltak) SIGASIG ( < sigsig)
UPAOP ( < up-op) HUDAHOD ( < hudhod)
UKAOK ( < uk-ok)

Sa kahulugan naman na “resulta o bunga,” ay maaaring ibílang na mga halimbawa


ang mga sumusunod:

BUGABOG ( < bugbog) BULABOG ( < bulbog)


BAGABAG ( < bagbag) DAGASA ( < dagsa)

Makikíta sa mga halimbawa, na maliban sa lagmak na naging LAGAMAK, sa


dalhak na naging DALAHAK, sa paltak na naging PALATAK, sa unang hanay; at sa lagpak
na naging LAGAPAK, sa dagsa na naging DAGASA, sa bulbog na naging BULABOG, sa
ikalawa, ang lahat ng salitâng-ugat ay binubuo ng inuulit na pantig, na kundi man kabilaan,
115

ay tambal-hulí. Anupa’t sa kalahatan, ang kinapapalooban ng gitlaping “-a-,” kung ito’y


matatawag na ngang gitlapi, ay mga salitâng binubuo ng pantig na inuulit at bihirang-
bihira ang mga salitâng tumataliwas.

Ayon sa tungkulin at kapakanan, gaya ng makikíta sa mga halimbawa, ang “a” ay


isang gitlaping makangalan, at ang lahat ng salitâng kinalalangkapan nitó ay maaaring
tumanggap ng ibáng mga panlapi sa ibá’t ibáng anyo at kahulugan. Masasabi, halimbawa, ang:
lumubalob, maglubalob, ilubalob, paglulubalob; ligaligin, maligalig, kaligaligan, pagkaligalig;
isubasib, masubasob, sumubasob, pagsubasob; tigatigin, matigatig, pagkatigatig; bagabagin,
mabagabag, pagkabagabag; bulabugin, mabulabog, pagkabulabog; at iba pa.

Gitlapi rin ang “ang”


Sa isang pag-aaral ni Balmaseda tungkol sa mga panlapi ay sinabi niyang ang “nga” ay
isang patay na gitlapi sa Tagalog, gaya halimbawa sa mga salitâng mangatuwà (gáling
sa matuwâ), mangawalâ (gáling sa mawalâ), mangabasâ (gáling sa mabasâ), mangagdala
(gáling sa magdalá), at mangagbasá (gáling sa magbasá). Kung susuriin, aniya, ang “nga”
ay nagbibigay ng kahulugang pangmarami sa mga pandiwang binabanghay sa “ma” at
sa “mag.” Alinsunod pa rin sa kaniya, ang “nga” ay isinisingit sa pagitan ng unlapi at ng
salitâng-ugat. Kung ito’y totoo, bakit hindi ganito ang nagyayari sa kaniyang dalawang
hulíng halimbawa (mangagdalá at mangagbasá), na kung talagang susundin ang kaniyang
sinabi, ay dapat sanang maging magNGAdalá at magNGAbasá. Subalit wala táyong mga
salitâng MAGNGADALA at MAGNGABASA, kayâ hindi kami makapaniwalang “nga”
ang tunay na gitlapi sa mga halimbawang salitâng nabanggit sa itaas nitó.

Dahil sa aming pag-aalinlangan sa ginawang pagsusuri ni Balmaseda, gumawa


kami ng sariling pag-aaral sa bagay na ito. Ngunit bago kami gumawa ng pagsusuri, ay
nagtipon muna kami ng ilan pang mga salitâng maaaring magámit na halimbawa sa aming
pag-aaral, gaya ng mga sumusunod: MANGAALIS (gáling sa maalís), MANGASAWI
(gáling sa masawî), MANGAMATAY (gáling sa mamatáy), MANGABIGO (gáling sa
mabigô), MANGASIRA (gáling sa masirà), MANGAGSULAT (gáling sa magsulát),
MANGAGSABI (gáling sa magsabi), MANGAG-ARAL (gáling sa mag-aral),
MANGAGTINDA (gáling sa magtinda), MANGAGLAKAD (gáling sa maglakad), at
MANGAGSALITÂ (gáling sa magsalitâ).

Kung hindi nga “nga” ang gitlapi sa mga salitâng nabanggit, ang bagay na ito ay
dapat maging maliwanag sa pamamagitan ng mga patunay, na mangyaring di dapat din
namang ipakilála nang maliwanag kung bakit hindi, at kung ano naman ang ipinalalagay
na siyáng tumpak na panlapi. At ganito nga ang aming gagawin ngayon dito.

Ngunit bago kami magpatuloy, sapagkat gitlapi ang aming susuriin, ibig muna
naming sariwain sa inyong pang-unawa, na ang panlahat na tuntunin sa paggigitlapi,
bagaman mayroon ding tumataliwas, ay dapat mapasingit ang gitlapi sa pagitan ng una
at ikalawang titik ng salitâng nilalapian, maging ito’y ugat o maylapi nang salitâ. Batay sa
116

ganitong tuntunin, ang “nga”, upang ito’y maging gitlapi, ay dapat mapasingit sa pagitan ng
una at ikalawang titik, subalit hindi nga ganito ang nagyayari, sapagkat sa mga halimbawang
salitâ, sa banghay sa “ma”, ito’y sa pagitan ng unlapi at ng salitâng batayan napapasingit, at
sa banghay sa “mag”, sa pagitan ng ikalawa at ikatlong titik ng unlapi, alalaong baga’y sa
pagitan ng “ma” at ng “g”. Sa biglang malas, sa una ay maaaring ipalagay na tumpak, ngunit
dito sa hulí, kailanman ay hindi maaaring mangyari, sapagkat kung ito ang masusunod, ang
MAGSALITÂ ay magiging magNGAsalitâ at hindi MANGAGSALITÂ.

Sa bisà ng ganitong paliwanag, hindi maaaring maging gitlapi ang “nga”, sapagkat
ito’y tuwirang lumalabag sa pangkalahatang tuntunin sa paggigitlapi. Ngunit kung hindi
nga “nga,” ay ano ang gitlapi sa mga nabanggit na salitâ? Ito ang katanungang dapat sagutin.

Bílang pag-alinsunod sa pangkalahatang tuntunin ng paggigitlapi, alalaong baga’y sa


pagitan ng una’t ikalawang titik ng salitâng nilalapian napapasingit ang gitlapi, mapapansin
sa mga halimbawa, na ang tipik na “ang” ang maaaring ihiwalay at ang maiiwang mga salitâ’y
mga pandiwang nása anyong pang-isahan, samantalang ang mga salitâng kinapapalooban
ng tipik na ito, ay mga salitâng nása anyo namang pangmaramihan. Batay sa ganitong
pagkakilála, ang ibinibigay na kahulugan ng “ang” sa kinagigitlapiang salitâ ay maliwanag.
Wala itong ibáng kahulugang ibinibigay sa kinapapaloobang salitâ, maliban sa pagkakaroon
ng diwang pangmarami ng mga pandiwang banghayin sa “ma” at sa “mag”, sa anyong
pawatas, sa pautos, at sa paturol na panghinaharap, na nagiging “na” at “nag” sa anyong
paturol sa pangnagdaan at pangkasalukuyan.

Pinatutunayan ng pagsusuring ito, na ang “ang” ay isang gitlaping buháy sa Tagalog,


ngunit nananatíling hindi nakikilála dahil sa maling palagay ng unang gumawa ng pagsusuri.
Pinatutunayan pa rin, na hindi “nga,” kundi “ang” ang gitlaping ginagámit sa pagbibigay
ng anyong pangmarami sa mga pandiwang banghayin sa “ma” at sa “mag”, at sa ibá pang
anyong batay sa, o kasing-uri, ng mga ito.

Ang Kahulugan ng Tipik na “ag”


Hindi namin aangkinin ang pagpapakilála sa tipik na “ag” bílang gitlapi, sapagka’t ito’y
naipakilála na ng nasirang Julian C. Balmaseda sa pag-aaral ng kaniyang ginawa tungkol
sa gitlaping “al.” Ang wika niya: “Sa ibang araw, kung pinapalad pa, ay sakâ na kami
magpapatuloy ng pagsasalitâ hinggil naman sa interfihong “AG,” bagama’t ngayon pa’y
maipagpapauna na natin sa madla upang mapag-ukulan na nilá ng pagsusuri kung bakit ang
mga kilaláng ugat na SINSIN, SADSAD, BAGBAG, LASLAS, TAKTAK, TUKTOK,
SUDSOD, TINGTING, SANSAN at LAGLAG, sa tulong ng paningit na “AG” ay
nakapagpasok sa wikang Tagalog ng mga salitâng SAGINSIN, SAGADSAD, BAGABAG,
LAGASLAS, TAGAKTAK, TAGUKTOK, SAGUDSOD, TAGINTING, SAGANSAN
at LAGALAG…Sa biglang pagsusuri ang tipik na “AG” ay nakapagdudulot ng lalong tindi
(enfasis) o katuluyan (continuidad) sa dáting kahulugan ng ugat na pinagsasangkapan.”
117

Kung natuloy o hindi ang pag-aaral ng nasirang Balmaseda sa gitlaping ito, ay


hindi namin nalalaman, at sapagkat wala naman kaming nababása tungkol dito, ipinalagay
naming hindi na niya ito nagawa bago siyá sumakabilang-búhay, kayâ naman, bílang isang
pangangahas ay kami na ngayon ang magpapatuloy ng pagsusuri sa di niya natapos gawin.

Ang “ag” ay hindi naiibá sa mga gitlaping “um” at “in,” kung ang pag-uusapa’y ang
kinasisingitan nitó sa salitâng-ugat; anupat ang “ag” ay sa pagitan din ng una at ikalawang
titik ng kinalalapiang salitâ napapasingit, katulad sa mga salitâng kagaskas, dagundong,
hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok, lagublob, laganap, lagaylay, tagunton,
wagayway, saginsin, hagunhon, at ibá pa.

Sa ganitong mga halimbawa, ang pagkilála sa pinanggalingang mga salitâng-ugat,


ay madalî nang magagawa. Alisin natin ang “ag” at ang maiiwang mga salitâ ay kaskas,
dundong, hulhol, laslas, pakpak, sitsit, lutok, lublob, lanap, laylay, tunton, wayway, sinsin,
at hunhon. Mapapansin, na, ang mga salitâng-ugat na ito ay pawang mga pangngalan, na
gaya rin ng mga salitâng kinagigitlapian ng “ag.” Dahil dito, ang “ag”, samakatwid, ay isang
gitlaping makangalan.

Kung susuriin, madalîng makikilála, na, ang unang walong halimbawang salitâng
nása itaas nitó (kagaskas, dagundong, hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok at
lagublob), ay mga pangngalan ng ibá’t ibáng uri ng tunog o ingay, na humigit-kumulang ay
bunga o likha ng ipinahihiwatig na kahulugan ng mga salitâng-ugat; samantala, ang hulíng
anim na salitâ naman (laganap, lagaylay, tagunton, wagayway, saginsin at hagunhon), ay mga
salitâng kababakasan ng pagpapalawak o pagbibigay-tindi ng kahulugang ipinahihiwatig ng
salitâng-ugat. Batay dito, ang “ag”, sa pagkagitlapi, ay may dalawang kahulugang ibinibigay
sa pagkapalapi sa salitâng-ugat. Una, ang salitâng-ugat ay nagiging pangalan ng tunog o
ingay; at ikalawa, ang kahulugan ng salitâng-ugat ay nagkakaroon ng higit na lawak o tindi.

Maaaring may ibá pang mga kahulugang ibinibigay ang gitlaping “ag”sa kinalalapiang
salitâ, ngunit sa isang pag-aaral na panimula lámang na katulad nitó, may palagay kaming
ang dalawang nabanggit na mga kahulugan, ay maaari nang makatulong sa sinumang ibig
gumawa ng sarili’t lalong malawak na pananaliksik at pagsusuri. Mahalagang malaman, na
ang gitlaping ito ay laging nása pagitan ng dalawang unang titik sa unang pantig ng salitâng
dadalawahing pantig, maging kabilaan man o bukás.

Ang kabuluhan at kahalagahan ng “ag” bílang gitlapi, ay pinatutunayan ng


napakaraming salitâng kinalalapian nitó. Narito pa ang ilang halimbawang aming naitala:
bagakbak (gáling sa bakbak), bagusbos (gáling sa busbos), kagangkang (gáling sa kangkang),
kagiskis (gáling sa kagiskis), kagulkol (gáling sa kulkol), dagasdas (gáling sa dasdas), laguslos
(gáling sa luslos), haguthot (gáling sa huthot), kagungkong (gáling sa kungkong), kaguskos
(gáling sa kuskos), lagaklak (gáling sa laklak), pagulpol (gáling sa pulpol), sagalsal (gáling sa
salsal), taguktok (gáling sa tuktok), bagaybay (gáling sa baybay), dagildil (gáling sa dildil),
dagubdob (gáling sa dubdob), hagudhod (gáling sa hudhod), sagadsad (gáling sa sadsad),
tagaytay (gáling sa taytay), at ibá pa.
118

Ang “ay” ay Tipik ding May Kahulugan sa Loob ng Salitâ


Bílang tipik na may kahulugan sa loob ng isang salitâ, ang gitlaping “ay” hindi pa rin
nakikilála sa Tagalog. Ito’y hindi rin nabanggit sa Balarila ng Wikang Pambansa at maging
sa mga pag-aaral ng nasirang dalubwikang Julian C. Balmaseda. Hindi rin ito kasáma sa
talaan ng mga panlaping inihanda ni Dr. Cecilio Lopez, naging kalihim-tagapagpaganap
ng Surian ng Wikang Pambansa at dáting punò ng Kagawaran ng mga Wikang Silanganin
sa Pamantasan ng Filipinas.

Ang gitlaping “ay” ay una naming napansin sa mga salitâng kagangkang, payagpag,
tayantang, at tayangkad, nang sa paghahanda ng isang diksiyonaryong Tagalog-Ingles ay
nagkaroon kami ng hinalang ang mga salitâng ito’y gáling sa mga ugat na kangkang, pagpag,
tantang, at tangkad, sa ganyan ding pagkakasunud-sunod. Sinubok naming ihiwalay ang “ay”
sa limang pinaghihinalaang salitâ at kami’y nagulat sa aming nakítang naiwang mga salitâ,
na pawang nagpatunay sa aming hinala. Anupat dahil sa ganitong pangyayari, nagsikap
kaming maghanap pa ng mga salitâng kinapapalooban ng “ay” na sa palagay namin ay kauri
ng limang naunang mga halimbawa. Ang sumusunod ay ilan lámang sa marami naming
naitalâ: dayukdok (gáling sa dukdok), kayagkag (gáling sa kagkag), dayandang (gáling
sa dandang), kayungkong (gáling sa kungkong), gayaygay (gáling sa gaygay), mayukmok
(gáling sa mukmok), payikpik (gáling sa pikpik), tayakad (gáling sa takad), kayudkod (gáling
sa kudkod), bayambang (gáling sa salitâng bambang), kayangkang (gáling sa kangkang), at
marami pang ibá.

Makikíta sa mga halimbawa, na ang pangkalahatang diwang ibinibigay ng “ay” sa


pagkagitlapi nitó sa mga salitâng-ugat, ay ang pagkakaroon ng pasidhing bisà o ng tinding
higit sa ipinakikilála ng kahulugan ng ugat, maging sa pagkapang-uri o sa pagkapangngalan.
Mapupuna rin, na, ang gitlaping ito ay hindi tumataliwas sa pangkalahatang tuntunin ng
paggigitlapi, alalaon baga’y nasisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng-ugat,
maging kabilaan man o bukás ang pantig.

Maaaring itong “ay,” bílang gitlapi, ay may ibá pang mga kahulugan kung susuriing
mabuti ang mga salitâng kinapapalooban nitó, subalit para sa pagpapakilála lámang na
katulad ng layon ng pag-aaral na ito, ang pangkalahatang diwang ipinakikilála ng tipik
na ito, sa palagay namin, ay maaari na ring makatulong sa lalong masinsina’t malawak na
pagsusuri.

Gitlapi rin ang “il”


Sa salitâng TILAPON namin unang napansin ang tipik na “il” bílang gitlapi. Agad
mapapansin ng sinuman, na, kapag inihiwalay sa tilapon ang “il”, ang maiiwang mga titik
kung pag-uugnayin, ay magiging tapon, isang salitâng ang kahulugan ay kilaláng-kilalá sa
buong kalalawiganang Tagalog. Ngunit sa layunin ng pagpapakilála sa “il,” bílang isang
tipik na may kahulugan sa pagkapalapi sa ibáng salitâ, ang pagbibigay ng isa lámang na
119

halimbawang salitâ, ay hindi sapat. Kayâ, bukod sa tilapon, kami’y nagsaliksik pa ng ilang
salitâng maaaring magámit sa ganitong pagsusuri. Narito ang ilan pang halimbawa: hilantad
(gáling sa hantad), hilagpos (gáling sa hagpos), tilamsik (gáling sa tamsik), tilabsaw (gáling
sa tibsaw), tilabsik (gáling sa tabsik), tilabso (gáling sa tabso), hilakbot (gáling sa hakbot),
hiliwid (gáling sa hiwid), tilabsak (gáling sa tabsak), tilagos (gáling sa tagos), tilarok (gáling
sa tarok), tilasok (gáling sa tasok), tilaok (gáling sa taok), at ibá pa.

Sa biglang malas, lalo sa pangkasalukuyang gámit, ang kahulugan ng mga salitâng


halimbawa ay halos siyá na ring kahulugan ng salitâng-ugat, bagaman kung susuriing
mabuti, ay mayroon ding makikítang bahagyang pagkakaibá. Kagaya rin ng “ay,” ang
pangkalahatang diwang ibinibigay ng “il” ay pagpapasidhi o pagbibigay ng higit na tindi ng
ipinakikilálang kahulugan ng ugat, bagaman, sa kasalukuyang gámit ngayon ay hindi na ito
halos napapansin.

Pangwakas na Kuro-kuro
Sa buong pag-aaral na ito, pinagsikapan naming maipakilála na sa Tagalog ay mayroon
táyong mga patay at buháy na gitlaping hindi pa nangakilála, na kung muling bubuhayin
at gagamítin, ay malaki ang maitutulong sa pagpapayaman ng ating wika. Lima sa mga ito,
ang aming pinagsikapang suriin at ipakilála sa pag-aaral na ito.

Bukod sa kahirapan ng pagpapakilála sa mga gitlaping pinapaksa ng pag-aaral na


ito, ang pagsusuri sa mga tungkulin at kahulugang ibinibigay ng mga ito sa pagkapagitlapi
sa mga salitâng-ugat, ay naging isang malaking suliranin. Upang ito’y magawa, ang ginámit
naming paraan ay ang paghahawig ng kahulugan ng salitâng-ugat at ng kahulugan ng
salitâng nabuo sa pamamagitan ng gitlaping pinag-aaralan, na mangyari pang di kung ano
ang naging pagkakaibá, ay siyá na ring ipinalalagay naming kahulugan at tungkulin ng
gitlapi.

Tungkol sa pagbúhay at paggámit na muli sa “a,” bílang gitlapi, at sa ibá pang sinuri’t
pinag-aralan sa papel na ito, mahalagang maláman ang pag-aaral na ginawa ni E. Arsenio
Manuel ng Pamantasan ng Filipinas hinggil sa unlaping “hing-“, sa tatlong anyo nito: hing-
, hin-, at him-. Nagbigay siyá ng mga halimbawa kung paano magagámit ang mga unlaping
ito sa pagbubuo ng mga bagong salitâng hango sa mga kilaláng salitâng-ugat sa Tagalog,
gaya ng himbabahay (gáling sa bahay), na tinapatan niya ng kahulugang “mansion” sa
Ingles; hinlulook (gáling sa salitâng look), na ang ibig sabihin ay “gulf ”; hindaragat (gáling
sa dagat), na “ocean” naman ang kahulugan; at hintatao (galing sa tao), bílang katumbas ng
“giant.”

Madalîng mapupuna sa pag-aaral na ito ni Manuel, na ang kahulugang ibinibigay


ng unlaping hing-, sa tatlong anyo nitó, ay diwa ng kalakhang kagyat na makikilála batay sa
kahulugan ng salitâng-ugat at ng nabuong salitâ.
120

Ang pag-aaral na ito, sa kabuuan, ay nagpapatibay sa pangkalahatang tuntunin na, sa


Tagalog, ang mga gitlapi ay laging sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng batayan
isinisingit, maliban sa “a,” na karaniwan nang isinisingit sa pagitan ng dalawang pantig na
malimit ay magkatulad, kabilaan man o tambal-hulí. Dito’y pinagsikapan ding maipakilála
ang gitlaping “ang,” na dahil sa isang pagkakamali ng unang pagsusuri, ay naging “nga.”

Maliban sa mga gitlaping “um” at “in,” at sa “ang,” na karaniwang ginagámit sa


pagbibigay ng anyong pangmarami sa mga pandiwang banghayin sa “ma” at “mag,” ang
marami sa mga gitlaping Tagalog ay makangalan.
Purificacion G. Delima

ANG GRAMATIKANG FILIPINO

Nakapailalim ang wika sa mithiin ng pagbuo ng isang bansa. Tinuturing ang wika bílang
simbolo ng pagkakakilanlan. Wika rin ang mabisàng salik ng pagbubuklod, lalo ng mga
bansang dumaan sa mga puwersang kolonyal at ng mga lipunang multilingguwal, katulad
sa karanasan ng mga bansa sa Silangang Africa, Timog at Timog-silangang Asia, kabílang
na ang Filipinas (Millar, 2005). Sa parehong nabanggit na sitwasyon, mayroong agarang
pangangailangan na makatáong interbensiyon sa pagpaplanong wika (PW). Tunguhin
ng PW ang isang sadya at sistematikong pagtukoy sa patakaran sa wika at sa planong
implementasyon nitó na may pagtanaw panghinaharap (Rubin at Jernudd, 1971 sa Baldauf
sa Hinkel, 2005).

Patakaran sa Wika
Sa kaso ng Filipinas, ang PW ay nag-umpisa pa sa probisyon ng 1935 Konstitusyon
nang matukoy ang pagbuo ng isang wikang pambansa batay sa isa sa umiiral na mga
katutubong wika. Bunsod nitó pinirmahan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong
1937 ang Executive Order No. 134 na nagproklama ng Tagalog bílang batayang wika ng
wikang pambansa. Pinangalanang “Pilipino” ang unang wikang pambansa noong 1959,
subalit sa 1973 Konstitusyon idineklarang “Filipino” ang wikang pambansa at hábang ito
ay pinayayaman at pinalalaganap, ang “Pilipino” ay mananatíli bílang wikang opisyal ng
bansa. Bunsod din ng 1973 Konstitusyon nabuo ang unang determinadong patakaran sa
wika—ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal (BEP)—sa pamamagitan ng National
Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7, s. 1973, ng Department of Education
and Culture (DEC) Order No. 25, s. 1974, at ng Department of Education, Culture,
and Sports (DECS) Order No. 52, s. 1987—mulang 1973–2008. Sa BEP, tinukoy ang
wikang kolonyal na Ingles bílang wikang panturo sa mga disiplinang agham at matematika;
samantalang ang wikang pambansang Pilipino naman ang tinukoy para sa mga disiplinang
sosyo-humanidades. Lingid sa lahat, ang BEP ay may mithiin na sa kalaunan ang Pilipino
ang mamamayaning wikang panturo sa lahat ng disiplina sa lahat ng antas sa sistemang
edukasyon ng Filipinas—isang makabayang mithiin na nauwi lámang sa límot dahil sa
pagpapalit ng pamunuan sa pamahalaan.
122

Sa Artikulo XVI, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon natukoy na ang wikang


pambansa ay “Filipino” at ito ay pagyayamanin ng ibá pang mga wika sa buong Filipinas. Sa
panahon ding ito nabuo ang DepEd Order No. 74, s 2009, isang bagong patakaran sa wika
na pumalit sa BEP—ang Mother Tongue-based Multilingual Education (o MTB-MLE).
Sa patakarang ito kinikilála ang kahalagahan ng ibáng mga wika sa Filipinas na mga unang
wika (W1) rin sa mga komunidad labas sa Panrehiyong Punong Lungsod (NCR).

Mababanggit na sa parehong BEP at MTB-MLE, ang wikang pambansa ay


tampok na wika ng literasi at pagtuturo, hábang nakapaloob rin ang wikang kolonyal na
Ingles bílang wikang panturo sa maraming taón ng pag-aaral ng batàng Filipino, at batay
na rin sa Saligang Batas ng bansa bílang isang opisyal na wika mula pang pamahalaang
Komonwelt hanggang ngayon—isang patuloy na mapanuyang biro sa tahanan at sa buong
búhay ng mamamayang Filipino hábang ang batas ay hindi naaamyendahan.

Plano ng Pagpapatupad
Tatlo ang hakbang túngo sa implementasyon ng nabuong patakaran sa wika—(1) ang
planong pangkorpus; (2) ang planong wika-sa-edukasyon; at (3) ang planong kultibasyon
(Rubin at Jernudd, Ibid).

Sa planong pangkorpus, kailangang tumukoy sa tatlong gampanin—(a) pagbuo ng


ortograpiya (graphization); (b) pagbuo ng gramatika (grammatication); at (c) pagbuo ng
diksiyonaryo (lexication). Sa planong wika-sa-edukasyon, kailangang tukuyin ang aplikasyon
ng patakaran sa wika sa kurikulum, sa metodolohiya, sa kagamitang pampagtuturo, at sa
pagtatáya ng mga kasanayán at kaalaman. Sa planong kultibasyon, kinakailangan ang (a)
pagtaguyod at pagpapaunlad ng wika sa opisyal, institusyonal, at indibidwal na antas; at (b)
intelektuwalisasyon ng wika sa agham, industriya, mga propesyon, at panitikan.

Sa tatlong kahingiang proseso ng PW na nabanggit sa itaas iikot ang susunod na


talakay sa konteksto ng Filipino bílang wikang pambansa bunsod pa rin ng sumusunod na
atas ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon ng Filipinas:

The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be


further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other
languages.

Estado ng Wikang Pambansa


Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang natatanging ahensiya ng wika ng
pamahalaan. Ito ang may mandatong palaganapin, paunlarin, at pagyamanin ang wikang
pambansang Filipino ayon na rin sa atas ng Konstitusyon. Tatlong taón pa lámang sa
posisyon mulang 2013, ang bagong pamunuan ng KWF sa pamumuno ng Pambansang
123

Alagad ng Sining Virgilio S. Almario ay agarang naglunsad ng mga aktibidad upang


makamit ang tinukoy nitóng bisyon para sa ahensiya na “Filipino: Wika ng Dangal at
Kaunlaran.” Sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39, s. 2013 ng Kalupunan ng mga
Komisyoner, binigyan ng sumusunod na batayang deskripsiyon ang Filipino bílang wikang
pambansa:

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagámit sa buong Filipinas bílang


wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating
katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong
pinauunlad ng araw- araw at ibá’t ibáng uri ng paggámit sa ibá’t ibáng pook at
sitwasyon at nililinang sa ibá’t ibáng antas ng saliksik at talakayang akademiko
ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng
mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong
wika ng bansa.

Ang natukoy na deskripsiyon ng Filipino ay batay na rin sa mayamang sitwasyong
panlingguwistika ng Fillipnas. Nitó lámang taóng 2015 ang KWF ay may nabalidang 130
katutubong wika, na may kani-kaniyang diyalekto, sa buong kapuluan. Tingnan ang Mapa
ng mga Wika sa Filipinas (Pigura 1) na binuo ng KWF:

Pigura 1 Mapa ng mga Wika ng Filipinas


124

Ang mga wikang ito ay unang wika (W1) ng mga kulturang nása rehiyon, na
gumagámit din ng Filipino bílang pangalawang wika (Fil W2) at lingua franca (LF)
sa kaniláng pakikipag-ugnayan sa kapuwa Filipino. Sa prosesong ito ng tagpuang wika
(language contact) napayayaman ang Filipino sa ibá’t ibáng lugar ng kapuluan.

Ang Filipino ay nása lahat ng lugar ng Filipinas, ayon sa survey na ginawa ng KWF
noong taóng 2014, at ito ay malayang umiiral kasáma ang mga wikang rehiyonal. Tingnan
ang lawak ng Filipino sa buong kapuluan sa Mapa ng Filipino (Pigura 2):

Pigura 2 Lawak ng Filipino


125

Sa programang MTB-MLE na kasalukuyang pinatutupad ng DepEd sa buong


kapuluan, ang Filipino ang pinipilìng asignaturang mother tongue (MT) sa mga konteksto
na malawak ang pagkakaibá-ibá ng mga wikang umiiral (“Linguistically diverse context”).
Ito ay ayon sa datos ng saliksik ng Assessment Curriculum and Technology Research
Centre (o ACTRC) at ng Unibersidad ng Pilipinas na nagpakíta ng resulta ng pangalawang
bahagi ng kaniláng ginagawang pagtatáya ng pagpapatupad ng programang MTB-MLE
sa Filipinas (Pigura 3).

Pigura 3 Estado ng Filipino sa MTB

Sa midya, ang tunay na anyo ng pinayamang Filipino ay nakikíta sa mga gumagámit


nitó na mga di-katutubong Tagalog. Sa isang DZMM Teleradyo headline, sinipi ang ganito
(Pigura 4):

Bautista sa ‘dugyot’ na tanggapan ng COMELEC: No excuse


(Twitter, 22 Hulyo 2015)

(N.B. Lumabas din ang salitâng “dugyot” (Ilk) sa pag-aaral na Emerging Filipino
Academic Variety as Interlanguage among Native and Non-Native Speakers
(Delima 1993); “eh butbut na nga, butbut pa ang jacket. Butbut na nga, dugyot
pa.” (Tag respondent)

Pigura 4 Filipino sa Midya

Sa nasipìng headline, ginámit ang “dugyot” na isang salitâng Ilokano, bagaman


may pag-aalangang malayang ilahok sa gámit Filipino kung kayâ sinipi. Ganito na ang
nakítang anyo ng Academic Filipino Variety sa Lungsod Baguio noon pang taóng 1993
(Delima, 1993). Nailalahok ang katangian ng mga rehiyonal na wika sa paggámit ng
mga di-katutubong Tagalog sa Filipino bílang lingua franca. Taliwas sa sinasabi ng mga
lingguwistang pangkasaysayan, natural na proseso ito sa konteksto ng tagpuang wika. Wika
nga ng mga eksperto sa mga teorya ng tagpuang wika:

[C]ontact is the sole source of language variation and change…where contact


is very intense, typologically significant contact-induced changes may occur:
borrowed basic vocabulary, borrowed phonology and phonetics in native
126

vocabulary, borrowed syntactic features that do alter the receiving language’s


syntactic typology, and even borrowed inflectional categories and patterns.
(Thomason, sa Hickey 2010, 31 at 41)

Tunghayan pa sa ibabâ ang mga testimonya ng isang midya sa rehiyon sa kaniyang


pagkilála sa popularidad ng gámit ng Filipino sa diaspora. Sa kaniyang headline din
makikíta ang malayang paglalahok ng katutubong mga salitâ sa kaniyang pagsulat mula sa
sinipi niyang mga pangungusap ng mga Filipinong nása ibáng bansa: “Iniinom ko ang isbo
(“ihi”) ko; makapal kasi ang pitak (“putik”)”

Testimonya ni Jimmy Laking sa kaniyang kolum sa Strike Home (Baguio Midland


Courier, 19 Hulyo 2015): “Iniinom ko ang isbo ko; makapal kasi ang pitak”

“Iniinom ko po ang isbo ko.” (Pedrito Dv. Ilk, survivor ng 16 Hulyo 1990 lindol
sa Baguio)

“Makapal kasi ang pítak.” (Benguet miner na dinala sa Leyte para tumulong
mag-rescue sa landslide tragedy ng Pebrero 2006)

“Tagalog… third most spoken in some parts of Canada after English and
French… thanks to a large Filipino migrant community that includes at least
2,000 expatriates from Baguio and Benguet alone.”

“Decades back it was mostly English for the media establishments in Baguio.
Today, Tagalog has taken over… for most TV and radio outfits.”

Pigura 5 Filipino sa Diaspora

Ang mga ganitong prosesong paglalahok ng mga salitâng katutubong wika at ibá
pang inobasyon sa estruktura ng mga diyalektong Filipino ang itinatalâ ngayon ng KWF
hábang binubuo nitó ang gramatikang pambansa para sa kontemporaneong Filipino at
bílang pagbibigay patunay sa hinihingi ng Konstitusyon na pinayamang wikang pambansa.

Taliwas pa rin sa mga hindi makatanggap na ang Filipino ay umuswag na sa estado


nitó mulang Tagalog-based patúngong isang wikang may bukás na norm ay ang paglalahok
muli ng Diksiyonaryong Oxford ng 31 salitâng Filipino sa listahan nitó ng mga hiram
na salitâ, kasáma na rito ang ilang mga salitâng kolokyal katulad ng “pulutan,” “KKB,” at
“kikay,” bukod pa sa ibá (Pigura 6):

31 Filipino words make it to Oxford’s new words list

Bago (2015): mabuhay, kuya, barong, barong tagalog, baro’t saya, halo-halo,
pan de sal, sinigang, baon, pulutan, bahala na, suki, and utang na loob, KKB
(kaniya-kaniyang bayad), despedidas, estafa, barkada, balikbayan, kikay, buko
127

Luma: carnap, carnapper, comfort room, mani-pedi, presidentiable, batchmate,


high blood, gimmick, salvage, advance, dirty kitchen, barangay (1840) (Manila
Bulletin, 26 Hunyo 2015)
Pigura 6 Filipino sa 2015 Diksiyonaryong Oxford

Ang Gramatikang Filipino: Mga Katangian


Pagkolekta ng korpus. Ang ipakikítang mga katangian ng Gramatikang Filipino sa
susunod na talakay ay mula sa datos ng saliksik ng KWF noong 2014. Nangolekta ng korpus
ng gámit ng Filipino sa sampung lungsod na highly-urbanized, mga lungsod na tinagurian
ng ACTRC na “linguistically diverse” dahil may mataas na pagkakaibá-ibá ang kultura ng
mga naninirahan sa lungsod: Baguio, Angeles (Pampanga), Bacolod, Cebu, Catbalogan,
Zamboanga, Cagayan de Oro, Davao, General Santos, at Butuan.

Ang korpus ay pasalitâ mula sa malayang pag-iistorya, at pasulat mula sa


komposisyon na tinalakay sa paksang ibinigay ng mga mananaliksik na taga-KWF. May
mga babasahín din sa Filipino na nakuha sa ilang mga lungsod. Ang korpus ay mula sa 100
na impormante—50 babae, 50 lalaki; may edad pagitan ng 40 taóng gulang pataas; may W1
ng lokal na komunidad at W2 ang Filipino.

Ponema: Patinig. Ang tunog o ponema ang sangkap ng wika na pinakamadalîng


maimpluwensiyahan at nababago sa penomenong tagpuang wika, kung ihahambing sa
morpema at sintaksis. Ang pagbabago ay maaaring maging permanente o pansamantala
batay sa paraan ng paglipat at/o pagkatuto ng katangian, sa intensidad ng kontak ng
dalawang wikang nagtagpo (W1 at W2), at sa pag-uugali ng nagsasalitâ o nag-aaral ng
W2 (Thomason, Ibid., 26)

Sa kaso ng Filipino W2 ng mga kultura sa rehiyon, ang asento at/o tunog ng W1 ay


natural lámang na lumilipat sa paggámit ng W2, higit pa kung ang W1 ay may kakulangan
sa tunog na mayroon sa W2. Halimbawa, ang tunog /o, u/ at /e, i/ ng Filipino ay napagpapalit
sa mga lungsod ng saliksik, nang walang intensiyong baguhin ang kahulugan:

(1) pero /pεru/~/piru/; ito /Ɂitu/~/ Ɂitυ/

Higit na lumilitaw ang ganitong katangian ng Filipino W2 sa mga rehiyon na ang


ponemang hanay ay tatlo lámang: /i, a, u/.

Kung sa dáting ponemang hanay ng Filipino ay lima /i, e, a, u, o/, may naidagdag
na ikaanim na ponemang ambag ng mga W1. Ang schwa, o patinig pëpët (sa Javanese),
ay nailahok sa Filipino W2 sa Lungsod Baguio, halimbawa, sa salitâng “panagbëngá”
(pamumukadkad ng mga bulaklak). Mababanggit na ang tunog patinig na ito ay karapat-
dapat lámang na ilahok na sa ponemang hanay ng Gramatikang Filipino dahil karamihan ng
mga wikang katutubo ng Filipinas ay mayroong patinig pëpët. Sa Ortograpiyang Pambansa
128

(OP) ng KWF, ang tunog na ito ay kinakatawan ng tuldik patuldok sa ibabaw ng letrang e
“ë.” Tingnan ang marami pang halimbawa sa ibang W1:

Mga Dagdag Tunog (OP)


Patinig pëpët (schwa / ə/ (Eng) / ë (OP)

N.B. Maraming katutubong wika ng Filipinas ay mayroong patinig pëpët.



“ëën” (oo) [Kuyunon] “wën” (oo) [Ilokano]
“utëk” (brain) [Pangasinan] “tëlo” (tatlo) [Mëranaw]
“sëlëd” (loob) [Kinaray-a] “gawëd” (ikmo) [Kankanaëy]
“Tëduray” (wikang South Cotabato)
Pigura 7 Ponema: OP schwa

Dahil sa ebidensiyang ito sa mga W1 ng Filipinas, lumawak na ang ponemang


hanay ng wikang pambansang Filipino mulang lima, ngayon ay anim na (Pigura 8):

Pigura 8 Ponema: Tsart ng Patinig

Ponema: Katinig. Ang bílang ng mga isahang tunog katinig ng Filipino W2 ay 19. Tingnan
ang Pigura 9 na naghahanay ng mga katinig ayon sa kaniláng lugar ng artikulasyon sa
aparatong bokal sa bunganga:

Pigura 9 Ponema: Tsart ng Katinig


129

Ang mga katinig sa itaas ay bukod pa sa mga lehitimong tunog na nanggagaling


sa pagtatambal ng dalawang katinig, katulad ng sh /š/, th /th/ at kh /kh/. Ang mga tunog
katinig na ito ay marami sa mga wikang katutubo sa mga rehiyon. Tingnan sa ibabâ ang
ilang halimbawa:

(2) “shuwa” (dalawa) [Ibaloy]


“khan” (kakain) [Mëranaw]
“litha” (gulay) [Mëranaw]

Mababanggit din na ang mga tunog /f, v, j, z/ ay wala sa dáting abakadang Tagalog.
Nailahok ang mga ito sa bagong alpabetong Filipino (Tingnan ang KWF Ortograpiyang
Pambansa (OP) Pigura 10) dahil ang mga ito ay mga katutubong tunog sa mga wikang
rehiyonal na hindi nailahok sa lumang Balarila, isang malaking pagkukulang ng dáting
Surian ng Wikang Pambansa.

Tingnan ang ilang halimbawa sa ibabâ:



(3) “masjid” (simbahan ng Muslim) [Tausug, Mëranaw]
“alifuffug” (ipuipo) [Itawit]
“avid“ (ganda) [Ivatan]
“kazzing” (kambing) [Itawit]

Ortograpiyang Pambansa (OP)


Kagyat noong 2013 nang naupo ang kasalukuyang pamunuan ng KWF, nilathala ang
Ortograpiyang Pambansa (OP) na naglalaman ng 28 titik sa alpabetong Filipino (Pigura
10):

Pigura 10 Tsart ng Ortograpiyang Filipino


130

Bukod sa ibá pang mga katangian sa pagsulat ng Filipino sa OP, tinukoy nitó ang
halaga ng pagbabalik sa mga tuldik (Tsapter 10, OP) sa pagsulat bílang pagtukoy sa tamang
asento sa pagbigkas ng mga salitâng may mga magkakatulad na ispeling subalit magkakaibá
ng asento—“isang anyo, ibá-ibáng bigkas,” ayon sa OP. Ilang halimbawa ang nakasipi sa
ibabâ mula sa OP:

(4) páli - Sinaunang Tagalog para sa pagpapalitan ng katatawanan
palí - Ivatan para sa pagpulpol ng dulo
palì - Kapampangan para sa init o alab
palî - Tagalog para sa organo na tabi ng bituka, spleen sa Ingles; Ilonggo din
para sa naghilom


Ang mungkahi ng OP sa pagbabalik ng gámit ng tuldik sa pagsulat ng Filipino ay
napapanahon sa pagtukoy ng mga katangian ng gramatikang pambansa. Tunghayan ang
ilang halimbawang datos na nakíta sa saliksik hinggil sa paglihis sa asentong Filipino sa
pasalitâng anyo:

Pagpapalit ng asento mula malumi túngong malumay/maragsa/mabilis;


malumay túngong malumi

malayò /mala:yoɁ/ maláyo /mala:yo/ [Baguio]


kíta /ki:ta/ kità /ki:taɁ/ [Puerto Princesa]

Pigura 11 Ponema: Asento

(OP) Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U (para matukoy ang tamang kahulugan)

pénoy Pinóy
méron mirón
balot balut
íbon ébon (Kapampangan)
otót (daga) ut-ót (kirot) (Pangasinan)
estílo (Español) istayl (Ingles)
*istilo *estayl (siyokoy)

Pigura 12 Ponema: Disiplina sa Pagbigkas ng e/i at o/u

Morpema
Sa kontekstong bilingguwal/multilingguwal, ang antas ng salitâ ang pinakamabilis na
naiimpluwensiyahan sa tagpuang wika, lalo sa kaso ng panghihiram (sa kaso na banyagang
wika ang W2, hal., Filipino W1 at Ingles W2) at paglalahok (“incorporation” sa kaso ng
Filipino W2 ng mga rehiyonal na mga ispiker) na lumilikha ng pagbabago hindi lámang sa
tunog hanay (sound order) ng W1 (ang nanghihiram na wika) kundi pati na sa katangian
131

ng W2 na ginámit ng W2 ispiker (O’Grady 2001), katulad halimbawa sa kaso ng Filipino


bílang W2 ng mga rehiyonal na mga ispiker na nabanggit sa itaas sa kaso ng palítang e/i
at o/u o sa kaso ng palítang p/f (hal., Pilipinas (Tagalog/Pilipino); Filipinas (Filipino)).
Ang panghihiram/paglalahok ay maaaring makalikha ng bagong tunog/ponema sa W1
(nanghihiram) o kahit sa W2 (pinanghiraman) at sa pangkalahatan pagbabago sa tunog
hanay ng W1 o kahit sa W2. Ang ganitong posibleng kahihinatnan ng penomenong
tagpuang wika ang pinanggalingan ng payo/mungkahi ng OP sa pangangailangang disiplina
sa mga tunog ng Filipino na hindi maaaring mapagpalit-palit dahil lilikha ng kalituhan sa
binalak na kahulugan sa paggámit ng Filipino bílang W2.

Sa KWF saliksik na tinatalakay ngayon, hindi kukulangin sa 126 na salitâ mulang


rehiyonal na wika ang nailahok sa Filipino W2—isang empirikong patunay ng pagyaman
na ng pambansang gramatikang Filipino. Ilang halimbawa ang mababanggit dito: Ilk
“Ápong” (Panginoon); Bis, War, Hil “bulíg-búlig” (tulong-tulong); War “hirá” (sila); Bis
“giyúd” (talaga); Bis “maayo” (maganda); Hil “madamo” (marami); Ilk “pinikpikan” (lutong
manok ng mga Igorot); Bis “waláy” (walâ).

Bukod sa salitâ ng estrukturang morpema ng Filipino W2, nakíta rin sa saliksik ang
paglahok ng mga panlaping rehiyonal sa pamamaraang pagpapalit (substitution), hábang
malaya ring ginagámit ang mga panlapi ng Filipino W1. Sa Pigura 13 at 14, makikíta ang
malayang paglalahok ng mga unlaping “gi-,” “ga-,” “gina-,” at “naga-” na ikinakabit sa mga
salitâng-ugat ng Filipino W1 at Ingles sa pasalitâ na Filipino W2 ng mga impormante.
Ang mga panlaping ito ay may kaparehong kahulugan sa aspekto ng pandiwa sa Filipino
W1 na mababanggit na sukatan ng hambingang estruktura sa saliksik, hal., “nag-,” “na-,”
“-in-.”

Malayang paglalahok ng mga katutubong salitâ mula sa L1 (Binisaya,


Chabacano, Ilokano) at mula sa Ingles at Español.

Binisaya sa Gen San, Davao, Butuan, Bacolod, Catbalogan: “plete,” “gani,” “kay,”
“giyud,” “diri,” “daghan”

Ilokano at Igorot (Baguio): “tafuy,” “magbingay-bingay,” “lalamutën”

Ingles: “brochure,” “college,” “peace-loving people”

Español: “bangkero,” “barato,” “pobre,” “puwesto”

Pigura 13 Morpema: Malayang Nailahok



Imperpektibo (kasalukuyang aksiyon)
ga- “gabaha” -in- “tino-tour”
gina- “gina-drive” nag- “nagmi-mix”
naga- “nagauli”

N.B. Batangas Tagalog - “nakain” sa halip na “kumakain”
132

Kontemplatibo (panghinaharap na aksiyon)


mag- “magpasok” sa halip na “pumapasok,” “mag-uwi” sa halip na “uuwi,”
“maghintay” sa halip na “hihintayin,”“magbigay” sa halip na “magbibigay”
maka- “makatulong” sa halip na “makatutulong”
Pigura 14 Morpema: Imperpektibo at Kontemplatibo

Ang implikasyon ng ganitong paglalahok sa Filipino W2 ng rehiyonal ispikers ay


ang paglawak ng hanay ng mga panlapi ng Filipino W1 mula sa dáting bílang nitó.

Mapapansin din sa datos sa Pigura 14 ang pagkawala sa Filipino W2 ng karaniwang


reduplikasyon sa Filipino W1 sa kontemplatibong aspekto (hal., “magbigay” (Fil W2) sa
halip na “magbibigay” (Fil W1) )—isang katangian ng mga rehiyonal W1 sa Katimugang
Filipinas na hindi naman nakaaapekto sa orihinal na binalak na kahulugan ng gumagámit
ng Filipino W2. Wika nga ni O’Grady (2001) at Thomason (2010), ang mga ganitong
epekto ng penomenong tagpuang wika ay prosesong natural at normal at nagpapayaman
sa estruktura ng parehong wikang nanghiram/nanglahok at nagpahiram/nagpalahok.

Sa Pigura 15, makikíta pa ang mga karagdagang morpolohiyang proseso na


karanasan ng Filipino W2 sa Katimugang Filipinas—ang paglahok ng “kay” pantumbas
sa “kasi” (Fil W1) bílang pang-ugnay, at pagkaltas ng mga salitâ, hal., “pag-” pantumbas sa
“kapagka”, “iyong” / “ ’yong” pantumbas sa “ang”—na nangyayari din sa Filipino W1.

Pang-ugnay

“kay” pantumbas sa “kasi”


Ayaw kay magpan-ús.

“pag” pantumbas sa “kapagka”


Dati sa school magbayad kami ng fees pag hindi kami nagsalita ng Tagalog.

“mientras” pantumbas sa “hábang”


Mientras makakaya pa…

Pananda

“iyong/’yong” pantumbas sa “ang”


Pero iyong mga Muslim na classmate ko nagtatagalog sila.

Pigura 15 Morpema: Pang-ugnay


133

Sintaksis
Lahat ng sangkap ng gramatika ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, subalit
may mga pagbabago na higit na mabilis at kagyat nakikíta sa ilang sangkap kaysa sa ibá
(O’Grady, Ibid.). Ang pagbabago sa tunog/ponema ng wika ang pinakamadalîng magbago
at makíta; ang salitâ/morpema ang susunod; at ang sintaksis ang halos pinakamatatag sa
prosesong pagbabago. Sa pag-aaral ng mga sintaksis unibersal ng maraming wika, may mga
kategoryang sintaktikong hindi naililipat o napapalitán, katulad ng pandiwa (V), sabjek
(S), at objek (O) na nagpapakilála ng tipolohikong klasipikasyon ng mga wika sa mundo
ayon sa salitâng hanay (word order). Halimbawa, ang Ingles at French at ibá pang wikang
Indo-European ay kahanay ng mga wikang may tipong SVO; ang mga wika ng Filipinas,
Welsh, Maori, at Hebrew ay tipong VSO; ang Turkish, Korean, Japanese, at mga wikang
aborihinal ng Australia ay SOV; mga wikang South America ay OVS o OSV (Hickey, 2010
at O’Grady, 2001). At dahil ang mga wika ng Filipinas ay pare-parehong kabílang sa iisang
tipo, hindi maaasahang mag-iibá ang estruktura ng mga kategoryang V, S, at O, kahit pa
nása karanasang tagpuang wika ang mga ito.
Antas Ponema, Leksiko, Morposintaksis. Sa kaso ng Filipino, nakíta ng saliksik na walang
mahalagang pagkakaibá ang sintaksis ng Filipino W1 at Filipino W2. Ang estruktura ng
parirala, sugnay, at pangungusap ay magkatulad. Kung may nailahok mang katutubong
panlapi mula sa rehiyonal na wika, katulad ng naipakíta sa Pigura 13 at 14, walang nakítang
pagbabago sa estruktura na ginámit. Wala ring pagbabago sa pagpapakahulugan na tinangka
ng nagsasalitâ kahit pa panlapi ng W1 niya ang ginámit. Tingnan ang ilang datos na sinipi
sa sumusunod:

(5) Nakaranas kami nang ubus ang lahat ng kasangkapan kayâ nahihirapan kami.
(6) Madamo matingnan mo na mga palaguwaon.
(7) Hindi man siya talaga nagpatinag na ginasulsulan na mag-alis diyan.

Magkakaibáng sangkap ng gramatika ang makikítang naimpluwensiyahan ng


tagpuang wika sa sintaksis (5)-(7). Sa (5), ang “ubus” na narinig sa katimugang Filipino
W2 ay lihis sa bigkas na “ubos” ng Filipino W1. Ang pagbabago ay sa ponemang /u/~/o/
sangkap ng salitâ na nakapaloob sa pangungusap. Ang pagbabago ay hindi naman nagdulot
ng pagbabago sa kahulugan ng salitâ. Sa (6) makikíta ang paglahok ng dalawang katutubong
salitâ: “madamo” (marami) at “palaguwaon” (palabás). Sa parehong pangungusap rin ginámit
ang “matingnan” sa halip na “makíta” sa Filipino W1. Ang parehong salitâ ay grupong “ma-
“ na pandiwa na may kahulugang may abilidad o kapasidad na magawa ang isinasaad ng
pandiwang salitâng-ugat. Kung sa (5) at (6) nása ponema at leksikong antas ang paglalahok,
sa (7) ay nása morposintaksis na antas—“ginasulsulan,” pandiwang nása imperpektibo na
ipinahihiwatig ng unlaping “gina-“ ng Davao Filipino W2, sa katapat na “sinusulsulan” (Fil
W1) na may gitlaping –“-in-“ + reduplikasyon ng unang pantig ng salitâng-ugat “sulsul” sa
parehong Filipino varayti. Ang katutubong binisayang panlaping “mag-“ sa salitâng “mag-
alis” (Fil W2) ay pumalit sa reduplikasyon ng unang pantig ng pandiwa sa salitang “aalis”
(Fil W1) na may katulad namang kahulugang aspektong kontemplatibo.
134

Paghahalong-wika (Codemixing)/
Paglilipat-wika (Codeswitching)
Ang paghahalong-wika at paglilipat-wika ay mga natural na karanasan sa tagpuang wika sa
mga bansang multilingguwal katulad ng Filipinas. Sa kaso ng Filipino bílang W1 o W2,
ang wikang Ingles ang inihahalong wika sa antas salitâ, parirala, at sugnay. Sa karanasang
ito ng Filipino makikíta ang lakas ng isang banyagang wika na pumasok sa sintaksis ng
wikang pambansa. Hindi lámang opisyal na wika ang Ingles sa bansa, ito rin ay wika ng
pagtuturo/pagkatuto sa sistemang edukasyon. Tingnan ang sumusunod na halimbawa:

(8) Doon sa dulo ang storytelling ng mga batà. (salitâ)


(9) Ang pag-pronounce namin kasi may diperensiya.
(10) Awa ng Panginoon naman naka-survive ako with how many years sa hanapbuhay
ko. (parirala)
(11) Crime will still exist in anyways sa lahat ng paraan, sa lahat ng panahon. (sugnay)

Karaniwan kapag antas salitâ lámang ang paghahalo o paglilipat, ang proseso ay
tinatawag na panghihiram (borrowing) lámang (Fought, 2010). “Paglilipat-wika” ang
tawag ng sikolohistang si Virgilio Enriquez (1985, sa Bautista 1996, 271) para sa “tahasang
panghihiram” na maaaring walang pagbabago sa anyong pasulat subalit maaaring may
mangyaring pagbabago sa bigkas. (N.B. Sa papel na ito ang terminong “paglilipat-wika”
ay ang salin sa terminong Ingles na “code-switching.”) Ang “storytelling” sa (8) ay isang
tahasang-panghihiram; samantala, ang “diperensiya” (“diferencia” sa Español; “difference”
sa Ingles) sa (9) ay masasabing “paimbabaw na pag-aangkin” (Enriquez, Ibid., 272)—isang
paraan ng panghihiram gámit ang salitâ mula sa ibáng wika kasáma na ang kahulugan
subalit binago ang tunog at baybay.

Ang mga kategoryang sintaktikong malalayang nahihiram o nailalahok sa


penomenong paghahalong-wika o paglilipat-wika ay ang mga solong salitâ, katulad ng mga
pangngalan, pang-abay, at ibá pang malayang ekspresyon, na madalîng nakukuha lámang
sa sitwasyong tagpuang wika. Sa parehong pagkakataón ng panghihiram, ang hiniram
na banyagang salitâ ay maaari ding maging salitâng-ugat na kinakabitan ng katutubong
panlapi, katulad halimbawa ng salitang pag-pronounce (9) at naka-survive (10).

Ang mga pangungusap (10) at (11) ay parehong paghahalong-/paglilipat-wika
na parsiyal sa antas parirala (10) at sugnay (11). Ang ganitong karanasan ay maaasahang
mangyayari sa mga bilingguwal na may kompetensi din sa wikang pinanghihiraman
(source language). Kung wala namang kompetensi ang gumagámit ng Filipino W1, hindi
ito magiging hadlang para hindi makapagsalitâ gámit ang Filipino. Ang dalawang salitâng
“ano” at “kuwan” ay mga salitâng dummy na walang espesipikong kahulugan at ginagámit
pamalit sa kahit anong salitâ na hindi matukoy ng nagsasalitâ sa panahon ng paggámit ng
Filipino. Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba mula sa ibá’t ibáng lungsod:

(12) Paano mag-ano ng organic farming?


(13) Second World War naano, nasira.
135

(14) Araw-araw kasi inaano namin silá, inaadbaysan.


(15) Mga kuwan pa, mga 5 months pa.
(16) Marami ka pang makikítang magagandang kuwan dito.
(17) Siyempre nakukuwan na rin silá.

Mapapansin sa gámit ng “ano” sa (13) at (14) at “kuwan” sa (15) na may pagkakataóng


nasasabi rin ang salitâng panandaliang hindi maalala at pansamantala ring pinalitán ng
dalawang salitâng dummy. Ang kausap sa pagkakataóng ito ay nakasusunod naman sa nais
na kahulugan ng nagsasalitâ dahil kasáma siya sa konteksto ng pag-uusap. Ang estratehiyang
ito sa pagsasalitâ ng Filipino W2 ay pangkaraniwan din sa gámit ng Fillipino W1.

Lagom
Bílang W2 at lingua franca, ang Filipino ngayon ay pinayayaman na ng mga rehiyonal na
wika sa konteksto ng tagpuang wika sa mga multilingguwal na komunidad ng Filipinas.
Ang Filipino W2 ay may gramatikang nagtatanghal ng mga natatanging katangian ng mga
wikang rehiyonal sa pasalitâng anyo sa antas ponema, morpema, at sintaksis.

Sa antas ponema, nailahok ang bagong tunog patinig na schwa ë, na katangian ng


maraming katutubong wikang Filipino. Nakíta rin ang paglilípat ng mga asento sa loob
ng mga salitâ at pagkaltas ng impit sa hulihán ng mga salitâng may malumi at maragsang
asento, bílang impluwensiya ng L1 ng gumagámit ng Filipino W2.

Sa antas morpema, malayang naikakabit ang mga katutubong panlapi sa mga
salitâng-ugat ng ibá’t ibáng wika, bukod pa sa paglalahok, sadya man o hindi, ng mga
katutubong salitâ mula sa L1 ng mga nagsasalitâ.

Sa antas sintaksis, walang makabuluhang kaibhan ang Filipino W2 ng mga


multilingguwal at urbanisadong mga lungsod sa Filipino W1 na gámit sa buong bansa, sa
estrukturang parirala, sugnay, at pangungusap. At dahil buháy na wika, ang Filipino W2 ay
pinayayaman pa ng mga penomenong paghahalong-wika at paglilipat-wika sa antas leksiko,
parirala, at sugnay sa pamamagitan ng tuwirang panghihiram, pag-angkin o paglahok ng
mga natatanging katangian ng mga rehiyonal na wika ng mga nagsasalitâ.

Sa kabuuan, nakikíta ang patuloy na pagyaman at pag-unlad ng bagong Gramatikang


Filipino sa kasalukuyan. Sa patuloy na malayang paggámit nitó ng lahat ng mamamayang
Filipino batay sa pamantayang bukás, hindi malaon mabubuo ang “pedagogical idiom” sa
Filipino na tinukoy ni Bonifacio Sibayan noon pang 1991 (Bautista, 1996) sa pagtalakay
niya sa pamamaraan ng intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.
136

Sanggunian
Baldauf, Richard Jr. E, Language Planning and Policy Research: An Overview.
Sa Hinkel, 2005.
Bautista, Ma. Lourdes, editor, Readings in Philippine Sociolinguistics. Manila:
DLSU Press, 1996.
Enriquez, Virgilio Gaspar, Pagbubuo ng Terminolohiya sa Sikolohiyang
Pilipino. Sa Bautista, 1985.
Fought, Carmen, Ethnic Identity and Linguistic Contact. Sa Hickey, The
Handbook, 2010.
Hickey, Raymond, The Handbook of Language Contact. UK: Blackwell
Publishing Ltd, 2010.
_______________, Language Contact: Reconsideration and Assessment.
Sa Hickey, The Handbook, 2010.
Hinkel, Eli (Ed.), Handbook of Research in Second Language Teaching and
Learning. New Jersey: Lawrence Erlbaum Associates Publishers, 2005.
Komisyon sa Wikang Filipino, Brochure, 2015.
________________________, Ortograpiyang Pambansa, 2014.
Miller, Robert McColl, Language, Nation and Power: An Introduction. NY:
Palgrave McMillan, 2005.
O’Grady, William; et.al, Contemporary Linguistics: An Introduction. NY:
Bedfofrd/St. Martins, 2001.
Sibayan, Bonifacio P, The Intellectualization of Filipino. Sa Bautista, 1991.
Thomason, Sarah, Contact Explanations in Linguistics. Sa Hickey, The
Handbook, 2010.
137

You might also like