Ang pahayagan ay may tatlong pangunahing tungkulin bilang isang uri
ng pangmadlang kumunikasyon.
1. PAGPAPA ALAM - Tungkulin ng peryudiko ang ipahayag sa madla ang
nararamdaman, nakikita at naiisip ng tao. Ang pagpapahayag ng katotohanan ay dapat umiral. Sa isang pagpapahayag ng balita ay hindi dapat magkaroon ng bias o pabor sa isang panig lamang. Ang balita ay kailangan tapat at walang kinikilingan. Kailangan na ito'y obhektibo, naayun sa panahon at may katuturan.
2. IMPLUWENSYA - Tungkulin ng peryodiko ang bigyan ng sapat na
impormasyon ang mga mambabasa, upang sila'y makagawa ng sariling opinyon ukol sa mga isyu na kinakaraharap ng lipunan.
3. PAGPAPALAGANAP NG KOMERSYO AT INDURSYA - Ang
advertising ang nagsisilbing life blood ng mga pahayagan. Ngunit kailangang mag-ingat ng tauhang editoryal ng isang pahayagan upang hindi maituring na balita ang isang advertisment.