You are on page 1of 14

Pananahilang Epekto ng Pagkakaroon ng Mababang Marka ng Karamihang

Estudyante: Ang Pananalksik


Ni: Justine Mae D. Espliguez

Introduksyon

Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay, personalidad, at kaganapan, sa ating


kapaligiran ay mahalaga pati na rin ang mga impormasyon ay tumatalakay sa isang simpleng
bagay. Kadalasan, ang mga nakakalap nating impormasyon ay nag-mumula sa mga libro,
dyaryo, telebisyon, radyo, at mga sulating pananaliksik.

Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin ang


isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang
mambabasa at natututo sa nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama
ang ilang paksa, kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol dito ay mga maling sabi-
sabi lamang. Layunin ng artikulong ito na bigyan ng kaalaman ang mga indibidwal tungkol
sa mga suliranin ng isang estudyante sa pag-aaral.

Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga estudyante at kalidad ng


pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging
progresibo at maunlad. Ngunit kay raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating
bansa at isa na nga rito ang Edukasyon. Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi
nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang
malaking problemang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Maraming nakaka-impluwensiya sa
mga kabataan ngayon. Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y
napapabarkada.

Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap

sa internet.
Depinisyon ng mga Katawagan

1. Online game- isang laro ng libangan sa ilang uri ng computer network.Ito ay halos
palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong teknolohiya
ang mayroon:modem bago ang Internet, at hard wired terminal bago ang modem.
2. Internet - ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng
mga tao sa buong mundo.
3. Computer Network - isang koleksiyon ng mga kagamitang metal at
mga kompyuter na pinag-uugnay ng mga kanal na pangkomunikasyon upang
makapagbahagi ng mga mapagkukunan at impormasyon.
4. Website - isang koleksyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang
partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide Web sa Internet.

Iba’t ibang Uri ng Pag-aaral ng Estudyante

Awditori

"Auditory learner" ay isang katagang ginagamit upang ilarawan ang mga estudyanteng may
kakayahang panatilihin ang mga impormasyon ng lubusan kapag ang impormasyon ay
pinagtibay sa pamamagitan ng mga tunog. Ang pamaraan ng pag-aaral gamit ang pandinig ay
maaaring isama o ipares sa anumang bagay mula sa paggamit ng musika, mga tala na isaulo
ang mga listahan, sa paggamit ng mga recording ng boses o “chants” upang maisaulo ang mga
tuntunin ng kasaysayan.

Mas pinipili ng mga estudyanteng “Awditori Learner” na making sa klase at leksyon kaysa sa
bumasa nang iba’t ibang texto o mga mahihirap na bahagi ng isang takdang babasahin. Maaari
silang mahirapan sa pag-analisa at pag-unawa ng isang kabanata na sumasakop sa isang
komplikadong paksa, ngunit pagkatapos nilang mapakinggan ang karanasan ng lubos ay
mauunawaan nila ito kagaya ng pagbigay nito sai sang panayam sa klase.

Ang mga “Awditori Learners” na mag-aaral ay maaaring magkaroon ng paraang magaling


makatuklas ng tunay na kahulugan ng mga salita ng isang tao sa pamamagitan ng pakikinig sa
mga signal tulad ng mga pagbabago sa tono ng boses. Kapag nagsasaulo ng isang numero ng
telepono ang isang awditori ay malakas nilang sinasabi ang mga numero at pagkatapos ay
alalahanin kung pagkakatunog tunog ng ang serye ng mga numero upang maalala ang mga ito.

Mga karakteristik ng Isang Awditori

 Gustong magbasa nang malakas sa sarili.


 Ay hindi natatakot na magsalita sa klase.
 Mahilig ang mga oral na Report.
 Ay mahusay sa pagpapaliwanag.
 Inuulit-ulit ang mga bagay na ilang beses habang nakikinig kayo sa ibang tao magsalita.
 Magaling umalala ng mga ngalan.
 Nakakapuna sa mga SoundFX sa mga penikula.

Biswal-Spasyal

Ang Mga Biswal-spasyal ay madalas na matututo ng pangkabuuan, sa halip na ayon sa


pagkakasunod-sunod, o sa bahagi. Ang mga mag-aaral ng biswal-spasyal madaling makita ang
malaking larawan ng mga bagay, ngunit maaaring mapalampas ang ibang mga detalye.

Mga karakteristik ng Isang Biswal-Spasyal

 pag-iisip lalo na sa mga larawan


 mahusay sa pagbasa ng mapa
 nangangailangan ng mga ilarawan ng mga salita upang baybayin ang mga ito sa
 gamit ng salagimsim upang lutasin ang mga problema
 ang pagkakaroon ng hindi pantay na paksa ang mga marka sa paaralan
 Madalas isang late-bloomer
 maaaring magkaroon ng malakas na maarte, mekaniko, o teknolohiko talento
 Madalas mataas na perfectionistic
Kinestetik

Ang pagkatuto sa pamamagitan ng paggalaw ay isa sa tatlong estilo sa iba't ibang pag-aaral na
binalangkas ni Neil D. Fleming sa kanyang modelong VAK ng pagkatuto. Sa madaling salita,
ang isang mag-aaral na gumagamit ng pagkatuto sa pamamagitan ng paggalaw ay
nangangailangan maging aktibong paggawa ng isang bagay habang pagkatuto upang na
talagang kuha ang materyal na ito. Madalas, yaong mga estilo ng pagkatuto sa pamamagitan
ng paggalaw ay nagkakaroon ng mahirap at mataas na oras sa pag-aaral ng bagay tulad ng
lektyur dahil ang katawan ay hindi gumagawa ng koneksyon kapag pinakikinggan lamang ito.
Kailangan ng maraming oras upang makakuha at mailagay ang isang bagay sa alaala.

Mga karakteristik ng Isang Kinestetik

 Mabuting koordinasyon ng kamay-mata


 Mabilis na reaksyon
 Napakahusay na memorya ng motor (maaaring gayahin isang bagay matapos gawin ito
isang beses)
 Mahusay experimenters
 Mabuti sa isports
 Nagsasagawa rin sa sining at drama
 Mataas na antas ng enerhiya

Mga Ugaling Nakakaapekto sa Pokus sa Pag-aaral

1. Di pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral

Ilan lamang sa mga mg-aaral ang nag seseryoso sa kanilang pag-aaral, ang iba
naman ay hindi. Ilan sa kanilang dahilan: “tinatamad”, maraming humahadlang sa kanila
katulad ng computer games, panliligaw, walang interest sa pag-aaral, interesado sa ibang
bagay, may problema sa pamilya at kung anu-ano pa. Madalas itong nangyayari sa mga
pampublikong paaralan na mas mababa pa sa section 5 (lima), ngunit hindi lamang ito
nangyayari sa mga pampublikong paaralan dahil nararanasan din ang ganitong suliranin sa
mga pribadong paaralan. Sa pampubliko isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mga
bagay na umaagaw sa kanilang atensyon sa kanilang pag-aaral at sa parehong pribado at
pampubliko ang dahilan nila ay katamaran.

2. Katamaran sa Pag-aaral
Karamihan na nga sa mga mag-aaral o sa mga estudyante ang tamad at isa sa kanilang
dahilan ay ang mahirap na subject. Ayon sa mga nakalap na impormasyon sa mga
eskwelahan ang pinakamahirap na subject sa kanila ay ang Math.

Pinakamahirap na subject

10% 10%
Filipino
10%
Math
Science
English
MAPEH/MSEP
TLE

40% AP/History
CLE
30%
Computer

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga guro sa Math ang ganitong sitwasyon. Ayon sa iba’t
ibang opinyon walang mahirap na sabdyek kung pagbubutihan at pag-uukolan ng pansin
ang mga nahihirapang sabdyek ng sino mang estudyante.

3. Mañana Habit

Ang Mañana Habit ay isa sa mga ugaling nakatatak na sa ating mga Pipilino na karanasang
ginagawa din ng isang mag-aaral. Ang Mañana ay galing sa salitang español na ang ibig sabihin
ay bukas. Ito ang tawag sa ugaling “bukas na lang”, ugaling ipinamana sa atin ng mga español.
Ang gawaing ito ay sadyang nakababahala para sa ating kultura at para na din sa ating mga
sarili. Madalas nating ipagpabukas ang mga bagay na magagawa natin ngayon. Ito ang
nagiging dahilan kung bakit hindi natin natatapos ang ating gawain sa tamang oras. Maraming
oras ang ating nasasayang.

Ang pagsasanay ng isang mag-aaral ng ugaling ito ay maaring humantong sa pagkahuli nito sa
mga gawaing kailangang ipasa at maari itong makaapekto sa kanyang mga gawi sa pag-aaral.

4. Ningas kugon

Ang níngas kúgon ay tumutukoy sa ugali na madalîng panghinaan ng loob o mabilis maglaho
ang sipag sa ginagawa. May literal na kahulugan itong panandalian at mabaligtaran ng
matagalan. Nagmula ito sa pangyayari na ang kugon ay mabilis masúnog, lalo na kapag tag-
init. Mabilis na nagsisiklab ang kugon kapag nadapuan ng alipato at madaliang nasusúnog ang
kahit isang mahabàng hanay nitó.

May mga táo na tulad ng kugon ay mabilis makukuhang lumahok sa isang magandang
proyekto. Sa umpisa, mataas ang sigla nilá. Gayunman, kung ningas kugon, paglipas lámang
ng ilang araw ay nawawalan na silá ng gana at sigasig. Bumibilis pa ang pagkawala ng gana
kapag nakatagpo silá ng problema sa ginagawa. Ginagamit ng táong ningas kugon ang
anumang dahilan para huminto sa proyekto.

Salik na naka aapekto sa pag aaral ng mga estudyante

Adiksyon sa Kompyuter Geyms

Ang online games ay mga laro ng libangan sa ilang uri ng computer network. Ito ay
halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong teknolohiya
ang mayroon. Ang paglawak ng online gaming ay sumasalamin din sa pangkalahatang
pagbabago ng mga network na kompyuter mula sa maliit na lokal na network sa Internet at ang
paglago ng Internet mismo. Ang online games ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng teksto
ng laro hanggang sa may kumplikadong grapiko at virtual na mundo na may maraming
manlalaro. Maraming mga online games ay kadalasang mayroong online na komunidad, na
nagpapakita na may malawak na pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pang-isahang laro. Sa
pagdami ng mga kabataan na nahuhumaling sa mga online games na malalaro sa iba’t ibang
social networking sites at sa mga sites mismo kung saan madaming malalarong computer
games na lahat ay mahahanap gamit ang internet. Marami sa kabataang ito ang napapabayaan
ang ibat’ ibang aspeto ng kanilang buhay tulad na lamang ang aspetong sosyal na talaga naming
nakakabahala.

Hindi lamang kalusugan at pag-aaral ang naapektuhan kundi pati na rin ang kanilang aspetong
sosyal ay nalalagay din sa alanganan.

Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang “Computer Games: Nakakatulong ba o


nakakasira sa pag-aaral?”, tinutukoy na ang computer games ay nagdudulot ng pagkasugapa o
adiksyon sa mga bata. Dahil sa sobrang pagkasugapa ng mga bata sa computer games
nakakalimutan nila ang dapat nilang gawin sa araw na iyon at nasasayang lang ang kanilang
oras sa paggugol doon imbes na bigyang pansin ang mga makabuluhang bagay katulad na lang
ng pag-aaral at pakikisalamuha sa iba.

Sa artikulo ni Silin,2004, na pinamagatang “Online Gaming Addictions” itinala ng


awtor dito ang iba’t ibang sintomas ng adiksyon sa online games pati na rin ang mismong
epekto nito sa mga kabataan. Halimbawa na lamang ng sintomas ay paggastos ng oras sa pag-
play ng laro kung saan sila makagambala sa mga kaibigan, asawa, pamilya, relasyon at trabaho.

At sa pananaliksik na ginawa ni Bhandary, 2010 na pinamagatang “Net, Online Games


Have Kids Hooked”, tinutukoy na maraming kabuuan ngayon ang nagiging tamad dahil sa
paglalaro ng online games, nagiging tamad na rin silang mag-aral o tumulong sa mga gawing
bahay. Bumababa na rin ang kanilang mga grado dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang
online games.

Ipinagbabawal na Gamot

Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa
maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating
nasasayang.
Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting
pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na makaiwas sa mga
sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot. Ang ilan ding
dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng mga kasamahan (peer pressure), di pantay
na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde
(rebelliousness) at pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan.

Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga gamot, o
mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at
mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring
makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong
maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot
ng mga produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga
inhalante, ang marihuwana o 1cannabis, 2heroina, at mga 3isteroyd.

Ang droga ay isang kemikal na 4substance na bumabago sa kondisyon ng isip o


katawan ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto ng modernong medisina.
Maaari nilang pabilisin o pahinain ang katawan, magtanggal ng sakit, iwasan ang pagkabuntis,
labanan ang mga impeksiyon, nagpapababa ng tensiyon, nagpapaikli ng pagtulog at
nagpapababa ng 5appetite.

Mga Pangkat ng Bawal na Gamot

Mayroong mga kapangkatan ang ilegal na mga gamot. Pinagpapangkat-pangkat ang


mga ito ayon sa kanilang pang gitnang sistema ng nerbiyos ng katawan. Kasama sa
pangunahing mga pangkat ng ilegal na mga gamot ang mga pampahina o depresante

1
Cannabis- ang gamot na makuha mula sa mga dahong tuyo at ang mga bulaklak ng abaka halaman, na kung
saan ay pinausukan o chewed para sa kanyang psychoactive-aari
2
Heroina- sa isang semi-gawa ng tao opioid synthesized mula sa morpina, isang kinopyang ng opyo amapola.
3
Isteoyd- isang terpenoid lipid characterized sa pamamagitan ng isang kalansay ng carbon na may apat na
fused singsing, sa pangkalahatan ay inayos sa isang 6-6-6-5 paraan.
4
Substance- isang uri ng material na may definite composition
5
Appetite- ganang kumain
6
(pampakalma), mga pampasigla o estimulante, at mga pampatakbo ng guni-guni o
halusinoheno.

Tinatawag na pampahina, depresante, o pampakalma ang mga gamot na


nakapagpapabagal sa pagtakbo o pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan
ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa pagdadala ng mga mensaheng papunta at nagmumula sa
utak ng tao. Dahil sa gamot na ito, bumabagal ang paghinga at ang pintig ng puso ng tao. Hindi
ito mga gamot na nagpapahina o nagpapalungkot sa isang tao. Kabilang sa mga illegal na
pampahina ang mga marihuwana, 7hashish, langis ng hashish, heroina at iba pang mga
pampakalma.

Nakakaapekto sa konsentrasyong pang-isipan at koordinasyong pangkatawan ng tao


ang mga pampahina o pampakalma. Nakapagpapabagal ito sa pagtugon ng tao sa mga hindi
inaasahang mga situwasyon. Dahil dito, mapanganib para sa taong nakainom ng pampahinang
gamot ang pagmamaneho. Kapag naghalo sa katawan ng tao ang iba’t ibang uri ng mga
pampahina (tulad ng pinagsamang alak at marihuwana), mas masidhi ang epekto nito sa tao.

Mga pinsalang dulot ng bawal na gamot

Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa pagkakaroon
ng problema sa katawan, problema o pagtigil sa pag-aaral, sa kalusugan, sa mga relasyon sa
kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap
sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot, pati na ang sa hanap-buhay,
pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang
paglabag sa batas ng tao at lipunan.

6
Estimulante- mga bawal na gamot na panandaliang pagtaas alertness at kamalayan. Sila ay karaniwang may
mas mataas na bahagi-epekto sa mas mataas na bisa, at ang mas malakas na variants ay kaya madalas
resetang gamot o mga bawal na gamot.
7
Hashish- isang paghahanda ng cannabis binubuo ng mga compressed trichomes tinipon mula sa cannabis
planta. Ito ay nagtataglay ng parehong aktibong ingredients kundi sa mas mataas concentrations kaysa sa
ibang bahagi ng halaman tulad ng buds o mga dahon.
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang
tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.

Kalagayan sa buhay at ang mga epekto nito sa pag-aaral

Ayon sa mga sanaysay, aklat, dokumento at iba pa, Ang isang dahilan kung bakit
nagiging malala ang kakulangan ng classrooms at guro sa public schools ay maraming mga
estudyante sa private schools ang lumilipat sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyon ang
mga estudyante mula elementary hanggang high school sa public school. Tumaas ng 11
porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na estudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung
bakit lumilipat ang mga estudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas
na ang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na bilihin (Ellen
Tordesillas, journalist).

Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa bawat 100 estudyante


na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa mga ito ang
nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang
problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataang
Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon, Artikulo IV
Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng
mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na
mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng
pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon (Mylene Padua).

Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay mayroong 34,295,000


na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan edad anim hanggang
dalawampu’t apat. Sa kabuuang ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong
paaralan. Mga paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ng silid,
ang “ratio” ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu’t dalawang estudyante
(cyndi18) .
KONKLUSYON
Maraming problemang pang-edukasyon ang ating bansa isa na rito ang mga mag-aaral
na may mga mabababang marka at humahantong sa hindi makakapagtapos ng pag-aaral dahil
nga sa kahirapan, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa masamang landas. May mga kabataan na
rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyon at hindi na naaasikaso ng kanilang mga
magulang.

Ang uri ng pagkatuto ng isang mag aaral ay mayroong makabuluhang epekto sa


edukasyon ng isang tao. Ang mga ugaling nakasanayan ng isang tao rin ay mayroong epekto
sa kanilang ugali sa eskwelahan o gawain sa eskwelahan. Ito ay maaring makabuti o makasama
sa kanilang pag-aaral kung ito ay isang positibo o negatibong ugali tulad ng pagiging tamad,
ang pagsasawalangbahala, ang hindi pagbibigay ng atensyon sa mga nahihirapang asignatura
at ang pagkakaroon ng mañana habit at ningas kugon na nangangahulugang pagiging matiyaga
lamang sa mga unang bahagi ngunit nagiging pariwara at pagsasawalang bahala na sa huli.

Ang pakakalulong sa adiksyon sa kompyuter at online games ay nagkakaroon din ng


masamang epekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Nakakain ng online geyms at ng
kompyuter ang mga oras na dapat iniluluklok sa pagrerebyu, pag-aaral at pagsasaulo ng mga
leksyon sa klase. Mayroon din itong epekto sa estraktura ng utak na kung saan humihina ang
kapasidad nito at nagiging madaling mapagod.

Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaring mag bunga ng mga s ng


problema sa katawan, problema o pagtigil sa pag-aaral, sa kalusugan, sa mga relasyon sa
kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Ayon din sa mga datos at pananaliksik ang
paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay makadudulot ng masamang epekto sa pag iisip, lalo
na sa memorya at ang pagdidiperensya sa reyalidad at pantasi.

Ang pagtukoy sa mga sanhi na maaring makaapekto sa pag-aaral ng isang tao o


estudyante ay nagbibigay ng magandang impormasyon upang tayo ay magkaroon ng
kamalayan upang tayo ay maka buo ng mga estratihiya upang maiwasan at malipul ang mga
sanhing ito.
A. REKOMENDASYON

Inirerekomenda rin ng mananaliksik na magdagdag ng pamamaraan upang mapuksa o


maiwasan ang mga sanhing ito.

Mga Sanggunian

Cottrell, S. (2001). Teaching Study Skills and Supporting Learning. New York: Palgrave
Macmillan

Hansen, K.H. (1957). High School Teaching. England Cliffs, N.J.: Prentice Hall Inc.

Hutchins, R.M. (1953). The Conflict in Education. New York United States: Harpers and
Brothers

Park, S.J. (1997). Study Orientation and Academic Acheivements of Senior Secondary
Students in Baguio City. Saint Louis University
Pirozzi, R. (1995). Strategies for Reading and Study Skills.Illinois USA: NTC Publishing
Group

Smith, S. (1960). Best Methods of Study. New York: Barnes and Noble Inc.

Woolfok, A.E. (1990). Educational Psychology. New Jersey: Prentice Hall Inc.

Zhang,Y. (2008). Enhancing the Language of Learning Styles Through Innovative Techniques.
Faculty of the Graduate Program College of Education Saint Louis University

Internet

Cubed, L. (November 9, 2010) The Role of Emotions in Learning, retrieved February 21, 2013
from Serendip website: http://serendip.brynmawr.edu/exchange/node/8430

Gitterman, D.P. (June 6, 2011) Building The Effects of Poverty in Academic Achievement,
retrieved February 21, 2013 from Google Website:
http://books.google.com.ph/books?id=LVW2tJ_ZYw4C&pg=PA51&lpg=PA51&dq=
L.

Hawk T & Shah A. (December 2, 2007) "Using Learning Style Instruments to Enhance Student
Learning, retrieved February 21, 2013 from Wikipedia:
http://en.wikipedia.org/wiki/Neil_D._Fleming

Kelly, M. (April 12, 2012), Understanding and Using Learning Style, retrieved February 21,
2013 from About.com:
http://712educators.about.com/od/learningstyles/a/learning_styles.htm

Manuel, P. (2010, November 4) B.F.Skinner Behavior Learning Theory, retrieved February


21, 2013, from Slideshare Website: http://www.slideshare.net/manuelpl/bf-skinner-
behavior-learning-theory

Principe, H. R. (2005) Factors Influencing Student’s Academic Performance in the


First Accounting Course: A Comparative Study Between Public and Private Universities in
Puerto Rico. Retrieved from http://ponce.inter.edu/cai/tesis/hrodriguez/index.pdf
Kawanihan ng Edukasyong Sekondarya, Kagarawan ng Edukasyon at Sports,
Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan, at Musika III, p.77, Book Media Press, Inc.,
Ediyon 1997

Impact of Science on Society: Man’s Addiction and How to Deal With Them Volume 34,
No. 33, 1984

Celia T. Adriano, G.I Sacdalan at R.R Calubayan, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan


at Musika III, p. 168, FNB EDUCATIONAL INC., Ediyon 2000

Guineveve I. Sacdalan, I.B. Avino at R.R Calubayan, Edukasyong Pangkatawan,


Kalusugan at Musika IV, p. 97, FNB EDUCATIONAL INC., Ediyon 2000

Robert C. Kolodny, N.J. Kolondy, T.E. Bratter at C.A. Deep, How to Survive Your
Adolescent’s Adolescence, p.95, Brown and Company, 1984.

Are, Eriksen et al. Alcohol and Drugs Perspective: Prevention and Control Asia Pacific
Region, Ramatlana, Sri Lanka Fe. 1988

Gold, Mark, The Facts About Drugs and Alcohol

Nowlis, Helen. Drugs Demystified. UNESCO Press, Paris 1975

You might also like