You are on page 1of 1

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at
Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa
sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay
Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga
politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at
masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda
doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t
dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at
nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan
sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil


magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang
mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative
LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-
Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay


at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

You might also like