You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Alpabeto at Ortograpiyang Filipino

Mahalagang sulyapan sa bahaging ito ang kasaysayan ng pag-unlad ng alpabeto at sistema


ng pagsulat na gamit sa pakikipagtalastasan.
Ang sistema ng pagbabaybay at pagsulat na mas kilala sa tawag na baybayin, alibata o
alif-ba-ta (tawag ng mga Arabo) bago dumating ang mga Kastila ay maituturing na sinaunang
anyo ng pagbibigay-simbolo o pagsasatitik sa bansa. Ito ay binubuo ng tatlong patinig (vowels)
at labing-apat na katinig (consonants).
Silabari ang sistema ng pagsulat kung saan ang isang karakter ay kinakatawan ng isang
patinig o kombinasyon ng isang katinig at patinig. Ang mga simbolong may katinig ay nagtataglay
ng dayakritik (tuldok) upang ipakilala ang kasamang patinig.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagsagaw ng reporma sa alpabeto at tuntunin
sa pagbaybay na tinatawag na Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ito ang gabay na
susundin simula sa petsang ang kautusan ay ipalabas noong Oktubre 7, 2009 sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran bilang 104 ng Departamento ng Edukasyon. Layunin ng bagong gabay na ito na
makabuo ng mga tuntunin sa ispeling ng gagabay sa panghihiram ng mga salita at pagsasalin ng
pasalitang wika tungo sa nakasulat na anyo. Ayon sa Komisyon at elaborasyon ng pambansang
wikang Filipino.
Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano
tayo sumusulat sa ating pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang istandardisadong grapema
(o pasulat ng mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito.

You might also like