You are on page 1of 16

ALPABETO AT

ORTOGRAPIYANG FILIPINO
ORTOGRAPIYA (Fortunato, Teresita, 1991)

- ang tawag sa paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa


pamamagitan ng paraang pasulat
- Ito ang paraan ng ispeling na ginagamit sa isang wika.
- Ito ay paglalapat ng simbolo/letra/titik/karakter sa mga makahulugang
tunog o ponema
ORTOGRAPIY
A
ALPABET
O

- Ito ay mga titik na itinutumbas


- Ito ay nagmula sa unang dalawang letra ng alpabetong Griyego
na alpha at beta.
KASAYSAYAN NG ALPABETO
AT ORTOGRAPIYANG
FILIPINO
BAYBAYIN

- Ang sistema ng pagbabaybay at pagsulat bago dumating


ang mga Kastila ay maituturing na sinaunang anyo ng
pagbibigay-simbolo o pagsasatitik sa bansa.

- Ito ay binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat


na katinig (consonants).
SILABARI

- Ang sistema ng pagsulat kung saan ang isang karakter ay


kinakatawan ng isang pantig o kombinasyon ng isang
katinig at patinig.
- Ang mga simbolong may katinig ay nagtataglay ng dayakritik
(tuldok) upang ipakilala ang kasamang patinig. Sa itaas ang
dayakritik kung e,i, sa ibaba kung o,u samantalang wala naman
sa a.
KATUTUBONG
ABAKADA (BAYBAYIN)
ABECEDARIO O ANG ALPABETONG ESPANYOL/ALPABETONG
ROMANO

- Ipinakilala ng mga kastila


- Sa pagdating ng mga Espanyol,
inalis ang mga paganong pag-uugali
ng mga katutubo, kabilang na ang
pag-iiba sa Sistema ng pagsusulat,
pagbasa at mga salita ng mga ito.
ABECEDARIO O ANG ALPABETONG ESPANYOL/ALPABETONG
ROMANO

- paalpabeto ang sistema ng pagsulat


- buhat ng mga Griyego

- Isang patunay na ang etimolohiya o pinagmulan ng


salitang alpabeto (na nabanggit na sa panimula)
ABAKADANG TAGALOG

- maituturing na unang hakbang sa pagkakaroon ng istandardisadong


alpabeto sa bansa ang pagkalimbag ng Balarila ng Wikang Pambasa ni Lope
K. Santos kung saan ipinakilala niya ito,

- Ito ay binubuo ng 20 titik, lima (5) ang patinig at labinlima (15) ang katinig.

- Papantig ang paraan ng pagbaybay sa mga ito (babasahin ng a, ba, ka, da,
e, ga, ha, I, la, ma, na, nga, o, pa, ra, sa, ta, u, wa, ya)
ABAKADANG TAGALOG

- Ang tuntunin sa pagbaybay ng abakadang ito na ginamit din sa alibata ay:


“Kung ano ang bigkas siyang sulat, kung ano ang tunog ay siyang titik, at
kung ano ang sulat ay siyang basa.”
PINAGYAMANG ALPABETO

- May bahid umano ng purismo ang tuntuning Purismo-


nabanggit na nagiging dahilan ng pagbagal sa pag- mahigpit na
unlad at pagpalaganap ng wikang pambansa. pagtataguyod o
paggigiit ng
- Naging tugon ng SWP ang pagpapatibay na may kadalisayan,
tatlumpu’t isang titik (31) sa bias na rin ng ipinalabas gaya sa wika o
ng Kagawaran ng Edukasyon na Memoramdum Blg. sining
194, s. 1976.
- Idinagdag sa alpabetong ito ang labing-isang (11) letrang maituturing na
banyaga (c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, z)
ALPABETONG FILIPINO

- Nagkaroon muli ng pagbabago sa alpabeto bilang pagtugon sa pagbabago


ng Konstitusyon at wikang Pambasa.

- Idanaos ang mga serye ng konsultasyon, simposyum at pulong na


nagbigay-daan sa pagbabagong gawing dalawampu’t walo (28) kaya ito ang
tinawag (1987)

- Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawag-Ingles maliban sa ñ


(enye) na tawag-Kastila (ey, bi, si, di, i, ef, dzi, eyts, ay, dzey, key, el, em, en,
enye, endzi, o, pi, kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobol yu, eks, way, zi)
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 81

- Ito ay nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino


kasabay ng tuwirang pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa wikang
pambansa
ORTOGRAPIYANG PAMBANSA (2013)

- Pinagpalit ang kinalalagyan ng Ñ (enye) at NG (endzi)

- Sa kaayusang paalpabeto, tiyak nang mauuna ang NG.

You might also like