You are on page 1of 6

Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at

pyudal sa kasalukuyang panahon. Itinatakda ito ng mga dominanteng pwersa sa


ekonomya at politika ng bansa – ang U.S. at ang mga elit sa ating lipunan, ang
malalaking kapitalista at asenderong Pilipino. Ang pamantayan ng U.S., hindi
lamang sa pulitika at ekonomiya, kundi maging sa kulturang kolonyal ang nagiging
sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino.
Sa kulturang burges, ang sining ay kalakal at ang mga tao ay palengke na
pwedeng manipulahin para higit na pagtubuan. Pinapanatiling mangmang, kimi at
palaasa sa “swerte” at sa kawanggawa ang masang bihag ng kulturang pyudal. Sa
tulong ng dominanteng kulturang ito, nagiging mas madali ang patuloy na
pagkontrol at pagsasamantala ng mga dayuhan at iilan sa sambayanang Pilipino.
Ang Pilipinas ay nakapailalam sa mga kasunduan at patakarang
pinagkaisahan at idinidikta ng mga economic superpowers o mga imperyalistang
bansa. Dahil sa patakaran ng import liberalization mas malaya nang nakakapasok
pati mga dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat,
musika at software. Sa ilalim ng Trade-Related Aspects of Intellectual Property
Rights o TRIPS ng WTO, nagiging mas madali para sa mga higanteng korporasyon
mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pag-agaw, pagkontrol at
pagmomonopolyo sa mga sumusunod: 1) likhang sining at distribusyon nito (sa
pamamagitan ng karapatang ari at mga kaakibat nito), 2) tatak (trademark) at
pagtukoy sa pinagmulan ng produkto (geographical indications), 3) imbensyon (sa
pagmamagitan ng patente), industrial design at trade secrets.
Sa pamamagitan ng General Agreement on Trade in Service o GATS ng WTO,
pinadali rin ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa
Pilipinas. Kabilang dito ang mga serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at
preserbasyon ng mga produktong pangkultura, gaya ng distribusyon at
pagpapalabas ng mga produktong pangsining at kultura. Kasabay ng halos
monopolyado ng US ang produksyon at distribusyon ng produktong pangkultura
hinuhulma nito ang panlasa ng mga tao upang lumikha ng pangangailangan
(demand) para sa kanyang mga produkto. Ngunit nagreresulta ito sa pagkalugi o
paglamon sa lokal na industriyang pangkultura. Nawala ang sariling
pagkakakilanlan ng sining at kulturang Pilipino at mas yumabong ang kolonyal na
pag-iisip ng mga Pilipino. Dahil sa matinding kumpetisyon lumalaban ang mga ito
sa pabababaan ng sahod, kontraktwalisasyon at pagbabawas ng mga manggagawa
na nagaganap sa mga estasyon ng telebisyon at mga produksyon pampelikula.
Binubunsod din ng kumpetisyon na ito ang lalong pagkasadlak ng mga likhang
sining sa pamantayang komersyal at kolonyal para makapatas sa mga imported na
likhang sining at pamantayan ng kahusayan.
May mabubuting dulot namang natabunan ang globalisasyon, at ito ang
koneksyon ng iba’t ibang lahi sa buong mundo. Nagkaroon ng ugnayan ang mga
Pilipino sa iba’t ibang pangkat o dayuhan sa pamamagitan ng pagka-unawa ng mga
kaugalian, kultura at tradisyon na tuwiran at di-tuwirang nakalahad sa kanilang
panitikan. Nakalahad ang mga dayuhang panitikan sa kani-kanilang wika, kaya
naman sumibol din ang mga salin nito hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa iba’t
ibang panig ng mundo.

Chingkanshan mao zedong

Sa ibaba ng burol, naglipana ang ating mga watawat at bandera, Sa taluktok ng burol, dumadagundong
ang ating mga tambol at trumpeta. Pinalilibutan tayo ng mga kaaway na isang libo ang tatag, hindi tayo
matitinag, hindi tayo mapapasuko. Baluting bakal ang ating panangga, Wangis ng kuta ang paninidigan
nating sama-sama Mula sa Huang yang chieh dumadagundong ang kulog ng ating mga sandata, Sa gabi
tumakas ang kalaban, ayon sa balita. Salin ni Elaine Lazaro
In my desire to be Nude
I clothed myself in fire:—
Burned down my walls, my roof,
Burned all these down.

Emerged myself supremely lean


Unsheathed like a holy knife.
With only His Hand to find
To hold me beyond annul.

And found Him found Him found Him


Found the Hand to hold me up!
He held me like a burning poem
And waved me all over the world.

JOSE GARCIA VILLA

Anchored Angel: Selected Writings “Pope of Greenwich Village” in 1940s New York City.

Trees

I think that I shall never see


A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest


Against the sweet earth’s flowing breast;

A tree that looks at God all day,


And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in summer wear


A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;


Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,


But only God can make a tree.
– by Joyce Kilmer (1886–1918)

Punungkahoy

Sa aking palagay ay hindi na ako makakakita pa


Ng tulang sindikit nitong punungkahoy na kaaya-aya

Bibig na dayukdok di ibig alisin sa pagkakadikit


Sa dibdib ng lupang ang daloy ng buhay, walang kasingtamis

Sa buong maghapon, sa mukha ng Diyos lamang nakatingin


Ang dahunang bisig ay nangakataas sa pananalangin

Kung nagtatag-init, ang malagong buhok ay nahihiyasan


Ng pugad ng ibong pugad din ng tuwa at kaligayahan

Sa kanyang kandungan, ang kabusilaka’y doon umiidlip


Sa buhos ng ulan ay magkarayamang nakikipagtalik

Tula’y nagagawa ng mga gaya kong mulala at hangal,


Mga punungkahoy, ang nakagagawa’y tanging Diyos lamang.

– salin ni Rufino Alejandro

The Poet

He is a tree watered by the River of Beauty, bearing


Fruit which the hungry heart craves;
He is a nightingale, soothing the depressed
Spirit with his beautiful melodies;
...
He is a brilliant lamp, unconquered by darkness
And inextinguishable by the wind. It is filled with
Oil by Istar of Love, and lighted by Apollon of Music.
Si Kahlil Gibran ay pandaigdig na makata, literato’t pilosopong
Lebanes. Lebanese poet and philosopher Kahlil Gibran (1883-1931) influenced modern
Arabic literature and composed inspirational pieces in English, including The Prophet.

Si Aniceto F. Silvestre ay nagkamit ng Unang Gantimpala sa Palanca Memorial


Awards for Literature noong taong 1969. Aniceto F. Silvestre won First Prize in the
Palanca Memorial Awards for Literature in the year 1969.

The first noted Filipino poet to write haiku was Gonzalo K. Flores, also known
as Severino Gerundio, an avant-garde poet during the Japanese period. Here are
some of his haiku, along with English translation, published in Liwayway magazine on
June 5, 1943.

tutubi
hila mo’y tabak…
ang bulaklak, nanginig!
sa paglapit mo.

dragonfly
pulling your sword…
the flower trembled
as you approached

Pinatitingkad ng globalisasyon, kulturang popular, korupsyon at panunupil at pasismo ang


dominanteng kulutrang kolonyal, burgest at pyudal. Ang ganitong kalagayan sa kultura ay
sumasalamin sa malakolonyal na estado at malapyudal na ekonomya ng bansa. Naisasalarawan
ng kulturang ito ang tumitindi at mas sopistikadong pagsasabwatan ng imperyalismo, burukrata
kapitalismo at pyudalismo – ang tatlong ugat ng kahirapan sa Pilipinas. Hamon at Panawagan
Mahalaga ang pagsabay ng pangkulturang pakikibaka sa pagsulong ng pagbabago sa pulitika at
ekonomya. Mahalaga ang papel ng mga artista sa paglikha ng sining na bitbit ang kaisipang
direktang sumasalungat sa dominanteng kultura. Mahalaga ang kulturang pambansa – na
nagtataguyod ng pambansang identidad na nasasalamin ng pambansang pamana ng mga
mayayamang kultura ng iba’t-ibang rehiyon at ng mga grupong etnolingwistiko. Mga tatak ng
paggalang sa sarili at sa kasaysayan ng mga Pilipino, sa kakayanan ng komunidad mabuhay ng
sagana, na nagpapatibay ng patriotismo. Dapat bitbitin ang kulturang may kritikal na pananaw at
pamamaraan, dahil may kaakibat ang sining na gawaing edukasyong nagpapalaya at
nagpapalawak ng kamulatan salungat sa pyudal na kaisipang nagpapamangmang. Bibit din ng
mga alagad ng sining ang pagpapalaganap ng kulturang maka-masa, hindi para sa iilang sector
lamang ng lipunan. Sinasalamin nito ang kanilang mithiin at ibinabandila ang kakayahan ng
malawak na mamamayan, partikular ang mga manggagawa at magsasaka, sa paghubog ng
lipunan at paglikha ng kasaysayan. Komprehensibo ang gawaing kultura, dahil komprehensibo
din ang saklaw nito. Sa usapin ng paglikha ng sining na bitbit ang kulturang pambansa, kritikal
ang pananaw at pamamaraan, at para sa malawak na mamamayan, malaki ang hamon sa mga
artista, ngunit bahagi lang ito ng pagbabago sa kultura. Mahalagang tungkulin din niya makiisa,
makilahok sa pagkilos ng mamamyan sa pagsusulong ng pagbabago. Dahil ang pagbabago ng
lipunan ay gawain ng lahat. Walang bansang masagana ang walang sariling kultur

https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgs

https://www.tagaloglang.com/tutubi-haiku/#more-72791

https://aklatangbayan.files.wordpress.com/2013/03/118808934-kamao-salin-ng-mga-tula-ni-
mao-ze-dong.pdf

goodreads.com/book/show/10787442-55-poems

http://www.intracen.org/BB-2012-04-16-WTO-Trade-Policy-Review-The-Philippines/

http://avhrc-kultura.blogspot.com/2007_02_04_archive.html

https://aklatangbayan.files.wordpress.com/2013/02/ang-kalagayan-ng-sining-at-kultura-sa-
panahon-ng-globalisasyon.pdf

https://www.bulatlat.com/2006/10/07/ang-mga-manunulat-at-artista-sa-panahon-ng-
globalisasyon-ng-mga-kapitalista/2/

https://dakilapinoy.com/2008/07/30/halugaygay-sa-panahon-ng-globalisasyon/

https://www.tagaloglang.com/joyce-kilmer-poem-trees/#more-4575

You might also like