You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 7

I. Panuto: Isulat sa sagutang papelang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos?


a. gawi b. pagpapahalaga c. pananaw d. birtud
2. Pinakapangunahing sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip ang ________.
a. karunungan b. pag-unawa c. agham d. kaalaman
3. Ang itinuturing na ina ng mga birtud ay _________.
a. pagtitimpi b. katatagan c. karunungan d. maingat na paghuhusga
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa pagpapahalaga.
a. Ito’y nangangahulugan ng pagiging matatag, malakas at pagiging makabuluhan.
b. Ito’y nagmula sa salitang Latin na valere.
c. Ito’y nagbabago depende sa tao, lugar at panahon.
d. Ito’y tumutukoy sa bagay na itinuturing na mahalaga
5. Ang mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ay nauuri bilang ___________na halaga.
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
6. Ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga ay _________.
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
7. Ano ang halagang may kinalaman sa pagsisiguro sa kaayusan at mabuting kalagayan sa buhay?
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
8. Ang pag-iisip sa kapakanan ng kapwa ay pagpapahalagang __________.
a. pambuhay b. pandamdam c. banal d. ispiritwal
9. Bakit tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga.
a. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan
b. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran
c. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan
d. Ang puso ng tao ay maituturing na mas mahalaga kaysa sa kakayahan ng isip.
10. Ano ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip kung mabuti o masama ang isang kilos?
a. Konsensiya b. birtud c. kilos-loob d. puso
11. Kakambal ng kalayaan ng tao ang _________.
a. Katarungan b. maingat na paghuhusga c. pananagutan d. katalinuhan
12. Sino ang makakatulong sa isang bata upang mas lalong mapalawak ang kanyang isip at maunawaan ang kanyang
kakayahang makakalap ng karunungan para sa katotohanan at kabutihan?
a. Kaibigan b. guro c. magulang d. pari
13. Ang pundasyon ng pagkatao ng isang indibidwal ay hinuhubog sa ______________.
a. pamilya b. paaralan c. simbahan d. pamayanan
14. Sino ang may malakas na impluwensiya sa isang bata sa huling yugto ng kanyang kamusmusan at maagang
yugto ng kanyang kabataan?
a. magulang b. guro c. kapwa kabataan d. kapatid
15. Sino ang binigyan ng karapatan na itayo ang istruktura ng pag-uugali at pagpapahalaga ng isang bata?
a. Kaibigan b. magulang c. guro d. pari

II. Panuto: Isulat ang titik A kung TAMA ang pahayag at titik B kung ang pahayag ay MALI o di-wasto.

16. Ang birtud ay taglay ng tao sa kanyang kapanganakan .


17. Pare-pareho ang paraan at antas ng pagpapahalaga ng bawat tao.
18. Masasabi lamang na tunay na matagumpay ang pagtututro ng mga pagpapahalaga ng magulang at ng guro
kung isinasabuhay ng paulit –ulit ang mga birtud.
19. Ang bawat tao ay nagtataglay ng mga pagpapahalaga na nalinang sa madaliang proseso.
20. Ang pagnais ng taong takasan ang konsekuwensiya ng kanyang kilos ay ang pagnanais na takasan ang
kalayaan.
21. Ang paghikayat sa anak na magkaroon ng disiplinang pansarili ay maaaring isa sa pinakamahirap na gawain
na maaaring isagawa ng magulang at guro.
22. Napakalakas ang kakayahang makabuo ng moral na paghuhusga kung nahubog ang tamang konsensiya mula
sa iyong paglaki bilang tinedyer.
23. Ang isang kilos na masama ay hindi maaaring ipagwalang-bahala.
24. Ang tao ay tapat sa paggawa ng tama, mag-aaalinlangan siya sa paggawa ng masama.
25. Kahit pa gaano kalakas ang impluwensiya sa iyo ng magulang o guro, maaari pa ring
mawala ang mga ito sa isang iglap dahil sa iyong nga kapwa kabataan.

1
III. Panuto: Tukuyin kung anong birtud ang pinapakita ng bawat sitwasyon.

26. Pagbibigay ng walang hinihintay na kapalit.


a. Pagmamahal b. katapatan c. pagpapakumbaba d. kasipagan
27. Pagtulong sa mga gawaing bahay.
a. Pagmamahal b. katapatan c. pagpapakumbaba d. kasipagan
28. Paghingi ng tawad.
a. Pagmamahal b. katapatan c. pagpapakumbaba d. kasipagan
29. Binibigay kung ano ang nararapat sa kapwa
a. Pagmamahal b. katapatan c. katarungan d. kasipagan
30. Pagiging mapanuri bago magpasya
a. Pagmamahal b. katapatan c. pagpapakumbaba d. maingat na paghuhusga
31. Pagsasabi ng katotohanan
a. Katapangan b. katapatan c. katarungan d. katatagan
32. Pagkontrol sa emosyong nararamdaman
a. Pagmamahal b. pagtitimpi c. pagpapakumbaba d. panalangin
33. Hinaharap ang anumang pagsubok sa buhay
a. katapangan b. katapatan c. katarungan d. katatagan

IV. (34-37). Isulat sa graphic organizer ang mga angkop na pinapahalagahan mula sa kahon.

a. panalangin b. cellphone c. pamilya d. pagtulong sa kapwa

37.
36.
35.
34.

VI. (38-49). Tulungan si Digong sa pagsasayos ng mga salik ng pagpapahalaga na nasa


kahon. Kumpletuhin ng tama ang kaniyang listahan.

konsensiya moral na integridad pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak


media pagsasabuhay ng mga birtud pamana ng kultura at impluwensiya ng
mga kapwa guro at tagapagturo ng relihiyon kapaligiran o lipunan
kabataan mapanagutang paggamit ng pagiging sensitibo sa gawang masama
disiplinang kalayaan katayuang panlipunan-pangkabuhayan
pansarili

38 44

39 45

40 46

41 47

42 48

43 49

No CHEATING!!!
HAWAK mo ‘ko, PERO SA IBA KA PA RIN NAKATINGIN!!! - Testpaper

You might also like