You are on page 1of 14

Edukasyong

Pangkatawan
YUNIT 4

PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-Related Fitness

ARALIN 1 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

I. Layunin

1. Natutukoy ang mga sangkap ng skill-related fitness.

2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ang kasiglahan at


kalakasan ng ating katawan.

3. Napahahalagahan ang mga sangkap ng skill-related fitness upang


lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapanatili at
pagpapaunlad ng ating physical fitness.

II. Nilalaman

Paksa: Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-RelatedFitness

Kasanayan: Skill-Related Fitness

Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng skill-related fitness sa katawan

Sanggunian: MAPEH 4

Kagamitan: Filipino Physical Activity Pyramid Guide

III. Pamamaraan

A. Pang –araw-araw na gawain

1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan.


2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa MAPEH 4

3. Balik-aral:

Tanungin ang mga bata sa mga natutuhan sa mga nakaraang aralin tungkol sa
sangkap ng skill-related fitness.
B. Panimulang Gawain

1. Ipabasa ang talaan at lagyan ng tsek ang kolum kung ang mga gawaing
pisikal (physical activity) na nabanggit ay lumilinang sa mga sangkap ng skill-
related fitness. Kopyahin nila ang talaan at sagutan sa kuwaderno.

2. Sagutin ang mga katanungan.

C. Panlinang na Gawain

Muling bigyan ng pansin ang anim na sangkap skill-related fitness.

D. Paglalapat

Ang klase ay hahatiin sa anim na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng


isang sangkap ng skill-related fitness. Bibigyan ng laang oras ang bawat
pangkat upang umisip ng isang gawain, laro/isports, at sayaw na
lumilinang sa ibinigay na sangkap sa grupo.
Sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon, ipakikita ng bawat pangkat
sa buong klase ang naisip na gawain, laro/isports, at sayaw. Huhulaan ito
ng iba pang pangkat. Ang sinumang makahula ay bibigyan ng
karampatang puntos..

E. Paglalagom

Ang agility (liksi), balance (balanse), coordination (koordinasyon),


power, speed (bilis), at reaction time ay mga sangkap ng skill-related
fitness na dapat linangin upang magawa nang buong husay ang mga
kasanayan sa paglalaro, pagsasayaw, o mga gawaing pang-araw-araw.

IV. Pagtataya

1. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nasa


kahon at sagutin ang tanong.
2. Gumuhit ng mga gawaing nakalilinang ng mga sumusunod na sangkap ng
skill-related fitness. Gumawa ng isang islogan na naaayon kung paano ito
mapauunlad:

a. Agility (liksi)
b. Speed (bilis)
c. Power
V. Takdang- aralin

Laging isaisip na sa lahat ng ating pang-araw-araw na gawain ay ginagamit natin


ang mga sangkap ng skill-related fitness upang mas maging madali at ligtas ang
mga gawain.
Gumawa ng personal na kontrata para sa paglinang ng mga sangkap na
nabanggit. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in
any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying –
without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. 71
YUNIT 4

PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Paglinang ng Balanse

ARALIN 2 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga kabutihang idunudulot ng likhang sayaw sa
paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan.
2. Naisasagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsasayaw .
3. Nabibigyang-halaga ang mga kabutihang idinudulot ng likhang sayaw
sa paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan.

II. Nilalaman

Paksa: Paglinang ng Balanse


Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility
Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang dulot ng
likhang sayaw sa kalusugan ng katawan.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: CD player, cds, 2 pirasong patpat o 2 piraso ng bao (ikalawang
pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang
kumpas kung walang CD player.)

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.


2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Balik-aral sa gawaing lokomotor

B. Panimulang Gawain (Simulan Natin)

Ipakita sa mga bata ang larawan. Tanungin kung alin sa mga


larawan ang nasubukan nilang gawin?

C. Panlinang na Gawain

Ipaliwanag kung ano ang balanse.


D. Paglalapat

Ipasagawa sa mga mag-aaral ang Balanse Backward Hop.

E. Paglalagom

Ipaliwanag sa klase na ang balanse ay mahalagang physical fitness


components.

IV. Pagtataya

Tanungin ang mga bata tungkol sa isinagawang Backward Hop.


Ipasagot ang mga tanong sa Suriin Natin.

V. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang personal na kontrata para sa paglinang


ng balanse. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
YUNIT 4

PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Paglinang ng Reaction Time

ARALIN 3 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

I . Layunin
1. Nalilinang ang kaalaman at kasanayan sa reaction time.
2. Nabibigyang-halaga ang mga kahalagahan ng kasanayan na
maging alisto at may sapat na kakayahan sa reaction time.

II . Nilalaman

Paksa: Paglinang ng Reaction Time


Kasanayan: koordinasyon, reaction time, at flexibility.
Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng likhang sayaw sa kalusugan ng
katawan.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao
(ikalawa pwedeng gamitin upang magbigay
ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.)

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotang


pampisikal na gawain
2. Pampasiglang Gawain: Sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Balik-aral tungkol sa paglinang ng balance

B. Panimulang Gawain

Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan at tanungin sila kung naranasan na ba


nilang tumugon sa isang pangyayari na mabilis nilang naisagawa ang kanilang
reaksyon.
C. Panlinang na Gawain

Pagpapaliwanag tungkol sa reaction time.

D. Paglalapat

Ipapakita ng guro ang tamang pagsasagawa ng Coin


Catch. Pagkatapos ng pagsasagawa ng alituntunin ng Coin Catch
hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Isasagawa nang ilang ulit ng
bawat pangkat ang Coin Catch B upang ito ay maisagawa nang
tama at malinang ang kasanayan.

E. Paglalagom

Sabihin na ang reaction time ay mahalagang physical fitness components upang


lubos na makagawa nang mahusay na gawain.

IV. Pagtataya

Ipasagot sa mga bata ang mga katanungan ukol sa nararamdaman sa katatapos


na gawaing Coin Catch.

V. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang personal na kontrata para sa paglinang ng


reaction time. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
YUNIT 4

MALIKHAING PAGSAYAW

ARALIN 4 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

I. Layunin
1. Naiisa-isa ang mga katawagan sa sayaw.

2. Nasusuri ang pagganap ng mga mag-aaral sa mga pangunahing hakbang.

3. Naipakikita ang kamalayan sa kahalagahan ng sayaw.

II. Nilalaman

Paksa: Katutubong Galaw sa Makabagong Sayaw


Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility
Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang
dulot ng sayaw sa katawan.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao
(ikalawang pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang
masundan ang kumpas kung walang CD player.)

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotang


pampisikal na gawain
2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Magtanong tungkol sa sayaw na Ba-Ingles.

B. Panimulang Gawain

Ipagawa sa mga bata ang talaan ng mga hakbang na ginamit sa


katatapos na aralin, sa Ba-Ingles at sa Liki .

C. Panlinang na Gawain

Balik- aralan at ipasakilos sa mga bata ang naitala nila. Paalalahanan ang mga
bata na isiping maigi ang bawat hakbang at bilang.
D. Paglalapat

Ipasubok sa mga bata na gawin ang mga hakbang sa pagsayaw sa


makabagong tugtugin.

E. Paglalagom

1.Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahat

F. Pangwakas na Gawain

Ipasayaw na muli sa mga bata ang lahat ng bahagi ng sayaw.

IV. Pagtataya

Sa tulong ng inihandang checklist, lagyan ng tsek (/) ang paraan ng


pagsasagawa ng mga batayang hakbang.
Paraan ng Pagsasagawa

Mga 1 2 3 4
Batayang Hindi Bahagyang Lubos na Kahanga-
Posisyon Naisagawa Naisagawa Naisagawa hanga ang
Pagsasagawa
Hop Step
Close Step
Touch Step
Change Step
Waltz
Waltz Turn
Three Step Turn
Change Step Turn

V. Takdang-aralin/Pagbibigay-halaga sa Aralin (Pagbutihin Natin)

Sabihan ang mga bata na sanayin ang mga hakbang sa pagsayaw at


humanda sa sariling paglikha.
Yunit 4

PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical


Fitness (Post-test)

ARALIN 5 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

I . Layunin
1. Nasusubukang muli ang antas ng physical fitness.

2. Natutukoy kung ano ang estado ng physical fitness kumpara sa naunang


pagsubok o pre-test.

3. Naisasagawa ang pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness o physical


fitness test.

II . Nilalaman

Paksa: Physical Fitness (Post-test)


Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility
Pagpapahalaga: Kabutihang dulot ng physical fitness.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: Physical Fitness Passport Card, tungtungan o hagdan

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain:


sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Magtanong tungkol sa katutubong galaw sa makabagong sayaw.

B. Panimulang Gawain

Sabihan ang mga mag-aaral na muling pag-aralan ang Physical Fitness Passport
Card na siyang naging talaan ng mga Pre-test scores.

Tanungin ang mga bata kung anong sangkap o component sila o malakas.
Tanungin sila kung ano-anong mga gawaing pisikal (physical activity) ang
kanilang mga ginawa para mapaunlad ang mga sangkap na ito.
C. Panlinang na Gawain

Sa patnubay at gabay ng guro, ipasagawa sa mga mag-aaral ang mga pagsubok


nang naaayon sa tamang alituntunin at kaligtasan.

D. Paglalapat

Ipagawa sa mga bata ang iba’t ibang pagsubok.

E. Paglalagom

Gabayan ang mga bata upang makabuo ng wastong kaisipan sa iba’t ibang
pagsubok. Itanong kung aling gawaing pagsubok ang dapat mauna at dapat
mahuli.

IV. Pagtataya

Muling ipagawa sa mga mag-aaral ang mga pagsubok upang malaman kung
ano ang estado ng kanilang physical fitness kumpara sa paunang pagsubok o
pre-test.

V. Takdang-aralin

Sabihan ang mga bata na bago nila itaya ang kanilang sarili sa mga pagsubok
ng mga sangkap ng physical fitness, nararapat lamang na muli nilang tandaan
ang mga alituntunin para sa wastong pagsasagawa ng mga ito.
Yunit 4

ANG PAGSUBOK SA MGA SANGKAP NG PHYSICAL FITNESS

Pangangasiwa ng Katawan

ARALIN 6 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

I. Layunin

1. Nasasagutan ang fitness passport card at post-test.

2. Naisasagawa ang mga gawaing nasa talaan ng iskor sa mga pagsubok ng


physical fitness

II. Nilalaman

Paksa : Pangangasiwa ng Katawan

Kasanayan: Health-related at Skill-related Physical Fitness Components

Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang dulot ng fitness level


ng mga mag-aaral.

Sanggunian: MAPEH 4

Kagamitan: fitness passport card, talaan ng iskor sa mga pagsubok ng physical


fitness

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotang pampisikal na gawain.


2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa MAPEH 4; pp.
3. Balik-aral : Tanungin ang mga bata sa mga
natutuhan sa mga nakaraang aralin tungkol sa
Filipino Pyramid Activity gaya ng kahutukan, bilis,
lakas ng kalamnan, puwersa at liksi.

B. Panimulang Gawain (Simulan Natin)


Gabayan at ipaliwanag sa mga bata ang pagsasagawa ng mga gawain sa
“Simulan Natin”.
C. Panlinang na Gawain (Ipagpatuloy Natin)

Ipabasa sa mga bata ang “Ipagpatuloy Natin” at ipaliwanag ito sa kanila.

D. Paglalapat: (Gawin Natin)

Ipalabas sa mga bata ang kanilang Talaan ng Iskor sa mga Pagsubok ng


Physical Fitness at ipagawa ang “Gawin Natin”

E. Paglalagom (Tandaan Natin)

Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng kaisipan na nauukol sa mga pagsubok sa


mga sangkap ng physical fitness

F. Pangwakas na Gawain

Sabihin sa mga bata na mag-cool down at kaunting stretching.

IV. Pagtataya (Suriin Natin)

Ipagawa sa mga bata ang gawain sa “Suriin Natin”.

V. Takdang-aralin/Pagbibigay-halaga sa Aralin (Pagbutihin Natin)

Ipagawa ang nasa LM “Pagbutihin Natin”

You might also like