You are on page 1of 36

Edukasyong

Pangkatawan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Oras, Lakas, at Daloy
Edukasyong Pangkatawan– Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Oras, Lakas at Daloy
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Edukasyong
Pangkatawan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Oras, Lakas, at Daloy
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH -
Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Oras, Lakas at Daloy.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

2
Malugod na pagtanggap sa MAPEH - Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Oras, Lakas at
Daloy.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o


Balikan balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

3
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

4
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

5
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang matulungan ang


mag-aaral na katulad mo para maunawaan ang konsepto ng
oras, lakas, at daloy sa paggalaw. Ito ay mayroong tatlong
aralin na tinatalakay ang mga sumusunod:
● Oras: Pagkilos nang mabagal, mabilis at mas mabilis
● Lakas: Pagkilos ng may puwersa
● Daloy: Pagkilos nang maayos at tuloy-tuloy

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mabagal, mabilis at mas mabilis na


pagkilos sa tulong ng mga larawan;

2. natutukoy ang pagkilos na gumagamit ng mahina,


malakas at mas malakas na puwersa sa pamamagitan ng
mga larawan;

3. naisasagawa ang mabagal, mabilis, at mas mabilis na


pagkilos; at

4. natutukoy ang epekto ng pagpapalit ng direksyon sa


pagkakaroon nang maayos at tuluy-tuloy na pagkilos.

1
Subukin

Panuto: Suriin ang bawat larawan, tukuyin kung ang mga galaw
ay nagpapakita ng mabagal, mabilis, o gumagamit ng
puwersa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

2
Aralin
Oras: Pagkilos nang Mabagal,
1 Mabilis at Mas Mabilis

Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang


matutunan ang pagkakaiba ng pagkilos nang mabagal, mabilis
at mas mabilis.

Balikan

Panuto: Basahin at isagawa ang mga sumusunod na kilos.


Isulat sa papel kung ito ay locomotor at non-locomotor skills.
1. Lumukso ng dalawang beses paharap.
2. Itaas ang dalawang kamay.
3. Lumakad paatras ng limang beses.
4. Humakbang ng dalawa sa kaliwa.
5. Habang nakatayo, pumalakpak ng apat na beses.

Tuklasin

Panuto: Isagawa ang mga sumusunod na kilos.


1. Lumakad ng limang hakbang nang mabagal.
2. Lumakad ng sampung hakbang nang mabilis at limang
hakbang nang mas mabilis.

3
3. Pumalakpak ng tatlong beses na mabagal, tatlong beses
na mabilis, at tatlong beses na mas mabagal.
4. Tumakbo nang mabagal, mabilis, at mas mabilis sa loob
ng isang minuto.
5. Tumalon ng tatlong beses pakanan nang mabagal, at
tatlong beses pakaliwa nang mabilis.

Suriin

Pareho ba ang iyong paggalaw sa mabagal at mabilis?


Sa iyong palagay, anong paggalaw ang natapos mong gawin
kaagad? Ang mabagal o mabilis?
Ang pagkilos o paggalaw ay isang kakayahan ng
katawan o mga bahagi ng katawan. Maaaring kang kumilos
nang mabagal, mabilis o mas mabilis ayon sa kilos na iyong
gagawin.

Pagyamanin

A. Panuto: Isulat ang M kung ang kilos ng nasa larawan ay


mabilis, B kung mabagal at S kung mas mabilis. Gawin ito sa
sagutang papel.

4
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Si Angel ay nakakita ng mga alimango na gumagapang sa
tabi ng dagat. Paano sila gumagapang?
A. mabilis C. mas mabagal
B. mabagal D. mas mabilis

2. Ang rocket ay isang sasakyang panghimpapawid. Ano


ang masasabi mo sa paggalaw ng isang rocket?
A. dahan-dahan ang paggalaw ng rocket
B. mabagal ang paggalaw ng rocket
C. mabilis ang paggalaw ng rocket
D. sobrang bagal ang paggalaw ng rocket
3. Si Paolo ay may sugat sa paa. Nang magtakbuhan ang
mga kaibigan niya para makalapit kay Jello, siya ay
naiwan. Bakit kaya?
A. Siya ay mabagal tumakbo.

5
B. Siya ay mabigat tumakbo.
C. Siya ay mabilis tumakbo.
D. Siya ay sobrang bilis tumakbo.

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabagal na


paggalaw?
A. asong tumatakbo
B. isdang lumalangoy
C. kabayong nakikipagkarera
D. pagong na naglalakad

5. Ang limang mag-aaral mula sa ikalawang baitang ay


sasali sa takbuhan. Ano ang mapapansin mo sa kanilang
pagtakbo?
A. mabagal
B. mabilis
C. mabigat

D. sobrang bagal

C. Panuto: Isulat sa hanay A kung ang kilos na nasa loob ng


bilog ay mabilis at sa Hanay B naman kung mabagal. Gawin
ito sa sagutang papel.

6
kabayong kuhol na karera ng
tumatakbo gumagapang motor

nag-aararong paligsahan
kalabaw sa takbuhan

Hanay A Hanay B
Mabilis Mabagal

Isaisip

Panuto: Isulat ang tamang salita na hinahanap sa bawat


patlang. Isulat ito sa papel.

Ang _________________ o ___________________ ay


isang kakayahan ng katawan o mga bahagi ng katawan.

7
Maaaring kang kumilos nang ____________, _____________
o _______________ ayon sa kilos na iyong gagawin.

Isagawa

Panuto: Basahin at isagawa ang sumusunod na galaw. Isulat


sa papel kung mabagal, mabilis o mas mabilis mong nagawa
ang kilos.
Sudin ang mga sumusunod na pamamaraan upang magawa
nang maayos ang mga gawain.
1. Gumuhit ng linya para sa paunang guhit at tapusang guhit.
2. Gawin ang mga kilos ng isang beseng lamang.
3. Humingi ng tulong sa magulang upang orasan ang
gagawing kilos.
4. Isulat sa sagutang papel kung mabagal, mabilis o mas
mabilis mong nagawa ang mga kilos.

Kilos na gagawin Mabagal Mabilis Mas


Mabilis
1.Lumundag pakanan at
pakaliwa mula sa paunang
guhit hanggang makarating
sa tapusang guhit.
2.Maglaktaw-laktaw sa kahit
saang direksyon mula sa
pauna hanggang makarating
sa tapusang guhit.

8
3.Tumakbo mula sa paunang
guhit hanggang makarating
sa tapusang guhit.
4.Maglakad mula sa paunang
guhit hanggang sa tapusang
guhit.
5. Kumandirit sa ibabaw ng
bagay (halimbawa: tatlong
patong ng libro, kahon, o iba
pang bagay) mula sa pauna
hanggang tapusang guhit.

Tayahin

Panuto: Gumuhit ng butuin sa kung ang pahayag ay tama.


Puso naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa papel.
_____1.Mas mabilis kang makararating sa iyong pupuntahan
kung ikaw ay maglalakad nang dahan-dahan.
_____2. Mabilis kumilos ang magkaibigang tumatakbo sa daan.
_____3. Mabilis kang maglakad kung ikaw ay paliko-liko.
_____4. Mabagal kang gumalaw kung paatras ang iyong takbo.
_____5. Mabilis gumapang ang mga uod.

Karagdagang Gawain

9
Panuto: Sa isang short bond paper, gumuhit ng larawan na
nagpapakita ng mabagal, mabilis at mas mabilis na pagkilos.

Aralin
Lakas: Pagkilos nang may
2 Puwersa
Sa araling ito, malalaman ng mag-aaral ang mga pagkilos
na ginagamitan nang mahina, malakas at mas malakas na
puwersa.

Balikan

Panuto: Tingnan ang mga larawan at gayahin ang galaw nito.


Isulat sa sagutang papel kung mabagal, mabilis o mas mabilis
ang kanilang mga galaw.

10
Suriin

Panuto: Gawin ang isinasaad sa bawat bilang.


1. Maglakad ng 15 hakbang na mabilis.
2. Bitbitin ang bag na may lamang mga aklat at maglakad
ng 15 hakbang na mabilis.
3. Orasan ang pagkilos, tingnan kung anong pagkilos ang
mas mabilis mong natapos.

Anong pagkilos ang mas mabilis mong nagawa? Sa iyong


palagay, ano ang naging epekto ng pagbubuhat mo ng isang
bagay sa iyong pagkilos?
Ang paggamit ng puwersa o lakas sa pagkilos, ay
nakaaapekto sa iyong paggalaw, maaari nitong pabagalin o
pabilisin ang iyong pagkilos.

11
Pagyamanin

A. Panuto: Isulat ang L kung ang nasa larawan ay gumagamit


ng lakas at H kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

B. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang mga


sumusunod na kilos ay gumagamit ng lakas o puwersa at
ekis (X) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

______1. Paghagis ng bola.


______2. Pagbubukas at pagsasara ng pinto.
______3. Nakahiga sa papag.

12
______4. Pagbubuhat ng kahon.
______5. Nakaupo sa malambot na upuan.

C. Panuto: Piliin sa panaklong ang kilos na nagpapakita ng


gumagamit ng lakas o puwersa sa bawat bilang. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. (kumakain ng ice cream, nakikipagkuwentuhan, nag-iigib


ng tubig)
2. (naglalaro ng snake and ladder, nanunuod ng telebisyon,
sumalo ng bola)
3. (lumalangoy sa dagat, naglalaro sa cellphone, nagbabasa
ng libro)
4. (may kargang bata, nakikinig ng kanta, nakasakay ng
jeep)
5. (nakikipag-usap, may hawak na lapis, laban ng takbuhan)

Isaisip

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salita sa bawat patlang.


Isulat ito sa sagutang papel.

lakas bilis pabagalin


pabilisin pahabain

13
Ang paggamit ng _______________________ sa pagkilos
ay nakaaapekto sa iyong paggalaw, maaari nitong
____________________ o ______________________ ang
iyong pagkilos.

Isagawa

Panuto: Sa loob ng ulap nakasulat ang mga iba’t ibang laro.


Isulat sa sagutang papel ang mga larong ginagamitan ng lakas
o puwersa.

Hilaang Lubid Luksong Baka Taguan

Patintero Chess

Piko Luksong Tinik

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan.


Isulat ito sa sagutang papel.
1. Bakit bumabagal ang iyong pagkilos tuwing ikaw ay
nagbubuhat?
a. dahil mahina ang tagabuhat
b. dahil hindi ka maayos na nakagagalaw
c. dahil naglalaro ka habang nagbubuhat
d. dahil masakit ang katawan ng nagbubuhat

14
2. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng
gumagamit ng lakas?
a. kumakain ng tinapay
b. nakahiga sa sofa
c. nakaupo sa malambot na upuan
d. nagbubuhat ng mabigat na kahon.

3. Ito ay tumutukoy sa maayos at tuluy-tuloy na pagkilos.


a. bilis c. lakas
b. daloy d. oras

4. Ang mga kilos na ito ay nagpapakita ng ginagamitan ng


lakas, maliban sa isa.
a. may hawak na lapis
b. nag-iigib ng tubig
c. nagtutulak ng mesa
d. tumakbo nang mabilis
5. Si Magie ay nagbuhat ng mesa. Siya ba ay gumamit ng
lakas o puwersa?
a. hindi c. maari
b. hindi sigurado d. oo

Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng mga gawaing bahay na ginagamitan ng


lakas o puwersa. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

15
Aralin
Daloy: Pagkilos nang
3 Maayos at Tuloy-tuloy
Sa araling ito, matutunan ng mag-aaral ang pagkilos nang
maayos at tuluy-tuloy. Malalaman din sa araling ito ang epekto
ng pagpapalit ng direksiyon tuwing kumikilos.

Balikan

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na galaw na ginagamitan


ng lakas.
1. Tumalon nang pakanan at pakaliwa ng limang beses.

16
2. Lumakad ng limang hakbang na may bibit na bag.
3. Humakbang ng limang beses na may hila-hilang upuan.
4. Maghagis ng bola.
5. Itaas ang kanang kamay na may buhat na isang aklat.

Tuklasin

Sino kaya ang mananalo, kung magkakaroon ng karera


ang magkaibigang sina Annie Alimango at Karen Kuhol ?
Basahin at tuklasin ang mangyayari.

17
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa
binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Sino ang nanalo sa karera?


a. Annie b. Karen c. Jenny d. Corine

2. Bakit kaya siya nanalo?


a. dahil ayaw niyang mainitan
b. dahil mabilis talaga siyang tumakbo
c. dahil nahilo ang kanyang kalaban
d. dahil mabilis siyang tumakbo at walang sagabal sa
kanyang pagtakbo

18
3. Sino ang natalo sa laro?
a. Annie b. Karen c. Jenny d. Corine
4. Bakit naman kaya siya natalo?
a. dahil ayaw niya talagang manalo
b. dahil naglaro siya habang tumatakbo
c. dahil pinagbigyan niya ang kanyang kaibigan
d. dahil maraming harang sa kanyang daraanan na
nagpapabagal sa kanya

5. Sa iyong palagay, kung wala bang nakaharang sa


daraanan ni Annie Alimango mananalo kaya siya sa
karera? Bakit?
a. Oo, dahil siya ay magaling.
b. Hindi, dahil ayaw niyang Manalo.
c. Hindi, dahil mabagal pa siya tumakbo.
d. Oo, dahil magiging maayos na ang daloy ng kanyang
pagtakbo.

Suriin

Sina Annie Alimango at Karen Kuhol ay parehong ginamit


ang kanilang buong lakas at bilis sa pagtakbo. Malaking tulong
sa pagkapanalo ni Karen Kuhol ang pagpili niya sa tuwid na
daan at nakaapekto naman sa pagtakbo ni Annie Alimango ang
paliko-liko at maraming harang sa kanyang daraanan.
Ang daloy ay paggalaw ng malaya o tuluy-tuloy. Ang
pagpapalit ng direksyon ay nakakaapekto rin sa daloy ng
pagkilos.

19
Pagyamanin

A. Panuto: Ilarawan ang bilis ng pagkilos ng mga nasa


larawan. Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na column. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Larawan Direksyon Bilis

Paatras Pasulong Mabilis Mabagal

1.

2.

3.

20
4.

5.

B. Panuto: Hanapin sa puzzle ang tatlong kilos na may


maayos na daloy. Isulat ito sa sagutang papel.

M A T U L I N N A T A K B O

A S A L U N K O T U L L I R

M A B I L I S M A G B A S A

A T E N U M O I K O S B S D

D I R E T S O N G L A K A D

I N A N O B N A O K A A D S

21
C. Panuto: Sa mga prutas ay nakasulat ang mga iba’t ibang
kilos. Piliin ang kilos na nagpapalit ng direksiyon. Isulat ito
sa papel.

Isaisip

22
Panuto: Piliin ang tamang salita sa panaklong. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.
Ang _______________ (lakas, bilis, daloy) ay paggalaw
nang malaya at tuluy-tuloy. Ang pagpapalit ng
___________________ (galaw, direksiyon, takbo)
nakakaapekto rin sa daloy ng pagkilos.

Isagawa

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na kilos na nagpapalit ng


direksyon. Isulat sa sagutang papel kung mabilis o mabagal mo
itong nagawa.
1. Umatras nang paliko-paliko ng limang hakbang.
____________________
2. Tumalon nang pakanan at pakaliwa ng sampung beses.
____________________
3. Lumakad nang paatras ng sampung beses.
____________________
4. Humakbang nang pakanan at pakaliwa ng sampung
beses habang nakataas ang dalawang kamay.
____________________
5. Maglaktaw-laktaw ng dalawang beses pakanan at
dalawang beses pakaliwa. ____________________

Tayahin

23
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang kilos ay
nagsasabi ng magandang daloy at ekis (X) naman kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
____1. Batang naglalakad nang paliko-liko.
____2. Lalaking kumakandirit sa isang bagay.
____3. Pagtakbo nang mabilis sa patag at diretsong daan.
____4. Pagtawid sa daan na walang dumadaang sasakyan.
____5. Mag-aaral na naglalakad na may hila-hilang bag.

Karagdagang Gawain
Panuto: Kumuha ng kapares (kung nasa bahay, maaaring si
tatay, nanay, kapatid o kung sino man ang nasa bahay).
Ilarawan ang direksiyon at bilis ng pagkilos ng pares ng
manlalaro sa isasagawang larong Sack Race.
Lagyan ng tsek( ) ang angkop na column. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Pangalan ng Direksiyon Bilis


Manlalaro
Tumatalon Tumatalon Mabilis Mabagal
ng ng diretso
pakanan
at pakaliwa

1.

24
2.

3.

4.

5.

6.

Susi sa Pagwawasto

25
Sanggunian

You might also like