You are on page 1of 12

TITLE NG KWENTO

(Kontemporaryong Programang Panradyo)

Program : Sender : Allea


Station : GROUP 4 SJME
Writer : Stephanie Anne Mercado

1 BIZ : THEME INTRO UP & UNDER...

2 STEPHANIE : May nangangalang Allea na


3 namumuhay ng payapa kasama ang
4 kanyang pamilya sa probinsiya. Kahit sa
5 tindi ng kahirapan sa araw araw,
6 kontento at maligaya nilang tinatanggap
7 sapagkat biniyayaan naman sila ng mga
8 mapagmahal na asawa at mga anak.
9 Ngunit may problemang kailangang
10 harapin kapalit ng kasiyahan ng
11 pamilya, halina't tunghayan natin ito
12 dito lamang sa (title ng kwento)

THEME INTRO UP & OUT… BIZ..


13 MSC : BIRDS..
14

(INHALE) Magandang umaga! Napaka


15 KURT : sariwa talaga ng hangin, kaya pinili ko
16 na manirahan lamang dito sa probinsiya
17 dahil sa kagandahan ng ating
18 kinalakihan.
19

Mukhang masagana ang mga ani mo


20 ALLEA : ngayon, mahal. Pero pati ikaw din ay
21 mukhang mas masagana pa kaysa sa
22 mga pananim mo.
23
1 KURT : Aba naman siyempre, sa aking
2 paggising ay nakita ko na agad ang
3 minamahal kong asawa na nagpapasaya
4 sa akin.

5 MSC : PLAY ANG GANDA MO…

6 GRACECIEL : Ano ba iyan, nay, tay. Umagang umaga


7 ganito po agad ang bubungad samin ni
8 kuya James?

9 JAMES : (LAUGHS) Ito talagang sina nanay at


10 tatay, grabe kung maglambingan. Hindi
11 kana ba nasanay sa kanila?

12 GRACECIEL : Sanay na ako kaya minsan nagsasawa na


13 din ako sa mga banat ni tatay kay nanay
14 Allea eh.

15 ALLEA : Alam mo mahal, tama sina anak. Mag-


16 ani ka nalang nga diyan upang may
17 maibenta na ako mamaya.

18 KURT : (PABIRO) Mahal, bakit? Sawa ka na din


19 ata sa mga banat ko?
1 ALLEA : Pumunta ka na nga sa palayan, at mga
2 anak kayo'y kumain na samantalang
3 kakagising niyo palang.

4 KURT : Maaga kang nag-ani Mang Jhan? May


5 bagong pananim ka na agad ah.

6 JHAN : Oo Mang Kurt, mainit ang sikat ng araw


7 kaya ang ating mga palay ay talagang
8 malago na.

9 SFX : HARVESTING OF CROPS

10 JHAN : Ang pagtatanim ay 'di biro talaga. Pero


11 sumasaya ka ba sa hanapbuhay na
12 ganito?

13 KURT : Oo naman, dahil nakakatulong naman


14 ito na bumangon kami bilang pamilya at
15 sa mga pangunahing pangangailangan
16 namin sa bahay bukod sa hirap na
17 nadaraanan.

18 JHAN : Kaya saludo ako sayo eh. Kita ko ang


19 tunay na pagmamahal mo sa iyong
20 pamilya.
1 KURT : Hindi din naman ako naghahangad ng
2 mga magarbong buhay, kontento na
3 kami sa simpleng buhay namin ngayon.
4 Basta't mahal na mahal namin ang isa't
5 isa. Osige mauuna na muna ako,
6 kailangan nang magtinda ng asawa ko.
7 Salamat Mang Jhan!!

8 JHAN : Walang anuman Mang Kurt!

9 MSC : BRIDGE..

10 JAMES : Umalis na pala si nanay upang


11 magtinda, hindi ka na niya nahintay pa
12 tay.

13 KURT : Sige anak.

8 GRACECIEL : Tatay Kurt, magpahinga at kain ka muna


9 bago bumalik sa pagtatrabaho. Inom ka
10 din ng maraming tubig para maiwasan
11 ang sakit.

12 SFX : MARKETPLACE NOISE

13 MARIELLE : Mare, bakit kakadating mo lang?


1 ALLEA : Anong nangyari? Bakit pinapaalis kayo
2 at kinukuha ang mga paninda ninyo?

3 ASHLEY : Ipinagbabawal na kasi ang mga


4 magtitinda sa kalsada ngunit palagi
5 parin daw tayong nagmamatigas at
6 nagpupumilit na magtinda kaya't
7 kinumpiska nila ang aming paninda.

8 MARIELLE : Alam ko naman na bawal pero iyan


9 lamang ang nakakayanang hanapbuhay
10 ng mga tulad ng estado natin.

11 JIMUEL : Grabe naman kung hindi na nila


12 ibabalik ang mga paninda dahil
13 maibebenta parin natin yan at Malaki
14 parin ang ating kikitain.

15 ALLEA : Wag kayong mag-alala kung ayaw


16 nilang balik yan. Ako ang bahala,
17 magsasagawa tayo ng protesta para sa
18 karapatan nating mga mahihirap.

19 ASHLEY : Ang batas ay batas kaya't susunod tayo


20 basta huwag nila tayong minamaliit
21 dahil lang sa estado natin sa buhay.

22 MARIELLE : Paglalaban natin ang karapatan natin,


23 sapagkat ginagawa lang natin ito bilang
1 MARIELLE : trabaho upang may maipakain sa ating
2 pamilya.

3 SFX : PEOPLE RALLYING

4 ALL : Kabuhayan, ipaglaban!

5 ALLEA : Bigyan ninyo po ulit kami ng isa pang


6 pagkakataon!

7 ASHLEY : Ito lang ang tanging hanapbuhay at


8 pinagkikitaan namin!

9 JIMUEL : Tigilan na ang pagkumpiska at ibalik


10 ang aming mga paninda!

9 MARIELLE : Wag maliitin ang mga mahihirap na


10 mga tindera't tindero!

11 ALL : Kabuhayan, ipaglaban! Kabuhayan


12 pinaglalaban namin para sa pagunlad ng
13 buhay namin, Mayor!

14 MSC : BRIDGE... FADE IN & OUT...


1 GRACECIEL/JAMES : Nanay!

2 KURT : Nabalitaan namin ang protestang


3 nangyari, kamusta ka mahal? Hindi ka
4 ba napagod? Kanina pa kayo simula
5 nung umaga ha.

6 JAMES : (ALALA) Nay, ba't parang namumutla


7 ka? Ayos ka lang ba? Graceciel bigyan
8 mo nga ng tubig si nanay.

9 SFX : POURING WATER

10 GRACECIEL : Mukhang lubusang napagod ka nay.


11 Magpahinga ka po muna.

12 ALLEA : (SAD) Ayos lang ako mahal, mga anak.


13 Pasensya na dahil walang kita si nanay
14 sa araw na 'to kaya wala tayong
15 makakain sa hapunan. Pasensya talaga
16 mga anak ko.

17 JAMES : Nay ano ka ba, wala kang kasalanan.


18 Naiintindihan naman po namin na
19 ganun ang nangyari at wala kang
20 nagawa don dahil ang gobyerno ang may
21 desisyon.
1 KURT : Tama si Allea, mahal. Wag mo munang
2 isipin ang makakain ngayon at ako na
3 muna ang mag-aasikaso dito. Matulog
4 ka mahal, buong araw ay nakatayo kayo
5 at nagprotesta eh.

6 GRACECIEL : Oo nga po, mas mabuting daan mo lang


7 sa pagpapahinga iyan nay.

8 MSC : BRIDGE… SOUND OF CAR DOOR

9 JIMUEL : Ayan na si Mayor Denzel!

10 DENZEL : (GALIT) Ano ang kaguluhan na ito?


11 Hindi ba’t ipinagbabawal ko na kayo na
12 magtinda dito?

13 ASHLEY : Kami’y nagpoprotesta, Mayor. Sana


14 naman ay bigyan niyo kami ng isa pang
15 pagkakataon. Wala kaming iba pang
16 trabaho kundi ang pagtitinda, at kinuha
17 ninyo pa ito sa amin.

18 DENZEL : Naiintidihan ko naman kaya


19 pinagbigyan ko na kayo dati pa. Subalit
20 pilit parin kayong sumusuway at
21 nagkakalat pa sa lugar na inyong
22 pinagtitindahan. Ako na lamang ang
23 bibili ng mga paninda ninyo para
1 DENZEL : naman may mapangkain kayo sa inyong
2 pamilya. May konsiderasyon parin ako
3 sa inyo kahit na makukulit kayo.

4 MARIELLE : At bakit naman po mukhang labag pa


5 sayong kalooban ang pagbili ng aming
6 paninda? Ang hinihiling lang naman
7 naming ay payagan muli kami na
8 magtinda at pinapangako namin na
9 mapapanatilihin ang kalinisan sa
10 kalsada.

11 DENZEL : Sinasabi ko sa inyo na iyan na ang huli


12 na bibigyan ko kayo ng tiyansa. Isa pang
13 beses na kayo’y lumabag sa aking mga
14 utos ay tuluyang pagbabawal ko na kayo
15 dito.

16 ALL : Maraming salamat, Mayor. Aming


17 pagbubutihin ang pagtitinda at tiyak na
18 hindi namin kayo bibiguin.

19 MSC : BRIDGE…

20 MARIELLE : Siguradong matutuwa si Mareng Allea


21 dahil dito, puntahan natin siya sa kanila.
22

Tara na!
23 JIMUEL :
1 ASHLEY : (SMILE) Mayroon kaming magandang
2 balita para sainyo!

3 ALLEA : Ano naman yan?

4 JIMUEL : Aayos na talaga ang pakiramdam mo sa


5 balita namin.

6 MARIELLE : Makakabalik na ulit tayo sa


7 pagtatrabaho simula bukas. Kahit ibinili
8 na ni Mayor ang kalahati ng mga
9 paninda, magtitinda parin tayo, dahil
10 dito tayo mas sumasaya.

11 ALLEA : Salamat sa Diyos! Namiss ko na rin ang


12 magtinda. Kahit gaano kasimple lang
13 ang pamumuhay natin, ginagawa
14 naman natin ang lahat ng makakaya
15 upang mataguyod ang pamilya patungo
16 sa magandang kinabukasan.

17 JIMUEL : At maraming salamat din sayo Allea!


18 Kung hindi lamang sa plano mong
19 protesta ay baka nakatayo pa rin tayo
20 doon sa matinding init at patuloy na
21 pinaglalaban ang ating karapatan.

23 KURT : Isang mabuting ina na nga ang mahal


24 ko, isa ring mabuting lider at kaibigan.
1 MSC : GRADUATION SONG

2 STEPHANIE : The graduates of Bachelor of Science in


3 Nursing, Graceciel Pangan.
4 Congratulations graduates!

5 SFX : AUDIENCE CLAPPING

6 ALLEA : Sobrang proud ako sayo, anak. Talagang


7 nakapagtapos ka na sa pag-aaral, pero
8 tandaan mo na simula pa lamang iyan
9 ng pangarap mo.

10 KURT : Malayo pa ang mararating mo sa buhay


11 nak.

12 GRACECIEL : Hindi ito mangyayari kung hindi dahil


13 sa inyo nanay at tatay. Kayo ang nagging
14 inspirasyon ko upang makapagtapos at
15 mabayaran ang lahat ng hirap at pagod
16 na ginawa niyo para saming
17 magkapatid. Sobrang nagpapasalamat
18 din ako sa pagpapalaki niyo sa amin ni
19 kuya James ng maayos at may disiplina.
20 Walang makakapantay ng lubos na
21 pagmamahal niyo. Mahal na mahal ko
22 kayo!
1 JAMES : Sali niyo rin naman ako, mahal ka namin
2 bunso!

3 CURT : THEME EXTRO UP & UNDER…

4 STEPHANIE : Ang kahirapan ay hindi isang hadlang


5 upang umunlad ang buhay. Ang tunay
6 na sikreto sa tagumpay ay pagsisikiap at
7 patuloy na pagbangon sa bawat
8 pagsubok na dumaraan sa inyong
9 buhay. Dapat matutong labanan ang
10 kahirapan o kaya’y tanggapin ito
11 sapagkat ikaw naman ay masayang
12 napapalibutan ng mga taong minamahal
13 sa kabila ng simpleng pamumuhay.
14 Araw araw tayong mag pasalamat sa
15 mga biyayang natatanggap natin at
16 bigyang halaga ito gaano man kaliit iyan
17 dahil mula ito sa Diyos nating
18 minamahal.

Casting

1. Allea 6. Marielle
2. Kurt 7. Denzel
3. Graceciel 8. Ashley
4. James 9. Jhan
5. Stephanie 10. Jimuel

You might also like