You are on page 1of 3

Ano ang animasyon?

Ang animasyon ay isang mabilisang paglabas ng mga


sunod-sunod na larawan ng gawang 2-D o 3-D o posisyong
modelo para makagawa ng ilusyon ng paggalaw. Ang epekto
ay isang ilusyong optikal ng mosyon dahil sa penomenon
ng persistensiya ng bisyon, at maaaring makagawa at
maipakita sa maraming paraan. Ang larawang mosyon ang
pinakakilalang metodo ng pagpapakita ng animasyon o
programang bidyo, kahit na meong ibang metodo.

Bakit ginagamit o gumagawa ng mga animasyon?

Ang animasyon ay popular sa paglikha ng mga sine at


palabas sa telebisyon. Ang mga advertiser rin ay gumagamit rin ng
kapamaraanan ng animasyon upang ipakilala ang kanilang produkto
sa telebisyon. At idagdag pa rito ang mga palabas na impormatibo dahil
gumagamit rin sila ng animasyon kung nahihirapan silang gumawa ng
ilustrasyon ng kanilang ideya o ideyang hindi maaaring magawa sa totoong
buhay.

Paano gumawa ng animasyon?

Ang animasyon ay maaaring magawa kahit hindi


gumagamit ng kahit na anong teknolohiya. Isang simpleng
halimbawa ng animasyong ito ay ang flip-book. Isang grupo
ng larawan na may pagkakasunod-sunod na nakapatong sa
bawat isa. Kung mabilis ang pagpitik ng mga papel, ang
larawan na sa papel ay nagmumukhang gumagalaw.

Ano ang mga hakbang para gumawa ng animasyon?

1. Ang unang hakbang sa paggawa ng isang animasyon ay ang pagbuo ng kuwento para sa
palabas.
2. Pagkatapos mabuo ang istroya, ang isang writer at artista ay magsisimulang bumuo
ng storyboard, na nagsisilbing ikript. Ang storyboard ay ay nagsisilbing isang malaking komik
strip. Ito ay naglalaman ng paunang mga guhit upang makita lamang ang takbo ng istorya
kasama ang diyalogo na nakasulat bawat drowing.
3. Pagkatapos ng direktor at iba pang kasama sa grupo aprubahan ang storyboard, ang susunod
naman na gagawin ay ang paglalagay ng musika at diyalogo na irerekord.
4. Ang komposer ay masusing sinusundan ang takbo ng storyboard upang makita kung umaayon
ang musika sa galaw ng mga karakter sa storyboard.

Mga uri ng animasyon

 Traditional Animation. (2D, Cel, Hand Drawn)


 2D Animation. (Vector-Based)
 3D Animation. (CGI, Computer Animation)
 Motion Graphics. (Typography, Animated Logos)
 Stop Motion. (Claymation, Cut-Outs)

Ano ang mga halimbawa ng animasyon?

URDUJA (2008)
Isang Pilipinong animasyon na hango sa alamat ng mandirigmang
prinsesang si Urduja ng Pangasinan.

Dayo Sa Mundo ng Elementalia (2008)


RPG Metanoia (2010)

Mga Sanggunian:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Animasyon
https://en.wikipedia.org/wiki/Dayo:_Sa_Mundo_ng_Elementalia
https://en.wikipedia.org/wiki/Urduja_(film)
https://www.bloopanimation.com/types-of-animation/

You might also like