AWTENTIKONG KAG-WPS Office

You might also like

You are on page 1of 16

AWTENTIKONG KAGAMITAN

BULLETIN BOARD DISPLAY

ang pagiging awtentiko ng input data na gagamiting lunsaran sa panggawa ng kagamitang panturo. Ang
data ay hango sa pahayagan, patalastas , magasin, brochure at billboards.

WHITEBOARD/

MARKERBOARD DISPLAY

ginagamit ito upang ipakita ang ilang mahahalagang impormasyon at natatanging isyu

Mga iginuhit na alarawan o isinulat sa isang light colored na bagay

CHALKBOARD DISPLAY

Mga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang dark colored na bagay

GRAPS

TSART O GRAPHIC ORGANIZER

salamat

=) !

ginagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at pangyayari sa binasa

MGA LARAWAN

flat picture na maaring binubuo ng ng tuldok, guhit o larawan.

FLANNEL BOARD/ FELT BOARD

PAG-UURI-URI NG KAGAMITANG PANTURO

MAPA

karaniwang ipinapakita ng guro sa pagtalakay ng aralin upang magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral
sa ipinaliliwanag ng guro
kagamitang yari sa kardbord o kahoy na binabalutan ng felt na papel

dito maaaring makita ang eksaktong kinaroroonan ng lugar, bansa at pati ang agwat ng oras

LASERPEN

ILUSTRASYON

HOOK AND LOOP DISPLAY

ginuguhit na manwal ng kamay ang paraan sa pagbubuo ng isang bagay, tao, lugar at pangyayari

MGA BAGAY

laser pointer na ginagamit pangmarka ng nais bigyang diin at i-present sa tao

mga larawan, ilustrasyon at iba pang biswal aids na isinasabit upang makita ang paksang tinatalakay

POSTERS

eye catching graphics, sa pamamagitan ng nito ay madaling makuha ang mensahe mula sa nakasaad na
larawan o ilustrasyon

II. MGA KAGAMITANG NAMAMASID

CELLPHONE

MAGNETIC BOARD DISPLAY

isang long-range, electronic device na ginagamit para sa mobile voice at data communication sa
pamamagitan ng network

Mga larawan at tala ng impormasyon na idinidikit sa pamamagitan ng magnetic holders

EXHIBITS

INTERNET

Mga iba't ibang kagamitan na may kaugnayan sa isang gawain bilang kaalamang biswal

gamit bilang source ng impormasyon at gamit pang-exchange ng mga impormasyon

VIDEOCAM

VIDEOTAPES
isang camcomander para marekord ang video at awdyo/ isang built in recorder

mga tiyak na palabas para tiyak na paksang tatalakayin

DIGITAL CAMERA

isang camera na ginagamit sa pagkuha ng still photographs

III. MGA KAGAMITANG NARIINIG AT NAMAMASID

III. MGAKAGAMITANG NARIRINIG

"They are devices that assist an instructor the teaching-learning process. They are not self supporting;
they are supplementary training devices.

TELEBISYON

balita, debate, telesine at iba pang paksa

mga dula, awitin at komentaryo

RADYO

CASETTE

mga awitin

SINE

TEYP REKORDER

mga palabas at pangyayari hinggil sa pag-ibig pakikipagsapalaran, kabayanihan at maaaring makita sa


lipunan

PHOTOCOPIER

lektyur, talumpati, tula, awitin at iba pang anyo ng panitikan

gamit para makabuo ng maraming sipi o kopya ng isang babasahin

SCANNER

napaparami/ nakokopya ang isang larawan at impormasyon na nais mabasa at magamit muli

VII. MGA NAPAPANAHONG

TEKNOLOHIYA
DIGITAL IMAGES

mga dalawang dimensyunal na imahe

POWERPOINT PRESENTATION

slideshow o display ng iba't ibang imahe na binuo ng sining at ng layuning pagtuturo

DVD/ CD PLAYER

makapapanood ng isang ispesipikong palabas sa tulong ng tv.

LCD PROJECTOR

gamit para ipanood ang imahe o kaya ay kompyuter data sa screen o flat na bagay

IV. RESORSES MULA SA KOMUNIDAD

MOVIE MAKER PRESENTATION

KOMPYUTER

gamit ang video software ay maaari nang makagawa ng mga film na kagaya ng sa pelikula

predictable at controllable, madaling mavalidate at maupdate ang mga data. Makapagtatago ng


madaming impormasyon

VIDEO

LAPTAP

capturing, recording, processing, storing, transmitting at reconstructing sikwens ng mga still image na
nagrerepresenta ng paggawa

handy, maaaring madala kahit saan. Kaya ring gawin ang mga function ng kompyuter.

V. KAGAMITANG PROJECTED AT NAMAMASID

FIELD TRIPS

ang mga mag-aaaral ay lumalabas sa klasrum

FILMSTRIP

LABORATORI
mga larawan ng bagay, tao, lugar o pangyayari

may iba't ibang ekwipment gaya ng magnetic tape recorders, headsets, microphones.

Sa agham katulad ng beaker, test tube at iba pa.

OPAQUE PROJECTORS

TAGAPANAYAM AT TAGAPAGSALITA

pinalaking imahe ng larawan at ilustrasyon ng tao, bagay, hayop at pangyayari.

mga taong higit na may kaalaman kaysa sa kaalaman ng iba.

OVERHEAD PROJECTORS

mga larawan, teksto ng materyales ay inihaharap sa isang transparency para makita sa screen
Pagsusuri

Isa sa pinakamasigasig na manunulat na Filipino si Rene O. Villanueva. Nagsimula siyang kumatha ng


mga dula, kuwentong-pambata at sanaysay noong magtatapos ang dekada ’70. Noong 2004, ginawaran
siya ng Gawad CCP Para sa Sining (Literatura); nahirang siyang Pinakamahusay na Alagad ng Sining sa
2005 Gawad Chanselor sa UP. Kabilang siya sa unang batch ng manunulat na iniluklok sa Hall of Fame ng
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature; bukod sa may hawak ng dalawampu’t siyam,
pinakamaraming bilang ng natamong karangalan mula sa Palanca sa buong kasaysayan ng timpalak.

Narito ang iba pang parangal na kanyang tinanggap: TOYP, New York Film and TV Festival, First Latin
American Video and Film Festival (Columbia), Japan Prize (Preschool Category), Prix Juenesse Winner
(Germany), TOYM, CCP, Gawad Collantes, Gantipalang Quezon, at National Book Award.

Ang Galian: Mga Akda sa Panahon ng Krisis (co-edited with Virgilio S. Almario & Michael L. Bigornia),
1983 ay isa sa mga antolohiyang pinamatnugutan niya. Sumulat din siya ng panunuring pampanitikan sa
aklat na Ang Sining ng Pagkatha ng Tula at Dula (co-editor), 1987.

Narito naman ang ilan sa mga isinulat niyang pelikula:

1990 Sa Diyos lang ako susuko (story and screenplay)

1988Akyat bahay gang (screenplay)

1987Pasan ko ang daigdig (screenplay – as Rene O. Villanueva)

1987Anak ng lupa (screenplay)

1986Gabi na, kumander (screenplay)

1983Laruan (story)
2007Roxxxanne (script consultant)

Narito naman ang ilan sa kanyang mga aklat sa dula at teleplay:

Apat na Dula, 1998;

Teleplay (Gabay sa Pagsulat at Anim na Dulang Pantelebisyon), 1994;

Tonyo: Manologo ni Antonio Luna, 1991;

Botong, 1990; May isang Sundalo at Iba Pang Dula, 1988.

Narito naman ang ilan sa kanyang mga aklat-pambata:

Ang Pamilyang Ismid (The Family Ismid) co-published by Cacho Publishing House and Philippine
Children’s Television Foundation

Ang Patsotsay Na Iisa Ang Pakpak (The Patsotsay With Only One Wing) co-published by Cacho Publishing
House and Philippine Children’s Television Foundation

Ang Prinsipeng Ayaw Maligo (The Prince Who Hated Taking Baths) published by Cacho Publishing House.

Ang Unang Baboy Sa Langit (The First Pig In Heaven) published by Cacho Publishing House. [1st Prize,
Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature, children’s story, (Tagalog) 1990]

Ayokong Pumasok Sa Paaralan (I Don’t Want to Go to School) published by Cacho Publishing House.

Dagat Sa Kama Ni Troy (The Sea in Troy’s Bed) published by Cacho Publishing House.
Gusto Kong Kumain Ng Pansit Ngayon (I Want to Eat Noodles Now) published by Cacho Publishing
House.

Kung Bakit Umuulan (Why It Rains) published by Cacho Publishing House.

Nagsasabi Si Patpat (Patpat Says When) published by Cacho Publishing House.

Nasaan Ang Tsinelas Ko? (Where Are My Slippers?) published by Cacho Publishing House.

Okaka-okaka published by Cacho Publishing House.

Sina Elephas At Estegodon Noon Unang Panahon (Elephas and Estegodon [Two Mammoths during
Primeval Times]) published by Cacho Publishing House.

Si Inggolok At Ang Planeta Pakaskas (Inggolok and the Planet Pakaskas) co-published by Cacho
Publishing House and Philippine Children’s Television Foundation

Si Paula Oink-oink published by Cacho Publishing House

Sina Linggit Laban Kay Barakuda (Linggit against Barracuda [A retelling of a folktale]) co-published by
Cacho Publishing House and Philippine Children’s Television Foundation

Lumikha Ng Kuwento, Tula At Laruang Pambata (with Virgilio Almario, Annaleah Habulan, Michelle
Parazo Manual)

The Rene O. Villanueva Children’s Reader (the author’s own selection of his favorite stories, poems,
plays and lyrics [English and Filipino]) published by Cacho Publishing House
Si Rene O. Villanueva ay isinilang noong 22 Setyembre 1954 sa La Loma, Quezon City. Nagtapos siya ng
AB History sa Lyceum of the Philippines University. Siya ay pumanaw noong 5 Disyembre 2007 sa
Philippine Heart Center, Quezon City. Ang kanyang mga naulila ay si Mam Anne Villanueva at ang apat
nilang anak.

Mga Tauhan

Mike - isang mamamahayag ng diyaryo na napalapit ng husto kay Benjie

Benjie - matalik na kaibigang bakla ni MIke na may natatagong pagtingin para sa kanya

Joana - kaibigan at katrabaho ni Benjie na may gusto kay Mike

Carmi - dating syota ni Mike

Inay - nanay ni Benjie

Buod

Unang nakilala ni MIke si Benjie sa media party ng kumpanya nito. Pagkatapos ng proyekto nila sa
Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil ayaw
na niyang masaktan pang muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa
panahong naging malapit si Mike kay Benjie, kakatapos lang nilang maghiwalay ng gerlpren niyang si
Carmi.Madalas magkasama sina Mike at Benjie. MInsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine o kaya ay
simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses, habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike na mahal
niya ito. Hindi sila halos nag-usap buong gabi pagkatapos noon. Naisipan nilang pareho na tumira
magkasama sa apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nila mangyari
sa relasyon.

Paksa

Pagkakaibigan - laging nariyan si Mike at Benjie para sa isa't isa lalo na sa panahong may suliranin ang isa
sa kanila

Patas na tingin sa tao - hindi naging hadlang Mike ang kasarian ni Benjie

Karapatang sa pagmamahal - lahat ng tao ay may karapatang magmahal at mahalin


Dalawang perspektibo ng kwento- naipakita ang panig ng dalawang pangunahing tauhan ukol sa mga
naganap na mga pangyayari sa kwento

Miyerkules, Marso 16, 2016

Huling Hikbi ng Kahapon

ni Erica R. Calbayog

"Sa letrang B, onse!"

Hindi magkamayaw ang kababaihan ng ianunsyo ni Aling Teray ang huling numero para sa larong Bingo.
Samu't-saring emosyon ang makikita sa mukha ng bawat kalahok. Mayroong nalulungkot, naiinis at
natutuwa. Si Tessa na anak ni Aling Linda ay matamang nakamasid sa ina habang binibilang nito ang
perang napanalunan.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Pumunta ka sa tindahan at ibili mo ako ng sigarilyo. Bilisan mo!" utos
ni Aling Linda sa anak ng mapansing nakatingin ito sa kanya.

Agad namang tumalima ang bata. Makalipas ang ilang sandali ay humahangos itong bumalik sa ina at
iniabot ang sigarilyo.

"Inay, umuwi mo na daw po kayo sa bahay. Nilalagnat po si bunso. Kailangan nya kayo" wika ni Tessa sa
ina.

"Eto ang sampung piso, ibili mo ng gamot ang kapatid mo" wika ng ina.

Nanlulumong umalis si Tessa at bumili ng gamot ng kapatid.

"Nasaan na si inay?" tanong ng kanyang kapatid na si Carmen.

"Nasa bahay pa ni Aling Teray ate, ito daw ang gamot ni bunso." tugon ni Tessa habang iniaabot ang
gamot.

Maghapong hindi umuwi si Aling Linda noong araw na iyon. Sina Carmen at Tessa ang tanging
nag-alaga sa bunsong

kapatid. Si Tessa ang nagluluto ng pagkain samantalang si Carmen naman ang nag iintindi sa kapatid.
Pagsapit ng gabi, masayang dumating si Aling Linda dala ang perang napanalunan. Umupo ito sa harap
ng hapag kainan at nagsimulang magbilang.

"Magandang gabi po inay" bati ni Carmen sa ina.


"Magandang gabi naman. Kumusta si Junior?" tugon ng ina, na ang tinutukoy ay ang bunsong
anak.

"Mataas pa rin po ang lagnat niya, inay. Hinahanap po nya kayo kanina. Hindi nyo man lang po sya
nagawang bisitahin. Ano po ba ang nangyayari sa inyo? Simula ng mamatay si ate nagkaganyan na kayo!
Di ba po sabi nyo ang ipangsusugal namin ay ipambili na lang namin ng pagkain. Inay, tigilan nyo na yan.
Ang laki laki na po ng pinagbago nyo. Napapabayaan nyo na po kaming mga anak nyo!" umiiyak na wika
ni Carmen.

"Wag na wag mong idadamay ang kapatid mo dito Carmen dahil hindi siya ang dahilan ng lahat ng
ito!" sigaw ni Aling Linda sa anak at mabilis na pumasok sa kwarto. Naiwang umiiyak si Carmen habang
minamasdan ang kapatid. "Kung nandito lang sana si tatay, hindi ito mangyayari sa atin".

Nang gabing iyon, hindi dalawin ng antok si Carmen, naaalala niya ang buhay nila noong kasama
pa nila ang kapatid na si Lita at ang kanyang amang si Mang Kardo.

"Anak, bangon na at pupunta tayong palengke upang magtinda ng mga gulay" utos ng kanyang
ina kay Lita, ang panganay niyang anak. Agad namang tumalima si Lita at naghanda para sa pag alis.
"Carmen, ikaw na ang bahala sa

iyong mga kapatid habang wala pa ang iyong ama" pagpapatuloy pa nito.

"Opo inay. Mag-iingat po kayo ni ate" tugon nito.

Ilang sandali pa ay makikita na ang mag-ina sa daan sunong ang bilao ng gulay.

"Itay sa'n po kayo galing?" tanong ni Carmen sa ama ng malamang dumating na ito.

"Nagpastol lang ng baka, anak, kumusta ang gising mo?" tanong ng ama.

"Mabuti naman po Itay, katunayan nga po ako ang nagluto ng almusal natin. Tinulungan ko po si
nanay" masiglang tugon ni Carmen sa ama.

"Kumain na kayo nina Tessa anak at dadalhan ko pa ng pagkain ang iyong ina at kapatid sa palengke"
wika ng ama."Anak, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral sapagkat iyan lamang ang tanging maipapamana
namin sayo ng iyong ina" pagpapatuloy nito habang sinasalansan ang mga pagkain sa basket.

"Opo naman itay, gusto ko pong makatulong sa inyo ni nanay" tugon ni Carmen

Pagkatapos kumain ni Carmen ay umalis na ang ama upang maghatid ng pagkain sa palengke.
Naiwan si Carmen at mga kapatid nito sa bahay. Habang wala ang mga magulang ay masayang
nagliliwaliw naman ang mga anak sa kanilang tahanan.

Lumipas ang maghapon, dumating na sina Aling Linda kasama ang ama at si Lita mula sa palengke.
"Carmen, kumusta sina Tessa at Junior? Hindi ba kayo nag away?" tanong nito.
"Mabuti naman po sila inay" tugon nito. Nilapitan ng ina ang anak at saka hinagkan. "Magpapakabait
kayo ha, huwag na huwag kayong masasangkot sa anumang gulo. Huwag na huwag din kayo magsusugal
ang perang ipangsusugal nyo ay ipambili na lamang ninyo ng pagkain" mahabang pahayag ng ina.

Kinabukasan, tulad ng kinagawian ay maagang nagising si Aling Linda, naghanda ito ng almusal.
Bago lumiwanag ay handa na ang lahat. Gigisingin na niya si Lita at sila ay pupunta na sa palengke.
Ganito ng ganito ang araw araw nilang ginagawa. Maliban na lamang kung Linggo. Sama-sama silang
pupunta sa simbahan at magpapasalamat sa Diyos. Si Aling Linda ay kakikitaan ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa ina na sinusuklian naman ng mga anak.

Ngunit isang araw, isang pangyayari ang nagbago sa takbo ng kanilang pamumuhay. Naging
matumal ang benta sa palengke. Bumaba ang halaga ng gulay at kinapos ang kanilang panggastos sa
araw-araw.

"Mamasukan na lamang po ako sa isang pabrika sa bayan." basag ni Lita sa katahimikan ng


minsang kumakain sila ng hapunan. "Maipangdaragdag po natin ang kikitain ko doon sa ating
panggastos sa araw-araw". pagpapatuloy nito.

Natahimik si Aling Linda maging si Carmen ay napatingin sa kapatid.

"Mas mabuti iyon anak, hindi naman masama kung susubukan mo, hindi ba?" pagsang-ayon ng ama.

"Hindi ka aalis Lita, makakaraos din tayo maaaring sa isang araw lalakas din ang kita natin sa
palengke" mariing pagtutol ng ina sa suhestyon ni Lita.

Lumipas ang dalawang linggo ngunit mababa parin ang benta sa palengke. Muli na namang
inusisa ni Lita ang ina sa nais nito.

"Inay, payagan nyo na po ako. Kahit man lamang po sa pandagdag natin sa panggastos"
pakikiusap ni Lita.

"Pumayag ka na sa gusto ng anak mo, marahil ayaw ka lamang nyang mahirapan kaya gusto
nyang makatulong sayo, makakaya naman natin ang trabaho sa palengke" pagsang-ayon ni Mang Kardo.

"Pumapayag na ako pero mag iingat ka doon ha. Pag hindi mo na kaya umuwi kana" tugon ng ina.

Kinabukasan ay handa ng umalis si Lita. Nalulungkot si aling Lita, ito na marahil ang araw na ayaw
niyang mangyari. Ang pag alis ng isang miyembro ng kanilang pamilya. Ngunit sadyang hindi sa lahat ng
pagkakataon ay magkakasama sila.

Si Mang Kardo at Aling Linda ang naging magkatulong sa palengke. Si Carmen na ang gumagawa
ng lahat ng gawaing bahay. Pagdating ng hapon ay handa ang lahat. Sabay-sabay silang maghahapunan
at magkukwentuhan ng mga pangyayaring naganap sa kanilang maghapon.

Tuwing sasapit ang katapusan ng buwan ay nagpapadala ng pera si Lita sa kanyang mga magulang.
Naipandaragdag naman nila ito sa kanilang gastusin at pangangailangan.
Araw ng Linggo, naisipang dalawin ng pamilya si Lita sa pabrika. Nagdala sila ng pagkain at prutas
sa anak. Pagdating sa pabrika, magiliw silang sinalubong ni Lita. Sama-sama silang nagsimba at
pagkatapos ay kumain.

"Inay, gusto ko din pong magtrabaho sa pabrika tulad ni ate Lita" ang wika ni Carmen sa ina.

"Oo anak, basta pagbutihin mo lamang ang iyong pag aaral para hindi lang katulad ng ate mo ang
maging trabaho mo." tugon ng ina.

"Pag nawala ako sa pabrika, ikaw na ang papalit sa akin" natatawang tugon ni Lita. "Kaya
magpalaki ka na agad para makapagtrabaho ka na sa pabrika" pabiro pa nitong tugon.

Napangiti na lang si Aling Lita at Mang Kardo habang nakikinig sa dalawang anak. Si Tessa naman
ay walang tigil sa pagkain sapagkat minsan lamang siya makatikim ng ganoon kasarap na pagkain.
Pagkatapos kumain ay masayang namasyal ang mag-anak sa ilang pook pasyalan sa lugar. Kinahapunan,
nagpaalam na si Lita sa mga magulang.

"Inay, babalik na po ako sa pabrika, mag iingat po kayo lagi. Mahal na mahal ko po kayong lahat"
wika ni Lita sabay yakap sa magulang.

"Mahal na mahal ka din namin anak" tugon ni Mang Kardo.

"Pag-ingatan mo ang iyong sarili. Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo kanina kay Carmen. Saan ka naman
pupunta, anak?" tanong ng ama. Ngumiti na lamang si Lita bilang tugon.

Kinabukasan, maagang nagising si Aling Linda. Inihanda na niya ang mga gulay na dadalhin sa
palengke. Hindi na niya ginising si Carmen dahil alam niyang pagod ito dahil sa maghapong pamamasyal
kasama ang kapatid. Hindi na rin niya isinama ang asawa para ito na ang magbantay ng mga anak
habang natutulog ang mga ito. Sa daan, isang grupo ng kababaihan ang nakita niya. May pinag uusapan
ito ngunit hindi naman niya mawari kung ano sapagkat nagmamadali siya sa paglalakad. Pagdating sa
palengke ay kaagad siyang tinawag ng kasamahan niya.

"Hoy mare, alam mo ba yung nangyari sa bayan kagabi? Nasunog ang isang pabrika doon. Kaunti
lamang ang nakaligtas dahil mabilis na kumalat ang apoy. Natupok ang buong pabrika sa loob lamang ng
ilang oras. Hindi na daw nagawang apulahin pa ang apoy." mahabang pahayag ng kausap.

Nabitiwan ni Aling Linda ang hawak na bilao ng gulay at nagpalahaw ng pag-iyak. "Ang anak ko!
Ang anak ko!" ang sigaw niya. " Ang anak ko nasa pabrika, buhay pa siya, hindi ba?" tanong nito sa
kaibigan.

Hindi na hinintay pa ni Aling Linda na sumagot ang kausap. Nagmamadali siyang sumakay sa isang
traysikel at nagpahatid sa naturang pabrika. Nanlumo siya sa nakita, tanging ang mga semento na
lamang ang natira sa pabrika. Lahat ay natupok ng apoy. Hinanap niya ang anak sa mga taong nakaligtas
sa pagkasunog, ngunit nabigo siya. Palahaw na
umiyak si Aling Linda ng datnan ng asawa kasama ang kanilang anak. Wala na si Lita, wala na ang
panganay na anak ni Aling Linda.

Simula ng mangyari ang pagkasunog ng pabrika ay ilang araw na ring hindi nag-uusap ang mag-
asawa. Hindi malaman ni Mang Kardo kung bakit galit sa kanya ang asawa kung kaya kinausap niya ito.

"Ano ba ang nangyari sayo? Bakit ka nagagalit sakin?" tanong ni Mang Kardo sa asawa.

"Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Lita. Kung hindi mo siya pinayagang umalis, hindi mangyayari
sa kanya ito". sigaw ni Aling Linda.

"Inay, huwag nyo pong isisi kay tatay ang nangyari" saway ni Carmen sa magulang. "Hindi naman
po nya alam na mangyayari ito kay ate" pagpapatuloy pa nito.

"Anong hindi? Kung hindi nya sana pinayagan ang ate nyo na magtrabaho sa pabrika, hindi
mangyayari sa kanya ito. Hindi sya mamatay" umiiyak na sigaw nito sa anak.

"Hindi ko kagustuhan ang nangyari, kung alam ko lang na mangyayari sa kanya ito, hindi ko na
siya pinayagan" mahinahong tugon ni Mang Kardo habang umiiyak.

Lumayas ka sa pamamahay na ito, ayokong makita ang pagmumukha mo, pinapaalala mo lamang
sakin ang nangyari sa anak ko" nanginginig na sigaw ni Aling Linda.

"Linda!" mataas ang tinig ng asawa. "Hindi mo ako maaaring palayasin dito."

"Kung ayaw mong umalis, ako na lamang ang aalis" sigaw ng asawa.

Napatingin si Mang Kardo sa mga anak."Hindi ako ang kailangan nila" nasabi na lamang niya sa
sarili. Malungkot na lumabas si Mang Kardo at nilisan ang tahanan.

"Itay! Itay! Huwag nyo po kaming iiwan" sigaw ni Carmen. "Itay! Itay!" ngunit parang walang
narinig si Mang Kardo. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang mawala sa paningin ni Carmen.

Nawala ang dating sigla ng tahanan nina Carmen. Naging matamlay si Aling Linda ngunit katulad
ng ginagawa niya, pumupunta parin ito sa palengke ngunit hindi na ito sumasapat sa kanilang
pangangailangan sapagkat siya na lamang ang kumakayod. Isang araw, pauwi na si Aling Linda ng may
madaanan siyang grupo ng kababaihan.

"Hoy mare, halika muna dito. Subukan mo ito. Baka swertehin ka at maipandagdag mo dyan sa
dala mong pagkain at nang maaliw ka naman" natatawang wika ng isang matandang babae na sa tansya
niya ay nasa apatnapung taon na. Tumanggi si Aling Linda ngunit hinigit siya ng matandang babae.

"Tingnan mo yang dala mo? Makasasapat ba iyan sa inyo ng mga anak mo? Pag nanalo ka
dito,mas malaki ang kikitain mo. Uupo ka lang at magtatanda ng mga numero" udyok nito kay Aling
Linda. "Sige na, isang laro lang at baka swertehin ka ngayon" pagpapatuloy nito habang iniaabot ang
isang bingo card.
Kinuha niya ang card at nagsimulang magtanda ng mga numerong babanggitin ng kalahok sa laro.
Maya-maya, boses na lamang ni Aling Linda ang maririnig. "Bingo! Bingo! Bingo!" malakas na sigaw nito.
Sunod-sunod na panalo ang naging laro ni Aling Linda. Ang kita niya sa palengke ay nahigitan ng
napanalunan niya sa Bingo.

"Talagang sinuwerte ako ngayon. Ang laki laki ng napanalunan ko! Uuwe na muna ako alas otso na
ng gabi". wika nito sa kausap na babae.

"Sabi ko naman sayo, suwerte ka nga, Bumalik ka ulit bukas ha." sagot naman ng kausap.

"Sige, salamat sa iyo" wika ni Aling Carmen at umalis na ito.

Pagdating sa bahay binati agad siya ng anak "Inay, kumusta po?" bati ni Carmen sa ina. "Anong
makakain natin dyan? Ipaghain mo ako at matulog ka na pagkatapos mong magligpit. Kumain na ba
kayo? tanong nito.

"Opo Inay" tugon ni Carmen.

Ilang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi parin nagbabago si Aling Linda. Aalis siya sa umaga at sa
hapon na ang balik. Bagaman ganito ang lagi niyang ginagawa ay ipinagpapasalamat na din ito ni Carmen
dahil nakakakain sila sa araw-araw kahit isang beses lamang. Ngunit namimis parin nya ang pagmamahal
ng isang ina .

"Anak, bangon na at kakain na tayo". pukaw ni Aling Linda kay Carmen habang marahang niyuyogyog
ang balikat. Iminulat ni Carmen ang kanyang mga mata, nakangiti sa kanya si Aling Linda. Nakatulog pala
si Carmen pagkatapos ng naging pag-aaway nila ng Ina.

"Bakit ka umiiyak? Gisingin mo na ang iyong mga kapatid at nakahanda na ang almusal" wika ni Aling
Linda.

Napayakap na lamang si Carmen sa ina kasabay ang pagtulo ng masaganang luha sa kanyang mga mata.

"Pasensya ka na anak, hinding hindi na ako magsusugal. Sa inyo ko na lamang ilalaan ang oras ko.
Babawi ako sa inyo, walang mangyayari kung hindi ko matatanggap ang pagkawala ng kapatid nyo.
Tanggap ko na ang lahat." paliwanag ng ina.

"Salamat po inay, namimiss ko na po kayo. Ang dating kayo" wika ni Carmen.

Nagyakap ang mag-ina.

http://talibaatambil.blogspot.com/2016/03/huling-hikbi-ng-kahapon-ni-erica-r.html?m=1

You might also like