You are on page 1of 4

QUIZ #2 ARALING PANLIPUNAN 10 ( KONTEMPORARYONG ISYU )

Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Maraming mga nagsisipagtapos sa kolehiyo ang nagkakaroon ng making suliranin na kanilang kinakaharap pagkatpos
ng kanilang pagaaral isa na rito ang paghahanap ng trabaho Isa sa isyung kinakaharap ng ating bansa sa paggawa na
kaugnay ng pagdami ng unemployment at under-employment . Ano kaya ang pinakawastong dahilan nito?

A. Ang nililikhang trabaho ay para lang sa mga nagsipagtapos ng kolehiyo.


B. Maraming kurso sa mga higher education institustion (HEIs) at kolehiyo.
C. Ang Patuloy ng paglaki ng bilang ng job-skills
D. Pagkakaroon ng job-mismatch

2. May mga mangagawang nakakararanas ng pinaka mababang uri ng paggawa at nagpapakita ng kakulangan sa suporta
ng pamahalaan. Anong uri ng sector ng ekonomiya na nakararanas ng manggawa ng hindi pantay na oportunidad at mas
vulnerable sa mga pangaabuso?
A. Agrikultura
B. Industriya
C. Serbisyo
D. DOLE

3. Mahalagang maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-
makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan
ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kumpanya at kapitalista
B. Pagsasabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalismo o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng
tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA)

4. Iminumungkahi ng iba’t ibang mambabatas, ahensiya sa paggawa, at mga grupo ng manggagawa na tuluyan ng
ibasura ang sistemang kontraktuwalisasyon o kilala rin ngayon na ’endo.’ Ano ang mabuting epekto ng
kontraktwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino?
A. Pagpapatupad ng iba’t ibang flexible working arrangements base sa ILO.
B. Naiiwasan ng mga kompanya ang hindi magbayad ng mga benipisyo ng SSS at iba pa.
C. Hindi na sila kasali sa Collective Bargaining Agreement dahil ang kanilang gawain ay labor-only.
D. Hindi na pinapayagan na sumapi sa alinmang organisasyon o union sapagkat ang kanilang trabaho ay pansamantala
lang ang kanilang security of tenure.

5. Sa pagtatayang isinagawa ng APEC (2016) kinilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing countries” sa
Asya dahil sa pagyabong ng sector ng serbisyo. Ano ang nagiging suliranin ng isang developing country?
A. Mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino
B. Nagiging tambakan ng mga surplus na kagamitan galing sa ibang bansa.
C. Malayang patakaran ng mga mamumuhunan at mga tax incentives na may taripa
D. Patuloy ang pagbaba ng mga bahagdan ng mga small-medium enterprises (SMEs) sa bansa
QUIZ #2 ARALING PANLIPUNAN 10 ( KONTEMPORARYONG ISYU )

6. Buong-buong niyakap ng pangulong ito ang neo-liberal na globalisasyon at kasunod nito, ginawang bukas para sa mga
dayuhang mamumuhunan ang kalagayan ng paggawa.
A. Diodado P. Macapagal
B. Ferdinand E. Marcos
C. Corazon C. Aquino
D. Fidel V. Ramos

7. Suriin ang mga sumusunod na epekto ng kontraktwalisasyon sa ating bansa. Anong pahayag ang nagpapahiwatig ng
katotohan.
I. Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga
manggagawang regular.
II. Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa.
III. Tinatamasa nila ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement (CBA) dahil kasama sila sa bargaining
unit.
IV. Hindi rin sila maaaring magbuo o sumapi sa unyon dahil walang katiyakan o pansamantala lang ang kanilang security
of tenure.
A. I, II, at III
B. II, III, at IV
C. I, II at IV
D. I, II, III at IV

8. Alin sa mga sumunod ay nagpapahayag ng mga datos hinggil sa kontraktwalisasyon? Anong pahayag ang
nagpapahiwatig ng katotohan.
I. May 73% nang pagawaan sa bansa ang nagpapatupad o gumagawa ng iba’t ibang flexible working arrangements, ayon
sa International Labor Organization o ILO (1992)
II. Samantala sa pagitan ng 1992 at 1997, sa sektor ng industriya pa lamang - sa bawat isang manggagawang regular na
nakaempleyo, lima ang kontraktuwal/kaswal.
III. Noong 1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks ang nag-eempleyo ng mga temporaryong manggagawa/kaswal
dahil nagbabago-bago ang mga job orders o purchase orders ng kanilang kalakal; at bumababa ang halaga ng kanilang
produkto sa pandaigdigang pamilihan.
IV. May 63% ng mga kompanya ang nag-empleyo ng mga kaswal at kontraktuwal upang maiwasan ang pagkakaroon ng
unyon sa mga manggagawa noon.
A. I, II, III at IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. I, II at IV

9. Ayon sa ulat ng DOLE (2016), patuloy pa ring umiiral ang ganitong sistema ng kontraktuwalisasyon sa paggawa sa
ating bansa? Sa paanong mabisang paraan ito matutuldukan?
A. Gumagawa ng aksyon ang mga mambabatas ng isang batas na tatapos sa kontraktwalisasyon.
B. Magwelga sa DOLE at ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa.
C. Bumuo ng unyon ng mga manggagawa na siyang tutuligsa sa patakarang ito
D. Magsaliksik, bumuo ng datos hinggil sa epekto ng kontraktwalisasyon
QUIZ #2 ARALING PANLIPUNAN 10 ( KONTEMPORARYONG ISYU )

10. Anong taon pinatibay ang Department Order 18-A ng DOLE na naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa
pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng
mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-regular), at iba pang karapatang
tinatamasa ng mga regular na manggagawa?
A. 2010
B. 2011
C. 2012
D. 2013

11. Sa tuwing natatalakay ang usapin ng pagpapakontrata, napipilitan ang mga mahina na magsama-sama at maglunsad
ng iisang pagkilos. Anong pahayag ang nagpapahiwatig ng katotohan.
I. Ang pana-panahong pagkilos na ito ang lumilikha ng atensiyon at nakatatawag-pansin sa pandaigdigang komunidad.
II. Nagbibigay ito ng impresiyong hindi sumusunod sa pandaigdigang mga pamantayan sa paggawa ang batas paggawa sa
Pilipinas.
III. Nabuo ang iba’t ibang samahan at unyon na siyang mangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa
IV. Nabuo ang batas na siyang tatapos sa kontraktwalisasyon
A. I, II, at III
B. II, III, at IV
C. I, II at IV
D. I, II, III at IV

12. Ang mababang passahod ang pinakamabigat na suliranin ng ating manggagawa. Ito ang nagiging dahilan ng lalong
paghihirap ng nakararami, ano ang pangunahing epekto nito?
A. Kakulangan sa manggagawa
B. Pagkagutom
C. Pagwewelga ng manggagagawa
D. Pagtangap sa dayuhang mangagagawa

13. Sinasabi ng pamahalaan na maraming trabaho sa ating bansa. Subalit laganap pa din ang job mismatch dahil sa
walang pagpipilian ang mga manggagawa. Paano maiiwasan ang job mismatch?
A. Tamang skills sa hinahanap na trabaho
B. Sapat na kaalaman sa kailangan trabaho
C. Sipag at tyaga sa trabahong papasukan
D. Mahabang karanasan para sa trabahong papasukan

14. Pagkatapos ng limang buwan ang mga iregular na manggagawa sa pabrika ay nangangamba na mawalan ng trabaho
dahil sa kontraktuwalisasyon. Ano ang dahilan ng kontraktualisasyon?
A. Nagtitipid ang mga kompanya
B. Walang sapat na batas na pumuprotekta sa mangagagawa
C. Hindi sakop ng pamahalaan ang pagpapatakbo sa mga kompanya
D. Maraming mangagawa na nangangailangan ng trabaho

15. Maraming nagsulputan na ibat-ibang kompanya sa ating bansa na pag-aari ng mga dayuhan. Ano ang maaring bunga
sa ekonomiya ng Pilipinas sa pagtaas ng bilang ng Pilipino na naglilingkod sa mga dayuhan kumpanya?
A. Maraming Pilipino ang Ipapadala ng mga dayuhang Kumpanya sa ibang Bansa kaya lalaki ang dollar remittance.
QUIZ #2 ARALING PANLIPUNAN 10 ( KONTEMPORARYONG ISYU )

B. Maraming Pilipino ang magiging matatag ang kabuhayan at magkaroon ng malakas na purchasing power.
C. Tataas ang bilang ng mamumuhunan ang mahihikayat na mag-negosyo sa bansa kaya lalago ang ekonomiya.
D. Magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamuhunan ng mga dayuhan

B. PILIIN SA LOOB NG KAHON ANG TAMANG SAGOT

SOCIAL DIALOGUE PILLAR JOB CONTRACTING


WORKER’S RIGHT PILLAR LABOR ONLY CONTRACTING
SOCIAL PROTECTION PILLAR SEASONAL
EMPLOYMENT PILLAR ISKEMANG SUBCONTRACTING
UNEMPLOYMENT PRESIDENTIAL DECREE 442 O LABOR CODE
INVESTMENT INCENTIVE ACT OF 1967

1. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay komukontra ng isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

2. Ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang
manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.

3. Ang subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawin ng mga manggagawang
ipinasok ng subcontractor wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.

4. Isang kondisyon kung saan ang manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho sa kabila ng kanilang sapat na
pinag aralan o kakayahan.

5. Patakarang pinaghanguan ng flexible labor.

6. Para ilunsad ang malayang kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neo liberal.

7. Paglikha ng mga sustenableng trabaho malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa
mga manggagawa.

8. Hikayatin ang mga kompanya pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa
proteksyon ng manggagawa kataanggap tanggap na pasahod at oportunidad.

9. Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan mga manggagawa at kompanya sa
pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.

10. naglalayong palakasin at siguruhin ang mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan
ng mga manggagawa.

You might also like