You are on page 1of 33

“Kasamaang Naidudulot Ng Pagtapon Ng Basura”

Habang dumarami ang tao at lumalaki ang pangangailangan ng pagkain,


dumarami rin ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Dahil sa
may kakulangan sa pondo, pananalapi o di-mabisang pamamaraan, hindi
lahat ng mga basura at dumi ay nakokolekta at nadadala sa hantungang
tambakan nito. Nagiging sanhi ito ng mga problema sa kalusugan at
kapaligiran.Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid
wastes) at buo (solid wastes) na galling sa mga bahay at barangay na hindi wastong
pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid
ng mga sakit na nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang
nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba
pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga
basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy.
Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa
kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng masamang
kalusugan.
Nanganganib dahil sa wala o kulang na pamamahala sa pagtatapon ng mga
basura ang mga bata sa komunidad, mga basurero at mga nagtatrabaho sa
mga plantang nagbibigay ng nakalalasong mga bagay o sangkap.
Nanganganib din ang mga taong malapit na naninirahan sa pinagtatapunan ng
mga basura, at mga taong ang pinagkukunan ng tubig ay marumi dahil
malapit sa tambakan ng basura at ang mga may butas na tubo ng tubig
Sa ating henerasyon ngayon ay maraming mga kalamidad ang nangyari. Ito
ay epekto ng ating mga kapabayaan sa ating kalikasan. Ang mga hindi dapat o ang
mga ipinagbabawal na gawain ay ating gingawa. Katulad ng pagtapon ng mga
basura kung saan saan. Pagputol ng mga puno sa mga kabundukan, pagmimina,
pagkakaingin at iba pang mga illegal na gawain sa kalikasan. Kaya dapat natin
gawan ng paraan upang hindi na ipagpatuloy ang mga ginagawa natin sa ating
kalikasan. Una Itapon natin ng maayos ang ating mga basura sa tamang lalagyan.
Segregate ng maayos ang mga Nabubulok, Di-nabubulok, mga plastik at recyclable
materials sa mga lalagyan nito. Huwag itapon ang mga basura sa mga ilog, kanal,
sapa at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.. Pangalawa
Iwasan ang pagputol ng mga puno, sa kagubatan upang maiwasan ang pagguho ng
lupa "soil erosion" at biglaang pagbaha dahil wala ng sisipsip sa mga tubig tuwing
umuulan. At dahil sa mga puno ay may nalalanghap tayong preskong hangin upang
tayo ay mabuhay.
Ang pang aabuso natin sa kalikasan ay tayo rin ang naapektuhan at
naghihirap sa tuwing may kalamidad na dumadating. Maraming pwedeng gawin para
hindi ito mangyari sa ating lahat. Kung sinusunod lang sana natin ang mga batas ay
magandang buahay ang ating mararanasan. Wala sanang mga pollution at
kalamidad na dumadating sa ating mundo. Kaya lahat tayo ay dapat na
magtulungan. Lahat ng ating pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan.
Kaya habang hindi pa huli ay dapat na nating pigilan ang mga gawaing illegal sa
ating kalikasan, puksain ang mga ito. Huwag hayaang magpatuloy pa ito. Na sa huli
ang pagsisi natin dahil hindi natin napigilan ito.

-Bea Lha Zandra Besinga


“H I V”

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang sakit na hanggang


ngayon ay hindi parin na hahanapan ng sapat o tamang solusyon. Ang sakit ring ito
ay nakukuha sa pag-aabuso ng pakikipagtalik o pakikipagtalik sa kung sinong
mayroong sakit na ganito.ang sakit ring ito ang syang pumapatay sa selula na syang
pumipigil at nagdedepensa upang ikaw ay hindi dapuan ng sakit. Kung sakaling ikaw
ay nagkaroon ng naturang sakit ay mas lalaki at patuloy na lalaki ang posibilidad na
ikaw ay dapuan ng mga sakit at maaari mo ring ikamatay ang impeksyon na idudulot
nito sa iyong katawan, impeksyon na madalas pinipigilan at nilalabanan ng iyong
katawan noong regular pa ang daloy nito.

Ayon kina Pamela Y. Collins, Alea R. Holman at Vikram Patel, nais daw ng
World Health Organization (WHO) na bigyang pansin ang mga taong may HIV at
bigyan sila nang tamang pagtanggap sa komunidad at ibigay sa kanila ang mga
katulad ng; Assistance with employment, Income, Housing, anti-discrimination, at iba
pa. Ayon din sa Norte at Europa na ang mga taong may ganitong sakit ay madalas
na nagkakaroon ng dipresyon at nahihirapang maki halubilo sa iba, lalo na sa
kanilang pamilya. Sa Estados Unidos naman ay may 36% na nagkaroon ng
dipresyon at 16% naman ang nagkaroon ng pagkabahala nang dahil sa HIV.

Ayon din a kanila na ang dipresyong ito ang nagtutulak sa mga taong may
HIV upang huwag nang mag paggamot at magpakamatay na lamang. Hanggang
ngayon ay wal paring ebidensyang nagtutukoy na mayroon ng sago tang HIV. Kahit
ang World Health Organization (WHO) ay patuloy paring naghahanap ng solusyon o
mga bagay na makakatulong upang mapatay ang naturang impeksyon. Kaya tayo’y
mag ingat dahil ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang banta sa
kalusugan na hindi lamang nakakagulat kundi nakakamatay. Mag-ingat dahil kung
hindi ka kikilos ngayon ay baka huli na bukas.

-Krystel Jane Nisa


“KABATAAN”

Kabataan pag-asa pa rin ba ng bayan? Ayon sa isnang sikat na kasabihan,


ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay
ng magandang kinabukasan sa ating bayan. Iaahon natin ito sa kahirapan at ibibigay
natin ang hinahangad nitong kasaganaan.
Noon, masasabi kong napakatatag ng ating paniniwala sa naturang
kasabihan. Ngunit ngayong parang humina na ang paniniwalang ito. Masyado na
yatang maabilis ang takbo ng panahon, kasabay ng paglipas nito ang pagsilang ng
bagong henerasyon at kasabay ng paglipas sa paniniwalang pag-asa ng bayan ang
mga kabataan.
Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga
kabataan ng bagong henerasyon. Sa sandaling ito isipin at alalahanin niyo ang mga
pinaggagawa ninyo. Sa kabila ng katotohanang may iilan sa atin ang nagrerebelde,
passway, batugan at parang wala ng tamang nagawa sa buhat. Umaasa parin akong
balang araw maiintindihan nila ang tunay nilang tungkulin at pananagutan.
Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng ating
inang bayan? Saan natin ito sisimulan? Simple lang naman, sa ating sarili, pamilya,
paaralan, pamayanan, sa bawat sangay ng lipunan, at sa bawat kilos at ating galaw.
Ipamalas ang katapanan, pagkamakabayan, disiplina at pagmamahal.
Kailangan natin ay pagkakaisa at kapayapaan. Kung may pagkakaisa may
pagsulong. Kung may kapayapaan maiuunlad natin ang ating bayan. Lagi nating
isipin na magtatagumpay tayo kung ito'y ating nanaisin. Panahon na para tayo ay
sumulong. Patunayan nating tayo pa rin ang pag-asa ng inang bayan.

-Izzi Valenzona
Kahirapan: Ano ang Dulot Mo?

Ako ay mayroong isang katanungan sa aking isipan na hindi ko agad-agarang


maisip kung sa tingin niyo ang kahirapan ba ang dahilan kung bakit hindi tayo
nagbabago o hindi kaya ang pagnanakaw, katiwalian o ang pagbebenta ng mga
illegal na droga? Sa palagay ko ang pangunahing problema na aking nabanggit ay
ang kahirapan na kung saan ito ay itinuturing pinakamalala at mahirap
masolusyonan na problema ng ating lipunan sa kasalukuyan. Dahil dito nag-uudyok
ito sa mga tao na gumawa ng mga masasamang bagay na dala ng kakapusan sa
pera na upang matustusan lamang ang kanilang mga pangunahing
pangangailangan. Nagsasanhi into sa paglobo ng bilang ng mga krimen sa ating
bansa at mas lalong nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay. Kadalasan
namumuhay tayo sa salat sa ating pangangailangan at taon-taon din ay mas lalong
lumalala ang mga problema sa ating bansa na hindi mabigyang aksyon na dala sa
lubos na kahirapan.
Ika nga nila mahirap ang maging isang mahirap na kung saan nagpapakita ito
ng kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa. Ayon sa datos, ikalawa ang Pilipinas sa
sampung bansa sa Timog-Silangang Asya na tinaguriang pinkamahirap na bansa na
mayroong 25.2 percent na Population below poverty line na maaaring mahihinuha
natin na ang bansang Pilipinas ay sadyang mahirap na bansa. Isa sa mga dahilan
nito ang labis na katiwalian ng pamahalaan, na kung saan ninanakaw nila ang pondo
sa ating bansa para sa ikakaunlad ng mamamayang Pilipino pero napupunta lamang
ito sa kanilang mga sariling interest. Ang kawalan sa mapapasukang trabaho ang isa
pang dahilan kung bakit umiiral pa ang kahirapan, ayon sa datos ng GMA news
noong taong 2017, ang employment rate sa bansa ay bumaba sa 93.4 percent at
sinabayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung kaya't
nakahahandlang ito sa pagkaroon ng matiwasay na pamumuhay ng mga tao na
kung saan ang mga pangangailangan ay hindi na kayang tustusan dahil sa
pagmahal ng presyo ng mga bilihin. Isa rin sa malaking dahilan nito ay ang
katamaran at kawalan ng disiplina ng mga Pilipino na kung saan wala silang
pagpupunyagi ginagawa upang matugunan ang kanilang sariling pangangailangan
at maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay dahil kuntento lamang sila sa
kanilang kasalukuyang pamumuhay. Walang magandang pagbabago sa kanilang
buhay dahil ang katamaran ang nangunguna sa kanila upang gawin ang mga bagay
na makakaunlad sa kanilang pamilya at sarili kung kaya't nananatili parin silang
mahirap.
Kaya't panahon na ibago ang ating pagkakamali at gawin ang mga bagay na
nakakabuti sa atin, sa ating pamilya at sa ating bansa. Gawing inspirasyon ang ating
pagkakamali, problema at kahinaan bagkus ang tibay ng puso't damdamin ay ating
pairalin. Ang kahirapan ay hindi kailanman nakatadhana sapagkat nasa sa iyo ang
sagot kung anong daan ang iyong tatahakin sa iyong buhay at sabi nga nila na ang
buhay ay parang isang sugal, matuto tayong dumiskarte at magisip. Alamin kung
ano ang dapat at hindi nararapat upang ang buhay natin ay maging matiwasay.
Simulan sa sarili ang pagbabago matutong tayong magsikap at magpunyagi dahil ito
ang puhunan para tayo ay makaahon sa kahirapan. Walang pagsisikap na
mahahantong sa wala dahil lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaakibat na
kapalit kapag tayo ay sumisikap kaya't huwag natin wakasan ang ating mga
pangarap dahil lamang sa kahirapan kundi tayo ay magsikap upang ang ating
minimithing pangarap ay matupad.

-Patrick Villegas
"PAG-IBIG"

Kapangyarihan ng Pag-ibig.Walang perpektong bagay sa mundo. Walang


kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat
ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihitnatnan.PAG-IBIG –- naniniwala
akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng
nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng
Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.Ang pag-ibig ay makikita at
madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung
minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng
pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas
malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay
mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak ng ating
puso.Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig. Hanggat may
pagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na
meron sila wala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon.
Hindi na bago sa akin ang pagmamahalan ng isang matanda at bata, isang mahirap at
mayaman o maging dalawang lalaki o babae. Natutuwa pa nga ako dahil sa kabila ng
mapanghusgang lipunan nariyan pa rin ang mga taong may kakaibang pagmamahalan.
Tinitiis ang bawat masasamang salita na namumutawi sa mga taong makitid ang utak na
intindihin ang sitwasyon nila.Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala
ng tatalo sa pagtagpo ng dalawang puso dulot nito. Napakasarap isipin na may mga
taong nagiging masaya at maligaya sa kapangyarihang ito. Naghintay ka o naghanap
ngunit may isang bagay na makakagawa nito sa isang iglap lang. Nakakatawa man
ngunit ito ang katotohanan.Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig.
Pumapasok ang iba’t ibang suliranin at problema. Ang kasawian at kalungkutan bunga
nito. Minsan, negatibong tinuturing ang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga taong takot na
magmahal at ang masama pa’y sa mga taong takot na masaktan. May iba ngang
naniniwala na kailangan nating sumugal sa pagmamahal. Tipong manalo man o matalo,
bumalik man o tuluyang mawala yung itinaya natin wala dapat tayong pagsisihan. Yun
daw ang tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE.
Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga panahong
magsasakripisyo tayo para makamit ang kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali
mong mararamdaman ang magmahal at mahalin. Ngunit kung ano man ang magiging
sitwasyon mo at magiging bunga nito; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong
malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyong PUSO.Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig?
Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig? Ano bang dulot nito sa isang tao?
Bakit ba natin ito nararamdaman? Kayo? Naranasan nyo na bang umibig?.Ang pag ibig
ay isang pakiramdam na napakahirap ipahiwatig. Nararamdaman mo ito, ngunit
napakahirap bigyang kahulugan. Pakiramdam na nakakapagpabago sa damdamin ng
isang tao. At nagdudulot ng iba’t ibang emosyon.Ang Isang Taong umiibig ay Madalas
nakangiti, lutang Ang Isip. Wari ba’y nasa ibang daigdig! O sa madaling sabi “May
sariling mundo”, Kinikilig. Pag naiisip ang iniirog lalo na pagka-kasama! Madalas
Masaya, kasi nga “iN-LOVE”!Ang pag-ibig ay napakahirap ipaliwanag, na kahit ang
sciencia ay hindi maibatid kung ano nga ba ang pag-ibig. Kaya sigurado ako, na lahat
kayo ay naka-relate sa talumpati ko!Sa mga taong umiibig, iniibig at iibig… Ang pag-ibig
ay isang unibersal na pakiramdam. Lahat nakakadama, lahat nakakaranas. Kaya huwag
ipagkait ang pagmamahal. Tayo’y magmahalan.Ikaw nga bang talaga? Isang simpling
katanungan na maaaring magmulat sa ating lahat ng katotohonan . Anu nga ba ang
salitang ito, maaaring ito’y bay magdulot ng kasiyahan o kalungkutan?
Ngayong tayo’y nasa high school year, dito natin mararadaman ang tinatawag na
pag-ibig sa isang lalaki o babae man. Sa una pakiramdam natin ang saya-saya, sa
tuwing makikita mo siya sa bawat oras, sa bawat sandali na ayaw mong lumipas.
Syempre ito’y normal lamang sa isang tao, at minsan lamang mangyari ito sa parte ng
buhay mo na kung tawagin ay “first love”. Sa bawat araw na lumilipas ay may mga
pangyayari hindi inaasahan, yung una friends lang kayo ang close niyo sa isa’t-isa ni
hindi kayo kayang paghiwalayin ng bagyo o ng kahit sino mang nagtatangkang pag-
layuin ang landas niyong dalawa. Ang bawat araw ay puno ng kasiyahan, kaligayahan at
harutan niyong dalawa, yung tipong parang kayo lang wala kayong paki-alam sa taong
nasa paligid niyo, anu man ang sabihin nila. Hanggang dumating ang sandaling
mahulog ang loob mo sa kanya, ngunit hindi mo kayang ipahayag ang tunay na pag-ibig
na nadarama mo. Pero siya, simula nang malaman niyang may lihim kang pagtingin sa
kanya ay unti-unting nagbabago ang pakiki-tungo niya. Bakit nga ba nagagawa ng isang
tao ito? Ang sagot, simple lang hindi naman nating masasabing hindi kanya type kasi
yong iba dahil na rin nahihiya siya sayo o may gusto siyang iba. Kaya tayong mga taong
bigo, okay lang yan. Isipin na lang din natin na hindi siya yung taong itinakda na
magmamahal sa atin habang-buhay,kunting paghihintay at darating din siya malay mo
andyan lang siya sa tabi-tabi hindi mo lang napapansin. Bawat isa sa atin na naririto
ngayon ay may tinatagong pag-ibig na hindi pa nabubunyag, hanggang kailan pa nga ba
natin ito itatago? Maraming istorya sa ngayon ang mababasa natin sa magazine,
wattpad,facebook at kung anu pa man na maraming tao ngayon ang tinatawag
nating”turpe”. Turpe ito ay ang mga taong walang ibang ginawa kundi ay ang itago ang
kanilang feelings sa taong kanilang na iibigan, o maaari ring taong gumagawa ng iba’t-
ibang gimik para mapansin ni crush. Natatakot sila kasi ayaw nilang sila’y iwasan ng
kanilang nagugustuhan. Pero sana minsan maintindihan niyo ang mga taong ganito,
taong mahina ang loob pagdating sa pag-ibig. Kung saka-sakali mang naiinis o
nagtatampo na kayo dahil hindi niya kayo nasusuyo, huwag kayong mag-alala kasi may
malaking inihanda sila para supresahin at pasayahin ka.Syempre hindi rin mawawala
ang mga taong bigo. Oo maraming magsyota sa ngayun ang nag bi-break dahil na rin sa
iba’t-ibang dahilan ilan na rin dito ay ang dala ng selos, kakulangan sa tiwala sa bawat
isa, hindi pagtanggap kung anu nga ba talaga siya, at higit sa lahat yung pangbabae o
panlalaki na madalas mangyari kung ang babae/lalaki na naibigan mo ay niluloko ka
lang. Sabi ko nga kanina, hindi sila para sa inyo. Huwag niyong masyadong dibdibin ang
mga sakit na iniwan nila sa iyo, bugkos tumayo ka at iangat ang sarili. Wala na rin
tayong magagawa upang baguhin ang tapos na diba sabi nga nila Past is Past. Pero
kung ikaw ay may malakas ng loob upang bumangon at umunlad balang araw pag-
nakita ka niya ( yung taong pinabayaan ang lahat ng paghihirap at pagmamahal mo )
Maiisip niya na nagkamali siya dahil niloko ka niya. Hindi ko rin sinasabing limutin mo
siya ng lubusan at maghiganti pero kung ang taong ito ay may malaking pagsisi sa lahat
ng kaniyang ginawa sayo maaari natin/mo siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon
upang ipakita niya kung anu ang pagbabago nangyari matapos ang lahat sa inyo. Para
sa mga taong nagnanais na umibig huwag niyong madaliin si girl o boy kasi maaaring
mainis siya sayo.

Para sabihin ko sa inyo, ako man ay hindi pa nakaranas kung paano nga ba ang
tinatawag na tunay na pag-ibig ito ay basi lamang sa aking napapanood at nababasa
lalong-lalo na sa Nobela ni Dr. Jos Rizal na nagpaliwana sa akin kung gaano magmahal
ng tunay sa iyong kasintahan. Ngunit bago magtapos naiis ko sanang mag-iwan ng
kaunting katanungan sa inyong isipan kung anu ng aba talga ang dulot ng pag-ibig sa
atin. Kasiyahan o Kalungkutan inaasahan ko inyong mga sagot.

-Rudy Villagracia
“K-12”

Ano ba ang reaksyon mo sa sr. high?


Dahil karamihan sa mga magulang ang hindi masaya sa pagdagdag ng
dalawa pang taon sa pagaaral ng mga anak nila dahil dagdag gastos, mas pinatagal
ang pag "graduate" ng mga estuedyante na dapat ay nsa kolehiyo na sila at dapat
hindi sinayang ang dalawang taon.

Pero ang hindi naintindihan ng mga magulang ay ang dalawang taon ay


napaka malaking tulong para sa amin dahil ngbibigay ito ng dagdag kaalaman sa
kurso na gusong kunin ng mga estudyante at di na mahihirapan na magpili ng kurso
dahil may kaalaman na sa gusto na kunin na trabaho sa kanin lang buhay.

Base sa internet na karamihan ng mga magulang ang mas gusto ang dati na
klase ng pagaaral na pagkatapos ng high school ay kolehiyo na agad para raw
masmabilis makatapos. At mas kaunti ang gastisin nila.

Pero para sa aking tingin ay mas maganda ang sr. high para sa dagdag na
background sa mga subjects na kukunin sa kolehiyo. yon lang po salamat

-Kean Hofer
“EDUKASYON, TUNGO SA TAGUMPAY”

Sa paggising sa umaga. Sa pagbuhos ng malamig na tubig tuwing naliligo. Sa


pagkain ng almusal. Sa pag suot ng uniporme. At pag lakad patungo skwelahan. Di
natin mapagkakailang itanong sa sarili na "Ano kaya ang dahilan kung bat ako
pumapasok sa skwelahan?"

Sabi nga ng karamihan, kabataan ang pag-asa ng bayan at kabataan patungo


sa kinabukasan. Pero kung iyong iisipin, maraming kabataan na ngayon ang di na
nag aaral. Di na nag aaral, dahil sa ibat ibang kadahilanan, tulad nlang na
katamaran, kahirapan at iba pang dahilan na ginagawa tulad ng mapabarkada at
mas pinipiling tumambay at mag bisyo dahilan kaya sila natitiwalag sa mabuting
landas. Wag nating pabayaan ang ating pag aaral, sapagkat itoy pinaghihirapan ng
ating mga magulang.

"MAHALAGA ANG MAKAPAG TAPOS NG PAG AARAL". kahit gasgas na ang


linyang ito, ito ay totoo. Dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan, kung ano man
ang kahihinatnan natin sa buhay. Upang tayo'y magkaroon ng mabuting at isang
mainam na pamumuhay, kinakailangan nating itong paghandaan. Hindi natin
maiiwasan ang hadlang na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay,
kaya kailangan nating maghanda upang malampasan ito. Dahil tayo'y may tiwala sa
sarili, may tapang at diterminasyong maabut ang tagumpay. Hindi hadlang ang
kahirapan sa pag abut nito. Dahil tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating
kapalaran. Sa pagkamit ng tagumpay, huwag nating kalimutan ang magkaroon ng
pananampalataya sa Diyos, dahil sa kanya, ang lahat ay posible.

Ang edukasyon ang isa sa mga paraan patungo sa magandang kinabukasan


at maunlad na lipunan. Ito ang nag iisang kayamanan na maipamamana sa atin ng
ating mga magulang na di kayang tumbasan ng kahit ano at sino man sa'yo.

Tunay nga na ang edukasyon ay paraan patungo sa tagumpay na ating


gustong makamit. Hindi matutumbasan ang kontribusyon nito sa ating buhay. Lagi
nating tatandaan na ang edukasyon ay mahalaga at mas karapat dapat na bigyan ng
importansya kesa sa kanya.

Yun lamang po at maraming salamat.


-Mary Grace Artiche

“OFW”
Sabi nila karamihan masarap maging OFW dahil kikita ka ng malaki maging
ito man ay dolyar, riyal at iba pa. Pero di alintana ng karamihan ang hirap na
dinaranas ng mga pilipinong nangingibang bayan mabigyan lamang ng magandang
buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.

Alam ba ng iba ang ang mga pasakit na dinanas ng bawat OFW?


Andyan yung magpapaalipin ka sa iba para lang kumita ng kakarampot na halaga
para lamang mapadala ng pera. Madalas ay mauupo ka na lang sa isang tabi at
tutulo ang luha saiyong mga mata sa kadahilanang maalala mo ang iyong mga
mahal sa buhay. Mas iisipin mo pa na sanay lagi silang nasa maayos na kalagayan
na nawa'y di kinukulang sa mga pinapadala na kahit minsan ay hindi mo na iniisip
ang sarili mong kalagayan na halos tipirin na lang ang pagkain para lamang
makaipon, magsiksikan sa tinutuluyang bahay para lumiit ang binabayaran,
maglakad patungo sa lugar na pupuntahan dahil sayang ang pamasahe,
pagtiyagaan ang mga sirang gamit. Para hindi lamang gumastos. Yan ang ilan sa
mga kabayanihang ginawa ng mga kababayan natin saibang bansa.

Pero sa likod ng kahirapan na dinaranas ng mga kababayan natin sa


ibang bansa ay nandom parin ang mga ngiti sa kanilang mga labi, lalo na sa tuwing
nakikita nila nasa maayos na kalagayan ang kanilang pamilya na nasa pinas. Ang
kanilang pamilya ang nagsilbing lakas nila upang mapagtagumpayan ang bawat
hirap na dinaranas sa malayong lugar, pagmamahal ang isa sa pinakadakilang
dahilan kung bakit nagsasakripisyo na umalis sa sariling bayan at maghanap buhay
sa ibang bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit kilala ang pilipino sa buong mundo.
Yan ang buhay ng OFW, Pilipinong binansagang "BAGONG BAYANI" .

-Ynnah Gerolaga
“Kompyuter Games”
Ano ang kompyuter games? Ang kompyuter games ay modernong
tekonolohiya na nilalaro sa kompyuter na kinakailangan ng kuryente at internet
connection. Isa ito sa pampalipas oras ng mga kabataan ngayon. Nakakaaliw at
nakakaenganyo kaya maraming kabataan ngayon na dito na lamang naibubuhos
ang kanilang mga oras.

Ayon sa World Health Organization madaming kabataan ang naaadik sa


kompyuter games dahil sa nakakaaliw na grapiks. Sa paglalaro ng kompyuter games
ay may mabuting naidudulot tulad ng pagkaroon ng kaibigan, hindi mawawala sa
mga kompyuter games ang clan, guild o di kaya squad sa bawat samahang ito ay
may mga miyembro ng pwedeng makilala na mula sa iba't ibang lugar sa mundo.

Sa kabilang banda naman ay may masamang maidudulot sa paglalaro ng


kompyuter games, maaring maapektuhan ang isip at ugali ng isang manlalaro tulad
ng adiksyon at pagiging bayolente. Sa pisikal naman ay maaaring pagkasira ng mata
at pagsakit ng likod dulot sa matagal na pag upo. Sa akademiks naman ay ang pag
tulog sa klase dahil sa pagpupuyat sa paglalaro at hindi paggawa ng takdang aralin
dahil sa paglalaro.

Ayon ka Edmund Kam, ang adiksyon ay sobrang paglalaro, at hindi na ito


napipigilan. Ngunit bakit hindi ito napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing
sila ay nababagot sa kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang
paglalaro nang kompyuter games ang nagbibigay sakanila nang kasiyahan at ng
mapaglilibangan

Para sa akin ang adiksyon sa kompyuter games ay maaaring pigilan sa pag


ko-kontrol sa sarili na hindi tagalan ang paglalaro at sa paghahanap ng ibang
libangan tulad ng pagbabasa ng libro at paglalaro ng iba't ibang sports.

-Daniel Jake Andiam


“TALUMPATI SA ISYU NG LIPUNAN: KAHIRAPAN.”

Kahirapan, iyan ang isyung kinakaharap ng ating lipunan. Isang isyu na deka
- dekadanang problema ng ating lipunan. At isang isyu na hindi lang naninira sa
imahe ng ating lipunan kundi naninira rin sa kinabukasan ng bawal isa.

Iba't ibang isyu ang kinakaharap ng ating lipunan kung kaya't kaming mga
kabataan ay dapat na may sapat na kaalaman tungkpl dito upang hindi na
madagdagan ang mha isyung ito. Ang isang dahilan ng kahirapan ay ang katamaran.
Tinatamad tayong tumayo sa sarili nating paa, upang maghanap ng opurtunidad na
pwedeng makalutas sa problemang ito. Isama pa ang mga Pilipinong namimili ng
mga trabaho imbes na makuntento lamang dito. Dapat natin isipin ma walang
naaaboy na hindi nagsisimula sa maliit. Kaya, ano ang kinahihinatnan ng ilan?. Sila
ay nawawalan na ng trabaho. Maraming kabataan hindi makapag- aral bunsod na
dala ng kahirapan, walang perang panggastos ang kanilang mga magulanv sa
kanilang pagpapa-aral. Sa halip ang mga kabataang ito'y napipilitan silang gawin
ang mga bagay na hindi kanais-nais kahit wala pa sa tamang edad, natutong
magnakaw, gumamit ng droga, mamalimos sa lansangan, mag sugal at iba pang
hindi kaaya-ayang gawain. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen
sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay hindi nararapat na magpatuloy pa, sapagkat
ito ay nakakadagdag ng mga suliranin at panibagong isyu nanaman sa ating lipunan.
May ibang opisyal ng gobyerno ay may hindi magandang mithiin. Ang iba ay imbes
na linulutas ang kahirapan, pinapalala pa nito. Mga opisyal na " korupsyon" ang
ginagawang layunin. Hindi lang pera ang kanilang katiwalian pati buhay ng ibang
Pilipino.

Sa aking palagay ito'y masosolusyunan kung mabibigyan pansin ang


pagkakaroon ng libreng edukasyan ang ating bansa at ang mga magulang na
walang trabaho ay bigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho upang magkaroon
sila ng puhunan upang magagamit nila sa pang araw-araw na gastusin at sa
pagpapa-aral ng kanilang mga anak. Bilang isang mag-aaral na gustong makatulong
sa lipunan, kahit sa simpleng paraan lamang, hinihikayat ko ang aking mga kapwa
mag-aaral ng mabuti at kung nanaisin nating lahat na makamit ang kaginhawaan at
maiunlad ang ating bansa mula sa kahirapan, hindi ito imposible kung
magtutulungan lang tayo na makamit ito. Dahil hindi naman magagawa ng isang tao
lamang ang pagbabago ng isang bansa. Dapat hindi natin pairalin ang ating
katamaran, dahil may kasabihan na "katamaran ay katumbas ng kahirapan".
-Ann Rea Catiban

“Kahirapan sa pilipinas”

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga


masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan
ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga.Ako ay sadyang may isang katanungan
sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa
ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking
matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga
problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa
pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng


kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi
kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa.
Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay
tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng
matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi
masolusyunan dala ng kahirapan.

Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating
mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga
tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila
iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad
ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya
para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking
lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral
nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi
pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat
tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na
magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang
henerasyon.
-Richelle Hiponia

“Mobile Legend: droga ng kabataan”

“Mobile legend, hatid mo ba'y kasamaan o kabutihan sa mga kabataan?” Isa


lamang itoo sa napaka raming tanong ng tao. Per ano nga ba Ang totoo? Taong
2016 ng inilunsad ng “Moontoon” Ang larong mobile legend at sa loob lamang ng
ilang araw at higit isang-daan Ang nag-download nito. Ang larong mobile legend at
hango sa larong DotA ngunit Ang pagkakaiba ng ML sa DotA ay pwede itong latuin
sa “cellphone” at pwedeng dalhin kahit saan. Jaya tanong ng karamihan “ Ano ang
kayang idulot nito sa ating kabataan?”

Halina't ating tuklasin, mga dahilan ng kabataan upang ito'y laruin. Ayon sa
isang pagsusur, Ang paglalaro ng video games tulad ng mobile legend ay isang
paraan bukod sa libangan, ay upang makalimutan ng kabataan Ang mga
problemang kanilang pinapasan. Maraming mabuting at masamang maidudulot Ang
larong ito. Isa sa mabubuting hatid ng mobile legend ay Ang pagkakaroon ng mga
kaibigan sa iba ibang sulok ng Mundo, ginagamit dinnitong kasangkapan sa
pagyaman at amarami pang iba. Mayroon ding napabalita na grupo ng kabataang
pilipino na nanalo sa larong ito. Ang masamang epekto Naman nito laolna Kung
sobra-sobra ang paglalaro ay pwede maging dahilan ng pagbaba ng grado/marka,
panlalabo ng paningin, maaring magdulot ng adiksyon at higit sa lahat pwede Kang
ma-stroke. Ang paglalaro din nito ay pwedeng baguhin Ang ugali ng isang manlalaro,
ilan lamang it sa pwedeng idulot ng makabagong droga ng modernisasyong
panahon.

Ang paglalaro nito ay nakadepende na sa into, Kung pasosobrahan o iisipin


niyo at Ang inyong kinabukasan. Bago ako magatapossa aking talumpati, nais kong
ipaalala Ang katagang iniwan ng ating mga bayani “ Ang kabataan Ang pagasa ng
bayan” paano na lamang ang mangyayari sa ating bayang kung ang mismong
kabataan ay mas binibigyang oras at atensyon Ang paglalaro kaysa sa
pagpapaunlad ng kanilang sarili at bayan. Sa aking pagtatapos nais ko lamang
magiwan ng mensahe “ mas pahalagahan nating ang ating pagaaral kaysa sa
paglalaro ng ML dahil Ang pagaaral ang Susi sa magandang kinabukasan Hindi
lamang sa sarili kundi pati sa sariling bayan. Ang anomang sobra na ating ginagawa
sa anomang aspeto ng buhay ay nakakasira at di na nakakabuti asa atin. Isa,
dalawa, tatlo, Ang talumpating it ay tatapusin ko at salamat sa pakikinig ninyo.
-Rafael Encilay

“Global warming”
Magandang araw sa inyong lahat na rito ako sa inyong harapan upqng
talakayin Ang global warming. Ano nga ba Ang global warming. Ang global warming
ay Ang Pag-init ng Daigdig o Global Warming sa Ingles) ay tumutukoy sa
naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan
sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4
°Fahrenheit) ang temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang
pandaidigang temperatura. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init
nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at
iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa
petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng
tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.
Nagpapakita sa mga pagmamatyag na pag-aaral at ng mga modelong
pangklima na ang pagka-sensitibo ng klima upang madoble ang antas ng CO2 ay
mangyayari kapag tumaas ng 1.5-4.5 °C ang katamtamang temperatura. Ang mga
modelong basihan ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay
humuhula na ang pandaigdigang temperatura ay tataas sa pagitan ng 1.4 at 5.8 °C
(2.5 hanggang 10.5 °F) mula taong 1990 hanggang 2100.
Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng
malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at
pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing
magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng
baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-
init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular
na kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay
nakatuon sa panahon hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay
laot mula sa pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2
ay may mahabang buhay sa himpapawid.
May maliit na bilang na mga siyentipiko ang laban sa pananaw na ang gawa
ng tao ang nagdudulot ng malaki sa pagtaas sa temperatura nitong nakaraang
panahon. Gayundin, walang katiyakan ang nakapalibot rito kung gaanong kalaking
pagbabago sa panahon ang makikita sa darating na araw. May mainit na debateng
pampolitika at publiko kung paano mapabababa o mababaliktad ang pag-init sa
darating na panahon at kung paano haharapin ang mga bunga nito.
Ang katagang “global warming” (pag-init ng mundo) ay isang tiyak na dulot ng
mas malawak na katagang “climate change’ (pagbabago sa klima) (na tumutukoy din
sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo). Sa prinsipyo nito, nyutral ang
global warming sa dahilan nito ngunit sa karaniwang gamit, kalimitang pinahihiwatig
na may papel ang tao sa pag-init ng mundo. Gayunman, ginagamit ang ‘climate
change’ ng UNFCCC sa pagbabagong gawa ng tao, at ‘climate variability’ (pabago-
bago ng klima) na dulot ng ibang kadahilanan. Ang ilang organisasyon ay
gumagamit ng katagang 'anthropogenic climate change' sa pagbabagong dulot ng
tao.
Malayang mababago ninuman ang pahinang ito ngunit hinihikayat ka rin
naming tumala. Ipinapabatid ding itinatala namin ang iyong direksiyong IP sa bawat
pagbabagong ginagawa sa mga pahina. Isinasagawa ito upang mabigyan ka namin
ng pagkakakilanlan, at madali naming maiuukol kung sino ang gumawa ng bawat
pagbabago,at, sa huli, upang mapanatili ang pagsunod ng Wikipedia sa layunin
nitong mag-abot ng malaya at totoong kaalaman sa bawat tao sa mundo. Kabilang
sa mga binago mo ang mga bagong panlabas na ugnay.
Ano Ang epekto nito sa daigdig. Unang maaapektuhan ng global warming ay
ang klima at panahon sa bansa. Magkakaroon ng pagbabago sa temperature dahil
lalong magiging mainit kapag bakasyon at mas higit na malamig sa panahon ng –ber
months. Nakikita rin na magiging mas malakas ang mga bagyo sa bansa. Ang global
warming ay nagbabadya din sa mga single na nangangailangan na nilang
makahanap ng syota bago magsimula ang cold season.
IkalawaIkalawa at nakakaalarma ay ang pagtaas ng sea level. May
posibilidad kasing ang mga yelong matutunaw mula sa dalawang dulo ng daigdig
ang Pilipinas ang magsisilbing catch basin nito. Sa ganitong pagkakataon,
makakasama na natin ang Atlantis sa ilalim ng dagat at baka sakaling magkaruon ng
pag-unlad sa bansa kapag nagkaroon na ng exhange of trades ang Pilipinas
saLostCity.
Ikatlo ay maaapektuhan din nito ang agrikultura ng bansa. Sa kadahilanang
mas magiging mainit ang panahon ay malaki ang posibilidad na malanta at matuyo
ang mga pananim. Huwag mag-alala, maliligayahan naman ang ibang bansa dahil
muling mamamalimos ang Pilipinas ng tulong sa kanila.Ang mga Pilipino pa naman
ay may konsepto ng utang na loob na habang buhay na binabayaran.
Ikaapat ay maapektuhan din nito ang marine life sa bansa, Magkakaroon ng
coral bleaching, marine acidification, algal blooms and possible ang migration ng
mga isda sa ibang bansa. Magkaruon man ng global warming o hindi ay hindi pa rin
naman.

-Cy Turco
“Karahasan:Bullying”

Naranasan nyo na bang mabully? Nakita nyo ba ang epekto nito sa mga
biktima? Alam nyo ba kung sino ang kadalasang biktima at kung sino ang
kadalasang nambubully? Kung hindi, ngayon ay aalamin natin ang sagot sa mga
tanong na iyan.

Bullying, isang karahasan na kadalasang nangyayari sa paaralan. Ito ay


tumutukoy sa aksyon na isinasagawa ng grupo o indibidwal na tao na ang kanilang
kadalasang biktima ay ang mga walang kalaban-laban at mahihinang tao
Minamaliit, sinasaktan o pinapahiya ng mga bully ang kanilang mga biktima
sa harap ng ibang tao. Minsan, ang mga biktima ay pisikal na sinasaktan, minumura,
nilalait, tinatawag sa ibang pangalan o ginagawan ng tsismis na hindi naman totoo.
Ayon sa aking nakalap na impormasyon, ang bullying ay isa sa mga problema sa
mga paaraan na hanggang ngayon ay hindi parin nalulutas at hindi masyadong
binibigyang pansin ng mga awtoridad at ng mga magulang. Ito ay patuloy pa ring
nangyayari hanggang ngayon.

Maraming epekto ang mangyayari sa mga biktima ng bullying katulad ng


pagliban sa klase, pagkabalisa, depresyon o di kaya ay maiisipan nilang
magpakamatay na lamang upang matapos na ang kanilang paghihirap sa kamay ng
mga bullies.

Kadalasang binubully ang mga taong hindi kayang lumaban sa kanila, may
kapansanan, iba ang kasarian, mga tahimik at kadalasang hindi tanggap ng
nakararami. Kahit na sino ay pwedeng maging bully. Kaya ito ginagawa ng mga mga
bully ay dahil nais nilang maging bida o manguna sa lahat ng bagay. Minamanipula
nila ang ibang tao na nasa kanilang paligid. Pero may mga bullies na kaya nila ito
ginagawa ay dahil sila mismo ay nakakaranas ng ganitong karahasan.

Kayat panahon na na dapat bigyan ng aksyon ang karahasang ito.


Kailangang pagtuonan ito ng pansin ng mga awtoridad. Hindi dapat sila sinasaktan,
tinatakot at minamanipula dahil karapatan nilang mag aral ng matiwasay. Lahat tayo
ay dapat isulong ang pagtigil ng karahasang ito. Yan lamang ang ating magagawa
upang matulungan sila at mapatigil ito. Isulong ang pagtigil ng bullying! Isulong ang
karahasang ito!

-Francine Joy Paler

“MAAGANG PAGBUBUNTIS”

Ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga pangarap.Mga pangarap


na kalaunan ay unti-unting lumalaki at nagkakaroon ng hugis,kulay,buhay at
kaupuran para sa ating hinaharap.Sa ating henerasyon tila ba'y mga kabataan ang
nagiging problema ng ating bayan dahil sa kanilang mapupusok na damdamin na tila
nakalimutan na nila ang kanilang mga hangarin,sa panahon ngayon mas maaga ng
namumulat ang mga kabataan sa katotohanan.Pabata ng pabata ang mga
natututong tumingin ng mga malalaswang imahe sa kompyuter na para bang wala
na silang kontrol sa mga impluwensya na bumubolong sa taynga ng mga kabataan.

Ibang-iba na talaga ang henerasyon ngayon,mga binibini noon ay ma ala


Maria Clara ba't ngayon tila ba'y nagiging Maria Ozawa na?Taon-taon pataas ng
pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa ang edad ng
mga kabataang ito.Batay sa aking pananaliksik nababahala ang population
commission sa pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis sa bansa.Sa datos ng
Philippine Statistics Authority mahigit dalawang daang libong mga kabataang pinoy
ang nabubuntis taon-taon mula 2011 hanggang 2015.Nakakabahala ito sapagkat
nagiging dahilan ito ng pagbigat ng sitwasyon sa ekonomiya ng ating bansa.

Malaking isyu ang maagang pagbubuntis sa lipunan.Napakadaming epektong


dulot ang maagang pagbubuntis tulad na lamang ng pisikal,mental,emosyonal at
sikolohikal,pagkasira ng kinabukasan,aborsyon at bumababa ang pagtingin ng iba
sa moralidad ng tao.Kailangan sa magulang mismo manggaling ang pagmulat ng
mga bata sa mga gawain ng matatanda.ipaintindi na ang aktong paggawa ng bata
ay sagrado na ito ay ginagawa lamang ng tunay na nagmamahalan.Huwag nating
takpan ang ating mga mata,kundi buksan natin ang ating mga isipan.Kailangan
nating maintindihan na bagaman natural ito na ginagawa ng lahat ng nilalang sa
mundo,sa kasalukuyang kinatatayuan ay hindi pa tayo handa para dito na ang
tungkulin natin bilang mag-aaral ay mag-aral ng mabuti para sa ating minimithi at
kinabukasan.

Ang teenage pregnancy ay isa sa mga kasalukuyang isyung


panlipunan.Ako,ikaw,tayo wag nating itapon ang ating kinabukasan para sa
panandaliang sarap.Kailangan nating itatak sa ating puso't isipan na disiplina sa
sarili ang kailangan para sa ating maliwanag at tuwid na kinabukasan.Maagang
pagbubuntis Iwasan!

-Griezelle Bohot

“Talumpati tungkol sa Edukasyon”


Sa araw-araw nating pamumuhay, mula sa pag-gising natin sa umaga,
hanggang matapos ang buong araw, di natin maitatanggi na tayo’y minsan
napapatanong kung ano ang kahalagahan ng pagpasok sa paaralan.
Maraming nagsasabing “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” at “Kabataan
ang Babangon sa Kahirapan”. Ngunit mahirap isipin na mas marami sa mga
kabataan ngayon ang di makapag-aral at hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa
iba’t ibang mga dahilan. Ang ilan ay hindi pumapasok sapagkat tinatamad gumising
ng umaga, ang ilan pa ay nalulong sa mga masasamang bisyo.
“Mahalaga ang Edukasyon”, kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay labis na
totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan
natin sa mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang masaganang pamumuhay
at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda sapagkat hindi natin maiiwasan na
maharap sa mga hadlang at problema na maaaring pumigil sa atin upang makamit
ang tagumpay, kaya nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y
malagpasan natin ang mga ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili at determinasyon.
Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng
sarili nating kapalaran.
Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa
ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na
maipapamana sa atin. Isa itong kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man
sa’yo. Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi
lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Sa pagkamit natin ng
tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos
sapagkat sa kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible.

-Khristian Pineda
"Lumalaganap na Sakit na Dengue sa Pilipinas"
Marami sa atin ang maaaring nagtatanong kung ano nga ba ang "Dengue" na
siyang pumipinsala sa ating lahat. Ano nga ba ang mga sintomas at sanhi nito? At
ano ang magagawa natin para maiwasan ang lumalaganap na sakit na Dengue sa
ating bansa? Ano nga ba ang magagawa natin at nang ating pamahalaan upang
masugpo ang sakit na ito?
Ayon sa aking napanuod sa telebisyon ang kaso ng dengue sa Pilipinas ay
nasa nakaka-alarmang estado na ngayon na umaabot na sa pitumpo libo (70,000)
ang naitalang nagkaroon ng dengue at mahigit sa limang daan (500) na ang
naitalang namatay na sanhi ng dengue sa taong 2011. Ang karaniwang biktima nito
ay mga batang nasa edad anim pababa at ang sakit na ito ay walang pinipili mahirap
man o mayaman. Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng
lamok na kung tawgin ay Aedes aegypti at Aedes argypti.Ang ganitong uri ng lamok
ay nabubuhay sa mga lugar o bansa na maraming tubig tulad ng Pilipinas. Sa
Pilipinas karaniwang matatagpuan ang mga lawa at ilog na hindi na dumadaloy dahil
na rin sa iresponsableng pagtatapon ng basura ng mga tao. At dahil dito ang mga
lugar na ito ay siyang pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng Dengue.
Ayon sa balita ang mga lamok na ito ay karaniwang umaatake tuwing tag-ulan
at kadalasan lumalabas ang mga ito dalawang oras bago sumikat ang araw at
dalawang oras bago lumubog ang araw, at lalo na sa madidilim at maruming lugar.
Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal
nang dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay
ng biktima. Sa oras na makagat ang biktima ng lamok na nagdadala ng sakit na
Dengue makakaranas ito ng mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang
pitong araw kalakip nito ang pananakit ng buong katawan at pagkahilo. Ang biktima
ay makakaranas din ng pagsusuka, panghihina ng katawan, at pagkakaroon ng
maliliit at mapupulang pantal sa balat, pagdurugo ng ilong at maitim na dumi. Ang
sanhi ng paglaganap ng Dengue ay nagmumula sa simpleng pangingitlog ng lamok
sa mga lugar na kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng mga plorera,
lata, dram, timba, lumang gulong at iba pa.
Sa kasalukuyan, sinasaliksik pa lamang ang bakuna sa dengue. Ang
pagkontrol sa lamok na sanhi ng Dengue ang pangunahing paraan upang maiwasan
ang sakit na ito. Ang DOH(Department of Health) ay naglabas ng mga alituntunin
upang maiwasan ang Dengue; Una takpan ang mga dram at timba kapag hindi
ginagamit upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok, Palitan ang tubig sa mga
plorera linggo-lingo, Linisin ang mga dram at timba upang matanggal ang mga itlog
ng lamok na nakakapit sa mga ito, Linisin parati ang alulod ng bahay para hindi
maimbakan ng tubig ulan na maaring pangitlugan ng mga lamok, Butasin ang mga
lumang gulong upang hindi maipon ang tubig dito, at ang panghuli itabi o itapon ng
wasto ang mga lumang lata o bote. kung tutuusin simple lang ang solusyon upang
maiwasan ang sakit na ito dapat lang ay magkaroon ng disiplina ang mga tao at
panatilihing malinis ang ating kapaligiran at alisin ang pwedeng pamugaran ng mga
lamok upang sa ganun ay maiwasan natin ang paglaganap ng Dengue sa ating
lipunan. Kadalasan ang pagkakaroon ng mataas na lagnat ay inaakalang
karaniwang sakit lamang, kaya ang mga nabibiktima nito ay lumalala lang ang
kalagayan at hindi na nalulunasan. kaya kapag nakitaan natin ang biktima ng mga
sintomas ng Dengue ay mas-maiging huwag na natin itong ipagwalang bahala at
dalhin kaagad ang biktima sa Ospital upang mabigyan kaagad ng karampatang
lunas.
-Princess Madison Olano
“Kabataan: Hawak ng Kabantaan”

"Ikaw ay bilang nagbago naging matigas ang iyong ulo, at ang payo nila'y
sinuway mo." Nagmula sa sikat na awitin ni Freddie Aguilar. Dama mo ba ang
mensahe ng awiting ito? Nakikita mo ba ang sitwasyong ito sa lugar na kinalakhan
mo? Kung ang sagot mo ay oo, tara na't samahan ako sa pagtalakay ng iba't ibang
kabantaan na maaari nating maranasan bilang kabataan.

Kabataan, ako, ikaw, tayo ang tinutukoy ng salitang ito. Kabantaan, ako,
ikaw, tayo ang puntirya ng salitang ito. Daan-daan ang maaaring maging banta sa
atin. Hindi man natin maatim kung anuano ang mga ito, hindi man natin mabatid
kung anuano ang mga ito, kailangan nating maging maingat at maging mapanuri sa
lahat ng pagkakataon. Cyberbullying, teenage pregnancy, suicidal at pagkakalulong
sa droga ay iilan lamang sa mga nararanasan ng mga kabataan sa ating
henerasyon.

Ayon sa philstar.com, lumalakas na rin ang panukala na baguhin ang edad


kung saan pwede ng kasuhan ang mga menor de edad. Dumarami ang mga batang
nauuwi sa buhay na krimen. Ayon sa batas, hindi pwedeng kasuhan ang batang
hanggang 15-taong gulang. Kung 15 hanggang 18-taong gulang naman, kailangang
alamin kung nalalaman ng bata ang tama at mali. Parang nakakatawa naman ang
batas na iyan hindi ba? Malinaw naman na mali ang ginawa, bakit kailangang
itanong pa? Gustong ibaba sa siyam na taong gulang, imbis na labinglima. Iba na
talaga ang mga bata ngayon kumpara noong nilikha ang mga batas na iyan. May
kriminal na kung mag-isip.

Madilim ang kinabukasang naghihitay sa iyo kapag ang kapintasang ito ay


patuloy na nagwawagi sa buhay mo. Kapag hindi mo itinigil ang anumang ikasisira
ng buhay mo, araw-araw mo itong pagsisisihan at araw-araw kang maghihirap.
Araw-araw mong dadalhin ang sama ng loob at araw-araw kang malulugmok. Araw-
araw ang kadiliman at araw-araw kang pagkakaitan ng kaliwanagan. Ngunit hindi
ibig sabihin na habang buhay na ito. Mayroon pang naghihitay sa iyo. Mayroon pang
pag-asang naghihintay sa iyo.
Hindi mo nakalimutan ang pangaral ng iyong magulang ngunit isinantabi
mo ito sa hindi katanggap-tanggap na rason at pangangailangan. Ayon nga sa ating
pinaniniwalaan, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" ngunit tila ang mga kabataan
na ang nagwawasak sa ating bayan, ang kabataan ang naglalagay ng peligro sa
kapwa natin kabataan. Hindi pa huli ang lahat. Hindi pa natatapos ang iyong misyon.
Hindi mo pa naipapakita ang iyong pagbabago. Ngayon, hindi mamaya, hindi bukas,
at lalong hindi sa susunod pang mga araw, ngunit ngayon. Tara na't baguhin ang
tingin ng ibang tao, mga taong naniniwalang ikaw ang halimaw sa bayan. Isalba mo
ang iyong sarili at huwag papatalo sa kabantaan sa ating mga kabataan.

-Jessa Mae Pacio

“TEKNOLOHIYA”

Ano bang naging epekto ng teknolohiya sa mga kabataan sa ating


henerasyon? Nararapat ba nating isisi sa teknolohiya ang unti-unting pagbabago ng
mga kabataan? Sila pa ba ang itinuturing na “Pag-asa ng Bayan”?

Patuloy na yumayabang ang teknolohiya, hindi maikakailang lumawak


na ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mundo at ito ay dahil sa modernong
panahon na kinabibilangan natin ngayon. Ang pagkahayok ng bawat isa sa
pagbabago ang siyang sanhi ng pagkasilang ng teknolohiya. Kasabay ng mabilis na
pag-usad ng panahon ang mabilis na pagbabago sa mundo pati na rin ang mga
kabataan.

Halos lahat ng mga kabataan ngayon ay mas mdaming oras pa ang


nilalaan sa paggamit ng gadgets kaysa makipag interaksyon o gumawa ng mas
makabuluhang bagay. Nawawalan narin ng konsentrasyon sa pag-aaral sapagkat
mas nalilibang sila sa paglalaro ng mga online games at iba pa. Maging ang
paggawa ng mga takdang aralin sa paaralan ay “instant”. Karamihan sa mga
kabataan ay hindi na kailangan magbuklat ng libro upang hanapin ang mga
kailangang impormasyon, sapagkat kaunting click at type mo lang “instant” na ang
mga kasagutan.

Lagi nating isa-isip na nararapat lamang na magkaroon tayo ng


disiplina sa paggamit nito dahil mas naipapakita o napapairal natin ang ating
katamaran. Hindi naman masama ang paggamit nito bagkus malaki ang naitutulong
nito dahil mas napapadali ang pang araw-araw na pamumuhay ng tao ngunit may
mga bagay na dapat tayo na ang gumagwa at hindi na kailangan iasa sa
teknolohiya. Sa huli, dapat nasa tamang paraan ito dapat gamitin upang mas kapaki-
pakinabang ito hindi lang para sa sarili, kundi para rin sa lipunan.
-Lester Brillantes

“Cyberbullying”

Karaniwan nating nakikita ngayin na lamang ng mga balita ang pang-aapi o


bullying ng mga bata sa kapwa mag-aaral sa ibat-ibang paaralag mapapubliko man
o pribadong paaralan.Hindi gaanong naiiwasan ang mga ganitong insidente na
patuloy paring naglalaganap hanggang ngayon.Mayroong ibat-ibang uri ng
pambubuyo na naglalaganap at kasama na rito ang makabagong teknolohiya na
nagdudulot ng kamalayan o kaalaman sa mga kabataan lalong-lalo na at malaya
ang mga kabataan sa modernong aktibidades na maaring maglahad ng
impormasyon ngayon man sa edad o hindi.

Sa panahong ito,malaya ang indibidwal na gumamit o magkaroon ng sariling


account sa tinatawag nating social media at ito din ay nagiging sanhi o daan sa
paglaganap ng pambubuyo na kung tawagin ay "cyberbullying".Sa paglipas ng
panahon natatamasa ng henerasyong ito ang karangyaan at kalayaang gumana ng
mga bagay-bagay ukol sa naaayon sa kanilang kagustuhan.Sabi nga nila sa
paglipas ng panahon ang panibagong henerasyon ng kabataan ay nagiging
mapupusok,malilikot ang isip at nagiging emosyonal sensitibo sa mga bagay o
pangyayari na kanilang natatamasa.Sa paggamit ng internet o social
media,lumalawak ang nasasaklaw nito kaya naman maaring aliw na aliw ang mga
kabataang gumagamit nito.

-Marielle Quintanilla
“O.P.M”

"Ipagpatawad mo, aking kapangahasan. Binibini ko, sana'y maiintindihan"


alam niyo ba ang mga linyang ito? Inaawit pa ba ito sa bagong henerasyon? Alam
niyo ba ang ibig sabihin ng O.P.M?

Ang O.P.M o Original Pilipino Music ay nagsimula sa panahon ng batas


militar. Ito'y tumutukoy sa sikat na makapanahong musika sa Pilipinas. Ang bandang
nagbibigay daan para sa pagkilala sa OPM ay ang bandang "Juan De La Cruz" na
binubuo nina Joey"Pepe"Smith,Mike Hanapol at Wally Gonzales. Hindi maikakailang
bahagi na ng buhay ng Filipino ang musika.

Para sa akin ang OPM ay mahalaga dahil ito ay nagsisilbing musika ng


ating kultura. Himig ng musika damhin ng bawat isa. Sariling atin dapat tangkilikin
dahil ito ang pamana sa ating mga Pilipinong musikero na minimulat ang diwa natin
na dapat ipagmalaki sa buong mundo. Musika ng Pilipino ay buo.

Sa panahon ngayon, nasaan na nga ba ang OPM? Bumabalik na naman


ba tayo sa pagkahumaling sa mga banyagang awit? Orihinal at Pinoy pa nga ba ang
musikang naririnig natin? Maituturing pa ba na Pinoy ang tunog kung ipaghalo ang
dayuhan at Filipino? Sapat na ba na Pinoy ang mang-aawit para ituring na OPM?

Sino pa nga ba ang tatangkilik sa ating sariling musika, kung hindi tayo
mga Pilipino. Kaya't ipagmalaki natin ito sa buong mundo. Gumawa tayo ng sariling
awit at tangkilikin ito. Pagyamanin ang ating musika dahil ito ang himig tungo sa pag-
unlad ng ating sariling kulturang Pilipino.

-Shane Acas

“Ang Kahalagahan ng ating kalikasan”


Narito ako ngayon upang talakayin ang mga hindi nawawalang isyu na
tungkol sa kalikasan. Napakalaki ng pangangailangan ng tao sa kalikasan.Ang
bawat isa sa mundong ito ay nabigyan ng pagkakataon na matikman ang tamis ng
kalikasan. Matanda man o bata, mahirap man o mayaman lahat ay may karapatan.
Ngunit bakit? Bakit napakahirap para sa atin na alagaan ang kalikasan at
maintindihan kung ano ang kahalagahan nito! Bakit sa tingin ng karamihan ay para
bang, walang saysay sa kanila ang kalikasan? Bakit? Oh kawawang kalikasan bakit
ka nila ginaganyaan.Iwasan ang maging mapagsayang sa kahit anong yaman na
kinukuha sa kaliksanan.
Maaari kayong magsimulang tumulong sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw
tuwing hindi ito ginagamit. Sa paraang ito lamang ay makakatulong kayong
mapapababa ng carbon na ibinubuga ng mga planta ng kuryente.Hindi lamang
pagbabara ng mga kanal ang naidudulot ng iresponsableng pagtatapon ng basura
sapagkat maaari rin itong maging mitya ng buhay ng mga halaman at mga hayop na
nakatira sa mga ilog, dagat, sapa at iba pang anyong tubig.Ang ating kalikasan ay
maraming nadudulot sa pang araw-araw nating pamumuhay.Hindi man natin
napapansin ito pero pasalamat tayo at may kinakain tayong prutas at gulay na galing
sa puno at nahahain sa ating hapag kainan isa din sila sa pumipigil sa paggiba ng
mga lupa na nagdudulot ng landslide,pagbibigay ng malinis na hangin na ating
nalalanghap,nagbibigay sa atin ng papel upang meron tayong masulatan,pagbibigay
ng matibay na pundasyon sa ating tahanan. Ngunit bakit meron paring mga tao na
nagpuputol ng puno kahit na alam nila na bawal at makakadulot ng disgrasya sa
kapwa nila at minsan pati sila ay nadidisgrasya.Siguro ay sa sobrang
pagkagahaman nila sa pera o sa kayamanan ng ating kalikasan.Isipin ninyo dahil sa
mga taong ito na walang takot sa pagputol ng mga puno nakakaapekto din ito sa
ating mga hayop na dapat ay naninirahan ng maayos at may magandang tirahan
pati tuloy sila ay naaapektuhan at humahantong sa pagkamatay nila.Kung nauubos
na ang ating kalikasan pati ang hayop ay nawawala nadin. Kaya may mga
organisasyon na pumipigil sa mga nangaabuso sa ating inang kalikasan tulad ng
Philippine Federation for Environmental Concern (PFEC) para masugpo ang mga
illegal logers.
Mas maganda parin na dapat mismo tayong mga indibidwal na tao ay
magkaroon ng pagmamalasakit sa ating kalikasan hihintayin paba natin na mawala
sila at saka tayo kikilos diba.kaya pangalagaan natin ang ating kalikasan at mahalin
natin ito at pangalagaan dahil sa huli kung ano ang ibinigay natin sa kalikasan ay
siya ring kanyang ibabalik satin.

-Yitzhak Inog

“Depresyon sa Kabataan Paano Maiiwasan”

Depresyon,ano nga ba ito at paano ito nakakaapekto sa mga kabataan?Ano


ang mga sanhi at sintomas nito na minsan humahantong sa pagkitil ng sariling
buhay.Makinig at maghanda sa talumpating aking isinulat upang depresyon ay
maintindihan at maiwasan. Ayon sa blog na aking nabasa ang depresyon ay
karamdamang pang-kaisipan kung saan ang tao ay nakakaranas ng hindi lumilipas
at malalim na kalungkutan o depressed mood. Ang depressed mood na ito ay
maaring sinasabi ng tao na nakakaranas nito kahit hindi halata sa hitsura nila o
maari rin namang na-oobserbahan lang ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Nakakaapekto ang depresyon sa kapwa ko kabataan dahil nahihirapan silang
labanan ang karamdamang pang-kaisipan na ito.

Stress,pag-aalala,pagdadalamhati at low-self esteem,genetic,hormonal o


seasonal ay mga halimbawa ng sanhi ng depresyon,ang mga sintomas naman ay
nawawalan ng gana sa dating kinatutuwaang gawain,nawawalan ng timbang o
nananaba,iritable,hindi makatulog,ayaw kumilos, nakatulala,di mapakali,parating
pagod ang pakiramdam, pakiramdam na wala silang silbi o halaga,hirap mag-
concentrate at may pagkakataong humahantong sa suicide o pagkitil ng buhay.

Ang suicide o pagkitil ng buhay ay ang pagkilos ng sinasadyang


pagsasagawa ng sariling ikamamatay,isa sa mga nakakalungkot na pangyayari na
dulot ng depresyon.Ayon sa WHO (World Health Organization) mahigit 800,000
(walung daang libo) ka tao ang namamatay taon-taon dahil sa suicide.Ikalawa rin
ang suicide sa pagkakamatay ng mga bata edad 15 (labinlima) hanggang
29(dalawampu't siyam) anyos.Nakakalungkot isipin na may namamatay dahil sa
depresyon,kailangan taasan ng lipunan ang awareness patungkol sa isyung ito
upang maiwasan ang mga indibidwal na namamatay taon-taon.
Ang depresyon ay mahirap labanan,nakakalungkot at masakit isipin na ang
mga kapwa ko kabataan ay nakakaranas ng mga ganitong pangyayari at nakaka isip
na pagpapatiwakal nalang ang makakaligtas sa kanilang problema.Hindi,hindi ito
sagot sa iyong problema bagkos palaging pakatandaan hindi binigay ng ating Diyos
ang isang problema na hindi natin kayang lagpasan.Ang buhay ay hindi problemang
lulutasin,ang buhay ay para maranasan ang mga bagay na makapagpapakatatag
sayo.Ang buhay ay maikli lamang,ilaan ito sa mga mahahalagang bagay katulad ng
iyong mga paboritong gawain at sa iyong mga kaibigan,wag mahihiyang ilabas ang
iyong mga hinaing na bumabagabag sa iyong buhay,maari rin silang makatulong at
umagapay sayo,dahil ang tunay na kaibigan ay palaging maasahan.Tandaan ang
depresyon ay malalabanan at magagamot,maging matatag at manapalataya sa
Puong May Kapal upang wala ng buhay na masayang.

Yung lang po at salamat sa pakikinig sa aking talumpati.

-Jerick Cequina
“Death penalty”
Isa lamang ito sa mga naging pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte tungkol sa
pagsulong niya sa batas na magkaroon ng parusang kamatayan. Tumutol ang
simbahang Katoliko sa katwirang hindi nito mapipigil ang paglaganap ng krimen.

Bilang isang estudyante at mamamayan ng ating bansa, kung ako ang tatanungin,
hindi ako sang-ayon sa death penalty. Bukod sa labag ito sa batas ng Diyos, hindi rin
nila mabibigyan ng pagkakataon na magbago ang isang tao. Hindi ito maari
sapagkat marami ang maaapektuhan.

Sabihin na natin na may mga magandang epekto rin kapag ito ay ipinasulong. Ilang
halimbawa na diyan ay; maaring mabawasan ang paglaganap ng krimen dahil sa
takot na maparusahan nito, mababawasan ang masasamang tao sa lipunan,
mapapadali ang pag-unlad ng ating bansa, at iba pa. Nung una, nakumbinse rin ako,
at sumang-ayon sa parusang ito dahil pag nakulong rin naman ang isang kriminal at
nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo, mamamatay rin naman ito sa
bilangguan. Tama naman diba? Pero mali. Mas marami pa ring negatibong epekto
ito sa buhay ng isang tao. Una, sa death penalty wala nang pangalawang
pagkakataon ang nagkasala na magbago dahil kikitilin na ang buhay nila. Ikalawa,
hindi ito solusyon sa patuloy na paglaganap ng krimen. Hindi nito mapipigilan na
makagawa ng pagkakamali ang isang tao. Ikatlo, ang mahihirap ang labis na
maapektuhan dahil sa ang iba’y hindi sila ang may gawa na kasalanan at hindi nila
kayang kumuha ng mahusay na abogado para idepensa ang nabintang na kaso. Ilan
lamang ito ito sa mga posibleng epekto kapag naisulong ang parusang kamatayan.

Ang nagkakasala at nagkakamali ay nararapat na parusahan pero sa pamamagitan


na matuto sila. Sa estado ng ating bansa masasabi natinng marami talagang krimen
ang nagaganap. Nararapat silang parusahan ng tama.

Sa Pilipinas mas maraming mamamayan ang kristiyanong Katoliko. Hindi natin


dapat maipaghihiwalay ang politiko sa relihiyon. Ayon sa nakararami, ang buhay ay
mahalaga. Tayong lahat ay binigyan ng buhay ng Diyos. Ang buhay natin ay hiram
lang. Walang karapatan ang sinumang tao na kumuha ng buhay ng kapwa tao.
Diyos na ang bahalang magparusa sa mga nagkakasala.

-Kendrick Sanchez
Pagkatapos ng halos 6 na taon ng pagpapatupad, narito ang ilang paliwanag tungkol
sa programang pang-Edukasyon na nagdala ng malaking pagbabago sa sistema.

Advertisement
Taong 2011, naipatupad na rin ang matagal na ring pinaplanong pagbabago sa
progrmang pang-Edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na
tinatawag na K to 12 Program.

Gamit ang programa ng mga kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning
scheme na ito ay ang K to 12 basic education program. Maraming miyembro ng
Akademiya, mga estudyante at mga magulang ang unang tumatanggi sa
pagbabagong ito kahit noon pa lamang iminumungkahi ito. Para sa mga magulang
at mga estudyante, dagdag gastos ito dahil tatagal ang ilalagi ng isang bata sa
eskwelahan. Para sa mga administrador ng mga paaralan, napakalaki at
napakalalim ng kakailanganing reporma at pagsasaliksik para matugunan ang
requirements ng K to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutol at pag-aagamagam,
naituloy rin ang mahalagang pagbabagong it sa Philippine education.

K to 12 Program
Ang DepEd ay nagpapatupad at namamahala ng edukasyong K to 12 simula nang
pormal itong itinalaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga
pampublikong paaralan, at regulasyon para sa pribadong paaralan. Mula sa 10
taong basic na edukasyon—6 na taon sa elementarya at 4 na taon para sa high
school—mula taong 1945 hanggang 2011, ang implementasyon ng programang K–
12 ng DepEd at kasunod na ratipikasyon ng Kindergarten Education Act ng 2012 at
Enhanced Basic Education Act ng 2013, naging 13 taon na ang basic education
ngayon. Isang taon ang para sa kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na

taon para

sa junior high school at 2 taon para sa senior


“Diskriminasyon”
Mga kapwa kung kaklase at mga Kaibigan, paulit-ulit na tayong nakikibaka
upang mapanindigan ang ating pinaniniwalaan. Sa paglipas ng mahabang panahon
ay tila lalong lumalaki ang ating pagkakaiba, halo-halong kultura, hiwa-hiway na
ideya. Laganap ang panghuhusga sa bawat-isa. Kapag ang isang tao ay naiiba para
sa kanyang mga nakakasalamuha, siya ay minamaliit, isinasantabi. Hindi ba natin
nalalaman na sat'wing nangyayari ito ay nababawasan ang dignidad ng tao pati
narin ang respeto nila ,at sa ating mga sarili? .

Panghuhusga. Mababa ang tingin sa iba dahil sa pag-iisip na sila ang


nakatataas. Deskriminasyon. Walang pakialam, bumabase lamang sa panlabas na
anyo ,at Hindi sa kakayahan. Deskriminasyon Namimili, humuhusga, isinasantabi,
kinukutya, sinasaktan, nasasaktan. Nagiging sarado ang ating mga puso't isipan.
Wala na ang diwa ng pagkakaisa, sabi nila ito'y luma na, siguradung hindi
mareresulba ang problema ng bawat-isa. Wala na ang pagkakapantay-pantay.
Lumilipol, sumisira sa bansa. Deskriminasyon ang dahilan.

Ang bansang hitik sa deskriminasyon ay isang bansang walang


kasiguraduhang kalayaan. sa lagay ng bansang ito ngayon, hindi natin masasabing
Malaya tayo. Marami parin sa atin ang nakararanas na mawalan ng karapatan.
Lahat tayo ay nag-iisip na tayo ay nakatataas sa iba. Kaya't nagkakaroon ng
paghahambing. Pilit pinalalabas na mas magaling, nakatataas, mas maganda at
nakahihigit tayo kaysa sa iba. Tinuturing pulubi ang nakapaligid sa kanya.

Ibat-ibang kasariang hindi kabilang sa babae't lalaki, iba ang kutis, hubog ng
katawan, iba ang hitsura, iba ang relihiyon at ibang layunin sa buhay, ilan lamang
yan sa nakakaranas ng deskriminasyon. Kailan ba ito matatapos? Kailan ba ito mag-
iiba? Hindi ba natin kayang magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa isat-isa?
Hanggang kailan ba tayo magbabago?, itatak sa mga isipan na ang Deskriminasyon
ang problema sa ating bayan.

Narito ako ngayon upang ipabatid sa inyo ang aking layunin, matigil na ang
paglaganap ng ganitong kalagayan. Kailangan ito'y mawakasan. Lahat naman tayo
ay naghahangad ng mundong matiwasay, isang mundong marunong umitindi, dahil
sa mata ng diyos tayong lahat ay pantay-pantay na namumuhay sa mundong ito.
Matatapos ang kawalang respeto nito kung sisimulan natin ito sa ating mga sarili.
Panahon na upang subukan nating iwasan ang pagiging mapanghusga sa iba.
Panahon na para tayo ay magka-isa. Maging tunay na malaya.

-John Stephen Sugian

“Kabataang Pag-asa ng Bayan sa Panahon ng DotA”


IMBA!, GG, RM at paminsan “Trash talk”. Yan ang mga salitang madalas marinig
sa bawat computer shop na makikita mo rito sa Pinas. Adik kasi ang mga bata
ngayon sa DOTA. Umaga, hapon, gabi at paminsan kapag walang pasok ay puyat
kakalaro ng DotA. Kahit wala pang almusal, kahit wala pang tanghalian at kahit wala
pang ligo ay panay ang paglalaro ng DotA. Laman ng computer shop sa mga kanto,
laman ng computer shop diyan sa may Dapitan. Huwag kayong magkaila karamihan
dito sa klaseng ito ay nakapaglaro na ng DotA at parang parte na ng araw-araw na
gawain ang paglalaro nito.

Ano nga ba ang DotA? Kung tutuusin isang custom map lang naman ito sa larong
Warcraft 3 na isang sikat na real time strategy game lalong lalo na sa mga koreano.
Sa laki na wala pang halos 10mb ay madadownload mo na ang DotA. Makapipili at
makapaglelevel-up ka ng hero na gusto mo. Makapag-iipon at makapag-eekwip ng
mga gamit upang mapalakas ang karakter mo at talunin ang kalabang grupo. Ang
isang magandang laro ay madalas tumatagal ng hindi bababa ng 20 minutos at kung
minsan ay may game 2 pa o game 3 o game 4 na siyang kumukunsumo ng
napakaraming oras. Sa kalagitnaan ng isang nag-iinit na laro ay marami kang
maririnig na mga salitang hindi na nga kanais nais ay ipagsisigawan pa sa tenga mo.
Ito ay ang tinatawag nilang “pagtatrash-talk”. Hindi nga naman kasi kumpleto at
masaya ang isang laro kung hindi mo naiintimidate ang mga kalaban mo.

Kung tatanungin mo ang mga kabataang lulong sa nakakaadik na larong ito kung
anong magandang aral ang natututunan nila sa paglalaro nito, ang siguradong
isasagot nila ay ang pag-iistrategy at teamwork. Ang pagpaplano ng mga taktika
upang ma-ambush ang isa o napakaraming hero at ang pagtutulungan ng bawat isa
upang maisagawa ito. Ngunit sapat ba itong pag-iistrategy at teamwork upang
magamit at maisabuhay ng mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?
Hindi maipagkakailang ang pag-lalaro ng DOTA ay nakakaadik sa halos karamihan
ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa maliit na halagang bente pesos ay maari
ka na kasing makapaglaro ng isang oras sa computer shop na madalas na dahilan
ng pagkakaubos ng baon ng mga bata sa eskuwela. Sa sobrang pagkakawili ay di
narin namamalayan ang oras na kinukunsumo ng paglalaro na nagiging sanhi ng
pagsasantabi ng mga gawain at hindi pagtapos ng mga ito. Ang mga homework ay
madalas na hindi nagagawa sa oras at madalas na hindi nakakapasok sa mga klase
dahil mas pipiliing maglaro kasama ang mga kaibigan sa computer shop.

Kung tutuusin ay mayroong kautusan na nagbabawal na magtayo ng computer shop


malapit sa mga paaralan ngunit hindi naman ito nasusunod. Nakakatawa ngang
isipin na kung saan pa may paaralan ay doon naman laganap at nagsusulputan ang
napakaraming computer shop na ang kadalasang laman ay mga nagtutumpukang
mga estuyante na imbes na gugulin ang oras sa pag-aaral sa mga nalalapit nilang
exams ay mas pipiliin pang ubusin ito sa paglalaro. Kung ganitong eksena ang
makikita mo araw-araw, ay parang nagdadalawang isip nako na kami nga ang pag-
asa ng susunod na henerasyon.

Sa kabataan ngayon, hindi na ata sapat ang pagsasabi ng “mag-aral ng mabuti”.


Madaling sabihin pero ang gawin ito ay nangangailangan ng ibayong pagpupursigi at
tiyaga. Sa dami kasi ng sagabal sa pag-aaral ngayon tulad ng DOTA, Internet at T.V.,
napakahirap na ifocus ang mga sarili natin sa iisang bagay lang. Kapag sobra ang
pag-aaral ay ma-iistress ka. Kapag sobra naman ang paglalaro mo ay maaaring
mapabayaan mo naman ang iyong pag-aaral at siyang maging dahilan upang
bumaba ang mga grades mo. Ang lahat ng sobra ay masama, pede siguro nating
ipasok ang pag-iistrategy dito. Pag-iistrategy hindi kung paano makapatay ng hero
sa laro kung hindi kung paano mababalanse ang oras natin sa pag-aaral at
paglalaro.

Kung ikaw naman ay maraming oras na bakante ay maari rin naman itong ilaan sa
pagsali sa mga grupo o organisasyong naglalayong tumulong sa mga higit na
nangangailangan. Dito naman maipapasok ang balyu ng teamwork. Isang bagay rin
na natututunan sa pag-lalaro ng DOTA. Ang pakikipagtulungan upang maiiangat ang
estado ng isang bagay. Isang napakahalagang katangian na matutununan ng isang
tao at nakakatuwang isipin na maari itong magsimula at makuha sa hamak na
paglalaro lamang ng isang video game.

Naniniwala ako na kaming mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating bayan
sapagkat sa kami ang susunod na henerasyong papalit sa kasalukuyan. Kami ang
may potensyal na humubog ng isang bayan na sa ngayo’y puno ng kurapsyon at
kasinungalingan. Sa pamumuhunan namin sa pag-aaral ay maaring isa sa amin dito
ngayon ang maging susi ng pagbabago sa bansang Pilipinas.

May kasabihan nga na “Maaring iwanan ka ng girlfriend mo pero hinding hindi ng


DOTA”. Hindi naman ganun ka perpekto ang larong DOTA sa totoo lang at mas
lalong hindi ito habang buhay na nandyan . May kakaibang lasa lang talaga siguro
ang larong ito kaya pumapatok sa mga kabataang Pilipino. Kung tutuusin sa ibang
bansa tulad ng Amerika ay hindi naman ito gaanong pansin ng mga tao doon. Mas
kilala ang World of Warcraft doon. Paniguradong darating ang panahon at may
papalit na bagong laro na mas kahuhumalingan naming mga kabataan. Walang
masama sa pagkakalulon dito dahil kahit noong bago pa man ito sumikat ay nauna
nang kinaadikan ang mga Brick Game at Game and Watch ng mga mas
nakatatanda.

Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng aming
pagtatrabaho at panananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa buhay ay
may rematch. Na ang pagkapanalo ay hindi nadadaan sa isang madugong trash talk
at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na GG na sir.

-Van Alim

“Edukasyon: Daan tungo sa tagumpay”

Sa araw-araw nating pamumuhay, mula sa pag gising natin sa umaga,


hanggang matapos ang buong araw, di natin maitatanggi na tayo’y minsan
napapatanong kung ano ang kahalagahan ng pag pasok sa paaralan.

Maraming nagsasabing “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” at “Kabataan


ang Babangon sa Kahirapan”. Ngunit mahirap isipin na mas marami sa mga
kabataan ngayon ang di makapag-aral at hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa
iba’t ibang mga dahilan. Ang ilan ay hindi pumapasok sapagkat tinatamad gumising
ng umaga, ang ilan pa ay nalulong sa mga masasamang bisyo." Mahalaga ang
Edukasyon", kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay labis na totoo. Dito
nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa
mundong ito.Upang tayo'y magkaroon ng isang masaganang pamumuhay at
kinabukasan, kinakailangan nating maghanda sapagkat hindi natin maiiwasan na
maharap sa mga hadlang at problema na maaaring pumigil sa atin upang makamit
ang tagumpay, kaya nararapat lang na tayo'y maging handa nang sa gayo'y
malagpasan natin ang mga ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili at determinasyon.
Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng
sarili nating kapalaran.

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad


sa ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na
maipapamana sa atin. Isa itong kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man
sa'yo. Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi
lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Sa pagkamit natin ng
tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos
sapagkat sa kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible.

-Nino Minao

You might also like