You are on page 1of 6

Bahay Na Bato Antonio B. L.

Rosales Pagtuntong na pagtuntong ni Isagani sa lupang unang niyapakan ng


kanyang mumunting paa noong kamusmusan niya ay nadama niyang tila ibinalik siya sa isang
makapangyarihang kamay sa mga unang kabanata ng kanyang buhay. Ang kapagalang idinulot sa kanya
ng mahaba-haba ring paglalakad sa putikan sa ilalim ng nagdidilim na langit, sa pagitan ng
nagtatayugang puno ng niyog na hinahagu-hagupit pa ng buntot ng isang malakas na bagyong bahagya
pa lamang nakakaraan, ay hindi niya alintana ngayong ang panganorin ng sarili niyang nayon ay
tumatagos sa kanyang puso. Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay higit pang
malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong pagkawalayniya sa nayon niyang ito. Halos
lahat ng Makita niyang kabaguhan ay likha ng kapag-alimpuyo pang hangin at ulan. Gaya ng dati, ang
malumot ng munting simbahang bato sa ibabaw ng burol ay tila nagmamalaki pa sa humahampas na
hangin. Ang sibi ng tindahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng hangin, nguni’t nakatayo pa sa luklukang
kawayang mahahabang oras ding pinapag-init niya samantalang nakikipag-inuman siya g tuba,
nakikipagpatayugan ng mga pangarap, at nakikipagparangyaan ng mga naabot na karanasan sa kanyang
mga kapwa binata. Sa mga taong naglalabasan upang magsiyasat sa mga “pamana― ng bagyo
ngilos, sa pananalita, at sa anyo. Maliban sa ilang guhit sa noo at sa anyong may mga bakas na ng
karanasan, maging ang mangilan-ngilang kabataang nakakasalubong niya sa daan ay wala ring ipinag-
iiba. Nang mapatapat siya sa bahay na batong nasa tabi ng puno ng dapdap ay nadama niyang siya man
yata ay di rin nagbabago, katulad ng di pagkakapagbago ng bahay na yaon. Sa harapan ng bahay na bato
ay nakapinid din ang mga durungawang tila ba mga palamuti lamang sapagka’t lagi ng nakapinid:
kung araw, upang makapananggalang sa mga alikabok, at kung gabi, upang maging hadlang sa lamig at
umano pa’y sa masasamang kaluluwa. Sa nakapinid na malaking pinto ay nakikita pa ang nakaguhit
na maputing krus. Sa sulok ng dingding na bato sa gawing silangan ay umaakyat ang isang baging.
Maliban sa baging na ito, sa naparagdag ng mga batik ng katandaan at kawalang-pagpapala at kalaguan
ng datig-datig na puno ng biyoletang bumabakod sa harapan, ang bahay na batong nasa-tabi ng puno ng
dapdap ay siyang bahay na batong nagsilbing salikop ng dalawang tunguhin sa kanyng buhay. Pinilit ni
Isagani ang kanyang mga paa na biguin ng mga ito ang sumisidhing pagnanasa niyang manatili pa roon
ng ilang sandali upang sa puno ng dapdap kung gabi’y pinamumutiktikan ng nag-anti-antilaw na
alitaptap, sa bahay na bato na animo’y isang moog ng katandaan na nagkukulong ng mga
masambahin at makalumang paniniwala, at sa halamanang kung tagbulaklak ay lipos ng
nagkakatunggaliang mga kulay na namamalintuna sa piling ng kapanglawan ng bahay na bato, ay
bakasin ang mga pangyayaring nagpabago sa lakad ng kanyang buhay. Ibinaling ni Isagani ang kanyang
mga paa sa ibang mga naging tagpo ng mga unang karanasan niya sa buhay. Dinulang niya sa gunita ang
mga unang kabanatang yaon hanggang sa mga pagmumuni-muni niya ay putulin ng isang tinig na tila
nagmula sa guwang ng isang limot nang daigdig. “Insan!― Ang lalaking may puong sa ulo at
nakatayo sa tabi ng inaayos niyang suhay ng isang nakagiray nang bahay ay madaling nakilala ni Isagani.
“Insang Dodoy!― Patakbong nilapitan ni Isagani si Dodoy at ang dalawa ay nagyakap. Si Minang na
naging kasintahan ni Dodoy at si Iday na naging katalik-puso ni Isagani ay magpinsan, at nakagawian na
nilang magkaibigan a magtawagan ng insane, “Kumukuha ko ng mga balita at mga larawan sa
Sampalukan dahil sa nangyari doon kahapon, nang abutin ako ng malakas na bagyo. Minabuti kong ditto
na magpagabi yayamang malapit na rin lamang ako rito, saka nais ko namang tingnan kung ano ang
nangyari sa ating nayon.― “Unos ang nagtaboy at bagyo ang nagpabalik,― ang may-himig birong
nawika ni Dodoy. Si Isagani ay nagpasungaw ng isang pilit na ngiti. “Matipuno ngayon ang
pangangatawan mo,― ang pansin ni Dodoy. “Salamat sa tubig . . .― “Nababasa ko nga sa mga
diario ang pagtatagumpay mo sa mga paligsahan sa langoy.― Ang bakuran nina Dodoy ay naglalati at
nagsusukal sa mga natumbang halaman, sa nangabaling mgaa, at sa nangalipad na mga dahon. Si Dodoy
ay nagyaya sa itaas ng bahay, nguni’t si Isagani ay tumanggi sa pagnanais niya umanong mamalagi na
lamang sa babayan, yayamang ditto sila malimit magniig noong sila’y lagi pang mgkasamang tila kabit
ang mga pusod. “Napakalakas ng bagyong nagdaan,― ang puna ni Isagani. “Oo nga. Wika ni
Ingkong Teroy ay iyon ang pinakamalakas na naranasan na niya mula noong kapanahunan nila ng
nasirang Kapitang Penkoy.― “Mabuti naman at inabot kong uo pa ang Magdalo.― “Siyanga,
nguni’t pagkasira ng tulay sa Sabang ay magiging napakahirap para sa mga kanayon mo hanggang
hindi nakapagtatawiran sa ilog ang mga bangka o hanggang hindi nakapagtatayo ng bagong tulay. Itong
nayon natin ay parang batang nasugpo ang paglaki dahil sa mga leaf miner na binubuntutan pa ng
malabis na pagbaba ng halaga ng niyog at kaliblib.’“Hanggang ngayon ay sa bayan pa kami umaasa
ng lahat nang mahalagang pangangailangan naming,― ang patuloy ni Dodoy. “Doon pa kami
namimili ng mga gamot at ng mahahalagang kagamitan. Ngayong nasira ang tulay ng Sabang, na syang
tanging tawiran naming pagtungo sa bayan, ay mahihinula mo na kung gaanong hirap ang dadanasin
naming. At mahihinula mo na rin kung gaanong paglalakad o pangangabayo ang kakailanganin mong
gawin upang makabalik ka sa nayon ng Sampalukan at sa bayan ng Santa Ana, na siyang dinaraanan ng
tren, kung ninanais mong umuwi ng Maynila.― Madaling nawatasan ni Isagani ang gipit niyang
kalagayan. Nguni’t pinapanatag niya ang kanyang loob. Umupo siya sa nakataob na lusong, na
nakilala niyang siyang malimit pagbayuhan nila ng minukmok na saging. Si Dodoy ay lumikmo sa
luklukang kawayang nakakabit sa dalawang haligi ng sibi sa babayan. Nagbalitaan sila ng mga nangyari sa
kanilang mga buhay sa loob ng nakaraang sampung taong di nila ipinagkita. Pinagbalikan nila sa gunita
ang mga nakaraang panahon, noong may sampu, labindalawa, labinlima, at mahigit pang dalawampung
taon ang nakalipas nang sila’y lagging magkasama sa pambabalibag ng mga mangga, sa
“pangangaluluwa― ng manok, sa lakas-loob ng pangunguha ng pinyang Hway sa taniman ni Intsik
Panga, sa paglulunoy sa ilog, hanggang sa kanilang paniningalang-pugad, panghaharana, at pangingibig
sa bituin at buwan. “Ayaw ka lamang manunggab . . .― “Mula nang ang insane mong Minang ay
mag-asawa ay ewan ko kung bakit lalo pa akong nawili sa pagpapakapal ng palad sa bukid kaysa
pangangarap na makapagmahabang-dulang. “Mabuti ka pa,― ang patuloy ni Dodoy, “nakalimot
ka kahi’t paano, palibhasa ang siyudad ay madaling makapagturo ng paglimot.― “Mahirap din
kahi’t doon,― ang salungat ni Isagani. “Nakaraan pa ang pitong taon bago ako nakapamanatag.
Ngayong may anak na ako ay saka pa lamang nagsimula akong mapatiwasay.― “Nang di ka na
dumalaw ditto kahi’t saglit matapos mangyari ang “unos― kay Iday, at nang hindi ka na
nakipagbalitaan sa akin ay naynawaan ko nang ang ninanais mo’y malimot na ang sariling nayon
upang sa gayon ay malimot mo na ring ganap ang nangyaring “unos―. Iginalang ko naman ang
hangarin mo.― Ibinaling ang orasyon. Ilang sandali silang nanahimik. Ang tugtog ng batingaw at ang
sumunod na katahimikan ay lalong nagpasidhi sa damdaming muling nagpaantak sa isang matanda ng
sugat. “Naririto ka na rin lamang at nabuksan na ri lamang ang bagay na ito,― ang basag ni Dodoy sa
katahimikan, “ay kailangang linawin ko sa iyo ang lahat.― Tila hindi naulinigan ni Isagani si Dodoy.
Nakako rin ang mga paningin niya sa mga tanawing nilalambungan na ng agaw-dilim. “Sa mga nabasa
kong kuwento mo,― ang patuloy ni Dodoy, “ay nahiwatigan kong sa Maynila ay nagpasasa ka sa
mga balintunang kaligayaha. Nahiwatigan ko ring ang pinagbubuntunan ng sala ay ang babae. Natitiyak
kong hindi mo nababatid ang buong pangyayari.― Si Isagani ay napatitig kay Dodoy. “Mayroon pa
kayang dapat mabatid,― ang may-himig panunumbat na wika ni Isagani, “bukod sa malabis na
karupukan ng puso ng isang babae, karupukang ikinapanganganyaya tuloy ng isang dakilang pag-
ibig?― ‘Marami ka pang di nababatid,― ang tugon ni Dodoy. Kaagad siyang nagpatuloy upang di
masansala ni Isagani. “Nalalaman mo nang si Kadyong taga-Puktol, na siyang naging pinakamahigpit
mong kaagaw kay Iday, ay hindi nasiraan ng loob maging ng masungkit mo na ang “oo― ni Iday.
Alam mo na ring mababait man ang mga binata sa Puktol ay hindi naman sila nakaaatim tumanggap ng
kabiguan sa pag-ibig, kaya malimit na sila’y nakagagawa ng mararahasna bagay. Nguni’t bukod na
si Kadyo ay naging isang likas at mabuting halimbawa ng binatang Puktol ay nag-iwi pa siya ng isang
napakasidhing pagnanasa kay Iday. Maaaring sabihin nating ang pagnanasang yaon ay siya ring pag-ibig
na malimit ibuhay ninyong mga kuwebtista, ang uri ng pag-ibig na nakababaliw, bumubulag, at
mapangahas.― Inalis ni Dodoy sa kanyang bisig ang tangay-tangay niyang dayami at hinarap niyang
mabuti si Isagani, na noon naman ay nakatitig sa lupa at iginuguhit ang dulo ng sapatos sa basing lupa.
“Noong ikaw ay nasa Maynila ay minsang namista sa Puktol sina Iday. Kasama niya anyang inang si
Nana Upeng at impo niyang si Da Tomasa, saka isang batang lalaking nakalimutan ko na kung sino.
Hainggabi na nang iwan nila ang panonood ng moro-moro sa tabi ng bisita, upang tumuloy sa bahay ng
isang amain ni Iday sa kabila ng sapa sa may lansunisan doon. Wala silang pananglaw kundi bungkos na
kayakas.― Si Dodoy ay humintong ilang sahlit. Si Isagani ay nakamulaga na sa kanya at buong
pananabik na naghihintay sa mga susunod niyang salaysay. “Ang pagkakataong iyon ang sinamantala
ni Kadyo. Sa tulong ng dalawa pang taga-Pukol ay tinangka niyang agawin si Iday. Nguni’t si Iday, ang
dalawang matanda at ang bata ay nanalabag mabuti. Ang sunod-sunod na tili ay umalingawngaw sa
kabukiran. Si Kadyo ay nabigo. Wala siyang nagawa kundi makapagnakaw ng isang halik sa pisngi ni
Iday.― Malamig ang gabi, nguni’t naramdaman ni Isagani na nag-iinit ang buong katawan niya. Di
kinukusa’y naipaypay niya ang kanyang basing sambalilo. “Hanggang nang makarating sila sa bahay
ng amain ni Iday ang dalawang matanda ay walang tigil nang kakukurus. Si Iday ay lagging nakatungo at
iyak nang iyak. Para bang katiting nng pagkababae ay walanang natira kay Iday. Kinabukasan, madaling-
araw pa, ay napahatid na sila sa bahay na bato. Ang dalawang matanda ay tila di pa nangangawit sa
kakukurus. Nang umagang yaon ay nagpunta ako sa bahay na bato. Hindi ko sila nakauusap. Si Iday ay
malimit magtangkang humingi ng awa sa Mahal na Birheng nasa kanyang silid. Nguni’t hindi siya
makatitig sa banal na larawan. Nahihiya siya.― Si Isagani ay pinagpupusan na. “Alam mo namang
maging noong magkasintahan na kayo ni Iday ay hindi pa kayo tinutulutang magkalapit ni magkaniig na
mabuti. Si Nana Upeng ay laging kumakatlo sa inyo. Ang nangyari sa Puktol ay lalong nagpapanglaw sa
bahay na bato. Si Tata Densiyo, na ama ni Iday, ay naghasa ng itak. Ngunit ang itak na ito ay hindi na niya
nagamit sapagkat nakapamagitan ang tininti sa Puktol, na kababata ni Tata Densiyo. Pinagkayarian na
lamang na ikasal si Iday at si Kadyo. Si Iday ay hindi na nakapagpaabot-sabi sa iyo dahil sa napakalaking
hiya niya sa iyo dahil sa napakalaking hiya niya sa iyo. Ni sa akin ay nahiya na siyang humarap. “Sukdol
na yata sa langit ang pag-ibig ni Kadyo kay Iday kaya ni ayaw halos niyang pahipan ito sa hangin. Nuno
naman siya ng pagkamapanibughuin at malimit na napagbubuhatan ng kamay ni Iday, bagay na
ipanagiging lubhang kasakit-sakit ng kalagayan nito. Ang ibig yata niya ay Makita niyang si Iday ay
kanyang-kanya ganap na ganap, ang katawan, ang kaluluwa, ang buong katauhan. Ang nakapagtataka,
masasabi nating nakatatawa pa, ay ang pangyayaring ikaw ay isa sa mga napag-iitingang panibughuan ng
tinamaan ng sanlibong kulog. At sapagkat hindi naman siya maalam sumulat ni bumasa ay naninilaw na
kaagad sa panibugho ang kanyang mga mata kung nakikita niyang si Iday ay may binabasang sulat. Hindi
na tuloy ako nakikipag-usap kay Iday at baka sapantahain ni Kadyo na ako ay nagsisilbing tulay ninyo ni
Iday, ay matikman lamang niya ang dinaranas ng mga manok na sasabunging walang awing sinasakal at
ipinaghahampasan ni pareng Ador kung ito ay nalalasing matapos matalo sa sabong. Sa kasamaang-
palad (maaaring kabutihang-palad) ay hindi sila nagkaanak.― Nadama ni Isagani na ang poot na
sampung taon nang nag-aalab sa kanyang dibdib ay naglalagablab ngayon, ngunit gumagapang sa ibang
landasin. Halos mapilitan na siyang mabulalas upang bigyang-laya ang isang damdaming ganoong bago
pa lamang nag-aalimpuyo ay tila kay tagal nang nakukuyom. Ngunit ang paningin niya ay biglang
naganyak ng dalawang aninong mabilis na naglalakad sa daan sa tapat ng kinaroroonan nila ni Dodoy.
Ang magkaibigan ay halos magkasabay na napatayo. Madali nilang nakilalang ang dalawang aninong
yaon ay kina Doktor Fronda, ang kaisa-isang manggagamot sa kanilang nayon, at tandang Anong, na
kapitbahay ng mga tagabahay na bato. “Tila patungo sila sa bahay na bato,― ang puna ni Dodoy.
Ang dalawang anino ay sinundan ng tanaw ni Isagani. “Mula nang mamatay sina Nana Upeng at Tata
Densiyo ay diyan na sa bahay na bato lumipat sina Iday at Kadyo,― ang wika ni Dodoy. At matapos
niyang tpunan ng tingin ang kinawalan ng dalawang aninong tila may hinahabol ay bigla niyang hinarap
si Isagani. “Insan, nangangamba ako. Si Iday ay kung ilang lingo nang may sakit. Natawag na ni Kadyo
ang lahat nang batikang albularyo rito. At ngayon ay patungo sa bahay na bato si Doktor Fronda. Si
Kadyo ay hindi tatawag ng doctor kung makaaasa pa siya sa sinasamba niyang mga albularyo…―
Kasunod ng pagkawatas ni Isagani sa mapanglaw na kahulugan ng mga pahiwatig ni Dodoy ay tinundos
ng pangamba ang kanyang dibdib. Kapagdaka’y tinalima niya ang damdaming nagbubunsod sa kanya
sa pagdalaw sa bahay na bato. Ang kanyang basing sambalilo at panguhang-larawan ay iniwan niya sa
isang baitang ng hagdang kawayan. Ang mga pagpipigil at mapiling pag-aanyaya ni Dodoy upang
maghapunan muna siya ay ni hindi man lamang yata sumapit sa kanyang pang-ulinig. Sinapupo siya ng
matinding pananabik na makita si Iday, kahit sila lamang. Natitiyak na niyang ang sampung taong
pagkakalayo at pagsisikap na makalimot ay hindi makaaapula sa apoy ng dakilang pag-ibig. Ilang saglit
siyang napatigagal sa harap ng maputing krus na nakaguhit sa malaking pinto ng bahay na bato. Nang
makapaglakas-loob siyang kumatok ay tila natakot pa siya na nalikha niyang ingay. Nainip siya sa
paghihintay ng tugon. At natakot naman siyang makarinig na muli ng kanyang katok. Ang langitngit ng
malaking pinto, nang ito’y pangahasan na niyang buksan, ay lumikha ng bahagyang panginginig ng
kanyang laman. Nakaramdam siya ng panggimanlaw samantalang tinatahak niya sa silong ang karimlang
hinihiwa ng malamlam na sinag na naglalagos sa mga siwang ng sahig sa itaas. Nang makapanhik
siya’y bahagya na siyang nakapagmagandang gabi po sa mga taong inabot niyang nag-aanasan sa
bulwagan. Ang “Aba, narito ka pala,’ “Kailan ka pa, Isagani?,― Paano mo nalaman?,―
“Paano ka nakaparito?,― “Tuloy ka, nasa loob siya,― “Kumusta ka,― na pumulas sa mga
labi ng mga dinatnan niya, ay ginanti lamang niya ng ilang tango, ilang pilit na ngiti, at ilang putul-putol
na kataga. Tila nagbabantulot siyang pumasok sa silid. Lalo siyang namanglaw nang makapasok siya. Ang
mga humpak na pisngi at ang yayat na katawang nakaratay sa isang luma nang hihigan ay tila mga bakas
na lamang ng babaing sinasamba niya’y dinala-dalanganin. Ang mga matang tila nakabaon lamang sa
pagitan ng mga nakausling buto ng mukha ay tumingin sa kanya, na animoy mangingilalang
natatalinghagaan. Sa may ulanan ng hihigan ay nakatitig sa kanya ang Mahal na Birheng nasa isang
nahihiyasang munting dambana. Ang banal na titig ay tumino sa kanyang puso. Nasa tabi ng hihigan ang
manggagamot. At nakatayo sa piling ng manggagamot ang isang lalaking mahagway, may buhok na
nakaligtaan nang pagpalain, may mga matang nanlalalim na’t napaliligiran ng itim, may mga kamay
na tila nakabitin na lamang sa mga lupaypay na balikat, at may pangkalahatang anyong kinasisinagan ng
isang tauhang hinubog ng mga pamahiin , at ng isang baliw na pag-ibig. Hindi na niya kinailangang
dumulang sa kanyang gunita upang makilalang ang lalaking yaong animo’y isang punungkahoy na
nakatasan na ng lakas at lusog ay si Kadyo. Sumulak ang kanyang dugo lalo na nang matilamsikan siya ng
nag-aapoy na tingin ni Kadyo. Ibig-ibig na niyang ibulalas ang kanyang salaghati sa pamamagitan ng
pagpapabagsak ng kanyang mga kamao sa lalaking yaong nagpalihis sa takbo ng dalawang buhay, ng
buhay niya at ng kay Iday. Ngunit napuna niya ang banal na titig at ang banal ding larawan ng kanyang
matandang pag-ibig. Ang paninimdim niya’y biglang pinutol ng mahinay ngunit tila nakatutulig na
pananalita ng mangagamot. “Kailangan natin ang suwero.― Nagunita kapagdaka ni Isagani na ang
ihahatol ng manggagamot ay siya ring uri ng suwerong nagligtas sa kanyang asawa nang ito ay naglubha
noong may ilang buwan lamang ang nakalilipas. “Wala ako ng suwerong kailangan natin,― ang wika
pa ng manggagamot. “Wala tayong makukunan kundi ang botika sa bayan. Ngayon ay paano at sino
ang kukuha?― Bago nakasagot ang sino man ay humarap si Kadyo sa manggagamot ant ang wika,
“Akina ang reseta, doctor.― Nabanaagan ng lahat ang tangka ni Kadyo. Pinagharian ng pangamba
ang mga taong nasa silid. “Ngunit mabilis ang agos ng tubig sa ilog,― anang isang tumutol. “Kung
ilang gabi ka nang puyat,― anang isa pa. Hindi ka tatagal, Kadyo,― anang ikatlo. Ngunit si Kadyo ay
nasa hagdan na at matuling nananaog. Si Isagani ay naiwang matamang nagmamasid sa nakalulunos na
larawang tila isang maputlang anino na lamang na nakabalatay sa hihigan. Nababakas sa larawang yaon
ang sampung taong pagtitiis sa piling ng isang pag-ibig, at pag-ibig na baliw, na di ginaganti ng kapwa
pag-ibig, pag-ibig na bulag, pag-ibig na kahit na marubdob ay malupit naman. Si Isagani sa nabulid sa
panimdim. Si Iday ay kailangang mabuhay. Baka sakaling makapagtatamasa pa si Iday ng makababawa
kahit bahagya sa kapaitan ng mga dinanas niya sa loob ng nakaraang sampung taon. Kung mabubuhay
naman siya upang magpatuloy lamang ng paglasap ng dita ay di buti pang iwan na niya ang daigdig na
ito! Ngunit ….Si Isagani ay napatigagal, kinilabutan. Datapwa… kung si iday ay mabubuhay nang
malaya…. Halos patakbong tinungo ni Isagani ang hagdanan. Halos patakbo ring sinundan niya si Kadyo
sa ilog. Sa sampung taong pagiging mamamahayag niya ay nakasaksi na siya ng iba’t-ibang uri ng
kamatayan, na lahat ay pawang pangit, pawing nakalulunos, pawang naka hahambal, pawong
nagpapatunay sa karupukan ng hiblang kinabibitinan ng buhay ng tao. Ngunit ngayon ay nakikilala na
niyang mayroong ding kamatayang maganda, kanais-nais---ang kamatayang magiging dahilan ng
pamamanaag ng isang bagong pag-asa. “Ngunit mabilis ang agos ng tubig sa ilog,― Kung ilang gabi
ka nang puyat,― “Hindi ka tatagal, Kadyo.― Ngayon lamang siya makangingiti sa harap ng
kamatayan. Ang lagaslas ng kulay-lupang tubig sa ilog ay naging mga awit sa kanyang pandinig. Ngunit
siya’y nanggilalas at bahagyang nasiraan ng loob nang sa tanglaw ng tila nagpapasuyong liwanag ng
buwan ay matanaw niyang si Kadyo ay nakikipagtunggali sa nagngangalit na tubig at malapit na sa
kabilang pampang. Ang nais sana niya’y makitang sinusupil si Kadyo ng namimiyapis na tubig, nais
sana niya’y matamasa ang kaaya-ayang tanawing idinudulot ng isang kanais-nais na kamatayan,
upang pagkatapos ay siya naman ang tumawid at kumuha ng gamot, yayamang natatandaan niya ang
pangalan nito. Nanggilalas siya, pagkat si kadyo ay nakapagpapamalas pa ng katangi-tanging tiyaga at
lakas, ganoong pinapanghina na ito ng sunud-sunod na pagpupuyat at ng malabis na pag-aalaala. Ang
naultaw na ulo ni Kadyo, pagkaultaw na nakabibigat sa isang lumalangoy, ang kanyang sikad-palakang
lubhang kapagal-pagal, at ang galaw ng kanyang mga kamay, sa pagkayod sa ilalim at pagkampay, sa
itaas, na umuubos ng labis ngunit naaaaksayang lakas ay boung pagtatakang tinanaw ni Isagani. Ano
kayang kapangyarihan ang nagbibigay kay Kadyo ng ganoong katangi-tanging lakas ? Ang kanya kayang
baliw na pag-ibig? Ang buhay-bukid kayang humuhubog ng matipuno’t matibay na katawan? Nang
umahon si Kadyo sa kabilang pampang ay napaupo na lamang si Isagani sa isang malaking bato at
natabunan ng kasirang-loob. Ang mga ulap sa itaas ay naghahabulan sa harap ng buwan. Humuhugong
ang ilog sa mabilis na pag-agos ng tubig at sa pagdaluhong nito sa malalaking bato at sa bumagsak na
tulay. Kung makababaklas lamang si Iday sa tanikalang ipinupulupot sa kanya ng isang malupit na pag-
ibig! Sa kabilang pampang ay isang maitim na anino ang sumlpot at lumusong sa ilog. Si Kadyo ay
nakakuha na ng gamot. Ang nagngangalit na tubig ay muling sinagupa ni Kadyo. Sa pagkakataong ito ay
lumangoy siya ng patihaya, na walang inilalaban sa tubig kundi ang dalawang paa at ang kanang kamay,
samantalang ang kaliwa ay nakataas at hawak ang malaking balutan ng gamot. Nangangapos ang hininga
ni Isagani samantalang si Kadyo ay napapalapit nang napapalapit sa batuhang katabi ng kinaroroonan
niya. Ibig-ibig na niyang tumalon, agawin ang gamot, at ilubog si Kadyo. Si Isagani ay napatayo saka
biglang nanlupaypay nang makita niyang si Kadyo ay sumapit sa isang malaking tipak ng batong nakausli
sa ibabaw. Napuna ni isagani na si Kagyo ay humihingal at pinapanawan na ng lakas. Kapagdaka’y
nanulay sa hanay ng mga batong nag-usli pa nang bahagya sa tubig at tinungo niya ang malaking tipak
na kinasasasalayan ng mahalagang gamot. Pagkaraan ay nagmamadali siyang nagbalik sa pampang at
tumayo sa gilid nito. Sa may paanan niya ay nag-aalimpuyo ang tubig na wari niya’y nakikiapid sa
kanyang lihim na hangarin. Gumitaw sa kanyang mga labi ang isang umis na lipos ng tiwaling kasiyahan
nang malingunan niyang ang mga kamay na nakakapit na malaking tipak na bato ay humuhulapos at
nahihilang pailalim sa tubig. Makailang saglit pa’y unti-unti nang natatangay ng agos ang lupaypay na
katawan ni Kadyo, na kaya lamang di maanod na madali ay sapagkat nasasadlak sa malaking batong nag-
usli sa tubig na malapit sa pampang. Ngayon ay nasasaksihan na ni Isagani ang isang pagkaganda-
gandang kamatayan! Ang katawang inulila na yatang ganap ng lakas ay naagaw na ng namimiyapis na
tubig. Ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Isagani ay namalaging tila nakaguhit na palagian sa kanyang
anyo. Ngunit pagkailang saglit, ang ngiting ito ay dagling naglaho. Ang kanyang katauhan ay ginigiyagis
ng damdaming makatao. Saka sa kanyang mga balintataw ay itinudla ng banal na titig ng mahal na
larawang nasa munting dambana ang karayagan ng mga katotohanan: ang kanyang asawa, ang kanyang
anak, ang magkaibayo nang daigdig nila ni Iday, at ang pag-ibig ni Kadyo, pag-ibig na bulag man at baliw
ay maaari pa ring mamulat, at magtanaw-siliw. Pagkailang iglap, ang kulay-lupang tubig ay umalimbukay
sa bagsak ng isang matipunong katawan.

You might also like