You are on page 1of 1

Paliwanag:

Ang logo na ito ay patunay sa patuloy na pagtupad ng Kagawaran sa tunguhin nitong makalikha
ng mga gurong nagtataglay ng kalidad. Ang apat na linyang nagmimistulang haligi ay
representasyon ng pagkilala at pagganap ng Kagawaran sa apat na thrust ng Unibersidad:
instruction, research, extension, at production. Ang anim na panel ay kumakatawan sa anim na
program outcomes ng kursong Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino
alinsunod sa minumungkahi ng Memorandum Order bilang 75, serye 2017 ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon. Nakatuon ang mga ito sa pagpapanday sa disiplina ng Filipino, sandig sa
wika, panitikan, kultura at pedagohiya na kawaksing nililinang sa tulong ng saliksik at
produksiyon.

Layunin ng Kagawaran

1. Makalikha ng mga de-kalidad na mga gurong epektibong tagapangasiwa ng pagkatuto at


matapat na gumaganap sa propesyonal, etikal, at moral na pamantayan ng pagtuturo at
pagkatuto.
2. Makatugon sa kahingian ng pagiging guro at artista para sa bayan.
3. Makapagsanib ng mga banyaga at katutubong dalumat at makabagong pedagohiya tungo
sa makahulugang produksiyon ng saliksik sa mga tiyak na erya ng pag-aaral.
4. Makalinang ng mga kagamitang pampagtuturo at gawaing pamproduksiyong nakabatay
sa saliksik at kalidad para sa kapakanan ng prosesong pampagkatuto at pampagtuturo.
5. Makatugon sa mga umuusbong at papausbong na dulog at pababago sa metodolohiya sa
pagtuturo, pagtataya, at teknolohiya.
6. Makapagsagawa ng mga gawaing pang-ekstensiyong nakasandig sa saliksik at tumutugon
sa pangangailangan ng pamayanan at mamamayan nito.

You might also like