You are on page 1of 18

PROYEKTO

SA
FILIPINO
Ipinasa ni:
Nikki B. Villanueva
Grade VI- Matapat
Ipinasa kay:
Gng. Maria O. Caparas
MGA NILALAMAN:

 SURING BASA
 SURING PELIKULA
 TALAARAWAN
 STORY BOOK
Pamagat:

 King Midas and the Golden Touch

Tauhan:

Haring Midas
Matandang lalaki – engkantada
Prinsesa Armida – anank ng hari

Tagpuan:

Hardin ng palasyo

Mga Pangyayari:

Minsan namasyal si Haring Midas sa


hardin ng palasyo. Nagulat sya ng
makakita ng isang matandang
lalaking natutulog sa ilalim ng puno.
Kung katulad ng iba kinagagalitan
nya ito. Ngunit pinasamahan niya ito
sa mga kawal upang makauwi. Ang
matanda pala ay isang engkantada.
Napatunayan nito na mabait ang hari.
Binigyan ng engkantada ang hari ng
isang kahilingan. Hiniling ni Haring
Midas na ang lahat ng hahawakan
niya ay magiging ginto. Nang subukan
ng hari na hawakan ang mga bulaklak
ay naging ginto ito. Makaraan ang
ilang sandali napagod ang hari.
Pumasok na siya sa palasyo para
kumain. Nadismaya ang hari dahil
naging ginto ang mga na marinig niya
si Prinsesa Armida, ang kaisa- isang
anak niya. Nanlaki ang ulo ng hari.
Iniwasan niya ang kanyang anak
ngunit yumakap ito sa kanya ng bigla.
Naisip niya na hanapin ang
engkantada sa hardin ng palasyo.
Nagmakaawa si Haring Midas na alisin
ang ipinagkaloob na kahilingan.
Naawa ang engkantada sa kanya.
Naiyak siya sa pasasalamat dahil bumalik
na sa dati ang lahat.. Natuklasan ni
Haring Midas na ang paghahangad ng
sobrang yaman ay hindi mabuti.

Suliranin:

 Bawat pagkain na kanyang


hinahawakan ay nagiging ginto.
 Naging ginto ang si Prinsesa
Armida dahil hinawakan siya ng
hari.

Solusyon:

Hinanap niya ang engkantada.


Nalaman ni Haring Midas na ang
hindi mabuti ang paghangad ng
sobrang yaman.
Aral:

Huwag masyadong maghangad ng


pagkayaman dahil ito ay
pinaghihirapan.
Lunes
Ika -30 ng Disyembre taong 2019

Maaga akong gumising dahil kami ay


sisimba. Ngayon kasi ang araw kung
kalian namatay si Gat Dr. Jose Rizal.
Pagakatapos naming sumimba ako ay
tumulong ako sa aking pinsan magtinda
dahil namimili sina Nanay ng gagamitin
kinabukasan.
Martes
Ika -31 ng Disyembre taong 2019

Tumulong ako kina Nanay at Tatay sa


pagtitinda. Naggayak ako ng aking mga
dadalhin papunta sa ibaba para sa
paghihiwalay ng taon. Nag-videoke kami
nina Lola. Pagdating ng alas dose kami ay
sabay-sabay kumain ng aming handa.
Miyerkules

Ika -01 ng Enero taong 2020

Ang unang araw ng bagong taon. Kami


ay nag samba para mag pasalamat sa
panibagong taon na kami ay sama-sama.
Pagkatapos ng misa kami ay pumunta sa
Batangas para bumisita. Nanood kami ng
aking mga pinsan ng basketball.
Huwebes

Ika -02 ng Disyembre taong 2020

Kami ay naggala sa Ayala Mall.


Naglaro kami doon ng aking mga pinsan.
Kumain kami sa Jollibee dahil hapon na
nun. Gabi na kami nakauwi. Pagod na
pagod kami sa kalalaro kaya maaga kami
nakatulog.
Biyernes

Ika -03 ng Enero taon 2020

Tanghali na ako ngising dahil sa pagod


ko kahapon. Tumulong ako kay Tatay dahil
umalis sina Nanay. Nung hapon sinundo
naming sina ate sa Dasmarinas. Doon na
kami kumain dahil inabot na kami ng
dilim. Inayos ko na ang higaan dahil antok
na ako.
Sabado

Ika -04 ng Enero taong 2019

Ginising ako ni Nanay para ayusin an


aming labahing damit. Ako ay sumama sa
aking tito papunta sa palengke. Bumiliako
ng story book para sa aking ginagawang
proyekto. Inayos ko ang aking mga gamit
para sa Lunes.
Linggo

Ika -05 ng Enero taong 2020

Tanghali na ako gumising. Inihanda ko


ang aking damit para sa pag-pasok ko
bukas. Exited na ako dahilmakikita-kita na
ulit kami ng aking mga kaklase. Maaga
akong natulog para hindi ako mahuli sa
klase.
SURING BASA

Naglalaman ito ng isang buod


tungkol sa iyong binasang istorya. Ito ay
may iba’t iba at pagkakasunod-sunod ng
pinaikli mong istorya. Mayroon itong
pamagat,tauhan,tagpuan,mga
pangyayari,at aral.
SURING
PELIKULA

Naglalaman ito ng isang buod


tungkol sa iayong pinanood na pelikula.
Ito ay may ibat’ iba at pagkakasunod-
sunod ito ng pinaikli mong pelikulang
napanood.Mayroon ito pamagat, tauhan,
tagpuan, mga pangyayari, reaksyon,
rekomendasyon, at aral.
TALAARAWAN

Naglalaman ito ng mga ginawa mo


araw-araw. Ang bawat araw na
nakalagay ditto ay mula lunes
hanggang linggo. Nakalagay dito ay
mga araw, petsa, at taon.
STORY BOOK

Ito ay babasahin na maikli o


mahabang kwento. Naglalaman ito ng
mga aral na iyong kapupulutan o
matututunan. Kahit na ito ay parang
pangbata ito na may may mga
magagandang aral.

You might also like