You are on page 1of 1

Ito ay hinahandog ko para sa mga taong di lubos makaintindi

di lubos malaman
at di lubos maisaisip ang kung anong meron sa ating bayan
-Nawalang Pangarap -
Umpisahan natin sa ating bayan
Sa bayan kung saan ang mga tao ay nagnanais lang naman na mamuhay ng tahimik at
mapayapa
Sa mga sibilyang ang tanging nais ay makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng
marangal na pagtratrabahuhan
Sa kabataang walang muwang na nakakasaksi ng mga bagay na di pa nila dapat malaman
Dun tayo kung saan nagumpisa
Nagumpisa ang ating kaalaman sa isang bagay na di naman dapat ginagamit sa ganitong
paraan
Di naman dapat nakakasakit o nakakasama sa ating mga kababayan
At sa isang bagay na minsan ay natutukso lamang tayo upang gamitin dahil sa kay dami
raming problema
Pinapakilala ko po sa inyo ang droga
May kwento ako ng isang taong gumamit ng droga
Nais lamang niyang magkaroon ng mataas na parangal sa eskwela
Nagsikap siya ngunit hindi pa din niya ito kinaya
Nagsimula siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan
At doon na nagsimula
Nagsimula ang mga bagay na di inaasahan
Umabot ng magdamag sa kalye kasama ang tropa
Gumagamit ng sigarilyo at sabay laklak ng alak
Hanggang sa umabot sa bigayan ng droga
Yung droga, yung droga na kala niya malilimutan niya ang lahat pero mali
Mali, mali, mali
Kasi pati siya ay nawala
Nawala kasi di na niya alam kung sino siya
Di na niya alam kung ano ang mga pangarap niya
Naglaho na lang ng parang bula yung mga matataas na pangarap na dati ay pilit niyang
inaabot kahit di na niya kaya
Nawala
Nawala sa isang gabi kung saan tahimik ang lahat
Napahinto ng tingin at napatingin
Sa isang lalaking nakahiga sa isang eskenita
Malamig, walang buhay, at nasira ang pangarap dahil sa droga.

You might also like