You are on page 1of 3

jmsinoy_18

Visit me on instagram and Twitter on jmsinoy_18

Huwebes, Disyembre 15, 2016


Ang Panday ni Amado Hernandez

ANG PANDAY

Ni: Amado Hernandez

I.
Kaputol na bakal na galing sabundok.

sa dila ng apoy kanyang pinalambot;

sa isang pandaya'y matyagang pinukpok

at pinagkahugis sa nasa ng loob.

II.
Walang ano-ano'y naging kagamitan,

araro na pala ang bakal na iyan;

Ang mga bukiri'y payapang binungkal,

nang magtaniman na'y masayang tinamnan.

III.
Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo

at ang boong bayan ay bulking sumubo,

tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo

pagka't may laban nang nag-aalimpuyo!

IV.
Ang lumang araro'y pinagbagang muli

atsaka pinanday nang nagdudumali,

naging tabak namang tila humihingi,


ng paghihiganti ng lahing sinawi!

V.
Kaputol na bakal na kislap ma'y wala,

ang kahalagahan ay di matingkala,

ginawang araro: pangbuhay ng madla

ginawang sandata: pananggol ng bansa!

VI.

Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,

bakal na hindi man makapagmalaki;

subali't sa kanyang kamay na marumi

ay naryan ang buhay at pagsasarili.

ANG PANDAY
Ni: Amado V. Hernandez
Ang tulang Ang Panday ay tulang Obra Maestra ni Amado V. Hernandez na kilala sa
pagiging Makata ng mga Manggagawa. Ang Panday ay isang kagamitan na kung saan ay bakal
na mula sa bundok. Ang mga bakal na iyon ay pinalambot sa pamamagitan sa pagsunog nito
sa apoy upang mahulma o magkaroon ng hugis o kaya’y kinisan para maging matulis, nang sa
huli’y maging kagamitangpanlaban o kaya’y kagamitan na araro ang mga bakal na iyon.
Ginagamit ang araro upang magbungkal ng lupa sa bukirin at para magkaroon ng taniman na
ikabubuhay ng mga tao. Ang bakal na araro ay pinakamahalagang gamit sa sakahan noong
unang panahon.
Ngunit sa panahon na nagkaroon ng gulo, at pumutok ang kaguluhan sa buong bayanna
kung saan sala ay lalaban. Lahat ng mga mamamayan ay gumawa o nagtayo ng hukbo para sa
darating na labanan para maprotektahan ang bawat isa at ang bayan. Sa panahon ng
paghahanda para sa labanan, ay ang bakal na araro ay dali-daling pinanday upang maging
isang tabak o itak. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagsunog nito sa apoy at pinukpok
hanggang sa maging tabak at para gagamitin bilang kasangkapan sa darating na labanan.
Ang bakal na ginawa o pinanday para maging araro’t sandata ay hindi mapapantayan
ang kahalagahan dahil unang-una, ginawa itong araro para sa ikabubuhay ng mga tao sa
pamamagitan ng paggamit nito na pangbungkal ng lupa nang sa ganun ay makatanim ang mga
mamamayan ng kanilang makakain sa araw-arw, pangalawa, ang bakal na iyon ay ginawa
namang sandata, upang ipagtanggol ang bayang tinubuang na planong agawin o sakupin ang
bayan.

Kaya naman, bigyan natin ng halaga ang isang bagay. Halimbawa nito ang panday na
kahit bakal ay may pakinabang sa trabaho, sa tao at sa bansa. Ang angating bayan man ay
sakupin ng mga dayuhan ay huwag nating hayaan ito. Labanan natin sila at lahat tayo ay
magtulungtulungan nang sa ganun ay mas marami o mas malakas ang pwersa at kapag
malakas ang pwersa, ay mananalo sa laban at kapag mananalo sa labanan, wala ng dayuhan
sa ating bayan, wala ng magkokontrol, walang magpapasakit at walang ng mang-aapi, kapag
wala ng dayuhan sa ating bayan ay makapamumuhay tayo ng payapa, masagana at masayang
buhay.

John Mark Sinoy sa 10:00 PM


Ibahagi

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento


Home
Tingnan ang bersyon ng web
jmsinoy_18
Aking larawan
John Mark Sinoy

Tingnan ang aking kumpletong profile


Pinapagana ng Blogger.

You might also like