You are on page 1of 2

𝔈𝔩 𝔉𝔦𝔩𝔦𝔟𝔲𝔰𝔱𝔢𝔯𝔦𝔰𝔪𝔬: 𝔗𝔥𝔢 𝔐𝔲𝔰𝔦𝔠𝔞𝔩

“𝐒𝐢 𝐒𝐢𝐦𝐨𝐮𝐧”
--------------------------------------------------𝙤𝙥𝙚𝙣 𝙘𝙪𝙧𝙩𝙖𝙞𝙣𝙨--------------------------------------------------

(Sa lugar kung saan dating tinulungan ni Basilio si Simoun) sfx: forest ambiance

(Si Simoun ay may dalang asarol, nagbubungkal ng lupa)

Basilio: (unti-unting lumapit kay Simoun) Maaari ko po ba kayong matulungan Ginoo?


Labintatlong taon na ang lumipas magmula nang gawan niyo ako ng paglilingkod.

Simoun: (mabalis na bumunot ng baril, ikinasa at tinutukan si basilio) Sino ba ako sa


tingin ninyo? Sfx: music gradually changes to intense background music

(ang ilaw ay tututok sa kanila)

Basilio: (ngumiti) sa tingin ko po ay isa kayong napaka dakilang tao. Isang tao na
inakala ng maraming tao, maliban sa akin, ay patay na at ang natanggap na
kabiguan ay labis kong pinagdadalamhati.

(lumapit si simoun sa binata at ipinatong ang kamay nito sa binata sa kabila ng


kanyang pagdududa, ang ilaw ay itututok kay Simoun)

Simoun: Basilio, ikaw ngayon ay nagmamay-ari ng isang lihim na maaring magdala


sakin sa kapahamakan at ngayong nadiskubre mo na ang isa pa na kapag nalantad
ay sisira sa aking plano. Para sa aking kaligtasan at pati na rin sa aking mabubuting
layunin ay dapat kong isara ang iyong labi habambuhay dahil ano pa ang halaga ng
buhay ng isang tao kung ikukumpara sa nais kong maipatupad? Hindi alam ng kahit
sino na naririto ako, may taglay akong sandata at kayo ay wala. Maaaring ibintang
ang inyong pagkamatay sa mga tulisan ng lugar na ito, subalit hahayaan ko na ika’y
mabuhay dahil na rin sa aking paniniwalang ito’y hindi ko pagsisisihan. (katahimikan)

--------------------------------------------------𝙘𝙡𝙤𝙨𝙚𝙙 𝙘𝙪𝙧𝙩𝙖𝙞𝙣𝙨--------------------------------------------------

(dance #01)

--------------------------------------------------𝙤𝙥𝙚𝙣 𝙘𝙪𝙧𝙩𝙖𝙞𝙣𝙨--------------------------------------------------

Basilio: sa kabaligtaran, Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wikang kastila ay maaaring


makapag-isa sa atin ng gobyerno, na siya namang magbubuklod sa buong kapuluan.
Simoun: malaking pagkakamali! (tuloy-tuloy ang hindi pag-sang ayon ng
mabilis)HINAYAAN NINYONG MADALA ANG INYONG MGA SARILI SA MGA MATATAMIS
NA SALITA NANG HINDI PINAG-AARALAN ANG MGA BAGAY-BAGAY PARA
SIYASATIN ANG MGA EPEKTONG MAKUKUHA NINYO SA- (kakanta ng “tatsulok” ni
Bamboo)

(papasok ang mga dancer at sasayaw kasama si Simoun.)

(pagkatapos ng kanta ay aalis na ang mga dancer) sfx: forest ambiance

Simoun: (hinihinga dahil kakatapos lang sumayaw at kumantal) Kailangan ko ng tulong


ninyo,gamitin ninyo ang inyong impluwensya sa mga kabataan para labanan ang
pagnanais sa kastila, sa pamumuhay, ang pantay-pantay na karapatan na
magbibigay daan lamang para tawagin kayong manggagaya.

Basilio: Ginoo, napakalaki ng karangalan na ibinigay ninyo sa akin ngunit, wala sa loob
ko ang paghihiganti sapagkat (medyo malungkot) hindi na ito makapagbabalik ng
kahit hibla ng buhok ng aking ina o ngiti sa labi ng aking kapatid na nawala na.

--------------------------------------------------𝙘𝙡𝙤𝙨𝙚𝙙 𝙘𝙪𝙧𝙩𝙖𝙞𝙣𝙨--------------------------------------------------

You might also like