You are on page 1of 148

LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS

SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

PANULAAN SA KASALUKUYAN: SANHI NG PAGKATHA AT EPEKTO


NG SPOKEN WORD POETRY SA DAMDAMIN KAISIPAN AT
KAASALAN NG MAG-AARAL

____________________

Isang Tesis
Na Iniharap sa mga
Kagawad ng Lupon ng Paaralang Gradwado
Laguna College of Business and Arts

____________________

Bilang Bahagi
Ng mga Gawaing Kailangan Para sa Titulong
PAGKADALUBHASA SA SINING NG EDUKASYON
Medyor sa Filipino

____________________

Ni

KRISTIAN L. TABAFUNDA

Disyembre 2019
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na ito na pinamagatang:

PANULAAN SA KASALUKUYAN: SANHI NG PAGKATHA AT EPEKTO


NG SPOKEN WORD POETRY SA DAMDAMIN KAISIPAN AT
KAASALAN NG MAG-AARAL

Ito ay inihanda at iniharap ni KRISTIAN L. TABAFUNDA , bilang bahagi


ng pagtupad sa mga kinakailangan para sa titulong PAGKADALUBHASA SA
SINING NG EDUKASYON medyor sa Filipino,ay sinuri at itinagubilin para sa
pasalitang pagsusulit.

VIVIEN E. UNTALAN, LPT,PhD


Tagapayo
__________________________________________________________________

Pinagtibay bilang bahagi ng mga kailangan sa titulong Pagkadalubhasa sa Sining ng


Edukasyon, Medyor sa Filipino ng Lupon ng Pagsusulit na may gradong_______,

ERNILDA L. DECENA, LPT, PhD


Tagapangulo

EDNA M. MANAIG, LPT, PhD LAURA DE GUZMAN, PhD


Kagawad Kagawad

____________________________________________________________________

Tinanggap bilang katuparan sa mga kailangan sa titulong Pagkadalubhasa sa Sining


ng Edukasyon, Medyor sa Filipino.

ERNILDA L. DECENA, LPT, Ph.D.


Dekano, Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

iii

Certificate of Quantitative Data Treatment

This certifies that Master’s thesis entitled, “PANULAAN SA KASALUKUYAN:

SANHI NG PAGKATHA AT EPEKTO NG SPOKEN WORD POETRY SA

DAMDAMIN KAISIPAN AT KAASALAN NG MAG-AARAL”

conducted by Kristian L. Tabafunda whose research design was quantitative, had been

subjected to Independent Variable and Dependent Variable (IVDV) at Laguna College of Business

and Arts by the undersigned.

DR. RAMIR LARINO


Institutional Statistician, Laguna College of Business and Arts
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

iv

Certificate of Grammar Editing

This certifies that the Master’s thesis entitled, “PANULAAN SA

KASALUKUYAN: SANHI NG PAGKATHA AT EPEKTO NG SPOKEN

WORD POETRY SA DAMDAMIN KAISIPAN AT KAASALAN NG

MAG-AARAL”

conducted by Kristian L. Tabafunda whose research was quantitative, had been

subjected to Grammar Editing at Laguna College of Business and Arts by the

undersigned.

VIVIEN E. UNTALAN, LPT, Ph.D.


Institutional Grammarian, Laguna College of Business and Arts
Member, Philippine Association for Teachers and Educators
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

Pasasalamat

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na walang


sawang sumuporta at nagbigay ng inspirasyon upang matapos ang tesis na ito.

Dr. Ernilda L. Decena, Dekano ng Paaralang Gradwado ng Laguna College


of Business and Arts, sa kanyang pagpapaalala at pagbibigay pag-asa ng
pagpunyagiang matapos ang pananaliksik na ito;

Dr. Vivien E. Untalan, tagapayo ng mananaliksik, sa kanyang walang


sawang pagsubaybay sa lahat ng mga hakbang at pagmumungkahi ng mga bagay
na makabubuti sa pananaliksik na ito;

Dr. Ramir Larino, kaagapay ng mananaliksik sa pagtutuos ng mga resulta at


sa lahat ng propesor at sa bumubuo ng paralang Gradwado ng Laguna College of
Business and Arts, na nagbigay ng tiwala, kaalaman at inspirasyon sa
mananaliksik upang tapusin ang pagkadalubhasang ito;

Dr. Ernilda L. Decena, Dr. Edna M. Manaig at Dr. Laura De Guzman,


lupon ng panel sa pasalitang pagsusulit,sa kanilang positibong kritisismo upang
mas maayos at mapaganda ang resulta ng pag-aaral.

Jesus M. Purificacion, MAT, propesor ng mananaliksik, sa pagbibigay ng


tiwala, ganun din ng mga ideya sa mga maaaring maging paksa ng isang
pananaliksk upang makapagsimula at matapos ng maibilis at maayos ang pag-
aaral.

Gng. Maria Victoria B. Rodriguez, punnongguro ng Bigaa Integrated


National High School sa pagbibigay ng inspirasyon na matapos ko ang pag-aaral
na ito
vi
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

vi

Gng. Margie M. Lontoc, Ph.D, ulongguro III ng Bigaa Integrated National


High School, sa kanyang pagpapaalala at pag-agapay habang namamahagi ng
talatanungan ang mananaliksik upang matapos ng maayos ang pagsasarbey sa
pag-aaral na ito;

Sa lahat ng mahahalagang tao na dumating, lumisan at naging bahagi ng


kanyang buhay, sa mga kaibigan at kaguro sa kagawaran ng Filipino, sa
pagbibigay ng inspirasyon, SALAMAT;

Sa aking nanay at tatay, mga kapatid, sa aking anak- Elijah at asawa G.


Paulo V. Tabafunda, sa kanyang walang kapantay na pagmamahal, pagsuporta
at pag-unawa sa mga naging pagkukulang ng mananaliksik sa panahon ng
kanyang pagsusulat ng tesis na ito;

Higit sa lahat , sa Poong Maykapal , sa kanyang labis-labis na biyaya,


pagmamahal at pagkalinga upang ang mga pagsubok at unos na dumating ay
mapagtagumpayan. Ang walang sawang pasasalamat ay inilaan sa Kanya.

KLT
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

vii
ABSTRAK

Pamagat : PANULAAN SA KASALUKUYAN: SANHI NG


PAGKATHA AT EPEKTO NG SPOKEN WORD
POETRY SA DAMDAMIN KAISIPAN AT
KAASALAN NG MAG-AARAL
May-akda : KRISTIAN LAVIÑA- TABAFUNDA
Degree : Pagkadalubhasa sa Sining ng Edukasyon
Medyor sa Filipino
Paaralan : Laguna College of Business and Arts
Tagapayo : Vivien E. Untalan LPT, PhD

Bilang tugon sa ika-21 siglo at globalisasyon, pinagsumikapan ng


mananaliksik na tayain ang sanhi ng pagkatha at epekto ng spoken word poetry sa
damdamin, kaisipan at kaasalan ng mga mag-aaral na siyang magsisilbing tulay
upang mapataas pa ang antas ng kawilihan at muling mabuhay ang panulaang
Pilipino.

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang 138 na mag-aaral ng Senior


High School na hinati sa dalawang pangkat na may katangiang babae at lalaki, mula
sa Senior High School ng paaralan ng Bigaa sa Lungsod ng Cabuyao, Laguna.
Quantitative research ang ginamit ng mananaliksik bilang dulog sa pag-aaral.
Nakapaloob sa pamamaraang ito ay ang kwantitatibong pamamaraan. Ang
talatanungan sa pagsasarbey ang ginamit na instrumento sa pagkalap ng mga datos
upang mabatid ang sanhi ng pagkatha at epekto ng spoken word poetry sa
damdamin, kaisipan at kaasalan ng mga mag-aaral .

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, magandang hakbang ang pagsusulat,


pakikinig, pagbabasa, at panonood ng mga mag-aaral ng spoken word poetry,
nadedebelop ang kanilang mga kasanayan at kasabay na rin nito ang pagpapakita ng
pagpapahalaga sa panitikang Pilipino. Ito ay isang indikasyon na ang panulaan ng
Pilipinas ay hindi namamatay bagkus ay nagbabagong anyo lamang. Nagkaisa ang
mga tagatugong mga mag-aaral na may epekto sa kanilang damdamin, kaisipan at
kaasalan ang pagkatha ng spoken word poetry,
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

viii

Bilang resulta, nararapat na isama ng mga guro ang Spoken Word Poetry sa
kanilang aralin o kurikulum sa pagsusulat. Ang makabagong panulaang ito ay
kasangkapan sa pagdebelop ng mga makrong kasanayan (pagsusulat, pagbabasa,
pagsasalita, panonood at pakikinig) na makatutulong sa mga mag-aaral na
magkaroon ng tiwala sa sarili at sa pagkatuklas sa kanilang sariling kakanyahan.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

ix

TALAAN NG MGA NILALAMAN

PAHINA

Pamagat i
Dahon ng Pagpapatibay ii
Certificate of Qualitative/Quantitative Data Treatment iii
Certificate of Grammar Editing iv
Pasasalamat v
Abstrak vii
Talaan ng mga Nilalaman ix
Talaan ng Apendises xi
Talaan ng Talahanayan xii
Talaan ng Pigura xiii
KABANATA

1 ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula 1
Balangkas Teoretikal 13
Paradima ng Pag-aaral 16
Paglalahad ng Suliranin 17
Hinuha ng Pag-aaral 18
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 18
Kahalagahan ng Pag-aaral 19
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit 20
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 23

Sintesis 46

3 Metodolohiya ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik 48
Pinagkuhanan ng Datos 49
Populasyon ng Pag-aaral 50
Instrumento at Balidasyon 52
Pagtatasa at Pagbibigay ng Puntos 53
Paraan ng Pangangalap ng Datos 55
Etikal na Konsiderasyon 55
Istatistikal na Tritment ng Datos 56

4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN


NG MGA DATOS 57

5 LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT


REKOMENDASYON
Paglalagom ng mga Natuklasan 104
Konklusyon 106
Rekomendasyon 109
TALASANGGUNIAN 112
APENDISES 117
CURRICULUM VITAE 134
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

xi

TALAAN NG APENDISES

APPENDIKS PAHINA

A Liham ng Pagbabalideyt 117

B
Talatanungan 121

C Liham Pahintulot 126

D
Mga Kalatas 129
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

xii

TALAAN NG TALAHANAYAN

TALAHANAYAN PAHINA
1 Distribusyon ng mga Respondente 51
2 Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word 57
Poetry

3.1 Epekto ng Pagkatha at Pagbigkas ng 60


Spoken Word Poetry sa Damdamin

Epekto ng Pagkatha at Pagbigkas ng


3.2 Spoken Word Poetry sa Kaisipan 63
Epekto ng Pagkatha at Pagbigkas ng
Spoken Word Poetry sa Kaasalan 66
3.3
Makabuluhang Pagkakaugnay ng Sanhi
at Epekto ng Pagkatha sa Damdamin,
Kaisipan at Kaasalan 69
4
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

xiii

PIGURA TALAAN NG PIGURA PAHINA

1 Paradima ng Pag-aaral 16

Kabanata 1
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang panulaan ay isang mahalagang sangay ng panitikan. Sa bahaging ito

nakapaloob ang tula. Sa pamamagitan ng tula ay nagkakaroon ng pagbabagong-

hugis ang buhay dahil taglay nito ang lahat ng bagay na singkahulugan ng

kagandahan at katotohanan. Subalit sa paglipas ng panahon, ang kumbensyunal na

estilo ng pagsulat at pagbigkas sa mga tulang pinamana ng mga ninuno ay unti-

unting nawawala sa linya ng pagtangkilik ng mga Pilipino. Hanggang sa lumabas

ang unang tulang walang sukat at tugma ni Alejandro G. Abadilla na may pamagat

na Ako ang Daigdig noong 1955. Isang bagong estilo ng pagsulat at pagbigkas na

tuluyang napasibol at napaunlad hanggang sa kasalukuyan, ang Spoken Word

Poetry.

Sa panulaan ay tinalikuran ni Abadilla ang kinamulatang kumbensyonal na

tula kaya’t siya ay kinilala bilang Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog.

Pinalaganap niya ang malayang taludturan at mapanghimagsik na diwa ng

impresyonismo. Tunay na isang pagwasak ang ginawa ni Abadilla sa panulaan,

ngunit hindi lahat ng pagwasak ay pagguho. May mga bagay na winawasak upang

mabuo ang isang bagong larawan (Orita, 2015).


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

2
Ang pagbigkas o pasalitang pakikipagtalastasan ay isang sining, maging ang

pagsulat ay isa ring sining. Nilalayon nito na magpahayag ng damdamin na maaring

malungkot o nakakatuwa, kaisipan, opinyon, mensahe o kaalaman, saloobin,

paninindigan o paniniwala hinggil sa isang paksang pinag-uusapan.

Likas sa mga Pilipino ang pagiging makata. Gumagamit sila ng kani-

kanilang estilo upang ibahagi ang kanilang kaalaman sa paraang makasining.

Nakikita ito sa paggamit ng bugtong, kawikaan at kasabihan. At marahil ang

paggamit ng mga ‘jokes’ ay isa pa rin sa pagkakakilanlan ng kakayahang humabi o

gumawa ng isang makasining na pakikipagtalastasan.

Sa pakikipagbahaginan ng kaisipan o ideya, lahat ay nagiging bukas na

tumanggap ng kaalaman ng iba. Sa pakikipagtalastasan ay nagkakaroon ng

pagpapalitan ng mga kuro-kuro. Nalalaman ang mga bagay na dapat bigyan ng

pansin, punahin o baguhin.

Sinabi sa aklat ni Mendoza (2002) na ang pagbigkas o pagpapahayag ay

mahalaga sa dahilang nais na ipaunawa sa nakikinig ang naisin o layunin ng

nagsasalita. Sa tuwing tayo ay nakikipag-usap, nakikisalamuha at nakikipagpalitan

ng kuro-kuro ay inihahayag ang iyong niloloob o nadarama. Ito ay bahagi ng ating

sariling kaisipan o tinatawag na aspetong sosyal. Sa araw-araw patuloy tayong

nakikisalamuha, nakikisama at nakiki-ugnay sa tao sa paligid. Kung tayo naman ay

nagpapahayag ng opinyon, paninindigan o kaya’y reaksyon sa isyu na may

kinalaman sa bansa lipunan o komunidad, ang aspetong tinutukoy dito ay aspetong


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

3
pampulitika. Minsa’y napapalakas pa ang tinig ng nagsasalita sa pagbibigay niya ng

matuwid sa kanyang pinaniniwalaan, ito ay mas mainam na ginagamit sa malayang

talakayan na nagbubunsod sa isang pagkilos o kaya ay pagmulat sa kaisipan ng mga

tagapakinig.

Isa pa ring dapat isama sa pagbigkas na sining ay ang may kinalaman sa

aspetong ispiritwal tulad ng sermon o homiliyang ibinibigay ng pari o pastor.

Tinutukoy din nito ang may kinalaman sa Diyos at pananampalataya, asal at mga

pinapahalagahan, gawi at pananaw ng tao. Mas mahusay ang pagkakahanay ng

kaisipan sa paraang makasining.

Ayon pa rin kay Mendoza (2002), isa sa mga sining ng pakikipagtalastasan

na nagpapakitang gilas sa kasalukuyan ay ang tula. Ang tula ay isang uri ng

panitikan na nagtataglay ng magaganda at matatayog na kaisipan o kaya ay bunga ng

malalim na imahinasyon at naglalarawan din ng maunlad na karanasang hango sa

mga pangyayari at kapaligiran ng isang partikular na tao. Masasabi pa ring ang tula

ay isang masaklaw na sining at sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang

kanyang matatayog na kaisipan, mga alalahanin, mga mithiin at masisidhing

damdamin.

Mahalagang bahagi ang tula ng kulturang Pilipino, sinasabing ito ang

pinagkunan o pinagmulan ng awit, sayaw at dula. Tunay na mayroon tayong sariling

estilo sa pagsulat at pagbigkas ng tula. Ito ay binubuo ng katipunan ng mga salita na

gumagawa ng isang linya upang bumuo ng saknong at bibigkasin ng may tugma sa


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

4
dulo ng pantig kung saan may magkatulad na tunog. Nagpapahayag din ito ng

kaisipan, damdamin, mensahe o kasaysayan ayon sa kanyang uri. Nakakaaliw

pakinggan sa taglay niyang kakaibang dating sa nakikinig.

Binanggit naman sa aklat ni Macaraig (2005) na likas sa isang Pilipino ang

pagtula o pag-awit ay isa lamang taghoy ng kanyang kaluluwa. Sa kahirapan ng

kanyang buhay ay batid niyang nasa kagandahan ng sining ang pagtakas at pag-asa.

Ang maituturing niyang kabaliwang di niya kayang bigyang katuparan sa buhay ay

naabot niya sa piling ng mga tala at buwan, sa saliw ng patak ng bumubuhos na ulan,

sa bagting ng kanyang gitara na sumasaliw sa kanyang pagkanta at sa paghabi niya

ng mabubulaklak na tula na siyang pinakamabisa niyang tagapagpahayag ng mga

tagulaylay ng kanyang kaisipan at damdamin.

Ayon naman sa aklat nina Angeles, et al. Arrogante mula sa aklat ni

Macaraig, ang tula noong pa mang unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay

malinaw at ganap na katuturan ng kanilang pangarap. Hanggang ngayon sila ay

mahalaga sa pagbuo nito sa daigdig ng mga makatang puspos ng imahinasyon,

matayog na damdamin at kaisipan. Marami na ang nagtangkang magbigay ng

kahulugan sa tula ngunit wala pa rin talagang tinitiyak na kahulugan. Ang lahat ay

naaayon lamang sa kung paano nadama, nalikha at napakabuluhanan ang panitik sa

anyong patula. Sa ganang may-akda nito, minamabisa niya ang katuturang ito ay

isang nadaramang kaisipan.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

5
Larawan ng kasaysayan ng bayan, ng pagtulak ng panahon tungo sa pag-

unlad ng daigdig at ng lahat, matatayog man; karaniwan o kababaan ng nararating ng

kaisipan at naisasaloob sa dibdib ng tao tungkol sa kanyang pananalig sa Diyos,

tungkol sa kanyang pagkakilala sa batas, tungkol sa kanyang pakikipagkapwa tao,

tungkol sa kanyang sarili at iba pang may kaugnayan o sumasaklaw sa kanyang

pagkatao, ay tula. Ang ipinahayag ay hindi katuturan. Ito’y isang tangkang

paglalarawan lamang sapagkat mahirap bigyan ng isang tiyak na katuturan lamang,

ang tula. (Arrogante, 2010)

Ayon kay Alejandro, mula kay Villafuerte, Panunuring Pampanitikan 2006,

ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay – ipinararating sa iyong damdamin at

ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam

sa mga may sukat na taludtod. Ang kahulugan ng tula ay likha at ang makata ay

isang manlilikha. Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa

pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw niya ang iyong damdamin.

Ganito ipinakilala nina Sauco, (2006) sa aklat na Panitikan Para sa Kolehiyo

at Pamantasan ang tungkol sa tula mula sa mga sumusunod.

Ayon kay Balmaceda, ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng

kagandahan ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang magkatipun-

tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.

Ayon kay Regalado, ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

6
kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit. Samakatuwid,

marami ang nahuhumaling sa pagkatha at pagbigkas ng tula dahil sa taglay nitong

ganda na pumupukaw sa damdamin ng makata.

Ayon kay Abadilla, ang katuturang ibinigay ni Sitwell ang naibigan niya at

nagsaad ng ganito: ang tula ay kamalayang napasisigasig (heightened consciousness,

ibig sabihin ang tula ay nakapagbibigay buhay sa isang indibidwal.

Maraming kaparaanan upang makapagpahayag ng saloobin, makapagbigay

ng istoryang tatatak sa isipan ng mga tao o maging testimonya mismo ng kanilang

realidad at karanasan sa buhay. Ang paglalabas ng saloobin, kahit pa ito’y sa

entablado ay hindi maaaring pigilin sapagkat nakasaad sa Artikulo III Seksyon 4 ng

1987 Konstitusyon ng Pilipinas, na hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas

sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag o ng pamamahayagan o sa karapatan ng

taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang

ilahad ang kanilang karaingan.

Isa sa kaparaanang ginagamit ng napakaraming tao sa kasalukuyan ay ang

Spoken Word Poetry (SWP). Ang Spoken Word Poetry ay isang uri ng malikhaing

pagsulat o panulaan na naglalayong makapagbigay ng saloobin patungkol sa mga

isyu sa lipunan at pansariling karanasan sa pang-araw-araw na kinakaharap ng isang

tao, negatibo man o positibo, ito ay maaring ipahayag ng mga taong maaaring

sumalamin o mayroong kaugnayan sa istorya ng manunulat.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

7
Ginagamit din ang Spoken Word Poetry upang makapagpahayag ng

damdamin upang humubog ng mga tao sa pagiging makata. Maaaring magamit din

ito upang maging koneksyon ng mga tao sa kabila ng edad, kasarian, lahi at relihiyon

sa emosyonal na lebel. Ang SWP ay hindi lamang limitado sa pagbabasa,

pagsasalaysay at pagsasaulo ng isang tula, ngunit ito rin ay isang paglalahad ng isang

istorya (Quiago, 2017). Madalas itong nasa perspektibo ng isang pangyayari na

tumatatak sa puso’t isipan ng manunulat.

Ang isang mahalagang komponent ng lipunan ay ang mga kabataan na

kalimitan ay mga mag-aaral. Tinatawag sila bilang susunod na henerasyong

magpapatuloy ng mga layuning naitatag na ng mga nauna sa kanila. Ang kabataan

ang madalas na nahuhumaling o nangangailangang maglabas ng saloobin sa

malikhaing pamamaraan sapagkat sila ang madalas na nakakaranas ng mga isyung

mayroong kinalaman sa emosyonal at mental na estado ng isang tao. Kadalasang

nagtatanghal o nagpeperform ang mga kabataan sa entablado ng kani-kanilang

paaralan upang makapagsalaysay sa malikhaing kaparaanan at magpahayag ng

saloobin sa paggamit ng Spoken Word Poetry.

Sa patuloy na pagyakap ng mga mag-aaral sa Spoken Word Poetry ay

maraming Dibisyon sa Pilipinas ang nagpapalabas ng mga kautusang magkaroon ng

paligsahan sa pagsulat at pagbigkas ng SWP.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

8
Naglabas ng Memorandum bilang 458, s. 2018 ang Dibisyon ng Pangasinan

na isa sa kanilang gawain ang Spoken Word Poetry bilang pakikiisa sa 2018 Buwan

ng Pagpapahalaga noong Nobyembre 2018 na may temang “Mahusay at Epektibong

Pakikipagkapwa-tao, Tungo sa Maunlad at Mapayapang Mundo”, ito ay alinsunod sa

Pampanguluhang Proklamasyon bilang 323, s. 2014 kasama ang Kautusang

Pangkagawaran bilang 39, s. 2009.

Para mabigyang suporta naman ng Dibisyon ng Mabalacat ang pagdiriwang

ng World Aids Day 2018, pinaunlakan ng kagawaran ang imbitasyon ng City Health

Office ng Syudad ng Mabalacat na magkaroon ng paligsahan ng SPW ang mga mag-

aaral ng Junior at Senior high school na may temang “Know Your Status” na

pinagtibay ng Kautusang Pandibisyon bilang 417, s. 2018 na lalahukan din ng mga

mag-aaral.

Bilang pagtupad naman sa mga tadhana ng Pampanguluhang Proklamasyon

Bilang 1041 s. 1997 at Kautusang Pangkagawaran bilang 58, s. 2017 tungkol sa

pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, isa sa timpalak sa Lungsod ng Davao

ang pagkakaroon ng kompetisyon sa SPW na lalahukan ng mga mag-aaral sa

sekundarya, nakapaloob ang lahat ng nilalaman ng kompetisyon sa inilabas na

Pansangay na Memorandum blg. 00000924, s.2017.

Ang Panlalawigang Direktor na si Bb. Noly D. Guevarra ng Kagawaran ng

Industriya at Pakikipagkalakalan ng Lungsod ng Cavite ay nagbigay ng imbitasyon


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

9
sa Kagawaran ng Edukasyon ng lungsod ng Cavite na makiisa sa 2018 World

Standards Day sa pamamagitan ng kompetisyon ng mga mag-aaral sa sekundarya sa

SWP bilang pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran bilang 28, s. 2011.

Kaugnay sa Pagdiriwang ng Buwan ng Sining na nakatala sa Kalatas Bilang

035 serye 2019, ang tanggapan ng Dibisyon ng Cabuyao sa pamamagitan ng

Curriculum Implementation Division ay nagsagawa ng paligsahan sa SWP noon

lamang nakaraang Enero 2019 na nilahukan ng mga mag-aaral sa SHS ng bawat

paaralan sa nasabing Dibisyon.

Katibayan ang mga ito sa patuloy na paglawak ng makabagong panulaan sa

Pilipinas at ang unang kabalikat nito ay ang mga paaralan sakop ang guro at mga

mag-aaral. Ang mga kasanayang nahuhulma ng mga guro sa kanilang mag-aaral sa

paaralan ay nakatutulong upang malinang ang pakikinig, pagbabasa, pagsasalita,

pagsusulat at panonood upang mabuo ang isang katauhang mayroong interes sa

pagkatha ng mga maiindayog na salita at makapaghanay ng mga pangungusap na

may aliw-iw na maaaring itanghal sa harap ng madla. Malaki ang ambag ng

pakikinig at panonood upang makita ng mag-aaral kung ang kanilang naririnig ay

kayakap ng kanilang nakikita, kung ang mga kumpas ay tama sa sinasabi. Ang

pagbabasa ay nagbibigay sa tao ng pagkakataon na linangin ang mga kaalamang nais

niyang malaman, magkaroon ng kakayahan niyang tumalastas ng isang bagay o


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

10
pangyayari. Nagbibigay ideya upang higit na yumabong ang imahinasyon sa 00

pamamagitan ng mga impormasyong nakukuha sa mga nabasang akda.

Katangian ng isang makata ang kanyang husay sa pagsasalita sa harap ng

madla. Ito ang nagsisilbing koneksyon ng tagapagsalita at tagapakinig. Naihahatid

nito ang impormasyon at damdamin na gustong ipaabot sa mga manonood. Sa

pamamagitan ng pagsulat ay nagiging malinis ang daloy ng salita bago ang

pagtatanghal. Ang pagiging malikhain sa pagsulat ang siyang nagbibigay ng

pagkakataon sa manunulat upang maging isang mahusay at magandang piyesa ang

kanyang komposisyong tula at maging kawili-wiling pakinggan.

Hindi natatapos ang paglalakbay sapagkat habang patuloy na yumayabong

ang Spoken Word Poetry sa Pilipinas ay lalo pang pinagyayaman nito ang halaga ng

wikang Filipino. Yakap naman ang adbokasiya ng Komisyon ng wikang Filipino sa

batas Republika blg. 7104 noong Agosto 14, 1991 ang pagpapaunlad,

pagpapalaganap at preserbasyon ng wika, unti-unti na ring dumami ang nahikayat na

itaguyod ang pagsulat ng tula.

Tinuturuan ang mga mag-aaral kung paano ang tama at iba’t ibang paraan ng

pagsulat tulad ng naratibo, expositori, mapanlikha, mapanghimok at deskriptibo.

Ang Spoken Word Poetry ay nasa ilalim ng malikhaing pagsulat na gumagamit ng

malalayang baryabol mula sa kaisipan ng makata (Michalko,2012).


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

11
Natutunan ng mga mag-aaral ang pitong sangkap sa pagsulat (boses, ideya,

pagsasaayos, pagpili ng salita, kahusayan sa pagsasalita at pagtatanghal) na

magagamit nila sa kanilang pagtayo sa entablado. Mahalaga ang pagtuturo ng SWP

sa mga estudyante sapagkat hinahasa nito ang malalim na pag-iisip at ang

kakayahang maipahayag ng malaya ang kanilang mga saloobin.

Kalimitang panukatan sa paghatol sa paligsahan sa SWP ang nilalaman o ang

kabuluhang hatid ng tula at bigat ng diwang nakapaloob, ang pisikal na kaanyuan o

ang tindig ng makata, ang boses-lakas at hina, bilis at bagal, intonasyon at tamang

pagbigkas at ang dramatikong kaanggkupan o ang paraan ng pagbibigay-kahulugan

sa tula at istilong ginamit. Sa mga nabanggit na panukatan makikita ang pagiging

malikhain ng manunula.

Matagal ng ginagamit ang Spoken Word Poetry hindi lamang sa Pilipinas

kundi sa buong mundo at ngayon nga ay bumabalik na naman ito dahil na rin sa mga

taong nakapag-uugnay ng kanilang sarili sa paksa ng makatang nagsasalita sa

entablado. Ilang daang taon na ang lumipas simula ng muling masilayan ng mundo

ang entabladong minsan nang puminta sa tatas at angking ganda ng wikang Filipino.

Sa pagkakasilang ng panibagong yugto nito ay masisimulan din ang muling

pagyakap ng Filipino sa wikang nakagisnan.

Ayon kay Torres (2017), ang tula ay isang sanggol nang sumilang at balot ng

dugo dahilan sa paghihirap ng ina at nang lumaki’y makatao’t makalipunan ang


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

12
paningin sa buhay, mangyari pa sa kanyang pakikitungo sa kapwa at sa tanan. Sa

katagang sabi, ang tula ay makalipunan.

Mula sa labing-anim na titik, tatlong salita, isang kahulugan, sa mga letrang

binalangkas ng berso at tugma at mga kwentong patula na sinubaybayan ng madla,

sumibol ang isang sining na tuluyang bumihag sa nakararami; ang Spoken Word

Poetry.

Ang tula ay isa sa mga isa sa mayamang panitikan sa Pilipinas. Ang salitang

"Panitikan" ay galing sa salitang "titik" o "letra", samakatwid, upang maging bahagi

ng panitikan sa tunay na kahulugan ng salita, kailangan ito ay nakasulat. Ang

alinmang bansa o bayang matatawag ay may sariling panitikan. Sa pamamagitan ng

panitikan, ang kasaysayan at pinagdaanan ng isang bansa'y nababatid. Subalit

maraming naniniwala na ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang

bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na

ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at makasining na paraan,

nakasulat man o hindi.

Nakagawian nang suriin ang pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas sa

pamamagitan ng pagtatapat ng mga anyong pampanitikan sa konteksto ng

kasaysayan ng bansa. Matatagpuan sa iba’t ibang antalohiya o kalipunan ng mga

akda ang pagsisikap na ipakita ang tahasang ugnayan ng manunulat, ng kanyang

mga akda at ng mga pangyayari sa kultura at kasaysayan. Isang pangkalahatang

kaisipan na pinag-iinugan ng ganitong mga aklat ang tuwirang ugnayan ng


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

13
kasaysayan at panitikan. Sa madaling salita, pinalalabas na ang panitikan ay bunga

ng mga partikular na mga dahilan na nag-uugat sa kasaysayan. Sa ganitong pananaw,

isang salamin o repleksyon ang panitikan ng mga karanasan.

Malimit na banggitin ng mga manunulat na ang panitikan ay siyang "salamin

ng isang lahi". Basahin ang panitikan ng isang bansa at malalaman ang kalagayan ng

bansang iyon. Upang maging ganap ang pagkadalisay at pagkamakatotohanan ng

alinmang panitikan, ito ay lalong maiging masulat sa wika ng bansang kinauukulan.

Hindi matatawaran ang nagagawa ng katutubong wika sa paglalahad ng mga

dinanas, dinaranas at daranasin ng mga tao ng isang lahi.

Bilang pagsasaalang-alang sa mga nasabing sitwasyon, ang mananaliksik ay

naniniwala na mahalagang gumawa ng isang pag-aaral tungkol dito upang

mapanatili at mapalago ang muling pagkabuhay ng modernong panulaang Pilipino sa

Pilipinas.

Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa Teoryang Pampanitikan (Literary Theory)

na inilahad ni Wellek at Warren (2000) na nangangahulugang kailangang

maunawaan ang binasang teksto sa pamamagitan ng interpretasyon.

Sa pag-aaral na ito, ang teoryang pampanitikan (Literary Theory) ay

nagpapabatid na ang pakikinig at panonood ng Spoken Word Poetry o panulaan ay


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

14
kailangan ng malalim na interpretasyon at malawak na pag-unawa upang

maintindihan ng matindi ang ikinatha ng manunulat.

Isa pa sa pinanghahawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang Laws of

Learning ni Edward Lee Thorndike na kinapapalooban ng tatlong pamamaraang

tinatawag na pagsasanay (Law of Exercise), kahandaan (Law of Readiness) at

kinalabasan (Law of Effect).

Sa paglalahad ng pagsasanay (Law of Exercise), kinakailangang sanayin ang

mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakinig ng mga naitanghal ng mahuhusay

na Spoken Word Poetry upang magkaroon sila ng ideya kung paano makabubuo ng

isang pyesang hahango sa interes ng mga manonood/tagapakinig.

Sa kahandaan (Law of Readiness) naman ay isinasaalang-alang ang

kahandaan ng kaisipan ng bawat mag-aaral na maunawaan kung paano o ano ang

dapat paghandaan sa paglalahad ng kanilang Spoken Word Poetry upang magkaroon

ng dating sa mga tagapakinig upang ito’y kanilang tangkilikin.

Ang kinalabasan (Law of Effect) ay naglalaman ng maaaring maging bunga

ng muling pag-usbong ng panulaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtayo sa

entablado habang nagtatanghal ng inihandang Spoken Word Poetry. Maaari itong

maging daan sa pagyabong ng panitikan bitbit ang kultura kasabay ang paglawak ng

bokabularyo ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

15
Ibinatay rin ang pag-aaral na ito sa Panunuring Pampanitikan na akda nina

San Juan, Mag-atas, Carpio at Cabaysa (2005). Ayon sa kanila, ang bawat taong

nabubuhay sa mundo ay may kanya-kanyang pinaniniwalaan. Iba’t iba ang

prinsipyo, paniniwala at teoryang sinasandigan dahil sa mga kinamulatang lahi at

kapaligiran. Ang bawat manunulat ay apektado ng kanyang pinagmulan, kultura at

lipunan.Dahil dito, hindi nakapagtatakang may makikitang magkakaibang damdamin

sa mga katha ng bawat makatang manunulat. Ang panitikan ay buhay- buhay ng

isang lahi, buhay ng isang kultura, buhay ng isang bansa, buhay ng isang tao na

naglalarawan ng kanilang mga ugali, gawi at paraan ng kanilang pagkatao sa sarili

nilang panahon. Kung ano ang saloobin, naiisip at nadarama at nagaganap sa

kanyang kapanahunan ay naipapahayag ng mga makatang manunulat ng

makabagong panulaan. Sa pag-aaral na ito ay mabibigyang pansin din ang mga

kabisaang Pampanitikan bilang batayan at pamantayan ng epekto ng Spoken Word

Poetry sa mga mag-aaral. Kung saan ang bisang pangkaasalan ay tungkol sa

pagbabago ng isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa

napakinggan. Ang SWP ay hindi lamang nilikha upang magbigay aliw sa mga

tagapanood, nilikha rin ito upang magbigay-aral at humubog ng katauhan. Ang

bisang pandamdamin at tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa

iyong damdamin matapos marinig ang pagtatanghal. Sinasabing ito ang

pinakamahalagang bias ng isang panitikan pagkat ginigising nito ang damdamin ng

mambabasa kung malinaw at maganda ang pagkakatawid ng emosyon at


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

16
impormasyon ng makata. Ang bisang pangkaisipan naman ay may kaugnayan sa

pagbabago ng pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa tula. May katangian itong

taglay na nagbubunsod sa manonood upang yumaman ang kanyang persepsyon

tungkol sa paksa.

Paradima ng Pag-aaral

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Sanhi ng pagkatha ng
Spoken Word Poetry  Epekto sa Damdamin,
ayon sa pagtataya sa mga Kaisipan at Kaasalan
mag-aaral ng Senior High
School ng Bigaa Integrated  Pagkatha ng Spoken
National High School Word Poetry

Figyur 1: Paradima ng Pag-aaral

Maraming kadahilanan kung bakit isinasagawa o ikinakatha ang Spoken

Word Poetry at base sa isinagawang pananaliksik, ang pagkatha ng Spoken Word

Poetry at epekto sa damdamin, kaisipan at kaasalan ng tatlonng baryabol o

kadahilanan. Isa sa mga rason ay sapagkat ang panulaan ay ginagamit upang

makapagpahayag ng damdamin patungkol sa mga personal at panlipunang suliranin

o isyu upang mabigyang mulat ang mga mata at mabigyang impormasyon ang mga

tao sa pangyayari sa iyong paligid at bansa. Ang impluwensiya na naibabahagi ng

Spoken Word Poetry ay hindi nauubos o nawawala na nagreresulta sa pagkatha ng

tula at pagkakaroon ng epekto nito sa mga tao o madla.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

17
Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng tesis na ito na malaman ang sanhi ng pagkatha at epekto ng

Spoken Word Poetry sa damdamin, kaisipan at kaasalan ng mag-aaral sa Bigaa

Integrated National High School sa Dibisyon ng Cabuyao. Sinikap matugunan ng

mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga sanhi sa pagkatha ng Spoken Word Poetry batay sa pagtatayang

isinagawa sa mga mag-aaral sa SHS?

2. Ano-ano ang mga nagiging epekto ng pagkatha at pagbigkas ng Spoken Word

Poetry sa pagtatayang isinagawa ng mga mag-aaral sa SHS batay sa mga

sumusunod?

2.1 Sa Damdamin

2.2 Sa Kaisipan

2.3 Sa Kaasalan

3. Mayroon bang makabuluhang pagkaka-ugnay ang sanhi ng pagkatha at epekto ng

Spoken Word Poetry sa damdamin, kaisipan at kaasalan ng mga mag-aaral?

4. Batay sa naging resulta ng pagtataya, ano ang maimumungkahing gabay sa

pagtuturo upang magkaroon ng integrasyon ang pagkatha ng Spoken Word Poetry sa

lahat ng antas para sa ikauunlad ng panulaang Pilipino?


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

18
Hinuha ng Pag-aaral

1. May makabuluhang kaugnayan ang sanhi at epekto ng pagkatha ng Spoken Word

Poetry sa damdamin, kaisipan at kaasalan ng mga respondenteng mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa

pagkatha ng Spoken Word Poetry at epekto nito sa mga mag-aaral ng Senior High

School ng Bigaa Integrated National High School (BINHS) sa Cabuyao, Laguna.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pag-uugnay ng mga epekto ng Spoken Word Poetry

sa kanilang damdamin, kaisipan at kaasalan.

Ang mga naging bahagi ng pananaliksik na ito ay mga mag-aaral ng SHS sa

BINHS. Tatlumpu’t dalawang (32) respondente mula sa pangkat ng Courage baitang

labing-isa, tatlumpu’t walong (38) respondente mula sa pangkat ng Patience ng

baitang labing-isa, dalawampu’t walong (28) respondente mula sa pangkat ng

Modesty baitang labing-isa, dalawampu’t isang (21) respondente mula sa pangkat ng

Temperance baitang labingdalawa at labingpitong (17) respondente mula sa pangkat

ng Justice ng baitang labingdalawa na may kabuuang isangdaan tatlumpu’t walong

mag-aaral (138) Taong Panunuran 2019-2020. Sa pangkalahatan, ang pananaliksik

na ito ay naglalayong mabatid ang mga sanhi kung bakit muling kinawilihan at
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

19
tinangkilik ng Pilipino lalo na ng mga kabataang nag-aaral sa sekondarya ang

pagkatha, pagbasa at pakikinig ng Spoken Word Poetry.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ng isinagawa ng mananaliksik ay magiging kapaki-pakinabang

sa mga sumusunod:

Sa mga Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino. Upang maipakita ang

impluwensya ng makabagong panulaan sa mga mag-aaral at masimulang papasukin

ang bagong estilo ng pagsulat at pagbigkas ng tula para sa ikauunlad ng literaturang

Pilipino.

Sa mga Mag-aaral. Upang mabigyang ideya sila sa kung ano ang nagiging

epekto maging ng kahalagahan ng paggawa o pagsulat ng sariling tula, gayun din

ang pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagsulat, pagbasa, pakikinig at

panonood at ito’y maging gabay upang mapag-ibayo ang kakayahan sa tulong na rin

ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino.

Sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro, lalong

lalo na sa mga guro ng mga literatura upang malaman ang positibong epekto ng

pagkatha at pagkikinig sa Spoken Word Poetry ng mga mag-aaral. Hindi lang naman

sa asignaturang Pilipino maaring kumatha kung hindi sa lahat ng asignatura.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

20
Sa mga Makata. Upang magkaroon ng motibasyon ang mga makatang

nagtatanghal sa entablado na lalong pagtuunan ng pansin ang kanilang pagiging

inspirasyon sa madla.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Upang makapagbigay daan ang

pananaliksik na ito sa marami pang kaparaanan upang mapalawak ang paksang

tinatalakay. Maari rin itong pagkuhanan ng mga detalye upang makatulong sa mga

susunod na mga mananaliksik.

Sa kabuuan, makatutulong ang pananaliksik na ito sa bawat isa kung paanong

nakatutulong ang paglikha ng tula sa maraming kaparaanan tulad ng paglabas ng

saloobin, pagpapatalas ng isip, pagpapatatag ng kalooban at iba pa.

Katuturan ng mga Katagang Ginamit

Upang higit na maging malinaw ang pananaliksik na ito at para sa mas

madaling pagkaunawa ng mga mag-aaral, ang mga sumusunod na terminolohiya ay

binibigyang katuturan ayon sa paggamit sa pananaliksik na ito. Ang mga sumusunod

na terminolohiyang ginamit ay marapat lamang bigyang pansin at kahulugan upang

maunawaan ng higit pa ang isinagawang pag-aaral.

Bisang Kaasalan. Ito ay tungkol sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa

napanood at napakinggang pagtatanghal. Ang tula ay hindi lamang nilikha upang


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

21
magbigay ng dunong sa tagapakinig kuung hindi upang makapagbigay rin ng aral at

humubog sa katauhan.

Bisang Pandamdamin. Ito ay tumutukoy sa nagiging epekto o pagbabagong

naganap sa damdamin matapos mapakinggang ang tula. Sinasabing ang bisang ito

ang siyang pinakamahalagang katangian ng isang panitikan sapagkat gumigising ito

ng damdamin at gumuguni ng pusong manonood.

Bisang Pangkaisipan. Ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng pagbabago ng

iyong pananaw sa kaisipang nakapaloob sa paksa ng itinanghal ng makata.

Kariktan. Nangangahulugan ito na ang tula ay nagtataglay ng marikit na salita

upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa.

Entablado. Tumutukoy sa lugar na pinagtatanghalan ng mga manunulat o makata

upang maisalita ang kanilang mga ikinathang panulaan at maipahayag ang kanilang

saloobin at damdamin.

Makata. Ang tawag sa taong nagkakatha ng iba’t ibang klase ng panulaan sa

malikhaing paraan.

Makrong Kasanayan. Ito ay ang pagbasa, pagsulat, pakikinig at panonood na

nadedebelop kapag kumakatha ng Spoken Word Poetry.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

22
Panitikan. Mula sa salitang titik, samakatuwid, ito ay dapat nakasulat at ang

panulaan ay laging pasulat na sinasalita matapos mabuo ang diwa. Ang spoken word

poetry ay isang uri ng makabagong panitikan.

Panulaan. Tinatawag din itong tula na ginagawa o isinusulat ng isang tao. Ito ay

mayroong iba’t ibang uri at estilo.

Spoken Word Poetry. Ito ay isang uri ng malikhaing pagsulat o panulaan na

naglalayong makapagbigay ng saloobin patungkol sa mga isyu sa lipunan at

pansariling karanasan sa pang-araw-araw na kinakaharap ng isang tao.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

Kabanata 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Sinakop ng bahaging ito ang mga kaugnay na babasahin, akda na nailimbag

sa papel at sa elektronikong pamamaraan upang makatulong sa ginawang

pananaliksik o pag-aaral. Dagdag pa dito ay upang magkaroon ng wastong batayan

ang pag-aaral na isinagawa na binubuo ng : 1) Ebolusyon ng Panulaang Pilipino; 2)

Spoken Word Poetry; 3) Makrong Kasanayan- pakikinig, panonood, pagbabasa,

pagsusulat at pagsasalita.

Ebolusyon ng Panulaang Pilipino

Mula sa aklat ni Macaraig (2005), nakasulat ang maikling ebolusyong ng

panulaang Pilipino. Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at

kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y

nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga

literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw

pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga

sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.

Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga

tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang

talino at kaalaman tungkol sa bayan.___________________________


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

24
Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay

nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa mga ninuno. Ang salawikain ay

nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na

gawain.________________________________________

Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na

pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may

estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong.

Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng

mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang

karanasan noong sila'y bata pa.

Ang Bulong. Ang mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito

gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang mga ninuno ay

humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa

mga masasamang pangyayari.____________________

Halimbawa:

Tabi, tabi po, Ingkong


Makikiraan po lamang.
Bari-bari Apo
Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may

pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa

damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

25
mga halimbawa ng iba’t ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa

pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang

ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng

sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa

pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba.

Halimbawa:

Talindaw
Sagwan, tayoy sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tanghaliin,
Pagsagwa'y pagbutihin.

Oyayi o Hele
Matulog ka na, bunso,
Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo,
May putik, may balaho.

Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay

tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan.

Ang Panahon ng mga Kastila

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura

bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga

Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan

lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa bansa karamihan nila'y
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

26
mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach

kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kaya't madali nilang naikalat

ang Kristianismo at ang kulturang espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan ay

nagpakitang tao sa pamamagitan ng pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa

mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika at panitikan. Nang mapailalim

tayo sa kanilang mga kamay ang mga puso't isipan ay sumunod din. Dahil dito ang

mga katutubong Pilipino o ang mga Indio ay madali na nilang nabago ang anyo ng

mga katutubong tula.

Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon,

pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga katangiang

abundant na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay

ang mga Tugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido._____________

Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang

ito ay magkakatugma. Ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit

ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat

na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong

HesuCristo.

Halimbawa:
Quintilla
Umulan man sa bundoc
houag sa dacong laot,
aba si casampaloc
.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

27
Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinakapopular na anyo ng tula

noong panahon ng mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng

Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula

noong siya’y ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling

pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod:

O Diyos sa kalangitan
Hari ng Sangkalupaan
Mabait, lubhang maalam
At puno ng karunungan.
Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit ito'y

nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng

kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay

tinatawag na flores de Mayo.__________________________________

Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa

pangromansa. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng

isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit nama'y

salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang

sangkap na kababalaghan.______________________________

Sa kapanahunang ito ay wala ng hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas"

Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nagpakilala laban sa mga

koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at

Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

28
ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil

nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila.

Ang panulaang Pilipino noong Panahon ng mga Amerikano ay ang

makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang

mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at manunulat

tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at

pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus.

Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na

gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing

kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga

gawain ay makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit

at ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang

Pilipino, p. 36). Ang mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang

Pamana.__________________

Noong Panahong Patungo sa Pambansang Krisis, krisis sa pulitika ang

pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng pagkakaloob sa mga Amerikano at

ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana sa mga

Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga

kabataang mag-aaral. Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at

kapangyarihan tungkol sa kanilang pamamalakad ng gobyerno.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

29
Sumibol naman si Alejandro G. Abadilla na kinilalang ama ng modernistang

pagtula sa Tagalog. Sa kanyang mga tula, hinamon at sinalungat ni Abadilla ang

kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula at ang labis na romantisismo sa

Panitikang Tagalog. Itinuring ang kanyang tulang “Ako ang Daigdig” noong 1955 na

hudyat ng modernong pagtula na naging malaking kontrobersya dahil sa paggamit

ng malayang taludturan sa kauna-unahang pagkakataon na salungat sa nakagawiang

pagtula ng mga Pilipino.

Ako ang Daigdig


Alejandro G. Abadilla
I II III IV
ako ako ako ako
ang daigdig ang daigdig ng ang damdaming ang
ako tula malaya daigdig
ang tula ako ako sa tula
ako ang tula ng ang larawang ako
ang daigdig daigdig buhay ang
ang tula ako ako daigdig
ako ang malayang ang ng tula
ang daigdig ako buhay ako
ng tula matapat sa na walang ang daigdig
ang tula sarili hanggan ako
ng daigdig sa aking ako ang tula
ako daigdig ang daigdig
ang walang ng tula damdamin tula
maliw na ako ako ang ako
ang walang ang tula larawan
kamatayang sa daigdig ang buhay
ako ako damdamin
ang tula ng ang daigdig larawan
daigdig ng tula buhay tula
ako ako
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

30
Lumikha ng sariling daigdig sa panulaan ni Abadilla. Nagawa niyang suubin

ang kamanyang na ibinandila nina Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos, Inigo Ed.

Regalado at iba pang maituturing na haligi ng kumbensyonal na uri ng tulang

Tagalog. Naging tampulan siya ng panunuligsa, bagay na nagbigay sa kanya ng lakas

ng loob upang lalo niyang paikutin sa kanyang mga palad ang kanyang nilikhang

daigdig at bigyang puwang ang presentismo.

Ito ang pahayag ni Abadilla tungkol sa pagtalikod niya sa kumbensyonal na uri

ng tula: Sumasang-ayon man ang kapaniwalaang ang sukat tugma ay sangkap ng tula,

hindi naman lahat ng akdang may sukat at tugma ay tula nang matatawag. Kadalasan,

at siya namang sumasang-ayon, ang mga ito ay berso o tugma lamang sa may

maseselang panlasa. Sa panulaang Tagalog, nakahihinayang tanggapin, ang sukat at

tugma ay siya nang lahat, at tanging dahilan kung bakit sa kapamuhayan nito

hanggang ngayon at kapaitan parin ang katotohanan g iyan ang siyang nanaig.

Mula kay Orito (2017) na ayon pa rin kay Abadilla: Apat na sangkap ang

masusumpungan sa isang tula, sa pagkakahiwatig ni Connel, at ang mga ito'y (1) ang

tungkol sa damdamin (2) ang tungkol sa guniguni (3) ang tungkol sa guniguni't

kaisipan at (4) ang tungkol sa pananalita. Kaya nga't ang katuturang ibinibigay sa tula

ay ganito.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

31
Paglalarawan sa tulong ng guniguni, at sa pamamagitan ng wika, ng mga

tunog na saligan para sa mararangal na damdamin.

Samakatwid, may sariling daigdig ang tula na nakikita sa pamamagitan ng

kanyang mga pahiwatig guni-guni, damdamin, alingawngaw at taginting na ang

kasiyahang dulot nito ay nadarama lamang ng mga taong nagkakapalad na

makalasap niyon. Kung papaanong pumaimbulog ang tula sa daigdig upang

pagkatapos ay takasan lamang para makapagtayo ng isang pundasyong titingalain ng

sangkatauhan at tanging ang katotohanan at kagandahan lamang sa tula ang

makatutugon.

Spoken Word Poetry

Ilan daang taon na ang lumipas simula nang muling masilayan ng mundo ang

entabladong minsan nang puminta sa tatas at angking ganda ng wikang Filipino. Sa

pagkakasilang ng panibagong yugto nito.

Isang uri ng masining na pagsasalitang itinatanghal sa entablado ang spoken

word poetry o performance poetry na tumatalakay sa iba’t-ibang usapin sa lipunan.

Ito ay pagpapahayag at pagkukuwento nang patula na may halong pag-arte at minsan

pagkanta upang bumuo ng mas malalim at personal na mundo mula sa pahina na

tatagos patungo sa puso ng mga nakikinig.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

32
Tunay ngang maituturing na aral ang pagkakadating ng Spoken Word Poetry

sa Pilipinas, sapagkat para sa ilan ay ito ang nagmulat sa kanila na dapat mahalin ang

sariling wika at sa kabilang banda ay ito din ang nagsilbing tulay na muling yakapin

ang sariling kultura (Abario, 2016).

Bitbit ang sinag ng umusbong na sining, unang nasilayan ang Spoken Word

Poetry sa makasaysayang bansa ng Greece sa pamamagitan ng kanilang mga likhang

lirikong itinatanghal sa harap ng maraming tao. Ngunit sa paglipas ng ilang daang

taon, muling sumibol ang spoken word poetry mula sa isang kilusang tinatawag na

The Beats noong 1950’s. Baon ang adhikaing ibalik ang tula sa mundo, nakilala ang

mga pangalang Allen Ginsburg, Jack Kerouac, William Burroughs at marami pang

iba.

Lumitaw naman ang panibagong kilusang karapatang pantao ng mga

African-American noong 1960’s ang The Last Poets. Produkto ng isang layuning

kumawala sa matinding paghihigpit ng paggamit ng kinagisnang wika, bumuo sila

ng nakatagong lagusan upang talakayin ang diskursong sosyo-politikal; ugat at

dahilan ng pagkakatatag ng tinatawag na underground poetry.

Pinaliwanag ni Santos sa kanyang panayam noong 2017, tagapagtaguyod ng

SWP at nagtatag ng titik Poetry sa Cavite na sa pamamagitan ng tunog at indirect na

pagpapahayag ng damdamin, sinalita nila ito ng patula; ang mga orihinal na paksang
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

33
tinatalakay kung bakit ito nagsimula patungkol sa lipunan (Through sound and

indirect expression of emotions, they stated it poetically; the original topics

discussed why it started about the society).

Mula pa rin kay Ferelli (2018), sa isang lirikong pinaganda ng tugma at

entablado, tunay ngang malayo na ang narating ng sining na ito. Sa pagbubukas ng

mga bagong pinto ng oportunidad, isang matingkad na kinabukasan ang naghihintay

tungo sa adhikain ng bawat bansa na ipalaganap ang sining at pagmamahal sa

sariling wika.

Mula sa isang hindi malilimutang tagpo ng nakaraan ay sumibol ang isang

sining na kinikilala sa makabagong panahon. Sa likod ng pangalang sumisikat sa

buong mundo, nananahan ang isang kasaysayang bakas ng ilang taong paghihirap at

pakikipaglaban ng adhikain. Baon ang mga kamay na handang yakapin ang buong

mundo, hindi magtatagal at makikita na din ng lahat ang ganda at kabuluhan ng

spoken word poetry sa pamamagitan ng mga sumusunod na memorandum mula sa

iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Naglabas ng Memorandum bilang 458, s. 2018 ang Dibisyon ng Pangasinan

na isa sa kanilang gawain ang Spoken Word Poetry bilang pakikiisa sa 2018 Buwan

ng Pagpapahalaga noong Nobyembre 2018 na may temang “Mahusay at Epektibong

Pakikipagkapwa-tao, Tungo sa Maunlad at Mapayapang Mundo”, ito ay alinsunod sa


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

34
Pampanguluhang Proklamasyon bilang 323, s. 2014 kasama ang Kautusang

Pangkagawaran bilang 39, s. 2009.

Para mabigyang suporta naman ng Dibisyon ng Mabalacat ang pagdiriwang

ng World Aids Day 2018, pinaunlakan ng kagawaran ang imbitasyon ng City Health

Office ng Syudad ng Mabalacat na magkaroon ng paligsahan ng SPW ang mga mag-

aaral ng Junior at Senior high school na may temang “Know Your Status” na

pinagtibay ng Kautusang Pandibisyon bilang 417, s. 2018 na lalahukan din ng mga

mag-aaral.

Bilang pagtupad naman sa mga tadhana ng Pampanguluhang Proklamasyon

Bilang 1041 s. 1997 at Kautusang Pangkagawaran bilang 58, s. 2017 tungkol sa

pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, isa sa timpalak sa Lungsod ng Davao

ang pagkakaroon ng kompetisyon sa SPW na lalahukan ng mga mag-aaral sa

sekundarya, nakapaloob ang lahat ng nilalaman ng kompetisyon sa inilabas na

Pansangay na Memorandum blg. 00000924, s.2017.

Ang Panlalawigang Direktor na si Bb. Noly D. Guevarra ng Kagawaran ng

Industriya at Pakikipagkalakalan ng Lungsod ng Cavite ay nagbigay ng imbitasyon

sa Kagawaran ng Edukasyon ng lungsod ng Cavite na makiisa sa 2018 World

Standards Day sa pamamagitan ng kompetisyon ng mga mag-aaral sa sekundarya sa

SWP bilang pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran bilang 28, s. 2011.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

35
Kaugnay sa Pagdiriwang ng Buwan ng Sining na nakatala sa Kalatas Bilang

035 serye 2019, ang tanggapan ng Dibisyon ng Cabuyao sa pamamagitan ng

Curriculum Implementation Division ay nagsagawa ng paligsahan sa SWP noon

lamang nakaraang Enero 2019 na nilahukan ng mga mag-aaral sa SHS ng bawat

paaralan sa nasabing Dibisyon.

Bitbit ang mga piyesang nakakaantig ng puso at mga kuwento ng pag-ibig na

sinubaybayan ng bansa, tunay ngang sa pasyon ng isang makatang katulad ni Severo,

ay nagawa nilang maikonekta ang mga Pilipino sa angking ganda ng sining na ito.

Sa bawat patimpalak ng SWP ay laging kasagpi ang Kagawaran ng

Edukasyon sapagkat nasa kanila ang mga makata sa bagong henerasyon, ang mga

mag-aaral. Inaasahan ang mga guro ay may sapat ding kaalaman at abilidad upang

maibahagi ang kanilang kaalama sa ikabubuti ng mag-aaral. Ipinahayag naman ni

Belvez (2013) na bilang tagapagtaguyod ng wikang Filipino, sila ay maituturing na

manggagawa at alagad ng panitikan. Kaugnay nito, kinakailangan din na ang guro ay

mahikayat ang kanilang mga mag-aaral na mahalin ang panitikang Filipino. Katulad

na rin sa pagbabasa, hindi sapat na kilalanin at mabigkas ng mag-aaral ang mga

salita, kinaailangang maunawaan niya ang katuturan nito. Dito pumapasok ang

pagiging malikhain ng isang makata sa pag-iisip ng mga salita na maaring

makapaglapit sa kanila ng kanyang mga tagapakinig.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

36
Ayon kay Cruz (2013), ang motibasyon sa lahat ng pagkatuto ay nagsisimula

sa utak. Ang mga guro ay kailangang gumamit ng proseso sa klasrum na

makatutulong upang malinang sa mga mag-aaral ang tiwala sa sarili, positibong

kapaligiran at sapat na hamon upang sila ay magkaroon ng motibasyong kumatha.

Mula naman kay Cuadra at mga kasama sa aklat nina Felder (2011), ang

bawat mag-aaral ay may kaniya-kaniyang talino. Hindi lahat ay mapapatunayan ng

mga resultang pang-akademika. Marami rin sa mga kabataan ngayon ang tamad at

walang interes sa pag-aaral, lalung-lalo na sa oras ng diskusyon. Subalit sa kabila

nito ang bawat tao ay masasabing may kanya kanyang aspeto kung saan sila

magaling. Kinakailangan lamang na palaguhin ito ng maayos.

Ayon naman kay Sauco (2006), ang isa sa mga dahilan kung bakit dapat pag-

aralan ang panitikan ay upang matuklasan ang kahusayan sa pagsulat at

malinang ang kanilang kagalingan. Sinabi rin nito na bilang Pilipinong mapagmahal

sa sariling kultura at may damdaming makabansa ay dapat pag-aralang mabuti ang

panitikan kaya dapat itong mamalagi sa puso at diwa ng isang tunay na Pilipino.

Tila isang malaking buhos ng ulan naman ang dami ng mga makatang

umusbong sa iba’t-ibang panig ng bansa. Ang mga miyembro ng Words Anonymous

na sina Abby Orbeta, Angel Cruz, Trevor William Viloria, Zuee Herrera at ang mga

makatang sina Brian Vee at Maimai Cantillano ay umani ng malaking atensyon sa


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

37
mundo ng social media. Sa paglipas ng buwan at taon, ay lalo pang yumayabong ang

kampanya para sa muling pagtangkilik sa wikang kinamulatan.

Pinatunayan ni Dogra (2011),na mainam na maikintal sa murang isipan ang

masusing pag-iisip upang lalo pang mahubog ang kanilang galing at talino.

Mula sa pagdagundong ng pangalan ng isang makata ay nasaksihan ng buong

Pilipinas ang dalisay na intensyon ng buong samahan nito na buhaying muli ang

wikang nagsusumamo sa pagmamahal ng isang Pilipino. Higit sa pagtatangahal sa

entablado, ay bitbit nila ang pag-asa na gisinging muli ang natutulog na pusong

makabayan ng bawat Pilipino.

Hindi natatapos ang paglalakbay sapagkat habang patuloy na yumayabong

ang spoken word sa Pilipinas, ay lalo pang pinagyayaman nito ang halaga ng wikang

Filipino. Yakap naman ang adbokasiyang muling itayo ang wika, unti-unti na ring

dumami ang nahikayat na itaguyod ang pagsusulat ng tula.

Sa pagsikat ng spoken word poetry, ay tuluyan na ding hinagkan muli ng

ilang Pilipino ang puso ng isang pagiging makata. Dahil sa impluwensiya ng

makabagong mundo, ay tuluyan nang nagpanagpo sa iisang dulo ang wika at tulang

Filipino.

Bukod sa pagpukaw ng damdamin, ang higit na maapektuhan ng bagong

yugtong ito ay ang mga kabataang sumisibol at kinikilala pa lang ang kanilang mga
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

38
sarili. Kaya’t kung paanong hinuhubog ng spoken word poetry ang kasalukuyan, ang

pinaka-importante sa lahat ay kung paanong babaguhin nito ang kinabukasan ng

wikang Filipino sa pamamagitan ng bawat kabataan sa buong kapuluan.

Sa puso ng ilan ay hindi kailanman mapapawi ang kagandahan ng

mensaheng ipinunla ng mga pyesang pumukaw sa sambayanang Pilipino. Tunay

ngang maituturing na aral ang pagkakadating ng spoken word poetry sa Pilipinas,

sapagkat para sa ilan ay ito ang nagmulat sa kanila na dapat mahalin ang sariling

wika at sa kabilang banda ay ito din ang nagsilbing tulay na muling yakapin ang

sariling kultura.

Ayon kay Nisperos (2016), sa paglipas ng panahon, ang spoken word poetry

ay patuloy na umuusbong sa iba’t ibang komunidad sa buong mundo. Ginagamit nila

ang panulaang ito upang makapagpahayag ng saloobin patungkol sa iba’t ibang isyu

katulad ng pag-ibig, lahi at ibang kwento na lumalaganap sa kasulukuyan.

Ayon kay Abby (2015) ng La Sallians, Ang Spoken word poetry ay parang

story telling. Lahat ay may kwentong gustong sabihin , maraming posibilidad na

mahiya mula sa mga tula sa pangkalahatan, kasama nito ang mga malalim na mga

talata at mga teknikalidad.

Ayon kay Manalastas (2016), ang Spoken Word Poetry ay isang uri ng sining

na binubuo ng kwento, ritmo, at paglalaro sa mga salita sa pamamagitan ng


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

39
panulaan. Sa mas madaling salita, ito ay konektado sa panulaan at teatro, nakikita ito

sa tradisyunal at kontemporaryong uri ng panulaan na ibinabahagi sa entablado.

Sinabi rin niya na ang pagkakaiba ng Spoken Word Poetry dito sa Pilipinas mula sa

iba ay higit na hinubog ng dating uri ng mga panulaan, tulad ng balagtasan,

kwentong bayan at iba pang panitikan ang kaalaman sa larangan ng literatura.

Mula sa isang hindi malilimutang tagpo ng nakaraan ay sumibol ang isang

sining na kinikilala sa makabagong panahon. Sa likod ng pangalang sumisikat sa

buong mundo, nananahan ang isang kasaysayang bakas ng ilang taong paghihirap at

pakikipaglaban ng adhikain. Baon ang mga kamay na handang yakapin ang buong

mundo, hindi magtatagal at makikita na din ng lahat ang ganda at kabuluhan ng

Spoken Word Poetry (Abario, 2016).

Sa pagbuo ng Spoken Word Poetry ay nalilinang o nararapat na malinang ang

limang makrong kasanayan upang maging mahusay sa pagkatha ng tula at

pagtatanghal ng SWP sa entablado. Kung hindi nabgyan ng pansin ang mga

makrong kasanayan ay maaring bumaba ang kalidad ng performans ng makatang

magsusulat at magtatanghal.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

40
Kasanayan sa Pakikinig

Ayon kay Howat at Dakin (2012), mula sa Journal na Studies in Education,

ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng kausap.

Ito’y nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang

balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay kahulugan niya sa mga ito. Ang

mahusay na tagapakinig ay may kakayahang magawa ang limang makrong

kasanayan.

Batay naman kay Guadana (2014) ang pakikinig ay aktibong pagtanggap at

pag-unawa ng mensahe. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal. Sa mensaheng nais

ipabatid na tagapagdala ng mensahe. Ito ay isang napakakomplikadong proseso na

nag-uugnay sa sistemang apektado at kognitibo. Gayundin sa pag-uugali at

nakagawian ng tagapakinig.

Ayon naman kay Mangahis (2014) ito ay isang aktibong proseso ng

pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.

Itinuturing itong aktibo dahil nagbibigay ito ng daan sa isang tao na pag-isipan,

tandaan at ianalisa ang kahulugan ng mga salitang napakinggan. Ang sensoring

pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit mayroon pa tayong ibang

ginagawa. Ang mga tunog ay nagsisilbing stimuli at dumaraan sa auditory nerve

patungo sa utak.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

41
Sang-ayon pa kay Magcamit (2013) ang pakikinig ay isang makrong

pangkasanayang wika, ibig sabihin ang pakikinig ay bahagi ng prosesong

pangkomunikasyon. Tulad din ng pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat, ang

pakikinig ay isang kasanayan na mahalagang mahubog sa bawat mag-aaral.

Para naman kay Carlos (2015) ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang

paraan ng pagkuha ng impormasyon kumpara sa tuwirang pagbabasa. Ito ang

nagiging dahilan upang mas lumawak ang kaalaman ng isang tao sa loob man o

labas ng bansa. Sa pamamagitan ng matamang pakikinig sa mga sinsabi ng guro sa

mga aralin o sa mga impormasyong ibinabahagi ng mga kamag-aral ay napapadali

nito ang pagkatuto ng isang mag-aaral.

Kasanayan sa Pagbabasa

Batay naman sa aklat na Mga Estratehiya at Banghay Aralin sa pagtuturo ng

Filipino nina Aragon (2010) ang pagbabasa ay isang malawak na gawain at gawi.

Ang kasanayan sa pagbasa ay hindi lamang kasanayan sa pagkilala at pagkuha ng

ideya o kaisipan ng mga nakalimbag na sagisag at bibigkasin ito ng pasalita.

Sapagkat ang kasanayan sa pagbasa ay kabilang sa komprehensyon (pang-unawa),

pagsusuri at paghihinuha. Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis

sa pagbabasa.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

42
Ayon naman kay Almario (2011) ang batang natutong bumasa at sumulat sa

unang wika ay mas mabilis matutong bumasa. Ang tinutukoy niyang unang wika ay

ang wikang natutunan sa loob ng tahanan,sa tulong at gabay ng magulang. Nakukuha

ng mag-aaral ang kanilang unang kaalaman sa loob ng tahanan.

Sang-ayon pa kay Molina (2014) ang pagbabasa ay pagkilala, pag-unawa,

pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa nakalimbag na simbolo. Ito ay

proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mambabasa. Sa

pamamagitan ng pagbabasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal

sapagkat ito ay tutugon sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na

huhubog sa kanyang pagkatao.

Kasanayan sa Pagsasalita

Ayon kina Espina at Borja mula sa aklat ni Bernales (2013), ang pagsasalita

ay ang kakayahang ipabatid ang nasa sa isip o nadarama sa pamamagitan ng

pagbigkas. Ito ay karaniwang nangangahulugang pag-uusap ng hindi kukulangin sa

dalawang tao.

Sang-ayon naman kay Garcia (2016) mahalagang karunungan ng

pagpapahayag ang pagsasalita, isang sining o agham ng paggamit ng salita sa

mabisang paraan na karaniwang iniuugnay sa sining ng pagbigkas.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

43
Ayon pa kay Tejada (2014) ito ay isang kakayahan at kasanayan ng isang tao

na maipahayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pmamagitan ng

paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

Mula naman sa blog ni Parco (2015), ang epektibong pagpapahayag ng

kaisipan, saloobin, naiisin at damdamin ay isang mahalagang proseso sa

pakikipagtalastasan. Ang pangunahing kasangkapan upang maisakatuparan ang

matagumpay na pakikipagtalastasan ay paggamit ng wika, dito nakasalalay ang

tagumpay ng anumang propesyon sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Kasanayan sa Pagsusulat

Sinabi ni Coulmas(2013) na ang pagsusulat ay isang set ng nakikitang

simbolong ginamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong

pamamaraan na may layuning maitala ang mga mensahe na maaring makakuha o

magbigay kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga

pamantayang sinusunod sa pagtatala.

Batay naman kay Daniels (2016) ang pagsusulat ay isang sistema na humigit

kumulang na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang

pahayag kung saan maari itong muling makuha nang walang interbensyon na

nagsasalita.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

44
Ayon kay Mabilin (2010), nararapat itong linangin at gawing kapaki-

pakinabang sapagkat tulad din ng pagbasa, ang pagsulat ay pagpoproseso at

pagsasama-sama ng mga kaalaman kung saan ipinapalagay o inilalapat ang

kaalaman sa isang partikular na paksa.

Kasanayan sa Panonood

Sang-ayon naman kay Emertes Jr. (2012), ang panonood ay isa sa

pinakamahalagang kasanayan lalo na sa komunikasyon dahil ito ay nagiging daan

upang mabuo ang mga impormasyon na nagbibigay ng higit na halaga sa pag-iisp ng

tao na maunawaan ang isang bagay na malayo man o malapit sa kanya. Sa lahat ng

kasanayan, ang panonood lamang ang makatutulong sa mga manonood na makita

ang isang buong pagtatanghal.

Sang-ayon naman kay Omnes (2013) ang panonood ay isang kakayahang

pangkomunikasyon na umuunawa sa mga nakikitang imahe sa kapaligiran ng tao.

Ito’y nagpapaunlad ng mga kaalaman sa higit na malalim na manghihinuha sa mga

nakikita at naririnig.

Ayon kay Brand (2016) ang spoken word poetry ay nagbibigay ng

oportunidad sa manunulat upang maipahayag niya ang kanyang saloobin ng walang

humahadlang sa kanyang kinabibilangan.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

45
Ang spoken word ay isang uri ng panulaan na nagpapatibay at gumagamit ng

lakas para sa taong-bayan. Ito ay madalas na itinatanghal sa harap ng madla at

kinakailangang mapakinggan. (Desai, 2005)

Nagbibigay daan bilang isang paraan ang spoken word poetry para sa mga

kabataan upang makagawa ng panibagong literatura at mahubog at mabigyang

kahulugan ang sarili. (Sparks, 2002)

Ayon kay Fisher, Jocson, at Kinloch (2005), nagbibigay oportunidad ang

panulaan o spoken word poetry upang magkaroon ng mas malalim at makabuluhan

na relasyon ang guro at mag-aaral na maaring mag resulta sa matataas na grado.

Maliban sa pagtulong sa mga kabataang maintindihan ang kanilang mga

sarili, ang Spoken Word Poetry ay isa ring mahalagang instrument ng komunikasyon

(Alfonso & Fontanilla, 2015).

Ang panulaan ay isang kilusan, isang pilosopiya, isang anyo o paraan, isang

dyanra, isang laro, isang komunidad at isang aparatong pang-edukasyon. Nagsisilbi

ito bilang “multi-faced” na nangangahulugang maraming iba't ibang mga bagay na

kakaiba sa iba’t ibang tao. (Gregory, 2008)

Ang spoken word poetry ay isang klase ng instrumento na nakakatulong sa

panulaan upang makatha at magamit ito ng kahit na sino. At ito ay kapanapanabik,

hindi kumukupas at libangan. (Francois, 2006)


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

46
Maaaring ihalintulad ang spoken word poetry bilang isang paraan ng

pagpapakita ng interes ng mga kabataan sa panulaan na makakahubog sa

pagkamalikhain at makakapagtaas sa antas ng literatura. (Gregory, 2008)

Sintesis

Batay sa nakalap na mga kaugnay na literatura at pag-aaral, ang Spoken

Word Poetry ay isang uri ng sining na maaaring mabuo sa pamamagitan ng

panulaang kwento, ritmo at paglalaro sa mga salita (Manalastas, 2016). Nagiging

istrumento din ang panulaang ito sa mga kabataan upang makagawa ng panibagong

literatura upang mahubog at mabigyang kahulugan ang sariling katauhan (Sparks,

2002). Itinatanghal ang Spoken Word Poetry sa mga lugar kung saan madaming

madla tulad ng mga “coffee shops” upang mapagkinggan. Ayon kay Gregory (2008),

“multi-faced” ang spoken word poetry sapagkat maaari itong maging isang kilusan,

pilosopiya, dyanra, laro, at aparatong pang-edukasyon na makakatulong sa paghubog

ng isang tao pagdating sa damdamin at kaisipan.

Sa paglipas ng panahon, ang Spoken Word Poetry ay patuloy na umuusbong

sa iba’t ibang komunidad sa buong mundo (Nisperos , 2016). Ang pag-usbong ng

panulaan sa Pilipinas ay nagbigay daan upang maging aral sa mga Pilipino, sapagkat

naging daan ito upang mamulat ang mga mata ng mga tao na nararapat lamang na
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

47
mahalin ang sariling wika at ito din ay nagsilbing tulay upang muling yakapin ang

sariling kultura (Abario, 2016).

Ang Spoken Word Poetry dito sa Pilipinas mula sa iba ay higit na hinubog ng

dating uri ng mga panulaan, tulad ng balagtasan, kwentong bayan at iba pang

panitikan ang ating kaalaman sa larangan ng literatura (Manalastas, 2016).

Ang pag-aaral na ito ay humahamon sa mga guro lalo na sa mga

tagapagtaguyod ng wikang Filipino na maitaas ang kamalayan, kasanayan at

pagpapahalaga ng mga mga mag-aaral sa pagsulat ng Spoken Word Poetry. Kaugnay

din nito ang muling pagbubukas at pagpapanatili ng interes ng kabataan sa

makabagong panulaan.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga pamamaraang ginamit

sa isinagawang pananaliksik sa mag-aaral. Makakatulong din ang pagkalap ng iba’t

ibang impormasyon upang masagot ang ilan sa mga posibleng suliranin at benepisyo

ng mga respondente sa mga posibleng resulta ng pananaliksik. Nakapaloob dito ang

disenyo ng pananaliksik, pagkukuhanan ng datos, populasyon ng pag-aaral,

instrumentasyon at balidasyon, pagtatasa at pagbibigay puntos, paraan ng

pangangalap ng datos, at istatistikal na tritment ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang manananaliksik ay gumamit ng pamamaraang deskriptibo at

korelasyonal para sa pag-aaral na ito sa kadahilanang ang tunguhin ng pag-aaral na

ito ay upang malaman kung ang spoken word poetry ay may epekto sa kaisipan,

damdamin at kaasalan ng mga mag-aaral ng Senior High School ng paaralang Bigaa

Integrated National High School.

Sinasabing ang deskriptib na pag-aaral ay ang pinakamagandang

pangangalap ng datos. Mula sa pag-aaral ni Pinlac (2014), ayon kay Bicman at Rog,

na ang estilo ng sarbey na ito ay sumasagot sa tanong na ano o ano-ano.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

49
Ang palarawang pamaraan ay nangangahulugan ng paghahanap ng katibayan

na may sapat na pagpapakahulugan o interpretasyon. Ang mga datos na makakalap

sa isinagawang pananaliksik na ito ay binigyang interpretasyon at inulat ayon sa

layunin at pagpapalagay. Tiniyak na gumamit ang mananaliksik ng pamaraang

sarbey upang matukoy at masukat ang kasalukuyang kalagayan ng paksang pag-

aaralan.

Ang mga ginamit na pamamaraan sa pangangalap ng datos ay ang

pagsasarbey, at ang sarbey ay isasagawa upang mabatid o malaman ang bawat

pananaw ng mga mag-aaral ng Baitang labing-isa (11) at labindalawa (12) at upang

malaman ang lawak ng kanilang kamulatan hinggil sa paksang pinagtutuunan ng

pansin at pinag-aaralan.

Pinagkuhanan ng Datos

Ang pangunahing pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral na ito ay ang mga

respondente. Sa kabilang banda, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga

sanggunian katulad ng mga talaarawan, artikulo sa internet at mga librong

magbibigay ng mga suportang detalye sa paksang tinatalakay.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

50
Populasyon ng Pag-aaral

Ang mga naging bahagi ng pananaliksik na ito ay mga mag-aaral ng SHS sa

Bigaa Integrated National High School. Tatlumpu’t dalawang (32) respondente mula

sa pangkat ng Courage baitang labing-isa, tatlumpu’t walong (38) respondente mula

sa pangkat ng Patience ng baitang labing-isa, dalawampu’t walong (28) respondente

mula sa pangkat ng Modesty baitang labing-isa, dalawampu’t isang (21) respondente

mula sa pangkat ng Temperance baitang labingdalawa at labingpitong (17)

respondente mula sa pangkat ng Justice ng baitang labingdalawa na may kabuuang

isangdaan tatlumpu’t walong mag-aaral (138) Taong Panunuran 2019-2020. Sa

pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid ang mga sanhi kung

bakit muling kinawilihan at tinangkilik ng Pilipino lalo na ng mga kabataang nag-

aaral sa sekondarya ang pagkatha, pagbasa at pakikinig ng Spoken Word Poetry.

Ang isangdaan tatlumpu’t walong mag-aaral (138) bilang ng mag-aaral ng ginawang

respondente sa pag-aaral na ito ang siyang 100 porsyente ng Senior High School ng

Bigaa Integrated National High School sa Barangay Bigaa Cabuyao, Laguna.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

51
Talahanayan 1

Propayl ng mga Respondente

Mga Respondente
Bilang ng mga Respondente

Mag-aaral ng

TEMPERANCE
MODESTY
COURAGE

PATIENCE
Senior High School

JUSTICE
sa Bigaa Integrated

National High

School 32 38 28 21 17

Kabuuan 138

Mga respondente na binubuo ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa at


labingdalawa sa Bigaa Integrated National High School (BINHS),
Taong Panunuran 2019-2020

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng bilang ng mga respondente sa pag-

aaral na ito na siyang sasagot sa mga talatanungan sa paaralang Bigaa Integrated

National High School sa Bigaa Cabuyao, Laguna.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

52
Instrumentasyon at Balidasyon

Bumuo ng talatanungan ang mga mananaliksik batay sa hinihinging tugon at

paglilinaw ng mga suliraning inilahad sa unang kabanata. Ang unang bahagi ng

talatanungan ay tumukoy sa dahilan ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang pagkatha

ng Spoken Word Poetry. Samantalang ang ikalawang bahagi naman ay ilang mga

katanungang patungkol sa kanilang nararamdaman, naiisip at nagiging epekto sa

kanilang asal ng Spoken word Poetry. Kung saan naghanda ang mga mananaliksik

ng tatlong (10) katanungan sa unang bahagi, tatlumpung (30) katanungan sa

ikalawang bahagi, na hinati ng pantay sa tatlong aytem, ang damdamin, kaisipan at

kaasalan na tumugon ng mga mag-aaral sa SHS ng Bigaa Integrated National High

School.

Dumaan sa masusing pagsisiyasat ang mga instrumentong ginamit sa

pananaliksik. Pinaghandaan at pinag-aralan ito ng mananaliksik at ng lupon ng

tagapayo upang masinop na matugunan ang pangangailangang iangkop sa bawat

kalahok. Bago ang aktwal na pagsagot ng mga mag-aaral, idinaan ang mga

instrumento sa pagsubok sa ilang piling mga respondente upang matiyak at malaman

na ito ay maunawaan ng karamihan at sa mga pagkakataong may makitang

kakulangan, kamalian, at hindi kaangkupan ay masusing pinag-aralan ng

mananaliksik ang ginawang pagbabago at pagrerebisa.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

53
Pagtatasa at Pagbibigay Puntos

Mga Sanhi sa Pagkatha ng Spoken Word Poetry

Panukatang Bilang Interpretasyon Antas

4.51-5.00 Lubos na Sumasang-ayon 4

3.51-4.50 Sumasang-ayon 3

2.51- 3.50 Bahagyang Sumasang-ayon 2

1.00- 2.50 Hindi Sumasang-ayon 1

Epekto ng Spoken Word Poetry sa Damdamin

Panukatang Bilang Interpretasyon Antas

4.51-5.00 Lubos na Sumasang-ayon 4

3.51-4.50 Sumasang-ayon 3

2.51- 3.50 Bahagyang Sumasang-ayon 2

1.00- 2.50 Hindi Sumasang-ayon 1


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

54
Epekto ng Spoken Word Poetry sa Kaisipan

Panukatang Bilang Interpretasyon Antas

4.51-5.00 Lubos na Sumasang-ayon 4

3.51-4.50 Sumasang-ayon 3

2.51- 3.50 Bahagyang Sumasang-ayon 2

1.00- 2.50 Hindi Sumasang-ayon 1

Epekto ng Spoken Word Poetry sa Kaasalan

Panukatang Bilang Interpretasyon Antas

4.51-5.00 Lubos na Sumasang-ayon 4

3.51-4.50 Sumasang-ayon 3

2.51- 3.50 Bahagyang Sumasang-ayon 2

1.00- 2.50 Hindi Sumasang-ayon 1


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

55
Paraan ng Pangangalap ng Datos

Upang maging maayos at tiyak ang pangangalap ng mga datos, ang

mananaliksik ay gumawa ng isang liham sa Tagapamanihala ng Kagawaran ng

Edukasyon sa Lungsod ng Cabuyao, gayon din sa punongguro ng Bigaa Integrated

National High School at sa Koordineytor ng Senior High School ng naturang

paaralan hinggil sa paghingi ng pahintulot nang sa gayon ay makapamahagi ng mga

talatanungan sa mga respondente. Personal na ipinamahagi at nilikom ang mga

talatanungan upang matiyak na walang suliraning magaganap sa proseso ng

pananaliksik. Nang nagawa na ang paglilikom ng mga datos ang mga ito ay itinala

ng pahanay para sa istatistikal na analisis ng mga datos.

Etikal na Konsiderasyon

Bago ipamahagi ang talatanungan ay humarap muna ang mananaliksik sa

unahan ng mga tagatugon upang hingiin ang kanilang pahintulot at kooperasyon sa

gagawing pangangalap ng datos. Ipinaliwanag sa mga respondente na ang kanilang

pangalan ay opsyonal lamang na nangangahulugang maaari itong ilagay at maaaring

hindi. Ipinaliwanag rin sa kanila ang paraan ng pagsagot, kung hindi nila nais

sagutan ang ilang katanungan ay maaari nila itong libanan subalit hinikayat rin ng

mananaliksik na hanggat maaari ay huwag nila itong gawin para sa balidasyon ng

resulta ng sarbey.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

56
Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng ilang mga pamamaraan

upang masuri ang mga datos na ibabatay sa pormulang istatistikal kagaya ng mga

nakatala sa bawat bilang.

1. Upang masagot ang suliranin bilang 1 at 2, ang pormula ng weighted mean


ang ginamit.

Antas Panukatang bilang Interpretasyon


4 3.50-4.00 Lubos na Sumasang-ayon
3 2.50-3.49 Sumasang-ayon
2 1.50-2.49 Bahagyang Sumasang-ayon
1 1.00-1.49 Hindi Sumasang-ayon
2. Upang masagot ang suliranin bilang 3, ang pormula ng GOODMAN AND
KRUSKAL’S GAMMA CORRELATION ang ginamit.

Note: In deciding on whether to accept or reject the null hypothesis using the
probability @ α = 0.05, the following rules are applied:
a. If gamma coefficient has a probability of less than α, then there is significant
relationship and the null hypothesis is rejected; an

b. If gamma coefficient has a probability of equal to or greater than α, then


there is no significant relationship and the null hypothesis is accepted

Ranggo Interpretasyon
0 No Correlation
± 0.01 to ± 0.20 Slight Correlation
± 0.21 to ± 0.40 Small Correlation
± 0.41 to ± 0.60 Moderate Correlation
± 0.61 to ± 0.80 High Correlation
± 0.81 to ± 0.99 Very High Correlation
±1 Perfect Correlation
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

Kabanata 4
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
Inilahad sa kabanatang ito ang presentasyon, pagsusuri at pagpapakahulugan

ng mga datos tungkol sa layuning malaman ang sanhi ng pagkatha at epekto ng

spoken word poetry sa damdamin, kaisipan at kaasalan ng mga mag-aaral Senior

High School ng Bigaa Integrated NHS sa Dibisyon ng Cabuyao. Sinikap na

matugunan ng mananaliksik ang mga sumusunod.

1. Ang mga sanhi sa pagkatha ng Spoken Word Poetry batay sa pagtatayang

isinagawa sa mga mag-aaral sa SHS.

Talahanayan 2

Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry


Indikasyon Pangkalahatang
Weighted Mean
WM VI
1 Makapaglabas ng saloobin. 3.21 S
2 Makapagtanghal sa entablado o harap ng madla. 2.77 S
3 Makapagpakita ng potensyal sa pagkatha. 2.96 S
4 Makapagbaliktanaw sa mga karanasan. 3.19 S
5 Makapagsalaysay ng kwento. 3.16 S
6 Makapagbigay importansiya at impormasyon 3.10 S
hinggil sa mga napapanahong isyu.
7 Mahubog ang kakayahan bilang manunulat. 3.09 S
8 Maging instrumento upang ang iba ay mahikayat na 3.11 S
tangkilikin ang tula.
9 Maging inspirasyon ng mga mambabasa. 3.17 S
1 Maging hamon sa iba nang maging daan upang 3.11 S
0 magsikap rin silang kumatha.
Average Weighted Mean 3.09 S
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

58
Leyenda:
4.51-5.00 - Lubos na Sumasang-ayon (LS)
3.51-4.50 - Sumasang-ayon (S)
2.51- 3.50 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1.00- 2.50 - Hindi Sumasang-ayon (HS)

Ipinapakita sa talahanayan 1 ang mga sanhi kung bakit ang mga respondente

ay kumakatha ng spoken word poetry. Sa pangkalahatang resulta ay lumalabas na

ang indikasyon bilang 1 na nagsasabing “Makapaglabas ng saloobin” ang siyang

nagtamo ng pinakamataas na weighted mean na 3.21 na may verbal interpretation na

sumasang-ayon, samantalang ang indikasyon bilang 2 naman na nagsasabing

“Makapagtanghal sa entablado o harap ng madla” ang nagkamit naman ng

pinakamababa weighted mean na 2.77 na may verbal interpretation din na

sumasang-ayon.

Samantala ang computed average weighted mean na 3.09 na may verbal

interpretation na sumasang-ayon, ito ay nangangahulugang ang sanhi ng pagkatha at

pagbigkas ng mga tagatugon ng spoken word poetry ay upang makapaglabas sila ng

kanilang saloobin, gayundin ang pagsunod sa kasalukuyang uso sa mga kabataan

ngayon na maiahayag nang Malaya ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng

Spoken Word Poetry dahil dito nila maluwag na nailalabas ang kanilang

nararamdaman. Dahil dito, ang pagkahumaling nila sa pagsulat ng spoken word

poetry ay nakapagdedebelop ng kanilang sining sa panulaan bagamat tinuturing nila


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

59
itong libangan lamang ngunit may mga kasanayan silang napauunlad tulad ng

pagsulat, pag-iisip at lalong higit ang pagtaas ng kanilang pagtanggap sa panitikang

Filipino.

Ipinahayag ni Belvez (2013) na bilang tagapagtaguyod ng wikang Filipino

sila ay maituturing na mangagawa at alagad ng panitikan. Kaugnay nito,

kinakailangan din ang guro ay mahikayat ang kanilang mga mag-aaral na mahalin

ang panitikang Filipino. Katulad na rin sa pagbabasa, hindi sapat na kilalanin at

mabigkas ng mag-aaral ang mga salita, kinaailangang maunawaan niya ang

katuturan nito. Dito pumapasok ang pagiging malikhain ng isang makata sa pag-iisip

ng mga salita na maaring makapaglapit sa kanila ng kanyang mga tagapakinig.

Ayon kina Espina at Borja mula sa aklat ni Bernales (2013), ang pagsasalita

ay ang kakayahang ipabatid ang nasa sa isip o nadarama sa pamamagitan ng

pagbigkas. Ito ay karaniwang nangangahulugang pag-uusap ng hindi kukulangin sa

dalawang tao.

Ipinahayag naman ni Tejada (2014) ito ay isang kakayahan at kasanayan ng

isang tao na maipahayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pmamagitan

ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

60
2. Mga nagiging epekto ng pagkatha at pagbigkas ng Spoken Word Poetry sa

pagtatayang isinagawa ng mga piling mag-aaral sa SHS batay sa mga sumusunod?

2.1 Sa Damdamin

2.2 Sa Kaisipan

2.3 Sa Kaasalan

Talahanayan 2.1

Epekto ng Pagkatha at Pagbigkas ng Spoken Word Poetry sa Damdamin

Indikasyon Pangkalahatang
Weighted Mean
WM VI
1 Nagiging emosyonal. 3.37 S
2 Nagkakaroon ng inspirasyon. 3.46 S
3 Nagiging leksyon. 3.36 S
4 Nagkakaroon ng koneksyon sa nararamdaman ng 3.41 S
manunulat.
5 Naramdaman at naisasabuhay ang mensahe ng 3.26 S
binasang panulaan.
6 Nagkakaroon ng paboritong paksa ng tula. 3.18 S
7 Nagkakaroon ng kaugnayan sa binasa. 3.19 S
8 Napapagaan ang lungkot na nadarama. 3.30 S
9 Napapangiti sa ma taludtod na may 3.45 S
pagkakapareho sa buhay.
10 Naipahayag ang damdamin. 3.48 S
Average Weighted Mean 3.34 S
Leyenda:
4.51-5.00 - Lubos na Sumasang-ayon (LS)
3.51-4.50 - Sumasang-ayon (S)
2.51- 3.50 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1.00- 2.50 - Hindi Sumasang-ayon (HS)
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

61
Ang talahanayan 3.1 ay nagpapakita ng nagiging epekto ng pagkatha at

pagbigkas ng spoken word poetry sa damdamin ng mga respondente.

Sa pangkalahatang resulta ay lumalabas na ang indikasyon bilang 10 na

nagsasabing “Naipahayag ang damdamin” ang siyang nagtamo ng pinakamataas na

weighted mean na 3.48 na may verbal interpretation na sumasang-ayon at siyang

nangunguna, samantalang ang indikasyon bilang 6 na nagsasabing “Nagkakaroon ng

paboritong paksa ng tula” ang siyang nagtamo ng pinakamababang weighted mean

na 3.18 na may verbal interpretation na sumasang-ayon na nasa huli.

Samantala, ang pangkalahatang computed average weighted mean na 3.34 na

may verbal interpretation na sumasang-ayon, ito ay nangangahulugan lamang na

sumasang-ayonng may epekto sa kanilang mga damdamin ang pagkatha at

pagbigkas nila ng spoken word poetry.

Ito ay isang mainam na indikasyon na ang spoken word poetry ay may

malaking ambag o tulong sa mga mag-aaral dahil ito ay nakaaantig sa kanilang

damdamin, ang pagkatha nito ay maaaring magsilbing inspirasyon sa kanilang

pinapangarap na buhay at maaari ring maging gabay sa pagtupad ng kanilang

hangarin. Nangangahulugan din ito na ang panitikang Pilipino, lalo na ang panulaan

ay tunay na sangkap upang mapalapit ang wika at panitikan sa mga mamamayan lalo

na sa mga kabataan.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

62
Mula kay Orito (2017) na ayon pa rin kay Abadilla: Apat na sangkap ang

masusumpungan sa isang tula, sa pagkakahiwatig ni Connel, at ang mga ito'y (1) ang

tungkol sa damdamin (2) ang tungkol sa guniguni (3) ang tungkol sa guniguni't

kaisipan at (4) ang tungkol sa pananalita. Kaya nga't ang katuturang ibinibigay sa

tula ay ganito.Paglalarawan sa tulong ng guniguni, at sa pamamagitan ng wika, ng

mga tunog na saligan para sa mararangal na damdamin.

Ayon naman kay Sauco (2006), ang isa sa mga dahilan kung bakit dapat pag-

aralan ang panitikan ay upang matuklasan ang kahusayan sa pagsulat at malinang

ang kanilang kagalingan. Sinabi rin nito na bilang Pilipinong mapagmahal sa sariling

kultura at may damdaming makabansa ay dapat pag-aralang mabuti ang panitikan

kaya dapat itong mamalagi sa puso at diwa ng isang tunay na Pilipino.

Ayon kay Nisperos (2016), sa paglipas ng panahon, ang spoken word poetry

ay patuloy na umuusbong sa iba’t ibang komunidad sa buong mundo. Ginagamit nila

ang panulaang ito upang makapagpahayag ng saloobin patungkol sa iba’t ibang isyu

katulad ng pag-ibig, lahi at ibang kwento na lumalaganap sa kasulukuyan.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

63
Talahanayan 2.2

Epekto ng Pagkatha at Pagbigkas ng Spoken Word Poetry sa Kaisipan

Indikasyon Pangkalahatang
Weighted Mean
WM VI
1 Nagkakaroon ng panibagong ideya sa isang 3.41 S
bagay.
2 Nahihikayat sa paggawa at pagsulat ng panulaan. 3.06 S
3 Natutuklas ang layunin sa pagsulat ng panulaan. 3.13 S
4 Nagkakaroon ng kaalaman sa karanasan ng isang 3.42 S
tao
5 Nagpapalawak ng bokabolaryo 3.32 S
6 Umuunlad ang imahinasyon 3.46 S
7 Nagkakaroon ng interes sa malalalim na salita 3.32 S
8 Nagpapaunlad ng pagiisip 3.47 S
9 Nakakapagisip ng mas malalim na kahulugan sa 3.43 S
isang bagay
10 Mas bumilis ang pag-iisip 3.25 S
Average Weighted Mean 3.33 S
Leyenda:
4.51-5.00 - Lubos na Sumasang-ayon (LS)
3.51-4.50 - Sumasang-ayon (S)
2.51- 3.50 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1.00- 2.50 - Hindi Sumasang-ayon (HS)

Ang talahanayan 2.2 ay nagpapakita ng nagiging epekto ng pagkatha at

pagbigkas ng spoken word poetry sa kaisipan ng mga respondente. Sa kabuuan, ang

indikasyon bilang 8 na “Nagpapaunlad ng pag-iisip” ang siyang nagtamo ng

pinakamataas na weighted mean na 3.47 at may verbal interpretation na sumasang-

ayon at nasa ranggo 1 samantalang ang indikasyon bilang 2 na nagsasabing


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

64
“Nahihikayat sa paggawa at pagsulat ng panulaan” ang siyang ranggo 10 sa

pinakamababang weighted mean na 3.06 at may verbal interpretation na

nananatiling sumasang-ayon.

Ang average weighted mean na 3.33 ay nangangahulugan pa ring sumasang-

ayon ang kabuuan ng respondente sa mga indikasyonn sa talahanayan 2.2. Masasabi

rito na ang mga respondente ay sumasang-ayon na naapektuhan ang kanilang mga

kaisipan sa pagkatha at pagbigkas nila ng spoken word poetry.

Ipinahihiwatig lamang na ang Spoken Word Poetry ay masasabing

nakapagpapatalas ng isipan ng mga mag-aaral dahil natututo silang bumuo ng mga

mgagandang ideya na maaaring kapulutan ng mabubuting aral tungo sa tamang

landas ng buhay.

Ayon kay Cruz (2013), ang motibasyon sa lahat ng pagkatuto ay nagsisimula

sa utak. Ang mga guro ay kailangang gumamit ng proseso sa klasrum na

makatutulong upang malinang sa mga mag-aaral ang tiwala sa sarili, positibong

kapaligiran at sapat na hamon upang sila ay magkaroon ng motibasyong kumatha.

Pinatunayan ni Dogra (2011),na mainam na maikintal sa murang isipan ang

masusing pag-iisip upang lalo pang mahubog ang kanilang galing at talino.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

65
Ayon kay Fisher, et. al (2005), nagbibigay oportunidad ang panulaan o

spoken word poetry upang magkaroon ng mas malalim at makabuluhan na relasyon

ang guro at mag-aaral na maaring mag resulta sa matataas na grado.

Ayon naman kay Mangahis (2014) ito ay isang aktibong proseso ng

pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.

Itinuturing itong aktibo dahil nagbibigay ito ng daan sa isang tao na pag-isipan,

tandaan at ianalisa ang kahulugan ng mga salitang napakinggan. Ang sensoring

pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit mayroon pa tayong ibang

ginagawa. Ang mga tunog ay nagsisilbing stimuli at dumaraan sa auditory nerve

patungo sa utak.

Para naman kay Carlos (2015) ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang

paraan ng pagkuha ng impormasyon kumpara sa tuwirang pagbabasa. Ito ang

nagiging dahilan upang mas lumawak ang kaalaman ng isang tao sa loob man o

labas ng bansa. Sa pamamagitan ng matamang pakikinig sa mga sinsabi ng guro sa

mga aralin o sa mga impormasyong ibinabahagi ng mga kamag-aral ay napapadali

nito ang pagkatuto ng isang mag-aaral.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

66
Talahanayan 2.3
Epekto ng Pagkatha at Pagbigkas ng Spoken Word Poetry sa Kaasalan

Indikasyon Pangkalahat
ang
Weighted
Mean
WM V
I
1 Nagiging maunawain sa damdamin ng iba. 3.53 S
2 Nadedebelop ang pagiging matiyaga. 3.32 S
3 Natututong magpahalaga sa sariling likha. 3.47 S
4 Nakapagsasabuhay ng magandang asal. 3.35 S
5 Nagkakaroon ng interes at pagpapahalaga sa mga isyung 3.28 S
panlipunan.
6 Nagkakaroon ng tiwala sa sarili. 3.45 S
7 Nagiging mapanuri. 3.28 S
8 Lumalawak ang pananaw sa mga bagay-bagay. 3.43 S
9 Natututong tumimbang ng mga pangyayari. 3.34 S
1 3.61 S
Natututong makinig at umunawa.
0
Average Weighted Mean 3.41 S
Leyenda:
4.51-5.00 - Lubos na Sumasang-ayon (LS)
3.51-4.50 - Sumasang-ayon (S)
2.51- 3.50 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1.00- 2.50 - Hindi Sumasang-ayon (HS)

Ang talahanayan 3.3 ay nagpapakita ng nagiging epekto ng pagkatha at

pagbigkas ng spoken word poetry sa kaasalan ng mga respondente.

Sa pangkalahatan ay lumalabas na ang indikasyon bilang 10 “Natututong

makinig at umunawa” ay nagtamo ng pinakamataas na weighted mean na 3.61 na

may verbal interpretation na lubhang sumasang-ayon subali’t ang mga indikasyon


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

67
bilang 5 at 7 na nagsasabing “Nagkakaroon ng interes at pagpapahalaga sa mga

isyung panlipunan” at “Nagiging mapanuri” ay lumalabas na parehong nasa huling

ranggo sa dahilang ito ang may pinakamababang weighted mean na 3.28 at verbal

interpretation na sumasang-ayon.

Ang pangkalahatang weighted mean na 3.41 na may verbal interpretation na

sumasang-ayon, ito ay nagsasabi na ang pagkatha at pagbigkas ng spoken word

poetry ay sumasang-ayonng nakakaapekto sa kaasalan ng mga respondente.

Ipinahihiwatig dito na ang spoken word poetry ay maaaring makatulong ng

malaki sa paghubog ng kagandahang asal ng mga kabataang mag-aaral gayundin ang

kahalagahan ng mga balyus na itinuturo ng mga magulang at ng paaralan tulad ng

pagiging maunawain at matulungin sa kapwa, pagkakaroon ng tiwala sa sarili at iba

pang magagandang kaugaliang taglay ng isang mabuting mamamayang Pilipino.

Ayon kay Howat at Dakin (2012), mula sa Journal na Studies in Education,

ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng kausap.

Ito’y nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang

balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay kahulugan niya sa mga ito. Ang

mahusay na tagapakinig ay may kakayahang magawa ang limang makrong

kasanayan.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

68
Batay naman kay Guadana (2014) ang pakikinig ay aktibong pagtanggap at

pag-unawa ng mensahe. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal. Sa mensaheng nais

ipabatid na tagapagdala ng mensahe. Ito ay isang napakakomplikadong proseso na

nag-uugnay sa sistemang apektado at kognitibo. Gayundin sa pag-uugali at

nakagawian ng tagapakinig.

Sang-ayon pa kay Molina (2014) ang pagbabasa ay pagkilala, pag-unawa,

pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa nakalimbag na simbolo. Ito ay

proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mambabasa. Sa

pamamagitan ng pagbabasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal

sapagkat ito ay tutugon sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na

huhubog sa kanyang pagkatao.

Ayon naman kay Mangahis (2014) ito ay isang aktibong proseso ng

pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.

Itinuturing itong aktibo dahil nagbibigay ito ng daan sa isang tao na pag-isipan,

tandaan at ianalisa ang kahulugan ng mga salitang napakinggan. Ang sensoring

pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit mayroon pa tayong ibang

ginagawa. Ang mga tunog ay nagsisilbing stimuli at dumaraan sa auditory nerve

patungo sa utak.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

69
Sang-ayon naman kay Emertes Jr. (2012), ang panonood ay isa sa

pinakamahalagang kasanayan lalo na sa komunikasyon dahil ito ay nagiging daan

upang mabuo ang mga impormasyon na nagbibigay ng higit na halaga sa pag-iisp ng

tao na maunawaan ang isang bagay na malayo man o malapit sa kanya. Sa lahat ng

kasanayan, ang panonood lamang ang makatutulong sa mga manonood na makita

ang isang buong pagtatanghal.

3. Ang makabuluhang pagkaka-ugnay ng sanhi at epekto ng pagkatha ng

spoken word poetry ssa damdamin, kaisipan at kaasalan.

Talahanayan 3

Makabuluhang Pagkakaugnay ng Sanhi at Epekto ng Pagkatha sa


Damdamin, Kaisipan at Kaasalan

Variables Gamma Verbal P-Value Remarks


-Value Interpretation Computed Tabular

Sanhi versus 0.457 Moderate 0.005 0.050 With


epekto sa Correlation Significant
damdamin Relationship
Sanhi versus 0.584 Moderate 0.000 0.050 With
epekto sa Correlation Significant
kaisipan Relationship
Sanhi versus 0.726 High 0.003 0.050 With
epekto sa Correlation Significant
kaasalan Relationship
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

70
Ang talahanayan 3 ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaugnay ng sanhi

ng kanilang pagkatha ng spoken word poetry sa damdamin, kaisipn at kaasalan ng

mga respondente.

Base sa naging resulta ng pag-aaral na ito, lumalabas na ang mga

respondente ay nagkaroon ng mga sumusunod: Sa Sanhi versus epekto sa damdamin,

ito ay nagtamo ng gamma value na 0.457 na may verbal interpretation na moderate

correlation at dahil ang p-value na nakuha nito na 0.005 ay mas maliit kung

ikukumpara sa tabular p-value na 0.05, lumalabas na ang dalawang variables ay may

kaugnayan sa isa’t isa kaya marapat lamang na tanggapin ang alternative hypothesis

i-deny ang null hypothesis. At sa Sanhi versus epekto sa kaisipan naman, ito ay

nagtamo ng gamma value na 0.584 na may verbal interpretation na moderate

correlation at dahil ang p-value na nakuha nito na 0.000 ay mas maliit kung

ikukumpara sa tabular p-value na 0.05, lumalabas na ang dalawang variables ay may

kaugnayan sa isa’t-isa kaya marapat lamang na tanggapin ang alternative hypothesis

i-deny ang null hypothesis. A t sa Sanhi versus epekto sa kaasalan, ito ay nagtamo

ng gamma value na 0.726 na may verbal interpretation na high high correlation at

dahil ang p-value na nakuha nito na 0.003 ay mas maliit kung ikukumpara sa tabular

p-value na 0.05, lumalabas na ang dalawang variables ay may kaugnayan sa isa’t-isa


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

71
kaya marapat lamang na tanggapin ang alternative hypothesis i-deny ang null

hypothesis.

Nangangahulugan lamang na ang mga batang mag-aaral ay nakakapagtamo

ng kapakinabangan, kawilihan at katalasan ng isip sa pamamagitan ng pagkatha ng

Spoken wor poetry. Sa resulta ng pag-aaral na ito, pinatutunayan na may malaking

ambag o ugnayan ang pagsulat o pagbuo ng Spoken Word Poetry sa damdamin,

kaisipan at kaasalan ng mga mag-aaral. Nakakatulong ang pagkatha sa pagdebelop

sa mga nabanggit na aspeto.

Ayon kay Manalastas (2016), ang Spoken Word Poetry ay isang uri ng sining

na binubuo ng kwento, ritmo, at paglalaro sa mga salita sa pamamagitan ng

panulaan. Sa mas madaling salita, ito ay konektado sa panulaan at teatro, nakikita ito

sa tradisyunal at kontemporaryong uri ng panulaan na ibinabahagi sa entablado.

Sinabi rin niya na ang pagkakaiba ng Spoken Word Poetry dito sa Pilipinas mula sa

iba ay higit na hinubog ng dating uri ng mga panulaan, tulad ng balagtasan,

kwentong bayan at iba pang panitikan ang ating kaalaman sa larangan ng

literatura.Maliban sa pagtulong sa mga kabataang maintindihan ang kanilang mga

sarili, ang Spoken Word Poetry ay isa ring mahalagang instrument ng komunikasyon

(Alfonso & Fontanilla, 2015).


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

72
Ang panulaan ay isang kilusan, isang pilosopiya, isang anyo o paraan, isang

dyanra, isang laro, isang komunidad at isang aparatong pang-edukasyon. Nagsisilbi

ito bilang “multi-faced” na nangangahulugang maraming iba't ibang mga bagay na

kakaiba sa iba’t ibang tao. (Gregory, 2008)

Ang spoken word ay isang uri ng panulaan na nagpapatibay at gumagamit ng

lakas para taong-bayan. Ito ay madalas na itinatanghal sa harap ng madla at

kinakailangang mapakinggan. (Desai, 2005)

Mula sa isang hindi malilimutang tagpo ng nakaraan ay sumibol ang isang

sining na kinikilala sa makabagong panahon. Sa likod ng pangalang sumisikat sa

buong mundo, nananahan ang isang kasaysayang bakas ng ilang taong paghihirap at

pakikipaglaban ng adhikain. Baon ang mga kamay na handang yakapin ang buong

mundo, hindi magtatagal at makikita na din ng lahat ang ganda at kabuluhan ng

Spoken Word Poetry (Abario, 2016).

4. Ang mungkahing gabay sa pagtuturo upang magkaroon ng integrasyon ang

pagkatha ng Spoken Word Poetry sa lahat ng antas para sa ikauunlad ng

panulaang Pilipino?
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

73
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 7

IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.1

I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIIa-c-13)


 Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng bisang
pandamdamin sa akda

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIIa-c-13)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita na ginamit sa akda.

PAGSASALITA (PS)(F7PS-IIIa-c-13)
 Nabibigkas ng may wasong ritmo ang ilang halimbawa ng tula.

II. PAKSA
Panitikan : Tula
Teksto : “Ang Sariling Wika”
Kagamitan : Video clip mula sa Youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al
Blg. ng Araw : 2 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutinari
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Balik-aral
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

74
AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya(MANOOD TAYO!)
Pagpapanood ng video clip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Gabay na Tanong:
a. Batay sa inyong napanood, bakit mahalaga ang wika?
b. Ano ang mahalagang kaisipang nais ipahatid ng inyong pinanood?
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

1. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa Wikang


Filipino at katutubong wikang ginagamit sa lugar na kinalakhan?

2. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya(AYUSIN MO!)


Pagsasaayosng mga ginulong letra upang mabuo ang kahulugan ng salitang
nakasulat nang pahilis sa pangungusap.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

75
a. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ang kaluluwa ng lahi
natin. (paunlarin)

N U L N P A R I A

b. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating


InangBayan gamit ang mga salitang kaysarap pakinggan. (dumadaloy)

O A L D A D M U Y

c. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang


gintong pamana sa atin ng ating mga ninuno. (malaman)

N A L M A M A

d. Ang sariling wika ng isang lahi ay may taglay naaliw-iw at himig na kahali-
halina. (lambing)

B A L M N I G

e. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon


sa himpapawid. (katulad)

T A L D U A K
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

76
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (MAG-SABAYANG PAGBIGKAS KAYO!)


Magtatanghal ang pangkat ng babae at lalaki ng sabayang pagbigkas ng tula.

ANG SARILING WIKA


Sinulat ni Lourdes C. Punzalan
Mula sa orihinal nito sa Kapampanganna may pamagat na “Ing Amanung Siswan nu Monico R. Mercado”
Lalaki
Ang sariling wika ng isang lahi
Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi.
Babae
Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso
Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bumubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.
Lalaki
Minanang wikang itinanim sa isipan
Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay.
Babae
Minana nating wika’y
Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
aliw-iw at himig na nakahahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.
Babae at Lalaki
Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga
Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

77
Gabay na Tanong:
a. Matapos mabasa ang akda, ano ang damdaming namayani sa kabuuan?
b. Ano ang pangunahing kaisipan ng tulang binasa?
c. Ano kaya ang maaaring maging pamagat ng tula?
ANALISIS
1. Ano ang pangkalahatang ideyang tinatalakay sa kabuuan ng tula?
2. Bilang Pilipino, ano ang masasabi mo sa pagpapahalaga ng mga
kababayan sa sariling wika?
3. Sinasabing ang tula ang pinakamatandang sining ng kulturang Pilipino.
Kung magkakaroon ka ng pagkakataong bigyang-kahulugan ang salitang
tula, ano ang magiging katuturan nito para sa iyo?
4. Ibigay ang pagkakaiba ng tula sa iba pang uri ng panitikang Pilipino.

DAGDAG KAALAMAN

KATUTURAN NG TULA

Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino.


Tula ang pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng sayaw, awit at dula
kaya’t ito rin ang pinakamatandang karunungang-bayan.

Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na


kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga
salitang naiayos sa isang maanyong paraan kaya kinakitaan ng sukat at
tugma.

Katunayan, ang mga salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng


mga pahayag ng mga Pilipino noong unang panahon.

Ang tula ay isinasaayos sa taludtod. Ang pinagsama-samang taludtod


ay ang saknong. Ang mga halimbawa ng tula ay soneto, oda, liriko, awit,
korido at iba pa.

Ang orihinal na pamagat ng tulang tinalakay ay “Ing Amanung


Siswan” sa Wikang Kapampangan.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

78
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya(FLOW CHART)
Gamit ang flow chart ay bubuo ang mga mag-aaral ng pangunahing konsepto ng
aralin.
Maipakikita Pagpapahalaga at pagmamalaki

Sa pamamagitan Wikang Filipino at katutubong wika

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya (ISLOGAN MO, ISULAT MO)
Gagawa ng isang islogan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling wika at
ibabahagi ng ilang mag-aaral ang kanilang nagawa.
RUBRIKS NG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon naipahatid ang nilalaman o naiparating ang ang nilalaman o
ng mga nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
Kaisipan kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
o Mensahe iparating sa manonood iparating sa manonood
(5) manonood (3) manonood (1)
(4) (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
(5) ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (3) (2) presentasyon (1)
(1)
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

79
EBALWASYON
A. Panuto: Tukuyin ang bisang pandamdamin sa mga sumusunod na saknong.
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba.

a. Pagkabahala sapagkat paano ako mabubuhay ng sariling wika.


b.Pagdududa sa sinabing may kaluluwa ang wika.
c.Pagkamarangal sapagkat ipinagmamalaki ko ang sarili kong wika.
d.Pagkadakila sa wikang ngayon ko lamang kinilala.

2. Minamahal nating wika ay maihahambing sa pinakadakila


Ito’y may ganda’t pino, aliw-iw at himig na nakahahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha

a.Pagmamalaki sa ganda ng ating sariling wika.


b.Pagkalungkot sapagkat mas gusto ko ang Ingles.
c.Pagkainis sapagkat wala naman akong nakitang kagandahan ngwikang
kinaginasnan.
d.Pagwawalang-bahala sa kung anuman ang katangiang taglay ng wikang
kinagisnan.

Sagot:
C A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG- INDEX (%)


AARAL
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

80
IKALAWANG SESYON

I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-IIIa-c-13)


 Naisusulat ang sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.1


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (MAGTULAAN TAYO!)

A. Pakikinggan ng mag-aaral ang halimbawa ng isang makabagong panulaan o


tinatawag na Spoken Word Poetry na hinango sa youtube na may pamagat na
Wag Ako, Iba nalang.

https://www.youtube.com/watch?v=EpiVHuy338I
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

81
B. Babasahin ng ilang piling mag-aaral nang may buhay at may damdamin ang
tulang ipakikita ng guro. Ang mag-aaral na mahusay sa pagtula ay bibigyan
ng karagdagang puntos.

PAG-IBIG
Teodoro Gener Umiibig ako’t sumisintang tunay,
Di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman.
Umiibig ako, at ang iniibig Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
Ay hindi ang dilag na kaakit-akit Na di magtitikim nang kaligayahan
Pagkat ang talagang ganda lang ang nais
Hindi ba’y nariyan ang nunungong langit? Ang kaligayahan ay wala sa langit
Wala rin sa dagat ng hiwagang tubig.
Lumiliyag ako, at ang nililiyag Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag Na inaawitan ng aking pag-ibig.
Pagkat kung totoong perlas lang ang
hangad Sanggunian:
Di ba’t masisisid ang pusod ng dagat? PANITIKANG KAYUMANGGI, Rosario
U. Mag-atas et.al
Sanggunian:

2. Venn Diagram

Gamit ang Venn Diagram, iisa- isahin ng mga mag-aaral ang napansin nilng
pagkakapareho at pagkakaiba ng Spoken Poetry at ng tradisyunal na
panulaan.

SPOKEN TRADISYUNAL
WORD POETRY NA TULA
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

82
ANALISIS

1. Ano-ano ang mga nagpapaganda sa isang tula?


2. Bakit kaya nagkakaroon ng ebolusyon ang tula o ang panitikan?

Pagbibigay ng input ng guro


MGA ELEMENTO NG TULA

1. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo


sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Mga uri ng sukat


a. Wawaluhin b. Lalabindalawahin
c. Lalabing-animin d. Lalabingwaluhin

2. Saknong- Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may


dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet 4 linya – quatrain 6 linya – sestet
3 linya - tercet 5 linya – quintet 8 linya - octave

3. Tugma- Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa


tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda
sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.

4. Kariktan- Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang


masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at
kawilihan.

5. Talinghaga-Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita.

6. Tayutay - Paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang


paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula.

Sanggunian: https://teksbok.blogspot.com/2010/09/mga-elemento-ng-
tula.html
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

83
APLIKASYON
Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS
GOAL: Naisusulat ang sariling tula

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat ng tula

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan

SITUATION: Ang pahayagang “KABATAAN, SULAT NA!”, ay


nangangailangan ng mga magsusulat ng tula

PRODUCT: Tulang may sukat, may limang saknong at may tugma


PAKSA: “Paano maipakikita ang pagmamahal sa sariling
wika?”

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


ORIHINALIDAD Lubos na Nagpakita ng Ang nilalaman ng
AT nagpapakita ng orihinalidad ang tula ay nagmula sa
NILALAMAN orihinalidad ang nilalaman ng mga naisulat nang
(4) nilalaman ng tula.(4) tula.(3) mga tula.(1)
Napakahusay ng Mahusay ang Hindi gaanong
PAGGAMIT NG pagpili sa mga naging pagpili sa mahusay ang
SALITA salitang ginamit sa mga salitang naging pagpili ng
(3) tula.(3) ginamit sa tula.(2) mga salitang
ginamit. (1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan
SUKAT AT
nang maayos na maayos na sukat at nang maayos na
TUGMA
sukat at tugma ang tugma ang naisulat sukat at tugma ang
(3)
naisulat na tula.(3) na tula.(2) naisulat na tula.(1)
KABUUAN (10)
3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.
4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa
pagkakasulat.

V. KASUNDUAN
1. Ano ang mitolohiya bilang isang akdang pampanitikan? Magsaliksik ng
tungkol dito kasama ang mga tauhang gumaganap.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

84
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 8

IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.1

Panitikan : Tula
Wika : Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng Orihinal na Tula
Blg. ng Araw :2

Unang Sesyon

I.LAYUNIN
PANONOOD (PD) (F8PD-IIa-b-23)
 Nasusuri ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa kasalukuyan
batay sa napanood (maaaring sa youtube o sa klase).

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIa-b-24)


 Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula.

II. PAKSA
Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng Orihinal na Tula

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Wika : Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng
Orihinal na Tula
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

85
AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya:
YOUTUBE PRESENTS!
Suriin ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa kasalukuyan
batay videoclip.

ANALISIS
1. Ano ang paksa ng napanood na tula?

2. Pansinin ang mga salitang ginamit ni Maimai Cantillano?

3. Itala ang mga salitang nagpapahayag ng talinghaga at ilagay ang kahulugan


sa tapat nito.

Naiibang Salita Katumbas na Salita


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

86
Pagbibigay ng input ng guro

ALAM MO BA NA…
Pagpili ng Angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula
Sa pagbuo ng tula ay mahalagang maging maingat sa pagpili ng mga
salitang gagamitin sa pagbuo nito. Kung ang tulang bubuoin ay tugmang
ganap, tandaang ang dapat gamiting salita sa bawat hulihan ng taludtod
ay may magkakaparehong titik sa hulihan. O kaya naman ay kung ang
gagawin mong tula ay may sukat, kailangang ang pipiliing salita ay sasakto
sa sukat ng tulang ginagawa. Mas magiging limitado ang pagpili ng
salitang gagamitin kung tulang may sukat at tugmang taludturan ang iyong
bubuoin.
Gayundin, dapat na isaalang -alang sa pagpili ng salitang gagamitin sa
pagbuo ng tula ang edad ng magbabasa o makikinig ng tulang gagawin.
Kung pambata ang tula ay mga salitang mauunawaan ng bata ang iyong
gagamitin. Kung ito’y para sa kabataan o matatanda maaaring gumamit ng
mga salita. Ito ay nakatutulong upang mapanatiling kariktan at kasiningan
ng tulang bubuoin. Ang kahulugan ng mga salita ay makikita ayon sa…

1.Kasingkahulugan o Kasalungat- sa pamamagitan ng kasingkahulugan


at kasingkasalungat na slaita ay maipapakita ang mensaheng nais sabihin
sa tulang gagawin. Ang paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan
o pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong upang maipakita ang ugnayang
nais ipahayag sa tula.

2.Idyoma- sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang


wika. Nakiro ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.

-balat sibuyas - madamdamin


-buto’t balat - payat na payat
-ikapitong langit - malaking katuwaan
-laylay ang balikat - nabigo
-mahaba ang pisi - pasensyoso
-pabalat-bunga - hinde totoo
-basang sisiw - kaawa awa; api
-huling hantungan - libingan
-magbilang ng poste - walang trabaho
A-magdildil
B S T R A ng
K Sasin
YON - maghirap

Sanggunian: Pluma 8 Ikalawang Edisyon


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

87
Mungkahing Estratehiya:
Piliin ang lapis na nagtataglay ng angkop na salita mula sa isinagawang
talakayan, pagkatapos ay sumulat ng konsepto gamit ang mga napili mo.

s
u
k
a
t

Pagsagot sa pokus na tanong: Sa pagbuo ng tula ay mahalagang


maging maingat sa mga salitang gagamitin at dapat ding isaalang-alang
ang sukat at tugma nito.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya:
Lagyan ng akmang salitang kokompleto sa diwa ng tula sa ibaba. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

Awto isinilang kapantay magtulungan


Maykapal negosyo tayo pagpanaw
Sakto tikman sumamo yaman
Mayayaman tahanan busabos

Marami mang pera ang mga ______________,


At ang tinitirhan malalaking _______________,
At ang pagkain nila masarap mang _________,
Ako, kahit dukkha sila ay _________________.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

88
Mahirap man kami suot parang ____________,
Wala kaming kotse’t magagarang __________,
Maski laging kayo ang Boss sa ____________,
Ang paniniwala ko magkapantay ___________.

Tayo ay nilalang ng Poong ________________,


At layunin Niya tayo’y ____________________,
Wala kahit saplot nang tayo’y _______________,
Lahat… iiwan din sa ating __________________.

EBALWASYON
Panuto: Piliin ang titik ng kahulugan ng idyomang may salungguhit sa
bawat bilang.

1. Ang mga basing sisiw ay dapat nating tulungan.


a. basa ang sisiw b. kaawa-awa
c. mabuti d. bata

2. Laylay ang kanyang balikat nang siya ay umuwi galling trabaho.


a. pagod na pagod b. masakit ang balikat
c. bigo d. may sugat

3. Ang kanyang pamilya ay madalas magdildil ng asin.


a. asin ang ulam
b. masagana
c. nakakaawa
d. naghihirap

Panuto : Piliin ang titik ng tamang kahulugan ng salitang may diin batay sa
pagkakagamit sa pangungusap.

4. Bumababa ng marahan ang bata sa hagdanan.


a. nobya
b. musmos
c. sanggol
d. kaibigan
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

89
5. Naging bato ang kanyang puso simula ng siya ay lokohin ng kanyang
kasintahan.

a. uri ng matigas na mineral


b. semento
c. graba
d. manhid na

SUSI SA PAGWAWASTO
1.B 2.C 3.D 4.B 5.D

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotio

IV. Kasunduan
1. Sumulat ng isang talataan na ginagamitan ng mga salitang may talinghaga.

2. Humanda sa paggawa ng awtput.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

90
Ikalawang Sesyon

I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIa-b-24)


 Naisusulat ang dalawa o higit pang saknong ng tulang may paksang katulad
sa paksang tinalakay.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.1

Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa


google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Motibasyon
Paunahan ang bawat pangkat na makabuo ng 1 saknong na tula mula sa
larawan sa ibaba na may 4 na taludtod.

 Pag-uugnay sa aralin.
 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASP
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

91
G R A S P

Nakasusulat ng isang tulang orihinal na ginagamitan ng mga angkop


GOAL na salita.

Isa kang mahusay na manunulat ng makabagong tula (Spoken Word


ROLE Poetry) sa inyong paaralan.

Mga mag-aaral ng Bigaa Integrated National High School


AUDIENCE

Magkakaroon ng paligsahan sa paaralan para sa nalalapit na Araw ng


SITUATION mga Guro. Ikaw ang naatasan sa inyong klase upang magsulat ng tula
para sa nasabing paligsahan.

P R O DU C T Orihinal na tula.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG ORIHINAL NA TULA


DI-GAANONG
MAHUSAY MAHUSAY
BATAYAN NAPAKAHUSAY 5
4-3 2-1

Naipakita ang di-gaanong naipakita ang


Lubos na naipakita ang
Orihinalidad pagiging orihinal na pagiging orihinal na likha
pagiging orihinal na likha
likha

Lubos na naipahayag ang Naipahayag ang mga di-gaanong naipahahayag


Kaangkupan ang mga ideyang angkop
mga ideyang angkop sa ideyang angkop
sa paksa sa paksa
paksa sa paksa
Lubos na kinakitaan ng Kinakitaan ng di-gaanong kinakitaan ng
Wastong
wastong paggamit ng wastong paggamit ng wastong paggamit ng mga
gamit ng mga
mga salita sa bawat mga salita sa bawat salita sa bawat saknong
salita
saknong. saknong

IV. K A S U N D U A N

1. Sumipi ng isang tulang tradisyunal at piliin ang mga salitang may


talinghaga.
2. Magsaliksik ng mga kaalaman ukol sa balagtasan. Sumipi ng isang
halimbawa sa inyong kwaderno.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

92
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 9
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.3

Panitikan : Tulang Naglalrawan


Wika : Emosyon/Damdamin sa Iba’t Ibang Paraan
Blg. ng Araw : 2 sesyon
Unang Sesyon

I. LAYUNIN
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ie-43)
 Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t ibang paraan
at pahayag.
II. PAKSA
WIKA :Emosyon/Damdamin sa Iba’t ibang Paraan
Kagamitan :Pantulong na biswal, Lap top
Sanggunian :www.google.com, Kayumanggi, Perla Guererro
et. al
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: DAMHIN MO!
Ipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin sa mga larawan.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

93
Gabay na Tanong:
a. Anong damdamin ang nangibabaw sa bawat larawan?
b. Ilarawan kung bakit nakaaapekto sa iyo ang mga kalagayan sa larawan?

ANALISIS

1. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan upang maayos na


makapaglahad? Pangatuwiranan.

2. Anong kahalagahan ang maibibigay ng mga salitang naglalarawan sa


paglalahad ng iba’t ibang damdamin/emosyon?

Alam mo ba na…

Sa mga tulang naglalarawan, ganap na nabubuo sa isipan ng mga


mambabasa na may inilalarawan sa tulong ng mga salitang naglalarawan. Sa
tulong ng mga salitang ito, ang damdamin ng tuwa, lungkot, galit o iba pang
damdamin ng makata o ng isang manunulat sa isang kalagayan, pook o
pangyayari ay buong laya niyang naipahahatid sa kaniyang kapwa.
Sanggunian: Kayumanggi ni Perla Guererro et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PANGATUWIRANAN MO!


Pagbibigay katuwiran sa kaisipan sa tanong na:
 Paano nakatulong ang mga salitang naglalarawan sa pagsusuri ng
damdamin?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: HALINA’T TULA’Y ISULAT


Bumuo ng isang tulang naglalarawan ng damdamin gamit ang makabagong
panulaan o Spoken Word Poetry. Ipaliwanag kung bakit ang mga damdaming
ito ang namayani sa binuong tula.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

94
EBALWASYON

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng damdaming naaangkop sa bawat taludtod


ng tula.

A B C D

_____1. Daloy, aking luha…daloy aking luha sa gabing malalim


Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
Hugasan ang puso – yaring abang pusong luray sa hilahil,
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
“Luha” ni Rufino Alejandro

_____2. Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog


Kapag may malaking bombing sinusubok
Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
At saka malihis sakanyang pag-ikot,
Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog!
“Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan” ni Simon A. Mercado

_____3. Marahang-marahang
Manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat;
Di na kailangang
Sapnan pa ang pang binalat-sibuyas
Ang daliring garing
At sakong na wari’y kinuyom na rosas!
“Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos

_____4. Ikinulong ako sa kutang malupit:


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubos na tiwalag sa buong daigdig
At inuring kahit buhay man ay patay.
“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

95
_____5. Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
“Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado V. Hernandez

Susi sa Pagwawasto
C

1. C 2. B 3. A 4. D 5. C

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Gumawa ng tulang naglalarawan sa kasalukuyang isyu ng ating lipunan.


Dalawang saknong lamang na may apat na taludtod, labingdalawang
sukat at may tugma.

 Humanda sa gawaing pasulat.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

96
IKALAWANG SESYON

I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ie-43)


 Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng bansang Asya.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ie-43)


 Nabibigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na sariling
taludturan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.3 :Tulang Naglalarawan


Kagamitan :Mga larawan, Pantulong na Biswal

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon

Magpaparinig ang guro ng isang tulang mapaglarawan. (Malaya ang guro na


magparinig ng isang uri ng tulang naglalarawan. Susuriin ng mga mag-aaral
kung ano ang kalagayan ng isinasaad sa tula

ANALISIS

1. Isa-isahin ang mga salitang naglalarawan sa narinig na tula.

2. Ilahad kung naging maayos ang pagbigkas ng tula?

3. Ilarawan ang damdaming nangibabaw sa tulang narinig.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

97
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estatehiya: PATUNAYAN MO


Bumuo ng paliwanag na naglalarawan ng iyong pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng bansang Asya.

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing awtput.


Pagbigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na tula.

GRASPS
GOAL Makalikha ng isang tulang naglalarawan tungkol sa
pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang
Asya.
ROLE Manunulat ng tula.
AUDIENCE Mga mamamayan sa Asya
SITUATION Kailangang makalikha ng tulang naglalarawan sa
isang taong kapuri-puri ang nagawa sa bansa.
Ilarawan ang kanyang kadakilaan bilang isang
mabuting mamamayan ng bansang Asya.
PERFORMANCE Tulang naglalarawan
STANDARDS Orihinalidad 25%
Makatotohanan 25%
Angkop na mga salitang ginamit 25%
Maayos na paghahatid ng damdamin 25%
Kabuuan 100%
3. Pagbibigay ng fidbak sa isinagawa ng mga mag-aaral.
4. Pagbibigay ng iskor ng guro.
5. Pagpili ng natatanging mahusay na bumuo at bumigkas ng tula.

IV. KASUNDUAN
 Bumuo ng talata tungkol sa pagka-Pilipino ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paglalahad ng ating kultura, paniniwala at pagpapahalaga
sa pagiging mamamayan ng bansang Asya.

 Basahin at unawain ang sanaysay ng Indonesia na: “Kay Estela


Zeehandelaar” na isinalin ni Ruth Elynia S. Mabanglo.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

98
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 10

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.3

Panitikan : Tulang Naglalarawan


Wika : Emosyon/Damdamin sa Iba’t Ibang Paraan
Blg. ng Araw : 2 sesyon

II. PAKSA
Panitikan : “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”
(Tulang Liriko - Pastoral - Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Istratehiya: VIDEO OF SPOKEN WORD POETRY


Pag-unawa sa mensahe ni Juan Miguel Severo sa kanyang tulang "Ang Nag-iisa"

"Ang Nag-iisa"

Noong unang panahon


Noong ang mga bituin ay alitaptap pa lamang sa bukid
Ang araw ay namumuhay sa pagitan ng dalawang bundok
Ang buwan ay isang dalagang lagalag sa gubat
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

Minsang tumingala ang Nag-iisa sa langit 99


Umawit ng isang hiling kay Bathala
Baguhin ninyo ako
Tanggalin ang kadena sa aking mga kamay
Ang bato sa aking mga paa
Bigyan ninyo ako ng gabing hindi kasing dilim
Ng umaga na hindi kasing ginaw
At sinagot sya ni Bathala:
Ibibigay ko sayo ang iyong hiling
Kung tatanggapin mo ang alok kong sugal
Kailangan mong languyin ang pinakamalalim na ilog ng lungkot
Kalaban ang pinakamatitinding alon ng pighati
At hindi ka dapat lumubog
Kaya't ang Nag-iisa ay lumusong sa tubig
Sinanay ang sarili sa hirap ng paghinga
Lumangoy patungo sa dalampasigan ng saya
At nang umahon sya mula sa kanyang sugal
Kasama nyang umahon ang pag-ibig - ang pagmamahal
Sa unang pagkakataon
Ang Nag-iisa ay Nag-mamahal
Magkasama nilang nilakbay ang bawat burol, lambak at talampas ng maligaya
May pangako ng walang wakas
Pero nagbago ang anyo ng pag-ibig
Naging galit, pagod, sinungaling, mapagkimkim
Muling bumigat ang kamay at paa ng Nagmamahal
Kasabay nito ay ang pagdating ng isang napakalaking unos
Na nilunod ang lupa sa baha
At sa gitna ng napakalakas na ulan ay hindi na makilala ang mga nasalanta At ng
matapos ang sigwa, kasama ang puso sa nasalanta
Kasama ang pag-ibig sa nawala
Ang Nagmamahal ay muling Nag-iisa
Ang Nagmamahal ay muling Nag-iisa
Pero pagkatapos ng napakaraming gabi na kay dilim at ng umaga na kay ginaw
Sa wakas, napangiti muli sya
Kinausap muli si Bathala, lulusong muli sa tubig
Susugal at susugal pa
Kinausap muli si Bathala, lulusong muli sa tubig
Susugal at susugal pa Dahil hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit sa
pagmamahal?
Hindi ba't mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?

https://www.youtube.com/watch?v=d8trTWzs7BM
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

100
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK YOUR QUESTION
a. Tukuyin ang pagsubok na pinagdaanan ng isang taong ibig matupad
ang kahilingan.
b. Ilarawan ang una at ikalawang bahagi ng damdaming naranasan ng
persona sa tula?
c. Bigyang pansin ang estilo ng may akda. Paano sinimulan ni Juan
Miguel Severo ang kanyang tula?

2. Pokus na Tanong

a. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga


taga - Ehipto?
b. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?
c. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga
taga - Ehipto?
3. Presentasyon
Mungkahing Estratehiya:
Pag-unawa sa impormasyon mula sa slideshare.

. Panitikan at Tula mula sa Ehipto ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA


https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ang-tinig-ng-ligaw-na-gansa
ni Jenita D. Guinoo

Gawain:
Mungkahing Estratehiya: PIN THE WORDS
Bawat pangkat ay magkakaroon ng representante upang iangkop ang metacard sa
mga larawan.
Book of the dead Amduat Utterance
Coffin text s Bull of Heaven

1 2 3 4
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

101
Angkop na kasagutan:

1. Book of the dead 2. Coffin text


3. Utterance 4. Bull of Heaven

ANALISIS

1. Paano napatunayan na ang mga taga Ehipto noong una pa lamang ay may interes
na sa pagsulat ng tula?
2. Saan kalimitang ipinatutungkol ang mga naukit na tula?

DAGDAG NA KAALAMAN
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

102

B. Elehiya
C. Soneto
D.Oda
E. Awit
F. Dalit

Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015


nina Vilma C. Ambat et.al. pahina 87-89
http://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ang-tinig-ng-ligaw-na-gansa
http://tagaloglang.com/ano-ang-tulang-liriko/
http://tulangliriko.blogspot.com/

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: BUUIN MO


Bumuo ng konsepto ng araling tinalakay gamit ang mga gabay na ideya.

Tulang Pastoral

Simpleng paraan ng Gumagamit ng mga


pamumuhay simbolo kaugnay ang
kalikasan

Ugnayan ng persona sa Uri at Elementong Tula


kalikasan

Pagpapaha-
laga sa
buhay
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

103
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SPOKEN POETRY

Bumuo ng isang saknong ng tula na maglalaman ng sariling


karanasan, nabasa o narinig na nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan
sa pwersa ng kalikasan.

IV. Kasunduan

1. Magsaliksik ng iba pang tula mula sa Pilipinas na tiyakang nagpapakita ng


ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan.
2. Basahin nang may pag-unawa ang akdang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”
3. Paano nasasalamin sa tula ang kultura ng Egypt?

Ang mga banghay-aralin na ito ay maaaring magamit ng mga guro sa

asignaturang Filipino upang unti-unting mahasa ang mga makrong kasanayan na

kinakailangan sa pagkatha ng Spoken Word Poetry. Layunin nito na sa bawat

baitang ay magkaroon ng integrasyon ang makabagong panulaan sapagkat ang tula

ay nagiging paksa sa bawat antas.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

Kabanata 5
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang mga datos na nakalap ay mula sa mga tagasagot mga mag-aaral ng

Senior High ng Bigaa Integrated National High School ang siyang naging batayan

upang matamo ng mananaliksik ang kanyang layunin na tayain ang sanhi ng

pagkatha at epekto ng Spoken Word Poetry sa damdamin, kaisipan at kaasalan ng

mga mag-aaral.

Paglalagom ng mga Natuklasan

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay 138 na mag-aaral ng Senior High

na mula sa paaralan ng Bigaa Integrated National High School. Quantitative

research ang ginamit bilang dulog sa pag-aaral. Nakapaloob sa paamaraang ito ang

kwantitatibong pamamaraan. Narito ang mga resulta ng pag-aaral:

1. Sanhi ng Pagkahatha ng Spoken Word Poetry ng mga Mag-aaral

Lumalabas na ang nagtamo ng 3.21 ay ang indikasyong upang makapaglabas

ng saloobin na siyang pinakamataas na dahilan ng pagkatha at 2.77 naman ang

indikasyong makapagtanghal sa entablado na siyang pinakamababa.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

105
2. 1 Epekto ng Spoken Word Poetry sa Damdamin ng mga Respondente

Sa kabuuan, nagtamo ng 3.48 ang indikasyong naipapahayag ang damdamin

na siyang pinakamataas at 3.18 naman ang indikasyong nagkakaroon ng kaugnayan

sa binasa na siyang pinakamababa.

2.2. Epekto ng Spoken Word Poetry sa Kaisipan ng mga Respondente

Ipinakita na ang nagtamo ng 3.47 ang indikasyong umuuanlad ang

imahinasyon na siyang pinakamataas at 3.07 naman ang indikasyong nahihikayat sa

paggawa at pagsulat ng panulaan na siyang pinakamababa.

2.3. Epekto ng Spoken Word Poetry sa Kaasalan ng mga Respondente

Sa pangkalahatang epekto sa kaasalan, nagtamo ng 3.61 ang indikasyong

natututong making at umunawa na siyang pinakamataas at 3.28 naman ang

indikasyong nagkakaroon ng interes at pagpapahalaga sa mga isyung panlipunan at

nagiging mapanuri na siyang dalawang pinakamababa na may interpretsyong

Sumasang-ayon.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

106
3. Pagkakaugnay ng Sanhi ng Pagkatha at Epekto ng Spoken Word Poetry sa

mga respondente sa kanilang damdamin, kaisipan at kaasalan

Napagtanto ng mananaliksik na may pagkakaugnay ang Sanhi ng Pagkatha at

Epekto ng Spoken Word Poetry sa mga respondente sa kanilang damdamin,

kaisipan at kaasalan.

5. Pagkakaroon ng Gabay sa Pagtuturo upang magkaroon ng integrasyon ang

panulaan o spoken word poetry sa lahat ng antas sa asignaturang Pilipino.

Malaki ang maitutulong ng gabay sa pagtuturo upang magkaroon ng

integrasyon ang spoken word poetry sa lahat ng antas sa asignaturang Pilipino. Ito ay

kakailanganing maipasok sa aralin sapagkat malimit na nagkakaroon ng paligsahan

ng spoken word poetry sa mga paaralan.

Konklusyon

Batay sa kabuuang lagom na natuklasan, ang mananaliksik ay naglahad ng

sumusunod na konklusyon.

1. Na batay sa kinalabasan ng pag-aaral, kumakatha ang mga mag-aaral ng Spoken

Word Poetry sapagkat ito ay isa sa kanilang paraan upang makipag-usap o di kaya

naman ay makapagsabi ng kanilang mga nais ibahagi sa mga taong kanilang nasa

paligid. Patunay na ang Spoken Word Poetry ay may magandang naitutulong upang
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

107
hindi mapag-isa ang isang indibidwal sa kanyang nararamdaman. Hindi man nila ito

nais ibahagi sa itaas ng entablado sa kung ano mang dahilan ay mananatiling

naisiwalat nila ang kanilang kwento at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat.

Nangangahulugan ito na nakakaakit ng atensyon ang estilong Spoken Word Poetry

pagdating sa indutriya ng panulaan at nagiging malaki ang impluwensiya nito sa

madla lalo na sa mga mag-aaral ng Senior High School.

2. Na lumalabas sa pag-aaral na may epekto sa kanilang damdamin ang pagkatha,

pakikinig o kahit panonood lamang ng spoken word poetry. Ito’y itinuturing nilang

isang paraang ng pakikipag-usap o di kaya naman ay pagsasabi ng kanilang

damdamin sa malikhaing paraan kung kaya’t mas napapalabas ang emosyon ng

isang indibidwal. Hindi man nagkakaroon ng paboritong paks a ang ilang

respondente, ito marahil ay dahil pinapahalagahan nila ang emosyong namumutawi

sa lahat ng kathang tula.

3. Na lumilitaw na hindi masyadong nahihikayat ang mga mag-aaral sumulat ng tula

dahil gusto lang nila, kung hindi, kumakatha sila ng tula dahil sa kanilang pagsulat

ay mas lumalawak ang kanilng bokabolaryo sa wika. Kung gayon, ipinapakita

lamang nito na nahuhubog ang kaalaman at nadedebelop ang mga kasanayan sa

pagsusulat, pagbabasa at pagsasalita ng mga respondente. Malaki ang epekto nito sa

pagpapaunlad ng kanilang isipan pagdating sa pagiging makata. Isa pang epekto sa


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

108
isipan ay ang nakapag-iisip ng mas malalim na kahulugan ang mga respondente sa

mga bagay-bagay tulad ng kung ano ba ang nais iparating ng isang katha, para

kanino ba ang katha, para saan ba ang katha at iba pa.

4. Na nagkaisa ang mga babae at lalaki na mas lumalawak ang kanilang pang-unawa

sa damdamin ng isang nagsasalita, kung gayon ay hindi nagiging bigo ang

kumakatha na maiparating ang nais niyang sabihin kahit na ito ay nasa malikhaing

pamamaraan. Ito ay mainam na indikasyon na ang kumakatha na siyang nagsasalita

at ang nanonood na siyang tagapakinig ay parehong nakakakuha ng benepisyo sa

Spoken Word Poetry pagdating sa kaasalan. Naniniwala ang kumatha ng tula na

hindi siya huhusgahan ng kanyang mga tagapakinig sa halip ay uunawain nila ang

kanyang mensahe.

5. Na may malaking kaugnayan ang sanhi ng pagkatha at epekto ng Spoken Word

Poetry sa damdamin kais ipan at kaasalan ng mga mag-aaral kung papangkating sa

kanilang kasarian. Nangangahulugan ito na mayroong malaking bahagi ng Spoken

Word Poetry sa mga aspetong nabanggit sa mga mag-aaral ng SHS sa Bigaa

Integrated National high School na humuhubog sa kanilang pagkatao.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

109
Rekomendasyon

Matapos ang masusing pananaliksik at pag-aaral, ang mga sumusunod ay

iminumungkahi ng mananaliksik:

1. Para sa mga tagapagtaguyod ng Wikang Filipino, panatilihin ang pagkakaroon ng

tagisan sa pagkatha at pagbigkas ng Spoken Word Poetry sa mga paaralan, isa itong

paraan para makita ng iba pang mag-aaral ang mga kapwa nila na nagtatanghal sa

entablado at maging inspirasyon nila upang makatayo rin sa unahan pagdating ng

tamang panahon na nadebelop na rin nila ang kanilang tiwala sa sarili.

2. Nararapat lamang na maglaan ng emosyon habang bumibigkas upang makarating

sa damdamin ng mga makikinig ng tula na ang panulaang Pilipino ay isa sa

pinakamayamang panitikan sa Pilipinas at nararapat lamang na manatili at patuloy

na yumabong.

3. Iminumungkahi ng mananaliksik bilang gabay sa kahusayan at kaunlaran ng mga

kumakatha ng Spoken Word Poetry sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at

pagkatuto ng mga mag-aaral. Gayon din ang pagdelop ng makrong kasanayan sa

tulong ng mga guro ng Filipino sa bawat paaralan.

4. Sa mga tagapakinig ng Spoken Word Poetry, maging magaling sa interpretasyon

ng mga tulang pinapakinggan upang magkaroon pa ng mas malaking epekto sa


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

110
inyong kaasalan at higit na mapaunlad ang inyong kakayang umunawa sa

nararamdaman ng isang taong nagsasalita.

5. At dahil lumabas na mayroong malaking kaugnayan ang sanhi at epekto sa

damdamin, kaisipan at kaasalan ang Spoken Word Poetry sa mga mag-aaral ng SHS

sa Bigaa INHS, inererekomenda na bigyang pansin ang kahalagan ng SWP sa ating

lipunan upang mapanatili at mapaunlad pa ang kaalaman ng mga kumakatha at

tagapakinig nito at ito ay sa pamamagitan ng integrasyon ng SWP sa kahit anong

asignatura sa loob ng paaralan.

6. Sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay gawing batayan upang mapalawak

ang kaalaman sa sumasang-ayon kahalagahan ng panulaan o Spoken Word Poetry sa

isang bansa. Dumalo sa mga open-mic sessions ipang makilala pa ang industriya ng

panulaan at makinig sa mga ikinatha ng mga sikat na manunulat na magbibigay daan

upang mahubog ang damdamin, kaiisipan at kaasalan sa pamamagitan ng Spoken

Word Poetry.

7. Sa mga susunod na mananaliksik, palawigin pa ang mga nakuhang datos upang

magakaroon ng higit pang kredibilidad at baliditi na magiging gabay para sa iba

pang mananaliksik na tumatangkilik at magsasagawa ng pananaliksik patungkol sa

Spoken Word Poetry. Maaring magsagawa ng kaugnay na pag-aaral tulad nito na


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

111
nakatuod sa paggamit ng Spoken Word Poetry bilang estratehiya sa pagtutro upang

mas mapag ibayo ang interes ng mga mag-aaral sa panulaan.


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

112
TALASANGGUNIAN

Abadilla, Alejandro. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved mula sa https://philippine
culturaleducation.com.ph/abadilla-alejandro/

Abario, A. (2008).Spoken Word Poetry: Muling Pagsibol ng Wikang Pilipino from


https://www.facebook.com/feuadvocate/posts/tamdigestspoken-word-poetry-muling-
pagsibol-ng-wikang-filipinolabing-anim-na-let/10154842178930288/

Almario, V.S. (2011). Pitong tanong sa multilingual education.Word press

Aragon, a. (2010). Mga estratehiya at mga banghay aralin sa pagtuturo ng Filipino.


Vibal Publishing House Inc.

Arrogante, J.A. (2010). Panitikang Filipino:binagong edisyon. Ipinalathala sa National


Bookstore.pahin 21. Mandaluyong City

Belvez, P. M. (2013). Ang sining at agham ng pagtuturo, aklat sa pamamaraan ng


pagtuturo ng Filipino at/sa Filipino. Rex Bookstore, Sampaloc, Manila.

Brand, H. (2016). Students Find Healing Through Spoken-Word Poetry.


Retrieved February 14, 2018, from http://www.statepress.com/article/
2016/11/spartcult-spoken-word-poetry-workshop-and-slam

Brewton, V. (n.d.). Literary Theory. Retrieved April 04, 2018, from


http://www.iep.utm.edu/literary/

Carlos, Mj. (September 2015). Kasanayan sa pakikinig. Retrieved (October 2016) From:
http://prezi.com>kasanayan-sa-pakikinig
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

113
Cordova, J &Yusi, P. (2015). Snaps For Slams: Spoken Word Poetry. Retrieved
February 15, 2018 fromhttp://thelasallian.com/2015/03/29/snaps-for-slams-
spoken-word-poetry/

Cruz, Isagani. 21st Century Literature. Philippine Star. 23 Oktubre 2013.


http://www.philstar.com/educationandhome/2013/10/24/1248724/21century-literature
19 Mayo 2015

Daniels, P. (2016). Writing in the world and linguistics. Journal Issue 2016

Desai, S. R., & Marsh, T. (2005). Weaving Multiple Dialects in the Classroom
Discourse: Poetry and Spoken Word. Taboo, 9(2), 71-90.

Dogra, D., and Tannehill, D. (2011). Young leading and managing people
through education. Mountain View C.A Mayfield.

Ermetes Jr, Adolfo(2012). Behavioral sscience 134 . Journals book 2014

Espina at Borja. (2013). Makrong kasanayan sa wika, pagsasalita at pakikinig ni


Bernales. Mutya Publishing House Inc.

Ferelli (2018). Muling Pagsibol ng Wikang Pilipino from https://www. facebook.com/


feuadvocate/posts/tamdigestspoken-word-poetry-muling-pagsibol-ng-wikang-
filipinolabing-anim-na-let/10154842178930288/

Garcia J. (November 8, 2016). Kasanayan sa pagsasalita. Retrieved (September


2016) From: http://prezicom>_dcyoxfleck2>copy.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

114
Gregory, H. (2008). The Quiet Revolution of Poetry Slam: TheSustainability of
Cultural Capital In The Light Of Changing Artistic Conventions. Ethnography
and Education, 3(1), 63-80.

Guadana, C. (July 2014). Makrong kasanay sa pakikinig. Retrieved (October 2016)


From: http://prezi.com>copy-of-makrong-kasanayan-sa-pakikinig

Howatt at Dakin (n.d.). Journal studies in education. Volum 2, No.2 ni Mohammad


Nurul Islam.

Mabilin, E.R.(2010) Pagbasa at pagsulat para sa esensyal na pananaliksik October:


Bibliographic service

Macaraig-Bagsit, M. (2005). Sulyap sa Panulaang Filipino-Manila, Philippines:


Rex Bookstore Incorporation

Magcamit, M.R.(2013). Pakikinig kasanayang dapat matutunan. Retrieved (October


2016) From: http://fil.wikipilipinas.org/index.php

Mangahis Josefina(May 2011) Ang Makrong kasanayan sa Filipino sa Filipinohiya.


Retrieved (September 2016) From: www.disu.Edu.ph/research/ faculty/research-
output.pdf

Mendoza, E. (2002). Sining ng Pagbigkas at pagsulat at pakikipagtalastasan: tula,


deklamasyon, talumpati at kwento—Mandaluyong City, Philippines: National
Bookstore

Michalko K. (2012). The Effect of Spoken Word Poetry on the Development of Voice
Writing. Published by Fishers Digital Publications
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

115
Molina, G. (2014). Ang proseso, mga teorya at kasanayan sa pagbasa. Retrieved
(October 2016) From: study-everythong,blogspot.comkahulugan-at-kahalagahan-ng-
pagbasa.html.

Nem Singh, A. (2005). Sining sa Pagbigkas: mga tula, balagtasan at


talumpati/Mandaluyong City Philippines: National Bookstore

Omnes, R. (November 2013). Kasanayan sa panonood. Retrieved (October 2016)


http://prezi.com>panonood

Orita, Rosalie. (2015) Sa Tula Ang Daigdig ng Tula, ang Daigdig ng Makata at ang
Daigdig ng Kaakuhan ni Alejandro G. Abadilla sa "Ako ang Daigdig at Iba Pang mga
Tula" ni Pat V. Villafuerte mula sa
https://www.academia.edu/13013128/panunuring_pampanitikan

Overcoming Fear of Public Speaking (2017). The Power Of Spoken Word Poetry.
Retrieved February 14, 2018 from https://www.write-out-loud.com/power-of-
spoken-word.html

Parco, Zander (February 2015). Makrong kasanayan. Retrieved (September 2016)


http://zanderparco.blogspot.com/

Pinlac, D. (2014). Kaalaman at Pananaw ng mga Piling Mamamayang Pilipino sa


pagpapalit ng pangala ng bansa mula Pilipinas sa Filipinas.

Sauco, C. (2006). Pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina. Katha Publishingpp. 143-
165. Makati City.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

116
Stieber, D. (2014). The Power of Spoken Word Poetry. Retrieved February 14,
2018, from https://www.huffingtonpost.com/dave-stieber/the-power-of-spoken-
word-_b_4763981.html

Tejada, V. (December 11, 2014). Makrong Kasnayan. Retrieved (September 2016)


From: http://prezi.com>copy-of-makrong-kasanayan

Villafuerte E. (2006). Guro mula tsok hanggang internet pambansang samahan ng


linguistika Filipino
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

117
APPENDIKS A

Liham Pagbabalideyt

Setyembre 14, 2019

ANACLETA M. CABIGAO, Ph.D


Propesora- Gradwadong Pampaaralan
Laguna College of Business and Arts

Mahal na Dr. Cabigao:

Ako po ay kasalukuyang mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of


Business and Arts (LCBA) na bumabalangkas ng isang pag-aaral na pinamagatang
“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry at
Epekto nito sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”.
Kaugnay po nito, hinihingi ko po ang inyong tulong at kadalubhasaan sa
pagbabalideyt ng aking talatanungan para sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

Maraming salamat po!

Kristian L. Tabafunda
Mananaliksik

Pinagtibay nina:

Vivien E. Untalan, LPT,PhD


Tagapayo

Ernilda L. Decena, LPT, Ph.D


Dekano,Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

118
Liham ng Pagbabalideyt
Setyembre 14, 2019

Vivien E. Untalan, Ph.D.


Propesora- Gradwadong Pampaaralan
Laguna College of Business and Arts

Mahal na Dr. Untalan:

Ako po ay kasalukuyang mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of


Business and Arts (LCBA) na bumabalangkas ng isang pag-aaral na pinamagatang
“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry at
Epekto nito sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”.
Kaugnay po nito, hinihingi ko po ang inyong tulong at kadalubhasaan sa
pagbabalideyt ng aking talatanungan para sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

Maraming salamat po!

Kristian L. Tabafunda
Mananaliksik

Pinagtibay nina:

Vivien E. Untalan, LPT,PhD


Tagapayo

Ernilda L. Decena, LPT, Ph.D


Dekano,Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

119
Liham ng Pagbabalideyt
Setyembre 14, 2019

DR. EULALIA M. JAVIER


Institutional Statistitian
Laguna College of Business and Arts

Mahal na Dr. Javier:

Ako po ay kasalukuyang mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of


Business and Arts (LCBA) na bumabalangkas ng isang pag-aaral na pinamagatang
“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry at
Epekto nito sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”.
Kaugnay po nito, hinihingi ko po ang inyong tulong at kadalubhasaan sa
pagbabalideyt ng aking talatanungan para sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

Maraming salamat po!

Kristian L. Tabafunda
Mananaliksik

Pinagtibay nina:

Vivien E. Untalan, LPT,PhD


Tagapayo

Ernilda L. Decena, LPT, Ph.D


Dekano,Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

120
Liham ng Pagbabalideyt

Setyembre 16, 2019

Dr. Ramir Larino


Istatistisyan ng Institusyon
Laguna College of Business and Arts

Mahal na Dr. Larino

Ako po ay kasalukuyang mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of


Business and Arts (LCBA) na bumabalangkas ng isang pag-aaral na pinamagatang
“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry at
Epekto nito sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”.
Kaugnay po nito, hinihingi ko po ang inyong tulong at kadalubhasaan sa
pagbabalideyt ng aking talatanungan para sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

Maraming salamat po!

Kristian L. Tabafunda
Mananaliksik

Pinagtibay nina:

Vivien E. Untalan, LPT,PhD


Tagapayo

Ernilda L. Decena, LPT, Ph.D


Dekano,Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

121
APPENDIKS B

Ang Talatanungan

Ang mananaliksik ay gumawa ng mga talatanungan na siyang tutugunan at

sasagutan ng mga respondente batay sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha at Epekto ng Spoken Word

Poetry sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”

Personal na impormasyon

Pangalan (Opsyonal): ________________________

Edad: ________ Kasarian: _______

1. Direksyon: Lagyan ng tsek ang kahon na naaangkop sa iyong kasagutan

Palatandaan I:
4 – Lubhang Sumasang-ayon (LS)
3 – Sumasang-ayon (S)
2 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1- Hindi Sumasang-ayon (HS)
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

122

4 3 2 1
Ako ay kumakatha ng Spoken Word Poetry upang:
(LS) (S) (BS) (HS)

1. Makapaglabas ng saloobin

2. Makapagtanghal sa entablado o harap ng madla

3. Makapagpakita ng potensyal sa pagkatha

4. Makapagbaliktanaw sa mga karanasan

5. Makapagsalaysay ng kwento

Makapagbigay importansiya at impormasyon


6.
hinggil sa mga napapanahong isyu

7. Mahubog ang kakayahan bilang manunulat


Maging instrumento upang ang iba ay mahikayat na
8. tangkilikin ang tula

9. Maging inspirasyon ng mga mambabasa

Maging hamon sa iba nang maging daan upang


10.
magsikap rin silang kumatha
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

123

Palatandaan II:

4 – Lubhang Sumasang-ayon (LS)


3 – Sumasang-ayon (S)
2 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1- Hindi Sumasang-ayon (HS)

Ang Epekto ng Spoken Word Poetry sa aking 4 3 2 1


Damdamin ay: (LS) (S) (BS) (HS)

1. Nagiging emosyonal

2. Nagkakaroon ng inspirasyon

3. Nagiging leksyon

Nagkakaroon ng koneksyon sa nararamdaman


4.
ng manunulat
Naramdaman at naisasabuhay ang mensahe ng
5.
binasang panulaan

6. Nagkakaroon ng paboritong paksa ng tula.

7. Nagkakaroon ng kaugnayan sa binasa

8. Napapagaan ang lungkot na nadarama

Napapangiti sa ma taludtod na may


9.
pagkakapareho sa buhay

10. Naipahayag ang damdamin


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

124
Palatandaan III:

4 – Lubhang Sumasang-ayon (LS)


3 – Sumasang-ayon (S)
2 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1- Hindi Sumasang-ayon (HS)

Ang Epekto ng Spoken Word Poetry sa aking 4 3 2 1


Kaisipan : (LS) (S) (BS) (HS)

Nagkakaroon ng panibagong ideya sa isang


1.
bagay
Nahihikayat sa paggawa at pagsulat ng
2.
panulaan

3. Natutuklas ang layunin sa pagsulat ng panulaan

Nagkakaroon ng kaalaman sa karanasan ng


4.
isang tao

5. Nagpapalawak ng bokabolaryo

6. Nagpapaunlad ng pagiisip

7. Nagkakaroon ng interes sa malalalim na salita

8. Umunlad ang imahinasyon

Nakakapagisip ng mas malalim na kahulugan


9.
sa isang bagay

10. Mas bumilis ang pag-iisip


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

125
Palatandaan IV:
4 – Lubhang Sumasang-ayon (LS)
3 – Sumasang-ayon (S)
2 - Bahagyang Sumasang-ayon (BS)
1- Hindi Sumasang-ayon (HS)

Ang Epekto ng Spoken Word Poetry sa aking 4 3 2 1


Kaasalan ay: (LS) (S) (BS) (HS)

1. Nagiging maunawain sa damdamin ng iba

2. Nadedebelop ang pagiging matiyaga

3. Natututong magpahalaga sa sariling likha

4. Nakapagsasabuhay ng magandang asal


Nagkakaroon ng interes at pagpapahalaga sa
5.
mga isyung panlipunan
6. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili

7. Nagiging mapanuri

8. Lumalawak ang pananaw sa mga bagay-bagay

9. Natututong tumimbang ng mga pangyayari

10. Natututong makinig at umunawa


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

126
APENDIKS C
Liham Pahintulot sa Tagapamanihala

Setyembre 16, 2019

DORIS DJ. ESTALILLA, Ed.D.


Tagapamanihala
Dibisyon Lungsod ng Cabuyao

Mahal na Tagapamanihala:

Ako po ay kasalukuyang mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of


Business and Arts (LCBA) na bumabalangkas ng isang pag-aaral na pinamagatang
“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry at
Epekto nito sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”.
Kaugnay po nito, ang inyo pong lingkod ay magalang na humihingi ng pahintulot na
makapamigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng Senior High School sa
Bigaa Integrated National High School taong panuruan 2019-2020. Ang mga datos na
malilikom sa talatanungan ay malaki po ang maitutulong sa katuparan ng pag-aaral
na ito.
Maraming salamat po at umaasa po ako sa inyong marubdob na pagtanggap at
pagsang-ayon sa aking kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Kristian L. Tabafunda
Mananaliksik

Pinagtibay nina:

Vivien E. Untalan, LPT, Ph.D


Tagapayo

Ernilda L. Decena, LPT, Ph.D


Dekano,Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

127
APENDIKS D

Liham Pahintulot sa Punongguro

Setyembre 16, 2019

MARIA VICTORIA B. RODRIGUEZ


Punongguro I
Bigaa Integrated National High School

Mahal na Punongguro:

Ako po ay kasalukuyang mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of


Business and Arts (LCBA) na bumabalangkas ng isang pag-aaral na pinamagatang
“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry at
Epekto nito sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”.
Kaugnay po nito, ang inyo pong lingkod ay magalang na humihingi ng pahintulot na
makapamigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng Senior High School sa
inyong paaralan taong panuruan 2019-2020. Ang mga datos na malilikom sa
talatanungan ay malaki po ang maitutulong sa katuparan ng pag-aaral na ito.
Maraming salamat po at umaasa po ako sa inyong marubdob na pagtanggap at
pagsang-ayon sa aking kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Kristian L. Tabafunda
Mananaliksik

Pinagtibay nina:

Vivien E. Untalan,Ph.D
Tagapayo

Ernilda L. Decena, LPT, Ph.D.


Dekano,Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

128
APENDIKS E

Liham Pahintulot sa Ulonggguro

Setyembre 16, 2019

MARGIE M. LONTOC, Ph.D.


Koordineytor ng SHS
Bigaa Integrated National High School

Mahal na Koordineytor:

Ako po ay kasalukuyang mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of


Business and Arts (LCBA) na bumabalangkas ng isang pag-aaral na pinamagatang
“Panulaan sa Kasalukuyan: Sanhi ng Pagkatha ng Spoken Word Poetry at
Epekto nito sa Damdamin, Kaisipan at Kaasalan ng Mag-aaral”.
Kaugnay po nito, ang inyo pong lingkod ay magalang na humihingi ng pahintulot na
makapamigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng Senior High School sa
inyong paaralan taong panuruan 2019-2020. Ang mga datos na malilikom sa
talatanungan ay malaki po ang maitutulong sa katuparan ng pag-aaral na ito.
Maraming salamat po at umaasa po ako sa inyong marubdob na pagtanggap at
pagsang-ayon sa aking kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Kristian L. Tabafunda
Mananaliksik

Pinagtibay nina:

Vivien E. Untalan,Ph.D
Tagapayo

Ernilda L. Decena, LPT, Ph.D


Dekano,Paaralang Gradwado
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

129
APENDIKS F

MGA GINAMIT NA KALATAS


LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

130
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

131
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

132
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

133
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

134

CURRICULUM VITAE

KRISTIAN L. TABAFUNDA
BSE & MAED Filipino

Institution : Bigaa Integrated National High School


Address : Bigaa City of Cabuyao,Laguna
Home Address : 005 Purok 1 Butong,
City of Cabuyao, Laguna
Mobile no. : 09126801994
Email address : kristian.tabafunda@deped.gov.ph

SUMMARY

Masigasig at may pagmamahal sa napiling propesyon na lalo pang


pinapalawak ang kaalaman para sa ikabubuti ng kanyang mga mag-aaral. Hindi
sinusukuan ang anumang laban at kayang harapin anumang pagsubok at dagok sa
buhay nang may tapang at tibay ng kalooban. Gabay ang inspirasyon mula sa pamilya
at mahal sa buhay. At dedikasyon sa anumang gawain na alay sa Poong Maykapal.

EXPERIENCE HIGHLIGHTS

NATURE OF WORK / INCLUSIVE YEARS COMPANY / SCHOOL


POSITION
Kinder Teacher 2014-2016 Bigaa Elementary School
Secondary Teacher 2016- present Bigaa Integrated National
High School
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

135
EDUCATION

Master of Arts in Education major in Filipino (2020) Laguna College of Business


and Arts, Calamba City Laguna, Philippines
Bachelor of Secondary Education major in Filipino (2014) University of Perpetual
Help System, Binan City Laguna, Philippines

PROFESSIONAL GROWTH ACTIVITIES (for the last 5 years ONLY.)

DATE TITLE OF SEMINAR VENUE TYPE OF


WORSHOP/CONFERENCE PARTICIPATION

August Ika-6 na Panrehiyong Pasataf Sta. Rosa Sports Attendee


31, 2019 complex

May Writeshop on the Development Pansol Attendee/


28-31, of Worksheets Calamba, Writer
2019 Laguna
May Regional K to 10 Training for Quezon Attendee
26-30, Teachers in Critical Content of Province
2018 Filipino 7
November Outdoor Leadership Course Los Banos, Attendee
17-19, 2017 Laguna

PROFESSIONAL REFERENCES

MARIA VICTORIA B. RODRIGUEZ


Principal I

MARGIE M. LONTOC, Ph.D


Head Teacher III

KRISTIAN L. TABAFUNDA, BSE, MAEd

You might also like