You are on page 1of 9

Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik

“Ang taong palabasa ay hindi nahuhuli sa mga balita”

LAYUNING PAMPAGKATUTO

Pagkatapos basahin at talakayin ang mga nakapaloob sa kabanatang ito,


inaasahang kong:

a. nabibigyan mo ng kahulugan ang pagbasa;


b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbasa sa iba’t ibang disiplina; at
c. natatalakay ang mga hakbang sa pagbasa;

A. KATUTURAN

Ang pagbasa ay isa sa limang kasanayang pangwika. Upang lubos nating


maunawaan ang pagbasa, ating bigyan-pansin ang pagpapakahulugan ng mga
dalubhasa.

Ayon kay Austero (1999)

 Ang pagbasa ay paraan ng pagkilala at pagkuha ng ga ideya at


kaisipan sa mga sigisag na nakasulat upang mabigkas ng pasalita.
 Pag-unawa sa wika ng manunulat sa pamamagitan ng pasulta na
simbolo.

Leo James

 Ang pagbasa ay pagbibigay kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag


na mga salita.

Goodman

 Ang pagbasa ay isang saykolinggwistik na paghuhula


(psycholinguistic guessing game) na sa pagbabasa ay nabubuo muli ng
isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa.

1
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik
Mula sa pagpapakahulugan ng mga dalubhasa sa salitang pagbasa, masasabi
na nating ito ay pagkilala, pagbibigay interpretasyon at pag-unawa sa mga
kaisipan mula sa simbolong nakalimbag. Ito ay hakbang sa pag-unawa sa mga
ideyang nais ipahatid ng manunulat.

B. MGA KATANGIAN NG PAGBASA

1. Naiuugnay sa pagbabasa pakikinig, pag-unawa at pagsulat.


2. Sa pamamagitan ng pagbabasa, nalilinang natin ang iba-ibang kasanayan
gaya ng:
a. Kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye.
b. Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay.
c. Kasanayan sa pagkilala o pagdama ng estilo ng awtor.
d. Kasanayan sa pagkilala ng pamaksasang pangungusap.
e. Kasanayan sa pagbibigay ng sariling konklusyon.
C. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA MABISANG
PAGBASA
1. Tiyaking nasa kundisyon ang mga paningin.
2. Iwasan ang maingay na kapaligiran.
3. Kailangang may tiyak na layunin sa pagbasa.
4. Isang malaking tulong sa babasa ang malawak na talasalitaan.
5. Mahalaga rin ang lubos na kaalaman sa mga bantas.

D. HAKBANG SA PAGBASA AYON KAY WILLIAM S. GRAY

1. Persepsiyon o pagkilala – pagkilala ito sa mga nakalimbag na simbolo at


kakayahang mabigkas ang salita bilang isang makahulugang yunit.
2. Pag-unawa – pag-unawa sa mga ideya at kaisipang ipinapahayag ng mga
simbolo at salitang nakalimbag.
3. Reaksiyon – pagpapasaya sa kawatuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa
mga isinulat ng awtor.
4. Integrasyon – pag-uugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga nakaraan at
bagong karanasan.

E. KAHALAGAHAN NG PAGBASA

1. Nagdudulot ng paglalakbay sa iba’t ibang panig ng daigdig na nais


marating.
2. Nagiging daan ito upang makilala ang mga bantog at dakilang tao tungo sa
mga karanasan at mithiing pinapangarap.
3. Nagdudulot ng malaking impluwensiya sa pagkatao o personalidad.
4. Nagbibigay ng impormasyon na magiging daan upang magkaroon ng
kabatiran at karunungan.

2
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik
5. Sa pagbabasa naantig ang damdamin. Nababago ang saloobin at layunin sa
buhay na nagbibigay ng kalutasan sa mga suliranin at kahinaang taglay.

F. MGA URI NG PAGBASA

A. Ayon sa layunin
1. Masusing pagbasa – maingat at puspusang pag-unawa sa isang aralin
o teksto. Maaaring ito ay bahagi ng tula, maikling kwento, sanaysay at
iba pang akda nauukol sa mapanuring pag-aaral sa nilalaman at
kayarian ng teksto.
2. Masaklaw na pagbasa – karaniwang itinakda ng guro nang maaga at
ginagawa sa labas ng silid-aralan. Maaaring ito ay buong maikling
kwento, kabanata ng nobela o isang drama kaya nakatuon ang pag-
unawa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na mga detalye ng akda.

B. Ayon sa paraan ng pagbasa


1. Tahimik na pagbasa – mata lamang ang ginagamit sa pagbasa.
2. Pasalitang pagbasa – gumagamit ng bibig bukod sa mga mata kaya
may tunog at pagsasalita.

Mga uri ayon sa bilis o tulin ng pagbasa

Ang isang mambabasa ay walang isang uri lamang ng bilis na maiiukol sa


lahat ng klase ng babasahing nangangailangan ng mabilis, mabagal o ng
katahimikang tulin sa pagbabasa.

Ang bilis ng pagbabasa ay nauuri ayon sa mga sumusunod:

1. Kahirapan ng seleksyong binabasa


2. Pagkakaayos o pormat ng seleksyon
3. Layunin sa pagbabasa
4. Kakayahan at kasanayan ng mambabasa
5. Kaalaman sa paksa ng seleksyong binabasa

A. Study speed (bilis habang nag-aaral bumasa)


- Ito ang pinakamabagal na pagbas at ginagamit ito sa mahihirp na
seleksiyon. Kailangan ang ganitong tulin lalo na kung susunod sa
panuto o kaya’y kailangang unawaing mabuti ang nilalaman ng mga
dokumento.
B. Mabilis na pagbasa
- Ito’y paraan ng pagpili sa mahahalagang bahagi ng binabasa.
Hinihirang lamang dito ang mga bahaging kailangan para sa isang
layunin. Ito ang pinakamahalagang kasanayan para sa isang ganap na
mambabasa.

3
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik

G. LIMANG DIMENSIYON SA PAGBASA

1. Unang Dimensiyon – pag-unawang literal.


Malilinang ang kakayahan ng mga mambabasa sa paghahanap ng
mga katotohanan at pagpuna sa mga detalye, pagkilala sa mga tauhan
kinakausap at pag-uuganay ng mga sinabi sa tauhang nagpapahayag,
pag-unawa sa mga bantas, jpagpuna sa mga wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pagyayari, pagbubuod o paglalagom sa binasa, paggawa
ng balangkas, pagkuha ng pangunahing kaisipan at paghanap ng
katibayan para sa pansamantalang konklusyon.

2. Ikalawang dimensiyon – interpretasyon


Pag-unawang lubos sa mga kaisipan at ideya ng awtor at
manunulat. Layunin ng dimensiyong ito ang kumilala sa katangian ng
mga tauhan at kumilala sa reaksiyong pandamdamin ng tauhan,
maghinuha sa mga sinundang pangyayari, magbibigy ng sariling
opinion o reaksiyon at pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang
salita.

3. Ikatlong dimensiyon – mapanuring pagbasa


Binibigyang pasya at kinikilatis ang kahalagahan ng mga ideya at
kaisipan at ang epekto ng paglalahad. Ang mga batayang kasanayan
dito ay maaaring pagbibigay ng reaksiyon, pagtataya ng mga
kaugnayan ng mga pangungusap at ideya sa talataan, pagkilala sa
layunin, kalagayan, tono at kawilihan ng awtor o kaya ang pagdama sa
pananaw ng manunulat, pagkilala sa paraan o istilo ng pagbubuo ng
awtor ng akda, pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng
kwento, pagtatya sa katotohanan (totoo o likhang isip), pag-unawa sa
mga impresyong nadarama, pagtataya sa katumpakan ng kaalaman,
pagbibigay ng pagkakaiba at pagtutulad at pagpapahalaga sa mga
values na inilahad sa akda.

4. Ikaapat na dimensiyon – pag-uugnay


Pag-uugnay ng mga ideyang nabasa sa mga sariling karanasan o
pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang
magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa. Sa dimensiyong ito,
hinihingi ang pagbibigay ng reaksiyon, ang pagpapakita ng kaugnayan
ng buong kaisipan sa sariling karanasan at tunay na pangyayari sa
buhay, pagpapalawak ng kawilihan sa p agbasa sa pamamagitan ng
talakayan ukol sa paglalahad ng mga kaugnay na karanasan at
impormasyon at pagpapaliwanag sa nilalaman o ideyang binasa base
sa sariling karanasan.

4
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik

5. Ikalimang dimensiyon – malikhaing pagbasa


Paggawa ng sariling istilo o paglikha ng sariling ideya base sa mga
kasanayan at interes sa binasang akda. Gawin ang pagbabago sa mga
sumusunod:

a. Introduksiyon ng seleksyon o kwento


b. Pamagat ng seleksiyon
c. Mga katangian ng mga tauhan
d. Mga pangyayari o sitwasyon sa kwento
e. Ang wakas o katapusan ng kwento
f. Pagsulat o paggawa ng kwento base sa binasang seleksiyon

H. APAT NA KAHULUGANG NAKAPALOOB SA TEKSTO

1. Kahulugang Konseptwal – ito ang pansariling kahulugn ng isang salita.


Bawat salitang ginagamit sa teksto ay may ibig sabihin. Maaaring maging
payak o komplikado ang kahulugan ng salita. Ang konseptwal na
kahulugan ng mga salita sa teksto ang siyang batayan ng iba pang mga
kahulugan.

2. Kahulugang Proposisyunal – ito ay ang pansariling kahulugan ng isang


pangungusap. Ang mga pangungusap ay may kahulugan taglay kahit na
hindi ginagamit sa isang konteksto. Nakakatayo ito sa kanyang sarili.

3. Kahulugang kontekstwal – ito ang kahulugang taglay ng pangungusap


kung nasa isang kalagayan o konteksto. Makukuha ang kahulugang
kontekstwal batay sa ugnayan ng mga pangungusap sa teksto. Makukuha
rin ito ayon sa pagkakagamit ng awto sa mga pangungusap.

4. Kahulugang pragmatiko – ito ang kahulugan ng pangungusap batay sa


interaksiyon ng awtor at mga mambabasa. Ang kahulugang ito ay
naglalaman ng damdamin, saloobin, pananaw ng awtor na ipinararating sa
mambabasa. Kaugnay rin nito ang inaasahang maging bisa sa mga
mambabasa.

5
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik
I. PAGBASA BILANG PROSESO AT PRODUKTO

Ang pagbasa bilang proseso ay tumutukoy sa paraan patungo sa produkto


sa pamamagitan ng mga pagsunod sa mga hakbang.

PROSESO

SENSORY
Sekswensyal Pag-uugnay
Pag-iisip Pagkatuto
Pandamdamin

PRODUKTO

KOMUNIKASYON

6
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik
Proseso ng pagbasa

A. Prosesong Sikolohikal ng Pagbasa

Ayon sa simulain ng teoryang sikolohikal, ang teksto, pasalita man o


hindi ay walang taglay na kahulugan. Ang isang teksto ay nagbibigay ng
direksiyon sa tagapakinig o tagabasa kung paano bubuuin ang kahulugan nito mula
sa dating kaalaman o background knowledge na tinatawag ding iskema. Ang
dating kaalamang ito ay hindi lamang basta o nananatiling nakaimbak sa ating
utak, bagkus ang mga ito ay patuloy na ginagamit sa pag-uugnay na ating mga
makabagong karanasan o kaalaman. Patuloy ang mga iskemang ito na
nadaragdagna, nalilinang, napapunlad at nababago (Galang et. al., 2007).

Kailangan din sa pagbasa ang interaksyon ng mag-aaral o mambabasa at


ng teksto. Kadalasan, pagkatapos magbasa ay nakakalikha ng mga makabuluhang
Gawain sa pagsasalita at pagsulat. Maaari ring pagkatapos ng magbasa ng isang
mag-aaral, maganyak siyang magsulat ng mga iba-ibang akda tulad ng kuwento,
dula, tula o ng sarili niyang pagwawakas para sa mga kuwento at mga dula na
malimit niyang basahin.

B. Interaktibong proseso ng pagbasa

Ang konsepto ng interaktibong pagbasa ay ang ugnayan ng manunulat at


ng mambabasa. Paano kaya inuunawa, tinatanggap, o maaaring inilapat sa aktuwal
na naranasan ng mga mag-aaral o mambabasa ang mga kaisipan, kaalaman o
impormasyong nais tukuyin o ilahad ng awtor sa teksto. Sa interaktibong pagbasa,
natututo ang mga bata o mag-aaral na magpahayag ng sariling ideya at umunawa
sa ideya ng kapwa (Villafuerte 2004).

Tandaan na ang pag-unawa pinakapuso ng interaktibong pagdulog sa


pagbasa na may mga prosesong pinagdadaanan at kung ano kaagad ang
kinalabasan.

Ayon kay Galang et. al (2007), ang pagkakaroon ng isang sapat na pag-
unawa sa proseso ng pagbasa ay napakahalaga sa isang manunulat at mambabasa.
Ito ay magdudulot ng pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang nabanggit.

Iba’t-ibang teorya sa prosesong sikolohikal ng pagbasa

1. Teoryang Bottom up

Binibigyang-diin ng teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga


serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang kaakibat nitong tunog.
Ang pagkatuto sa pagbasa ay mag-uumpisaa sa pagkilala ng mga titik o letra
hanggang sa salita, parirala o pangungusap patunogo sa talata bago maibigay ang

7
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik
kahulugan ng binasang teksto. Samakatwid ang unang hakbang upang makilala
ang mga nakalimbag na anumang simbolo ng binabasang teksto tulad ng mga letra
na siyang bumubuo ng mga nakasulat na salita.

Ayon kay Badayos (1999), ang isang taong umaayon sa pananaw ng


bottom up ay naniniwala na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga salita,ang teksto
ang pinakamahalagang salik sa pagbasa.

Lahat ng mga kaalamang matutuhan ay nanggagaling sa pagbasa sa


tekstong napiling basahin. Maibibigay ang kabuuang kahulugan ng tekstong binasa
sa huling bahagi nito. Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa teksto patungo
sa tagabasa na kung saan ang teksto ay ang “bottom” at ang tagabasa ay ang “up”.

2. Teoryang Top Down

Kung ang teoryang “bottom up” ay nagsisimual sa teksto patungo sa


tagabasa, ang top down naman ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top)
patungo sa teksto (down) sapagkat ang dating kaalaman o prior knowledge ang
nagpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Habang nagbabasa ang isang
indibidwal, ito’y nakikipag-usap sa mak-akda sa pamamagitan ng teksto kung kaya
masasabing ang tagabasa ay isang aktibong indibidwal sapagkat gamit niya ang
dating kaalaman. Upang lubos na maunawaan ang teoryang ito, tunghayan ang
tatlong impormasyon ayon kay Badayos (1999).

 Impormasyong semantika – pagpapakahulugan sa mga salita at


pangungusap.
 ‘Impormasyong sintaktik (istruktura ng wika) – tungkol sa
pagkakaayons at istruktura ng wika.
 Impormasyon Grapho – phonic – tungkol sa ugnayan ng mga letra
at mga tunog ng wika kasama rito ang impormasyon tungkol sa
pagbabaybay na naghuhudyat ng kahulugan.

3. Teoryang interaktibo (interactive)

Sa ilang mga eksperto sa pagtuturo ng proseso ng pagbasa, hindi raw sapat


na ang teoryang bottom up at top down lamang ang gagamitino bibigyang-pansin.
Mas makatutulong daw nang malaki sa mga tagabasa kung pagsasamahin o
gagamitin nang sabay ang dalawang teorya, bottom up at top down, para lalong
maging epektibo ito. Dahil dito, isinilang ang teoryang interaktibo. Ibig sabihin
hindi lamang ang teksto ang bibigyang-atensiyon, kasama na rin dito ang pag-
uugnay ng sariling karanasan at pananaw o dating kaalaman.

Mga bahagi ng proseso ng pagbasa

1. Sensory – matukoy ang simbolong nakikita.

8
Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik
2. Perseptwal – matukoy ang kahulugan ng kayariang panggramatika ng mga
salitang nakasulat.
3. Sekwensyal
4. Pag-uugnay – makilala ang pagkakaugnay ng simbolo sa tunog ng salita sa
kinakatawan nito.
5. Pangkaranasan – maiugnay ang mga salita sa tiyakang karanasan upang
mabigyan kahulugan.
6. Pag-iisip – gumawa ng hinuha at mapaphalagahan ang binasa.
7. Pagkatuto – maalala ang natutuhan sa nakaraang karanasan at maiugnay
ang bagong ideay at konsepto.
8. Pandamdamin – maisaalang –alang ang sariling interest/kawilihan,
saloobin at pagpapahalaga sa sarili na nakaaapekto sa gawaing pagbasa.
Ayon kay Frederick Mc Donald, “ang gawaing pagbasa ay isang
kasanayang nangangailangan ng komplikadong prosesong kognitibo,
pansaloobin at kasanayan. Ito ay ang integrasyon ng mga aspekto sa
proseso sa pamamagitan ng matamang pagsasanay.

J. METAKOGNITIBONG PAGBASA

Ang pag-unawa sa binasa ayon kay Badayos (1999), ay mas mainam na


bigayang-diin bilang isang proseso at hindi isang produkto. Bilang isang proseso,
ang tuon sa mga pagsusuri sa mga sagot sa pag-unawa ay kung paano nabuo ang
mga kasagutan. Ito ay isang mabisan paraan kung paano matutulungan ang
mambabasa para maunawaan ang akdang binasa. Pumapasok na rin ito sa larangan
ng metakognisyon.

Ano ang metakognisyon? Ito ay tumutukoy sa ating kamalayan sa mga


proseso ng pag-iisip habang tayo’y gumagawa ng pagpapakahulugan (Brown,
1985). Ang mga ebidensiya sa mga kakayahang metakognitibo ay ang
pagmomonitor o ang pagwawasto sa sarili tulad ng mapanuring pagbasa,
pagpapatunay sa mga hipotesis at pagtatanong sa sarili (Badayos, 1999).

Ayon kay Villafuerte (2005), ang metakognisyon ay may dalawang


dimensiyon:

a. Ang kaalaman uko sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa


pagsasagawa ng gawaing pagbasa.
b. Pagmomonitor sa sarili.

You might also like