Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag asa ng bayan. Mula sa maliit na bata ay dapat pinahahalagahan na. Ayon sa Republic Act No. 7610 Article 1 o ang batas na nagbibigay proteksiyon sa mga bata sa mga pag aabuso, diskriminasyon at iba pang katulad nito.
Ang iba’t-ibang klase ng pag-aabuso pisikal,
salita o pang kaisipan ay nakasisira sa kanilang respeto at tiwala sa sarili.
Alagaan ng mabuti ang mga kabataan at anak.
Pahalagahan ang batas na ito at bigyan lahat ng pangangailangan ng mga bata upang mabuhay. Naniniwala ako na ito ay paglabag sa karapatang pantao na kapag ang pangunahing nasasangkot ay ang reputasyon ng isa na nakuhanan ng larawan. Halimbawa na lamang ay hubad na larawan, Kakilala mo man o hindi, wala tayong karapatang ilantad ang maseselang parte ng isang tao.
Ito ay isang paninirang puri o paglabag sa karapatang
pantao...Ito ay magdudulot ng kahihiyan doon mismo sa taong iyon. Nakapipinsala rin ito sa emosyonal at sosyal na kalagayan. Maaari ring ito ng humantong sa depresyon opagpapakamatay. Dito rin pagmumulan ang pagbubulung-bulungan at katatawanan sa kaniya.
Kaya ang maimumungkahi ko na ang larawan o
artikulo, ito man ay aktwal o sa pamamagitan ng pag forward sa aking cellphone o gadget, dapat ko itong idelete o hindi na tangkilikin pa upang hindi na ito kumalat.