You are on page 1of 5

Makropragmatiks na Talakay sa Maikling Kuwentong

“Tata Selo” ni Rogelio R. Sicat


Jocelyn A. Obra

Introduksiyon
Mula sa akdang pampamitikang nailathala ng mga tanyag na manunulat sa bansa, ay
nakilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang tanyag sa larangan ng masining na pagsulat.
Iba’t ibang manunulat na may iba’t ibang istilo ng pagsulat.
Ang salitaan o dayalogo sa bawat akdang pampanitikan ay mahalaga, sapagkat
nakapagdaragdag ito ng kariktan at kabuluhan sa anumang akdang isinulat.
Isa sa kilalang manunulat sa bansa ay si Rogelio R. Sicat. Isang Pilipinong mandudula,
tagasalinwika, nobelista at tagapagturo. Ipinanganak noong ika-26 ng Hunyo taong 1940, at
nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas.
Ang kanyang mga akda ay nagmulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan na unang nakita
sa magasin na “Liwayway”. Ilan sa kanyang mga sikat na akda ang “Impeng Negro” at “Tata
Selo”. Ang iba pa niyang mga gawa ay, “Dugo sa Bukang Liwayway”, “Pagsalunga: Piniling
Kuwento at Sanaysay”, at ang dulang “Moses, Moses” na umani ng gantimpalang Palanca
noong 1962 sa Filipino. Pumanaw siya noong 1997 at noong taong 1998, bagaman
sumakabilang-buhay na ay pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book
away para sa pagsasalinwika.
Ang kanyang mga akda ay may salitaan ng mga tauhan na madalas ay pinagmumulan ng
tunggalian na kinakailangang mabigyan ng makatotohanan at makatuwirang solusyon.
Dito ay tatalakayin ang mga pahayag at mga salitaan upang lubos na maintindihan ang
nilalaman ng maikling kuwentong “Tata Selo” ni Rogelio R. Sicat.
Inaasahan na maipapakita rito ang kahusayan, kahulugan at kariktan ng nasabing akda sa
pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan ng bawat pahayag.

Metodo sa Pagtatalakay
Ang kuwentong “Tata Selo” ni Rogelio R. Sicat ay ibinuod ayon sa daloy ng mga pangyayari.
At binigyan ng masusing pagpapakahulugan ang mga nakapaloob na dayalogo batay sa akto at
punto ng pagapapahayag. Ito ay upang lubos na maipaunawa sa mga mambabasa ang
nilalaman ng kuwento at maipahatid ng buong husay ang mansahe nito.
Buod
Ito ay kuwento ng isang matandang nagngangalang Tata Selo na naghahangad lamang na
makapagsaka sa kaniyang dating lupa, na naibenta niya kay Kabesang Tano noong nagkasakit
ang kaniyang asawa. At dahil sa kahirapan ay hindi na niya ito nabawi pa. Ngunit isang araw,
sapilitan siyang pinapaalis ni Kabesang Tano dahil may iba ng magsasaka sa dati niyang lupa.
Nakiusap si Tata Selo na huwag siyang paalisin, at kung maaari ay hayaan siyang magsaka dahil
kaya pa naman niyang magsaka at malakas pa siya. Ngunit hindi siya nito pinakinggan, sa halip
ay tinungkod pa siya kaya nagdilim ang kanyang paningin at tinaga niya si Kabesang Tano.
Nakulong si Tata Selo. At doon ay isinalaysay niya sa alkalde at mga pulis ang nangyari.
Ngunit lahat sila ay hindi nakinig sa kaniya, sa kadahilanang hindi sapat na pinapaalis at
tinungkod siya ay tatagain niya na si Kabesang Tano. Sa pagpapaliwanag ni Tata Selo, ay
pinagmalupitan pa siya ng hepe ng pulis. Sinapok at sinikmuraan ang kaawa-awang matanda na
lupaypay na sa maruming sahig na kinasasadlakan.
Kinabukasan, sinabi ng alkalde na dadalhin si Tata Selo sa kabisera at doon ikukulong
habambuhay. Ngunit sagot ni Tata Selo ay patayin na lamang siya dahil pinatay niya si Kabesang
Tano. Sa araw ding iyon ay dinalaw siya ng kaniyang anak na si Saling ngunit sinabihan niya ang
dalaga na umuwi na lamang ito. Ipinatawag ng alkalde si Saling sa kaniyang tanggapan na
tinungo naman ng dalaga at hindi nakinig sa ama. Dumating din ng araw na iyon ang batang
dumalaw sa kaniya kahapon na anak ng isang magsasaka, at inutusan ni Tata Selo na yayain
nang umuwi si Saling. Subalit hindi nagawa ng bata sapagkat hindi siya pinayagang makapasok.
Hindi naman nakinig si Tata Selo na naktingin lamang sa alabas, sinasabi niyang “Inagaw sa akin
ang lahat”.

Resulta ng Pagsusuri sa mga Pahayag


Sinimulan ang unang bahagi ng kuwento sa pamamagitan nang paglalahad ng pangyayaring
kinasasangkutan ng pangunahing tauhan. Ang pahayag na ito ay bias nang mahalagang bahagi
dahil dito na iikot ang kabuuan ng kuwento.

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng
tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno
na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Kung titignan ay isa lamang itong simpleng pangungusap. Bagamat madali na lamang
matukoy ang nais nitong iparating. Dito ay matutukoy ang perlokusyonari, kung saan ang tao ay
nagkumpol-kumpol matapos mabalitaan ang nangyaring pagpatay.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo”
“Talagang hindi ko ho mapaniwalaan”

Kung ating susuriin ang pahayag sa aktong lokusyonari ay tumutukoy lamang ito na hindi
siya naniniwala na napatay ni Tata Selo si Kabesang Tano, sa aktong ilokusyonari nama’y
ipinapahayag nito na hindi matanggap ng nagsalita ang ideyang magagawa iyon ni Tata Selo, na
sa kabila ng edad at ugali ng matanda ay nagawa niyang pumatay. Ang perlokusyonari na
pahayag ay ang kilos na ginawa ni Tata Selo pagkatapos sabihin ng isa sa kaniyang kakilala na
hindi ito makapaniwala, ay nagpaliwanag siya at isinalaysay ang nangyari. Sa pahayag ng
kaniyang kakilala ay malalaman mong deklarasyon ang punto nito.

“Wala na nga kayong mapuntahan, Tata Selo”


“Pa’no na po niyan si Saling”

Mula sa pahayag, ang aktong lokusyonari ay tumutukoy sa magiging kalagayan ni Saling,


ang aktong ilokusyonari ay nagtataglay ng kahulugan ng magiging kahihinatnan ng buhay ni
Saling dahil sa pagkakakulong ni Tata Selo. Ang perlokusyonari ay ang paghigpit ng
pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas matapos marinig ang tanong sa kung anon a ang magiging
kalagayan ng nag-iisa niyang anak. Malalaman mo ang punto sa loob ng pahayag na may
damdaming nag-aalala ay ekspresibo.

“Ako naman po Presidente ay malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang
paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang Kabesa?”

“Saan mo tinaga ang Kabesa?”, ang aktong lokusyonari ay tumutukoy lamang sa lugar o
parte ng katawan kung saan tinaga ang Kabesa, ang aktong ilokusyonari naman ay ang pag-iiba
ng pulis sa usapan base sa kung paano niya sinagot ang paliwanag ni Tata Selo ukol sa nangyari.
Ang perlokusyonari naman ay ang matagal na pagsagot ni Tata Selo sa tanong ng pulis. Mula sa
pahayag ay mahihinuha na ang punto ay direktibo, dahil sa paraan ng pagtatanong ng pulis ay
waring nag-uutos.
“Bakit po naman, Besa?”
“Malakas pa po naman ako a’ nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kaniya , ngunit ako
po’y tinungkod niya, tinungkod niya ako ng tinungkod.”

“Hindi ka na sana naparito Saling”, wika ni Tata Selo na napaluhod


“May sakit ka, Saling, may sakit ka!”

“Kinabog kagabi”
“Ang anak dumating daw?”

“Nando’n amang si Saling sa Presidente” “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.”

“Inagaw sa akin ang lahat”

BISANG PAMPANITIKAN
 Bisa sa Isip

Naiwan sa aking isipan ang katagang sinabi ni Tata Selo na “Inagaw sa akin ang lahat”, dahil
sumasalamin lamang ito sa anak at mga bagay na nawala sa kaniya. Ang pagkamkam at
pagpapaalis ni Kabesang Tano kay Tata Selo. At ang pagpapahirap sa kaniya sa bilangguan na
tumapak sa kaniyang pagkatao.

 Bisa sa Damdamin

Ang pagpapahirap ng mga pulis kay Tata Selo ang pumukaw sa aking damdamin. Na sa
kaniyang katandaan ay sinapit niya ang ganoong bagay. At ang pagkikita ng mag-ama (Tata Selo
at Saling) habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa kanilang mga mata.
 Bisa sa Kaasalan

Natutuhan ko mula sa kuwento na dapat huwag unahin ang galit at basta basta na lang
gumawa ng hakbang nang hindi pinag-iisipan. Dahil sa huli, kapag nakagawa ka ng mali ay ikaw
rin ang magsisisi.

TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang teoyang pampanitikan na masasalamin sa kuwentong “Tata Selo” ay teoryang


Realismo. Dahil tumatalakay ito sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid. Kung saan,
ang mga nasa posisyon at mayayaman ang siyang nakaka-angat. At ginagamit nila ang kanilang
kapangyarihan para makapanakit ng ibang tao.

PANGKALAHATANG PUNA

Maganda at maayos ang daloy ng kuwento dahil may pagkakasunud-sunod ang mga
pangyayari. At ang kuwento ay maiuugnay mo sa iyong sarili dahil ang mga pangyayaring
nakapaloob ay nangyayari rin sa totoong buhay. Sa kabuuan, maganda ang istilo ng
pagkakasulat nito bagamat hindi maayos na naipakilala ang mga tauhan sa kuwento.

You might also like