You are on page 1of 2

BOSES NG ESTUDYANTE: “Habag- Aralan”

by: Sobresaliente

Lasapin ang sarap!

Ihanda na ang sarili, pati na ang mga sangkap sapagkat ihahain na ang mga
hinaing na kanilang kakainin. Ihanda ang mga kagamitan, hugasan ang kailangan
at durugin ang nararapat.

Mga desisyon na kinompirma, estudyante’y nababahala. Sila’y nagsasaya


habang kami’y nagdurusa. Mga estudyanteng mahal na mahal ang pag-aaral ay
unti-unti nang nawawalan ng gana at hinihiling na sana ang araw ay matapos na.

Lasapin ang linamnam!

Linamnam ng pinaghalo-halong sangkap, dinagdagan pa ng pampakulay,


pampalasa at ng sahog na paborito ng mga bata. Lasapin ang linamnam ng
pinaghalo-halong boses, sinamahan pa ng malalakas na opinion at makukulay na
reklamo.

Ipinagbawal ang ganito, ipinagbawal ang ganiyan. Ni ang pagiging Malaya


ipinagdamot na rin. Ikinulong kami mula sa pagiging malaya- malaya sa pag-galaw,
sa pagsulat at sa pagsasabi ng sari-sariling opiniyon sa amumang media.
Nakakapagod na, dahil lahat ay nagbago na.

Ano ang nais niyo sa amin? Ang maging ‘globally competitive’ na robot na
made in Japan?

Pero saglit lang, hindi pa luto ang lahat! Kulang pa sa alsa, kulang pa sa lasa.
Napakarami pang hinaing ang hindi pa nailalabas. Kulang… kulang sa ganang mag-
aral!

Tikman! Tikman ang dinurog-durog na reputasyon, nasirang pangalan at


narumihang kalooban. Ganito ba ang kailangang matutunan sa loob ng silid-
aralan? Kaawa-awang mag-aaral, nabulag, nabingi, napipe, nawalan ng lasa-
nawalan ng gana.
Tikman ang sarap at linamnam! Ginisa… Niluto… Dinurog… Prinito…

Muli, lasapin ang sarap!

Ihanda ang sarili pati na ang mga sangkap sapagkat handa na ang mga
hinaing na kanilang kakainin. Naihanda ang mga kagamitan, nahugasan ang
kailangan, at nadurog ang nararapat.

You might also like