You are on page 1of 2

SARBEY KWESTYUNER

Mahal kong Respondante,

Maalab na pagbati! Ako ay isang mag-aaral ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik na kasalukuyang nagsusulat ng pamanahong papel hinggil sa Mga
Paghihirap na kinakaharap ng May-ari ng Karinderya sa San Antonio Zambales, kaugnay nito
inihanda ko ang talatanungan na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan sa aking
pananaliksik. Maaaring sagutan ng may katapatan ang mga sumusunod na aytem tinitiyak kong
ang impormasyong ibabahagi ay mananatiling konpidensyal. Maraming salamat.
-Mananaliksik
Pangalan: (opsyunal). Edad:
Tirahan: Kasarian:
Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang
letra na tumutugma sa iyong sagot.

1. Paano mo pinapamahalaan ang iyong negosyo?


a. Sinisgurado kong maayos at malinis ang aking mga tinda
b. Tinitiyak kong tama ang proseso na aking sinundan

2. Naranasan mo na bang malugi?

a. Oo, dahil may mga araw na hindi mabenta


b. Hindi, dahil naaagapan ko agad bago pa malugi ang aking negosyo

3. Ano ang mga paghihirap na madalas mong makaharap sa araw-araw?

a. Kakulangan sa trabahador
b. Kinakapos sa oras

4. Paano mo nalalagpasan ang mga paghihirap na ito?

a. Gumagawa agad ako ng solusyon


b. Sa pagiging maparaan at madiskarte
5. Tingin mo ba ay isa kang matagumpay na negosyante?

a. Oo, dahil nalalagpasan ko ang mga problema sa aking negosyo


b. Hindi, dahil may iba't ibang salik na nakaaapekto sa aking negosyo

6. Ano ang iyong magagawa upang maging matagumpay o mas matagumpay sa


pagpapatakbo ng iyong negosyo?

a. Hindi magpapatalo sa mga kakompetensya


b. Papanatilihin ang maayos na pagpapatakbo ng aking negosyo

7. Paano mo kinakaharap ang iyong kakompetensya?

a. Mas hinihigitan ko ang serbisyo na aking ibinibigay


b. Hindi ako nagpapaapekto sa kung anong meron sila

8. Nakatanggap ka na ba ng masamang komento patungkol sa inyong serbisyo?

a. Oo, dahil hindi naman iyon maiiwasan


b. Hindi, dahil naniniwala ako na sapat ang aming serbisyo

9. Magkano ang iyong kinikita sa araw-araw?

a. 100-500
b. 600-1000

10. Ano ang dahilan kung bakit pinili mong magtayo ng karinderya?

a. Dahil ito ang aking hilig at nakasanayan na gawin


b. Dahil naaayon ito sa aking kakayahan at pinag-aralan

Lagda ng Respondante

You might also like