You are on page 1of 4

Ang makahiya ay isang uri ng damo na may

mapusyaw na lilang bulaklak. Kunting sagi mo dito ay


titiklop kaagad ang kanyang mga dahon. Mayroon
din itong mamatalas na mga tinik. Ang kuwentong ito
ay tungkol sa pinagmulan ng damong makahiya.
Minsan may isang magandang batang babae na
nagmula sa isang kilalang pamilya. Nakatira siya sa
isang magandang bahay na may napakagandang
harden. Mamahalin ang kanyang mga damit.
Mayroon din siyang sariling taga- silbi. Palagi siyang
naglalaro sa labas at nagsasayaw buong araw.
Ngunit siya ay mapagmataas. Ayaw niyang
makipaglaro sa ibang batang babae sa kanyang
lugar. Ayaw niyang hawakan nila ang kanyang damit
at mga laruan. Kapag lumapit sila sa kanya ay
kaagad niya itong itinataboy at sasabihan, “ Huwag
ninyo akong hawakan, huwag ninyo akong hawakan.
Magkakarumi ang aking katawan pati na ang aking
damit.”
Hanggang isang araw, may isang babae na
pinaniniwalaang isang diwata ang nakarinig sa sinabi
niya sa mga batang babae, “huwag ninyo akong
hawakan.” Hinawakan siya ng diwata gamit ang
kanyang mahiwagang baston at agad- agad siya ay
naging isang damo na kapag hinahawakan ay agad
titiklop ang mga dahon.
Easy

1. Anong uri ng halaman ang makahiya? Damo


2. Kailan titiklop ang kanyang mga dahon? Kapag ito’y mahawakan
3. Ilarawan ang kanyang mga tinik. Matatalas
4. Anong uri ng damit ang kanyang sinusuot? Mamahalin
5. Anong uri ng bahay ang kanyang tinitirhan? Maganda

Average

1. Ano ang mangyayari sa halaman kapag mahawakan mo ang kahit anong


parte nito? Titiklop ang mga dahon
2. Bakit ayaw niyang hawakan siya ng ibang bata? Ayaw niyang marumihan
3. Anong ugali mayroon ang babae sa kuwento? Mapagmataas
4. Ano ang kulay ng bulaklak ng makahiya? Mapusyaw na lila
5. Ang kwento ay tungkol sa ___________. Pinagmulan ng makahiya

Difficult

1. Anong uri ng kwento ang inyong binasa? Alamat


2. Bakit ginawang halaman ang babae sa kwento? Dahil sa kanyang ugali
3. Kung ikaw ang diwata, bibigyan mo ba ng isa pang pagkakataon ang batang
babae? Bakit?
4. Sa iyong palagay, nararapat ba ang ginawang parusa ng diwata sa batang
babae? Patunayan.
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng magandang pakikitungo sa kapwa
bata?
Pagbasa ng may pag- unawa
Grade Six

Entry Form

Name of Pupil Section Name of Coach

Prepared by:
ERIC T. SEGOVIA
Pagbasa ng may pag- unawa
Grade Six

SCORE SHEET

EASY AVERAGE DIFFICULT CLINCHER GRAND TOTAL RANK


SECTION
1 2 3 4 5 TOTAL 1 2 3 4 5 TOTAL 1 2 3 4 5 TOTAL 1 2 3 TOTAL
AAAAAAAAAAAAAA1AAAA

Prepared by:
ERIC T. SEGOVIA

You might also like