You are on page 1of 23

Catch- up

FILIPINO

Friday
February 16, 2024
PAGBIBIGAY KAHULUGAN!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na
salita.

1.pahintulot 2. lapastangan
3. kulisap 4. duwende
5. taumbayan
Panuto: Ibigay ang kahulugan
ng mga sumusunod na salita.
1. pahintulot -
Pagpayag o pagpapaalam
2. lapastangan -
Hindi gumagawa ng maganda
3. kulisap -
insekto
4. duwende
- tawag sa nilalang na hindi
nakikita ng karaniwang tao
5. taumbayan
- taong naninirahan sa
isang komunidad
PAGGAMIT NG MGA
SALITA SA ISANG
PANGUNGUSAP
Panuto: Punan ang mga patlang ng mga
tamang salita upang mabuo ang
bawat pangungusap.

Piliin ang mga sagot sa mga


bagong salitang iyong natutunan
Lapastangan
1. ______________ ang mga taong iyon kung
kaya’t huwag magtiwala sa kanya.

2. Habang naglalakad si Maria sa


hardin ay may lumipad na
_______________ sa kanyang balikat.
kulisap
3. Upang makapaglaro sa labas, kailangan
munang
pahintulot ni Jane sa kaniyang
humingi ng ____________
Ama.

4. Si Edgar at Claro ay pumunta sa kagubatan


ng bigla silang nakakita ng isang maliit na
nilalang na tinatawag na __________________.
duwende
taumbayan sa pangulo na
5. Hiniling ng _____________
tuparin ang ipinangakong pagbabago.
PAMANTAYAN PARA SA
PASALITANG PAGBASA
1. Tumayo ng tuwid
2. Basahin ng malakas at hindi pasigaw
ang kwento
3. Huminto sa pagbabasa pag nakita
ang mga bantas na tuldok at kuwit.
4. Sabihin ng malinaw ang mga salita
5. Basahin ng may damdamin ang kwento
PAGBABASA NG
KWENTO
• Ang mga bata ay hahatiin sa apat na grupo.
• Bawat Grupo ay babasahin ang talatang
ibibigay sa kanila ng may tamang diin
at lakas ng boses.
“Ang Mahiwagang
Bulaklak ng Matandang
Babae”
Unang Grupo
Noong unang panahon, may isang matandang babae na
may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi ng
lawa. Malapit ang matandang babae sa mga
mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo.
Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at ang
kani-kanilang pamilya sa matandang babae upang
magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at
mababangong bulaklak mula sa hardin.
Ikalawang Grupo
Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong
angking kapangyarihan ang matandang babae
dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran na
may kasamang magandang babae at duwendeng
tumutulong sa pag-aalaga ng mga tanim.
Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit
sinabi ng matanda na wala siyang kasama.
Ikatlong Grupo
Isang araw ay may isang mag-asawa ang
bumisita sa baryo at nakita nila ang
magandang hardin. Pumasok sila at pumitas
ng bulaklak ng walang pahintulot, nakita sila
ng matanda at pinakiusapan silang umalis
ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit
nitong anyo.
Ika- apat na Grupo

Dahil sa kalapastanganan ng dalawa,


ginawa silang magandang kulisap. Noon din
ay nagbago ang anyo ng dalawa naging
paru-paro at nakita lamang ng mga
taumbayan na may kakaibang kulisap na
aali-aligid sa mga bulaklak.
MGA GAWAIN
Gawain sa
Pagkatuto #1
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Sino ang may magandang hardin ng mga
bulaklak sa tabi ng lawa?
2. Sino ang pumasok sa hardin ng matandang
babae na walang pahintulot?
3. Bakit madalas na bumibisita ang mga mangingisda
sa matandang babae?
Gawain sa
Pagkatuto #1

4. Ano ang dahilan kung bakit naisip ng mga


mangingisda na may angking kapangyarihan ang
matandang babae?
5. Batay sa kuwento, paano nagkaroon ng
umaaligid na paru- paro at kakaibang kulisap sa
mga bulaklak?
Gawain sa
Pagkatuto #2

TAYO NA’T GUMUHIT!


Panuto: Gamit ang iyong imahinasyon
iguhit ang magandang hardin na meron
ang matandang Babae sa kwento.
Halina’t magsulat
ng inyong
natutunan!
Sa iyong kwentong nabasa, anong
bahagi ng kwento ang iyong
nagustuhan?

You might also like