You are on page 1of 3

TEORYANG KUMBINASYONAL

-layunin ng teoryang ito na ipakita kung paano nahubog ang isang


indibidwal ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanilang mga eksperiyensya at
karanasahan sa buhay. Binibigying diin dito ang agos ng buhay nang tao simula
nung siya’y isinilang hanggang sa mapagtanto niya ang kanyang potensyal bilang
isang lider. Naka paloob din sa teoryang ito kung pano nalinang at napagyabong
ng isang indibiwal ang kanyang gawi, kilos, ugali at asal dahil sa kanyang mga
karanasan.
-layunin din nito na ipakita na ang tao ay hinuhubog ng mga pinag sama
samang eksperiyensya o karanasan mula sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Pinapakita rin dito na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kaugalian ng tao,
mga kultura, tradisyon at paniniwala na syang naka impluwensya sa pag uugali
o asal ng isang indibidwal. Samakatuwid, ang teotyang kombinasyunal ay pinag
sama-sama o kombinasyon ng mga karanasan o kaganapan sa iba’t ibang aspeto
ng buhay ng tao at sa lipunan.

LAYUNIN NITO SA INDIVIDWAL


-Sa pagkahubog ng isang indibidwal dahil sa kanyang mga karanasan at
eksperyensya sa buhay, ang teoryang ito ay maaring magbigay kakayahan sa isang
indibidwal na makatulong at maibahagi ang kanyang mga natutunan sa kanyang kapwa.
Sa pamamagitan ng pag babahagi ng kanyang mga natutunan mula sa kanyang mga
naranasan o mga pinagdaanan, ito ay magsisilbing inspirasyon sa ibang indibidwal na
mahubog din ang kanilang mga kakayahan at potensyal, kung ito’y pagsasama samahin
maari itong makatulong ng malaki sa pag papaunlad ng lipunan sa kanilang ginagalawan.

LAYUNIN SA PAMILYA
-Sa panh araw araw na pakikibaka ng isang pamilya ay may malaking ambag
ang teoryang kumbinasyunal sapagkat ito ay maaring maging instrumento upang malaman
nila na ang kailangan sa pagkakaroon ng isang matatag na pamilya ay sa pamamagitan ng
pinagsama sama o kombinasyon ng pagkakaisa at pagmamahalan ng bawat myembro ng
isang pamilya at pinaniniwalaang ito ay magiging matagumpay lamang kung sila’y kikilos
ng buo gamit ang pinagsama samng kontribusyon ng ama, ina at maging ang mga anak.

LAYUNIN SA LIPUNAN
-Ang teoryang ito ay nagpapayabong ng magandang pag uugali sa bawat
indibidwal. Bawat isa ay nagkaroon ng kamalayan na mapaunlad ang sarili dahil sa mga
karanasahan ng buhay. Nakakatulong ito sa lipunan sa pamamagitan ng mga ng mga
magagandang asal na mayroon ang isang tao, tutulungan ang kapwa hanggang ang lahat
ay maging maunlad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan nagiging matagumpay ang
lipunan. Sa pamamagiitan rin nito, maibabahagi ng tao ang kanyang karanasan sa sarili na
maging rason upang ang taong kanyang mababahagian sa lipunan ay magkaroon rin ng
kagandahang asal sa pag uugali.

LAYUNIN SA KULTURA
-ang layanin nito sa kultura ay masasalamin nito ang pagkakaiba iba ng
indibidwaal kaakibat ng kanilang karanasahan, estilo ng pamumuhay na artistiko at
kinakaharap sa buhay. Ito ang magsisilbing taga buklod ng bawat kalayaan at pansariling
kapakanan ng kapwa sa paghubog nito sa kanyang moralidad. Bilang aral, magsisilbi itong
taga bukas sa isipan ng tao sa kung ano ang nararapat at hindi nararapat sa isang sitwasyon
o kinakaharap na suliranin.
-mahalaga ang teoryang ito sa kadahilanang maipapakita nito na ang iba’t
ibang lugar ay may iba’t ibang uri ng kultura at paniniwala. Dahil rin dito, malalaman natin
kung bakit ang bawat indibidwal ay mayroong iba’t ibang paniniwala at ugali at kung
paano nahubog ang kanilang kakayahan.

You might also like