You are on page 1of 1

Ang Wikang sinasalita sa Pilipinas na pangunahing ginagamit sa lalawigan ng Pampanga ay kapampangan

.Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing
wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa timugang bahagi ng kalagitnaang
kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa pangkat-etnikong Kapampangan.

Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan, pati na rin sa mga munisipalidad ng
Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa Pampanga. Nakakapag-intindi at nakakapagsalita rin
ng Kapampangan ang mga iilang Aeta sa timugang bahagi ng Gitnang Luzon.

Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampanngan/Capampañgan, Pampangueño, at bilang


panggalang, Amanung Sisuan (wikang pinasuso).Ayon sa kanila, ang Kapampangan ay masigla at parating
may buhay tuwing ginagamit. Ang mga halimbawang salita ay :Lolo/lola = Apu

Tatay = Tata

Nanay = Inda

Tito = Bapa

Tita = Dara

Ate = Atchi

Kuya = Coya

Mahal kita = Kaluguran Daka

Ang Wika ng Pampanga ay bunga rin ng angkang wika ng Malayo - Polynesia. Ang ortograpiya ng
kampampangan ay nakabatay sa wikang Kastila tulad ng paggamit ng mga titik kastila na C ay bibigkasin
ng S sa cebollas ( sibuyas ) at bibigkasin ng K sa carbon ( Karbon) ; ang G sa H sa salitang virgin (birhen)
at lapis sa lapiz, Filipina sa (Pilipina) at iba pa.

You might also like