You are on page 1of 60

Pedagogical Retooling in Mathematics, Languages, and Science

for Junior High School


Sesyon # 8
PAGTUKOY SA PANGUNAHING IDEYA
AT PANSUPORTANG DETALYE
JUNRY M. ESPARAR
Education Program Supervisor
Curriculum Implementation Divison
Sangay ng Lungsod ng Kabankalan
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
PANGUNAHING LAYUNIN:
Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga guro ay:
• Nagagamit ang mga estratehiya sa pagtuturo sa
kasanayan sa pagtukoy sa pangunahing ideya at
pansuportang detalye mula sa iba’t ibang seleksyon
o tekstong binasa.
TIYAK NA LAYUNIN:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga sumusunod na
konsepto:
• Komprehensyon
• Metacognition
• Iskima
• Pangunahing ideya
• Pansuportang detalye
TIYAK NA LAYUNIN:
2. Natutukoy ang mga estratehiya bilang interbensyon sa
pagtuturo ng kasanayan sa pagtukoy sa pangunahing
ideya at pansuportang detalye; at

3. Nailalapat ang kaalamang natutuhan sa mabisa at


epektibong pagtuturo ng pagbasa ng kasanayang
nabanggit.
DALOY NG SESYON

 Priming activity [laro]

 Panonood ng video at paggamit ng grapikong pantulong

 Talakayan tungkol sa pinanood na video


 Pagtatalakay ng iba’t ibang konsepto

 Paglalapat ng mga konseptong natutuhan

 Pagwawakas
Gawain 1:
SINO AKO!
Gawain 2:
PANONOOD NG VIDEO
PANUTO:
• Pumili ng Tagapagdaloy, Kalihim at Taga-ulat. Panoorin
ang video na may pamagat na “Nuggets”. Pagkatapos,
pag-usapan ito ng grupo. Ilahad ang pangunahing ideya
at pansuportang detalye mula sa napanood sa
pamamagitan ng isang grapikong pantulong [graphic
organizer]
PRESENTASYON
PAG-USAPAN NATIN!
1.Paano ninyo natukoy ang pangunahing ideya sa
pinanood na video?

2.Ano-anong mga detalye ang nakatulong sa pagtukoy


sa pangunahing ideya sa pinanood?
PAG-USAPAN NATIN!
3. Ano-ano ang naging balakid sa pagtukoy sa
pangunahing ideya at pansuportang detalye sa pinanood
na video?

4. Ano-ano ang mga estratehiya o pamamaraang ginamit


ang nakatulong sa pagsagot sa ating gawain?
PAG-USAPAN NATIN!
6. Sa inyong palagay, ang mga balakid na inyong
naranasan habang ginagawa ang gawain ay katulad din
ba sa ating mga mag-aaral sa klase? Paano ito
nagkakatulad? Paano ito naiiba?
KAHULUGAN NG MGA
KONSEPTO
KOMPREHENSYON
 Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng
mga tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo
sa bagong kaalaman [Pearson at Johnson, 1978]. Sa
madaling salita, ugnayan ng teksto at ng kaalaman
ng mambabasa.
METACOGNITION
 Ayon kay Flavell [1976, na binanggit ni Graves et al.,
2007], ang Metacognition ay tumutukoy sa sariling
kaalaman na may kaugnayan sa sariling kognitibong
proseso at produkto.
METACOGNITION
 Ayon kay [Schunk & Zimmerman, 1998 na binanggit ni
Graves et. Al, 2007] ang metakognitibong pagbabasa
ay nagtataglay ng sapat na kaalaman sa
metacognition, mga gawain sa pagbasa at mga
estratehiyang gagamitin upang magampanan ang
gawaing ibinigay.
ISKIMA
 Ang Iskima o schema ay tumutukoy sa dating
kaalaman, karanasan o natutuhan na nakalagak sa
isipan at maayos na nakalahad ayon sa kategorya.
Ang iskimang ito ay nadaragdagan, nalilinang,
nababago at napapaunlad [Pearson at Spiro, 1982].
IBA’T IBANG
KASANAYAN SA
KOMPREHENSYON
IBA’T IBANG KASANAYAN SA
KOMPREHENSYON
 Summarizing [pagbubuod]  Self-questioning [pagtatanong sa sarili]

 Sequencing [pagkakasunod-sunod]  Problem-solving [pagtugon sa suliranin]

 Relating background knowledge


 Inferencing [paghihinuha] [paggamit ng dating kaalaman]

 Comparing and contrasting  Distinguishing fact and opinion [pagtukoy


[pagkakatulad at pagkakaiba] sa opinyon at katotohanan]

 Finding the main idea, important facts


 Drawing conclusions [pagbibigay and supporting details [pagtukoy sa
kongklusyon] pangunahing ideya, importanteng
datos, at mga pansuportang detalye]
Ayon kina Sampson et. al [1991]
mayroong mga dahilan na
nakaaapekto sa komprehensyon ng
mga mambabasa:
Iskima Contextual Setting

Textual factor Comprehension Modes


ANO ANG PANGUNAHING
IDEYA?
• Ito ay konsepto ng
seleksyon na nais
ipahiwatig o ihatid
ng manunulat
[awtor] sa mga
mambabasa.
 Ito rin ang pangungusap
na nagbubuod sa paksa
ng talata.

 Karaniwang makikita sa
unahan subalit minsan ay
nasa gitna o hulihang
bahagi rin ito matatapuan.
ANO ANG PANSUPORTANG
DETALYE?
• Mga salita, parirala, o
pahayag na
sumusuporta o
nagpapaliwanag
tungkol sa
pangunahing ideya.
MGA ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO NG PAGTUKOY SA
PANGUNAHING IDEYA AT
PANSUPORTANG DETALYE
1. Direktang Pagtuturo [Explicit Teaching]

 Ang komprehensyon ay
nalilinang kapag ang guro ay
nagbibigay ng direktang
pagtuturo gamit ang mga
estratehiya sa pag-unawa
[Pearson & Duke, 2002]
 Binibigyang diin sa eksplisit
na pagtuturo ang mga pag-
unawa ng mag-aaral sa kung
kailan at bakit ng mga
estratehiya sa pag-unawa.
• Ayon kina Smagorinsky at Smith [1992] ang tungkulin ng
guro ng pagbasa ay matiyak ang kung ano ang uri ng
babasahin ang kailangan matutuhan ng mga mag-aaral,
kung paano basahin, matukoy ang mga kailangan sa
pagbasa ng mga ito at pagdisenyo ng pagtuturo para
maituro ang mga istratehiya.
 Ang mga katangian ang
eksplisit o direktang pagtuturo
ay PAGMOMODELO.

 Ang pagmomodelo o
pagpapakita ng
pagsasagawa ng mga
gawain sa pagkatuto.
 Direktang Pagtuturo ng Pagbasa:

- Paliwanag ng Guro at Pagmomodelo ng Estratehiya


- Pinatnubayang Gawain
- Malayang Gawain at Fidbak
- Aplikasyon ng Estratehiya sa konteksto ng pagbasa
[Fielding & Pearson, 1994]
Pangunahing Ideya at Pansuportang Detalye

 hal.
Pangunahing Ideya
 Adiksyon sa droga at ang epekto nito sa
katawan ng tao.

Pansuportang Detalye Pansuportang Detalye


Pansuportang Detalye
 Panandaliang  Pisikal at sikolohikal  Sobrang pananabik
kaligayahan na pagbabago sa droga
 hal.
 Sa isang parlyamentaryong pamahalaan, ang
punong ministro o prime minister ang namumuno
sa bansa. Hindi siya direktang inihahalal ng mga
mamamayan. Bagkus, ang mga miyembro
lamang ng parliament o kongreso ang inihahalal
ng mga tao. Ang kongreso naman ang siyang
pumipili kung sino ang ihahalal nilang prime
minister.
2. Conceptual Mapping
 Ang semantic o conceptual mapping ay isang
teknik na kung saan iniuugnay ng mga mag-aaral
ang kanilang natutuhan mula sa kanilang
binabasa at nabibigyan ng buhay ang kuwento
[Heimlich & Pittelmen, 1986, Hihleman, 1988]
 Kung ang conceptual
map ay ginawa ng
pangkat, ito ay
nakatutulong sa mga
mag-aaral na ayusin ang
kanilang nalalaman sa
paksa.
 Ang conceptual maps ay isang mainam gawain din
para sa postreading activities. Gamit ang mapa,
nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral
upang matandaan at mailahad ang mga
impormasyon sa tekstong binasa [Pearson &
Johnson, in press].
3. Scaffolded Graphic Organizer

• Ang grapikong pantulong


ay higit na nakatutulong sa
mga mag-aaral lalong-lalo
na sa mga nahihirapan sa
pagtukoy sa pangunahing
ideya at pansuportang
detalye sa teksto.
Pangunahing Ideya at Pansuportang Detalye

• Sa gawaing ito, magbibigay


muna ang guro ng
blangkong grapikong
pantulong.
 Huwag munang sasabihin sa mga bata kung ano
ang tawag sa mga pahayag na ibinigay.
Pagkatapos, ilalagay ng mga mag-aaral ang mga
pahayag/ pangungusap sa angkop na espasyo sa
loob ng graphic organizer.
 Magbigay ng sapat na pagsasanay hanggang sa
malinang sa mga mag-aaral ang
kasanayan sa pagtukoy sa Pangunahing
Ideya at Pansuportang detalye bago
magbigay ng ebalwasyon o pagtataya.
 Iminumungkahi rin na gawing varied ang mga
gawain na magsisimula sa madali, katamtaman
hanggang sa mas mahirap na gawain.
Tatanggalin ng guro ang “scaffold”
habang papahirap ang gawaing ibibigay.
4. Pagpapangkat sa mga Salita
• Ang gawaing ito ay
makakatulong upang
matugunan ang
pangangailangan ng mga
mag-aaral lalong lalo na ang
mga nahihirapan sa pagtukoy
sa pangunahing ideya at
pansuportang detalye.
• Ito ay mabisa para sa paglalahad ng konsepto
ng aralin na siyang magiging lunsaran
sa malalim na pag-unawa sa
pangunahing ideya teksto.
5. Cloze Procedure

 Ito ay nangangailangan ng masusing


pagsusuri sa teksto upang mahanap
ang mga hudyat sa paghinuha ng
posibleng sagot.
5. Cloze Procedure

 Sa madaling sabi, punan ng mga mag-aaral ang


isang pamilyar – subalit hindi natatapos na
pattern – para makita at mabuo ang sirang
bilog …upang mapunan ang mga puwang
[Taylor, 1953, p. 415]
 Ang cloze procedure ay angkop para sa lahat na
mga mag-aaral. Ang tekstong gagamitin ay dapat
angkop sa lebel o antas ng pag-unawa ng mga
bata. Ito ay maaaring gawing pangkalahatan,
pangkatan o indibidwal na gawain para sa
mga mag-aaral.
6. Pagpapangkat sa mga pangungusap na hindi
sumusuporta sa pangunahing ideya

 Ito ay nangangailangan nang sapat na paghahanda


subalit ito ay isang makabuluhang gawain sa
pagtataya ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagtukoy ng pangunahing ideya at pansuportang
detalye habang hinahasa naman ang kanilang
kakayahan sa kritikal na pag-iisip.
 Bago mag-umpisa ang talakayan,
magbibigay ang guro ng isang talata na
may malinaw na pangunahing ideya.
 Hahanapin ng mga mag-aaral ang mga detalyeng
sumusuporta rito at tatanggalin naman nila ang
mga pangungusap na walang kaugnayan sa
pangungahing ideya ng talata.
Gawain 3:
MALIKHAING
PRESENTASYON
PANUTO:Gamit ang teksto, gumawa ng isang task [kagamitang
pampagtuturo] na nagpapakita ng paglalapat ng mga sumusunod na
estratehiya:

• Unang Pangkat - Scaffolded Graphic Organizer


• Ikalawang Pangkat - Conceptual Mapping
• Ikatlong Pangkat - Cloze Procedure
• Ikaapat na Pangkat - Pagtatanggal sa mga
Pangungusap na hindi Sumusuporta
sa Pangunahing Ideya
• Ikalimang Pangkat - Pagpapangkat sa mga Salita
 Ang task o gawain ay nagtataglay ng sumusunod na
bahagi:
• Panuto
• Halimbawa [if applicable]
• Gawain/ Task
 Gawin ito sa loob ng 10 minuto.
 Isulat ang inyong mga sagot sa Manila paper.
PRESENTASYON
“Ang pagtuturo ay HINDI pagandahan ng kagamitang
pampagtuturo, paramihan ng pangkatang gawain at
palakasan ng hiyaw ng mga mag-aaral sa klase. Higit
pa roon, ang epektibong pagtuturo ay nangangailangan
ng masusing pagpaplano ng mga angkop na kaalaman,
gawain, estratehiya at pagtataya upang malinang sa
mga mag-aaral ang iba’t kasanayan sa pagkatuto.

G.JM Esparar
MGA SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/ellixir/aralin-14-at-17-buod
https://study.com/academy/lesson/how-to-explain-the-main-point-through-
supporting-details.html
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-
bugtong.html
https://www.teachingmadepractical.com/teaching-main-idea/
https://www.scribd.com/doc/37308756/MGA-TEKSTONG-EKSPOSITORI

You might also like