You are on page 1of 11

Banghay Aralin sa Pagtuturo sa Filipino 9

Ikaapat na Markahan
(Antas/ Pangkat 9)

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa


isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas.

Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang


movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang
mga katangian (dekonstruksiyon)

I. Layunin:
A. Naipapaliwanag ang kahulugan ng matatalinhagang salita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariling pangungusap (F9PT-IVi-j-
60)
B. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng isang akdang napanood sa
pamamagitan mg pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan (
F9PN-IVe-f-59)
C. Naibibigay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa
akdang napanood sa pamamagitan ng Dugtungang Pagkukwento.

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Isang Hapunan
B. Sanggunian : Noli Me Tangere, Pahina 13-15
C. Mga Kagamitan : Cartolina, Pen, Laptop, LED Tv.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimula

Panalangin

Tumayo ang lahat at tayo’y manalangin.


Judy, maaari mo bang pangunahan?
Panginoon, maraming salamat po sa
panibagong araw na inyo pong ipinagkaloob
sa amin. Salamat po dahil nakarating kami
ng maayos dito sa aming Paaralan. Bigyan
niyo po kami ng lakas ng loob upang
malagpasan ang lahat ng pagsubok. Gabayan
niyo po kami sa araw-araw at ganun din po
ang aming mga magulang. Ito po ang aming
hinihiling sa matamis na pangalan ni Jesus.
Amen.
Pagbati

Isang napakagandang umaga klas!


Isang napakagandang umaga din po Ma’am.

Bago kayo umupo ay siguraduhing malinis at


nakahanay ang inyong mga upuan.

Pagtala ng lumiban

Klas, meron bang lumiban ngayong


araw na ito?
Wala po Ma’am!

Mabuti kung ganun.

B. Balik- aral

Bago tayo dumako sa ating bagong


paksang aralin ngayong umaga, Sino sa inyo
ang nakakaalala tungkol sa aralin natin
kahapon?
Ma’am, ang aralin natin kahapon ay tungkol
sa Kabanata 2 na pinamagatang Si
Crisostomo Ibarra.
Sino na nga si Crisostomo Ibarra, Joker?

Ma’am, si Crisostomo Ibarra ay anak ni Don


Rafael Ibarra na kaibigang matalik ni Don
Santiago delos Santos o mas kilala bilang
Kapitan Tiyago.
Tama! At para kanino ang salu-salong iyon
na ihinanda ni Kapitan Tiyago, Erma?
Para po sa ligtas na pagdating ni Crisostomo
Ibarra mula sa ilang taong pananalagi sa
Europa.

Magaling! Bakit sa unang pagkikita ni Padre


Damaso at Crisostomo ay nagkaroon agad ng
hindi pagkakaunawaan ang dalawa, Maria
joy? Sapagkat iginiit po ni Padre Damaso na hindi
niya kakilala ang Ama ni Ibarra.

Mahusay! Ano namang kaugalian ang


ipinakita ni Ibarra sa salu-salo nang ipakilala
ang sarili sa mga taong naroroon, Patricia?

Kaugaliang galing Europa po. Ito po ay


nangangahulugang igalang ang mga taong
naroroon sa piging?

Tumpak! Batid kong marami kayong


natutunan sa ating paksang aralin kahapon.

C. Pagganyak

Ngayong umaga, bago tayo dumako sa ating


bagong aralin. Atin munang panoorin ang
aking ihinandang Bidyo Klip. Pero bago tayo
manood, Ano-ano ang mga dapat gawin Ma’am, huwag pong makipag-usap sa katabi
habang tayo ay nanonood? at huwag mag-ingay.

Tama, Judy, Ano pa? Ma’am,Magtala ng mahahalagang datos

Tumpak!

Lahat ba ng mga yan ay inyong gagawin


Klas? Opo Ma’am!

Mabuti kung ganun! Ngayon ay ating ng


panoorin ang Bidyo Klip.

(Ipapanood ang Bidyo) (Aktibong manonood)

Ano ang tungkol sa Bidyong inyong Ma’am, tungkol po sa kainang pamilya nang
napanood, Jomar? sama-sama

Tama! Ito ang kulturang Pilipino na bahagi


na ng ating pamumuhay.

Ano bang maryroon sa sabay-sabay na Dito po nagkakaroon ng pagkakataon na


kainan sa hapunan, Jeffrey? makapag-usap ang bawat miyembro ng
pamilya.

Mahusay! Sa hapunan, dito natin tinatalakay


ang mga nangyayari sa maghapon o
anumang mahahalagang bagay. Tama ba
klas? Opo Ma’am!

Ngayon klas, Papangkatin ko kayo sa


daalawang pangkat, sapagkat meron kayong
pangkatang gawain. Jonalyn maaari mo ng (Aktibong isasagawa nag pagbibilang)
simulan ang pagbilang.

Magsama-sama ang mga mag kakagrupo.


Joyce, Paki basa ang panuto. Panuto: Gamit ang Grapik Organayser,
magbigay ng salita o pangungusap na
maiuugnay sa Hapunan.

Maliwanag ba klas?
Opo Ma’am!

Mabuti kung ganun!

Meron lamang kayong tatlong minuto upang


isagawa ito. Ang grupong mas tahimik,
maayos at mas maraming sagot ay siyang (Aktibong Isasagawa ang Gawain)
panalo at tatanggap ng gantimpala. Maaari na
kayong magsimula.

Klas, Ang inyong tatlong minuto ay tapos na.


Maaari niyo ng ipaskil ang inyong mga
ginawa sa pisara. Bawat pangkat ay
magtalaga ng isang miyembro na siyang
magpapaliwanag sa inyong ginawa.

Atin ng suriin kung anong grupo ang nakuha


ng mas maraming sagot. Ang nanalong
pangkat ay ang pangkat nila Jessabel. Bigyan Isa,dalawa, tatlo – Padyak
natin sila ng Magling Klap. Isa,dalawa, tatlo- Palakpak
Magaling, Magaling, Magaling!

Naibigan ba ninyo ang ating gawain klas?


Opo Ma’am!

Mabuti kung ganun!


D. Paglalahad ng Aralin

Klas, Ang ating laro ay may kinalaman


sa ating bagong paksang aralin ngayong
umagang ito. May nahihinuha naba kayo
tungkol sa ating bagong aralin?

Mahusay Erma! Ang ating paksang aralin


ngayong umaga ay ang ikatlong Kabanata, Ma’am, Ang aking nahihinuha sa ating
Isang Hapunn. bagong aralin ay Isang Hapunan.

E. Paghawan ng Sagabal

Ngayon klas, bago natin talakayin ang


mismong akda ay atin munang pagyamanin
ang inyong talasalitaan.

Mayla, Pakibasa ang panuto.


Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng
salitang nasa Hanay A sa may Hanay B at
gamitin ito sa pangungusap.
Hanay A Hanay B

1. Itinatwa A. Paglalakbay
2. Kinusa B. Naiinis
3. Pagliliwaliw C. Itinanggi
4. Nayayamot D. Itinapon
E. Hinayaan

Inaasahang sagot:
1. Itinatwa-Itinanggi
Itinatwa ako ni Erma bilang isang
kaibigan.
2. Kinusa- Hinayaan
Tila kinusa niyang mamatay ang kanyang
alaga.
3. Pagliliwaliw-Paglalakbay
Isinalaysay sa akin ng aking kapatid ang
kanyang karanasan sa pagliliwaliw sa
ibang Bansa.
4. Nayayamot- Naiinis
Nayayamot sa pagkainip ang aking nanay
habang hinihintay niya ang aking tatay.
F. Pagtalakay

Bago natin panoorin ang Bidyo,


Maglabas ng Papel at magtala ng
mahahalagang datos sapagkat magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain. Pero bago yan
atin munang tignan ang mga gabay na
tanong.

(Ipapakita ang mga gabay na tanong)

Editha, Pakibasa ang mga gabay na tanong. Mga Gabay na Tanong:

1. Para kanino ang ihinandang hapunan ni


Kapitan Tiyago?
2. Sino ang may karapatang maupo sa
kabisera?
3. Bakit ipinaubaya ni Padre Sibyla ang
upuan kay Padre Damaso?
4. Ano ang dahilan bakit nag-aalboruto si
Padre Damaso sa harap ng hapagkainan?
5. Ilang taon namalagi si Crisostomo sa
Espanya?
6. Bakit pinigilan ni Kapitan Tiyago ang
paglisan ni Crisostomo?

Handa na ba kayo klas?


Opo Ma’am!

Kung ganun, atin ng panoorin ang Bidyo


Klip na aking ihinanda

(Ipapanood ang Bidyo)


(Aktibong Manonood)

Bago tayo dumako sa ating pangkatang


gawain, atin munang balikan at sagutin ang
mga gabay na tanong.

Para kanino ang ihinandang hapunan ni


Kapitan Tiago, Jomar? Ma’am, Ang inihandang hapunan ay handog
sa mahal na birhen dahil sa maluwalhating
pagbabalik ni Crisostomo Ibarra.

Magaling! Sino ang may karapatang maupo


sa kabisera, Maria Joy?
Ma’am, Ang may karapatang maupo sa
kabisera ay si Crisostomo.
Tama! Bakit ipinaubaya ni Padre Sibyla ang
upuan kay Padre Damaso, Joker?
Ma’am, Dahil si Padre Damaso ang
Kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago.
Mahusay!Ano ang dahilan bakit
nagaalboroto si Padre Damaso sa harap ng
hapagkainan, Patricia? Ma’am, Dahil hindi inaasahang napunta
sakanya ang upo, leeg at pakpak ng manok.

Tumpak!Ilang taon namalagi si Crisostomo


sa Espanya, Jonalyn?
Ma’am, 7 taon namalagi si Crisostomo Ibarra
sa Europa.
Tama!

Bakit pinigilan ni Kapitan Tiyago ang


paglisan ni Crisostomo? Ma’am, Pinigil ni Kapitan Tiyago ang pag-
alis ni Crisostomo sapagkat darating si Maria
Clara.
Magaling!

Ngayon klas, mula sa dati niyong grupo,


magkakaroon kayo ulit ng pangkatang
gawain.ito ay tinatawag na “Dugtungang Opo Ma’am!
Pagkukwento” . Handa na ba kayo klas?

Kung ganun,Unang pangkat maaari niyo ng


simulan.
Nagsimula po ang kwento sa isang hapunan
sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nang papunta
na po ang mga panauhin sa hapag-
kainan,pareho pong gustong umupo nina
Padre Damaso at Padre Sibyla sa
panguluhan. Nagkaroon ng pagtatalo ang
dalawa at hindi na nila napansing wala pang
upuan ang may-ari ng bahay na si Kapitan
Mahusay! Tiyago.

Itutuloy ng Pangalawang pangkat

Dahil po sa pag-aagawan ni Padre Sibyla at


Padre Damso, Hindi na nila naisipang ialok
kay Kapitan Tiyago ang Kabisera. Sa halip
ay si Crisostomo ang nag-alok dito. Ngunit
tumanggi si Kapitan Tiyago at sinabing
huwag daw siyang alalahanin.
Magaling!
Itutuloy ng naunang pangkat,pangunahan mo
Rachel.
Ang sumunod na pangyayari ay ang paghain
ng tinola na ipinaluto ni Kapitan Tiyago para
kay Crisostomo Ibarra. Sa hindi inaasahang
pangyayari, napunta kay Padre Damaso ang
Upo, Leeg at Pak-pak ng manok na siyang
ikinagalit nito. Samantalang napunta naman
kay Crisostomo ang masasarap na parte gaya
ng pitso, hita at malaking bahagi ng manok.
Dahil sa pangyayari ibinagsak ni Padre
Damaso ang kanyang mga kubyertos.
Tama! Nadismaya si Padre Damaso sapagkat
lahat ng gusto niyang parte ay napunta kay
Ibarra. Ipagpatuloy pangalwang pangkat

Habang kumakain ay natuon ang usapan kay


Ibarra. Naitanong ni Laruja kung ilang taon
nawala si Ibarra sa Pilipinas. At itinanong
kung nakalimot ba ito sa kanyang bayan.
Matapos nito, nagpatuloy sa naging
karanasan ni Ibarra at ang kanyang natutunan
sa ibang bansa kabilang ang kanilang wikang
isinasalita. Naitanong din ni Laruja kung
anong bansa ang pinaka-nagustuhan niya at
Magaling!
ano ang natutunan niya dito.
Ipagpatuloy ng unang pangkat

Nang marinig po ni Padre Damaso ang lahat


ng kasagutan ni Ibarra ay minaliit niya ito.
Sinabing ang 7 taon ang iginugol ni Ibarra sa
Ibang bansa ay pag-aaksaya ngmalaking
yaman para lang mabatid ang nalalaman ng
isang paslit. Nagtimpi si Ibarra at magalang
ng tinaggap ang salita ng pari at binanggit na
lamang ang mga ala-ala niya na si Padre
Damaso ay karaniwang kasalo sa kanilang
hapag-kainan at malapit na kaibigan ng
kanyang ama.
Salamat! At ang huling tagpo ay ikukuwento
ng pangalwang grupo.

Nagpaalam na po si Ibarra ng gabing iyon.


Ngunit pinigilan siya ni Kapitan Tiyago
sapagkat darating si Maria Clara. Ngunit
umalis parin si Ibarra at nangakong babalik
ito kinabukasan.
At diyan na nagtatapos ang Kabanata 3.

Bigyan natin ng Mahusay Clap ang inyong


mga sarli.
(Aktibong isasagawa ang Mahusay Klap)

G. Paglalahat

Klas, Tama ba ang inasta ni Padre


Damaso sa harap ng hapag-kainan, Joker?
Ma’am hindi dahil ang pagdabog sa harap ng
hapag kainan ay kawalan ng reapeto sa
biyayang ipinagkaloob natin.
Tama!

Kaya nararapat lamang na igalang natin ang


hapag-kainan at magpasalamat sa mga
biyayang ipinagkaloob satin ng poong
maykapal, Maliwanag ba klas?
Opo Ma’am!.

Anong kaugaliang Pilipino ang makikita sa


hapunan na nasa kabanata at makikita pa rin
sa mga hapag-kainan hanggang sa
kasalukuyan, Editha?
Ma’am, Iyon pong agawan ng ulam ng
magkakapatid. Ito po ang maituturing na
sakit sapagkat dito pa nawawala ang respeto
sa kainan.

Tama! Ano pa?


Ma’am, Iyon pong pag-upo sa kabisera ng
pinakamakapangyarihan sa bahay. Iyon po
ang Tatay.

Mahusay!

IV. Ebalwasyon
Panuto: Gamit ang larawan, punan ang mga bilog na nakaguhit. Ilagay sa bawat bilog ang
dapat tandaan ayon sa magandang asal sa hapag-
kainan.
Pamantayan sa Pagmamarka

10 puntos- Nakapagbibigay ang 10 na dapat tandaan ayon sa


magandang asal sa hapag-kainan.
8 puntos- Nakapagbibigay ng 7-9 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.
6 puntos- Nakapagbibigay ng 5-6 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.
4 puntos- Nakapagbibigay ng 3-4 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.
2 puntos- Nakapagbibigay ng 1-2 na dapat tandaan ayon sa
magandang asal sa hapag-kainan.

V. TakdangAralin
Basahin ang kabanata 4 “Ang Erehe at Filibustero “at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.
1. Ano ang pagkakaiba ng erehe at filibustero?
2. Bakit nakulong si Don Rafael Ibarra?
3. Bakit walang katarungan ang pagkakapiit kay Don Rafael
Ibarra?

You might also like