You are on page 1of 247

Gawain 1: WORD HUNT

Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong


tinutukoy sa bawat kahon sa kasunod na pahina. Gamitin ang
una at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng
bawat salita.
Gawain 1: WORD HUNT
Gawain 1: WORD HUNT
Gawain 1: WORD HUNT
Matapos matukoy ng mga mag-aaral ang mga salitang
may kaugnayan sa aralin, hikayatin silang bumuo ng konsepto
na maiuugnay sa paglakas ng Europe sa tulong ng mga salitang
kanilang nahanap. Isulat ito sa rectangle callout. Para sa higit
na pag-unawa sa bahaging ito ng aralin, gamitin ang mga
pamprosesong tanong.
Gawain 1: WORD HUNT
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong mga salita?
2. Batay sa mga salitang iyong nahanap at nabuo, alin sa
mga ito ang inakala mong malaki ang kaugnayan sa paglakas ng
Europe? Bakit mo nasabi iyon?
3. Paano mo nabuo ang sariling konsepto o kaisipan mula
sa mga salitang iyong pinagsama-sama?
Gawain 2: KILALANIN MO!
Suriin ang mga sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang
bawat nakalarawan at isulat sa patlang ang tungkulin o gawain
ng bawat isa. Gawin sa kuwaderno.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Sino-sino ang ipinakikita sa mga larawan?
2. Mayroon ka bang kilala na katulad ng nasa larawan?
3. Sa anong panahon kaya ng kasaysayan sila nagmula at
nakilala?
4. May naitutulong ba sa kasalukuyan ang mga nasa
larawan? Patunayan
Gawain 3: THINK – PAIR - SHARE
Sa tulong ng gawaing ito, masusukat mo ang kaalaman at
pag – unlad sa pag-unawa ng aralin.
Pumili ng kapareha at basahin ang katanungan sa aralin.
Sagutin ang tanong sa mga kahong itinakda sa inyo bago
pagsamahin ang mga ideya. Iwanang walang sagot ang
dalawang nasa ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi
ng aralin. Gawin ito sa kuwaderno.
Gawain 3: THINK – PAIR - SHARE
Gawain 4: PAMANA NG NAKARAAN
Natalakay sa Aralin 3 ng Modyul 2 ang mahahalagang
pamana sa bayan at lungsod sa Panahong Medieval. Malaki
ang naitulong ng mga pamanang ito sa pag-usbong sa Europe.
Makikita sa diagram ang mga pamanang ito.
Suriin ang diagram at sagutin ang mga katanungan. Isulat
ang sagot sa kanang bahagi ng diagram. Gawin ito sa
kuwaderno.
Gawain 4: PAMANA NG NAKARAAN
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga
ito ang inaakala mong pinakamahalaga? Bakit?
2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga
pamanang ito sa paglakas ng Europe?
Gawain 5: BURGIS KA!
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoisie sa
paglakas ng Europe. Gusto mo ba silang makilala?
Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeoisie.
Iyong itala ang mahahalagang datos na nakapaloob dito at
punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos
tungkol sa bourgeoisie. Isulat sa kuwaderno.
PAG – USBONG NG MGA BOURGEIOISE
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Bourgeoisie – iniuugnay sa mga
mamamayan ng bayan sa Medieval France na
binubuo ng mga artisan at mangangalakal.
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Artisan – manggagawang may kasanayan
sa paggawa ng mga kagamitang maaaring
may particular na gamit o pandekorasyon
lamang.
PAGKAKAIBA
BOURGEOISIE ARISTOKRASYA, MGA
MAGSASAKA, O NG MGA PARI
Daigdig: Pamilihan Daigdig: Manor o simbahan
Hindi nakatali sa mga panginoong Nakatali sa mga panginoong may
may lupa o landlord lupa o landlord
Yaman: galing sa industriya Yaman: galing sa lupa
Ang mga artisan ay naninirahan sa Ang mga artisan ay hindi
mga nabuong pamayanan, hindi naninirahan sa mga nabuong
nakadepende sa sistemang piyudal pamayanan, nakadepende sa
at hindi binabayaran sa kanilang sistemang piyudal at binabayaran
paggawa sa kanilang paggawa
BOURGEOISIE
PAMILIHAN
HINDI NAKATALI SA MGA LANDLORD
ANG YAMAN AY GALING SA INDUSTRIYA
HINDI NAKADEPENDE SA SISTEMANG PIYUDAL
HINDI BINABAYARAN SA KANILANG PAGGAWA
ARISTOKRATA,
MAGSASAKA, PARI
MANOR AT SIMBAHAN
NAKATALI SA MGA LANDLORD
ANG YAMAN AY GALING SA INDUSTRIYA
NAKADEPENDE SA SISTEMANG PIYUDAL
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Huling bahagi ng ika-17 siglo – naging
makapangyarihang pwersa ang mga
bourgeoisie sa Europe.
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Huling bahagi ng ika-17 siglo – naging
makapangyarihang pwersa ang mga
bourgeoisie sa Europe.
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
Mangangalakal
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
Mangangalakal
Banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko)
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
Mangangalakal
Banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko)
Ship - owner (nagmamay-ari ng mga barko)
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
Mangangalakal
Banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko)
Ship - owner (nagmamay-ari ng mga barko)
Mga pangunahing namumuhunan
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
Mangangalakal
Banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko)
Ship - owner (nagmamay-ari ng mga barko)
Mga pangunahing namumuhunan
Mga negosyante
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Sinu – sino ang mga bourgeoisie?
Mangangalakal
Banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko)
Ship - owner (nagmamay-ari ng mga barko)
Mga pangunahing namumuhunan
Mga negosyante
*hindi na kabilang ang mga artisan dahil naiuri na sila
bilang manggagawa
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng
kayamanan at pakikipag-alyansa (pagkampi) sa hari laban sa
landlord.
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Ang kanilang kapangyarihan ay pang-ekonomiya lamang.
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Bakit nagkaroon ng English Revolution,
American Revolution at French Revolution?
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Bakit nagkaroon ng English Revolution,
American Revolution at French Revolution?
dahil ninais ng mga bourgeoisie na…..
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Bakit nagkaroon ng English Revolution,
American Revolution at French Revolution?
dahil ninais ng mga bourgeoisie na…..
a. Palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Bakit nagkaroon ng English Revolution,
American Revolution at French Revolution?
dahil ninais ng mga bourgeoisie na…..
a. Palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo
b. Sa pakikialam ng monarkiya sa personal na
kalayaan
PAG – USBONG NG BOURGEOISIE
Bakit nagkaroon ng English Revolution,
American Revolution at French Revolution?
dahil ninais ng mga bourgeoisie na…..
a. Palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo
b. Sa pakikialam ng monarkiya sa personal na
kalayaan
c. Karapatan sa kalakalan at pagmamay - ari
KAPANGYARIHAN NG MGA BOURGEOISIE
Ika – 17 na siglo Ika - 19 na siglo
Pang – ekonomiya Nagkaroon ng political
lamang na kapangyarihan,
nagkamit ng karapatang
political, panrelihiyon at
sibil sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng
liberalismo
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng
bourgeoisie?
2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie?
3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe?
4. Sino ang maituturing na Bourgeoisie sa kasalukuyan?
5. Sa kasalukuyan paano nakatutulong ang bourgeoisie sa
ating bansa at maging sa daigdig?
PAGSILANG NG MERKANTILISMO
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
MERKANTILISMO
- hango sa karanasan ng Spain na yumaman at
makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling
sa mga kolonya nito sa South America at Central America.
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
MERKANTILISMO
- kailangan ng kolonya na magkaloob ng mga ginto at pilak
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
MERKANTILISMO
- dapat mas paunlarin pa ang kalakalan sa ibang bansa ng
mga bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak
ng madalian
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
MERKANTILISMO
- kung mas marami ang iluluwas kaysa iaangkat, mas
maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa.
- mapapanatili ang lamang sa balance ng kalakalan.
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
NASYONALISMONG EKONOMIKO
- elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo
at paglakas ng mga nation – state
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
NASYONALISMONG EKONOMIKO
- kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong
pangangailangan.
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
NASYONALISMONG EKONOMIKO
- hindi na aasa sa mga produktong dayuhan
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
MERKANTILISMO
- itaguyod ang kaunlarang pang – ekonomiya at
kapangyarihang political ng isang bansa.
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
MERKANTILISMO
- layuning magkaroon ng
malaking kitang magbibigay
daan upang ang hari ay
makapagpagawa ng mga barko,
mapondohan ang kaniyang
hukbo at magkaroon ng
pamahalaang katatakutan at
rerespetuhin ng buong daigdig.
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
DOKTRINANG BULLIONISM
- sentral ng teorya ng merkantilismo
- ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng
mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.
Gawain 6: BASAHIN AT UNAWAIN
DOKTRINANG BULLIONISM
- mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang
bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis
- mas magiging mayaman at makapangyarihan ang
naturang bansa.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Batay sa mga kaisipan at konseptong nabasa sa teksto, ano ang
kahulugan ng merkantilismo?
2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika
rin ang layunin ng merkantilismo?
3. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng
Europe?
4. Mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan.
5. Pabor ka ba na ito ang gamiting sistemang pang-ekonomiya sa
ating bansa? Sa daigdig? Bakit?
PAGTATATAG NG
NATIONAL MONARCHY
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- Noong panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong
pamahalaan
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- Noong panahon ng piyudalismo, mahina ang
kapangyarihan ng hari
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- Noong panahon ng piyudalismo, ang naghahari ay mga
noble na sila ring mga panginoong maylupa (landlord).
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- sa tulong ng mga bourgeoisie, ang mga hari ay unti –
unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng
teritoryo at pagbubuo ng matatatag na sentralisadong
pamahalaan.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- humirang siya ng mamamayang magpapatupad ng batas
at nagsasagawa ng paglilitis at paparusa sa korte ng palasyo.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- Resulta: lumipat ang katapatan ng tao mula sa landlord
tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila.
Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- Dahil sa buwis: nagkaroon ng pondo ang hari upang
magbayad ng mga sundalo
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- nakalaya ang hari mula sa proteksyon na dating
ibinibigay ng mga knight ng mga landlord.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari
silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng landlord kung
kinakailangan.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong
mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya at
administrador.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
- Anu – ano ang salik na nakatulong sa muling paglakas ng
kapangyarihan ng hari? Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Nation – state: isang estado na pinananahanan ng
mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon
at kasaysayan.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- ang mamamayan ay isang nagkakaisang lahi
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Estado dahil nasa isang tiyak na teritoryo at pamahalaan
silang may soberanidad (soberanya) o kasarinlan
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Katangian ng nation – state sa panahong ito.
1. May sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang
pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan
na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Katangian ng nation – state sa panahong ito.
2. Bagong institusyong nabuo gaya ng isang hukbo ng mga
propesyunal na sundalo na tapat sa hari.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at
kapangyarihan ng monarkiya kahit na nangangahulugan ito ng
digmaan.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Katangian ng nation – state sa panahong ito.
3. Pagsisimula ng institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o
kawani na may kasanayan para patakbuhin ang pamahalaan
ayon sa kautusan ng monarkiya.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Tungkulin; pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng
batas at pagkakaloob ng hustisya.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Dahil sa makapangyarihan ang mga nation – state,
nagpakita ng ibayong lakas ang Europe.
1. Nabuo ang ibayong lakas pampolitika, panlipunan at
pang – ekonomiya
2. pagpapalawak ng impluwensiya: nanghimasok at
pananakop ng mga Europeong nation – state sa Asya, America
at nang kinalaunan, sa Africa.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAG-USBONG NG MGA NATION - STATE
- Paano nakatulong ang mga nation – state sa paglakas ng
Europe? Isulat ang sagot sa kuwaderno.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Ano - ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng
monarkiya at nagpalakas sa kapangyarihan ng hari?
2. Ano - anong bansa sa kasalukuyan ang
pinamumunuan pa rin ng hari at reyna?
3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas
ng Europe?
4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na hari at
reyna ang mamuno sa ating bansa? Bakit?
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG
PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS
NG EUROPE
- nababawasan ang katapatan ng mga mamamayan sa
mga landlord
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS
NG EUROPE
- nakikita nila ang Simbahan bilang bagong sentro ng
debosyon
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS
NG EUROPE
- tinuligsa ang pang – aabuso ng mga hari
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS
NG EUROPE
- lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS
NG EUROPE
1073 – naging mas makapangyarihan ang Simbahan nang
itakda ni Pope Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng
kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS
NG EUROPE
- pinakamataas na lider – espirituwal at tagapagmana ng
Simbahang Katoliko mula kay San Pedro
- ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa
pananampalataya at doktrina
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS
NG EUROPE
- ang lahat ng Obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya,
gayundin ang hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang
diumanong gamitin sa layuning Kristiyano.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
INVESTITURE CONTROVERSY
- tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan
kaugnay ng mga ideya ni Pope Gregory VII.
- relihiyong panatisismo ang nais ng Papa
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
INVESTITURE CONTROVERSY
- hindi nagustuhan ni Henry IV, isang haring German dahil
tuwirang nakaaapekto sa mga kaugalian at usaping political sa
Germany.
- Hiniling niya sa mga obispong German na pababain sa
pwesto ang Papa
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
INVESTITURE CONTROVERSY
- itiniwalag (ekskomulgado) si Henry IV sa Simbahang
Katoliko at humiling at alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya
- tumayo nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa
sa Hilagang Italy ng 3 araw (1077)
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
INVESTITURE CONTROVERSY
- pinatawad ng Papa si Henry
- nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
CONCORDAT OF WORMS
(1122)
- kasunduan sa pagitan ng
Simbahan at ni Henry IV
- kumilala sa dalawang
tungkulin ng Obispo bilang lider
– espirituwal ng Simbahan at
panginoong maylupa.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
CONCORDAT OF WORMS (1122)
- kinilala ang Simbahan bilang isang nagsasariling
institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim
sa sinumang hari.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
ANG SIMBAHAN
- pinakamapangyarihang institusyon sa panahon ng
Middle Ages.
- malawak ang lupaing pag – aari nito
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
ANG SIMBAHAN
- nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag – uugali at
moralidad
- namahalaan sa edukasyon
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
ANG SIMBAHAN
- maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin
- sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng
Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano – ang
Republica Christiana na pinamumunuan ng hari sa patnubay
ng Papa.
Gawain 7: HAGDAN NG PAG-UNAWA
11th – 13th CENTURY EUROPE
- lumaki ang populasyon
- nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan
- umusbong ang mga lungsod at kalaunan naging nation –
state at
- lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan
Gawain 8: DISCUSSION WEB
Sundin ang sumusunod:
1. Pagkatapos basahin ang teksto, sagutan ang tanong sa
discussion web. Bumuo ng limang pangkat na may parehong
bilang.
2. Talakayin ang tanong sa iyong pangkat at bumuo ng ebidensya
at suporta sa panig ng Oo at Hindi.
3. Suriin ang tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng
bawat miyembro sa bawat pangkat kung ang sagot ay Oo o Hindi.
4. Magtulungan ang bawat miyembro ng pangkat sa pagbuo ng
dahilan at kongklusyon.
5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong
pananaw sa buong klase.
Gawain 8: DISCUSSION WEB
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe?
2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa
paglakas ng Europe?
3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng Europe at
transpormasyon ng daigdig?
4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng Simbahan sa
kasalukuyan? Patunayan.
Gawain 9: OO o HINDI
Pagkatapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at
kaalaman sa naging aralin, iyong malalaman kung gaano mo
nauunawan ang naging pag – aaral tungkol sa paglakas ng Europe.
Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa aralin. Idikit mo
ang hawak mong thumbs up sign sa bahagi ng OO kung nauunawaan
mo na ito at sa bahagi naman ng HINDI kung hindi pa malinaw sa iyo
ang konsepto ng aralin. Pagkatapos ay suriin ang bilang ng mga
nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang pagkaunawa.
Gawain 9: OO o HINDI

KONSEPTO/ KAALAMAN OO HINDI


(NAUNAWAAN) (NAUNAWAAN)
1. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mamamayang kabilang sa
panggitnang uri ng lipunan.
2. Dahil sa impluwensiya ng bourgeoisie, nasimulan ang mga reporma
sa pamahalaan.
3. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na
lumaganap sa Europe at naghangad ng pagkakaroon ng maraming
ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa.
4. Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang
hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng national
monarchy.
5. Ang Simbahan ang nagsilbing tagapangalaga ng kalinangan sa
imperyo noong Panahong Medieval.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Dahil sa pag-unlad ng agrikultura bunga ng mga
pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim,
umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages.
1. Lumaki ang populasyon
2. Pagdami ng pangangailangn ng mamamayan na
natugunan naman ng maunlad na kalakalan
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG MGA LUNGSOD – ESTADO SA HILAGANG ITALY
- nakinabang sa kalakalan
- naging sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe.
- monopolisado ang kalakalan sa pagitan ng Asya at
Europe
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG MGA LUNGSOD –
ESTADO SA HILAGANG
ITALY
- Milan, Florence,
Venice, Mantua,
Ferrara, Padua, Bologna
at Genoa
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG MGA LUNGSOD –
ESTADO SA HILAGANG
ITALY
- Mga lungsod – estado:
Milan, Florence, Venice,
Mantua, Ferrara, Padua, Bologna
at Genoa
 ang yaman ay hindi
nakasalalay sa lupa kundi sa
kalakalan at industriya
 kung nangangailangn ng pera
ang Papa, hari o Panginoong
Maylupa, nanghihiram sila sa
mga mangangalakal at banker
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG MGA LUNGSOD – ESTADO SA HILAGANG ITALY
• Ang mga Medici sa Florence ang halimbawa ng mangangalakal at
banker
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
RENAISSANCE “Muling Pagsilang o rebirth”
- kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik
ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa
pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga
nasabing sibilisasyon.
- Pagtatapos ng Middle Ages, panahon ng transisyon mula
Middle Ages tungo sa Modern Period o Makabagong Panahon
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
BAKIT SA ITALY?
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
BAKIT SA ITALY?
• Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at
higit na may kaugnayan ang Italyano kaysa sa mga Romano o
alinmang bansa sa Europe
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
BAKIT SA ITALY?
• Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong
mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
BAKIT SA ITALY?
• Maganda ang lokasyon nito. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga
lungsod dito na makipagkalakalann sa Kanlurang Asya at Europe
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
BAKIT SA ITALY?
• Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy.
Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang Klasikal at ang mga
teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at
Romano.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
BAKIT SA ITALY?
Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit
nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance?
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG MGA HUMANISTA
Sa pagtatapos ng Middle Ages,
• nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari
samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan
ay sinimulang tuligsain.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG MGA HUMANISTA
Sa pagtatapos ng Middle Ages,
• Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-
ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG MGA HUMANISTA
Sa pagtatapos ng Middle Ages,
• Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang
ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng
sinaunang Greece at Rome, ang Humanismo.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
HUMANISMO
isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang
dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at
Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat
matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
HUMANIST O HUMANISTA
- mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome.
- meaning: “guro ng humanidades, particular ng wikang
Latin”
- pinag-aaralan: wikang Latin at Greek, komposisyon,
retorika, kasaysayan at pilosopiya, at maging Matematika at
Musika.
- dapat gawing modelo ang mga Klasikal na ideyang
matatagpuan sa mga asignaturang ito.
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA - IBANG LARANGAN
Sining at Panitikan
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
SINING AT PANITIKAN
Francesco Petrarch (1304-1374).
Ang “Ama ng Humanismo”.
Pinakamahalagang sinulat niya sa
Italyano ang “Songbook,” isang
koleksiyon ng mga sonata ng pag-
ibig sa pinakakamahal niyang si
Laura.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
Giovanni Boccacio (1313 – 1375)
Matalik na kaibigan ni
Petrarch. Ang kaniyang
pinakamahusay na panitikang
piyesa ay ang “Decameron”, isang
tanyag na koleksyon na nagtataglay
ng isandaang (100) nakatatawang
salaysay.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
William Shakespeare (1564 – 1616)
Ang “Makata ng mga
Makata.” Naging tanyag na
manunulat sa Ginintuang Panahon
ng England sa pamumuno ni Reyna
Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya
ang mga walang kamatayang dula
gaya ng: Julius Caesar, Romeo at
Juliet, Hamlet, Anthony at
Cleopatra at Scarlet.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
Desiderius Erasmus (c.1466-1536).
“Prinsipe ng mga
Humanista.”
May-akda ng “In Praise of
Folly” kung saan tinuligsa niya ang
hindi mabuting gawa ng mga pari
at mga karaniwang tao.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
Nicollo Machievelli (1469-1527).
Isang diplomatikong
manunulat na taga Florence, Italia.
May-akda ng “The Prince.”
Napapaloob sa aklat na ito ang
dalawang prinsipyo:
“Ang layunin ay nagbibigay
matuwid sa pamamaraan.”
“Wasto ang nilikha ng lakas.”
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
Miguel de Cervantes (1547-
1616).
Sa larangan ng panitikan,
isinulat niya ang nobelang “Don
Quixote de la Mancha,” aklat na
kumukutya at ginagawang
katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero
noong Medieval Period.
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA - IBANG LARANGAN
PAGPIPINTA
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG
LARANGAN
Michelangelo Bounarotti (1475-1564).
Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance,
ang una niyang obra maestro ay ang estatwa ni
David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa
Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento
sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng
sandaigdaigan hanggang sa pagbaha.
Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La
Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng
Kaniyang Krusipiksyon.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG
LARANGAN
Leonardo da Vinci (1452-1519).
Ang hindi makakalimutang obra maestra
niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na
nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama
ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang
henyong maraming nalalaman sa iba’t ibang
larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa
ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor,
siyentista, musikero at pilosopher.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T
IBANG LARANGAN
Raphael Santi (1483-1520).
“Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”.
Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa
pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang
mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang Obra
Maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the
Child” at “Alba Madonna.”
MGA AMBAG NG RENAISSANCE
SA IBA - IBANG LARANGAN
AGHAM
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T
IBANG LARANGAN
Nicolas Copernicus (1473-1543).
Inilahad ni Nicolas ang Teoryang
Heliocentric; “Sa pag-ikot ng daigdig sa
aksis nito, kasabay ng ibang planeta,
umiikot ito sa paligid ng araw.”
Pinasungalingan ng teoryang ito ang
tradisyonal na pag-iisip na ang mundo
ang sentro ng sansinukob, na matagal
ding tinangkilik ng simbahan.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA
IBA’T IBANG LARANGAN
Galileo Galilei (1564-1642).
Isang astronomo at
matematiko, noong 1610. Malaki
ang naitulong ng kaniyang na
imbentong teleskopyo para
mapatotohanan ang Teoryang
Copernican.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T
IBANG LARANGAN
Sir Isaac Newton (1642-1727).
Ang higante ng siyentipikong
Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang “Batas ng
Universal Gravitation,” ang bawat planeta ay
may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at
siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar
ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na
ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit
bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis
pataas.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN
Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa
panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko
bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay
naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyang mga tanong.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN
Paano binago ng mga ambag ng
Renaissance ang pananaw at kultura ng Europe
noon at maging sa kasalukuyan?
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN
Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na
kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng
kalagitnaang panahon patungo sa Modernong Panahon.
Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay
nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng
malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik.
Ang transisyong ito ay nagbigay daan rin sa pag-usbong ng
Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod
ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang
pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at
pagbubuklod - buklod ng mga bansa sa katotohanang ang
pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang
ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng
kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging
hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang
ambag sa Renaissance.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Isotta Nogarola ng Verona na
may akda ng Dialogue on Adam and
Eve (1451) at Oration on the Life of St.
Jerome (1453) na kakikitaan ng
kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa
mga isyung teolohikal.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Laura Cereta mula sa Brescia na
bago mamatay sa gulang na 30 ay
isinulong ang isang makabuluhang
pagtatanggol sa pag-aaral na
humanistiko para sa kababaihan.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Sa pagsulat ng tula, mahahalagang
personalidad ng Renaissance sina
Veronica Franco mula sa Venice
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Vittoria Colonna mula sa Rome.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Sa larangan ng pagpipinta,
nariyan sina Sofonisba Anguissola
mula sa Cremona na may likha ng
Self-Portrait (1554) at si Artemisia
Gentileschi, anak ni Orazio, na
nagpinta ng Judith and Her
Maidservant with the Head of
Holoferness (1625) at Self- Portrait as
the Allegory of Painting (1630).
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Ano-ano ang kontribusyon ng kababaihan sa larawan?
PANGKATANG PAG-UULAT
Maghahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Sa
tulong ng tekstong iyong binasa ay ilahad ninyo ng inyong
kapangkat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
Renaissance.
Pangkat 1: Kahulugan ng Renaissance
Pangkat 2: Salik sa Pagsibol ng Renaissance
Pangkat 3: Ambag ng Renaissance sa Iba’t ibang Larangan
Pangkat 4: Mga Kababaihan sa Renaissance
PANGKATANG PAG-UULAT
Pagkatapos ng inyong presentasiyon maglagay ng mga datos sa
concept definition map para sa mas malinaw na daloy ng mga
impormasyong kaugnay ng paksa. Magbigay ng reaksiyon o magtanong
sa naging presentasiyon ng kamag-aaral kung mayroon kang hindi
naunawaan.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Ano ang kahulugan ng Renaissance?
2. Ano-ano ang naging mga salik sa pag-usbong ng
Renaissance?
3. Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance?
4. Ano ang naging epekto ng Renaissance sa pagkakaroon ng
panibagong pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral?
5. Sino-sino ang pangunahing tagapagtaguyod ng
Renaissance?
6. Ano-ano ang mga naiambag ng Renaissance sa ating
kabihasnan?
7. Sino-sinong kababaihan ang kilala sa panahong ito?
PAMPROSESONG MGA TANONG
8. Ano-ano ang kanilang naging kontribusyon sa Panahon ng
Renaissance?
9. Paano nakatulong ang Renaissance sa paglakas ng Europe?
10. Nagaganap pa rin ba ang mga pangyayari sa Panahon ng
Renaissance sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay.
11. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag
ng anumang bagay sa ating bansa, anong bagay at saang
larangan mo pipiliing makapagbahagi ng mga ito?
Pangatuwiranan.
Gawain 10: MAGTULUNGAN TAYO
ANG RENAISSANCE
Nagdala ng maraming pagbabago at mga pamana sa
daigdig ang Panahon ng Renaissance. Sa bahaging ito ay
tutungo ka naman sa kuwento ng Repormasyon at
Kontra Repormasyon.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
Panuto: Sa huling bahagi ng Middle Ages ay naranasan ang
paghina ng Simbahan dahil sa mga pagbabagong politikal,
ekonomiko, at panlipunan. Pagsapit ng ika-14 na siglo,
maraming mga reporma ang hinihingi sa Simbahan. Dito
nagsimula ang Repormasyon. Basahin at unawain ang teksto sa
Repormasyon upang masuri ang mga kaganapan sa panahong
ito. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa mga gawain sa bahaging
ito ng aralin.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
ANG REPORMASYON
Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa
kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon na
humantong sa pagkakahati ng Simbahang Kristiyano.
Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa
Simbahang Katoliko Romano, gayunpaman hindi nagpabaya ang mga
Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon
nang hindi binabago ang kanilang doktrina.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
MARTIN LUTHER, AMA NG
PROTESTANTENG PAGHIHIMASOK
Ipinanganak si Luther noong
Nobyembre 10, 1483, sa Eisleben,
Germany. Ang kaniyang ama, si Hans
Luther ay isang magsasaka na naging
minero ng tanso, samantalang ang ina
niyang si Margareth Linderman ay mula
sa isang pamilyang kabilang sa gitnang
uri.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
MARTIN LUTHER, AMA NG
PROTESTANTENG PAGHIHIMASOK
- ang napagsimula ng Repormasyon.
- propesor sa Wittenburg University
(Germany)
- sumulat ng “Ninety – Five Thesis”
- tinuligsa ang simony o pagbibili ng mga
pwesto at indulhensya o pagbibili ng
kapatawaran
- tinutulan ang “kabanalan ng Papa”
- Aral: ang kaligtasan ay masusumpungan
lamang sa Bibliya
Gawain 11: PALITAN TAYO!
MARTIN LUTHER, AMA NG
PROTESTANTENG PAGHIHIMASOK
Noong taong 1529, nagbigay ang
mga sumusuportang estado at bayang
Aleman ng isang protestasyon - na siyang
pinagmulan ng salitang Protestante.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
MARTIN LUTHER, AMA NG
PROTESTANTENG PAGHIHIMASOK
Sila ay ang mga sumasalungat sa
mamamayang Katoliko at sa emperador
ng Banal na Imperyong Romano.
Pagkatapos ng ilang taong alitan ng
Protestante at Katoliko Romano na
humantong sa digmaan, ito ay tinapos ni
Charles V sa pamamagitan ng paglagda sa
Kapayapaang Augsburg noong 1555.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
MARTIN LUTHER, AMA NG
PROTESTANTENG PAGHIHIMASOK
Nasasaad sa kasunduan na kilalanin
ng mga hari o namumuno ang malayang
pagpili ng relihiyon ang kanilang
nasasakupan.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
ANG REPORMASYON
Batay sa teksto, paano nagsimula ang Repormasyon?
Gawain 11: PALITAN TAYO!
KONTRA - REPORMASYON
Bago nagsimula ang Repormasyong
Protestante, nagsikap ang mga pinunong
Katoliko na maituwid ang mga maling
pamamaraan ng Simbahan. Si Papa
Gregory VII (1073-1085), na lalong kilala
sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang
nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa
Simbahan.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
KONTRA - REPORMASYON
1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng
pamilya at nang mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa
anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
KONTRA – REPORMASYON
Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang
malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na
Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko.
Tinawag ang kilusang ito na Catholic Reformation o
Counter Reformation. Isinagawa ito ng Konseho ng
Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita
(Society of Jesus).
Gawain 11: PALITAN TAYO!
KONTRA – REPORMASYON
Nagtagumpay ang mga Heswita sa
pagbawi sa Bohemia, Hungary, Poland, at
Timog Germany para sa Simbahang
Katoliko.
1. Sila ang naging makapangyarihang
lakas ng Katolisismo sa kanlurang Europe.
2. Nagtatag sila ng mga paaralan at
naging dalubhasa bilang mga guro.
3. Pinilit din nilang magkaroon ng
malaking kaugnayan sa politika ng Europe.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
KONTRA – REPORMASYON
4. Naging tagapayo sila at
katapatang-loob ng mga hari at reyna
ng mga kahariang Katoliko.
5. Nagtamo sila ng matataas na
karangalan sa pamamagitan ng
kanilang nagawa bilang mga iskolar at
mga siyentista.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
KONTRA – REPORMASYON
Sa panahon nina Haring
Ferdinand at Reyna Isabella
ipinatupad ang Inquisition laban
sa mga erehe at Hudyo at
nakidigma sa mga Muslim ng
Granada. Maging ang Simbahan
ay sumailalim sa trono ng hari at
reyna.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
KONTRA – REPORMASYON
Ano-ano ang binago ni Pope Gregory VII sa
Simbahang Katoliko?

Ano ang naging bunga ng Kontra -


Repormasyon?
Gawain 11: PALITAN TAYO!
EPEKTO AT KAHALAGAHAN
NG REPORMASYON
nagkaroon ng
dibisyong panrelihiyon sa
Europe kung saan ang
hilaga ay naging mga
Protestante samantalang
ang timog naman ay
nanatiling Katoliko;
Gawain 11: PALITAN TAYO!
EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON
sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na
iba sa aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami
ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng
Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican,
Presbyterian, at iba;
Gawain 11: PALITAN TAYO!
EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON
gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga
suliraning pangrelihiyon na kanilang hinarap upang muling
mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin
ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga repormang kanilang
ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy sa
pagbebenta at pagbibili ng mga opisyo ng Simbahan at ang
pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa
Simbahan;
Gawain 11: PALITAN TAYO!
EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON
ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe
(Katoliko at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng
digmaang panrelihiyon
ang pagpapanumbalik ng katuruang espirituwal sa
Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya, at ang doktrina ng
kaligtasan base sa Bibliya. Isinasaad dito na ang kaligtasan ay
makakamit hindi sa pagsapi sa Simbahan kundi sa pagtanggap at
pagtitiwala kay Kristo.
Gawain 11: PALITAN TAYO!
EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON
1. Ano ang naging bunga ng Kontra-Repormasyon?
2. Ano-ano ang naging epekto ng Repormasyon?
3. Mabuti ba o masama ang naging epekto ng Repormasyon?
Patunayan.
4. Ano ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga
tao?
Gawain 11: PALITAN TAYO!
EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON
Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, sipiin mo
ang Contrast-Compare Map. Punan mo ito ng hinihinging mga
impormasyon. Pagkatapos, makipagpalitan ka ng papel sa
iyong kamag-aaral. Suriin ang gawa ng bawat isa at magbigay
ng reaksiyon sa kasagutan ng iyong kamag-aral. Kumpletuhin
din ang 3 - 2 -1 Chart tungkol sa Repormasyon at Kontra-
Repormasyon.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Ano ang Repormasyon?
2. Bakit iniugat kay Martin Luther ang unang yugto ng Repormasyon?
3. Paano lumaganap ang Repormasyon?
4. Ano ang naging sagot ng Simbahang Katoliko sa Repormasyon?
5. Ano-ano ang naging pamana ng Repormasyon?
6. Paano binago ng Repormasyon ang Europe?
7. Sa kasalukuyan, nakaapekto ba sa iyong paniniwala sa Diyos ang
pagkakaroon ng iba’t ibang denominasyon ng relihiyon sa iyong
paligid? Bakit?
Gawain 12: TAYAIN MO!
Suriin ang sumusunod na pahayag. Itanong mo sa iyong
sarili kung ginagawa mo o hindi ang mga gawaing nakatala.
Itala mo rin ang iyong dahilan at mungkahi sa mga gawaing ito.
Gawain 13: THINK – PAIR - SHARE
Balikan mo ang Think-Pair-Share Chart. Sa pagkakataong
ito na natutuhan mo na ang mahahalagang konsepto ng aralin
ay sagutan mo na at ng iyong kapareha ng pinal ang
katanungan sa aralin sa pagsisimula nito. Tiyaking mapag-
uusapan ninyong magkapareha ang magiging pinal na
kasagutan at kung may mga nais pang idagdag na bagong
kaalaman na naunawaan ay gawin na rin. Huwag ding
kalimutan na ilagay ang mga sanggunian at batayan ng iyong
nabuong kasagutan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Gawain 13: THINK – PAIR - SHARE
Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa pamamagitan
ng talakayan at ibaibang gawain ang mga konseptong dapat
mong maunawaan tungkol sa paglakas ng Europe. Balikan mo
ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin mo kung ano
ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa naging sagot mo
ngayon. Ilan sa mga una mong konsepto ang natalakay at
nabigyang linaw?
Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa
aralin, palalimin pa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy
ng ating mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito.
Gawain 14: PAGNILAYAN MO!
Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga
bourgeoisie (mga mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas
ng Europe. Sila ay nagsilbing saligan ng Europe para muling
manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon natin ngayon, ang ating
bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung saan ang
Simbahan, mga mangangalakal, at maging iba pang propesyunal atang
pamahalaan ay nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang
mga punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa
pagpaplano ng pamilya. Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong
reaksiyon sa paniniwala ng Simbahang Katoliko at ng pamahalaan.
Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga pamprosesong mga
tanong.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Sakaling dumating ka na sa panahong ikaw ay magpapamilya, kaninong
paniniwala ang iyong susundin; ang Simbahang Katoliko o ang sa pamahalaan?
Bakit?
2. Lumalabag ba sa moralidad ang paninindigan ng pamahalaan na dapat
gumamit ng contraceptives sa pagpaplano ng pamilya? Ipaliwanag ang sagot.
3. Sang-ayon ka bang pondo ng pamahalaan ang dapat gamitin sa pagbili ng
contraceptives? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong batas kaugnay ng pagpaplano ng pamilya:
ang Republic Act 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive Health
Act of 2012). Sa iyong palagay, makatutulong ba ito upang mabawasan ang
mabilis na paglaki ng populasyon? Ipaliwanag.
5. Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong mo upang mabawasan ang mabilis na
paglaki ng populasyon at ang hindi mabuting epekto nito?
Gawain 15: ANO ANG GUSTO MO!
Gamit ang iyong mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang
poster o editorial cartoon. Gawin ito nang pangkatan. Sundin ang PDRS (Plan, Do,
Review, at Share) technique. Ang lilikhaing poster o editorial cartoon ay
maglalaman ng mga pamana sa kabihasnan ng bourgeoisie, merkantilismo,
national monarchy, Simbahang Katoliko, Renaissance, at Repormasyon. Maaari
mo itong gawin sa isang cartolina o illustration board. Maging malikhain sa
magiging laman ng inyong gagawin at sikaping lahat ng kasapi ng pangkat ay may
bahagi sa gawain. Lagyan din ng paliwanag at pasasalamat sa naging ambag sa
daigdig ng mga nasabing salik sa paglakas ng Europe. Ibahagi ito sa klase
pagkatapos.
Mamarkahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. Sagutin din
ang mga pamprosesong tanong para sa mas malalim na pag-unawa sa aralin.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Ano ang iyong napuna sa nabuong mga poster/ editorial
cartoon?
2. Paano nakatulong sa iyong pang-araw-araw na buhay ang
mga pamanang iniwan ng mga pangyayaring kaugnay ng
paglakas ng Europe?
3. Paano ipinakita sa poster/editorial cartoon ang naitulong ng
mga pamanang iniwan ng paglakas ng Europe sa
transpormasyon ng ating daigdig sa kasalukuyan?
Gawain 16: SALAMIN NG AKING SARILI
Ano ang naramdaman mo habang inaalam ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe?
Alin sa mga paksa ng aralin ang mas nakapukaw ng iyong
interes? Bakit? May bahagi ba ng aralin na nais mo pang
tuklasin nang mas malawak? Sa proseso ng paunlarin at pag-
unawa ng aralin, ano ang mga natuklasan mo sa iyong sarili
bilang isang mag-aaral, at ano ang iyong mga susunod na
hakbang upang mas maging produktibo at makabuluhan ang
iyong pag-aaral?
Gawain 16: SALAMIN NG AKING SARILI
Isulat mo sa reflection journal ang lahat ng iyong
mga iniisip at saloobin upang maging gabay sa pagsukat
ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing
iyong naisakatuparan. Gawin mo rin itong pamantayan
tungo sa pagpapaunlad ng iyong sarili.
Gawain 16: SALAMIN NG AKING SARILI
Binigyang diin sa Aralin 1 ang pagtalakay ng mga pangyayari
tungkol sa paglakas ng Europe. Nakasentro ang pagtalakay sa mga salik
na nagbunsod nito tulad ng pagsilang at kontribusyon ng Renaissance,
ang Repormasyon, maging ang naging tugon ng Simbahang Katoliko, at
ang Kontra-Repormasyon.
Mahalagang tandaan ang mga bagay na iyong natutuhan dahil
makatutulong ito sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng
daigdig. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang
nakaraan sa kasalukuyang panahon.
MGA SANGGUNIAN
Microsoft Encarta 2009
www.google.com/images
Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, pp. 274 - 321
DOWNLOAD LINK
THANK YOU

Prepared by:
JARED RAM A. JUEZAN
Teacher I
October 14 – November 19, 2015

You might also like