You are on page 1of 42

BALIK-ARAL

Word Hunt!

Hanapin sa Puzzle ang


mga terminong may
kinalaman sa aralin.
A L A M E R K A N T I L I S M O
D I M B S E T N A T S E T O R P
V S I O L P R O T S E T O R P R
C O K A T O L I K O W H P S E I
E M D K E R A L S E A R L K E S
T S K U Y M T T A P T K N G P R
N I R S F A G U M O Y A S O O U
M N L W C S B S N R B N C T R K
P A T P L Y A S H R E O P Y U G
E M Y M B O U R G E O I S I E A
R U L R E N A I S S A N C E S P
Y H C R A N O M L A N O I T A N
1.Ano ang iyong nahanap
at nabuong mga salita?
PAMPROSESONG
TANONG 2. Batay sa mga salitang
iyon, alin sa mga ito ang
pamilyar sa iyo? Bakit?
3. Batay sa gawaing
PAMPROSESONG inyong ginawa patungkol
TANONG kaya saan ang ating
talakayan?
INAASANG MATUTUHAN MO

1.Nauunawaan mo ang mahahalagang


kaalaman tumgkol sa paglakas ng
Europe.
INAASANG MATUTUHAN MO

2. Napahahalagahan ang bahaging


ginampanan ng bourgeoisie, ng sistemang
Merkantalismo, pagtatatag ng National
Monarchy, at maging Simbahang Katoliko sa
pagbabagong naganap sa Europe sa
panahong ito.
INAASANG MATUTUHAN MO

3. Nakagagawa ng Concept Map


tungkol sa mga pagbabagong naganap
sa Europe.
Ano ba ang ibig sabihin ng
Bourgeoisie?
Ang terminong
Bourgeoisie ay
iniuugnay sa mga
mamamayan ng mga
bayan sa Medieval
France na binubuo ng
mga Artisan at
Mangangalakal.
Ang mga Artisan ay mga
manggagawang may
kasanayan sa paggawa ng
mga kagamitang maaaring
may partikular na gamit o
pandekorasyon lamang.
Ang daigdig ng mga
Bourgeoisie ay ang
pamilihan. Ang kanilang
yaman ay nanggagaling
sa industiya at
kalakalan.
Ang mga Artisan ay
naninirahan sa mga
nabuong pamayanan.
Sila ay hindi
nakadepende sa piyudal
at binabayaran sila sa
kanilang paggawa.
Naging isang
makapangyarihang
puwersa pagdating
sa pang-ekonomiya
ang mga Bourgeoisie
sa Europe noong
huling bahagi ng
ika-17 siglo.
Ang
kapangyarihan
ng mga Bourgeiosie
ay bunga ng
kayamanan at
pakikipag-alyansa sa
hari laban sa mga
landlord.
Maiuugat ang English, American at French
Revolution sa pagnanais ng Bourgeiosie na
lumaya mula sa anino ng piyudalismo, sa
pakikialam ng monarkiya sa personal na
Kalayaan , at sa Karapatan sa kalakalan at
pagmamay-ari.
Nagkaroon lamang ng politikal na
kapangyarihan ang mga Bourgeiosie
pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila
ng karapatang politikal, panrelihiyon at
sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng
liberalismo.
Ang Puwersang ito
ay binubuo ng:

- Banker
- Shipowner
- Pangunahing
Namumuhunan
- Negosyante.
MERKANTILISMO
Ano nga
ba ang
Merkantilismo
?
Ang Merkantilismo ay
isang sistemang pang-
ekonomiya na lumaganap
sa Europe na
naghahangad ng
pagkakaroon ng
maraming ginto at pilak
bilang tanda ng
kayamanan at
kapangyarihan ng bansa
Ang yaman ng bansa ay
nakadepende sa likas na
yaman nito.
Ang doktrina ng
bullionism ay sentral sa
teorya ng Merkantilismo.
Sa ilalim ng doktrinang
ito, ang tagumpay ng
isang bansa ay masusukat
sa dami ng mahahalagang
metal sa loob ng
hangganan nito.
Ang doktrina ng
bullionism ay sentral sa
teorya ng Merkantilismo.
Sa ilalim ng doktrinang
ito, ang tagumpay ng
isang bansa ay masusukat
sa dami ng mahahalagang
metal sa loob ng
hangganan nito.
PAGSILANG NG
MERKANTILISMO
Naniniwala ang mga tao
noon na katumbas ang
Yaman ng
Kapangyarihan. Ang
sariling produkto ay
dapat tangkilikin ng
lahat.
Naniniwala sila na dapat
ang presyo at halaga ng
kalakal ay nasa pantay na
kategorya. Sapat ang
kalakalan sa
pangangailangan ng
bansa.
Ang pangunahing layunin
ng Merkantilismo ay
political dahil
naipapaliwanag na ang
Merkantilismo bilang
layuning politikal.
EPEKTO NG
MERKANTILISMO
Napalakas ang
kapangyarihan ng mga
bansang mananakop.
Nagbigay-daan sa pag-
aagawan sa kolonya sa
bagong daigdig.
PAGTATATAGA NG
NATIONAL
MONARCHY
Matatandaan na
sa panahong ng
Piyudalismo walang
sentralisadong
pamahalaan. Mahina ang
kapangyarihan ng hari
Nagbago ang
katayuan ng
monarkiya sa tulong
ng mga Bourgeoisie.
Ang hari na dating mahina
ang kapangyarihan ay unti-
unting namayagpag sa
pamamagitan ng
pagpapalawak ng teritoryo at
pagbuo ng matatag na
sentralisadong pamahalaan
Ang
National Monarchy ay
isang bansa kung saan
mayroong hari, reyna at
iba pang miyembro nito.
Humirang ng
mamamayang
nagpapatupad ng batas
at nagsasagawa ng
paglilinis at pagpaparusa
sa korte ng palasyo.
Bilang resulta, ang
katapatan ng mamamayan
ay lumipat mula sa
paginoong may lupa tungo
sa pamahalaam na may
kakayahang protektahan
sila.
Handang magbayad ng
buwis ang mga
mamamayan para sa
proteksiyong ito.
Sa pamamagitan ng buwis ,
nagkaroon ng pondo ang
hari upang magbayad ng
mga sundalo. Dahil dito,
nakalaya ang hari mula sa
proteksyon na dating
ibinibigay ng mga knight ng
panginoon g may lupa.
Dahil ang katapatan ng mga
sundalo ay nasa hari, maaari
nyang gamitin ang mga ito
laban sa mga knight ng
panginnong may lupa kung
kinakailangan.
Bukod dito, maaari nang
humirang ang hari ng mga
edukadong mamamayan
bilang kolektor ng buwis,
hukom, sekretarya at
administrador.

You might also like