You are on page 1of 24

ANG GURO AT ASIGNATURANG MATEMATIKA BILANG MGA SALIK SA

PAGBABA NG GRADO NG MGA MAG-AARAL

nina

Cineta, Sean Aivry

Espadilla, Ma. Eloisa

Fabros, Johnmel

Gonzales III, Fernando

Lavandero, Laurener

Marron, Benigno

Meman, Charles David

Nicolas, Christine Mae

Isang Tesis na Iniharap sa Departamento ng Filipino. Kolehiyo ng Sining at Agham,

Central Luzon State University. Bilang Katugunan sa Pangangailangan ng Asignaturang

Filipino 11: Pagsusuri at Pananaliksik

Marso 2017
PAGPAPATIBAY

Inihanda at isinumite ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Ang Guro at Asignaturang

Matematika Bilang Mga Salik sa Pagbaba ng Grado ng mga Mag-aaral” nina Cineta, Sean

Aivry; Espadilla, Ma. Eloisa; Fabros, Johnmel; Gonzales III, Fernando; Lavandero, Laurener;

Marron, Benigno; Meman, Charles David; at Nicolas, Christine Mae bilang tugon sa mga

pangangailangan sa asignaturang Pagsusuri at Pananaliksik.

Kinuha at ipinasa ang pananaliksik na ito

noong Marso __ 2017 na may markang ___________.

G. Neil Feliciano

Guro sa Pagsusuri at Pananaliksik

II
PASASALAMAT

Taos pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga naging bahagi ng isinagawang pag-

aaral. Una sa Poong Maykapal na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat para sa paggabay at

pagkakaloob ng sapat na kaalaman at kakayahan upang maging maayos at matagumpay na

maitaguyod ng mga mananaliksik ang kabuuan ng pananaliksik na ito.

Pangalawa, kay G.Neil Feliciano, guro ng mga mananaliksik, sa walang humpay na pagpapayo,

pagbabahagi ng kaalaman, paglalaan ng oras at pagtitiyaga upang mahusay na maisakatuparan ang

pagtapos sa pananaliksik na isinagawa.

Sunod ay sa mga may-akda ng mga pag-aaral na naging bahagi ng pananaliksik na sumuporta sa

buong pag-aaral na ito.

Sa mga mag-aaral ng Senior High School mula sa apat na paaralan na aming naging mga tagatugon

sa pakikiisa at maayos na pagtugon nila sa talatanungan upang mapagtibay ang mga detalye.

At sa bawat miyembro ng mga mananaliksik na nagkakaisa, nagpupursigi at nagtiyaga upang

matapos ng matagumpay ang pagsasakatuparan ng layunin ng pananaliksik na ito.

Mga Mananaliksik

III
NILALAMAN

PAHINA

PAMAGAT I

PAGPAPATIBAY II

PASASALAMAT III

NILALAMAN IV

KABANATA I Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral 1

Panimula

Paglalahad ng Suliranin

Kahalagahan sa Mag-aaral

Kahalagahan sa Guro

Kahalagahan sa mga Mananaliksik

VI
Saklaw at Limitasyon

Depinisyon ng mga Termino

KABANATA II Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

KABANATA III Pamamaraang Ginamit sa Paglutas ng Suliranin

at Pinagmulan ng Datos

Ang Disenyo ng Pag-aaral

Ang Pagkuha ng Datos

Ang mga Instrumento

Ang Paraan sa Pananaliksik

Ang Pag-aanalisa ng mga Datos

KABANATA IV Mga Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng

mga Datos

Mga Nakalap na Datos sa Kaugnay na Pag-aaral


KABANATA V Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Konklusyon

Rekomendasyon

Bibliograpi

Biograpi
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

A. Panimula

“Ang matematika ay hindi lamang para sa mga siyentipiko. Ito ay para sa ating lahat.” (Gumising,

2003).

Lubhang mahalaga sa bawat indibidwal ang magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga

bagay-bagay na hindi lamang pansamantalang mapakikinabangan ngunit pangmatalagalan. Ang

matematika ay hindi lamang nakatuon sa mga numero, isa rin itong pag-aaral ng espasyo,

istraktura, kantidad at pagbabago na ating nabibigyang tuon sa kahit ano man ang ating ginagawa

Samakatuwid, hindi lamang limitado ang nasasakop na gampanin ng matematika sa buhay ng

bawat tao.

Mula ng tayo ay magkaisip, itinanim na ng ating mga magulang at guro sa ating isipan ang

pagbibigay ng oras at kahalagahan sa matematika. Simula sa 1+1 hanggang sa makaabot sa mga


𝑛
pormula kagaya ng f(x) =(𝑥 + 𝑎)𝑛 = ∑ (𝑛𝑘)𝑥 𝑘 𝑎𝑛−𝑘 . Maaring mahirap intindihin ang ilan sa
𝑘=0

aralin kaya naman tinaguriang asignaturang inaayawan ng mga mag-aaral ang matematika.

“Many pupils generate negative standpoints towards mathematics in the course of their academic

life, and they authentically averse the discipline. For most pupils the subject is not a source of

satisfaction, but rather it is a starting point of frustration, discouragement, anxiety and finds mathematics

to be just a tiresome chore.” (Gokkusagi, 2006)


Maraming mag-aaral ang nawawalan ng interes sa asignaturang matematika na nagiging

dahilan ng pagbaba ng kanilang mga grado at pagkaputol ng daloy ng pagkatuto. Madalas ay

itinutuon ng mga mag-aaral ang kanilang atensyon sa mga bagay na mas nakapupukaw sa kanila

tulad ng biswal at mga nadidinig nilang mga interesanteng bagay. Dito pumapasok ang gampanin

ng isang guro na gumawa ng mga pamamaraan upang makuha ng pansin ng kanilang mga

tinuturuan. Hindi biro ang maging isang ama o ina sa napakaraming mga mag-aaral, iba’t-ibang

ugali ang dapat na kilalanin at pakisamahan upang maging epektibo ang itinuturong aralin.

“Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan at saloobin ng kanyang

tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase, ito ang batas ng edukasyon.” (Hendricks

,1998)

Malaking bahagi ng pagkatututo ng isang mag-aaral ang mga materyal na kagamitan upang

ipaliwanag ang aralin, ngunit ito ay nakabatay pa rin sa kanilang mga nais o nakaugaliang

pamamaraan. Gayunpaman, hindi lamang ito ang salik sapagkat marami ang sanhi ng pagbaba ng

grado ng mag-aaral sa matematika. Mahirap unawain ngunit kung pagtutuunan ng panahon, sipag

at pansin ay makapagdudulot ng ginhawa, iyan ang matematika. Lubos mang inaayawan ay

patuloy pa ring gumagawa ng pamamamaraan upang ito ay pahalagahan din.

Ang pananaliksik na ito ay maglalaman ng mga datos tungkol sa kung paanong ang guro

at asignaturang matematika ay naging salik sa pagababa ng grado ng mga mag-aaral partikular na

sa mga mag-aaral ng Science, Technology, Engineering and Mathematics(STEM) mula sa apat na

piling mga paaralan sa Lungsod Agham ng Munoz at Lungsod ng San Jose.


B. Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik na ito na talakayin ang mga salik sa pagbaba ng grado ng mga

mag-aaral partikular na ang guro at asignatura mismo na matematika.

Layunin 1:

1. Tukuyin ang mga balakidna kinahaharap ngmga mag-aaral ng STEM sa asignaturang

matematika.

2. Alamin ang mga pamamaraan na isinasagawa ng mga guro at maging ang mga kagamitan

na kanilang ginagamit sa pagtuturo.

3. Lunasan ang mga suliranin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga hakbang na maaaring

sundan ng mga guro at mag-aaral upang mabawasan ang pagbaba ng grado sa matematika.

Layunin 2: Mga Terminolohiya

Layunin 3: Teorya

Upang maunawaan ang mga pamamaraan ni Robert Palmer Dilworth sa pag-atake sa problema na

kinahaharap sa matematika.

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

I. Kahalagahan sa Mag-aaral

Gamit ang mga nalikom na datos mula sa pag-aaral na ito, maaaring makapag-ambag ito

ng tulong sa mga kasalukuyang nag-aaral ng Senior High School na kumukuha ng asignaturang


matematika partikular na ang General Mathematics at Pre-Calculus. Makapagbibigay ito ng gabay

at maging sapat na kaalaman upang mas maunawaan pa ng mabuti ang asignatura at maintindihan

kung ano ang kanilang nararapat na gawin, matutukoy din nila ang mga pamamaraan ng guro gamit

ang pananaliksik na ito.

II. Kahalagahan sa Guro

Makatutulong ang pananaliksik sa mga guro o propesor na mas maging malinaw sa kanila

ang sitwasyon ng kanilang mga mag-aaral patungkol sa pagkatuto sa partikular na asignatura. Ito

ay nagbibigay ng mga ideya kung paano kikilos at makikisama ang mga guro sa kanilang mga

tinuturuan na mag-aaral at kung ano ang mga mabibisang mga mateyal o pamamaraan upang

mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

III. Kahalagahan sa mga Susunod na Mananaliksik

Mahalaga ang pananaliksik na ito sa pagbabahagi ng mga nalikom na impormasyon at

datos ukol sa paksang tinalakay. Lubos na malaki ang kahalagahan nito sa mga mananaliksik na

naglalayong tugunan ang ilang mga suliranin at makapagbahagi ng solusyon sa mga ito. Sa

pamamagitan ng mga resulta ay matutulungan ang mga mag-aaral at guro na mas mapaayos ang

pakikitungo nila sa isa’t-isa upang mas mahusay ang pagbabahagi ng kaalaman na may kinalaman

sa asignaturang kanilang tinatalakay.


IV. Batayang Konseptwal

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-proseso-awtput

na modelo. Nilalaman ng input ang mga tutugunang suliranin tulad nalang ng profyl ng

tagatugon (edad, kasarian, paaralan, at iba pang detalye). Dito rin nakapaloob ang mga nais

alamin ng mga mananaliksik tungkol sa paksa. Sa proseso naman tinutukoy ang mga hakbang

na isasagawa ng mga mananaliksik upang maisakatuparan ang minimithing mga kasagutan,

kabilang dito ang pagkuha ng datos, pakikipanayam/interbyu at dokumentasyon sa mga

nakalap na resulta. Sinasaklaw ng awtput ang implikasyon ng mga nakalap na datos mula na

isinagawang pananaliksik.

INPUT
• Nais ng mga mananaliksik na alamin ang mga dahilan kung bakit naging salik
ang matematika at guro maging ang mga kagamitan sa pagtuturo nito sa
pagbaba ng grado ng mga estudyante. Nais ding alamin ng mga
mananaliksik ang iba pang detalye, makakamit ito sa tulong ng
talatanungan.
PROSESO
• Ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng mga talatanungan sa mga mag-
aaral. Mangangalap din ng impormasyon ang mga mananaliksik sa mg guro
o sinumang personalidad na may kaugnayan sa naturang paksa.

AWTPUT
• Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na matukoy ang mga
estratehiyang makalulutas o makatutulong sa mga guro at mag-aaral na mas
mapabilis ang proseso ng pagkatuto sa matematika. Gayundin ang mas
mapahusay ang mga mag-aaral sa larangan ng nasabing asignatura.
D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, nakatuon ang mga mananaliksik sa mga salik na dahilan ng pagbaba

ng grado ng mga mag-aaral sa matematika. Binigyang pansin ang mga pamamaraang ginagamit

ng mga guro at maging mga materyal na kanilang ginagamit sa pag-aangkop ng mga galaw, gawi

at pag-uugali nila sa pagtuturo upang mas maging handa sila para sa mag susunod na taong-

panuruan na kanilang kahaharapin.

Ang mga kasalukuyang mag-aaral lamang ng Senior High School (STEM) mula sa apat na

magkakaibang paaralan ang saklaw ng pag-aaral na ito. Nililimitahan lamang ang pag-aaral na ito

na magsagawa ng pananaliksik sa mga mag-aaral ng Senior High School sa mga mababanggit na

paaralan (Central Luzon State University, Munoz National High School, San Jose National High

School at San Sebastian School).

E. Depinisyon ng mga Termino

● Matematika – kilala rin sa tawag na sipnayan. Nangangahulugan na pag-aaral ng mga modelo

ng kayarian, pagbabago, espasyo at alinmang may kinalaman sa numero.

(https://mathsreports.wordpress.com)

● K to 12 – programang ipinatupad ng pamahalaan at kagawaran ng edukasyon na tumutukoy sa

karagdagang dalawang taon sa sekondarya (grades 11 at 12) alinsunod sa mga patakaran.(

http://www.gov.ph/k-12)
● STEM – Science, Technology, Engineerong ang Mathematics. Isang strand na mula sa

academic track na nakapokus sa mga kursong tulad ng Engineering at Bachelor of Science

kabilang na ang Health Sciences, Agricultural Sciences at Information Technology.

(http://www.gov.ph/k-12)

● Asignatura - o sabdyek ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto.

Karaniwan nitong naka-ayos sa paraang magiging madali para sa mag-aaral na maintindihan ang

bawat paksa na pinagaaralan. (https://www.slideshare.net)

● Guro - o titser ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang gampanin

ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isang paaralan o ibang lugar ng

edukasyong pormal. (https://brainly.ph)

● Grado - pag-uuri, kung ang isang bagay o nilalang ay mataas o mababang uri’t kalidad, kung

ito ay angat o lagapak sa pamantayang sinasambit. Ang grado ay pagpataw ng pag-uuri, ang

tunguhin ng lahat ng proseso ng pag-uuri, ang paghuhusga ng institusyon o representatibo nito sa

kalidad–o kawalan nito–ng performance ng inuuri. (http://bulatlat.com)


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Binubuo ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral ang kabanatang ito na may

pagkakahawig sa pananaliksik na: Ang Guro at Asignaturang Matematika Bilang Mga Salik sa

Pagbaba ng Grado ng mga Mag-aaral.

Makatutulong ito sa pagpapalawig ng kaalaman at pagbibigay-linaw sa mga problemang posibleng

kaharapin ng kasalukuyang pananaliksik.

A. Kaugnay na Literatura

Matematika ang isa sa pinakamahirap ngunit pinakakailangang asignatura na nagbibigay

kasagutan sa mga tanong at problemang mayroon kinalaman sa numero, sukat, kapasidad,

istraktura at pagbabago. Ito ang katangi-tanging bagay na madalas nagiging pahirap sa mga mag-

aaral ngunit kung lubos na iintindihin ay may mayabong na kahalagahan.

Ang mga batas ng matematika ay tumutukoy sa realidad. (Albert Einstein)

Walang hindi malulutas kung gagamitan ang mga tiyak na pamamaraan o solusyon. Hindi

nalalayo sa totoong buhay ng isang tao ang paggamit ng mga numero bilang batayan sa pagkilos.

Mula elementarya ay itinuturo na sa atin ang matematika at maging hanggang sa makaabot ng

kolehiyo ay kailangan pa rin pag-aralan ito bilang isa sa mga pinakamahalagang asignatura o major

subject kung tawagin, sunod sa Ingles/Literatura at Siyensya.


Mathematics is also important as a school subject because not only is it needed for the sciences,

but it also provides access to undergraduate courses in, for example, engineering, psychology, sciences

and social sciences. The argument is made that mathematics, and in particular statistics, is important

even for non-STEM subjects at university. (Norris.2012)

Tunay ngang kapatid ni math si science dahil laging silang dalawa ang magkaagapay. Hindi

lamang sa mga mag-aaral ng STEM mahalaga ang asignaturang matematika kung hindi maging sa

mga kahit ano pa mang kursong matatalakay ang mga bagay na may kinalaman sa mga numero at

pagbibigay ng solusyon dito.

The main arguments for the importance of mathematics, however, fall into three further areas:

mathematics is a core skill for all adults in life generally; a mathematically well educated population will

contribute to the country’s economic prosperity; and mathematics is important for its own sake.

(mathsreports.wordpress.com)

Samakatuwid, hindi lamang sa paaralan ginagamit ang matematika. Isa rin itong salik sa

pagpapataas ng ekonomiya ng bansa. Maraming dahilan para magustuhan ang matematika ngunit

kung pagbabasehan ang mga nakalap na datos mula sa iba’t-ibang hanguan ay lalabas pa ring

karamihan sa mga mag-aaral ang ayaw sa asignaturang ito.

Some students feel like math is a foreign language in which they can't orient themselves since

math is cumulative and they forgot something they learned a while ago and now becomes totally lost.

When students fail to progress in a math class they may feel stupid and avoid math as much as

possible in the future. (quora.com)

Napakaraming nakasulat na mga numero, letra at mga simbolo, hindi na nakapagtataka

para sa isang mag-aaral na maguluhan o magkaroon ng mahinang pag-unawa sa mga paksa na

tinatalakay sa matematika. Sahil hindi lahat ng nagsisimula sa madali ay natatapos sa madaling


paraan din. Hindi tumitigil ang matematika sa mga solusyon lamang sa problemang tulad ng 1+1

dahil ang integrasyon ay hindi napuputol. Ngunit hindi lamang mag-aaral ang may problema ukol

sa mga bagay na pang-matematika, may ilan ring salik na nakaapekto rito.

Madaming nagsabi na lubos na nakaapekto sa kanilang pagaaral ang computer at iba pang mga

gadyets, o sa madaling salita, ang makabagong teknolohiya. (rizalsciencehssectionc.blogspot.com)

Kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya ang pagkahumaling naman ng mga mag-aaral dito.

Nagdudulot ito ng lubos na pagkonsumo ng oras na sa halip na ilaan sa pag-aaral ay gagamitin pa

para sa gadgets. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay masama ang naidududlot ng teknolohiya sapagkat

sa panahon ngayon ay nagiging batayan na rin sa pag-aaral ang kagamitan ng teknolohiya.

Iba’t-iba rin ang paraan ng pagkakatuto na angkop sa isang estudyante. May gusto ng hands-on,

may gustong kumopya lang ng notes, may gusto ng nakikinig lang nang walang hawak na lapis, at may

gusto na ang aklat na lamang ang sanggunian imbis na ang guro mismo. ( colombierebears.jimdo.com)

Mayroong kanya-kanyang abilidad ang mga mag-aaral para umunawa ng mga aralin.

Natututo tayo sa pinaka-komportableng paraan para sa atin kung saan malayang nakapapasok sa

ating mga isipan ang mga bagay na ating nadinig o nakita at ito’y mananatili na ating kaalamang

pangmatagalan.

Ang istilo sa pagkatuto ng isang bata ay ang paraan ng kanyang pagkatuto na kung saan ay

nagagawa niyang mapanatili ang kanyang mga kaalaman.

Kung anumang istilo madaling matuto ang isang mag-aaral, ang guro ay kailangang maging

mapagmasid at may kahandaan sa kanyang gagamiting istratehiya. Sa pamamagitan ng pagsasagawa

ng guro ng isang imbentaryo ay malalaman niya ang mga learning styles ng mga bata. (udyong.net)
Laging magkatuwang ang guro at mag-aaral, dahil bilang mga pangalawang magulang ay

dapat na magkaroon ng matibay na bigkis o koneksyon ang guro sa mag-aaral upang mas madaling

makaunawa ang mga bata sa aralin. Maaaring iba’t-ibang istilo ang ginagamit ng mga guro batay

sa kanilang mga nakagawian ngunit hindi laging mag-aaral na lang ang gagawa na adjustments,

kinakailangan din ng mapagmasid na mga mata at malawak na pag-unawa upang maayos na

maipahayag ng guro sa mga tinuturuan nito ang paksa o aralin.

We are all able to know the world through language, logical-mathematical analysis, spatial

representation, musical thinking, the use of the body to solve problems or to make things, an

understanding of other individuals, and an understanding of ourselves. Where individuals differ is in the

strength of these intelligences - the so-called profile of intelligences -and in the ways in which such

intelligences are invoked and combined to carry out different tasks, solve diverse problems, and progress

in various domains. (Dr. Howard Gardner, 1983)

Dagdag pa nito sa kanyang teorya

The learning styles are as follows: Visual-Spatial, Bodily-kinesthetic, Musical, Interpersonal,

Intrapersonal, Linguistic, Logical –Mathematical, Visuals, Printed words, Sound, Motion, Color, Realia,

Instructional Setting, Learner Characteristics, Reading ability, Categories of Learning Outcomes, Events

of Instruction, and Performance.

Sa madaling sabi ay maraming dahilan sa pagtaas o pagbaba ng grado ng isang mag-aaral,

nakabatay ito hindi lamang sa pamamaraan ng guro ngunit maging sa pagnanais ng isang

indibidwal na matuto. Iba’t-iba man ang pamamaraang taglay natin, hindi ito magiging hadlang

kung nagkakaisa ang ating krakter at layunin.


B. Kaugnay na Pag-aaral
KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Nilalaman ng bahaging ito ang mga disenyo at instrumento na ginamit sa pangangalap at

pag-aanalisa ng mga datos.

Ang Disenyo ng Pag-aaral

Impormatib at diskriptib na pamamaraan ang gagamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral

na ito. Gagamit ang mga mananaliksik ng mga talatanungan upang magamit sa mga sarbey at

maitala ang datos na makakalap mula sa mga respondante. Hinango ang mga katanungan mula sa

mga suliraning napili ng buong grupo. Lilikumin at bubuoin ang mga nakalap na impormasyon

upang maorganisa at maayos na maipresenta ang pananaliksik sa mga sususnod na magbabasa

nito.

Ang Pagkuha ng Datos

Magsasagawa ang mga mananaliksik ng pag-aanalisa sa pamamagitan ng pangangalap ng

mga ideya at paglilikom ng mga impormasyon tungkol sa ginagampan ng guro at matematika

bilang mga salik sa pagbaba ng grado ng mga mag-aaral ng STEM sa mga napiling mag-aaral.
Ang mga Instrumento

Gagawin ang mga instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik ng may pag-iingat at

tamang pagsisiyasat ng mga impormasyon upang maging tiyak ang resulta ng pag-aaral.

1. Sa tulong ng hanguang elektroniko ay mangangalap ng mga impormasyon ang mga

mananaliksik na may kinalaman sa pananaliksik na ginagawa. Maghahagilap at

mangunguha ng mga kaugnay na literature ang mga mananaliksik upang mas

magpatibay at sumuporta sa mga datos at pahayag.

2. Magsasagawa ang mga mananaliksik ng pagsisiyasat sa mga mag-aaral ng Senior High

School (STEM) mula sa apat na piling paaralan. Nakapaloob sa talatanungan ang mga

tanong na may kaugnayan sa sosyodemograpiko, pagkakahulugan, pananaw, mga salik

at ilan pang sagutin.

Ang Paraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa taong panuruan 2017. Mangangalap ang mga

mananaliksik ng mga impormasyon ukol sa napiling paksa na kinapalooban ng ilang

mahahalagang impormasyon at datos. Iipunin ito at pagbubuklod-bulorin ang mga impormasyon

sa bawat pangkat na kinapalolooban nito.


Ang Pag-aanalisa ng mga Datos

Sa pag-aanalisa ng mga datos ay mananaliksik, mangangalap at mag-iipon ang mga

mananaliksik ng mga impormasyon sa mga mag-aaral. Pagsasama-samahin, pagbubuklod-

buklorin, at isasaayos ng mabuti ang mga impormasyong makakalap mula sa mga kasagutan ng

mga nakilahok sa pagsagot ng talatanungan na ihinanda para sa mga mag-aaral.


KABANATA IV

MGA PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS


KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Konklusyon

Rekomendasyon
BIBLIOGRAPI

Hanguang Elektroniko

http://www.academia.edu/23163006/KABANATA_1_ng_Mga_Dahilan_ng_paghihirap_ng_mga

_mag-aaral_sa_asignaturang_matematika

https://mathsreports.wordpress.com/overall-narrative/mathematics-is-important/

https://www.quora.com/Why-do-so-many-people-hate-mathematics

http://rizalsciencehssectionc.blogspot.com/2009/10/mga-bagay-na-nakakaapekto-sa-

pagaaral.html

https://colombierebears.jimdo.com/2011/01/31/bakit-kinapopootan-ang-matematika/

http://udyong.net/teachers-corner/6902-mahalaga-bang-malaman-ng-mga-guro-ang-learning-

styles-ng-mga-mag-aaral

http://www.tecweb.org/styles/gardner.html

https://www.slideshare.net/izelapuno/atityud-ng-guro-salik-sa-matagumpay-na-pagkatuto-ng-

wika

https://brainly.ph/question/59777

http://bulatlat.com/main/2014/04/09/grado/

You might also like