You are on page 1of 7

SA BAGONG PARAISO

ni Efren Reyes Abueg

I. PANIMULA

Uri ng Panitikan – Ang anyo ng panitikang sinulat ay nasa kaanyuan

ng isang maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang uri ng

panitikan na bunga ng guni-guni ng may-akda na maaaring likhang

isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang

kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli lamang

at matatapos basahin sa isang upuan lamang.

Bansang Pinagmulan – Naisulat ang naturang akda sa bansang

Pilipinas. Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon

bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan. Ngunit,

lalo itong umunlad noong panahon ng pagsakop ng mga Amerikano.

At tuluyan itong nailimbag noong panahon ng mga Hapon na kung

saan dumami ang mga manunulat ng uri ng panitikang ito. Sa

kasalukuyang panahon, patuloy pa ring nililinang ng mga

makabayang manunulat ang panitikang ito na siyang sumasalamin

sa ating kultura.

Pagkilala sa May-akda – Isinulat ito ni Efren Reyes Abueg, isang

kilala at iginagalang na nobelista, mananaysay at manunulat ng

kanyang panahon. Kabilang sa kanyang mga aklat ang Bugso, ang

kanyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kwento. Napakaraming

beses na rin siyang humakot ng mga parangal para sa kanyang

kahusayan sa pagsusulat. Nang dahil sa napapanahong suliranin na


kung saan napakarami sa mga kabataan ang naliligaw ng landas,

isinulat ni G. Abueg ang Sa Bagong Paraiso. Nag-udyok sa kanyang

isulat ang akda ang pagnanais niyang tumatak sa isipan ng bawat

mambabasa ang aral na nais nitong ipahiwatig sa kwento.

Layunin ng Akda – Layunin ng may-akda na tumatak sa isipan ng

bawat mambabasa ang aral na nais nitong ipahiwatig. Sa

kasalukuyan, ibig niyang napapanahon ang paksa ng panitikan

upang mahikayat ang mga kabataan at maimulat ang kanilang mga

mata at isipan sa katotohanan na kinakailangan pa rin nilang mag

ingat at sumunod sa utos at payo ng mga magulang nito o ng mga

nakakatanda.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

Tema o Paksa ng Akda – Isa itong kwento tungkol sa magkaibigang

pilit na pinaghihiwalay ng tadhana. Ang kwentong ito ay

napapanahon at sumasalamin sa pangkaraniwan ng problema ng

mga kabataan sa ngayon. Masasabing ito nga ay makatotohanan

sapagkat naging paksa ng akdang ito ang madalas na pagkaligaw

sa landas ng mga kabataan sa kasalukuyan. Tumutukoy din ito sa

pagkawalang-malay at sa kakulangan ng pag-intindi sa mga maaaring


ibubunga ng pagsuway sa mga magulang. Bunga nito,

naipapakita rin ang mapait na paghinuha na nasa huli nga ang

pagsisisi lalo na sa suliranin ng maagang pagdadalantao.

Mga Tauhan o Karakter sa Akda – Isa sa mga pangunahing tauhan

ng kwentong ito si Ariel. Siya ang batang lalaki na dumaan sa


estado ng pagkawalang-malay at pagkalito habang siya’y lumalaki.

Habang si Cleofe naman ang pangunahing tauhan na babae na

naging matalik na kaibigan at kababata ni Ariel na dumaan din sa

estado na katulad nang sa binata. Sa kanila umiikot ang kabuuan

ng akda at kabilang na rin dito ang kanilang mga magulang na

siyang nagsisilbing pader sa pagitan nilang dalawa.

Tagpuan o Panahon – Naging tagpuan ng maikling kwento ang

probinsya na kinalakihan nilang Ariel at Cleofe. Ngunit, mahihinuha

na ang kwento ay nagtapos sa lungsod ng Maynila. Nangyari ang

mga pangyayari sa akda magmula noong walong taong gulang pa

lamang ang dalawang magkaibigan. At maging sa panahon na sila

ay nasa kolehiyo na. Masasabi na napapanahon din ang akdang ito

sa modernong panahon na kung saan laganap na ang suliranin ng

maagang pagdadalantao dulot ng maagang pagpasok sa isang

relasyon at pagkawalang-malay.

Balangkas ng mga Pangyayari – Ang unang bahagi ng kwento ay

nakasentro sa panahon na kung saan mga bata pa lamang sina

Ariel at Cleofe. Silaý walong taong gulang pa lamang at

napakamangmang pa nila sa katotohanan ng buhay. Madalas silang

matukso at naging paraiso nila ang dalampasigan ng kanilang

probinsya.

Hindi sila nakatakas sa panahon na kung saan sila’y lumaki na at

pinilit na binago ng kanilang mga magulang ang pakikitungo nila sa

isa’t isa. Nang dahil sa kakulangan ng pagkaintindi sa sitwasyon,


nang silaý lumuwas sa Maynila para mag-aral ng kolehiyo, sinuway

nila ang utos ng kanilang mga magulang at ito ay nagbunga sa

isang pagkakamali na kanila nga namang iniyakan at pinagsisihan.

At ang pangalawang bahaging ito ng akda ay naganap na sa

tinagurian nilang bagong paraiso.

May pagkaluma rin ang mga pangyayari sa akda ngunit maaari

pa rin itong maipakita sa isang modernong pananaw. Nagkakaisa

ang mga pangyayari mula simula hanggang wakas upang mailahad

ang aral ng kwento na nasa huli nga ang pagsisisi at kailangang

makinig sa mga magulang upang magabayan sa pagiging maingat.

Kulturang Masasalamin sa Akda – Naisasalamin sa akdang ito ang

kultura ng Pilipinas na kung saan pinapahalagan ng mga

nakakatanda ang kahalagahan na makatapos sa pag-aaral at ang

pagkamit sa mga pangarap. Nailalahad din dito ang konserbatibong

kaugalian ng mga Pilipino na kung saan hindi masyadong tanggap

ng lipunan ang malapit na pagkakaibigan ng isang binata at isang

dalaga. Ito’y dahil sa pinapaniwalaan ng mga nakakatanda na ang

uri ng pagkakaibigang ito ay nagpapalapit lamang sa mga kabataansa


tukso at baka mauwi pa sa hindi inaasahang pangyayari. Sa

kabuuan, masasabing ang kulturang masasalamin sa akda ay tunay

ngang nakaimpluwensiya sa pananaw ng mga Pilipino pagdating sa

paggawa ng mga pasya na hinggil sa pakikipagkaibigan sa ibang

kasarian, pakikipagrelasyon at pagkawalang-malay sa katotohanan

ng buhay.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

Mga Kaisipang Taglay ng Akda – Nakapaloob sa kwento ang

pagpapaliwanag sa mga pagbabagong kinakailangang pagdaanan

ng dalawang magkakaibigan habang sila’y lumalaki. Naimumulat

ang mga mambabasa sa katotohanan na ang kultura ng Pilipinas ay

sumasalamin sa pagiging konserbatibo. Pinapahalagahan dito ang

makatapos sa pag-aaral at ang pagkamit sa mga pangarap. At

upang marating ang tagumpay na ito, kinakailangang mailayo ka sa

anumang uri ng tukso. At dito papasok ang ideya na hindi tuluyang

tanggap ng lipunang Pilipino ang malapit na pagkakaibigan ng

isang lalaki at isang babae. Madalas, kapag ika’y malapit sa isang

tao sa ibang kasarian, mahihinuha na sa mura mong edad, maaari

kang madala sa tukso. Ito’y may katotohanan nga naman ngunit

hindi rin siguro tama na nilalahat ang mga taong may ganitong

sitwasyon. Nasa pag-unawa naman ito nakasalalay.

Hindi maipagkakaila na malaki nga naman ang kasalanang

nagawa ng dalawang pangunahing tauhan sapagkat sila ay

sumuway sa mga iniutos ng kanilang mga magulang. Sa pagnanais

nilang makatagpo ng panibagong paraiso, napunta sila sa isang

pagkakamali kanila nga namang pagsisisihan. Tunay nga naman

kasi na may dahilan nga naman ang mga magulang nila sa kanilang

pangangaral sa kanilang mga anak. Ngunit, dito naman papasok

ang pagkakamali ng kanilang mga magulang. Kasi kung tutuusin

kung higit pa nilang naipaliwanag nang mabuti sa kanilang mga


anak ang dahilan kung bakit sila ay pilit na pinaghihiwalay, hindi

sana umabot sap unto na kung saan, sila na mismo ang humanap

ng paraan upang makontento ang pagnanais nila sa kalayaan. Kung

mas naipaliwanag pa nila ito at ipinaintindi sa kanilang mga

lunalaking anak, wala sanang pagkwalang-malay na naganap at

pagsisising mangyayari.

Sa kabuuan, mahalaga na umiral ang pagkakaintindihan sa

pagitan ng anak at ng mga magulang upang mas tuluyang

maipaliwanag ang buong sitwasyon. At kung maaari sana, mawala

na ang pagkairal ng paglalahat sa mga sitwasyon sa mga kasapi ng

lipunang unti-unti nan gang sumisira sa pananaw ng mga tao sa

pangkasalukuyan.

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda – Napakaraming talinghaga ang

nagamit sa paglikha ng akda ngunit matagumpay naman itong

nailahad sa isang masining na paraan. Masasabing naaangkop ang

pagkabuo ng akda sa antas ng pag-unawa sa karamihan sa mga


mambabasa. At para sa akin, masasabi kong tunay nga na naging

mabisa ang paggamit ng estilong ito sa paglikha ng akda. Nang

dahil sa mahusay na pagkakasalaysay sa mga pangyayari, sa mga

diyalogong maayos na naihayag, sa mga talinghagang nakadagdag

sa kariktan ng panitikan at sa kabuuang kakintalan nito na tunay

ngang tatatak sa isipan ng mga mambabasa, masasabi nga na ang

estilo ng pagkakasulat ng akda ay napakahusay at napakabisa.

IV. BUOD
Bata pa lang sina Ariel at Cleofe ay lagi na silang naglalaro sa

damuhan at dagat. Para sa kanila, ito ay isang paraiso dahil

namamangha sila sa paglubog ng pula na araw. Habang lumalaki na

sila, marami na silang natutuhan bilang isang binata at dalaga.

Dahil dito, pinagbabawalan na rin silang maglaro katulad noong

bata pa sila. Noong pumunta na sila sa Maynila upang magkolehiyo,

nagkita silang muli at nagsimula na ang kanilang pagmamahalan.

Nalaman ito ng kanilang magulang at agad ng pinagbawalan muli

silang magkita. Dahil dito, nagtanan sina Ariel at Cleofe at nabuntis

You might also like