You are on page 1of 2

TÚNGO SA KULTURA NG SALIKSIK

Virgilio S. Almario

MAG-UMPISA TÁYO sa salitang research. Napakahalagang salitâ. Sa OxFord Concise


Dictionary (2006), sinasabing isa itong “investigation into and study of materials and sources in
order to establish facts and reach new conclusions.” Mahalaga sa naturang depinisyon ang
panlaping
re- na ngangahulugang “muli,” bagaman kung mula daw sa Lumang French, nagpapahayag ito
ng “matinding puwersa.” Ang ibig sabihin, ang isinasagawang imbestigasyon at pag-aaral ng
mga materyales ay isang paraan ng “muling paghahanap,” ngunit kung ilalahok ang gamit ng
mga French, isa itong “matinding muling paghahanap.” Ng ano? Ng “mga katunayan” (facts).
Dagdag pa, ayon sa Oxford, ng “bagong mga kongklusyon” (new conclusions).
Sa depinisyon pa lámang na ito ay napakabigat na at napakahalaga ng layunin sa
saliksik. Muling nagsisiyasat dahil kailangang maitatag ang isang katunayan, o kayâ at higit na
mabigat, magdulot ng bagong kongklusyon.
Ang ganitong pakahulugan mula sa Ingles ang
kanais-nais sa research. Wala ito sa naging pakahulugan
natin sa Español na investigacion. Sa atin, ang gámit
ng naturang salitâ mulang Español ay “imbestigasyon”
o pagsisiyasat. At malimit na ginagámit lámang natin
sa trabaho ng pulis. Itinapat nilá sa investigacion ang “siyasat” o “pagsisiyasat.” Ginámit naman
niláng
katumbas ng research ang “saliksik” o “pananaliksik.”
Isang katutubo at sinaunang salitâ
ang saliksík. Sa Vocabulario nina Noceda at
Sanlucar, nakalimbag na kahulugan nitó ang
buscar por todos los rincones (“hanapin sa lahat ng
sulok”). Na palagay ko’y nagpapahiwatig kaagad
ng binanggit nating ibig sabihin ng research sa
Ingles. May tindi at sigasig ang paghahanap
dahil kailangang gawin ito sa “lahat ng sulok.”
Titigan pa natin ang salitâng ito. Nagmula kayâ ito sa “sa+liksik” o mula sa “salik+sik”?
Nabigo ako sa paghahanap sa diksiyonaryo. Wala akong makítang matandang salitâng-ugat
na “liksik” at wala ring “salik.” Siyempre, magtataká
kayó. Wala talaga kayóng maalalang salitâng “liksik”;
ngunit may naririnig kayóng “sálik” na ginagamit
sa wikang teknikal. Tama, may “sálik” sa ating
modernong wika, ngunit wala ito noong araw. Ang
ibig sabihin, isa itong likhang salitâ at itinapat sa
factor ng Ingles, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino
(2010). Wala ito saanmang diksiyonaryo noong
panahon ng Español at hanggang sa panahon ng
Americano. O marahil, inimbento ng isang Tagalista
noong panahon ng Americano. [Mahilig lumikha
ng mga salitâ ang mga Tagalista noon upang may
maitumbas sa mga kaisipan at konseptong teknikál.] Ngunit lumaganap lámang ang “salik”
kamakailan.

You might also like