Sari Sari

You might also like

You are on page 1of 30

Aralin 18

I. Layunin
1. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat sa lahat
ng likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos.
2. Pangnilalaman sa Pagganap
Naipakikita ang pagmamahal sa magulang, guro, kamag-aaral at nakatatanda,
paggalang sa paniniwala ng kapwa at palagiang pagdarasal
3. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda. EsP1PD- IVa-c– 1
II. Nilalaman
Aralin 3: Ate at Kuya Ko, Sinusunod Ko!
III. Kagamitang Panturo
Curriculum Guide p.23
Teaching Guide p. 191-196
Textbook: Edukasyon sa Pagpapakatao p. 243-249
Materials: tsart, slide deck, mga larawan ayon sa paksa,tula
IV. Pamamaraan
1. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at o Pagsisimula ng Bagong Aralin
Pagpapakita ng larawan ng mga biyayang mula sa Diyos na dapat
ipagpasalamat.
Tanong:
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Sino ang may likha ng mga biyayang ito?
2. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
a. Gaganyakin ng guro ang mga bata sa pamamagitan ng isang
tula.
Pasasalamat
Mga kasapi ng pamilya
Lahat sila ay biyaya
Kaya’t mga utos nila,
Sinusunod ko nang may sigla

Ang ate at ang kuya ko,


Sina Tiya at tiyo ko,
Sina lola at lolo,
Pagmamahal nila’y nadarama ko.
Kaya’t sa Diyos, nagpapasalamat ako.

Alamin (Unang Araw)

3. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Sino sa inyo ang may nakababata pang kapatid?


Sino ang nagbabantay sa kanya kapag si Nanay ay umaalis ng bahay?
Ngayon pakinggan natin ang kuwentong babasahin ng guro.

Si Ana
Umalis sa kanilang tahanan si Aling Lita para mamili sa palengke. Iniwan
niya ang magkapatid na Lina at Ana. Ang magkapatid ay pinagbilinang
huwag aalis ng bahay at mag-alaga sa kanilang bunsong kapatid na si Nena.
Si Lucy ay naglilinis ng bahay kaya si Ana ang naatasang magbantay kay
Nena. Dumating ang mga kaibigan ni Ana at niyaya siyang maglaro sa labas
ng bahay. Nagpaalam siya kay Ate Lucy.
“Ate, maaari po ba akong sumama sa mga kaibigan ko na maglaro sa labas
ng bahay? ang sabi ni Ana.
“ Hindi maaari, di ba ang bilin sa atin ni Nanay ay huwag aaalis ng bahay at
bantayan si Nena.” ang sagot ni Ate Lucy. Sige po ate, sasabihin ko na
lamang po sa mga kalaro ko na sa ibang araw na lang ako sasama sa kanila.

Kuwento: Kathang isip ng guro

4. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Pagtatalakayan
Sino ang magkakapatid sa kuwento?
Saan nagpunta si Nanay?
Anong bilin ng nanay sa magkapatid?
Sino ang naatasang magalaga kay Nena?
Bakit nagpaalam si Ana kay ate Lucy?
Bakit hindi pinayagan ni Ate Lucy si Ana?
Ano ang naramdaman ni Ana noong hindi siya pinayagang lumabas upang
maglaro?
Kung ikaw si Ana, susunod ka ba sa iyong ate? Bakit?

Isagawa ( Ikalawang Araw)

5. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain

Pangkat 1: Iguhit Mo!


Sa isang kartolina, gumuhit ng mga gawaing madalas iniuuutos ng iyong ate at
kuya.Kulayan ang inyong iginuhit.

Pangkat 2: Isadula Mo!


Magsadula ng isang sitwasyon na inuutusan ka ng iyong nakatatandang kapatid na
tulungan siyang magtapon ng basura. Hindi ka sumunod sapagkat nanonood ka
telebisyon. Narinig ng iyong magulang ang iyong pagsuway at napangaralan ka na
sumunod muna sa utos at saka ituloy ang panunuod ng telebisyon.

Pangkat 3: Ikuwento Mo!


Magkuwento ng isang sitwasyon batay sa inyong karanasan na madalas marinig sa
tahanan kapag inuutusan ang isang bata ng kaniyang ate at kuya. Ipakita sa kuwento
ang kasiyahan sa pagsunod sa mga nakatatandang kasapi ng pamilya.

Isapuso (Ikatlong Araw)

6. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang MAHUSAY kung sang-ayon ka sa


sinasabi ng pangungusap at HINDI MAHUSAY kung hindi.
1. Masayang sumunod sa payo ng ating lola at lolo.
2. Magtago sa loob ng kuwarto upang makaiwas sa mga ipinag-uutos.
3. Sundin ang mga utos ng ating mga kapatid upang maipakita na mahal natin
sila.
4. Ang pagsunod sa nakatatanda ay kinagigiliwan ng Diyos.
5. Humingi ng tulong sa ating ate at kuya kapag hindi natin kayang gawin ang
iniuutos nila.

Isabuhay ( Ika-apat na Araw)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Paano ka susunod sa mga utos ng miyembro ng iyong pamilya?
Bakit kailangang sumunod sa kanilang mga utos?
H. Paglalahat ng Aralin
Kaninong mga utos ang dapat naming sundin? Bakit?
Tandaan:
Bukod sa mga utos ng mga magulang, dapat ding sundin ang mga utos ng iba
pang kasapi ng pamilya lalo na kung sila ay nakatatanda.
Sumunod sa utos ng iba pang kasapi ng pamilya nang masaya at maluwag sa
kalooban.
Ang pagsunod sa kanila ay tanda ng pagmamahal at paggalang na labis na
kinalulugdan ng Diyos.
Subukin ( Ikalimang Araw)
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng napili mong sagot sa bawat
bilang.
1. Inutusan si Lota ng kaniyang lola na tigilan na ang paglalaro at mag-aral na
lamang. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Sisimangot akong hindi ko siya naririnig.
b. Susundin ang utos ni lola dahil ito ay tama.
c. Hindi papansinin ang utos ni lola dahil mas masaya ang maglaro.
2. Abala ang kuya mo sa kaniyang mga aralin. Inutusan ka niya na kumuha ng
isang basong tubig. Susunod ka ba?
a. Hindi po. Kaya na niya iyong gawin.
b. Magkukunwari akong hindi ko siya naririnig.
c. Susunod po ako dahil nakita kong abala siya.
3. May dumating kayong mga kamag-anak. Inutusan ka ng tiya mo na tulungan
sila sa pagbubuhat ng mga dala. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko sila tutulungan kasi hindi ko sila kilala.
b. Magtatago ako sa loob ng aking kuwarto dahil nahihiya ako.
c. Susundin ko ang utos ng aking tiya at magiging magiliw ako sa kanila.
4. Malapit na ang kaarawan ng inyong tatay. Sinabi ng iyong kuya na mag-iipon
kayo buhat sa inyong baon. Susundin mo ba siya?
a. Opo. Nais ko ring magbigay ng regalo sa aming tatay.
b. Sasabihin ko sa aking kuya na siya na lamang ang mag-ipon.
c. Hindi ko siya susundin. Silang dalawa na lamang ng ate ko ang mag-
ipon.
5. Bagong dating buhat sa trabaho ang iyong tiyo. Nakiusap siyang iabot mo sa
kaniya ang kaniyang tsinelas. Gagawin mo ba ito?
a. Gagawin ko po dahil madali lamang iyong gawin.
b. Hindi ko iyon gagawin sapagkat may pinanonood ako sa telebisyon.
c. Sasagot ako ng “Opo”, pero paghihintayin ko siya hanggang matapos
ang ginagawa ko.

J. Gawaing Bahay
Gumawa sa isang bond paper ng sariling kalendaryo para sa isang linggong
talaarawan ng iyong mga ginagawang pagsunod sa mga nakatatandang
kasapi ng pamilya. Simulang magtala sa araw ng Linggo hanggang Sabado.
Isulat sa huling araw ang iyong pasasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa iyo ng
mga kasapi ng pamilya. Ipakita at palagdaan sa isang kasapi ng pamilya at sa
guro ang talaarawan na nabuo.
Aralin 19

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos,
paggalang sa paniniwala ng iba at pagkakaroon ng pag-asa.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naipakikita ang pagmamahal sa magulang at mga nakatatanda, paggalang
sa paniniwala ng kapwa at palagiang pagdarasal.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa
EsP1PD- IVd-e – 2

II. PAKSA: PAGGAWA NANG MABUTI, KINALULUGDAN NG DIYOS


Aralin 4 “PAGGALANG SA PANINIWALA NG IBA”
Batayang Pagpapahalaga/Kaugnay na Pagpapahalaga: Respeto sa paniniwala
ng kapuwa
Dulog/Estratehiya: Think-Pair-Share, Direct Instruction, Scaffold-Knowledge
Integration
Integrasyon: MAPEH, AP

III. NILALAMAN
Curriculum Guide p.23
Teaching Guide p. 194-197
Textbook: Edukasyon sa Pagpapakatao p. 246-250
Materials : Chart , Powerpoint , mga larawan ayon sa paksa

IV. PAMAMARAAN
ALAMIN (Unang Araw)

A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin

Magandang araw. Tingnan mo ang bawat larawan. Nakakita ka na ba ng mga ito


sa inyong pamayanan? Ito ay mga gusaling pinupuntahan ng mga tao upang
sumamba. (Maaaring maglagay ang guro ng mga larawan na makikita sa kanilang
pamayanan.) Note: Ang mga larawan ay pamilyar sa mga bata.
https://www.flickr.com/photos/11541098@N06/9014526097/Nov.25,2018/7:23pm
https://attracttour.com/2014/02/church-of-iglesia-ni-cristo-to-hold-global-yolanda-walkathon-
worldwide-walk/Nov. 25,2018/8:53pm

https://www.rappler.com/life-and-style/arts-and-culture/64593-beautiful-mosques-
philippines/Nov.25,2018/6:36pm
https://www.trekearth.com/gallery/Asia/Philippines/Central_Visayas/Negros_Oriental/Dumag
uete/photo952981.htm/Nov.25,2018/4:56pm

Tanong:
Saan matatagpuan ang mga lugar sambahan na nasa larawan sa inyong pamayanan?
Sagot:
Unang larawan:
Immaculate Concepcion Parish Church Bauan Batangas
Ikalawang larawan:
Iglesia ni Kristo Aplaya Bauan Bauan Batangas
Ikatlong larawan:
Masjid, San Antonio San Pascual Batangas
Ika-apat na larawan
Baptist Church, Bolo Bauan Batangas
a. Sino ang pumunta sa mga gusaling nasa larawan?
b. Kailan kayo pumupunta at gaano kadalas kayo pumunta sa lugar na ito?
c. Ano ang ginagawa mo at ng iyong pamilya sa lugar na ito?
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Pagganyak
Magbigay ng lunsarang tanong batay sa mga larawang ipapakita ng guro.
1. Sino-sino ang mga sumisimba sa katoliko?
2. Sino-sino ang mga sumisimba sa Iglesia ni Cristo?
3. Sino-sino ang mga sumisimba sa Masjid/Mosque?
4. Sino-sino ang mga sumisimba sa Baptist?

Para sa mga batang hindi tumaas ang kamay. Tanungin kung ano ang kanilang relihiyon at
kung saan ang bahay sambahan nila.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


Tayo ay may kanyak-kanyang paniniwala, sa araling ito, tatalakayin natin
ang paggalang sa iba’t-ibang paniniwala ng mga Pilipino.
Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang paniniwala tungkol sa Dakilang
Lumikha. Marami sa mga Pilipino ang naniniwala sa Kristiyanismo. Kabilang dito
ang relihiyong Katoliko, Iglesia ni Cristo at Protestante. Mayroon ding naniniwala
sa Islam.
Bagama’t iba-iba ang mga paniniwala ng mga Pilipino, mahalagang igalang
ang mga ito. Ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng
iba ay ang sumusunod:
Sources: Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Kagamitan ng Mag-aaral
Sa mga larawang nakita ninyo, paano ipinakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba?

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin ang larawan na nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba. Ipapaliwanag ng mga bata ang larawan ayon sa
kanilang pagkakaunawa.
Nais mo bang tularan ang mga nasa larawan? Bakit?
Nais mo rin ba silang tularan?
Kung ikaw ang nasa larawan gagawin mo din ba ang ginawa niya?
Bakit?
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng
iba?
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng hindi nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba?
Sources: Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Kagamitan ng Mag-aaral

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pantomine:
Paano natin maipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba? Isakilos ang
inyong sagot at pahulaan sa kaklase.

ISAGAWA (Ikalawang Araw)


F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
Pangkatang Gawain
Paglalahad/Pagpapaliwanag ng rubriks na gagamitin sa pagmamarka
ng pangkatang gawain
Pamantayan 3 2 1
Kaangkupan sa Napalutang o Napalutang o Hindi
Paksa naipakita naipakita ang lumutang o
nang ganap paksa o tema. naipakita ang
ang paksa o paksa o tema.
tema.
Naipakita ang Nakapagpakita Hindi
Pagkamalikhain pagiging ng kaunting masyadong
malikhain. pagka- malikhain ang
malikhain pagkakagawa.
Kooperasyon Bawat isa ay Karamihan ay May mga
nakibahagi nakibahagi hindi
nakibahagi

Pangkat 1: “Bukas Ko! Punan Mo!”


Buksan ang envelope. Sa loob ng nito ay mayroong tatlong activity
card. Isulat sa activity card ang mga paggalang sa paniniwala ng iba.
Ipaliwanag sa klase ang bawat paniniwala

Pangkat 2: “Dula-dulaan”
Sa pamamagitan ng isang dula. Bumuo ng isang sitwasyon kung paano
maipapakita ang paggalang sa pininiwala ng iba

Pangkat 3: “Katha Mo, Tula mo”


Sumulat ng isang tugma tungkol sa Paggalang sa Paniniwala ng Iba.
Bigkasin ito ng buong puso sa mga kaklase.

Pangkat 4: “Awit ko! Indak N’yo”


Awitin sa tono ng “Bawat Bata”, Lapatan ng simpleng kilos

Bawat tao’y magkakaiba


Lalo na sa paniniwala
Paggalang sa paniniwala
Nang Iba ay Ugaliin
Hindi hadlang ang ating paniniwala
Upang tayo ay maging magkaibigan
Katoliko, Iglesia, Maging Muslim man
At kahit anong Relihiyon pa yan
Paggalang sa Paniniwala ng Iba ay ugaliin
ISAPUSO (Ikatlong Araw)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Think-Pair-Share
Kumuha ng kapareha. Pagtulungang kumpletuhin ang pangako ng
paggalang sa paniniwala ng iba sa inyong kuwaderno. Bigkasin ang inyong
pangako patungkol sa paggalang sa iba.
Makatutulong na alalahanin ang iyong mga natutunan upang matugunan
nang wasto ang mga patlang sa ibaba. Ibahagi ito sa klase.

Pangako ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba


Ako si __________________ , ay nangangakong igagalang ang
paniniwala ng iba. Ipakikita ko ang paggalang na ito sa pamamagitan
ng:
1. ______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
Iiwasan ko ang paggawa ng sumusunod upang hindi ko masaktan
ang aking kapwa:
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
_________________
Lagda

ISABUHAY (Ikaapat na Araw)


H. Paglalahat ng Aralin

Ano-ano ang mga relihiyon ng mga tao sa ating kominidad?


Paano mo maipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iyong kapuwa?
Bakit mahalaga ang paggalang sa paniniwala ng iba?

SUBUKIN (Ikalimang Araw)

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. tanong. Isulat sa kuwaderno ang
titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Si Lina ay isang katoliko. Alin sa mga sumusunod na larawan ang kanyang


simabahan?
Simbahan ng Iglesia ni Cristo Mosque

a. b.

Simbahan ng Baptist Simbahan ng Katoliko

c. d.

2. Ang mga larawang ito ay nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba maliban


sa isang larawan.

a.

b.

c. d.

3. May bago kang kamag-aaral galing siya ng Mindanao isa siyang Muslim. Ano ang
gagawin?

a. Iirapan ko siya.
b. Hindo ko siya papansinin.
c. Makikipagkaibigan ako sa kanya.
d. Hindi ako makikipagkaibigan sa kanya.

4. May nagpunta sa inyong bahay upang maihayag ang salita ng Diyos. Ano ang
gagawin mo?

a. Papasukin ko siya at habang naghahayag siya ng kanyang paniniwala ay


pagtatawanan ko siya.
b. Papasukin ko siya at hahayaan kong ihayag niya ang kanyang
paniniwala.
c. Pagsasarahan ko siya ng pintuan.
d. Wala sa nabanggit.

5. Alin sa mga sumusnod na larawan ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng


iba?

a. b.

c. d.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation


Paano mo ipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba? Gumupit o
gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba. Idikit
ito sa iyong papel o kwaderno. Ipaliwanag kung ano ang nasa larawan.
Aralin 20
1. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos,
paggalang sa paniniwala ng iba at pagkakaroon ng pag-asa.
B. Pangnilalaman sa Pagganap
Naipakikita ang pagmamahal sa magulang at mga nakatatanda, paggalang
sa paniniwala ng kapwa at pagdarasal.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nakasusunod sa mga gawaing pangrelihiyon
EsP1PD-IVf-g -3
2. Nilalaman

Aralin 6 Paniniwala ng Pamilya Ko, Sumusunod Ako!


Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Diyos, Pakikiisa sa mga gawaing pangrelihiyon

3. Kagamitang Panturo

Curriculum Guide p.24


Teaching Guide pp.215-218
Textbook: Edukasyon sa Pagpapakatao pp.271-276
Kagamitan: slide deck, larawan, activity card

4. Pamamaraan:.

A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at Pagsisimula ng Bagong Aralin


a. Masdan ang larawan ng parol na hawak ng guro. Sagutin ang
mga sumusunod na tanong.
Ano ang sinisimbolo ng parol para sa atin? Kailan
ipinagdiriwang ang araw ng pagsilang ng ating Panginoong Hesus?
Ano ang ginagawa ng mga Katoliko bago sumapit ang
Kapaskuhan? Bakit ito ginagawa?

http://www.grnow.com/event/filipino-parol-lantern-celebration-parade-and-ceremony
b. Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin ang larawan na
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.

Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Kagamitan ng mga Mag-aaral


B. Paghahabi sa Layunin
Pagmasdan ang mga larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Ano
kaya ang tawag sa pagdiriwang na nasa larawan?

http://www.bandilyo.com/sublian-festival-sa-bayan-ng-bauan- http://www.125tour.com/ph_event/80500
lalawigan-ng-batangas-isinagawa/

Gamitin ang kontekstong pahiwatig upang makuha ang tamang sagot. Bigyan ng ilang
pahiwatig tulad ng unang titik at huling titik ng salita.

Alamin ( Unang Araw)

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


Itanong: Sino- sino sa inyo ang nakapanood na ng Sublian? Ano- ano ang
nakikita ninyo sa pagdiriwang na ito?

Pakikinig sa maikling kuwento:


Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro.
Sublian Festival sa Batangas
Isa sa dinadayo at dinadaluhan na pagdiriwang ng mga mag-aaral, guro, opisyales ng bayan
at mga mamamayan ay ang Sublian Festival. Ito ay isang kaugalian na nagpapahayag ng
pananalig sa mahal na poong Santa Cruz. Sa pamamagitan ng gawaing panrelihiyong
ito,napapaunlad ang talento ng mga Batangueño sa pagsasayaw ng Subli habang patungo
sa simbahan. Tinitiis ng mga mananayaw at mananampalataya ang matinding sikat ng araw
upang maipakita ang pagpupuri sa patron ng nasabing lungsod.

Paalala: Maaring gumamit ang guro ng ibang localized na pagdiriwang sa sariling


komunidad o bayan.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng ating Kasanayan


Pagtatalakayan tungkol sa kuwentong napakinggan.
1. Tungkol saan ang inyong napakinggang maikling kuwento?
2. Ano ang ipinahahayag ng pagdiriwang na ito?
3. Anong uri ng sayaw ang inihahandog sa Mahal na Poon?
4. Ano ang ipinakikitang pagpapahalaga ng nasabing gawaing
panrelihiyon?
5. Ano ang dapat mong gawin bilang isang Katoliko sa mga
pagkakataong may Sublian o prusisyon na ginaganap?
Bukod sa Sublian Festival, ano- ano pang gawaing pangrelihiyon ang inyong sinasalihan o
sinusunod?
Magpakita ng ilan pang larawan ng mga gawaing panrelihiyon.

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/m
https://malikhaingwikaatkulturangpilipino.weebly.com/blog
ga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm

/
https://ssee1 5.wordpress.com/best-works-of-each- https://en.wikipedia.org/wiki/Flores_de_Mayo
subject/filipino/mahal-na-araw/

Ipatukoy ang mga gawaing panrelihiyon na ipinakikita ng bawat larawan. (pagsisimba,


pagsisismbang gabi, pagdalo sa Araw ng Palaspas at Santakrusan o Flores de Mayo).
Sino-sino sa inyo ang sumasama sa kanilang mga magulang o nakatatandang kapatid
sa pakikilahok sa prusisyon at iba pang gawaing panrelihiyon? Ano ang nararamdaman
ninyo pagkatapos ng gawaing ito?
Ano ang dapat mong gawin kapag may mga pagdiriwang tulad ng Sublian o prusisyon
sa inyong barangay?

Isagawa ( Ikalawang Araw)

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase sa tatlo na grupo.Ang lider ng bawat pangkat ay
bubunot ng gawain na nakasulat sa activity card.

Pangkat I-Magdulaan Tayo:


Magsadula ng isang sitwasyong nagpapakita ng iyong pakiisa sa pagdarasal ng
mag -anak.

Pangkat II-Magsayawan Tayo:


Magpakita ng ilang steps ng sayaw ng pagsusubli batay sa ipakikitang video clip
ng guro.

Pangkat III-Sumulat tayo:


Sa isang long typewriting, sumulat ng isang panalangin o dasal tungkol sa
pamilyang nagkakaisa sa gawaing pangrelihiyon.

Isapuso ( Ikatlong Araw)

F. Paglinang sa Kabihasaan
Lagyan ng tsek kung nagpapakita ng pagsunod sa mga gawaing
pangrelihiyon na pagpuprusisyon at ekis kung hindi.
_____1.Hindi tumigil si Erik sa paglalaro kahit tinatawagan na siya ng kanyang ina
upang magdasal.
_____2. Sumasama sa pagsisimba ng pamilyasi Ken tuwing araw ng pagsimba.
_____3. Sumasabay sa pag-awit ng papuri si Ben para sa dakilang Lumikha.
_____4. Hindi maagwat sa panonood ng TV si Dan kahit na dumaraan malapit sa
kanilang bahay ang Santakrusan.
_____5. Tuwing Mayo, sumasali si Jen sa pagsasagala sa Santakrusan.

Isabuhay ( Ikaapat na Araw)


G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw
Hikayatin ang mga bata na magkwento ng kanilang karanasan sa pakikiisa
sa gawaing panrelihiyon tulad ng pagpuprusisyon, Santakrusan , Sublian
Festival at iba pa.
H. Paglalahat ng Aralin
Ano- ano ang mga gawaing panrelihiyon na pinag-aralan natin? Ano ang
dapat mong gawin kung hinihikayat ka ng iyong mga magulang na dumalo sa
mga gawaing panrelihiyon?

Tandaan:
Sumunod sa mga gawaing panrelihiyon. Ito ay gawain na nakakalugod sa Panginoon.

Subukin ( Ikalimang Araw)

I. Pagtataya ng Aralin
Gumuhit ng dalawang bituwin kung wasto ang sumusunod na pahayag at isang bituwin
kung hindi.
_____1.Pakikiisa sa mga prusisyon at pagdarasal sa inyong barangay.
_____2.Pinagtatawanan ang mga gawaing panrelihiyon ng iba.
_____3.Sumasali sa pagsayaw ng Subli upang maipakita ang pananampalataya.
_____4.Hindi lumalabas ng bahay kahit na may prusisyong dumaraan.
_____5.Sumama lamang sa gawaIing panrelihiyon kung bibigyan ng pera ng mga
magulang.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang – Aralin


Magdikit sa kwaderno ng isang larawan mo nagpapakita na nakikiisa ka sa mga gawaing
panrelihiyon na pinag-aralan.Ipakikita ito sa klase sa sunod na araw.
Aralin 21
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa
kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos,
paggalang sa paniniwala ng iba at
pagkakaroon ng pag-asa
B. Pamantayang sa Pagganap Naipakikita ang pagmamahal sa magulang at
mga nakatatanda, paggalang sa paniniwala
ng kapwa at palagiang pagdarasal
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Nakapagdarasal nang mataimtim
Isulat ang code ng bawat EsP1PD- IVh-I - 4
kasanayan
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng EsP I 220-240
Guro
2. Mga pahina sa kagamitang EsP I 277-296
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Mabuting Asal at Wastong Pag-uugali 1
(Batayang Aklat).2000. pp.190-194
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang kagamitang Panturo Larawan ng mga epekto ng bagyo o lindol,
cartolina, activity sheets, mga larawan na
nagpapakita ng isang taong may positibong
pananaw, powerpoint, metacard
IV. PAMAMARAAN
ALAMIN (Unang Araw)

A.Balik-Aral sa nakaraang aralin Ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa


at/o pagsisimula ng bagong aralin larawan?

A. Paghahabi sa layunin ng aralin Balikan ang ilan sa mga larawang ipinakita ng


guro at sagutin ang mga tanong:
Kailan tayo nagdarasal?
Paano tayo nagdarasal?
Ano-ano naman ang inyong ipinagdarasal?
B. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ilahad ang isang maikling panalangin gamit
sa bagong aralin ang slide deck presentation. Dasalin ito nang
taimtim na sasaliwan ng awit ng papuri.

Panginoon, marami pong salamat sa


pagbibigay Mo sa amin ng napakabait at
napakahusay na guro tulad ni Titser Tess.
Alam Ninyo, ako po ay hinatian niya ng baon
kaninang recess time dahil nakita niya na
nagpatak ang aking kinakaing tinapay.
Napakabuti po niya sa aming mga
magkakaklase.

Sana po ay bigyan Ninyo siya ng


malakas na pangangatawan at ilayo sa mga
karamdaman para po araw-araw namin siyang
makasama at mabigyan kami ng mga
kaalamang dapat na matutunan. Hinihiling ko
rin po na bigyan pa siya ng mahabang buhay
upang mas marami pa pong bata ang kanyang
matulungan.

Amen.

C. Pagtatalakay ng bagong - Tungkol saan ang panalangin?


konsepto at paglalahad ng - Sino ang ipinagdarasal sa panalanging
bagong kasanayan #1 inyong binasa?
- Ano ang mga kahilingang hinihingi ng
mag-aaral sa Diyos para kay Titser
Tess?

D. Pagtatalakay ng bagong - Sa inyong palagay, ano ang


konsepto at paglalahad ng mararamdaman ni Titser Tess kung
bagong kasanayan #2 malalaman niya na siya ay
tinutulungan ng kanyang mga mag-
aaral ng pagdarasal?
- Dapat bang tularan ang bata sa
kanyang pagtulong na ginagawa sa
kanyang guro sa paraang pagdarasal?
Bakit?
- Bukod sa ginawa ng batang
pagdarasal, ano pa ang magandang
maaaring maitulong ng ibang mga
mag-aaral sa kanya?
ISAGAWA (Ikalawang Araw)
Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain
F.Paglinang sa Kabihasaan Pangkatin ang mga bata sa tatlo para tayahin
(Tungo sa Formative batay sa kanilang natutunan sa aralin.
Assessment)
I- Likhain at Iparinig Mo
Lumikha ng isang panalangin ng pag-asa
upang makamit ang minimithi sa buhay at
iparinig ito sa klase.
II- “Iguhit Mo Ako”

Sa isang cartolina, gumuhit ng isang larawan


na nagpapakita ng pagkakaroon ng pag-asa
sa buhay. Magtala ng tatlong payak na
pangungusap ukol dito.

III- “Iaksyon Mo Ako”

Isadula ang sitwasyon base sa inyong


kasagutan:

Kasali kayo sa paligsahan ng sabayang


pagbigkas sa inyong paaralan. Dalawang
araw bago ang paligsahan ay nagkaroon ng
sakit ang inyong gurong tagasanay. Ano ang
inyong gagawin upang maipakita ang lubos
na pag-asa at positibong pananaw sa buhay
sa sitwasyong ito?

Gawain 2
-Pagpapakita ng bawat pangkat sa kanilang
gawain.
-Pagmamarka sa ginawa ng mga bata batay
sa rubriks.
ISABUHAY (Ikatlong Araw) Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong
gamit ang larawan.
E. Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay

(Source:aftermathtyphoonHaiyan@photoshelter.com)

1. Masdan ang larawan. Anong kalamidad ang


naganap sa lugar na ito?
2. Ano ang nararamdaman mo tuwing
nakakakita ka ng pangyayaring tulad ng nasa
larawan?
3. Sa iyong palagay, ano ang dapat mong
gawin kapag naranasan mo ang ganitong uri
ng kalamidad?
4. Sa mga pagkakataong tulad nito, mahalaga
ba ang pagkakaroon ng pag-asa? Bakit?

(Ipasulat ang sagot sa metacard, ipaskil sa


pisara at ipabasa at ipaunawa sa mga
bata.)
F. Paglalahat ng Aralin Ano ang pinakamabisang paraan para
matupad ang iyong gusto lalong-lalo na kung
nasa panahon ka ng pagsubok at
paghihinagpis?
ISAPUSO (Ikaapat na Araw)

H.Pagtataya Iguhit ang masayang mukha


kung tama ang diwang isinasaad sa bawat
pangungusap at malungkot na

mukha kung hindi tama.


Sagutan ito sa inyong papel.
1. Ang pagdarasal nang taimtin ay tanda
ng pagmamahal sa kapwa
2. Ang taimtim na pagdarasal ay isang
paraan ng pakikipag-usap sa Diyos.
3. Ang isang taong may
pananampalataya sa Diyos ay laging
hindi nawawalan ng pag-asa.
4. Ang walang tigil na pag-iyak ay
makatutulong upang malutas ang
suliranin.
5. Ang pagdadamot ng tulong sa kapwa
sa panahon ng kalamidad ay isang
magandang pag-uugali.
SUBUKIN (Ikalimang Araw) Ugaliin ang palagiang pagdarasal nang
I.Karagdagang gawain para sa taimtim sapagkat ito ay gawaing kalugod-
takdang-aralin at remediation lugod sa Panginoon.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mga mag-aaral na naka-unawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo
ang nakatulong nang lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Aralin 22
V. LAYUNIN
D. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan
ng pagmamahal sa Diyos, paggalang sa
paniniwala ng iba at pagkakaroon ng pag-asa
E. Pamantayang sa Pagganap Naipakikita ang pagmamahal sa magulang at
mga nakatatanda, paggalang sa paniniwala ng
kapwa at palagiang pagdarasal
F. Mga kasanayan sa Pagkatuto Nakapagdarasal nang mataimtim
Isulat ang code ng bawat EsP1PD-IVh-i-4
kasanayan
VI.NILALAMAN
VII. KAGAMITANG PANTURO
C. Sanggunian
5. Mga pahina sa Gabay ng Guro CG ph. 72 ng 76
6. Mga pahina sa kagamitang ESP Patnubay ng Guro pp. 220-224
Pang-Mag-aaral
7. Mga pahina sa Teksbuk
8. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource
D. Iba pang kagamitang Panturo Larawan, cartolina, activity sheets at activity
cards
VIII. PAMAMARAAN
ALAMIN (Unang Araw) Iayos ang mga salita sa metacards upang
makabuo ng pangungusap
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong aralin na pagdarasal ugaliin

sa tuwina ang taimtim

may pangarap ang isang taong

laging may pag-asa

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Tumawag ng ilang mag-aaral na magkukuwento


ng paraan ng kanilang pagdarasal. Itanong ang
sumusunod:
- Gaano mo kadalas isagawa ang
pagdarasal?
- Saang lugar ka madalas magdasal?
- Sino ang kasama mo sa pagdarasal?
- Bakit tayo nagdarasal?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ilahad ang isang dayalogo gamit ang slide
sa bagong aralin
deck presentation. Ipabasa ito ng malakas.
Ang Magkapatid na Madasalin
ni: Pedro D. Arpia

(Hapon na ngunit nasa palaruan pa sina


Josephine at Coco.)

Josephine: Pung Kuya Coco! Taya ka na.


Lumabas ka na diyan sa likod ng swing.

Coco: Madaya ka naman at nakabukas ang


mata mo noong ikaw ay nagbibilang kaya
nakita mo ako noong magtago..

(Biglang tumunog ang kampana)

Coco: Naku! Orasyon na Josephine. Tumigil


muna tayo paglalaro at tayo muna ay
magdasal.

(Taimtim na nagdasal ang dalawa sa kanilang


kinatatayuan hanggang sa matapos ang
pagtunog ng kampana)

Coco: Halika na at baka hinahanap na tayo


ni Nanay.

Josephine: Sige, tayo na. Bukas, ikaw uli ang


taya ha?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto - Sino sino ang tauhan sa dayalogo?


at paglalahad ng bagong - Ano ang ginagawa nila noong hapong
kasanayan #1 iyon?
- Naglalaro rin ba kayo ng taguan?
- Ano ang nangyari habang sila ay
naglalaro?
- Bakit tinutugtog ang kampana
pagdating ng ala-sais ng gabi?

E .Pagtatalakay ng bagong - Sino sa inyo ang nagdarasal pagsapit


konsepto at ng orasyon?
paglalahad ng bagong - Dapat bang magdasal pagsapit ng
kasanayan #2 orasyon? Bakit?
- Paano ka magdasal?
- Ipaliwanag kung bakit dapat taimtim
tayong magdasal.
ISAGAWA (Ikalawang Araw ) Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain
- Pangkatin ang mga bata sa tatlo para
F.Paglinang sa Kabihasaan tayahin batay sa kanilang natutunan sa
(Tungo sa Formative aralin.
Assessment)
I- “LIGHTS CAMERA ACTION”
Magsadula ng isang sitwasyong magpapakita
ng pasasalamat ng mag-anak sa mga bagay na
kaloob ng Diyos.

II- “AWITAN MO AKO”


Awitin ang inihandang awit ng guro sa himig na
“Ang mga Ibon”
Ang Panginoong Diyos
Mahal naming lubos
Kami’y Inyong tinubos
Sa kasalanang kami’y nakagapos.

Ligayang aming nadarama


Sa buhay na aming tinatamasa
At sa patuloy na pagpapala
Na nagmula sa Iyo.

III-“TULAAN TAYO ”
Bigkasin ang tula ng buong husay,sabay-sabay
at may damdamin.

Ating laging ugaliin


Mananalangin ng taimtim
Ipagpasalamat natin
Mga biyayang bigay sa atin.

Ito ay nararapat na ating pagyamanin


Upang Maykapal ay magalak sa atin
Sa lahat ng oras ay ating isipin
Diyos ay ating parangalan at mahalin.

Matapos maisagawa ng bawat pangkat ang


gawain nila, iproseso ito sa pamamagitan ng
mga gabay na tanong:

Pangkat I:
a. Ano ang mga bagay na ipinagpapasalamat ng
mag-anak?
b. Paano nagpakita ng pasasalamat ang mag-
anak?
c. Marapat ba ang kanilang ginawa? Bakit?
d. Kung isa ka sa kasapi ng mag-anak, ganun
din ba ang gagawin mo?Ipaliwanag ang sagot.

Pangkat II:
a. Ano ang ipinahihiwatig ng awitin?
b. Ano ang mga kabutihang ipinakita ng Diyos?
c. Paano binigyan ng papuri ang Diyos sa
kabutihan Niyang taglay?

Pangkat III:
a.Anong payo ang nabanggit sa tula na dapat
ginagawa mo?
b. Marapat bang ito ay gawin? Bakit?
c. Paano mo pinangangalagaan ang kaloob ng
Diyos na biyaya sa iyo? (Magbigay ng
halimbawa ng mga biyaya.)
ISABUHAY (Ikatlong Araw) Sagutin ng Oo, Hindi, o Minsan ang mga
tanong sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang
G. Paglalapat ng aralin sa pang- kolum ng iyong sagot.
araw-araw na buhay
Mga Tanong Oo Hindi Minsan
1. Taimtim ba ang
pananalangin mo
kung habang
isinasagawa mo ito ay
nakikipag-usap ka sa
iyong kaklase?
2. Hinihiling mo ba sa
iyong panalangin na
magkaroon ka ng
malusog na
pangangatawan?
3. Hinihiling mo ba sa
iyong panalangin ang
kaligtasan ng pamilya
mo sa anumang
sakuna?
4. Kinakausap mo ba
ang Diyos kapag ikaw
ay nananalangin?
5. Ang panalangin ba
ay sumasagot sa
iyong kahilingan?

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makausap


ang Diyos nang harapan, ano ang iyong
magiging hiling sa kanya? Bakit?

ISAPUSO (Ikaapat na Araw) Ano ang pagdarasal?


Ang pagdarasal ay isang paraan ng
H. Paglalahat ng Aralin pakikipag-usap sa Diyos.

Ano ang nagagawa ng pagdarasal sa ating


buhay?
Sa pamamagitan ng pagdarasal, ang mga
batang tulad namin ay nagiging mabait sa
Kanya.
SUBUKIN (Ikalimang Araw) Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
I. Pagtataya Isulat ang TAMA kung wasto ang kaisipang
ipinahahayag sa bawat bilang at MALI kung
hindi.
6. Ang paghiling sa Diyos ay dapat na may
kalakip na gawa.
7. Hindi ko gawain ang manalangin dahil
ako ay bata pa.
8. Kakausapin ko ang aking katabi
habang siya ay nananalangin.
9. Gawing taimtim ang panalangin upang
higit na mailahad mo sa Diyos ang iyong
nais.
10. Sa tuwing ako’y aalis na sa aming
paaralan ay isinasama ko sa panalangin
ang aking kaligtasan.
J.Karagdagang Gawain para sa Laging isagawa ang pagiging madasalin tanda
takdang- ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos sa mga
aralin at remediation biyayang natatanggap araw-araw gayundin ang
paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanang
nagawa.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mga mag-aaral na naka-unawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo
ang nakatulong nang lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like