You are on page 1of 2

SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL

Camella Homes 4, Poblacion, Muntinlupa City

Ikaapat Markahan
Grade 2 – Filipino
SY 2019 – 2020

Aralin #2
Wika: Kaantasan ng Pang-uri
Lantay- Pang-uring naglalarawan sa katangian ng iisang pangngalan o
panghalip. Walang paghahambing sa katangian sa kaantasang ito.
Halimbawa: Masaya ang hari sa tagumpay na kanilang nakamit.

Pahambing- Pang-uring naghahambing ng dalawang pangngalan.


Halimbawa: Mas masipag siya kaysa sa akin.
Magsingsipag ang hari at reyna sa pangangalaga ng
kaharian.

Pasukdol- Pang-uring naghahambing ng higit sa dalawang pangngalan.


Gumagamit ito ng mga salitang ubod ng, hari ng, saksakan ng, napaka-,
pinaka-, pag-uulit ng pang-uri at iba pa.
Halimbawa: Pinakamasaya sa lahat ang magsasaka dahil nakatulong siya
sa kanyang bayan.

Karagdagang Kaalaman: Pang-uring Magkasingkahulugan at Magkasalungat


Ang Pang- uring Magkasingkahulugan ay mga salita o pares ng salitang may
parehong kahulugan.
Halimbawa: matalino- marunong
masipag- matiyaga

Ang Pang- uring Magkasalungat ay mga salitang may hindi magkatulad ng


kahulugan o ito ang kabaliktarang kahulugan ng salita.
Halimbawa: pandak- matangkad
manipis- makapal

Takdang Aralin # 2 (Ipapasa sa February 27, 2020)


Panuto: Magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng pang-uring
magkasingkahulugan at magkasalungat. Pumili ng isang salita at gamitin sa
makabuluhang pangungusap batay kaantasan ng pang-uri. Ilagay ang sagot
sa talahanayang nasa ibaba.
Halimbawa:
Magkasingkahulugan Magkasalungat:
1. mabisa – epektibo 1. mataas - mababa
2. bantog – sikat 2. makapal - manipis

Pangungusap:
1. Lantay: Mabisa ang gamot na nireseta ng doktor kaya gumaling ako agad.
2. Pahambing: Mas mabisa ang pagpapagamot sa doktor kaysa sa
albularyo.
3. Pasukdol: Pinakamabisa itong gamot sa lahat ng nasubukan ko.

Magkasingkahulugan Magkasalungat
1. 1.

2. 2.
Pangungusap:
Lantay:

Pahambing:

Pasukdol:

You might also like