You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI-Kanlurang Visayas


Sangay ng Capiz
CAPIZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Lungsod ng Capiz

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


KONTEMPORARYONG ISYU
Ikatlong Markahan

A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa:
mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan
upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag- aaral ay:
nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay– pantay
ng tao bilang kasapi ng pamayanan
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex.
D. Layunin
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kasarian.
AP10KIL-IIIa-2
I. NILALAMAN
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Pinakapaksa: Uri ng Kasarian

II. Kagamitang Panturo


Laptop, DLP, Manila paper, Strips of Cartolina
A. Sanggunian
1. TG - pahina 220 hanggang 225
2. LM-pahina 262 hanggang 266

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Pagbabalik Aral:
Isang napakagandang umaga sa inyong
lahat mga minamahal kong mga mag-aaral.
Bago natin simulan ang lahat ay nais ko
munang tumayo ang lahat para sa isang
panalangin.

Maraming salamat! Maaari ng maupo ang


lahat. Ngayon bago natin simulan ang ating
panibagong aralin sa araw na ito ay nais ko
munang magbalik tanaw tayo sa nakaraan.
Balikan muna natin ang ating tinalakay
kahapon.

Batay sa natalakay natin sa nakaraang


leksyon ano ang pagkakaiba ng gender at sex?
B. Paghahabi sa Layunin:
Maari nyo bang basahin ang ating layunin
sa araw na ito ng sabaysabay? (Powerpoint
slide)
Gawain 1: Buuin ang mga pinaghalo-halong letra
upang makabuo ng salita.
1.KASARIAN
1. ANKASARI

2. OTA 2.TAO

3. GERDNE 3.GENDER

4.SEX
4. EXS
5.LGBT
5. BGLT

C.Pag-uugnay ng halimbawa
Pagpapakita ng larawan.
Gawain 2. Ipakita Ko, Tukuyin Mo!
(Four Pics one word)
Handa na ba kayong umpisahan ang ating
panibagong aralin sa araw na ito? Kung kayo’y
handa na, itaas ang inyong kanang
kamay.Ngunit bago ang lahat ay magkakaroon
muna tayo ng isang laro, ang larong ito ay
tatawagin nating “Ipakita Ko, Tukuyin Mo!”.
Magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Meron
akong ipapakitang mga larawan, ang inyong
gagawin ay huhulaan ninyo kung sino ang
pangalan at ano ang uri ng kasarian ng
nasabing larawan sa pamamagitan ng paunahan
ng pagsagot gamit ang metacards. Handa na ba
kayo? Isa, dalawa, tatlo…
1.Rodrigo Duterte - Lalaki
1. 2.
2. Marian Rivera - Babae
3. Vice Ganda - Gay
4. Aiza Seguera - Lesbian
3. 4.

1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan o - Opo/hindi Ma’am!


ipinahihiwatig ng bawat larawan?
2. Ano-ano ang iyong naging basehan sa - Ang naging basehan po namin
pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan? ay kilala sila sa industriya ng
telebisyon.
Ang larong ating ginawa ay may kinalaman sa
ating panibagong aralin sa araw na ito. Mayroon
na ba kayong ideya kung ano ang ating pag-
aaralan sa araw na ito?

D. Pagtalakay sa konsepto
Ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay
tungkol sa Uri ng Kasarian.
Gawain 3: Ulat Mo, Aksyon Mo! 1. Babae-
Sa pagsisimula,magkakaroon tayo ng 2. Lalaki-
Pangkatang Gawain. Hahatiin ko kayo ulit sa 3. Lesbian (tomboy) - Sang babae
limang pangkat. Ang bawat pangkat ay na may emosyonal at pisikal na
bubunot ng kani-kanilang numero. Bibigyan ng atraksyon sa kapwa babae at
kinikilala ang sarili bilang
tag-iisang colored envelop ang bawat pangkat
lesbian;
na may lamang paksa o kasarian. Kailangang Jane Lynch, Amerikanang artista
ipakita ng bawat pangkat ang angkop na kilos sa Glee, isang palabas sa
ng kasariang kanilang nabunot.Bawat pangkat telebisyon (tinatawag sa ibang
ay bibigyan lamang ng tatlong minuto sa bahagi ng Pilipinas na tibo at
paghahanda at dalawang minuto naman para tomboy)
sa presentasyon. 4. Gay (bakla) - Isang lalaki na may
emosyonal at pisikal na atraksyon
1.Lesbian para sa kapwa lalaki at kinikilala
2.Transgender ang sarili bilang gay. Ginagamit
3.Bisexual din ang salitang ito para sa mga
lesbyana sa labas ng Pilipinas.
4.Gay may iilang bakla ang nagdadamit
5. Transexual
at kumikilos na parang babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na; bakla, beki, at
bayot).
John Amaechi, retiradong
manlalaro ng NBA ;
5. Bisexual – isang tao na may
pisikal at emosyunal na atraksyon
para sa dalawang kasarian babae
at lalaki.
6. Transgender - Salitang
naglalarawan sa mga taong ang
gender identity o gender
expression ay hindi tradisyunal na
kaugnay ng kanilang sex
assignment noong sila ay
pinanganak at kinikilala ang sarili
bilang transgender;
Sila ay maaaring transsexual,
cross-dresser, o genderqueer .

Justine Ferrer, ang unang


babaeng transgender sa palabas na
Survivor
* Transexual-mga taong binago
ang kanilang katawan o
bahaging kanilang katawan sa
pamamagitan ng
pagpapaopera.

* Cross Dressers o CD—mga


taong nagbibihis gamit ang
damit ng kabilang kasarian.
Hindi nila binabago ang
kanilang katawan.
Hal.Victoria Prince,
isang aktibistang CD
sa Amerika.
* Genderqueers—mga taong
itinatakwil ang gender binary o ang
konsepto na dalawa lang ang kasarian.
Minsathoseere are only two genders.
Naniniwala ang ibang genderqueer na
sila ay walang kasarian (agender) o
kombinasyon ng kasarin (intergender).
Hal. Riki Wilchins, isang manunulat
Krayterya sa paggawa ng Gawain:
1. Nagawang mabuti ang kilos 25
2. Wastong datos 25

Kabuuang puntos: 50

E. Paglinang sa Kabihasaan
Pagbigay ng mga pamprosesong tanong ukol
sa isinadula ng bawat pangkat.

1. Ano ang naging saloobin ninyo habang


ginagawa ang pag-uulat at kilos?
2. Batay sa isinagawang gawain ng bawat
pangkat,paano nagkakaiba ang katangian ng
bawat kasarian?
a. Emosyon
b. Kilos

F. Paglalapat ng Aralin
Pagtanong sa mga mag-aaral.
Sino-sino ang mga kilala ninyong
1. Aiza Seguerra
personalidad o celebrity na masasabing:
2. Vice Ganda
1. Lesbian o Tomboy
3. Charise Pempengco
2. Gay o Bakla
4. Ellen de Generez
3. Transgender
5. Rustom Padilla
4. Bisexual
5. Transexual

- Opo ma’am, meron pong


G. Paglalahat ng Aralin lalaki, babae, tomboy at bakla
Sa inyong kumunidad may makikita ba kayong
iba’t ibang uri ng kasarian?
- Ang konklusyon ko po ay
tanggap na sa bansang
Kung meron, ano ang inyong mabubuong
Pilipinas ang mga tinatawag na
kunklusyon dito?
LGBT.

- Maipapakita ko po ito sa
pagbibigay ng respeto kung
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa
ano mang uri ng kasarian ang
bawat kasarian?
kanilang gusto, dapat
tanggapin at walang
pagdidiskrimina sa kanila

H. Pagtataya ng Aralin
Gawain: Tukuyin ang bawat pahayag kung
anong uri ng kasarian ito at piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Bisexual Lesbian
Transexual Gay
Transgender Babae
_______1. Mga taong binago ang kanilang - Transexual
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera.
_______2. Mga lalaking nakararamdam ng - Gay
atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang
babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na; bakla, beki, at bayot).
_______3. Kung ang isang tao ay - Transgender
nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.
_______4. Mga taong nakararamdam ng - Bisexual
atraksyon sa dalawang kasarian babae at lalaki.
_______5. Sila ang mga babae na ang kilos at - Lesbian
damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.

I. Takdang Aralin:
Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at
isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex
mula sa mga natutunan mo sa aralin sa
pamamagitan ng pagkumpleto sa mga
pangungusap sa ibaba.
Isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng mga uri ng
kasarian.
Mula sa araling ito, natutunan ko na merong
iba’t ibang uri ng kasarian ito
ay____________________________________
_____________,transgender naman
ay____________________________________
___________________________samantalang
ang lesbian naman ay tumutukoy
sa___________________________________.

IV. MGA TALA/PAGNINILAY


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking na solusyunan sa tulong ang aking punung guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko
guro

Inihanda ni:

JIJI A. ABADIANO
Araling Panlipunan Teacher

Pinuna ni:

SEPHORA M. ROLDAN
EPS-Araling Panlipunan

You might also like