You are on page 1of 2

Nobyembre 2019 Mahal kong punong-gurong Miss Jean Manayan,

Magandang araw po.

Ako po ay magulang ng grade 2 sa ilalim ng gurong si Mrs. Jeneth Solabo. lpagpaumanhin po


ninyo kung hindi na po ako magpakilala upang pangalagaan ang identity ng aking anak at upang
maiwasang siya ay pag initan ng gurong ito. Mas minabuti ko rin pong itago ang aking katauhan.

Mahirap lang po kami kaya P20.00 lang ang kaya kong ipabaon sa anak ko. Subalit minsan,
walang trabaho ang asawa ko kaya may mga pagkakataon na minsan ay walang baong pera ang
anak k0. Nagsusumbong po ang anak ko na nagagalit daw po ang teacher niya tuwing sinasabi
niyang wala siyang baon. Kaya po sinisikap naming mag-asawa na pabaunan ng P20.oo ang
anak naming.

Ako po ay nagtataka sapagkat tuwing uuwi siya ng bahay mula sa paaralan ay napapansin ko na
palagi siyang gutom. Lagi siyang dumidiretso sa aming munting kusina upang magbungkal ng
kaldero at maghahanap ng ulam. Kapag walang kanin at ulam ay humihingi siya sa akin ng
pambili ng tinapay. lnisip ko lang po dati na siya ay growing child at baka nagialaro muna siya
bago umuwi kaya ganoon.

Hanggang noong isang araw, habang kaming mag anak ay naghahapunan, tinanong ko ang anak
ko kung naglalaro ba muna siya bago umuwi ng bahay. Sinagot niya na hindi raw kasi ang bilin
ng teacher ay deretso uwi na sila. Kaya tinanong siya ng kanyang ama kung bakit parang Iagi
siyang nagugutom. Sumagot ang anak ko na hindi siya talaga nabubusog dahil soup Iang ang
kinakain niya mula sa kantin ng kanilang paaralan araw-araw.

Nagtaka kami at nagkatinginan ng aking asawa. Matapos ay nagkuwento na ang aming anak na
Iahat ng nagbabayad ng P20.00 ay tig kakaunting soup lang ang ibinibigay ng teacher niya. Kami
po ay talagang nagulat. Sumagot pa siya na ung laman ng tray na sandwich, biskwit, mais, saging,
hopia at iba pa ay ibinebenta ng teacher niya. Nagtitimpla daw po ito ng juice at pinagbebenta rin
sa mga iskwela niya. Nagtitinda rin po raw ang kanyang teacher ng candies, chocolates at iba pa
na alam po niyang ipinagbabawal ibenta sa mga bata ayon sa ordinansa ng Pasig. Kinakapkapan
daw sila at pilit pinauubos ang mga paninda niya.

Kami po ay talagang nagalit nang malaman ang mga bagay na ito. Sa labas nga po ay
P10.00P15.00 Iang ang isang balot ng sopas, champorado o lugaw, tapos sa teacher niya ay
P20.00!!!! at kakaunti pa!!!
Napakawalang puso ng teacher na ito! Nagkuwento pa po ang anak ko na madalas silang saktan
ng gurong ito. May hinahataw sa pamamagitan ng kanyang kamay at ang iba ay kinukurot pa.
Hindi po ba bawal manakit ng mga bata ang mga guro at siya po ay dapat parusahan?

Nais ko pong matigil na ang ganitong gawain ng gurong ito. Ako po ay dumudulog sa inyong
opisina na kung maaari ay mag imbestiga po kayo, mahal naming punong guro, upang malaman
niyo po ang katotohanan. Maaari niyo pong tanungin ang mga iskwela niya nang hindi po siya
kaharap upang hindi po sila matakot magsabi ng katotohanan. lnaasahan k0 p0 na magagawan
niyo po ng kaukulang agarang aksiyon ang dinudulog ko pong problema.

Susulat din po ako direkta sa opisina ng DepEd upang isumbong at ipaalam ang kasamaan ng
gurong ito. Hindi po siya karapat-dapat na maging guro dahil wala siyang puso at wala siyang
awa sa mga bata! Hindi p0 ba siya nakokonsensiya na sa halagang P20.00 ay soup lang ang
ibinibigay niya? Sobrang hapit po ba siya? Hindi p0 dahilan na mahirap siya upang gawin niya
ang mga bagay na nabanggit sa mga anak naming ipinagkatiwala namin sa kanya.

Opo, totoong mahirap lang po kaming mag anak, ngunit alam po namin na may dahilan at may
karapatan kaming magreklamo. Alam po naming nasa tama kami. Hanggang dito na lamang po
at ako po ay umaasa na bibigyang pansin po ninyo ang sulat kong ito na ipinadala ko rin p0 sa
opisina ng butihin nating Mayor Vico Sotto.

Lubos na gumagalang,

Mrs. Anonymous
Chat conversation end
Type a message...

You might also like